Soon They Will

Admin Note *Contributed Story* Please give credit and thanks to Shary. This is a continuation to “I Will” this Time- part 3.


A/N: Continuation lang ito para sa akin, own version for tomorrow or the next day episode ..(June 12,2013 continuation)

Author: Shary

~*~

“Let’s end it here Guys, i’m looking forward to all of you” he told to his employers “Sige po Mr. Lim , makakaasa po kayo” and they left the room. He lay his head down thinking of Maya, he misses her like crazy. He is about to close his eyes when he heard his phone ringing.
Ring.. Ring .. Ring .. (He then answered the phone, It’s Abby)
Yes baby? Sorry baby kung hindi nakakatawag si Daddy ha, busy kasi si Daddy eh. May kailangan kaba?” 
Okay lang po Daddy, yes po meron po akong kailangan daddy”
What is it baby? May problema ba? He asked his daughter worriedly 
“Wala naman pong problema daddy itatanong ko lang po if Ate Maya is your girlfriend”
Manang Fe can’t stop Abby on asking, what’s bothering her is how would Richard answer or what excuse to tell. Gulat na gulat si Richard sa tinanong ng kanyang anak. Hindi niya alam ang isasagot kaya naman sinabi nalang nito na Ahh-eh, baby. Pwede ba huwag muna nating pagusapan yan? Sa bahay nalang, okay ba yun baby?” He sigh sign for a relief when he heard her baby say “yes”. Baby, nandiyan ba si Manang Fe? Pwede ba siyang makausap ni Daddy? Abby reach the phone to Manang.
Manang, ano ba nangyayari diyan?”

“Ah, ano kasi Ricardo. Kasi tinanong si Maya ni Nikki kung siya daw ba girlfriend mo, hindi ko maipinta ang mukha ni Nikki at para siyang galit habang tinatanong niya si Maya kanina”

“Okay Manang, pipilitin kong maayos ang lahat lalo na sa mga bata. Si Maya nasaan siya?”
“Umuwi na siya Ricardo” Hindi na siya pinatapos ni Ricardo at agad nalang itong nagpaalam.
“Maya please answer the phone,” (ring, ring ring).
Maya on the otherhand is on her way home. Her phone is on silent mode the reason why she did not notice her Sir Chief is calling. After a while, she’s now home. She just go straight to her room without noticing Emman greeted her.
“Hala, anong drama nun? Mukhang may problema ang ka-Rommie ko ah”
Dire-Diretso siyang nahiga sakanyang kama, hindi siya mapakali dahil patuloy na pumapasok sa isip niya ang prangkahang tanong Nikki saknya. Parang video ito sa kanyang isipan, paulit-ulit na lumalabas. Ilang beses niyang ipinikit ang kanyang mga mata, takpan ng unan ang kanyang mukha pero hindi parin ito epektibo. Naisip niya na sabihin ang problema niya kay kute, ang kaso ayaw naman niyang dumagdag pa siya sa problema ng kanyang kapatid, sa nanay naman niya ayaw niyang makaistorbo. Kinuha niya ang kanyang telepono at nakita niyang may 12 messages at 10 missed calls galing kay Sir Chief❤ agad niya itong tinawagan, laking takot nito na baka nagalit at nagalala na saknya ito ng husto.
Ring.. Naka isang RING  lang ang telepono ay agad na sinagot ito ni Ricardo.
Ano ba nangyayari sayo’t hindi mo sinasagot ang mga tawag at message ko maya?” Alalang-alala na tanong na ito kay Maya.
“Sir Chief sorry, kasi” Hindi na pinatapos ito ni Sir Chief at tinanong agad kung ano ang nangyari kanina
Maya, okay ka lang ba? Sa nangyari kanina?”
Sir Chief alam mona?”
Yes Manang Fe told me, okay ka lang ba Maya?”
Sir Chief sorry talaga ha, nag walk-out ako sa harap nila, ehh. Eh kasi naman hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko. Ser Chief sorry talaga natakot ako kaya ganun nalang ang nagawa ko kaya’t ganun ganun nalang ang pagpanic ko, sorry talaga”
Maya, don’t be sorry. You have the right to panic. I’m here, us, we’re going to fix this right? Kalma na Maya”
Eh, Sir Chief paano ako kakalma. Makita ko lang si Nikki kanina eh parang 3x ng tiger mode mo. Takot na takot talaga ako. Hindi ko na tuloy alam kung paano pa ako haharap sa kanila Sir Chief” Natatarantang may kaba ang pagkasabi nito kay Sir Chief.
Really? Nikki? Nikki did that?”
Sa sobrang takot ko sa kanya hindi ako makatingin kaya’t umalis nalang ako sa mesa, Sir Chief paano na to?” Takot na takot na sabi nito kay Sir Chief. Napapakagat nalang sa labi pagkatpos magsalita ng mabilis at tarantang-taranta.
Mula sa narinig niya kay Maya, biglang nagsalubong ang dalawang kilay at nagbuntong hininga tila’y nagpipigil sa sarili. In his thoughts ” I can’t believe Nikki would do that” 
Maya, ako muna ang kakausap sa mga bata sa paguwi ko. I promise you everything will be okay”
Sige Sir Chief, ikaw muna. Maraming salamat huh?”
“For what Maya?”
“Eh kasi ang swerte-swerte ko sa boyfriend ko, lagi kang naandiyan lalo na sa mabibigat na problema.”
We’re a team Maya, you’re my girlfriend, you’re my responsibility kaya wag ka na magpasalamat. Ang problema mo ay problema ko rin, i’m always here for you Maya, I LOVE YOU!”
I LOVE YOU TOO Sir Chief, osige na. Magpahinga kana alam kong pagod kana”
“Ikaw rin Maya, Goodnight. I miss you and I love you”
Naku Sir Chief, nakakarami ka na huh, sige na buh-bye.”
(Call ended)
With that short time, hearing each others voice. Smile draw on their face, and forgot their problem even just for a short time. Rocks over Maya’s heart falls down and continue to pump freely.That short time ends, she can’t sleep. She try and try and try and try but she can’t. She had no choice, no time for her to sleep now, it is time for her to prepare for work.
While at Lim Mansion ( Luke’s Room)
“Luke, Masaya ang daddy nyo kay Maya. Hindi niyo naman siguro ipagkakait sa kanya iyon diba”
Luke just make an excuse, it’s obvious that he dont want to talk about it. But on what Manang said, it strikes directly to his head. It made him think.
“Ah Manang, magpapahinga na po ako” Wala nang nagawa ang matanda kaya’y lumabas nalang ito ng kwarto at pinabayaang mapagisip ang mga bata.
“Rommie, naandito na ang Service mo, malelate kana ano bah? Ang tagal mo”
Sandali nalang Emman, eto na palabas na ako”
Lumabas na ng kwarto si Maya
“Rommie, ano ba ang nangyayari sayo? Ba’t ang laki-laki ng eyebags mo?”
“Wala yan Emman, sige na aalis na ako’t baka kanina pa ako hinihintay ng service ko”
“Korak, as in KANINA pa”
 
Sa loob na ng sasakyan nag-ayos ng sarili si Maya, nagkakamali-mali sa tuwing tumatalbog ang sasakyan pero tuloy parin ito, dahil kung ma-late man siya at tuluyan nang hindi makapasok ay may possibility na masuspend siya for days.
 
LIM MANSION
 
Manang Fe, totoo bang girlfriend ni Sir Richard si Maya” Eto ung mga tanong na kahapon pang gumugulo sakanila kaya’t hindi na nila napigilan ang sarili.
“Bakit ayaw niyo rin ba kay Maya?
Naku si Manang? Hindi lang kami boto,  BOTONG-BOTO pa!” Pagmamalaki na sabi ni Doris sa matanda
” Pero manang parang hindi naman okay sa mga bata” pag aalala na sabi nito kay Manang.
“Yun nga ang hindi ko maintindihan sa mga bata Sabel, ang bait-bait naman ni Maya, mapagmahal,maalaga sa mga bata, kay Sir Chief pati na satin, laging naandiyan, masayahing tao, laging positive at SIYA lang naman ang nagbalik ng kulay dito sa Mansion no”
At she’s the one who turn this mansion from house to a NEW HOME”
Wow huh san mo natutunan yan Sabel, at ayan na rin yung sinasabi ko tinranslate mo lang”
Oi Doris wag ka nga diyan, ayan na nga lang ung mga natatandaan kong english eh, wag ka na ngang umepal”
Magtigil na nga kayo diyang dalawan, ang isipin nalang natin kung paano natin susuyuin ang dalawang bagets” Sabi ni Joma sa dalawang haliparot.
“Oo nga Doris, pano kayang panliligaw gagawin natin nito kina Sir Luke and Ma’am Nikki?”
“Speaking of ligaw Sabel, paano kaya niligawan ni Sir Chief si Maya? Ahhy, Nakakakilig!! Siguro itong si Maya laging kilig to the bones no Sabel? Kakainggit si Maya, paano kaya ung pakiramdam ng mahawakan ng mga kamay ni Sir Richard (While saying these things, she has her own interpretation) paano kaya ang mahalikan ka ng mga labi ni Sir Richard? (Nagtatatalon sa kilig si Doris na sinabayan ni Sabel). Ayy Sabel,  may nangyari na kaya saknila ni Sir?
Piningot ni Joma ang magkabilaang tenga ni Doris Hoy, Hoy! Doris ano ba yang pinagsasabi mo? Pati ba naman sina Sir Richard at Maya ini-issue mo, tigilan mo na yan. Hindi maganda yan”
Aray ko naman Joma, oo na hindi na, kakainis naman to oh, sakit sakit mamingot”
Tigilan nyo na yan at magbalik na kayo sa trabaho. Ihanda nyo nalang ang mesa at ako na ang tatawag sa mga bata.”
Habang papaakyat ng hagdan si Manang Fe biglang may tumawag sakanya, si Ricardo. Nagusap ang dalawa at ipinapasabi na ngayong araw siya makakauwi sa Mansion. Tumagal ng kaunti ang kanilang paguusap kaya ang naiwang tatlong kasambahay ay nagplano na rin kung paano at sa anong paraan nila susuyuin ang mga bata.
Nasa hapagkainan na ang lahat, at gumawa na ng paraan ang dalawang katulong. Si Abby lang ang pinagtutuunan nila ng pansin pero ang mga salita nila eh patungkol kay Maya na ikinaiirita naman ng dalawa lalo na kay Nikki. Hindi maubusan ng kwento sina Doris at Sabel kay Abby, mga nakalipas na masasayang nakaraang binabalik nilang dalawa. Masayang ikinikwento ng dalawa kay Abby. Natigil sila ng idinabog ni Nikki ang kutsara nya. Sabel & Doris thought “Naku, hindi ata effective, si Doris/Sabel kasi” Tumungo ng mesa si Manang Fe para ipaalam na sa ngayong araw makakauwi si Richard. Takot ang nababalot sa mukha ng dalawa habang kay Abby naman ay punong puno ng excitement.
Dumaan na ang maghapon ay nag aalala parin at puno ng takot ang dalawa kung paano nila haharapin ang kanilang Daddy, kaya’t hinatak ni Nikki si Luke sa kanyang kwarto para magusap.
Nikki’s Room
Kuya, wala naman tayong masamang ginawa diba? We just ask ate Maya lang naman. Siguro wala namang mali doon right?” Luke just nodded with confusion
“Hay, naku! Ba’t ba natin ito pinaguusapan wala naman tayong maling ginawa. Hay”
Narinig nila ang tunog ng sasakyan ng kanilang daddy,
“Kuya dad is here na, we can do this right? (SIGH) RIght Kuya?”
They went to Abby’s room to call her and went downstairs.
 
Manang Fe, ang mga bata?”
Takot na takot ang kasambahay, takot sa reaksyong bumabalot sa mukha ng kanilang boss, nanginginig ang mga tuhod at nanlalamig ang mga kamay.
At sakto naman ang pagbaba ng mga bata.
“We need to talk” Sabi nito sa kanyang mga anak.  “Iwan niyo muna kami dito” Sabi nito sa mga kasambahay, agad agad naman silang umalis dahil sa takot.
Naiwan na nga ang pamilyang LIM. Nakaupo na ang tatlong bata habang si Sir Chief ay nakatayo.
“What do u guys wanted to know?” Abby asked first “Dad, Girlfriend moba si Ate Maya?”
Nahinto muna ng sandali si Sir Chief pero kailangan niya na itong harapin dahil unti-unti na rin itong lumalaki. Walang pakundangan niyang sinabi na
“Yes, she’s now my girlfriend. She’s the one I told you guys before”
Naiwang gulat ang dalawang bata si Abby naman ay hindi maipinta ang kasiyahang bumabalot sa kanyang mukha ng mga oras na iyon.
“Hindi pa namin masabi sa inyo noon dahil we wanted na handa na ang lahat.”
“Yun nga Dad eh, ba’t hindi sinabi? At kami pa ang nakaalam?” Sabat ni Luke sakanyang Daddy
“First, wala kaming intensyong itago sa inyo to, napagdesisyunan na namin ni Maya ito. Pero pinaghahandaan din namin ang lahat at ayaw noon ay isa sa amin ay natatakot pa pero wala kaming balak na itago ito habang buhay”
“And Nikki, hindi ko gusto ang ginawa mo kay Maya kagabi. Maling-mali ang ginawa mo”
Tumayo si Nikki sa kinauupuan at tila galit ang nababalot sa kanyang mukha “So Dad si Ate Maya ang kakampihan mo?”
“Nikki, hindi ko siya kinakampihan. Nasakanya ang panig ko dahil wala siyang ginagawa at gaganunon mo ng bigla-bigla? Mali ang ginawa mo Nikki, bigyan mo ng respeto ang tao.
Ganun na rin yun Dad eh” Pataray at halos tumulo na ang luha dahil sa galit. At bakit siya pa Dad?”
Ano ba ang hindi nyo matanggap kay Maya? Alam ko na galit kayo dahil hindi namin agad nasabi sa inyo pero ba’t ba kayo nagkakaganyan? Ano ba ang problema kay Maya?”
Dahil isa lang siyang ka-” Natigil dahil ang daddy niya ang nagtuloy. Galit na galit na si Sir Chief, rinig na buong bahay ang kanyang salita.
Ano Nikki? Dahil isa lang siya mga naging yaya ni Abby? Hanggang ngay on ba ayan parin ang tingin mo sakanya? Nikki alam muba ang pinagsasabi mo? San muba natutunan yang ugali mong ganyan, Nikki I don’t like your attitude”
Yes Dad !!”
Again Nikki? Kahit kelan hindi kita tinuruan ng ganyan, at kahit kelan walang nagsabi niyan kay Maya, and we all know she is abby’s yaya, Pero wala ka sa lugar Nikki”
I Hate you Daddy” Sumbat nito sa kanyang daddy habang lumuluha, at takbo sa kanyang kwarto. Doon na siya nag mumukmok.
Naiwang sina Abby, Luke and Sir Chief. Galit na galit si Sir Chief kaya laking takot ng dalawa magsalita. Laking gulang ng dalawa niyang anak ng biglang suntukin ni Sir Chief ang pintuan ng kanilang bahay na ikinabulabog ng mga tao sa loob. Hindi gawain ni Richard iyon, pero dahil sa kinikimkim na galit kay nya nagawa ang bagay na iyon. Inalalayan siya ni Luke at pilit na pinapakalma. Naandon na rin si Joma’t Manang Fe para pigilan si Sir Chief. Habang si Abby ay pilit na pinapatahan nila Doris at Sabel.
 
Manang kayo na muna bahala sa mga bata” Kinuha nito ang susi ng sasakyan at agad na lumabas. Walang nakapgpigil sakanya, nanatiling tikom ang mga bibig ng mga nakasaksi, nagalala naman ang mga ito kung saan pupunta si Richard at nasa kalagitnaan na ng gabi. Punong puno ng takot ang mansion kaya si Manang na muna ang namahala.
 
Patungo si Sir Chief sa condo ni Emman, mahigpit ang pagkakahawak nito sa manubela, mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan, harangin man siya ng mga pulis ay hinaharurutan lang niya ito. Matagal niya nang tinitiis ang kanyang mga luha tumulo ito ng bahagya  pero agad niya itong pinunasan. “Ano ba ang problema at hindi nila tanggap si Maya” Padabog niyang hinampas ang manubela, galit na galit hindi niya alam kung ano o sino pagbubuntungan kaya sa manubela nalang ng sasakyan siya nagbuhos ng galit. Narating niya na ang condo ni Maya, agad niya itong tinungo..
 
Ding Dong.. Ding Dong ..
Sakto ay kakauwi-uwi lang rin ni Maya kaya siya ang nagbukas. Laking gulat nito ng makita niya si Sir Chief na parang exhaust na exhaust. Pagod na pagod tignan, stressed from work ang naisip niya pero ikinabigla niya ng yakapin at umiyak sakanyang balikat si Sir Chief.
“Sir Chief, bakit. Hindi ko kayo maintindihan” Pinapasok niya ito para doon nalang mag-usap.
Sinabi lahat-lahat ni Sir Chief kay Maya, patuloy parin na hindi tangganp ni Sir Chief ang mga isinumbat sakanya ni Nikki. Si Maya naman ay hindi ring maiwasang hindi maiyak, niyakap ng napakahigpit si Sir Chief.
Sir Chief, eh kung itigil na natin ito?”
“What? (Biglang kumalas sa pagkakayakap at hinawakan si Maya sa magkabilang braso) 
Eh kasi ako ang nasasaktan sa tuwing nagkakagulo kayo eh. Ayoko rin ako yung dahilan kung bakit ikaw at Kayo ng pamilya mo ang naiipit. Ako nalang ang magpaparaya Sir Chief” 
“Maya, please don’t and I wont allow you to do that. Hindi mo na ba ako mahal?”
“Mahal kita Sir Chief, ayaw ko lang masira ang relasyon ng mga anak mo sayo”
“Maya I promise you we can do this. Just please promise me don’t do that. Nawala na sa akin si Alex ng wala akong nagawa ayokong mawala ka pa sa akin Maya, Mahal na Mahal kita. Hinding hindi ko na hahayaan pang mangyari iyon.” (Bumuhos lalo ang kanyang luha sa mga nasabi, niyakap niya si Maya parang ayaw na niyang pakawalan)
“Eh, kasi Sir Chief hindi ko kaya at konsensya ko ang umaatake sa akin. Tulad ngayon nagkagulo pa kayo ng mga anak niyo ng dahil lang sa akin. Pero Sir Chief diba umiibig lang din naman ako diba? Nagmamahal lang naman ako eh bakit ganun. Nirerespeto ko naman desisyon nila Nikki eh, kaya okay lang sa akin ang ganito, ikakasaya naman ng pamilya mo iyon eh”
“How many times did I tell you that we will cross the ocean together? We will reach the end of it together. Bukas na bukas tayong dalawa ang kakausap sa mga bata. Maya nakikiusap ako, kakayanin naman natin ito diba? Sabi mo nga sakin dati na laging may solusyon ang problema diba?”
“Sige Sir Chief lalakasan at tatatagan ko ang loob ko para harapin sila. Pero Sir Chief paano kung hindi parin nila ako tanggap. Ano na mangyayari? Sa atin? Sa akin? Hindi ko rin ata kakayanin Sir Chief”
Don’t think like that Maya, you can still have me. I’m always here for you whatever happens tomorrow. I’m here for you, I LOVE YOU Maya, I LOVE YOU. (Hinawakan niya ang magkabilang labi ni Maya, Hinalikan niya ito at gustong ipadama na “Naandiyan lang siya lagi at sakanya lang ito habang buhay” damang dama ni Maya ang halik ni Sir Chief, doon siya nakahugot pa ng lakas at kahit papaano ay napanatag ang kanyang loob dahil alam niyang may nagmamahal at magmamahal sakanya anu man ang mangyari,  may taong nasa likod niya kahit ano man ang mangyari, at masayang masaya dahil ang taong iyon ang taong minahal niya ng buong puso, maging ang lahat ay isinakripisyo para mapasaya at maipadama niya ang pagmamahal kay Sir Chief pati na sa mga anak nito na itinuring niyang mga tunay na anak. Nag bitaw na ang kanilang mga labi at nakatitig parin ang kanilang mga mata sa isa’t-isa. Patuloy parin ang luha ni Maya, hindi niya rin ito masabi sa sarili kung ito ba’y takot or kaligayahan at the same time.
“Mahal na Mahal rin Kita Sir Chief”
Gabing gabi na pala Sir Chief, dito ka nalang magpahinga”
“Sige Maya, dito nalang ako sa Couch. Pahingi nalang ng mga unan khit dalawa lang”
Duon kana sa kuwarto ko Sir Chief, baka ako ang mahirapan kapag makita kitang hirap kapag natulog ka sa couch”
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Sir Chief, laking tuwa niya dahil sobra ang tiwalang ibinibigay ni Maya para sakanya, napakasaya at napakaswerte niya. Kaya sa pagkakataong ito kahit na magtabi sila sa kama ay paninindigan niya at panghahawakan niya ang tiwala sakanya ng girlfriend niya.
“O ba’t nakangiti ka diyan Sir Chief? Maybinabalak ka ata eh”
Niyakap ng mahigpit ni Sir Chief si Mya “No Maya, I just want to say thankyou, thankyou dahil dito. Pinagkakatiwalaan mo ko. At I promise I’ll behave.
“Alam ko naman yun Sir Chief. At alam ko namang hindi ka ganoong tao kaya love na love kita eh. Oh tara na matulog na rin tayo.”
Nahiga na ang dalawa, magkatalikod sila ksi feeling nila ay awkward at firstime nilang magtabi sa kama.

Maya’s thought : Anu ba ito, nakakailang naman masyado. Napaka awkward pala kapag katabi mona ang boyfriend mo matulog”
“Sir Chief’s thought: Richard, malaki ang tiwala niya sayo. Behave ka lang. JunJun behave huh, (HAHAHA).”
 
Hindi mapakali ang dalawa kaya napag isipisip nito na humarap sa isa. Pero nagkasabay sila, sabay silang nagkatinginan at nagkaharapan. Tumawa lang ang dalawa at mahigpit naman na niyakap ni Sir Chief si Maya. Ipinatong niya ito sa kanyang mga braso at tuluyan nang nakatulog ang dalawa. Mga problema nila nung mga araw na iyon ay tila bang nawala ng sila’y makatulog ng magkatabi.
 
Ganito pala ang feeling kapag sa pag-gising mo ang una mong masilayan ay ang taong pinakamamahal mo, ang sarap sarap sa pakiramdam” Kaya’t pinindot nalang nito ang ilong ni Sir Chief kaya nagising. Hinalikan ka-agad ni Sir Chief si Maya sa Noo.
“Good Morning Maya”
“Good Morning Sir Chief, tara mag ayos na tayo. Diba kakausapin pa natin ang mga bata?” Buo na ang lakas ng loob ni Maya, handa na siyang harapin at tanggapin kung ano man ang magiging reaksyon at desisyon ng mga bata.
 
Dumating na sila sa mansion, tahimik ang bahay. Tanging ang mga huni nalang ng mga ibon ang maririnig mula sa labas ng bahay. Sa labas palang ng bahay ay kita ang pagkatamlay ng ambiance ng bahay. Kaba ang tanging nababalot sa dalawa pansin nila ito sa sarili kaya hindi maiwasang mapabuga at humugot ng hangin. Nasa labas na sila ng pinto.
“Maya, we can do this together Okay? Kalma lang at kakayanin natin ito”
“Oo sir Chief, kaya natin ito. At handa naman ako kung ano man ang mangyari”
Naghawak na ng kamay ang dalawa. Pinasok ang bahay ngunit kahit isa ay walang sumalubong sakanila. Tumungo sila sa kwarto ni Abby pero wala si abby doon, sa kwarto naman ni Luke at wala parin sila doon and lastly ang kwarto ni Nikki. Naandon ang tatlo gising at nakatulala tila’y nagaalala ang mga mukha. Pinasok ng dalawa ang kwarto. Bumitiw muna si Maya sa pagkakahawak ng kamay ni Sir Chief sakanya. Sinalubong sila ni Abby habang ang dalawa ay parang dumoble ang takot na nararamdaman.
 
“Guys, I’m so sorry about what happend last night. Especially to you Nikki, ahm Guys,”Malumanay na sabi nito sa mga bata. “Guys, I’ll tell you one thing kung bakit ko minahal si Maya. At alam niyo naman na diba, hindi lang si Abby ang mahal ni Maya. Tayong lahat dito sa Mansion. Hindi ko mamahalin ang isang babae kung hindi nila tanggap ang mga anak ko, kayo. Bago ko ito pasukin marami muna akong pinagdaanan, hanggang ako na ang nagpatunay sa aking sarili na mali pala ako. Minahal ko si Maya hindi lang dahil trabaho niya ang magalaga pero nakita ko sa kanya ang pagmamahal na kinakailangan ko at ninyo na rin.
Walang umimik kahit isa sa loob ng kwarto. Kaya si Maya naman ang nagsalita.
 
“Nikki at Luke, alam kong wala akong karapatan para pangunahan kayo. Pero gusto kong malaman ninyo na minahal ko ang daddy niyo ng buong puso, hindi dahil mayaman siya, boss siya, sikat siya. Hindi iyon , wala akong hinangand at hiniling kahit isa sakanya.  Ang akin lang ay ipadama ko ang pagmamahal ko sa daddy nyo at sa inyo. Kung inaalala niyo ang mommy niyo, hinding-hindi ko naman siya papalitan eh at hinding hindi ko iyon kayang gawin. Kaya ko kayong alagaan ng parang tunay kong mga anak pero hindi ibig sabihin non ay ako na ang papalit sa mommy nyo. Bago pa maging kami ni Sir Chief ay dinalaw ko muna ang mommy ninyo, wala akong bukang bibig kundi ang pangakong iingatan ko kayo ang pamilyang naiwan niya. Gabay niya ang hinihingi ko. At tama kayo naging yaya man ako ni Abby, pero kahit minsan kahit ganito ang katayuan ko hindi ko naman ikinahiya eh. At gusto ko sanang mag sorry sainyo dahil kayo pa ang nakaalam. Wala rin naman kaming plano na itago sa inyo ang kung anong meron kami ni Sir Chief eh. Hindi rin ako nagpapaawa sainyo para tanggapin ninyo ako, sabi ko nga wala akong karapatan kaya nasainyo parin ang desisyon. Kagabi pagkatapos namin magusap ni Sir Chief ay nagipon na ako ng lakas ng loob, natakot man ako harapin kayo pero eto ako ngayon humaharap sa inyo para humingi na rin ng paumanhin sa naging reaksyon ko last last day. Handa ako kahit ano man ang magiging desisyon nyo. Mahal ko ang daddy niyo kaya kaya ko rin ang magparaya kung kinakailangan. At ang tanging hangad ko lang rin naman ay mapasaya kayo at alagaan kayo tulad ng pangako ko sa mommy nyo. Mahal na mahal ko kayo!
Tumulo na ng tuluyan ang luha nina Sir Chief and Maya, si Nikki ay nagpipigil ng kanyang luha. Niyakap at hinagod ni Sir Chief ang likod ni Maya. Makikita sa mga mata ni Sir Chief na sincere at mahal talaga nito si Maya. Naiwang nakaupo at nakayuko ang tatlong magkakapatid, isaisa nilang narerealize ang mga maling alam nila. Sa mga oras na iyon ay gusto na nilang ilabas ang nararamdaman kaya’t nauna na si Nikki, tumulo ang luha habang nakayuko.
 
“Ate Maya, Dad.” Humagulhol na sa pag iyak “Im so sorry kung ganun nalang ang naging reaksyon ko *hic* after what ate Maya’s said *hic*  narealize ko na maling-mali pala ako *hic* I’m so sorry Dad lalo na sayo ate Maya *hic* nabulag lang ako sa mga nakita ko, at masyado akong naging mapagmataas. Akala ko kasi for me, ikabubuti mo iyon dad pero I was wrong. I’m really sorry *hic* at from now, nakita ko ang pagmamahal sainyo ni ate Maya at kung gaano mo siya kamahal dad.” Niyakap siya ng mahigpit ni Maya hindi naman ako galit sa iyo Nikki at wala rin akong karapatan at higit na nirerespeto ko naman kayo. Mabuti yung iniisip mo yung ikabubuti ng Daddy mo pero minsan alam muba dahil sa sobrang concern natin sa isang tao nakakasira tayo at naapakan natin ang ibang tao” Pangaral at pag cheer-up nito kay Nikki. Tahan kana, hindi naman kami galit ng daddy mo”
 
Si Luke naman ay hindi nang mapigilan ang sarili na yakapin ang daddy niya at si Maya.
 
“Dad , at-Tita Maya. Gusto ko rin mag sorry dahil nagsuspetsya kami ni Nikki. Siguro nabigla lang ako nung time na nalaman ko pero alam ko naman Dad na mahal kayo ni Tita Maya at Mahal mo rin siya. Sa mga nasaksihan ko sainyo kagabi, nakikita ko kung gaano mo kamahal si Tita Maya. Naging Over acting lang kami ni Nikki pero a deep realization hitted us, and last day when Manang Fe talk about you and tita Maya. Tinamaan na ang pagiisip ko Dad na oras mo naman dad na sumaya at lumigaya yung hindi lang sa amin kundi umiikot ang oras mo, yung may katuwang ka, ung may  kasama kang maglalakbay sa mga araw-araw na tatahakin. At Tita Maya, gusto kong magpasalamat sa iyo ng buong buo.
 
Abby:  Group hug tayo. Yehey, masaya na ang buong family at tanggap na si Mommy nina kuya and ate Nikki. Natupad na rin ang dream ko na maging mahal na Reyna ang mahal na Prinsesa. At yung binulong sa akin ni Mommy na si Ate Maya na daw ang bahala sa akin at satin. Alam niyo ba daddy na masayang-masaya si Mommy nung kausap ko siya. Nagpapaalam na siya sa akin dahil naandito na daw ang taong pwedeng pumalit sa kanya. At siya nga si ate Maya, na Mommy ko na ngayon. 
 
 
Masaya at muling nabuo ang pamilya. Nabalita na rin sa kasambahay ang nangyari. Ang bumabalot na kalungkutan sa bahay ay nawala at napalitan naman ng sigla at pagmamahalan. Sayang lang ay kinakailangan nang umalis ni Maya dahil may Flight na siya.  Binigyan niya ng mahigpit na yakap at halik naman sa noo ang mga bata. Habang sa Cheeks naman kay Sir Chief, pero makulit si Sir Chief sa sobrang kaligayahan pati ang momentum niya ay nadala niya. Nilingon niya si Maya nung hahalikan na siya sa pisngi. Dumampi ang labi ng dalawa na biglang bawi naman ni Maya. Tinapki niya si Sir Chief, pero nakakamatay na ngiti na may halong tawa ang sinumbat nito. Umalis na nga siya at naiwan na ang mga lim sa mansion. Masayang masaya ulit at naayos na ang samahang nasira ng panandalian. 
 
Naisip ni Abby na gumawa nalang sila ng letter para kay Maya. It was a bright idea ika-nga ni Nikki. Kaya agad na nagtakbuhan sa kani-kanilang kwarto ang tatlo. Si Manang Fe ay lubos na nagpapasalamat kay Alex at lubos lubos naman kay Maya, masayang masaya siya sa nakikita niya ngayon kay Ricardo at sa buong tao sa bahay. Mga labing puno ng ngiti at kasiyahan ang nadarama ni Sir Chief. Nagpasalamat na rin ito kay Alex dahil nagiwan ito ng tatlong Anghel.
 
 
To Mommy,
 
                 Mommy, thankyou mo sa lahat-lahat huh, sa pagcare po sa akin at pagturing tunay mo na baby. Yung time na muli akong nakapagsalita ikaw ang tumulong sa akin noon, hindi ko alam Mommy kung paano talga kita pasasalamatan. Kahit wala na si Mommy Alex nung dumating ka hindi ko muling naramdaman na nag iisa ako. Masayang-masaya ako dahil yung wish ko na magkatuluyan sa totoong buhay hindi lang sa |FairyTail| ang mahal na hari at ang mahal na prinsesa. I promise mommy I’ll be a good girl po. I LOVE YOU yaya, I LOVE YOU Bestfriend, and now I LOVE YOU MOMMY :* 
 
                 
                                                                                                                                                            From: Little Maya, Abby
 
 
To Tita Maya,
 
                 Tita Maya, gusto ko ulit mag-sorry wag ka sanang makulitan hah :) At bago ang lahat gusto kong magpasalamat sa iyo, kahit dati na puro pagtataray at sumbat ang ntatanggap mo sa akin hindi ka parin nagsawa at napagod na alagaan at eventually mahalin kami na tunay mong mga anak. Masayang-masaya na ako for you together with Dad, kayo na ang dabest LoveTeam Ever. Ahm, Tita Maya salamat ulit nung mga time na ikaw nalang ang naandiyan para tulungan ako, ung nakakaintindi sakin despite my attitude, ung pagtulong mo sa akin nung PROM, ung pagpapalakas ng loob sa aking nung time na nasa Baguio tayo, mga advices pagdating sa ibang problem. Tita Maya, pinagkakatiwalaan naman kita eh. Can you help me po? Kasi I think i had a Crush kay Nicolo eh, hanggang dito nalang . Sa personal nalang tayo tita mag-usap :P hehehe, I LOVE YOU TITA :* We’re here for you always :* 
 
                                                                                                                                                             From: Nikki
 
 
To Tita Maya,
 
                Tita Maya happy ako sainyo ni Dad, at una sa lahat gusto kong magpasalamat at humingi na rin ng patawad bilang kuya at panganay na higit na nakakaintindi sa inyo. Gusto kong magpasalamat dahil ikaw ang naging sangkap nag pagaayos namin ni Dad, mga hindi naming pagiintindihan at mga walls na nakaharang saming mga pride, Ikaw ang tumibag ng lahat lahat na iyon. Salamat sa walang humay na pag aalaga saming magkakapatid lalo na kay Abby and Daddy. Sana soon matawag na rin kitang Mommy, ang ganda kasing pakinggan eh. Kelan ba Tita Maya ang Kasal? hehehe, Biro lang Tita. Pero happy po talga ako sainyo, at sobra-sobra talaga ang pagpapasalamat namin sa iyo. We’re very lucky to have you tita Maya, ikaw na talaga ang THE BEST, the best AMONG THE REST. Basta po Tita, we’re always here po for you and Dad. Speaking of Dad ,Minsan Tita Maya intindihan mo nalang si Dad huh? alam mu naman yun, hehe Joke lang po.  I LOVE YOU Tita :* 
 
                                                                                                                                                             From: Luke
 
 
Nabasa ito ni Maya, isang punong aquarium yata ang nilabas ng mga mata niya. Higit na nagpapasalamat si Maya unang una kay Alex, sa pagpapalaki ng mabuti nito sa knilang anak. Sa mga anak naman nito na napakasweet at mahal na mahal siya, ofcourse kay Sir Chief na naging gabay kung paano tatahakin ang isang bagay. Punong puno ng sigla ang kanyang pagkatao, hindi niya inaasahan na magiging happy ending ang fairytail niya kung ituring ang lovestory nila ni Sir Chief. Hindi nagtagal ay sa Mansion na rin siya pinapatuloy at sa Guest room siya pinapastay. Hanggang ngayon ay hindi mawala ang pagpapasalamat nito sa mga taong tumanggap sakanya at kung anong relasyon nila ni Sir Chief. Hindi nagtagal ay naipakilala na rin ni Sir Chief si Maya sa LAS, sa mga kaibigan nito, at kasosyong mga kumpanya. Ilang tulog nalang ay araw na ng kasal nila. Ilang sandali nalang ay “I DO” nalang ang kailangang marinig. Ilang sandali nalang ay may dala-dala nang bola sa tiyan si Maya. Ilang sandali nalang ay may tumatawag na kambala sakanila na “Mommy at Daddy, ate and kuye sa mga bata”. Ilang sandali nalang ay muli silang nagpakasal. Magkasamang tumanda, isipin nyiyo na 20 anyos ang agwat ng edad nila at puti na ang buhok ni Maya, ang lakas nga naman ni Sir Chief oh.Ilang sandali nalang ay Sina Luke, Nikki, Abby,Maya, Sylvia at Mye nalang ang nagkakasama sa mansion. Sina Doris at Sabel ay nakapagasawa na ng amerkano, si Joma naman ay naging katuwang na sa buhay si Liza. Si Manang ay nauna ng ilang taon bago pumanaw si Richard. Kahit naging ganon ang naging end, ramdam nila at alam nila na mahal na mahal sila ng mga nangiwan sakanila kahit hindi kagustuhan. Naiintindihan nila ng higit ang isa’t-isa at malalaki naman na sila kaya alam na ang mga gagawin. Naandon pa naman si Maya para kung kinakailangan ng taga gabay ay laging naandiyan.
 
 
-THE END.  Kahit putulin nyo ung ending bago pumanaw ang isa sa mga karakter. HAPPY ENDING parin ! :”>

8 thoughts on “Soon They Will

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s