The Covergirl 16

The Covergirl

Chapter 16

Di nagtagal sumunod na rin si Richard. Kakalabas pa lang ni Maya ng banyo. Naka bathrobe lang siya. Kaya naman ang mukha noon isa at nagnining sa kapilyuhan.

“Anong ginagawa mo dito?”

“Matutulog syempre.”

“Puede lumabas ka muna, magbibihis lang ako.”

“So, para naman hindi ko pa nakita yan nasa loob ng bathrobe mo.”

“Kahit kelan talaga napaka pervert mo,” bumalik na lang si Maya sa banyo at doon nagbihis.

“Maligo ka na, andun na ang gagamitin mo sa paliligo. I’ll just prepare iyon susuotin mo.”

Nakangiti nakatingin si Richard kay Maya

“Ano naman yan nginingiti mo diyan?”

“I’m just happy, kasi meron na nag-aasikaso sa akin ngayon. And I love it. Thank you for taking care of me, lalo tuloy ako na in love sa yo.”

Namula naman si Maya sa sinabi ni Richard. “Matutulog na ako, antok na talaga ako, good night. Love you too.” Nahiga na si Maya at si Richard naman ay nag tungo na banyo.

Hindi nagtagal tumabi na rin si Richard kay Maya, niyakap niya ito and Maya, sleep comfortably at Richard’s arm.

Naalimpungatan si Maya sa halik ni Richard.

“Richard, ano ba maaga pa. Huag ka istorbo.”

“Sweetie, bumangon ka na diyan, meron tayo pupuntahan. Huag ka maingay baka magising sila.”

“Ang aga-aga pa saan ba tayo pupunta. Ang lamig-lamig sa labas eh, tapos madilim pa.”

“Basta you will enjoy there, bilis na,” sabay hila sa kamay nito.

“Anong oras na ba?”

“4:00 AM.”

“What, 4:00AM?, saan naman tayo pupunta ng ganitong kaaga.” tumayo na rin ito ay nag derecho ng banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Sa lamig di niya kakayanin maligo ng ganun kaaga. Saka lumabas para magpalit ng damit. Nawala sa isip niya andun si Richard.

“What a beautiful sight to see.?” pilyo sabi nito.

Napatakbo tuloy ng banyo si Maya at doon na nagpatuloy ng pagbibihis. Natawa naman si Richard. Paglabas ng banyo, naka bihis na rin si Richard.

“Let’s go!’ sabi ni Richard. Tumango na lang si Maya. They went out there room, hand in hand.

Umalis na sila ng bahay. Baon ang Lemon pie at tig-isa thermos na may laman kape at tea. Dala rin ni Richard ang camera niya.

“Mag pictorial tayo dalawa.?”

“Ayaw mo?”

“Gusto syempre.”

“Hindi tayo magko-kotse?” tanong niya kay Richard.

“Hindi nasa may labasan ang dyip ni Carding iyon anak ng caretaker ng cabin. Sasamahan niya tayo doon sa pupuntahan natin.” inporma ni Richard sa kanya.

“Cold?” tanong ni Richard.

“No, I’m fine. Saan ba tayo pupunta? Siguraduhin mo lang ma mag-e-enjoy ako doon dahil kung hindi lagot ka talaga sa akin.”

“You will love it, promise.” Hinawakan na ni Richard ang kamay ni Maya.

Hindi nag tagal narating na nila ang lugar. Madami na rin turista ang nandun.

“Anong lugar ito?”

“Tawag nila dito at Kiltepan Peak.”

“Sir, Ma’am, doon po tayo sa banda roon. Mas maganda po doon ang view at hindi masyado puntahin ng turista.” sabi ni Carding sa kanila. Malapit na pong mag alas singko, makikita na po ninyo si Haring Araw. Nakangiting sabi nito sa kanila.

“Sweetie, look,” tinuro ni Richard ang unti-unti paglabas ni Haring Araw at dahan-dahan binibigyan liwanag ang mundo.

Maya was surprised na halos nasa tuktok sila sa ganon kaganda ang lugar. Nakita niya ilan nayon nasa ibaba ng bundok at ang rice terraces. Si Richard naman ay panay ang kuha ng picture. Kinuhanan din niya si Maya ng picture habang papasikat ang araw.

“Richard, its breath taking, spectacular,” hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko.” sabi ni Maya. “Nasa itaas ako ng bundok, nasa ibabaw ng ulap, pakiramdam ko ay ang lapit lapit ko sa araw na unti unti binibigyan ng liwanag ang mundo. Kakaibang karanasan, kakaibang sight-seeing ang nasaksihan ko sun rise. Ang mga ulap akala mo’y dagat na lumalakad sa paanan ko.Ang galing.

“I’m in love!” Maya exclaimed, “I’m absolutely madly in love with this place. Who needs a man when you’ve got all this?”

“Ah, ganoon?” Sige maiwan ka na dito, halika na Carding umalis na tayo dito.”

Nilingon ni Maya ito, natatawa sa itsura nito naka simangot. Hinabol ito Maya at binigyan ng halik si Richard. Wala siyang paki-alam kung nasa harapan man nila si Carding. “Babe, thank you for bring me here. Ang ganda-ganda dito. I Love You.”

Nginitian ni Richard si Maya, “I Love You, too. Akala ko kasi mas in love ka pa sa lugar na ito kesa sa akin.”

“Ang drama mo. Marami na ako nakita sun rise pero ito na ang pinaka the best na nakita ko. Thank you talaga sa pagdala dito sa akin.”

“You’re welcome, sweetie.” He touched her mouth with his, his lips moving with light sensuality. “I always love you,” he murmured, kissing her eyes closed. “We don’t do this nearly often enough,” he muttered against her mouth, deepening the kiss until her senses whirled. His mouth roamed to her cheek, his tongue gently removing some morning dew, instilling her with exquisite terror. “Oh, Maya, what a delectable creature you are.” Lifting his face, he stared into her wide, anxious eyes. He let out a deep breath and brushed her cheeks with his hand. “Halika na, baka gising na kasama natin at magtaka kung nasaan tayo.”

———-

“Diyan ka lang, Maya.” Nasa labas na naman si Maya, pero ngayon si Eman at ang camera nito ang kasama niya. Halos isang oras na sila nagkukuhanan ng pictures sa mga nakapalibot na pine trees sa kanila. Mamaya babalik ulit sila sa Kiltepan Peak for some pictorial.

Pinuntahan sila nina Richard at Lisa noon matapos na sila sa pictorial nila. Niyaya ni Lisa si Eman na ipasyal siya sa kapaligiran, si Richard naman ay nilapitan s Maya. “Cold?” tanong ni Maya noon hubarin nito ang damit na ginamit sa pictorial.

“Frozen, I may say.”

“Modeling is not all glamour and smiles, is it?” he commented.

“Kuntento ka na ba sa pagmomodelo?” tanong nito, saka hinawakan ang mga baba niya para magpantay ang mga mata nila. Nakita niya seryoso at naniningkit ang mata nito. “Wala ka na ibang gustong gawin?”

“Sa ngayon kasi nag eenjoy pa ako sa pag momodel. Enjoy while the iron is still hot.” sagot nito. “Saka na lang ako mag-iisip ng iba pag di na masyado kailangan ang mukha ko.”

“I see, ano naman ang balak mo gawin pag dating ng araw na iyon?

“Tapos naman ako ng business management eh, so baka mag negosyo ako.”

Tnitigan lang ni Richard si Maya saka nagkibit ng balikat at naglalakad papalayo sa kanya.

“Ano nangyari sa isang iyon? Takang tanong ni Maya.

Maghapon ng pictorial at photo shoot nina Eman, Maya at Richard samantala sina Dan, Lisa, Stephanie ay ginugol sa pamamasyal sa magandang tanawin ng lugar. Aminado si Stephanie na na enjoy niya ang lugar, noon una akala niya ay maiinip siya. Pero nagkamali siya, nag enjoy siya. Nag enjoy si Maya sa mga outdoor adventure photo shoot tulad ng, spelunking at rapelling, explore ang ilan caves.

Napagkasunduan nila na mag camping sila sa Malboro Country. Kaya after the shoot nag paderecho na sila kay Carding sa jump-off site patungo sa campsite nila. Si Carding pa din ang tour guide nila.

Maliwanag pa noon nakarating sila sa campsite nila. Inayos agad nina Eman, Dan, Richard at Carding ang mga tent nila. Samantalang silang mga babae naman ay inayos ang mga dala nilang pagkain. Dahil nasa itaas sila ng bundok mas malamig ang klima. Binigyan ni Richard ng isa pa ulit jacket ni Maya noon nakita nito na parang nanginginig ito sa ginaw. Kinuha din nito an mga kamay ni Maya at inilagay sa may bibig niya saka ito hiningahan. Sa ganun ay dumaloy ang init sa katawan ni Maya. Natuwa si Maya sa munting gesture na ginawa ni Richard sa kanya. Nginitian niya ito.

Nakita ni Lisa nanlilisik ang mga mata ni Stephanie. Kaya mas ginatungan pa niya ang inis nito. “Grabe ang sweet naman ninyo dalawa. Sir Richard, hindi ko akalain ganyan kayo ka sweet, mahal ninyo talaga si Maya.”

“Syempre naman, mahal ko talaga ang babaeng ito.” sabay kindat kay Maya. Namula na naman ang buong mukha ni Maya sa sinabi ni Richard. “You are more beautifull when you are blushing sweetie, saka sinakop ang mga labi nito.”

“Hoy, lovers tama na yan, huag kayo mang-inggit diyan,” sab ni Dan. Natatawa naghiwalay ang dalawa. “Sige na tulungan m na sila sa paggawa ng tent at malapit na dumilim.” sabi ni Maya.

“Maya, ang swerte mo talaga kay Sir Richard. Mahal na mahal ka niya.” sabi ni Lisa.

“Huag ka papasigurado, my dear. Sa ngayon ikaw ang apple the eye ni Richard,” sabi ni Stephanie. Pero huag ka papasigurado, pag nagsawa yan sa yo, babalik din siya sa akin. Hahaha. Sabay talikod sa kanila ni Lisa.

“Sumusobra na talaga ang babaeng yan. Masyado bitter, isumbong ko kaya si kay boss.” sabi ni Lisa.

“Anu ka ba, huag mo na lang siya pansinin. Pag nagpa-apekto ka sa kanya talo ka,” sabi lang iyon ni Maya, pero deep inside her heart na-apektuhan siya sa sinabi ni Stephanie. What if magsawa na nga sa kanya si Richard. Iiwan ba siya nito at babalik kay Stephanie?”

Masaya silang nag salo-salo ng hapunan nila-pinikpikan, inihaw na baboy, mainit na chicken soup, wine. Sa dahon sila ng saging kumain at naka kamay, super enjoy sila except kay Stephanie, mas ninais pa nito ang uminom ng alak kesa kumain ng mga local foods na kinakain nila. After dinner, nagligpit na sina Lisa at Maya. Lumapit sa kanila si Stephanie. Na halatang lasing na ito.

“Tapos na ba kayo sa gawain pambabae?” tanong nito sa nagaasar na tono.

“OO, salamat sa tulong mo.” naguuyam naman sagot ni Lisa.

“Maya, puede ba kita makausap?”

“Sure ano ba iyon?”

“Tayong dalawa lang sana.”

“Ok lang kahit nandito si Lisa, hindi naman ako naglilihim sa kanya eh.”

“Gusto ko lang sabihin sa yo, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mong pang-aakit kay Richard. Alam ko inakit mo lang si Richaed kaya naging kayo. Tulad nang sinabi kaniana sa yo. Ikaw lang ang apple of the eye niya ngayon”

“Saan kayo nagpunta kaninang madaling araw?”

“Bakit gusto mo malaman? Wala ka na paki-alam kung saan man kami nagpunta dalawa.”

“Sinasabi ko sa yo, walang mangyayri diyan sa pang-aakit mo kay Richard. Sinabi ba niya sa yo kung gaano ako kagaling sa kama, kung gaano ko siya napapasaya.” Pagsisisngungaling sabi ni Stephanie dito. “Ikaw ba ano na ba ang nagawa mo sa kanya para paligayahin siya? Kaya kung ako sa yo, bantayan mo si Richard dahil kaya ko siyang agawin ulit sa yo. Huag mong sabihin hindi kita pinaalalahanan.”

Napapikit si Maya sa inis dito. Maya felt the simple fun and precious intimacy they have shared yesterday now seemed cheap. Holding on to her pride desperately, she turned to meet Stephanie’s triumphant eyes. “Everyone’s entitled to his own taste.” She shrugged indifferently,to Stephanie.

Namumula sa galit si Stephanie, kaya sa galit niya binuhusan niya ng alak ang suot na sweater ni Maya.

“Sumosobra ka na ha,” galit na sabi ni Lisa. “Hindi ko ito palalampasin, isusumbong kita kay Sir Richard.”

“Wala ka karapatan ako pagsalitan ng ganyan. Kayang kaya kita ipatanggal sa trabaho mo.” nalilisik na mata sabi ni Stephanie kay Lisa.

“Bakit ikaw ba ang nagpapasahod sa akin? Ikaw ba ang amo ko?”

“Tama na yan, gumigil na kayo dalawa.”

“Pero Maya.”

“Please Lisa, hindi na dapat ma involve pa dito si Richard ako na ang bahala. Madami na isipin si Richard, para sumali pa tayo.”

“Ikaw ang bahala Maya, kung yan ang gusto mo.” sabi ni Lisa bago tiningnan ng masama si Stephanie.

Dali-dali umalis si Maya, para mag tungo sa tent nila ni Richard. Pero bago pa naman siya makarating doon, nasalubong siya ni Richard.

“Maya, anong nangyari sa yo? Nakipag-away ka ba?”

“Hindi ako nakikipag -away, ako ang inaway.” saka nilampasan si Richard.

“Hey,” Habol niya dito at hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya. “What’s wrong, Sweetie?”

“Wala,” sagot niya, Pinipigil lang niya huag mapaiyak sa harap nito.

“Wala?”, itinaas nito ang mukha niya. “Ano ang nangyari sa yo, huag mong sabihin wala.” sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. “Tell me, what’s wrong?”

“Wala nga, bakit pa ang kulit mo? Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod at medyo masakit ang ulo ko.”

Nakita ni Maya naningkit ang mga mata nito. Humigpit ang hawak nito sa braso niya.

“Nagdadahilan ka lang alam ko, sige magpahinga ka na, susunod na rin ako in awhile. Kakausapin ko lang si Stephanie.” Sa pagkakarinig ng pangalan ni Stephanie, gumuhit ulit ang sakit sa dibdib niya.

“Don’t get jealous, may sasabihin lang ako sa kanya, regarding sa trabaho.”ngumiti ito sa kanya, saka siya hinalikan sa noo. “But on the other hand, halika sumama ka na lang sa akin, para huag ka mag isip ng kung ano-ano diyan.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya.

“Huag na Richard, sa tent na lang ako maghihntay sa yo.”

“No, para mapadali din ang pakipag usap ko kay Stephanie pag kasama ka.” sabi nito.

Nakita ni Stephanie na papunta sa kanya sina Maya at Richard.” Umakyat agad ang galit niya sa mga ito, “so nagsumbong na pala sa iyo ang bago mong laruan Richard?”

“Nagsumbong? About what?” tanong ni Richard.

“Ha? Wala…wala….wala..” nalilitong sagot ni Stephanie.

“Maya, meron ka bang hindi sinasabi sa akin?”

“Ha?”

“Huag ka magsisinungaling sa akin? Halika sa tent natin.” Hinila nito si Maya patungo sa tent nila. “Speak.”

Walang nagawa si Maya, kungdi ikuwento kay Richard ang mga sinabi sa kanya ni Stephanie.

“Siya pa ang may kakagawan niyan, kaya nabasa yan sweater mo? Ano ang ginawa niya sa yo?”

Tumango lang si Maya, bilang sagot nito sa tanong nito, “damned that woman, dito ka lang. Mananagot sa akin si Stephanie, wala siyang karapatan gawin iyan sa yo.”

“Richard, hayaan mo na lang siya, llasing lang siya kaya niya it nagawa.”

“No dapat siya lumagay sa tama. Kailangan niya humingi sa yo ng paumanhin kung ayaw niya pababain ko siya at matulog mag isa sa cabin.”

“Richard, maawa ka naman sa kanya, mag-isa lang siya doon pag nagkataon.”

“Pero maling mali ang ginawa niya sa yo. At kung hindi pa siya nadulas sa pagsasalita, hindi ko malalaman, kasi wala ka balak sabihin sa akin ang totoo.”

“Sorry, ayaw ko lang ng gulo kasi. Alam ko magkaibigan kayo at ayoko magkagalit kayo.”

“For the record, NEVER naging kami ni Stephanie, magkaibigay lang kami. Family friend ng pamilya ang pamilya ni Stephanie. I never bedded her. Please believe me.”

“I beleive you babe,” ngumiti siya dito.

“Halika tulog na tayo. Inanatok na ako, maaga pa tayo bukas.”

“We will watch the sun rise again?”

“If you like, puede din naman dito na lang tayo satent natin. Alam mo na.”

“Heh, mahiya ka nga.”

“Hahaha….goodnight, sweetie…. I love you.

Goodnight babe… I love you too…

To be continued…..

*******************

20130616-005900.jpg

20 thoughts on “The Covergirl 16

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s