FIRST LOVE – Part 4
I have experienced love because you have loved me so freely, so honestly. Without question, without hesitation. You embraced me with all your heart and yet, are willing to let me go – to spread my wings, for me to grow. Should you let me go? Because you ask, I asked. Because you care, I cared. Because we needed each other. Because we loved each other.
I know. There won’t be any goodbyes; for our heart belongs to each other… from the very start.
***
SIR CHIEF: Liza, cancel all my appointments for the rest of the day. I am going home. [Sabay tayo upang lumabas sa kanyang kuwarto.]
LIZA: Pero Sir.. [Ang panimula nitong sabi ngunit ng makita ang itsura ng kanyang boss, ay tumango na lang ito at sinabing…] Okey Sir, ako na ang bahala rito. [At kanya ng hinayang umalis ang kanyang amo.] Ano kaya ang nangyayari rito sa boss kong ito? Aba eh halos magtatatlong linggo na parang may malalim na iniisip. Mukha pa atang pumayat ah… Tanungin ko na kaya si Manang Fe kung baka may problema sa bahay..Hindi, baka naman mag-aalala iyon ng husto. Si Maya kaya ang tanungin ko? ..[Sabi nito sa sarili at sinubukang tawagan si Maya..]
**
MAYA: Hello Ma’am Liza!
LIZA: Hi Maya! Naistorbo ba kita? May itatanong lang sana ako sa iyo.
MAYA: Ay Ma’am Liza, di po kayo nakakaistorbo . [Ang masayang pagtanggi ni Maya.] Ano po ang itatanong ninyo?
LIZA: Ah eh… May nangyari ba sa bahay ni Sir Richard?.
MAYA: Po? Bakit po naman ninyo naitanong?
LIZA: ..Ah.. ah… Concern lang ako at hindi ako nagtsi-tsimis ha? [Pag-aalinlangan nitong sabi sa kausap.]
MAYA: Ma’am Liza, alam ko naman po iyon…Pero wala naman po akong alam na nangyari. Kayo nga po ang gusto kong tanungin kung may nangyari sa opisina?
LIZA: Bakit mo naman tatanungin iyan sa akin?
MAYA: Bakit po? Eh kasi po, halos ilang linggo ko na pong napapansin na parang malalim ang iniisip ni Sir Chief… Pagdating ng bahay, nandoon lang sa opisina laging nasa computer. Lalabas lang kung darating na si Sir Luke sa gabi. Mag-uusap yung mag-ama sa veranda, tapos magpapaalam lang sa mga bata at pasok na kaagad sa kuwarto..
LIZA: Ganoon ba…
MAYA: Oo nga po, at saka napansin ko po na lately parang hindi po siya umiinom na ng kape. Parang hindi nababawasan yung kapeng tinitimpla ko..
LIZA: Well, pina-cancel niya ang lahat ng appointment niya at uuwi na raw siya ng bahay. Nasa Time Airways ka ba ngayon?
MAYA: Opo, pero papauwiin po kami ng maaga dahil may mga meeting ang mga bossing namin. Hanyo, titingnan tingnan ko po si Sir Chief pagdating ko ng mansyon.
LIZA: Lagi mo namang tinitingnan siya eh. [Ang mahinang bulong nito sa telepono..]
MAYA: Ano po iyon?
LIZA: Ah..Wala, Maya. Ang sabi ko, bahala ka na kay Sir Richard. [Pagtatanggi nito sa sinabi.]
MAYA: Ay opo! Huwag kayong mag-aalala. Ako ang bahala kay Sir Chief. Sige po, Bye!..[SA ISIP NI MAYA: Bakit kaya umuwi ng maaga si Sir Chief? May sakit kaya? Sana pauwiin kami na kaagad para makita ko si Sir Chief.]
LIZA: Bye Maya! [SA ISIP NI LIZA: Ano kaya ang nangyayari kay Sir Richard? May sakit kaya ito at walang pinagsasabihan kung kaya’t pati sa bahay nila ay walang nakakaalam?]
***SA MANSYON NG MGA LIM
MANANG FE: O Ricardo napauwi ka ng maaga. [Ang bati nito kaagad sa dating alaga ng makita itong papasok ng bahay.]
SIR CHIEF: Masama ang pakiramdam ko Manang, so ihihiga ko lang..[Ang sagot nito kaagad at nagsimulang umakyat ng hagdan. ]
MANANG FE: Sasama ako sa pagsundo kay Abby dahil mag-gro-grocery muna kami bago sunduin si Abby. Sandali lang kami, Ricardo. [Lumingon lang ang kausap at tumango at nagtuloy-tuloy ito sa kanyang kuwarto.] [SA ISIP NI MANANG FE: Ano ba ang nangyayari kay Ricardo at halos mga ilang linggo na matamlay at tahimik. Mukhang may dinaramdam na kung papaano..]
JOMA: Manang Fe, ang lalim po ata ang iniisip ninyo ha? [ Tanong nito kaagad ng makita sa may pintuan. ] Tatawagin ko na po sana kayo para sunduin natin si Abby eh andito na po pala kayo.
MANANG FE: Eh dumating kasi si Ricardo.
JOMA: Ah ganoon po ba? ..Ah..Manang Fe, huwag kayong magagalit ha? [Pag-aalinglangan nitong tanong sa kausap.] May sakit po pa si Sir Richard? [Nang hindi ito kumibo ay nagpatuloy ito.] Eh kasi po hindi nag-re-react ng kahit ano noong isang beses na dumating siya ng maaga at nakitang naghaharutan yung sina Doris at Sabel. Ni hindi ngumiti o nagalit, as in deadma lang. Nakakapag-taka talaga, so medyo nakakapag-alala lang po..
MANANG FE: [Tumingin ito sa kinaroroonan ng pinag-uusapan at napa-buntong hininga.] Tara na Joma at baka mahuli tayo kay Abby. [Ang kaagad nitong sabi sa kasama ng hindi sinasagot ang itinanong tungkol sa dating alaga.]
JOMA: Ay opo Manang Fe! [Dali-dali itong pumasok sa sasakyan.][SA ISIP NI JOMA: Napapansin rin ni Manang Fe si Sir Richard pero mukhang hindi niya rin alam ang dahilan nito. Ano kaya ang pino-problema ni Sir?]
***SA LOOB NG KUWARTO NI SIR CHIEF:
[Pagkapasok sa kuwarto ay humiga na lang ito sa kama ng hindi nagpapalit ng kasuotan. Habang nakatingin sa kisame ay kinakausap ang sarili..]
“Richard, ano ba ang nangyayari sa iyo?…Hndi ka na maka-pagtrabaho ng husto. Nahihirapan na si Liza sa iyo para ayusin ang papapalit-palit ng schedule mo. Papasok, hindi papasok. Uuwi ng maaga. Bakit wala ka ring ganang kumain? Kahit yung kape ni Maya, parang ayaw mong inumin. Hindi naman ikaw ang nakipag-break para magkaganito. Yung anak mong si Luke. Hindi ba’t kaya mo kinakausap halos gabi-gabi para samahan siya sa ganitong pinagdaraanan niya. First Love kasi. Mahirap makalimutan. Tulad sa amin ng sa Mommy Alex niya… Pero, mukha namang okey siya, although ayaw niya munang makita o makausap si Joey sa ngayon dahil sa may tampo pa rin daw siya…Eh ako, ano ang dahilan ko?” [Tanong niya sa sarili na kung saan alam din niya ang kasagutan. ..]
Si Maya!…[Nang pumasok sa isip niya ito, ay kinuha ang unan at inilagay sa mukha at niyakap ng husto na tila ba pinipigilan niya ang paghinga...]
Stop it Richard! [Bumalikwas ito nang tayo sa kama at nagtungo sa banyo. Naghilamos ito ng tubig ng tila paraan para hindi maituloy ang iniisip. ]
Damn it!” [Ang pagkayamot nitong sabi kung kaya’t nagsimula itong magtanggal ng damit at binuksan ang shower sa pagaakalang ang buhos ng tubig sa katawan ay mawawala ang naiisip o nararamdaman.]
[AUTHOR’S NOTE: I will just leave it to your imagination our Sir Chief taking a shower. With water pouring down his face and body..In deep thoughts about the one reason he is acting this way – Maya. .. Sorry, mga readers. May censorship kasi eh..he he he Besides, baka hindi na ako matapos magsulat. Mapipirmi na lang sa eksenang ito. Yun nga lang, walang water conservation sa scene na ito...he he he... It is really a long, cold shower for Sir Chief..ha ha ha.]
***IN ABBY’S SCHOOL
MANANG FE: Hi Abby! [Bungad agad ng makita ito. Ngunit, imbis na sumagot ito, ay yumakap na lang ito kaagad.] Bakit Abby? Anong nangyari? [Pag-aalalang tanong nito kaagad sa bata ngunit iling lang at tulo ng luha ang sagot nito. Hinaplos-haplos nito ang buhok nito at sinabing..] Joma, uuwi na tayo. [At agad na sumakay na ang mga ito sa sasakyan.]
[Agad na pinaandar ni Joma ang sasakyan.] [SA ISIP NI JOMA: Ano ba ang nangyayari sa pamilyang ito? Una, si Sir Richard? Ngayon naman si Abby? Aba, mahihirapan si Maya nito pagnagkataon..Teka, si Maya..Ano kaya talaga ang alam nito? Ah sina Sabel at Doris..Sigurado ay kayang-kayang nitong maitanong kay Maya ang nalalaman nito. Tama! Ipapatanong ko nga si Maya kina Sabel at Doris.]
***SA MANSYON NG MGA LIM
[Pagdating ng bahay ay dali-daling umakyat sa kanyang kuwarto si Abby. Hindi na nilingon ang mga kasama nito na siya namang pagdating ni Sabel.]
SABEL: Manang Fe, ang dali ninyo naman po ata? Hoy Joma! Huwag kang tumunganga riyan at ilabas ninyo na ang pinamili ninyo ni Manang Fe…[Nang makitang sumesenyas si Joma .] Ano yang sinesenyas mong diyan, Ha Joma? Tumigil ka nga riyan?
MANANG FE: [Nang tila noon lang napansin ang mga tanong ni Sabel.] Konti lang ang aming napamili..
SABEL: Eh bakit ho?..
MANANG FE: Sabel, Si Sir Richard mo?
SABEL: Si Sir Richard po? Hindi ko pa po nakikitang bumaba mula ng dumating siya sabi ni Doris. Bakit po? Gusto ninyo po bang tawagin ko siya sa kuwarto?..[Nag-aatubiling magtungo sa kuwarto ng amo..]
MANANG FE: Ah hindi. Hayaan mo na siya..Eh si Maya, nga pala dumating ba? Tumawag siya kanina at sinabihan daw silang maaga silang papauwiin kaya lang eh baka hindi umabot sa pagsundo kay Abby, kaya dito na lang sila magkikita ng alaga niya..
SABEL: Ay, wala pa po siya..Baka darating na iyon..
MANANG FE: O sige, kapag dumating, sabihin mo kaagad sa akin. Pupuntahan ko muna sandali si Abby sa itaas. [Hindi na hinintay ang sagot nito at umakyat na ng hagdaanan patungo sa kuwarto ni Abby. Habang naiwan sa ibaba sina Sabel at Joma.]
SABEL: Hoy Joma! Ano ba yung senyas ka ng senyas kanina? May nangyari ba? [Excited nitong tanong sa kasama.]
JOMA: Naku Sabel..Hindi ko nga…
MANANG FE: Sabel ! Joma! Bumalik na kayo sa trabaho ninyo. Huwag puro tsismis! [Malakas na paalala nito mula sa itaas.]
SABEL & JOMA: Opo Manang Fe! [At nagsisihang umalis ang dalawa palayo sa isa’t isa...
***SAMANTALA SA ITAAS:
[Pumasok si Manang Fe sa kuwarto ni Abby at nakita niya itong nakatalikod na nakahiga sa kama..]
MANANG FE: Abby,.. [Umupo ito sa kama habang hinahaplos ang buhok ni Abby.] May dinaramdam ka ba? [Ang tugon nito ay biglang pagyapos sa kanya at muling pagtulo ng luha. Yakap at haplos ang ginawa nito sa bata habang umiiyak ito.] Tama na ang iyak mo..Baka marinig ka ni Daddy mo. ..[Nakita niya mukha nito na tipong sorpresa sa kanya ang pag-uwi ng ama ng maaga. ] Oo nga pala, di ko pa pala nasasabi sa iyo na nandito si Daddy mo? Gusto mo tawagin ko siya? [Tango lang ang itinugon nito.] O sige tatawagin ko, pero magpalit ka muna ng damit okey?..Tulungan kitang pumili ng damit, gusto mo? [Muli, tango lang ang iginanti nito na lalong kinabahala nito.][ SA ISIPAN NI MANANG FE:
Ano kaya ang nangyari at mukhang nagsisimula na namang ayaw magsalita nito? Eh kung kailan naman mukhang may dinaramdam si Ricardo, at saka pa nangyari ito..]
[Nang matapos mapalitan ng damit ay muling humiga sa kama si Abby.]
MANANG FE: O sige Abby, tatawagin ko lang ang Daddy mo ha? Huwag ka ng umiyak ha? [At habang patungo ito sa kuwarto ni Sir Chief ay siya namang pagdating ni Maya. Kaya’t ng makita niya ito ay kanyang tinawag.] Maya!, Halika muna rito!..
MAYA: Opo Manang Fe. [At dali-daling umakyat ito ng hagdan. ]
MANANG FE: Ikaw na nga ang tumawg kay Ricardo at maghahanda lang ako ng makakain nilang dalawa.
MAYA: Hindi pa po kumakain si Sir Chief? [Pag-aalala nitong tanong?]
MANANG FE: Hindi pa raw bumaba sabi ni Sabel simula ng dumating ito kanina. So, malamang na hindi pa iyon kumakain… At yung alaga mo naman ay panay ang iyak. Gusto ang Daddy niya..
MAYA: Po? Umiiyak ang baby ko? Bakit po? Anong nangyari? [Ang aliga-gang tanong nito sa kausap.]
MANANG FE: Ayaw ngang magsalita…Kaya nga tatawagin ko si Ricardo eh. O sige, ikaw na ang tumawag ha? [Hindi na hinintay ang sagot ni Maya at bumaba na ito ng hagdan para maghain ng makakain ng dalawa. ]
***[Samantala sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Sir Chief...]
MAYA: Sir Chief! [Tawag nito at sabay katok sa pinto. Nang makailang ulit na ginawa ay nagsimula itong mag-alala] Baka ano ng nangyari sa kanya? Ano ba kasi ang dinaramdam nito? ..[At dahil sa pag-alala, tinangkang buksan ang pintuan. At dahil sa hindi ito naka-lock, unti-unti niyang binuksan ang pintuan. ] Sir Chief!.Si Maya po ito…Sir Chief! [Mahina nitong tawag at nang mapansin ang ilaw sa banyo nito ay dahan-dahan itong pumunta sa pintuan kung saan naririnig niya ang tulo ng tubig mula sa gripo. Pagkanaka pa ay narining niya itong huminto at nag-hintay ng ilang segundo bago tinangkang tawagin uli ang amo.] Sir Chief!..[Nang hindi ito sumagot ay naisip na maghintay na lang muli. Ngunit ng maalala ang alaga na nag-iisa sa kabilang kuwarto at umiiyak ay naglakas loob siyang kumatok sa pinto ng banyo.] Sir Chief! [Muli nitong tawag..]
***[Samantala sa loob ng banyo..]
[Mistulang hindi naririnig ang tawag na nagmumula sa labas ng pintuan sapagkat sa isip ay patuloy ang pagkausap sa sarili nito.][SA ISIP NI SIR CHIEF, habang patuloy ang pagsaboy ng tubig nito sa mukha kahit na kagagaling lang nito sa shower. ]
“Stop this Richard! You need to snap out of this. What if Maya is in-love with someone else, you don’t have the right to be even angry about it. …Bakit ka ba nasasaktan? … Do you have feelings for her?.Remember you even told Alex that no one can replace her in your heart. So what are you doing right now?… Wait! Hindi ka naman pinagbawalan ni Alex na umibig muli… Binigay na nga niya ang blessing niya sa iyo na umiibig muli dahil sa gusto ka niyang masaya di ba? Ang hiling lang niya sa iyo ay huwag siyang kalimutan. Pero ikaw ang nagpupumilit na nagsabing hinding hindi mo papalitan si Alex sa puso mo dahil siya ang First Love mo…Kaya Richard, tigilan mo na yang pagseselos mo! Enough is enough! ” [At napatungo ito sa at sinangkalan ang mga kamay sa may lababo. Natigilan at kung makikita lang ang mga mukha hindi malaman sa mukha nito'y tulo ng luha o hindi. At sa ganitong anyo, nakita ni Maya ang amo at mahinang tinawag nito ang amo.]
MAYA: Sir Chief.. [Makikita sa mukha ni Maya ang tila kagustuhang damayan, yakapin ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso..] Sir Chief…
SIR CHIEF: Maya? [Tila natauhan ito at kaagad hinagod ang mukha at pagalit na hinarap ang babaing naging laman ng kanyang isip..] Maya! What are you doing? [Habang hinihigpitan ang pagkakabit ng tuwalya sa kanyang baywang.]
MAYA: Sir Ch…[Yun lang ang nabanggit at tila natulala ito ng mapatingin sa hubad na katawan ng amo. Bigla itong napatalikod.] Sorry po, Sir Chief.. Kasi kanina pa po ako tumatawag at kumakatok ay di kayo sumasagot. Akala ko na kung napaano kayo dahil sabi ni Manang Fe ay masama raw ang pakiramdam ninyo. [Mabilis niyang pagpapaliwanag sa amo.]
SIR CHIEF: [Napahaplos ito sa kanyang ulo at huminga ng malalim bago muling nagsalita.] I appreciate your concern. Right now, I think you should leave.
MAYA: [Biglang humarap ito sa amo at sinabing..] Pero Sir Chief, kailangan ninyong puntahan si Abby. Umiiyak daw po sabi ni Manang Fe at kailangan kayo..
[Nang marinig ang sinabi ay agad na mabilis na lumakad patungo sa pintuan ito at sa pagmamadali ay hindi kaagad naiwasang masanggi si Maya na nakatayo sa may pintuan. Biglang na-out of balance ito at bago tuluyang bumagsak ay nahawakan ni Sir Chief ang magkabilang balikat ni Maya. At noon ay parang biglang tumigil ang oras sa kanilang dalawa..Nagkatitigan ang dalawa... Sa sobrang lapit ng kanilang mukha sa isa’t isa ay naamoy ni Maya ang amoy ng among bagong paligo. At nakikita pa niya ang mga mga buntil na tulo ng tubig dahil sa basa nitong katawan at mukha. Dahil dito ay napalunok ito at binasa nga kanyang dila ang kanyang mga labi. Samantalang si Sir Chief ay tila natauhan sa nakitang basang mga labi ni Maya kung kaya’t agad-agad na binitawan ang balikat nito at lumayo palayo.
SIR CHIEF: You can go now Maya. magbibihis lang ako at pupuntahan ko na kaagad si Abby.
[Hindi na hinintay ang tugon ng sinabihan at tuloy –tuloy ito sa pagkuha ng damit sa kabinet upang magbihis. Samantalang si Maya ay dali-dali ring lumabas ng kuwarto. At ng makalabas ng kuwarto ay sumandal sa gilid at pinay-payan ang mukha ng kanyang kamay]
MAYA: Maya, kalma ka lang! Kalma lang, inhale, exhale…[Sa ganoong itsura ito naabutan ni Sir Chief si Maya ng lumabas ito ng kuwarto. Ngunit hindi nito siya pinansin at madaling nagtungo sa kuwarto ng anak.]
***SA LOOB NG KUWARTO NI ABBY:
SIR CHIEF: Abby...[Nang makita siya ng anak ay dali-dali itong yumakap at umiyak..At ng makita si Mayang papasok ng kuwarto nito ay bigla itong nagsimulang umiling at nagtago sa pagkakayak sa ama. At ng mapansin ito ng kanyang ama ay...] Maya, leave us alone please. [At dahil sa tono ng boses ay walang nagawa ito kundi ang lumabas ng kuwarto. ]
***SA LABAS NG KUWARTO NI ABBY:
MAYA: [Hindi niya mapigilan ang pagtulo ang luha, habang ang kamay ay idinampi sa dibdib na malapit sa puso ay nasabi sa sarili. ] Bakit ganito kasakit na hindi ko sila madamayang mag-ama? [Sa ganitong itsura siya naabutan ni Manang Fe at Sabel na dala-dala ang pagkaing inihanda para sa mag-ama.]
MANANG FE: Nandoon ba sa kuwarto si Ricardo?
MAYA: Opo Manang Fe..[Sagot niya at tila di na ikinatattwa na siya ay lumuluha sa ginawang pilit na pagpahid ng luha sa mata ng kanyang mga kamay.] Parang ayaw po akong makasama ni Abby kaya nakita ko pong nagsusumiksik siya sa pagtago sa yakap ng Daddy niya. Kaya pinaalis ako ni Sir Chief. [Simulang pagpapaliwanag nito..]
SABEL: Eh ano ba ang ginawa mo ha Maya? [Ang tanong kaagad ni Sabel kung saan nakatanggap siya kaagad ng matalim na tingin ni Manang Fe.] Eh nagtatanong lang naman po ako kasi nga po napapansin ko po na tila may nagbago kay Sir Richard. Di ba nga noong mga ilang gabi na nakita kitang tinatapon mo na yung kapeng tinimpla mo para kay Sir Richard na parang di nabawasan man lamang? Tapos, ngayon si Abby naman?
MAYA: Eh Sabel, di ko nga alam eh. Tinanong ko nga siya noong isang beses kung galit siya sa akin? Sabi niya, hindi raw. Tinanong ko nga siyang muli kung sa tingin niya talaga na sinungaling ako kasi iyon ang alam kong huling pagkagalit niya sa akin. Kalimutan ko na raw iyon. Hindi raw siya galit. Tanong ko uli kung okey kami. Sabi niya okey naman daw. Sandali lang iyon at sinabing marami pa siyang gagawin na trabaho.. So, dismiss na kaagad..[Natigilan ito ng sandali at..] Ah Manang Fe, puwede pong ako na ang magdala sa loob ng pagkain? [Nang tumango si Manang Fe, ay agad na kinuha ang tray na hawak ni Sabel at binuksan ang pintuan ng kuwarto..] Ah Sir Chief, nandito…
SIR CHIEF: Maya, just bring it down. Bababa kami maya-maya..[Agad na sabi ito ng hindi tumitingin sa babaeing sentro ng dinaramdam nilang mag-ama..]
MAYA: Sige po Sir Chief. [At lumabas din ito kaagad ng kuwarto. At nang magkatama ang tingin ng dalawang naghihintay sa labas ng kuwarto ay..] Bababa na lang daw po sila sabi ni Sir Chief..[Hindi na hinintay ang sagot at dali-dali itong bumaba ng hagdan at sinundan na rin dalawa..]
***SAMANTALA SA LOOB NG KUWARTO NI ABBY:
SIR CHIEF: Baby, Stop crying na okey? Tell Daddy what is wrong…[At nagsimula itong sumenyas ..kinuha ang mga kamay nito at pinisil ng maigi. Hinalikan ang dalawang maliit na kamay nito at ...] Baby, look at me..[Sinunod ang ama..] You love Daddy right? [Tumango ito.] I know you love me so don’t stop talking again. It hurts Daddy so much when you were not talking..[Niyakap ang anak..] I felt that it was all my fault when you did not want to talk at all..to us… So if you decide again not to talk and not tell Daddy what is wrong, it will break Daddy’s heart. ..[Ang sabi nito sa anak sa boses na gumagaralgal sa emosyon.] You don’t want that right Baby? [Tinangnan ang anak at hinalikan ito sa may noo. Pinahiran nito ang mga tulo ng luha ng kanyang mga daliri..] So Baby, tell me what is wrong, okey?
ABBY: [Tumingin ito sa Daddy niya..] Daddy…[At nang marinig ng kanyang Daddy ang maliit nitong boses, ay lalong humigpit ang yakap nito sa anak..] Daddy, di ako makahinga…
SIR CHIEF: [Natawa ito at di napansin na may tumulong luha sa kanyang mga mata.] Baby…
ABBY: Daddy, are you crying?
SIR CHIEF: No Baby. Napuwing lang si Daddy. [Ang pagtatanggi nito sa anak...] Dahil sa masaya si Daddy at kasama ang kanyang baby…So Baby are you going to tell me what’s wrong? Why did you cry?..
ABBY: [Sandaling natigilan ito bago nagsalitang muli..] Daddy, why did Mommy have to die?
SIR CHIEF: [Nang marinig ang tanong ng anak ay nabigla ito. Hindi niya inakala na matapos ng ilang taon ay ngayon siya tatanungin nito tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.] Baby, hindi gusto ni Mommy na iwanan tayo kaya lang kinuha na siya ni God sa atin. Ayaw mo namang makitang naghihirap si Mommy di ba dahil sa maysakit siya? [Nang makitang tumango ang anak.] Pero Baby alam mo na mahal na mahal ka ng Mommy mo hindi ba?
ABBY: Opo..
SIR CHIEF: Baby,… bakit mo naitanong ngayon?
ABBY: [Sandaliang natigilan muli at tila pinag-isipan kung sasabihin sa ama ang nangyari sa school. Niyakap na lang ang kanyang Daddy. At nang may biglang ingay na rinig na galing sa ginugutom ng tiyan nito.., tumingin sa kanyang Daddy.] Daddy..
SIR CHIEF: Let us go down and eat Baby..Okey? [Tumango ang anak at sumama sa kanyang lumabas ng kuwarto.]
[Nang makita silang bumaba ng hagdan ay dali-daling sinalubong ni Maya ang mag-ama sa ibaba ng hagdan. At ng makita ni Abby ang yaya, ay humigpit ang hawak sa kamay ng ama. Napansin ito ng kanyang Daddy kung kaya..]
SIR CHIEF: It’s okey Maya. I will take care of MY baby..[Napahinto si Maya sa narinig at tila nakaramdam na parang pinapaalala nito na Baby niya si Abby at hindi siya.]
MAYA: O… Opo, sir Chief…[ Mahinang sagot nito at hindi na sinundan ang mag-ama na tumuloy sa hapag kaininan. Nakita niyang inuupo muna si Abby ng kanyang Daddy at sinumulang pakainin ito..]
***SA MAY KUSINA.
[Tila wala sa sariling nagpunta ito sa kusina kung saan nandoon sina Sabel at Doris na nanonood sa eksena. Siya namang eksaktong dumating si Manang Fe na may dala-dalang pagkain.. Aakuin sana ni Maya ngunit, umiling ang matanda at nagparaya ito na ihatid nito ang pagkain sa mag-ama.]
SABEL: Ano ba ang nangyayari rito ha? Bakit wala ka sa eksena doon? [Sabay lingon sa kinaroroonan ng mag-aama.]
MAYA: Hindi ko nga maintindihan Sabel eh..
DORIS: Maya… May nangyari na naman ba? ..Nagtapat ka na ba ng pag-ibig kay Sir? [Nang makaramdam ng siko ni Sabel.] Eh nagkagulo noong umamin siyang may crush siya kay Sir. Eh baka ngayon, nagtapat na siya at binasted kaya…
MAYA: [Parang wala sa sariling nagsalita..] Maayos naman kaming nagkahiwalay ni Abby kaninang umaga ah. So bakit parang takot o ilang siya sa akin? Naku, baka akala ni Sir may ginawa ako sa baby niya…Pero, bakit para akong kinakabahan na parang ako ang dahilan na may galit sa akin si Sir Chief?
***SAMANTALA, SA HAPAG-KAINAN.
MANANG FE: Ricardo, kumain ka na rin. Sabayan mo si Abby..[Matigas nitong sabi sa dating alaga..]
SIR CHIEF: Okey lang ako Manang. I will eat later..[Hindi niya masabi sa pangalawang ina niya na wala siyang gana at siguradong pipilitin siyang magsalita ng kung ano mang gumugulo ng kanyang isip tulad noon..]
MANANG FE: [Dahil sa kakilala ang alaga, alam nito na hindi na naman kakain ito. Napapansin nito ang tila unting pagbagsak ng katawan nito. Kunng kaya..] Abby, tell your Daddy to eat with you. Hindi ba ayaw mong magkasakit si Daddy di ba?
ABBY: Daddy, you have to eat. I don’t want you to get sick…[At yumuko at mahinang itinuloy ang gustong sabihin...] ..like mommy…
SIR CHIEF: [ Narinig iyon ng kanyang ama at tila natauhan at ngumiti ito at tumingin sa kanyang pangalawang ina.] Okey baby! [At sinimulan ding kumain ito..Tahimik na nagpatauloy sa pagkain ang mag-ama ngunit mangailang ulit na nagkakatinginan ang dalawa na tila ba may sekreto silang dalawa sa isat-isa. Tuwing magkakatingingin ang mag-ama ay napapangiti ang isat-isa at dahil dito ay maganang nakakain ang dalawa na siyang ikinatuwa ni Manang Fe na nagmamasid sa kanila. Nang matapos ay nagpaalam na maglalakad sila sa Subdivision...]
SABEL: [Nang makita ang pagalis ng mag-ama ay dali-dali itong lumapit kay Manang Fe at nagtannong.] Manang Fe, ano ang nangyari? Ang gulo ata?
MANANG FE: Huwag ninyo ng intindihin iyon. Malalaman din natin. Hayaan ninyo muna ang mag-ama. Ang Daddy niya ang kailangan ni Abby. Kailangan ni Ricardo si Abby. Ngayon. [Tumingin ito kay Maya ng may parang kahulugan.] Hayaan muna natin silang mag-ama. [Tapos noon ay lumabas na rin ito ng kusina. Samantalang naiwan sina Sabel at Doris na patuloy sa kanilang pagtataka kung saan hindi na nila napansin ang pag-alis ni Maya na nagtuloy sa kanilang kuwarto.]
[Makalipas ng isang oras ay makikitang karga-kargo na si Abby ng kanyang Daddy na mukhang napagod ng husto sa pag-iyak at paglalakad. Dinala niya ito sa kuwarto nito at inihiga sa kanyang kama. Nagtuloy ito sa kanyang opisina at kuniha ang cellphone. Dahil sa hindi pa rin sinasabi ng anak ang nangyari ay naisipan niyang tumawag sa Class Adviser nito..]
TEACHER LENIE: Hello…
SIR CHIEF: Hello, Ms. Dela Cruz. This is Richard Lim, Abby’s Dad. We have met before during the first day of school.
TEACHER LENIE: [Nang biglang maalala kung sino ang kausap, ay dali daling inaayos ang buhok at tumingin sa salamin na tila ba nakalimutang nasa telepono ito at hindi siya makikita ng kausap. ] Ahh… Hello rin po, Mr. Lim.
aSIR CHIEF: I am sorry to call you and bother you at this time. But I am not sure if you remember our conversation that day about my baby…About her previous condition of selective mutism..[May pagpipigil pa siyang ipaalala ang naging sakit ng anak sa kausap.]
TEACHER LENIE: [Napangiti ito at tila naaalala ng husto ang mga oras na iyon kung saan naging hot topic sa mga kapwa niya guro ang tungkol sa ama ng kanyang estudyante. Mayaman, mabait, guwapo at higit sa lahat, binata. Kaya nga’t ng hiningi nito ang kanyang telepono dahil sa anak, ay wala siyang alinlangan na ibigay ito.] Mr. Lim, yes I do remember. ..Bakit po, may problema po ba?
SIR CHIEF: Yun na nga ang gusto kong itanong sa iyo, ah Teacher Lenie?..ah.. May I call you Teacher Lenie, kasi iyon ang kuwento ni Abby at ..ni Maya.?
TEACHER LENIE: Of course, Mr. Lim. Wala pong problema. [At isinunod pa niya sa isip nito, na if you want to call me baby, honey or love mas okey pa?]
SIR CHIEF: Ah…May nangyari ba sa school kanina kay Abby?
TEACHER LENIE: Bakit..
SIR CHIEF: Sinalubong daw ni Abby si Manang Fe ng umiiyak ito at tila ayaw magsalita. And because she had history of selective mutism, I just want to know what could have triggered her refussal to talk like that which I have not seen since …her new nanny came to us….
TEACHER LENIE: Ah…Mr. Lim..Wala akong maiisip na maaring ika-lungkot niya… In fact, she was very animated when I told her that she was selected for the video presentation on Parent’s Day…
SIR CHIEF: Parent’s Day?
TEACHER LENIE: Yes, Mr. Lim.. It was a short notice kasi dahil we normally hold it next month, but they decided to do it this month na. Dahil sa cancellation ng klase dala ng bagyo, gusto na nga lang i-cancel ito. Ngunit, nagkaroon ng pagpupulong at dahil isa ito sa much-awaited na school activities, ginawa na lang na maaga ito ay half day lang instead of whole day affair. Para mairaos lang ang activity na ito. [Nang walang naririnig na tugon mula sa kausap ay...] Mr. Lim, I know kasi ngayon lang taon na ito pumasok si Abby sa school kaya hindi pa kayo aware sa mga annual activities ng school. But I believe it was in the Admission packet.
SIR CHIEF: [Tila nahiyang aminan na hindi masyadong naalala kung ano ang mga nilalaman sa Admission Packet..] I am sorry that I wasn’t able to pay attention to the school’s activities..
TEACHER LENIE: I understand Mr. Lim. You don’t have to explain…
SIR CHIEF: Thank you..
TEACHER LENIE: Alam ninyo kung sino ang dapat ninyong kausapin? Yung kanyang best friend na si Rena. I saw then together after dismissal.
SIR CHIEF: Si Rena? [Tila inaalala ang batang laging ikinikuwento ng anak.] Ah yes! I know her. I have met her Mom Raisy a couple of times already kapag sinusundo ko si Abby. I will try calling her.. Thank you Teacher Lenie. Sorry for bothering you at this time.
TEACHER LENIE: .Anytime Mr Lim [At sa isip nito kahit araw-arawin pa nito ang tawag ay okey lang sa kanya...]
[At ng matapos ang kanilang pag-uusap ay kanyang hinanap ang telepono ng Mommy ni Rena.]
SIR CHIEF: Hello, Good Afternoon! Raisy? Si Richard ito.
RAISY: Hello Richard. Napatawag ka? Ah, siguro nagpaalam na kaagad sa iyo si Abby na gustong mag-sleep over sa birthday ni Rena next month..Sabi ko kay Rena na hindi pa sigurado ang plano so huwag munang sabihin sa mga kaibigan nito…
SIR CHIEF: Ah ganoon ba?..Ah wala pa namanng nasasabi sa akin si Abby..
RAISY: Ay sorry! Akala ko ay hindi na naman napigilan ang excitement ni Rena para sa birthday niya.
SIR CHIEF: Kaya ako napatawag ay gusto ko sanang makausap si Rena kung maaari sana…
RAISY: [Nang marinig sa boses ng kausap ang tila pag-alala, ay bigla rin itong nag-alala.] Bakit? May nangyari ba? Wala namang nasabi si Rena kanina ng sinundo ko siya.
SIR CHIEF: Ganoon ba? Kasi sabi ni Teacher Lenie na nakita niyang magkasama after dismissal yung dalawa at nagbakasakali akong alam niya ang dahilan kung bakit umiiyak si Abby kay Manang Fe ng sinundo ito.
RAISY: Naku, hindi ko nakita si Abby noong sinundo ko si Rena…Hindi kaya nag-away ang dalawa? [Tanong nito sa sarili at saka tinawag ang anak..] Rena!!!! Anak halika muna at may itatanong ako sa iyo! [Ang tawag nito sa anak....Makikita nito ang anak na nakangiting papunta sa kanya.] Anak, may gustong itanong sa iyo ang Daddy ni Abby? [Nang marinig ang sinabi, nakita niyang nawala ang ngiti sa mukha ng anak.] Richard, kakausapin ko muna si Rena at tatawagan kita kaagad okey?
SIR CHIEF: Sige Raisy..[ At binabaa ang telepono at hiniintay ang pagtunog ng telepono. Makalipas ng mga ilang minuto ay tumunog ito at dali-daling sinagot.] Hello Raisy!
RAISY: Richard, narito na si Rena at may sasabihin siya sa iyo ..[Ibinigay sa anak ang telepono.]
RENA: Hello po.. [Mahinang sabi nito.]
SIR CHIEF: Rena, huwag kang matakot sa akin. Hindi ba’t best friend kayo ni Abby?
RENA: Opo..
SIR CHIEF: I just want to find out if something happened at school after your dismissal. Because Abby came home crying. [At ng tila walang narinig sa kausap..] You can tell me and I promise I will not get mad.
RAISY: [At dahil sa tumingin sa kanya ang anak na tila ba humihingi ng assurance na hindi ito magagalit..] Sige na iha sabihin mo sa kay Tito Richard mo kung ano yung sinabi mo sa akin na nangyari kanina..
RENA: [Huminga muna ito ng malalim matapos marinig ang sinabi ng ina...] Naghihintay po kami ng sundo ng lumapit po sa amin ang grupo ni Annie… Tinanong po niya kay Abby kung sino ang isasama niya sa Parent’s Day…Sumagot po kaagad si Abby na kayo po Tito Richard at si Ate Maya… Tapos po biglang tumawa po sina Annie. Sabi po kay Abby na hindi puwedeng isama si Ate Maya dahil hindi naman siya ang Mommy ni Abby…Si Ate Maya daw ay yaya lang niya…. Gusto po sanang sagutin ni Abby si Annie pero hinatak ko na lang po ito papalayo dahil nakita ko na po si Manang Fe na kumakaway.. Tumakbo na po ito patungo kay Manang Fe…
[Mga ilang minuto ang lumipas at nanatiling tahimik ang tatlo...]
RAISY: O sige na Rena, go back playing na with your doll. I will still talk to your Tito Richard. [At kaagad na ipinasa ni Rena ang telepono sa Mommy sa takot na magbago pa ang isip nito at baka tanungin pa siya ng Daddy ni Abby..Nang makalayo na si Rena..] Richard.. are you still there?
SIR CHIEF: Ye.. Yes, I am still here. [Ang sabi nito sa kausap matapos tila matauhan ito sa narinig mula kay Rena.. Tila paulit-ulit na naririnig niya ang sinabing "Ate Maya ay yaya mo lang!.."]
RAISY: Alam mo naman ang mga bata kung minsan hindi alam ang mga sinasabi na nakakasakit na pala sila. Hamo, kakausapin ko ang Mommy ni Annie tungkol…
SIR CHIEF: Huwag na Raisy. I will just talk to Abby about it…[Natigilan muli ito..] Mahirap lang talagang paliwanagan ang mga bata sa mga ganitong sitwasyon, hindi ba?
RAISY: Richard, I know na bago pa lang tayong magkakilala dahil sa mga bata…Pero, if there is anything I can help you with, just let me know okey?…[At ng walang marinig na sagot sa kausap..] Richard, hindi sa nanghihimasok ako sa buhay ninyo but concern din ako kay Abby..Her closeness with her yaya, parang iba na ‘ata..Baka mahirapan ka kung sakaling umalis na siya sa inyo dahil ang pagkakakuwento niya sa akin ay malapit na siyang maging flight stewardess.. [At ng wala pa ring marinig mula sa kabilang linya ay nagpaalam na ito..] Richard, sige na at kung ano man ang maitutulong ko ay sabihin mo lang.
SIR CHIEF: [Tila natauhan ito...] I am sorry Raisy… I was not feeling well these past few days and this thing happened with Abby…And she just asked me “Why did her Mommy have to die?”.. Parang..
RAISY: You don’t have to explain Richard. Mahirap maging single parent na katulad mo. Mabuti nga at marami kang katuwang sa pagpapalaki sa kanila, tulad ni Manang Fe at ni Maya..Pero siguro nga sa inosenteng edad ni Abby ngayon, ang hinahanap na niya ang isang…
SIR CHIEF: Thank you Raisy. [Hindi na pinayagan na ipagpatuloy ang sasabihin nito. Alam na niya ang susunod na salita...] Just tell Rena, Thank You. [At dali-daling isinara ang cellphone nito.]
[Samantala sa kabilang linya, napatingin sa saradong telepono ito at napailing. Nasabi niya tuloy..]
RAISY: Naghahanap ng Mommy si Abby pero hindi iyon ang magiging problema mo, Mr. Richard Lim. You need to get a wife first! [Ang nangiti nitong sambit na hindi sa kalayuan ay narinig ni Rena ang sinabi ng ina.]
[SA ISIP NI RENA: Yun naman pala eh. Eh dapat mag-asawa na si Tito Richard para may Mommy na si Abby. Hindi na siya iiyak...Pero sino naman kaya ang puwedeng wife ni Tito Richard? Eh kung si Ate Maya na lang kaya tutal sabi ni Abby siya si Mahal na Prinsesa at si Tito Richard ang Mahal na Hari...Tama! Para kami ni Abby ang flowergirl! ]
[At masayang tumakbo patungo sa kanyang kuwarto at kinuha ang notebook at isinulat ang katagang "FIND TITO RICHARD A WIFE, ABBY GETS A MOMMY!"]
[AUTHOR'S NOTE: Special Appearances of Ms. Lenie Dela Cruz-Daldoss as Teacher Lenie, Ms. Lorena Dela Cruz as Rena, Ms. Anna Liza Mabee as Annie, and Ms. Raisy Tabile as Raisy - from RiChennatiques International. Thank you!]
Thank you for reading…Until next time!..