First Love – Part 6

FIRST LOVE PART 6

[AUTHOR’S NOTE: Please accept my apology for the very long delay. Reality took over for awhile. Dreams took a back seat. Hope the following will be worth the wait.]

****

Love is patient and kind. That is how many describe love. But when the heart is hurting, love takes a different meaning. If one does not understand the pain of loving, how can one appreciate the joy of loving. That goes to say that Love is the same with life. The joy of living “life” is the appreciating the pain that goes with it.
Love = Life.

ANG NAKARAAN:

Nagpunta sa doktor sina Sir Chief, Luke at Abby. Naging tema ng biro ang ini-resetang gamot ni Dra. Marlenna kay Sir Chief. Kung kaya’t masayang eksena ang nangyari sa botika..

***

[Habang nasa loob ng sasakyan..]

SIR CHIEF: Tama na nga yang kakatawa ninyong magkapatid. Baka mahipan kayo ng hangin. [Pabirong utos nito sa dalawang anak na patuloy sa pagtawa sa tuwing magkakatinginan.]

LUKE: Eh Dad naman kasi. Grabe ang pamumula ng mukha ninyo ng mabasa ninyo yung reseta ni Dra. Marlenna..[Sabay tingin sa kapatid] Tapos, yung mga salita pa nitong pagkaka-cute cute kong kapatid ay talaga namang nakakaaliw. Di ba Baby?

ABBY: Sabi mo eh Kuya. [Sabay tingin sa Daddy niya at hinaplos-haplos ang mukha nito.] Daddy, bakit namumula pa rin ikaw? [Panunukso nito sa ama.]

SIR CHIEF: Baby, huwag kang gumaya sa Kuya mo…[Bilin nito sa anak at ng makita kung gaano kasaya ang mukha ng dalawang anak ay tuluyang di makuhang magsungit sa mga ito.] Okey, sige tumawa na lang kayo dahil minsan lang mangyari ito...[Lalong lumakas ang tawa ng magkapatid na sinabayan na rin nito ng tawa.]

***

[At sa ganitong eksena nagpatuloy ang mag-anak patungo sa eskuwelahan ni Abby. Nang makarating sa eskuwelahan ay eksaktong recess ng klase ni Abby, kung kaya’t nang sa kanilang pagtungo sa classroom ni Abby ay nagsisimulang lumabas ang mga kaklase nito.]

RENA: Abby! [Ang sigaw nito sa kaibigan at dali-daling tumakbo ito sa tabi nito. Ngunit ng mapansin kung sino ang katabi ay bigla itong napahinto at tila natakot ng bahagya. ]

SIR CHIEF: Hi Rena! [Binati nito kaagad ang kaibigan ng anak ng makitang tila takot ito ng siya ay makita.] Malapit na pala ang birthday mo sabi ng Mommy mo. [Nang nakita tila may pangamba pa rin ito.] As long as gusto ni Abby na pumunta, makakaasa ka na papayag ako.

ABBY: Talaga Daddy? [Masayang tanong nito sa ama ng marinig ang sinabi nitong pagpayag pagpunta sa birthday party ng kaibigan.] Sleep over, Daddy?

SIR CHIEF: Pag-usapin na lang natin iyan later Baby okey? Pero definitely, payag akong pumunta ka sa Birthday Party ni Rena. [Sagot nito kaagad sa anak at ng ibaling ang tingin sa kaibigan nito, ay ngumiti ito na siya namang sinuklian ng isang malaking ngiti ng kaibigan ng anak. Pawang nawala ang kung ano mang takot na noong una ay naramdaman nito sa kanya.]

RENA: Yehey! Tara Abby may sasabihin nga pala ako sa iyo. [Ang sabi nito kaagad sa kaibigan ng maalala ang naisip na sagot sa tila problema ng kaibigan.]

ABBY: Daddy?

SIR CHIEF: Sige Abby. You can go with Rena. But don’t go far kasi I will just talk to Teacher Lenie to just excuse you for today..[At nang makitang tumango ang magkaibigan at dali-daling lumayo sa kanya, binalingan nito ang isa pang anak.] Luke..

LUKE: I will just follow those two, Dad. Mukhang may binabalak eh..[Ang sabi nito, sabay tawa. At pagkatapos tumango ang ama, dali-dali na sinundan ang kapatid at ang kaibigan nito.]
[Samantala, nakita si Ser Chief ni Teacher Lenie.]

TEACHER LENIE: Mr. Lim..Natanggap ko yung message ng mahuhuli ng pasok si Abby ngayon dahil pupunta kayo ng doktor. Is everything okey?

SIR CHIEF: Yes, everything is okey. Nagpunta lang ako para ipagpaalam ko na sana si Abby na hindi na siya papasok ngayon dahil sa alanganin na ang oras.

TEACHER LENIE: Nalaman ninyo ba ang dahilan ng pag-iyak ni Abby?

SIR CHIEF: Yes, I did from Rena. [At ikinuwento nito ang nalaman na dahilan ng pag-iyak ni Abby.]

TEACHER LENIE: Ah ganoon ba...[At sa baling ng tingin nito ay nakita si Annie kung kaya’t tinawag niya ito.] Annie!

ANNIE: [Nang marinig ang tawag ng kanyang teacher ay dali dali itong lumapit.] Yes, Teacher! [Masaya nitong bati.]

TEACHER LENIE: Annie, ito nga pala ang Daddy ni Abby, si Mr. Richard Lim. [Nakita nito ang biglang pagbabgo ng masayang ngiti ng bata at napalitan ng takot ang nasa mukha.] Annie, may gusto ka bang sabihin?

ANNIE: [Napayuko ito at makikitang nangingilid sa mukha ang luha nito sa mata.] Ah..

SIR CHIEF: [Nang makita ang takot ng bata…] It’s…[Bigla siyang hinawakan sa braso bilang pagpigil kung kaya’t hindi na niya itinuloy ang sasabihin ng makitang pag-iling ng guro sa naisip na sasabihin .]

ANNIE: Sorry po. Hindi ko naman po gusto pong umiyak si Abby. Pinagsabihan na po ako ni Mommy kagabi . Narinig po kasi niya. Hindi ko na po uulitin..[Mahina nitong paliwanag.]

SIR CHIEF: [Dahil sa narinig at nakita ay napaluhod ito upang makita ang kausap ng mabuti..] It is okey Annie. Huwag mo ng isipin ito. Huwag mo na lang uulitin na gawin ito o sabihin di lang kay Abby o kanino man. Okey?

ANNIE: [Napangiti ito sa narinig.] Opo Tito. Hindi ko na po uulitin. Sabi nga po ng Mommy ko, isipin ko raw po kung sa akin nangyari po iyon, ano raw po ang mararamdaman ko?

SIR CHIEF: Tama ang Mommy mo. Mabuti naman at alam mo na ang nasabi mo ay mali.

ANNIE: Opo, Tito. [Tumingin ito sa kanyang teacher na tila humihingi ng signal na pupuwede na siyang umalis.]

TEACHER LENIE: [Napansin niya ito kung kaya’t..] Sige Annie, pupuwede ka ng magbabalik sa mga kaibigan mo. [Yun lang ang hinintay at dali-dali tumakbong papalayo ang kausap. Matapos nito ay muling nilingon ang Daddy ni Abby na kung saan nakita nito ang maliit nitong ngiti sa nangyari.] [SA ISIP NI TEACHER LENIE: Hay naku! Talagang pagkaguwapo talaga ng Daddy ni Abby. Masuwerte talaga kung sino ang muling aangkin ng puso nito. Hay naku!]

SIR CHIEF: [Naramdaman nitong ang tila pagkakatitig ng guro, kung kaya’t..] Teacher Lenie, thank you for the time. Naubos ko ata ang break time mo. We will just go ahead..[Nakita lang nitong tumango at pailing-iling siyang lumayo patungo sa kinaroroonan ng anak.]

****

[Samantala, tila natauhan si Teacher Lenie at ng maalala niyang para siyang natulala, ay namula ito ang may kahiyaang lumingon sa paligid upang malaman kung may nakakita sa kanyang pagkatulala. Nang makita niyang wala naman, ay napabuntung hininga ito ng malalim at tuluyang tinanaw ang papalayong mag-anak..]

SISTER LOURDES (BEBE): Teacher Lenie!

TEACHER LENIE: Ay! Nahulog na kabayo! [Nasambit nitong pagkabigla ng marinig ang pangalan. At nang makita kung sino ang tumawag, ay may biglang itong naisip.] Good Morning Sister! Pasensya na po at may iniisip po lang ako..[Pagtatakip nitong sinabi..]

SISTER BEBE: Problema sa estudyante?

TEACHER LENIE: Opo.. Sister, may ipapakiusap po sana ako sa inyo.

SISTER BEBE: Ano iyon?

TEACHER LENIE: Di po ba naikuwento ninyo po sa aming mga guro kung saan po kayo nagmula? [At ng makitang tumango ang kausap ay nagpatuloy ito.] Kasi po may nangyari po kahapon..[At ikinuwento na nito ang nangyari tungkol kay Abby at kaibigan nito.] Eh naisip ko lang po na dahil sa nalalapit na Parent’s Day, mas maganda kung talagang mauunawaan nila ang kahulugan nito kahit mga bata pa sila sa mga ganitong sensitibong bagay..

SISTER BEBE: Naiintindihan kita. Anong oras ba ang Homeroom class ninyo?

TEACHER LENIE: 9:30.

SISTER BEBE: Sabihin mo kay Ms. Josie C. to remind me to be in your class at 9:30 tomorrow. [At matapos sabihin ay ngpatuloy ito sa kanyang paglalakad. Samatalang si Ms. Lenie at nagpunta sa opisina nito upang maayos ang schedule nito.]

TEACHER LENIE: Hi Ms. Josie C.!

MS. JOSIE C.: O ikaw pala Teacher Lenie [Kaagad na bati nito..] Anong atin?

TEACHER LENIE: Ms. Josie C., nagkita kami ni Sister Lourdes at sinabing sabihin ko sa iyo na ipalala mo sa kanya na may appointment siya tomorrow at 9:30 sa mga estudyante ko.

MS. JOSIE C: Ah ganoon ba? Teka, tingnan ko ang schedule niya tomorrow..[Makailang sandali lang ay..] Okey, Teacher Lenie, buti na lang free siya ng ganoong oras. Ang meeting niya ay 11:00 pa para doon sa Parent’s Day.. Ahhh.. maiba nga pala ako, may nakita akong kausap mo kani-kanina lang ng maghiwalay kami ni Sister Lourdes..Guwapo ah…

TEACHER LENIE: Ah, nakita mo pala kami.. Oo, ang guawapo niya at binata ah…

MS. JOSIE C: Binata? Paanong binata eh hindi ba daddy ng isa sa estudyante mo?

TEACHER LENIE: Biyudo siya! [Nangigiti nitong sagot sa kausap.]

MS. JOSIE C: Ay naku..malamang may girlfriend iyan. Sa itsura niyang yon, malabong hindi habulin ng babae. .[Napapikit ito at inaalala ang mukha ng pinag-uusapan.] Mukhang mayaman..

TEACHER LENIE: May-ari ng Lim Aviation

MS. JOSIE C: Matalino…

TEACHER LENIE: Siyempre dahil Engineer siya. [Pagmamalaking sinabi nito.]

MS. JOSIE C: Mabait..

TEACHER LENIE: Di nga siya nagalit kay Annie.. [Napangiti sa naalalang tagpo nila ni Annie.]

MS. JOSIE C: Mabango..

TEACHER LENIE: Undescribable ang bango..[Sinabi nito na tila naaamoy pa rin niya ito.]

MS. JOSIE C: Mukhang mapagmahal…

TEACHER LENIE: Yan din ang tingin ko dahil sweet ang anak niyang si Abby…

MS. JOSIE C: Hay naku! Kailan kaya tayo papalarin na makatagpo ng ganyan? [May panghihinayang tinanong sa kausap.]

TEACHER LENIE: Sa panaginip, marami doon...[Natawa ito matapos masabi at sinukian naman ito rin ng tawa ng kausap.] O sige Ms. Josie C.. Sa uulitin na lang uli tayo magtsikahan..Basta paalala mo kay Sister Lourdes yung dalaw niya sa amin tomorrow ha?

MS. JOSIE C: Makakaasa ka..[Sinabi nitong nakangiti sa kausap..]

TEACHER LENIE: Sige..[Papaalis na ito ay bigla itong bumalik sa kausap..] May nakalimutan ka pala..

MS. JOSIE C: Nakalimutan? [Pagtatakang nasambit nito.]

TEACHER LENIE: Ang boses niya…Nakakatunaw na boses. [Naalala nag kanilang pag-uusap sa telepono..]

MS. JOSIE C: [Natawa ito at sinabing..] Baka bedroom voice ang ibig mong sabihin..

TEACHER LENIE: Hindi! Ang boses niya ay nakakatunaw talaga.. yung tipong..[Nag-iisip kung papaano maisasalarawan sa kausap ang tinig ng pinag-uusapan..] Yung tipong… Ah! alam ko na! Yung tipong sweet at naughty ang dating..[Sabay tawa at talikod itong papalayo…]

MS. JOSIE C: Ikaw talaga oo!! [At naiwang tumatawa sa kalokohang narinig…]

****

[Samantala, nakabalik na ng mansyon ang mag-aama at kaagad sinalubong ng lahat habang papasok ito ng bahay…]

MANANG FE: O ano Ricardo? Anong sabi ng doktor? [Ang pag-aala nitong tanong sa dating alaga..]

SIR CHIEF: Ok lang Manang Fe. Sabi ko naman talaga sa inyo, pahinga lang ang kailangan ko…

LUKE: Manang Fe.. binigyan lang ng prescriptions ni Dra. Marlenna si Dad.. [Pagkasabi nito ay tumingin sa kanyang Daddy at nakita niyang namula ito..]

SIR CHIEF: Luke…

ABBY: Opo, Manang Fe. Pumunta nga po kami ng botika para kunin na po yung gamot. Pero yung ibang gamot ni Daddy ay..[Sabay tingin ito sa kanyang Daddy..]

SIR CHIEF: Abby..[Matigas nitong tawag sa anak..]

ABBY: [Tumingin muna ito sa kanyang Kuya at ng makitang nakangiti pa rin ito ay lumapit ito kay Manang Fe at ..] Manang Fe, ibibulong ko na lang po...[At sinimulang sabihin nito ang gamot ng kanyang Daddy at habang nakikinig ito ay nangingiti ito..]

SIR CHIEF: Manang Fe, kalokohan lang ..

MANANG FE: Luke, nasaan ang prescriptions? [Inabot ni Luke sa kanya ang reseta matapos kunin sa kaniyang bulsa. Binasa rin ito at napangiti. Tumingin sa dating alaga at lumapit ito sa kanya…]

SIR CHIEF: Manang Fe, pati ba naman kayo ay.. [Ang tangi nitong nasambit ng yakapin siya nito at naramdaman ang pagmamahal sa taong tinurian na niyang pangalawang ina. Napalunok na lang ito dahil sa emosyon na nadarama..] Manang Fe..

MANANG FE: [Hinalikan niya ito sa noo na madalas niyang gawin ito noong bata pa siya..] Ricardo…[Ngumiti lang ito at ibinulong sa alaga..] Ricardo, alam mo na hangad ko ang iyong kaligayahan dahil sa anak na ang turing ko sa iyo at kilalang kilala kita tulad ng isang ina. Kaya, huwag kang magagalit ha? [Pagkasabi nito ay makikita sa mukha ng alaga ang mga tanong…]

SIR CHIEF: Manang Fe, anong..[Lumayo ang kausap at nakita niyang inabot ang reseta kay Maya..]

MANANG FE: O ayan, basahin ninyo na…

SABEL: Ay Maya! Dali, dali anong nakasulat? [Kinulit si Maya na ipakita ang reseta na tila natigilan at natulala ng inabot ni Manang Fe ang reseta sa kanya..]

DORIS: Maya! Ano ba? [Ang makulit din nitong tanong kay Maya. At dahil, tila natulala ito, ay kinuha sa kamay ni Maya ang reseta. At nang basahin ang nakasulat sa reseta, napatingin ito sa amo at…] Sir Richard…[Hindi na nakuhang ipagpatuloy ang sinabi dahil sa nakita na ring pamumula ng mukha ng amo. Habang nangyayari ito ay nakamasid na sina Luke at Abby ay hindi na napigilang tumawa. Sinundan pa ito ng tawa rin ni Manang Fe.]

SABEL: Hoy Doris! Ano ba ang nakasulat diyan at natulala kayo ni Maya? Tapos, tawa pa sila ng tawa…Ano ba? Sumagot ka nga…[Kinuha na lang niya ang reseta sa kamay nito ng tila walang kilos na gagawin ang kausap.] O May Gee! Totoo ba ito Sir Richard? Ito ang reseta sa inyo ni Dra. Marlenna?

LUKE: Tama ka Ate Sabel! Yan talaga ang ibinigay sa amin! [Nagpatuloy sa malakas na pagtawa nito.]

ABBY: Manang Fe, nagpunta pa nga kami sa botika para kumuha nito eh..

MANANG FE: Talaga Abby? Anong nangyari? [At napabulalas na rin ito ng tawa matapos maikuwento ni Abby ang pangyayari sa botika.] So, Ricardo ang dami mo na palang nakuhang gamot sa botika. [Panunukso nito sa dating alaga.] Malamang mas gusto mo yung galing sa kanila kasya sa dati mong yaya na ngayon ay matanda na…[Sinabi nito na may pagkukunwaring tampo na naka ngiti..]

SIR CHIEF: Manang Fe, pati ba kayo sasama sa kalokohan na iyan? [Natatawa nitong sagot sa kausap.]

ABBY: Di naman po nakakuha si Daddy ng gamot na ganyan mula sa botika. Sabi ni Kuya Luke, dito lang daw sa bahay makukuha iyan. [Sabay tingin sa kapatid.] Di ba Kuya?

LUKE: Oo naman Abby! O tingnan mo si Manang Fe, ibinigay na kay Daddy, right? [Hindi na hinintay ang sagot ng kapatid at nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.] Look at Daddy now, nakangiti na si Daddy. Nagkakakulay na ang mukha..

SIR CHIEF: Luke..

LUKE: [Dahil sa takot na magsungit kaagad ang ama nito ay dali-daling tinulak ang nakakabatang kapatid at sinabing…] Sige na Abby! Bigay mo na gamot kay Daddy! [Dali-dali namang ginawa ng kapatid kung kaya’t di na nakuhang magpatuloy ang pag-susungit nito sa panganay na anak.]

ABBY: Yan Daddy, I gave you na Kiss-pi-rin at Yakapsule. Dapat gagaling ka na ha?

SIR CHIEF: [At dahil na rin sa napaka inosenteng tanong ng anak ay napangiti ito..] Eh papaano naman ang Lovemerol? Kulang pa gamot ko..

ABBY: Ay oo nga Daddy! [Nag-isip lang ito ng sandali at..] Alam ko na Daddy! [At dahil sa nakatungo pa rin ito sa harap ng anak ay umakmang may ibubulong ito sa kanang tenga..] Daddy, I love you very much. Thank you for loving me and I will take care of you when you get older. Promise.

SIR CHIEF: [Matapos marinig ang sinabi ng anak ay mangilid-ngilid ang luha nito sa mga mata, kung kaya’t niyakap ng husto ang bunso at sinabing..] Your daddy loves you more Baby!.

SABEL at DORIS: Hay! Ang sweet!!! [Kinikilig na nasabi ito habang nakamasid sa mag-ama..]

ABBY: Kuya Luke ! Ikaw naman…

LUKE: Siyempre pa Baby! Pahuhuli ba si Kuya eh unico hijo ako ni Daddy…[Natatawa nitong sinabi habang papalapit ito sa kanilang Daddy . Niyakap rin nito ang ama at sinabing..] I am the luckiest son in the world for having the best daddy. I love you Dad! [Pagkatapos ay humalik rin ito sa kanyang Daddy na sinuklian rin ng halik ng ama nito..]

SIR CHIEF: I love you, too my son…[Sa ganoong tagpo sila nadatnan nina Nikki na kararating palang mula sa sleep-over.]

NIKKI: Dad! [Ang malakas nitong sigaw ng makita ang kanyang ama. Humangos itong pumunta sa kinaroroonan nito at yumakap..] Dad, are you okey? Kuya Joma said na you went to the doctor. [ Agad-agad nitong tanong sa ama.]

LUKE: Ito talagang si Nikki oo laging over!

NIKKI: Why? I am just concerned about Dad..over na kaagad iyon? Naka GRRR ka talaga kuya!

SIR CHIEF: Tama na Nikki, Luke. Nikki, I am fine. Don’t worry.

ABBY: Ate Nikki, tamang-tama ang dating mo. Puwede mo ring bigyan ng gamot si Daddy…[Ang natutuwang sabi nito sa kanyang ate.]

NIKKI: Gamot? Anong..[Pagtataka nitong tanong sa kapatid.]

SABEL: Naku, Ma’am Nikki. Eto po ang reseta, tingnan ninyo. [At sabay niya itong inabot sa dalaga.]

NIKKI: OMG! [Ang kaagad nitong nabanggit!] Dad?! Really? Ito talaga ang reseta sa inyo ni Dra Marlenna? [Nangingiti nitong tanong sa ama.]

LUKE: Yan talaga ang ibinigay na reseta Niks. [Agad nitong tugon sa tanong ng kapatid bago makapagsalita ang kanilang ama.]

ABBY: Yes, Ate Nikki. Nagpunta pa nga kami sa botika eh.!

NIKKI: What?! [Nalilito nitong tanong sa dalawang kapatid..]

LUKE: Ganito kasi iyon Niks..[At ikinuwento sa kapatid ang nangyari sa botika. ]

NIKKI: [Patingin-tingin ito sa kanyang Daddy habang nakikinig sa pagkukuwento ng kanyang kuya at bunsong kapatid. Napapangiti ito na tila ba nakikita ang mga pangyayari. At ng matapos ang kuwento, ay lumapit ito sa kanyang Daddy na noo’y tahimik lang na nakikinig sa pangyayari sa botika..] Ah Daddy… [Sabay yakap, halik sa magkabilang pisngi.] Daddy, you know that I love you very much right?

SIR CHIEF: Yes, I know. [Malumanay nitong tugon sa anak na dalaga.]

SABEL: Ay! Ang sweet naman ng moment! Sarap kodakan ito ah!

DORIS: Ano ka ba naman Doris? Hindi na Kodakan ngayon ano? Pa-Instagram na! Hay naku ito talagang si Sabel, huli sa biyahe. [Panunukso sa kaibigan.]

JOMA: Oy! Oy! Mag-si-tigil nga kayong dalawa riyan..[Sabi kaagad nito sa mga kaibigan.]

SABEL: Ito talaga itong si Jose Marie, kararating lang eh umeeksena na naman..

DORIS: Korek ka riyan Sabel!

LUKE: Ate Sabel, Ate Doris. Kayo naman magbigay ng gamot kay Daddy..[Ang bigla nitong sabi matapos mapatingin sa kaniyang Daddy.] Di po ba Manang Fe? [Ang makahulugang tanong nito sa pangalawang ina ng kanyang Daddy.]

MANANG FE: Mas maraming nagmamahal kay Ricardo, mas dadali ang paggaling niya. [Ang tugon nito sa tanong ng binata at sabay tingin sa mga dalagang katabi niya. Tumigil ang kanyang tingin kay Maya na noo’y tila tulala pa rin sa nabasang reseta ng doktora.]

SABEL: Talaga po Manang Fe?

DORIS: Sir Richard? [Tanong nito sa amo na noo’y napapangiti sa nakikitang eksena sa dalawa.]

MANANG FE: Yun ang payo ng doctor. Eh di sundin. Hindi ba Ricardo? [Ang tanong nito sa dating alaga na sinuklian ng isang nakakalokong ngiti.]

SABEL: Payag kayo Sir Richard? [Ang nag-aalinlangan na tanong nito sa amo.]

JOMA: Ay naku Sir Richard, huwag kayong pumayag. Baka matetano pa kayo imbes na gumaling kayo. [Sabay tawa nito na sinabayan naman din ng tawa nina Luke, Nikki at Abby.]

DORIS: Hoy Joma! Di ka kasama sa usapan dito. Huwag kang umeksena.

MANANG FE: Ay naku! Kung ayaw ninyo eh di …

SABEL: Ay Manang Fe! Walang bawian! Payag po kami ni Doris. Hindi ba Doris?

DORIS: Ay siyempre pa naman.. Pagkakataon na natin ito ano? Minsanan lang ito na may go signal. Tara na..[Sabay hatak sa kaibigan patungo sa amo na noo’y bumitiw na sa pagkakayakap kay Nikki.] Eh Sir Richard, puwede po talaga? [Ang nahihiya pa nitong tanong sa amo samantalang si Sabel ay tila natulala sa harap ng kanyang amo.]

SIR CHIEF: Ah..[Ang tanging nasabi at dahil sa natutuwa siya sa dalawang kasama nito sa bahay ay tango at ngiti ang itinugon sa tanong.]

DORIS: Ay!!! [Sigaw nito sa tuwa sabay yakap sa amo at mabilis na halik sa kanang pisngi nito.] Dali Sabel! Baka magbago ng isip ni Sir, sige ka..[Panghihikayat nito sa kaibigan at patuloy na pagyakap sa amo at doon sa eksenang iyon tila natauhan si Sabel.]

SABEL: Hoy Doris! [Tinanggal ang pagkakayap ng kaibigan sa amo.] Huwag mong solohin si Sir! Alis diyan, at ako naman. [Sabay mahigpit na yakap sa amo at mabilis ding halik sa kaliwang pisngi nito.] Ay Sir Richard!

DORIS: Hoy Sabel! Awat na riyan! Di na makahinga si Sir Richard sa higpit ng yakap mo. [Sabi nito sa kaibigan at sabay paghila nito papalayo sa amo!.]

SABEL: Ano ka ba naman Doris! [Ang pagkayamot nitong sabi sa kaibigan.]

DORIS: Sabel, nilagtas ko lang si Sir Richard sa iyo ano? Imbes na gumaling eh ayun di na makahinga sa sobrang pagkakayakap mo na parang linta sa pagkakakabit.

SABEL: Naku, akala mo kung sinong makapagsalita eh ikaw nga eh parang sawa sa pagkakayakap kay Sir Richard eh. Kung di pa kita inawat ay malalagutan ng hininga si Sir..[Sagot nito sa kaibigan.]

MANANG FE: Sabel! Doris! Mag-si-tigil na nga kayong dalawa! Di..[Hindi na naituloy na pagsabihin ang dalawa dahil sa narinig na malakas na tawa mula sa dating alaga. Napangiti ito at natuwa na tila dahil sa kakulitan ng dalawa ay naaaliw ito.] Pagpasensyahan mo na Ricardo itong dalawang ito… [Tumingin sa dalawa..] Naku! Kayong dalawa talaga oo…makukurot ko kayo niyan…

SIR CHIEF: It’s okey Manang Fe…Kilala ko na po sila…Nakakataba naman ng puso at nakaka-aliw ang pagbibiruan ng dalawang magkaibigan na ito…[Sabay tingin sa dalawa at ngumiti ito na tila naging dahilan para mahiya at mamula ang dalawa.]

SABEL: [Habang namumula sa hiya sa kanyang amo..] Si Sir Richard talaga oo! Kaya ka nga loves naming..lalo na noong hindi ka na nag ti-tiger mode…

DORIS: Sabel! [Saway nito sa kaibigan..] Ano ka ba naman…Hindi ka na mahiya kay Sir. [Tumingin sa amo nito at sinabing..] Sir Richard, pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha? Walang preno ang bibig eh..Pero totoo yung loves ka naming talaga, Sir Richard..Ang bait mo ata sa amin..

SIR CHIEF: Kahit tiger-mode? [ Panunukso nitong tanong.]

DORIS: Hindi ah!

SABEL & JOMA: Doris!

DORIS: [Hiyang-hiyang nagpapaliwanag sa amo..] Sir Richard, ang ibig kong sabihin ay…

SIR CHIEF: [Tumawa ng malakas.] It’s okey Doris, you don’t need to explain..[Sabay tapik sa balikat nito upang ipabatid na hindi siya galit dito.]

DORIS: Sir Richard…[Dahil sa hiya, hindi na malaman ang sasabihin sa amo, kung kaya’t napatingin ito sa mga taong nakapaligid sa kanila na tila lahat ay natatawa sa eksenang napanood..Maliban sa isang tao.] Maya! [Lumapit ito sa kaibigan.] Hoy Maya! Ikaw naman ang mgabigay ng gamot kay Sir Richard!

MAYA: Ha? [Tila sa paglapit at sabay na pagtulak patungo sa kanilang amo, ay noon lang natauhan simula ng mabasa ang reseta.]

LUKE: [Bigla nitong naaalala ang mga napansin niyang kakaibang kilos ng kanyang Daddy at Ate Maya.] Oo nga Ate Maya! Ikaw naman. Bilin nga ni Dra Marlenna na ibigay ko sa iyo ang reseta eh.

MANANG FE: Yun ang sinabi sa iyo? [Makahulugang tanong nito sa binata at sabay tingin sa dating alaga na noon at tila natigilan at napawi ang ngiti sa mukha nito.]

LUKE: Opo Manang Fe. Yan ang sinabi…kaya Ate Maya, sige na puntahan mo na si Daddy..[Udyok nito na tila di niya napansin ang tila pag-iiba ng pagmumukha ng kanyang dalawang kapatid. Ang isa ay tila maiiyak habang napatingin ito sa kanyang Daddy. Ang isa naman ay makikita ang pagtatanong at pagkalito habang napatingin ito sa babaing nasa gitna ng pag-uusap at sa kanyang Daddy.]

SIR CHIEF: Luke! Enough! [Saway nito sa anak na tila napalakas dahil sa alam niya na baka hindi niya makayanang hindi mag-react kung siya ay yayakapin at hahalikan ni Maya. At alam din niya na hindi niya kakayanin kung maririnig niya ang salitang “love” mula sa bibig nito. Noon lang niya rin napansin ang mukha ng kanyang bunso kung kaya’t lumapit ito rito at kinarga ito.] Are you okey Abby?

ABBY: Daddy..[Mahina nitong tawag sa kanyang ama na tila tuluyang iiyak.]

SIR CHIEF: Yes Baby?

ABBY: I need to tell you something. [Mahina nitong sabi sa kanyang Daddy.]

SIR CHIEF: Let us go upstairs Baby. Excuse us. [Nagsimula itong umakyat sa hagdan patungo sa silid ng anak. Hindi na nito napansin ang mga taong nakamasid sa kanilang mag-ama.]

MANANG FE: Doris …Sabel.. Hala, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo..[Agad nitong pag-utos sa dalawa bago pa man magsimula sa panibagong palitan ng salita mula sa dalawa. Umalis ang dalawang pabulong-bulong kasunod si Joma.]

NIKKI: Look what you have done Kuya! Talaga kang GRRRR! [Ang sabi nito sa kapatid at sabay lumayo patungo sa kaniyang kuwarto.]

LUKE: I’m sorry.. Hindi ko naman akalain na magagalit si Daddy eh. Ang saya-saya niya tapos bigla na lang nagalit nung kay Ate Ma..

MANANG FE: Huwag mo nang isipin iyon Luke. [Bigla nitong pinutol ang sasabihin ng binata habang nakatingin kay Maya na tila tuluyan ng tumulo ang luhang kanina pa napipigilan.] Sige Luke, umakyat ka na sa kuwarto mo muna para makapagpahinga ka.

LUKE: Sige po Manang Fe..[Lumingon ito sa kinaroroon ni Maya na kung saan nakita ang aktong pagpapahid ng mga luha nito. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin kung kaya’t minabuti na lang na sundin ang habilin ng matanda at siya ay umakyat sa hagdan patungo sa kanyang silid.]

MANANG FE: Maya…[Mahina nitong tawag sa dalaga.]

MAYA: Ano po iyon Manang Fe? [Sagot nito sa matanda habang pinilit na mapahiran ang luha sa mukha.]

MANANG FE: Maya…

MAYA: Manang Fe, pupunta muna po muna ako sa labas at magpapahangin...[Hindi na nito hinintay ang sagot ng matanda at tuluyang nagtuloy-tuloy patungo sa upuan na malapit sa swimming pool. At doon ay hinayaan niyang tumulo ng husto ang kanyang mga luha.]

[SA ISIP NI MAYA: Bakit ganoon? Hindi ko talaga siya maintindihan. Parang umiiwas talaga siya sa akin. Parang bina-bale wala ako. Pati si Abby? Feeling ko ay iniiwasan rin niya ako. Hindi ko alam kong ano ang nagawa ko sa kanila…Bakit ba ganito? Bakit ba ako apektado ng husto eh di ba nga yaya lang naman ako?… Ito kasing pusong ito. Ito ang may sala ng lahat. Hindi marunong makinig. Hindi marunong hindi magmahal at masaktan. Mula sa mga anak, pati sa ama. Hindi na ako pinatawad ng pusong ito..]

****

[Samantala sa kuwarto ni Abby..]

SIR CHIEF: Abby, don’t cry okey?

ABBY: Daddy, I don’t want you to get mad at me. [Sinabi ito sa kanyang ama habang tumutulo ang luha na pilit na pinapahiran ng kanyang Daddy habang siya ay nakaupo sa kaliwang hita nito.]

SIR CHIEF: I promise that I will not get mad at you. But, if you did something wrong I have to explain it to you why it is wrong. Okey baby? I promise though, that I will not get mad at you. Okey?

ABBY: Daddy, you know that I love Mommy right?

SIR CHIEF: Of course, baby. I know. And Mommy knows it too. [Natigilan ito ng sandali at tila parang nag-iba ang boses nito ng sumunod na nagsalita sa kanyang anak.] You know that Mommy loves you too wherever she might be right now. That will not change. You know that, right?

ABBY: I know Daddy…[Sagot nito sa ama habang patuloy ang pagluha at paghikbi nito..]

SIR CHIEF: So tell me Baby..What is wrong?

ABBY: [Tumingin muna ito sa kanyang Daddy at matapos ay yumuko at…] I pretended that Yaya is my mommy. [Ang mahina nitong kumpisal sa ama.]

SIR CHIEF: Baby..[Mahina nitong nasabi at niyakap nito ng husto ang anak na kung saan lalong umagos ang luha sa mga mata nito.]

ABBY: [Habang umiiyak ay nagsabi ito sa kanyang Daddy. Ikinuwento nito ang kanyang panaginip tungkol sa paghahanap ng kanyang Mommy ng taong magmamahal sa kanilang lahat. Ikinuwento rin niya na kanyang panaginip na masaya ang Mommy niya sa pagdating ni Maya sa kanilang buhay. At ikinuwento rin niya ang dahilan kung bakit siya napaiyak sa sinabi ng kanyang kaklaseng si Annie.] Mahal ko si Mommy, Daddy. Pero mahal ko po rin si Yaya. Kapag kasama ko si Yaya, parang hindi ako naiinggit sa mga ibang bata na may Mommy pa hanggang ngayon. Alam ko naman po na hindi kagustuhan ni Mommy na iwan tayo, iwan ako…. Pero naiwan po niya tayo…. Tapos binigay po niya si Yaya sa buhay natin… Nang tinanong ni Annie kung bakit ko isasama si Yaya eh yaya ko lang naman siya, nasaktan po ako ng husto… Gusto ko pong sisihin si Yaya na bakit naging yaya ko siya at di ko siya naging Mommy. .. And then naisip ko po si Mommy. Sinisisi ko rin po si Mommy na bakit iniwan niya ako. Iniwan tapos di ako pupuwedeng magkaroon ng ibang Mommy? Ang sakit sakit Daddy..[Habang tinuturo ang puso nito sa kanyang Daddy at patuloy ang kanyang pag-iyak.]

SIR CHIEF: [Hindi malaman nito kung ano at papaano paiintindihin sa anak ang mga bagay na kahit siya ay nalilito rin at nasasaktan.] Abby…

ABBY: Daddy, please don’t get mad at me for pretending that Yaya is my other Mommy. Don’t get mad at Yaya either. She always made sure that I remember Mommy and talk to her. [At nang mapansin ang tila mga tanong sa mukha ng kanyang Daddy, ay ikinuwento nito ang mga iba’t ibang paraan na ginagawa ng kanyang yaya para lagi niyang maalala ang kanyang Mommy.]

SIR CHIEF: Why do you think I will get mad at you?

ABBY: Because you might think I have forgotten Mommy already and replaced her in here [Tinuro ang puso.] Yaya said that our heart is big enough for everyone to have a special place in it. Pero ng sinabi ni Annie na yaya lang si Yaya at hindi ko siya puwedeng isama sa Parent’s Day, doon ko naisip na hindi ko nga talaga pala Mommy si Yaya…

SIR CHIEF: Baby, tama si Yaya mo na sabihin na kapag may minahal kang iba, hindi ibig sabihin ay may kailangan kang tanggalin sa mga tao mong una mong minahal…[Nagbuntong hininga ito at ..] Baby, kung si Daddy mo ba ay mag-asawang muli, ibig ba noong sabihin ay hindi na niya mahal ang Mommy Alex mo?

ABBY: No Daddy. [Mabilis nitong sagot sa ama.]

SIR CHIEF: Si Manang Fe, dahil mahal ko siya at tinuring kong pangalawang ina, ibig sabihin ba noon ay hindi ko na mahal si Mama, your Lola?

ABBY: Hindi rin Daddy… Pero you did not pretend that Manang Fe is your Mommy. I did..And I was afraid you will get mad at me…[Nakayuko nitong tugon sa ama.]

SIR CHIEF: [Itinaas ang mukha ng anak at saka sinabi na..] There was no need to pretend Abby. Manang Fe is my second Mom. Just like what Maya is to you. You have your Mommy Alex and because Maya showed you a love of a mom to a child, she became your Mommy too. You need feel any guilt at all. Your Mommy Alex would not have wanted you to feel that. Di ba nga sabi mo, bigay niya si Maya sa iyo? Your mom was the one of the most generous and giving person I have met and let me tell you, that your Mommy Alex would never allow that you should feel any guilt for finding a second Mom who loves you just as she had loved you. [Sinabi nito sa anak na tila rin pagkukumbinsi sa sarili na maiintindihan siya ng asawa nito sa muling paghanap at pag-amin ng nararamdaman sa taong kanilang pinag-uusapan.]

ABBY: Thank you Daddy..[Sabay halik sa mag kabilang pisngi ng ama.] You are really the Best Daddy in the World.

SIR CHIEF: So, huwag ng iiyak ang baby ko ha? [Na sinagot ng tango ng anak.] Yan ang Baby ko..Smile ka na, okey?

ABBY: Ikaw din Daddy, smile ka na rin at para di ka magkasakit. [Pilit na pina-ngiti ang kanyang Daddy .] Daddy, may I go see Yaya? I missed her. [Mahina nitong paki-usap sa ama.]

SIR CHIEF: Iniwasan mo siya? [At tango lang ang naging tugon nito.] Bakit?

ABBY: I am afraid she will get mad at me too Daddy. [Pag aamin sa ama.]

SIR CHIEF: You are afraid?

ABBY: Opo, kasi baka magalit siya sa akin at tumanggi siyang sumama sa Parent’s Day dahil di ko siya Mommy. Could you come downstairs with me to see her?

SIR CHIEF: [Dahil sa naiintindihan ang anak at hindi rin niya matanggihan ito…] Okey Baby, let us go downstairs. [At bumaba na ang dalawa at nakita nilang si Manang Fe na nandoon sa may pintuan na tila nakamasid kay Maya na nandoon pa rin sa tabi ng swimming pool.]

MANANG FE: Ricardo?..[Makahulugang tanong nito sa dating alaga..]

SIR CHIEF: Everything is okey Manang Fe…Si Maya po pala?

MANANG FE: [Nang marinig ang paghanap kay Maya, ay tila noon lang nakaramdam ng pagkatiwasay ng kalooban nito.] Nandoon sa may pool… Ricardo, sana maayos ang anumang hindi ninyo magkakaunawaan..[Iyon lang ang sinabi at iniwan na ang mag-ama na nagtuloy lumabas ng pintuan patungo sa may swimming pool na kung saan nila natagpuan si Maya na patuloy na umiiyak.]

****

SIR CHIEF: Maya..[ Mahina nitong tawag na noo’y nakatikod sa kanila.]

MAYA: Sir Chief? [Mahina rin nitong sabi at dali dali nitong pinilit na pinahiran ang luha sa kanyang mga mata bago humarap sa kanyang amo.]

SIR CHIEF: Maya..[Yun lang ang nasabi sa biglang pagkakita sa dalaga. Nakita nito ang namumugtong mga mata na tila rin kanyang naramdaman ang sakit ng kalooban na darama nito.] Ah.. eh.. may gusto sanang sabihin sa iyo si Abby…[Lumuhod ito sa anak at binulungan.] Go ahead, Baby. I am just here. You can do this. Remember that I love you and that she loves you too.

ABBY: Thank you Daddy. I love you too. [Pagkatapos na masabi ito sa kanyang Daddy ay nagtungo ito sa harap ng kanyang yaya na noo’y din ay lumuhod para makita ng husto ang mukha ng alaga.] Yaya, I am sorry.

MAYA: Oh Baby! [Sabay yakap sa alaga na tila sabik .] Why are you sorry? Wala naman akong naisip na ginawa mong kasalanan ah.

ABBY: I was avoiding you. [Pag-amin nito sa kausap.]

MAYA: Bakit Baby? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Galit ka ba sa akin? [Nang makita ang pag-iling ng alaga.] Eh bakit Baby mo ako iniiwasan? Ang akala ko ay ayaw mo na sa akin.

ABBY: [Huminga muna ito ng malalim at matapos lumingon sa ama nito ay pinagtapat ang dahilan. ] I pretended that you are my Mommy. [Mahina nitong sinabi sa kausap]

MAYA: Abby! [Agad nitong tingin sa amo.] Naku Sir Chief! Sorry po. I mean… Naku Baby..[Ang di mawari nitong nasabi sa narinig mula sa bibig ng alaga.] Sorry Sir Chief, nakakahiya po.. Naku Baby..

SIR CHIEF: Its okey Maya. [Ang agad nitong sabi dahil sa nakita nitong pag-kabahala sa sinabi ng anak.] Naipaliwanag ko na kay Abby. Hindi ba Abby?

ABBY: Sorry Daddy. I forgot. ..[Tumingin ito muli ito sa kanyang yaya at sinabi..] Yaya, Daddy told me that I was not pretending that you are Mommy.

MAYA: Sir Chief?…

ABBY: Sabi niya, totoo na mommy kita dahil sa you love me like a mommy love her child. He was not mad at all, dahil alam niya na I have not forgotten my Mommy. I just happened to have another Mommy..You!...[Sabay tingin sa ama…] Just like Daddy, having Manang Fe, right Daddy?

SIR CHIEF: Yes Baby.

ABBY: I was afraid you will get mad at me if you know that I am thinking of you as my Mommy, not just my yaya. [Patuloy na pag-amin nito sa kaniyang yaya.] You always reminded me of my Mommy so I thought you will get mad at me.

MAYA: Oh Baby…[Sabay higpit sa yakap sa alaga.] Totoo na mahal na mahal kita. I think of you as my own child. Kayong lahat nina Kuya Luke mo at Ate Nikki mo. Kahit na siguro ikaw lang ang payag, hindi magbabago iyon..Mas takot pa ako na yung Daddy mo magalit sa akin dahil kung inisip mo iyon at baka akalain niya ay nag-aambisyon akong maging…[Tila naalala na galit pa sa kanya ang kanyang amo..] Ay sorry Sir Chief! Sorry…Naku Sir Chief!.[Muli nitong mali-maling nasabi sa harap ng amo.]

SIR CHIEF: [Hindi niya mapigilan na mangiti sa pagkamali-mali ng babaing naging laman ng isipan niya sa mga nagdaang mga linggo.] It’s okey Maya. Hindi kita masisi na mag-akalang magagalit ako. Pero rest assured na alam ko na tunay ang pagmamahal mo sa mga anak ko na walang halong pagnanasang na tanggalin ang Mommy nila sa buhay nila. Na wala kang balak palitan ang kanilang Mommy sa buhay nila.

ABBY: Yaya, you don’t want to be our other Mommy? [Inosente nitong tanong sa kanyang yaya.]

MAYA: Baby..[Sabay tingin nito sa alaga na muling nagsimula ang pangingilid ng luha…] Baby, if you only knew…

SIR CHIEF: If she only knew what Maya? [Ang bigla nitong tanong.]

MAYA: Sir Chief…Ang ibig kong sabihin ay…[Hindi malaman kung ang isasagot sa tanong ng kanyang amo.]

ABBY: Yaya? [Muli nitong sambit.]

MAYA: Baby, di ba nga ang tawag ko sa iyo ay Baby ko? So Baby kita. Anak kita. So ibig sabihin noon ay..

SIR CHIEF: Go straight to the point Maya. Answer Abby’s question.

MAYA: Sir Chief!…[Dahil nakita niya na nagsimula ng umiyak ang kanyang alaga ay…] Baby, one of the things that would make me the happiest person in this world is to be your other Mommy. But I don’t think I can do it..

ABBY: You mean you don’t want to be my Mommy? [Pumiglas ito sa pagkakayakap at tumungo sa ama at yumakap ito rito.]

MAYA: [Sinundan ang alaga..] No Abby! .. I want to be your Mommy….[Tuluyan na ring tumulo ang luha nito..] I already think I am your Mommy, but I do not think my heart could take to see your…I could not be your Mommy because that is reserve for another woman…

ABBY: But Daddy already said that Mommy Alex will always be my Mommy. You will be my other Mommy. So, sino ang tinutukoy mong iba? [Nang wala siyang narinig na sagot, ay tumingin ito sa kanyang ama.] Daddy? Do you know who is she talking about?

SIR CHIEF: [Tumingin ito sa anak at matapos ay tumingin ito sa babaing nakaluhod sa pagkakayap sa kanyang anak. Lumuhod din ito ng sa ganoon ay silang tatlo ay pantay-pantay ang kanilang mga mukha.] Baby, I think she is talking about my new wife..[Ang mahina nitong sagot habang makahulugang nakatitig kay Maya na halos isang  palad lamang ang layo ng kanilang mga mukha.]

MAYA: Sir Chief ..[Ang mahina nitong sambit na patuloy na umiiyak at tila hindi na maikaila ang nararamdaman sa taong kaharap niya na noo’y sinumulang pahiran ng kanyang mga daliri ang mga luhang patuloy na umagos sa kanyang pisngi.]

ABBY: Daddy… Yaya… [Napatingin ito sa kanyang Daddy na pinapahiran ang luha ng kanyang yaya at tila naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan na si Rena ng huli silang nagkita sa eskuwela.] Yaya! Alam ko na ang solution diyan. Nasabi sa akin ni Rena kanina.. [ Sa pagsalita nito ay tila natauhan ang dalawa at tumayo mula sa pagkakaluhod.] Daddy, Yaya. Tama si Rena! [Sabay tawa nito na siyang ikina-ngiti ng dalawa rin na tila nagkakahiyaan..]

SIR CHIEF: Ano iyon Baby?

ABBY: Narinig kasi ni Rena sa Mommy niya na kailangan mo raw ay asawa samantantalang kailangan ko ay Mommy. If I find a Mommy, she can be your wife. Since I already found Yaya, then all you have to do is marry her. Right Daddy? [Inosente nitong tanong sa kanyang Daddy.]

SIR CHIEF: [Napatingin ito sa anak at binaling ang tingin kay Maya.] Baby! You know that I love you right? I would do anything for you to make you happy. But I would not marry, so that you can have a mommy. I would…

ABBY: But Daddy…

MAYA: [Tila nabuhusan ng malamig na tubig ang sarili sa narinig na sinabi ng kanyang amo. Ayaw na niyang marinig pa ang tila sasabihin pa nito. Alam niya na baka hindi niya kayanin na kumpirmahan na hindi siya kayang mahalin nito.] Abby, your Daddy is right. I would do the same thing. I would not marry someone I do not love…

SIR CHIEF: [Walang nakapansin sa pagbabago ng itsura ng mukha nito ng marinig ang sinabi ng babaing inaamin na niya sa kanyang sarili ng mahalaga sa kanya. ] Exactly my point, Maya. [Malungkot nitong pag-sang-ayon sa sinabi ni Maya.] That is why Abby, I could not ask your Yaya to marry me so you can be happy to have a mommy. You want your Yaya to be happy too right? [SA ISIP NI SIR CHIEF: I know that Maya would not sacrifice her love for Abby just to marry me. I know that. How it hurts to hear its confirmation directly from her own mouth.]

ABBY: Yes, Daddy.. But…

SIR CHIEF: Abby, enough.

ABBY: Even for a day, on Parent’s Day. She couldn’t be your wife? Ano nga ba yung sabi ni Rena? Ah..Fiance tulad ng tawag ng mommy niya sa mapapangasawa ng Tito niya.

SIR CHIEF: Abby, huwag matigas ang ulo…

ABBY: I just want to have a chance to call her my Mommy even for a day…[Tila desperado nitong hiling sa dalawang taong kausap niya. Sabay muling pag-iyak nito.]

SIR CHIEF: Stop it Abby!

MAYA: Sir Chief…[Mahina nitong tawag sa kanyang amo. Na habang tinitingnan ang alaga nit ay tila nagdurugo ang kanyang puso. May naisip siya na alam niyang pag-sisihan niya sa huli, ngunit naisip niya na malapit na naman siyang umalis sa Mansyon kung kaya’t susugal na siya kahit sakit ang mararamdaman niya kapalit ng panandaliang saya…] Kung papayag kayo Sir Chief, payag akong pumunta ng Parent’s Day ni Abby bilang…soon to be mommy niya. [Hindi niya makayang tawagin ang sarili na fiance nito.]

SIR CHIEF: Maya…

ABBY: Yaya?..

MAYA: So Abby para hindi ka na malungkot at umiyak. Kung papayag ang Daddy mo, payag ako sa sinabi mo at pupunta ako ng Parent’s Day mo. Tutal naman, aalis na rin ako rito sa Mansyon tulad ng napagkasunduan namin ng Daddy mo noon kapag nagtapos na ako.

SIR CHIEF: Maya..[Sabay hawak sa braso nito.] You don’t have to do this, you know that. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpanggap.

MAYA: Alam ko. Pero, gagawin ko para sa taong mahal ko..[Sabay pag-alis ng braso nito sa pagkakahawak ng kanyang amo.][SA ISIP NI MAYA: At para na rin sa sarili ko na kahit sandali ay masabi ko na I AM YOUR WOMAN AND YOU ARE MY MAN.] Halika na Baby…Ikuwento mo sa akin kung ano ang kailangang gawin sa Parent’s Day…Gusto mo ba na magkapareho tayo ng outfit? [Hindi na hinintay ang sagot ng alaga at niyaya na nitong papalayo sa kanyang amo.]

SIR CHIEF: [Kung hindi sana sila lumayo kaagad ay baka narinig pa nila ang mahina nitong sabi sa sarili.] I would really be happy to take even for a day to have to call you MY WOMAN, MY LOVE. I will be so proud to be YOUR MAN even for a day, that I am sure of. The only thing I am unsure of is if I would have the strength to let you go after that day. [At hindi na nito namalayan ang pagtulo ng luha nito sa kanyang mga mata.]

***

To be continued…

[AUTHOR’S NOTE: Thanks for the Special Appearances of Ms. Josie Converse and Ms. Lourdes (Bebe) Navarro of RiChennatiques California. Thanks again for another “guesting” of Ms. Lenie Dela Cruz-Daldoss as Teacher Lenie, Ms. Lorena Dela Cruz as Rena and Ms. Anna Liza Mabee as Annie of RiChennatiques California. Special mention to Ms. J. Marlenna (@ImMarlenna) as Dra. Marlenna. ]

Advertisements

55 thoughts on “First Love – Part 6

    • talaga naman… caps locks pa ha?..hindi ko namalayan 3 months na pala ang nakalipas.. hindi kasi makakuha ng momentum dahil hindi na nakapag break sa opisina.. yun ang totoo.. pasensya na rin po…maraming salamat po sa pag aabang ng kasunod.. unti unti naman eh na eedit ko na.. di nga lang matapos tapos.. sorry uli!😊

    • Like a broken record, I am asking for apology for not being able to post the next part. It has been such a BrainPowerExhausting time these past months and I do not see any break anytime soon though. But still I am trying the best that II can to find even a minute here and there to bring you guys the next part soon. Again, my apology.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s