She Said, He Said

Admin Note: *Contributed Poem* Please give credit and thanks to xyzzy.


Author: xyzzy

She Said, He Said

Her:

Nang ika’y aking unang makilala
Di ko ma-ispeling aking nadarama
Parang trompo lang na di mapakali
Puso’t isipan ko’y parang sa iyo’y nakatali

Tayo’y nagkakilala at ‘di ko lubos mawari
Ako’y nakapasok sa bahay at sa buhay mo’y naging bahagi
Parang pangarap lang ang bawat minutong sa mansyon mo’y inilagi
Tuwa’t saya sa dibdib sa mga bibig ay di ko masabi-sabi

Akala ko’y bagay ay maaayon na sa aking mga minimithi
Nang biglang ihip ng hangin ay nag-iba ng hawi
Sa ‘di ko maintindihang dahilan at ‘di inaasahang sandali
Puso ko’y nasaktan mo’t nasawi

Totoo’ng puso’y lubhang nagdurugo
Sa mga salita mo’t paratang na parang mga pako
Ngunit di pa rin nito mababago
Pagsinta ko sa iyong puro

Ako’y naghihintay at sana’y marining man lang sa iyong mga labi
Na mali ang lahat at ika’y nagsisisi
Gusto ko nang maibalik ang dating pakikitungo
At patuloy na damhin itong lihim na pag-ibig sa’yo

Him:

Puso’t damdami’y matagal ng nagdadalamhati
Sa pagkawala ng taong sa puso ko’y kahati
Buwan, taon ang aking inilagi
Sa emosyong sawing-sawi

Mundo ko’y gulong gulo
Tao sa paligid ko’y natutuliro
Tila tigreng ang hirap kong maamo
Ang pait pa’t lahat ng anak ko’y aking nabigo

Sa di inaasahang rason at pagkakataon, buhay ko’y biglang nag-iba
Landas nati’y nag-abot at ika’y nakilala
Una pa lang, ibang-iba na talaga ang iyong aura
Saya sa puso’t kagandahang loob sa iyo’y nakakahawa

Ako mismo at ang pamilya ko’y iyong binago
Saya at pagmamahal sa ami’y di na naitatago
Kami’y iyong binugkos at binuo
Pangarap ko lang na lahat na ito’y di na mahinto

Sa panahong damdamin sa ‘yo’y di pa matanto
Pakikitungo mo sa aki’y nagbago at pagtingi’y nabaling sa ibang tao
Umaapaw na takot at selos ay bumabaha sa aking puso
Di ko maintindihan, sa mga salita at kilos ko’y ika’y nasaktan at nanibugho

Ngayon ako’y takot na ika’y mawala
At nangangamba’ng pagsinta mo sa aki’y maglahong parang bula
Tulungan mo akong maging totoo sa aking nadarama
Masambit sa iyo na ika’y labis na palang sinisinta

4 thoughts on “She Said, He Said

    • salamat at nagustuhan nyo..na-overwhelm lng ako s mga nangyari last week..hope magtuloy2 na ang mga kilig moments sa BCWMH…

Whatcha think?