Before you read, imagine Sir Chief and/or Maya staring at a blank space, uttering the lines in their minds, alternately or simultaneously.
ANG TULIRO KONG PUSO
Sadya mang magulo ang aspetong ito
Naghahari s’yang damdamin ng puso
Isipan ay hindi pwedeng manggambala
Sa pagkasidhi, pagpigil ay ‘di kaya
Sino ba naman ang isang katulad ko
Upang humambalang sa agos na ito
Pilit na lalabanan ang pagragasa
Ngunit wala na nga namang magagawa
Hindi ko pa alam kung bakit ganito
Ang tanging pinipintig ng damdamin ko
Wala nang iba pa kundi pangalan mo
Paulit-ulit, sadyang nakakalito
Ito ba’y wala na talagang hangganan?
Hindi ba kaya ng pusong ‘to lumaban?
Wala bang karapatan aking isipan?
Sadya na akong nagugulumihanan.
Bakit ngayon lamang ito napagtanto?
Walang namang binatbat ang kahit sino
Kapag lumusong na sa ilog na ito
Mangmang ang pinakamatalinong tao
Hindi pa nga ako nakakapagpasya
Paano kung ako ay magpapadala
Sa pagsintang tubig na maalinsangan
Na itinakdang bawal ng kapalaran
–
Hi, everyone! This poem is legitimately written by me 2 years ago. Naisip kong i-share kasi nung sinulat ko ‘to, nasa kaparehong sitwasyon ako ni Maya. I re-read the poem and thought that it would perfectly fit the characters’ emotion and thoughts at this point in time, lalo na ang nagugulumihanang si Sir Chief. Actually miski nga kay Nikki at Luke pwede eh. I hope you like it!
Visit my blog for more: www.expressivelass.wordpress.com
so beautiful! :0)
salamat!
sobrang matalinhaga…galing-galing
salamat!
…BOW!…
…clap! clap! clap!…
Haha, bow! Thanks!
Cool! I hope to read more poems from you.
Thanks!
you are one very talented lass… and a real classy one at that!
love this work of yours! are there more?
Thank you so much! I just thought that the poem suits the mood of this point in the story of Maya and Sir Chief.
There are more compositions in my page.