“I Will” This Time- part 3

Admin Note *Contributed Story* Please give credit and thanks to Shary. This is a continuation to “I Will” this Time- part 2.

Author: Shary
~*~

Tuesday-

Pilit na kinalimutan ni Maya ang mga problema niya kahit sa araw na ito lang. Nakapangbihis FA na siya, suot suot na ang uniporme at handa nang pumasok sa Time Airways. Si Joma ulit naghatid kina Abby at Maya. Habang si Ricardo ay maagang umalis para kitain ulit si Sylvia. Ngayong araw mangyayari ang pagkikita ni Capt. James at ni Maya kaya naman agad na inaya ni Richard si Sylvia para mag dinner sa Masseto located at SB Cards Building, Mezzanine Level, Valero Street, Salcedo Village, Makati City na kung saan doon din dadalhin ni Capt. James si Maya. Planado na ang lahat ni Ricardo bago pa ang mga araw na iyon, handa na siyang magpanggap at tiisin ang sakit na mararamdaman niya kapag  makita si Maya. Nagdaan na ang buong mag hapon at natapos na rin ang klase ni Maya, habang si Richard naman ay tinawagan na si Sylvia para sunduin ito. Nasa labas na ng Time Airways si Maya naghihintay na lamang sa pag dating ng “Best Friend” niya. Yes, her bestfriend.

-Flashback-

Nasa Time Airways si Maya ng salubungin siya ni Capt. James Ventura ng mga tsokolate at bulaklak. Lingid sa kaalaman ni Maya na friends gift lang iyon at inisip niya baka regalo lang ni Capt. James yun dahil naikwento niya na maganda ang pinapakita niyang performance na ikinabilib naman ng mga trainor at mga co-FA’s niya.

Maya: Ahh, Sir James para saan po ito? (tanong ng dalaga sa binata).
Sir James: Maya, ba’t ba napakamanhid mo. Pinanganak kabang walang pakiramdam? (Biro nito sa dalaga)
Maya: Si Sir James talaga palabiro. (tatawa ng kaunti)
Sir James: (Biglang nagseryoso at sincere ang mukha) Maya, alam mo naman na special ka para sakin diba? Alam mo naman na una pa lamang kitang nakita eh nabighani muna ako sa unang tingin.
Maya: Ahm, Sir James ano poba un? Diko po kayo maintindihan eh (Kinakabahan at puno ng pagtataka sa ikinikilos ng binata)
Sir James: Maya, alam ko si Sir Chief mo lang ang laman niyan (itinuro ang puso ni Maya) pero sana mapagbigyan mo naman ako pasukin o bigyan mo naman ako ng kaunting space diyan sa puso mo.
Maya: Sir James (Mas lalong kinabahan at punong puno ng katanungan, pinutol ni James ang kanyang pagsasalita)
Sir James: Maya, (Sabay hawak sa magkabilang braso ni Maya). Mahal kita,  kaya sana pabayaan at pagbigyan mo ako na suyuin kita. Maya, Please (Nagmamakaawang sinabi nito sa dalaga)
Maya: Ah, Sir James (Nauutal-utal sa kanyang pagsasalita sa kadahilanang pagkabigla at kabang naramdaman at kung ano sasabihin nito kay James)
Sir James: Kung hindi ngayon Maya, makapaghihintay ako.
Maya: Sir James, sorry po. Hindi pa po ako handa at ayaw ko naman pong masira ang pagkakaibigan natin kung ano man ang mangyari. “BestFriend” na po ang turing ko sainyo, parang kapatid kona rin po kayo at hanggang doon lang po iyon Sir James. Ayaw ko namang saktan ka ee, kaso (Biglang pinutol ni Sir James ang pagsasalita ng dalaga)
Sir James: Ah, bakit si Sir Chief mo nanaman ba? Right Maya?
Maya: Ah, kasi Sir James (pinagpawisan at hindi alam ang isasagot)
Sir James: Naiintindihan kita Maya, hindi na ako magpupumilit na  isiksik pa ang sarili ko sa iyo Maya. Siguro nga hanggang mag “Bestfriends” lang talaga tayo.
Maya: Maraming salamat po Sir James (Laking tuwa ng dalaga at tanggap ito ng binata, kaya naman binigyan niya ng isang napaka-warm na yakap si Sir James at muling nagpasalamat) Sir James, wala pong magbabago ah? At sana “Bestfriends” parin tayo.
Sir James: Oo Maya, kahit mahal kita wala akong magagawa! Kaya “Bestfriends”? (Inabot ang kamay at nakipagkamay naman si Maya) Maya: Bestfriend. (Gumaan ang loob ng dalawa at napalitan na ng ngiti ang kaninang hindi maipintang mga mukha, natanggal na rin ang kaba at takot ng dalawa sa dibdib. Kahit masakit sa looban ni Sir James, nagparaya na siya at naiintindihan naman niya si Maya)
Sir James: At bago ang lahat, tanggalin mu ang po kapag kausap mo ako huh? Mukha naba akong matanda (biro nito kay Maya)
Maya: Okay, pero pag nasa bahay ako Sir James, gagamit ako ng po ah, kasi baka sabihin nila  ng mga bata na nagbago at hindi na ko gumagalang.
Sir James: Osige, kaw bahala. Swerte talaga nila sayo (Biglang sumimangot na animo’y nag papalmbing)
Maya: Naku Sir James, ayan ka na naman ! (Sabay tapik sa braso ni James)

-End of Flashback-

Ilang sandali pa ay dumating na si Sir James, pinagbuksan niya ng pinto si Maya at pinagdrive na si Maya.

Inside the car-
Maya: Sir James san ba tayo kakain.
Sir James: Basta Maya, ako nang bahala maupo ka nalang diyan. Iti-Treat ko lang ang BestFriend ko ilang araw rin kasi tayo hindi nakapagusap sa personal kaya babawin lang ang BestFriend mo sayo.
Maya: Kayo talaga, sige Sir James.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang pag kakainan, “Masseto” located sa SB Cards Building, Mezzanine Level, Valero Street, Salcedo Village, Makati City.
Sir James: Here we are Maya (Lumabas ng pinto at agad na tumakbo sa kabila upang pagbuksan ng pinto ang dalaga)
Maya: (Punong puno ng pagkamangha ang makikita sa mukha ni Maya) Sir James, ang ganda naman dito. Ang romantic tignan, teka mahal dito Sir James hindi ko kayang kumain dito.
Sir James: Hay nako Maya, napakakuripot mo talaga. Huwag ka magalala sabi ko nga sayo bumabawi lang ang BestFriend mo.  So, Let’s go?
(Tumango ang dalaga at sabay na silang nilakad patungo sa entrance ng nasabing restaurant. Nagulat lang siya ng may makita siyang sasakyan, unang pumasok sa isipan nya “Hala, naandito si Sir Chief? Paano naman mangyayari yun Maya, at hindi lang naman si Sir Chief mo ang may ganyang sasakyan, Ah, Sabagay (Pakikipagusap nito sa sarili)” Hindi na lamang niya ito pinansin at pumasok nalang sila sa loob. Laking pagkamangha sa mukha ni Maya at ginhawa dahil ni isang hibla ng buhok ni Sir Chief wala siyang nakita. Ang hindi niya alam naandoon rin Sir Chief, nasa labas lang dahil may kausap ito sa telepono at natagalan nga ito. Nakaupo at nakaorder na sina Sir James, nakapasok na rin si Sir Chief sa loob at bumungad sakanya ang aasahan na sina Maya at James Ventura, hindi naman napansin ng dalawa ang pag pasok niya. Pilit siyang nagpapakatatag at sinasabi sa sarili na ” Richard kaya mo to, at KAKAYANIN Kalma lang- hay Richard hanggang dito dala-dala mo parin iyan at nahawa kana kay Maya”. Pilit na iwinawaksi sa isipan ni Richard ang lahat habang ang dalawang magbestfriend ay punong-puno ng kwento, tawanan, biruan, ang kanilang paguusap. Ang lahat ng iyon ay saksi si Ricardo sa kinauupuan nila Richard at ni Sylvia ay kita na rin ang table nila Maya, gayun din kina Maya ngunit hindi lang nila napapansin. Hindi matanggal tanggal ang tingin ni Ricardo sa dalawa, habang ang dalawa ay naghihintay nalang sa kinalang dessert. Ilang sandali pa ay dumating na nga ito papalakad sa table nila, at mula sa kinauupuan ni Maya may namukaan siyang isang lalaki, pero biglang natakpan ito ng waiter. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, kumirot at kinabahan. Hindi siya nagkamali sa pag-alis ng waiter natulala lamang siya sa nakita, na hawak-hawak ni Ricardo ang kamay ni Sylvia habang nakapatong sa mesa, at bago pa man mangyari iyon. Bago pa makaalis ang waiter sa landas na tinitingnan ni Maya agad niyang hinawakan ang kamay ni Sylvia, habang si Sylvia naman ay puno ng pagtataka at bigla na lang kinilig. Tulala na lamang si Maya sa pangyayari kahit pilit niyang ilingon at ituon ang atensyon sa pagkain hindi niya ito magawa. Tumulo na ang kanyang luha at inaya na si James na lumabas na sa restaurant at hindi na nakain pa ang nakahandang dessert para sa kanila. Dali-dali siyang lumabas hatak-hatak si Sir James ng hindi lumilingon, napansin naman agad ni Sir James na  naandon si Mr. Lim kaya agad niyang ki-nomfort si Maya.

Sa labas ng Restaurant (parking area) ngunit tanaw parin sa looban-

Sir James: Wait lang Maya (Hinahabol ang nagmamadaling si Maya hinawakan ang magkabilang balikat at iniharap sakanya)
Maya: (Humahagulgol sa pag-iyak) Sir James, ang sakit-sakit naman talaga dito (Sabay turo sakanyang puso) ang dami-daming tao ba’t sila pa ang nakita ko? Ang dami-daming pagkakainan bat nagkataon na dito rin sila, ang dami-daming (Hindi na natuloy ang pagsasalita dahil hindi na napigilan pa at lalo itong humagulgol, Niyakap naman ito ni Sir James para i-comfort, nakatakip ang dalawang kamay ni Maya saknyang mukha at ang likod na kamay ay nasa dibdib ni Sir James) Sir James bakit ba ganito, parang hindi kona kakayanin ang sakit. (tinulak siya ni James mula sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilaang pisngi ni Maya)
Sir James: Maya, alam kong masakit para sa iyo. Huwag mo lang kalimutan na nandito lang ako, ang BestFriend mo, kung may kailngan ka nandito lang ako para tumulong. Kaya mo yan Maya, ayaw kita at hindi ako sanay ng nakikita kang ganyan. Kaya please Maya tahan na. (Nilagay niya ang ulo ni Maya si dibdib nya at niyakap at hinimas ang likod ni Maya) tahan na Maya, please.
Maya: Sir James, puwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay? Gusto ko munang mapag isa eh, pero nagpapasalamat parin ako sa iyo Sir James. (Pinunasan ang luha pero bakas parin ang sakit na nararamdaman at nakaukit ang lungkot sa kanyang mukha)

Inihatid na ni Sir James si Maya, lahat ng mga pangyayaring iyon ay saksi si Richard. Galit at pagsisisi ang unang nabuo sa kanyang sarili. Hindi na niya naihatid pa si Sylvia at agad-agad na itong nagpaalam  na animo’y aligagang-aligaga na hindi alam kung ano ang uunahin. Agad na tumakbo sa parking area para kuhain ang sasakyan at nagdrive na pauwi. Laking pagtataka ang naiwan sa mukha ni Sylvia hindi niya alam ang nangyayari kay Richard at ang alam lang niya kanina pa ito nakatitig sa “YAYA” ni Abby na may kasamang gwapong lalaki.

LIM RESIDENCE

 

Naihatid na ni Sir James si Maya sa mansion, pinagbuksan siya nina Sabel at Doris. Hindi sila napansin ni Maya kaya agad agad nalang ito dumeretso sa kwarto. Nakita naman nina Doris at Sabel si Capt. James Ventura. Napatalon ang dalawang kasambahay ng ningitian at kinawayan sila nito. Agad na lumapit ang dalawa kay Sir James.

Doris: Hello Mr. Handsomenes :D may i know your name? (Nagfe-feeling classy pero pabiro lamang)
Sabel: Anu ba naman yan Doris, alam muba tagalog ng pinagsasabi mo? (Biglang nagpacute kay Capt. James Ventura at hinawakan ang kanang kamay sinita naman agad ni Doris)
Doris: Hoy Sabel, anong akala mo sakin walang pinagaralan? Ano kaba naman ! (Biglang tabig sa kamay ni Sabel na nakahawak kay Capt. James Ventura)
Sabel: Osige nga, may word bang “Handsomenes” Huh? Kung maka ano ka diyan, feeling mo!
Capt James: (Natatawa na lamang sa dalawa at sumakay na lamang sa sasakyan pagkatapos niyang makipagkilala)
Doris: Ayan hindi manlang natin masyado narinig boses nya, pangalan lang tuloy nalaman natin sakanya!
Sabel: Ako pa sinisisi mo, eh ikaw diyan may kasalanan. Paenglish-english ka pang nalalaman diyan!
Doris: Ah, so ganon? Ako na naman ang may kasalanan? eh, kung hindi ka nagpacute sakanya eh sana naandito pa yun ngayon. Mandiri ka nga sa intsura mo!
Sabel: CHE ! Doris: CHE ka rin !
Doris: Oi Sabel, si Sir Richard.. (Agad na nagkulasan ang dalawa at umacting na parang walang nangyari at palusot na nagtapon lang ng basura)


Pumasok na ng bahay si Maya , pagkabukas ng pinto ni Maya nadatnan niya si Manang Fe na nakatayo na parang lalabas naman at titignan kung sino ang pumasok sa bahay. Pansin ng matanda ang namumulang mata ni Maya at ang lungkot na bumabalot sa kanyang mukha. Si Maya ay agad na lumapit sa matanda at yumakap ng napakahigpit. Humagulhol ng humagulhol habang ikinwento ang lahat ng pangyayari, ng may marinig siyang busina agad na kumalas sa pagkakahawak ng kamay sa matanda at nagpaalam na pupunta na ito sa kwarto at matutulog. Sunod namang pumasok ang aligagang si Ricardo, hindi maipinta ang mukha at tila tarangtang-taranta sa kung ano man ang gagawin niya.

Ricardo: Manang si Maya po? (Sinasabi habang hinihingal at may bakas ng pagaalala sa tono ng kanyang boses)
Manang Fe: Ba’t ba kasi? Ano bang meron sainyon dalawa? Nung isang araw pa iyan nagiiyak si Maya.
Ricardo: Nasaan po siya (Nagaalalang tanong nito sa Matanda)
Manang Fe: Nasa kwarto na siya nagpapahinga, at kung may sasabihin ka o kakausapin mo siya huwag ngayon Ricardo. Mabigat pa ang loob niya baka mas lumala pa ang sakit na narararamdaman niya.
Ricardo: Okay po Manang. Ang mga bata po?
Manang Fe: Nakakain na sila at nasa kani-kanilang kwarto na. Ikaw nalng bahalang tumingin sa kanila.
Ricardo: Okay po Manang.

Lingid sa kaalaman nina Maya, Manang Fe at ng Daddy nila, naandoon lang sila nakikinig sa paguusap ni ate Maya nila at ni Manang Fe at ng Daddy nila at ni Manang. “We don’t need to investigate kuya, we already got the answers” Nikki Said. “Shhh! Niks wag kang maingay baka marinig tayo nila Dad” Luke whispered to Nikki, habang naka lagay ang hintuturo sa ilong pataas. Ng marinig na nila na paakyat na ang kanilang Daddy, agad-agad nagkulasan ang tatlo papunta sa kani-kanilang mga kwarto at mabuti naman ay hindi sila naabutan ng kanilang daddy at panigurado mapapagalitan sila at nagkataon na “Tiger Mode”  ang kanilang daddy.

 

————————————

Nagdaan ang ilang mga araw, nakabalik na rin ng states si Sylvia at sa wakas natanggalan na rin ng “isang” tinik sa dibdib ni Maya. Ilang araw na rin siyang hindi kumakain sa tamang oras, hindi natutulog sa tamang oras, laging malungkot ang kanyang mukha na dati ay napakaamo, hindi na siya masyadong palasita, magsasalita nalang kapag siya ay tinatanong, ilang araw narin siyang naabutang umiiyak ni Manang Fe, ilang araw nang hindi makapag concenrate sa pag-aaral at ilang araw na rin niyang pilit na iniiwasan si Sir Chief. Hanggang sa araw na nagkasakit siya, pero ayaw niyang ipaalam sa buong bahay. Pilit niyang iwinawasto ang bawat kilos kapag may kaharap siya kahit sino man sa loob ng bahay.

 

Ilang araw na ring hindi makapag concentrate si Sir Chief sa kanyang trabaho, madalas nalang siyang nakikita ng kanyang sekretarya na tulala, madalas siyang napapakamot ng ulo at napapabuntong hininga. Ilang araw na rin siyang hindi makatulog kakaisip kay Maya at kakasisi sa kanyang sarili. Ilang araw na rin siyang nagtangkang kausapin si Maya ngunit umuurong ang kanyang dila at lakas ng loob, at ilang araw narin siyang iniiwasan ni Maya. Hindi na rin sumasabay sa paghatid kaya abby, minsang ngang nakasabay pero tikom ang bibig na kahit tanungin ni Sir Chief ay walang tugo na nagmumula sa dalaga.

 

To be continued…

 

Abangan 

Nikki: Oh my gee Kuya si ate Maya :(

Richard: What manang? Sige pupunta na ako diyan !

Maya: Sir Chief  mahal kita pero ba’t mo ako ginaganito.

Advertisements

2 thoughts on ““I Will” This Time- part 3

  1. Pingback: Soon They Will | Excess Baggage

  2. Pingback: “I Will” This Time – Final | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s