Rich in Love – parts 18-26

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Kris Interino. This is a continuation to Rich in Love – parts 6-16


Author: Kris Interino

~*~

Chapter 18

Magsisimula na ang taping. Ipi-pwesto na ng direktor according sa situation ng script sina Roel, Maya at Richard.

Direk

Lights… Camera…. Action!

Magsisimula ng gumiling ang camera sa hudyat ni Direk. Magsisimula na rin maglalapit ang mukha ni Roel kay Maya.

5 inches face apart… Matamang titingnan ni Richard sina Roel at Maya.

4 inches face apart… Mapapabuntong-hininga si Richard, mapapansin yun ng Direktor.

3 inches face apart… Mapapaisip na si Richard.

2 inches face apart… Mawawala na sa script ang isip ni Richard. Magtatalo na ang isip at puso ni Richard. Pagpapawisan na si Richard ng malamig. Hindi malaman ni Richard ang dahilan pero uutusan siya ng isip niya na hilahin niya si Maya palayo kay Roel. At dahil doon, wala sa sariling hihilahin bigla ni Richard si Maya payakap sa kanya. Mabibigla si Maya sa nangyari. Mabibigla rin ang Direktor at ang mga nakapaligid sa kanila. Hindi mapipigilan ni Richard na titigan si Maya sa mga mata habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa braso ni Maya at nakayakap sa likod ni Maya ang kaliwang kamay. Pakiramdam nilang dalawa ay titigil ang pag-ikot ng mundo nila.

Babasagin ni Direk ang katahimikan nilang dalawa.

Direk

Cut!!! Richard, anong nangyari sayo?

Biglang mababawi ni Richard ang tingin at pagkakahawak niya kay Maya. Mapapabuntong-hininga siya.

Richard

I’m sorry, Direk.

Direk

2nd take!

Pu-pwesto na ulit ang tatlo. Aabot na ng 3 inches faces apart sina Roel at Maya ng–

Thalia

Sorry guys! I’m late!

Direk

Cut!

Mapapapikit si Richard.

Richard

(on his thought)

Thanks Thalia! You’re my saviour!

Hindi lubos maiintindihan ni Richard kung bakit ganun ang mararamdaman niya. Ipapaayos na ng Direktor si Thalia. Lalapitan niya si Maya, hahawakan ang kamay at hihilahin sa tabi ni Ysa. Mapapansin yun ni Deo at ng Direktor.

Richard

Stay beside Ysa, Maya.

Maya

Opo Ser Chief.

After 3 minutes ay gugulong na ulit ang camera. Babalik na sa normal si Richard. Ngingiti na ulit at gaganahan sa pagta-trabaho.

BF Homes- Taping- Lunch Time

Aasikasuhin ng mga crews ang mga bisita ng mga artista sa set. Lalapitan ni Richard sina Maya.

Richard

Maya, I’m sorry about what happened kanina.

Maya

O–okay lang po yun, Ser Chief.

Richard

Let’s eat na. Ysa, sama ka na samin. Doon tayo sa Dressing Room ko.

Ysa

Sige.

BF Homes- Richard’s Dressing Room- Lunch Time

Pagsisilbihan sila ng P.A ni Richard ng pagkain.

Richard

Okay na ito. Thanks!

Aalis na sa Dressing Room ang P.A ni Richard. Bubuksan ni Richard ang styro ni Maya at bibigyan niya ito ng soft drinks pati si Ysa.

Ysa

Ambait mo talaga, Richard. Ang swerte ng magiging girlfriend mo, if ever.

Tatampalin ni Maya si Ysa sa pagpaparinig nito kay Richard.

Maya

Ysa naman! Wag ka ngang maingay. Kumain ka na lang.

Mapapangiti na lang si Richard.

Richard

It’s okay Maya. Sanay na ko sa ganyang praises.

Ysa

Oh! Sanay na pala si Richard. Samantalahin na natin.

Maya

Ysa naman eh!

Ysa

Siya ngapala, Richard. Anong nangyari sayo kanina?

Richard

Why?

Ysa

Yung doon sa eksena nyong tatlo nina Roel. Doon sa hahalikan na sana ni Roel si Maya.

Matitigilan bigla si Richard sa pagkain niya. Mapapaisip. Mapapatingin kay Maya. Mapapansin yun ni Ysa at Maya.

Richard

Ahhhhhhh…. Emmmmm…..

Biglang susulpot ang P.A ni Richard.

P.A

Boss, be ready in 15 minutes. Maaga daw po ang pack up.

Richard

Ah! Yeah! Thanks.

Maya

Sige na po Ser Chief. Kami na po ang magliligpit nito.

Richard

Okay. Thanks a lot guys.

Ysa

Wala yun. Basta ikaw.

Paalis na sana ng Dressing Room si Richard ng may maalala.

Richard

Ah! Before I forgot, wait for me. I’ll drive you home.

Ysa

Siya ba?

Richard

Both of you. 3 sequences na lang ang take ko.

Maya

Okay po, Ser Chief.

Richard will give them a glimpse of loop-sided smile.

BF HOMES- Taping – 3pm

Babalik si Richard sa Dressing Room niya. Maaabutan niyang maayos na ang mga nagkalat na gamit ni Richard. Pati ang P.A na kasunod lang ni Richard ay namangha.

P.A

Wow! Boss, ang linis!

Saka lalabas ng C.R si Maya hawak ang towel niya. Papasok naman sa Dressing Room si Ysa.

P.A

Ysa, sino naglinis dito?

Ysa

Ewan ko po. Kagagaling ko lang sa labas. May binili lang ako pang emergency.

P.A

Eh kung ganoon, sino ang naglinis dito?

Saka itataas ni Maya ang kamay na may hawak na towel at magsasalita.

Maya

Ah! Ser Chief, Ate, sorry po kung pinakialaman ko na yung mga gamit dito. Wala kasi ko magawa eh. Napagtripan ko pong gawin para less na rin po sa pag-empake nyo.

Lalapitan si Maya ng P.A ni Richard at aakbayan sa likod.

P.A

Gurl, super thank you talaga! Hindi lang nakapag less ng liligpitin. Totally pack up na ang ginawa mo. Ikaw na! Boss, galing ng girlfriend mo!

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya.

Maya

Ah! Eh! Hindi po niya ako girlfriend. Friend lang po.

P.A

Boss!? Friend nyo lang pala siya???? Naku Boss, baka masungkit ng iba ito. Mahirap na. Maganda na, masipag pa. Akala ko nga kanina, siya talaga yung leading lady kanina eh. Swerte sana ni Roel kung nahalikan ka niya.

Sisingit bigla si Ysa.

Ysa

Ate, I object! Hindi rin po ako papayag na mahalikan si Maya kasi once mangyari yun, first kiss niya yun.

P.A

What??? You mean to say, NBSB ka???

Tatango na lang si Maya.

P.A

Ganoon! Probinsiyana ka noh?

Ysa

Tumpak!

Chapter 19

Lalapitan ni Richard si Maya.

Richard

Thanks, Maya. Nag-abala ka pa.

Maya

Ah! Eh, Ser Chief, okay lang po yun.

Richard

Anyway, let’s go. Ihahatid ko na kayo.

Ysa

Richard, si Maya na lang ang ihatid mo, pupunta pa ko ng Trinoma eh.

Richard

Then, let’s hang-out together.

Ysa

Seryoso ka, Richard? Sasama ka?

Richard

Why not? Pack up na naman.

Ysa

Richard, ikaw na talaga ang the best!

Aayusin na nga nina Richard at ng P.A niya ang gamit nila. Ilang damit lang naman ang dala-dala ng P.A niya. Mauuna ng umalis ang P.A ni Richard. Lalapitan ni Richard sina Maya at Ysa.

Richard

So, let’s go. Meryenda na rin tayo sa Trinoma.

Ysa

Tara na Richard. Yes! Free ride na naman! Yahoo!

Matatawa na lang si Richard kay Ysa. Isusuot na ni Richard ang Oakley eyeglasses niya at hahawakan na si Maya sa kaliwang kamay. Mapapansin agad yun ni Ysa.

Ysa

Mauna na ko. At ng mai-play ko itong tape sa kotse mo, Richard.

Richard

Go ahead.

Mauuna na si Ysa sa kotse.

Richard

Let’s go, Maya.

Padaan na sila sa may lobby at sa mga pinaglagyan ng lights at cameras ng mapapatingin ang lahat ng tao kina Richard at Maya na magkahawak ng kamay. Halos nakayuko na si Maya habang hila-hila siya ni Richard.

Direk

Inga sa pag-uwi Richard.

Richard

Thanks, Direk.

A.D

Ingatan mo yan si Maya, Richard! Bawal masugatan yan.

Richard

I will.

Pilit na ngiti lang ang isusukli ni Maya sa mga nakakakita sa kanilang dalawa. Mapapatingin si Richard kay Maya na halos yumuko na.

Richard

Maya, are you okay?

Maya

O–okay lang po ako, Ser Chief.

Richard

Natatakot ka ba na baka ma-chismis ka ulit?

Maya

Baka po kasi pag-fiestahan na naman kayo ng mga reporters kapag nakita kayo eh.

Richard

No worries, Maya. Restricted ang media dito sa set. Anyway, malapit na tayo sa kotse.

Mag-aangat ng paningin si Maya at mapapangiti.

Richard

Ayan! Ngumiti ka na.

Matatawa ng kunti si Maya.

Maya

Sorry po.

Bubuksan na ni Richard ang passenger’s seat at doon pauupuin si Maya. Ititigil na ni Ysa ang pagpapatugtog ng mini cassette.

Ysa

Gora na ba tayo sa Trinoma, Richard?

Richard

Yes.

Trinoma- Dawn

Ititigil ni Richard ang kotse at isusuot ang rayban niya. Pang-iwas media. Una siyang bababa at kapwa niya pagbubuksan ng sabay sina Maya at Ysa.

Ysa

Awww! Ang sweet mo naman, Richard. Na-miss ko tuloy ang Douglas ko.

Pang-mumulatan ni Maya ng mata si Ysa.

Ysa

Joke lang!

Mapapangiti na lang si Richard. Aalalayan ni Richard si Maya sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak sa likod niya habang sabay-sabay na silang papasok ng Trinoma. Mapapatambay sila sa labas ng Starbucks ng biglang may mang-hahalik sa lips ni Richard. Magugulat sina Ysa at Maya sa makikita. Biglang ilalayo ni Richard sa sarili si Thalia. Tiger mood na ito.

Richard

Kissing me in public places?

Thalia

I miss you, Honey!

Richard

Give yourself some respect, Thalia. And as far as I’ve concerned, you have no right to kiss me. I’m not even your boyfriend or what.

Ipupulupot ni Thalia ang mga kamay sa leeg ni Richard. Mapapatingala at mapapabaling si Richard ng tingin para iwasan ang mukha ni Thalia.

Richard

Thalia! Will you please stop this!

Thalia

Let’s get a room, Richard.

Richard

Thalia! Stop these nonsense! I’m not like your ex-boys na pwede mo dalhin kahit saan mo gusto.

Thalia

Di ba, you like me?

Richard

You assumed!

Mapapalingon bigla si Richard kina Maya.

Richard

Thalia, umalis ka na. May mga kasama ako.

Thalia

Mas mahalaga pa ba sila kesa sakin?

Richard

Yes, to answer your question.

Matalim ang mga mata ni Thalia na tititigan sina Maya at Ysa. At aalis ng padabog. Richard can’t help but to catch some air.

Richard

I’m sorry about that guys.

Ysa

Okay lang yun, Richard. Uwi na tayo.

Richard

Let’s go.

Ihahatid ni Richard sina Maya sa Condo Unit nito.

Maya

Sige na po, Sir Chief baka matraffic ka pa sa daan.

Richard

Matraffic? Ako? Why?

Maya

Uuwi pa po kayo sa Makati, di ba?

Makukuha ni Richard ang point ni Maya.

Richard

Ah! I’m not going there, Maya. May pasok tayo bukas di ba? So, I’ll be staying here sa Condo ko.

Maya

Ganun. Sige po. Pasok na po kami.

Richard

Okay. Rest well.

Eloisa’s Condo Unit- 10pm

May mag-doorbell sa Condo Unit nina Maya. Pagbubuksan ito ni Ysa.

Ysa

Yes?

Roel

Hi! Remember me?

Aalalahanin ni Ysa ang lalaki.

Roel

Sa taping kanina.

Ysa

Ah! Oo! May kelangan ka?

Roel

Nandiyan ba si Maya?

Ysa

Ah! Si Maya. Sandali’t tatawagin ko. Tuloy ka.

Roel

Thanks.

Uupo na si Roel at saka naman lalabas ng kwarto si Maya.

Roel

Hi Maya!

Maya

Oh! Ikaw pala Roel. Napasugod ka?

Medyo mahihiya pa sa sadya kay Maya. Mamumulsa.

Roel

Ahm! Maya, can I ask you something?

Maya

Ano yun?

Roel

Can I invite you bukas over Dinner.

Mabibigla si Maya. Ituturo ang sarili.

Maya

Ako? Ini-invite mo magdinner bukas ng gabi?

Roel

Yes. Kung okay lang sayo at kung wala ka lang gagawin that night.

Sisingit si Ysa.

Ysa

Sige na, Maya. Pumayag ka na. Wala namang masama kung lalabas ka din paminsan-minsan.

Tatango.

Maya

Sige.

Roel

Thanks, Maya. I’ll pick you up tomorrow night, 7pm.

Chapter 20

L.A- Day

Magiging busy ang lahat sa kanya-kanyang work. Lalabas si Richard ng office niya para maglibot-libot. Mapapadako siya sa linya ng cubicle ni Maya. Makikita niyang nasa table nito ang phone nito na luma na nga. Aalis na sana si Richard sa cubicle ni Maya ng tutunog ang phone. Magpapalinga-linga siya ng tingin umaasang makikita niya si Maya pero mabibigo siya, kukunin niya ang phone at sasagutin ang tawag kay Maya.

Richard

Hello po?

Nanay

Hello? Sino ito?

Richard

Si Richard po ito, Aling Teresita. Naiwan po ni Maya ang phone niya dito sa table niya. May ipagbibilin po ba kayo?

Nanay

Ah! Sir Richard, kumusta na si Maya?

Richard

She’s okay po. No need to worry.

Nanay

Ikaw na muna bahala kay Maya, Sir Richard ha.

Richard

Richard na lang pO, Aling Teresita. Okay po. Ako na po bahala kay Maya.

Nanay

Salamat. Sige na. Baka makaistorbo na ko.

Richard

Hindi naman po. Sige po. Ingat po kayo dyan.

Ibababa ni Richard ang phone at ilalapag ito sa table ni Maya malapit sa picture nila ng Nanay niya at ni Cristina Rose. Mapapangiti siya ng di sinasadya. Babalik na siya sa office niya. After 5 minutes ay babalik na din siya sa cubicle niya. Magtataka si Maya dahil nasa tabi na ng picture frame nila ang phone niya. Pero deadma na lang niya ito. Ipagpapatuloy niya ang work niya. Hanggang sa darating ang breaktime nila, bibisitahin niya ang phone nya. Titingnan kung meron nagtext o tumawag. Magugulat si Maya sa makikita sa ”Call Log” niya.

Maya

Si Nanay? Tumawag?! Teka, sino ang sumagot?

Na masasagot naman ang tanong ni Maya. Biglang tatawag si Richard.

Richard

Tumawag nga pala kanina ang Nanay mo. Nasa tapat lang ako ng cubicle mo kaya I answered your phone.

Maya

Ah… Ganoon po ba? Ano po ang sabi ni Nanay?

Richard

Your Mom ask me if you’re okay? Then she told me to take care of you.

Maya

Ah! Eh, Sir Chief, di nyo naman po kelangan gawin yun eh.

Richard

No, Maya. I was asked then I’ll do it for your Mom. Okay? No more arguments. So, dadaan muna sakin lahat ng taong asking you out or whatever it is.

Maya

Ser Chief naman eh, para naman kayong si Nanay e.

Richard

I’m just returning the favor noong nasa San Nicolas ako, okay? Hwag ng makulit.

Maya

Sige na nga po.

Richard will tease her.

Richard

Good bye, Maya. See you.

Maya

Pero Sir Chief–

Mapapangiti na lang si Richard. Busy na ang line ni Richard. Maiinis si Maya.

Maya

Si Nanay naman kasi eh!

L.A- Day

Magkakaroon ng taping si Richard at may pasok naman sa office si Maya. Tatawagan ni Richard si Liza before his 1st sequencE.

Liza

Good morning, Sir!

Richard

Good morning! Liza, sabay na kayo ni Maya sa lunch ha.

Liza

No problem, Sir. Anything else?

Richard

That’s all, Liza. Thanks.

Liza

Noted.

Itetext ni Richard si Maya.

To: Maya Dela Rosa

Message: Don’t skip your meals.

To: Sir Chief

Message: Sir Chief naman eh! Para kang si Nanay.

Mapapangiti na lang si Richard.

L.A- Parking Lot- Mid-Dawn

Sabay lalabas ng L.A sina Maya at Liza. May makikitang pamilyar si Maya.

Roel

Hi Maya!

Maya

Sir Roel?

Roel

Maya, Roel is enough.

Maya

Ano po ang ginagawa niyo dito?

Roel

Sinusundo ka.

Mapapataas ng kanang kilay si Liza.

Maya

Sinusundo nyo po ako? Di ba, mamaya pa yung 7pm?

Roel

Maaga ang pack up namin eh. So, pumunta na ko dito. Out mo na naman siguro, di ba?

Maya

Opo.

Roel

So, can we go now?

Maya

Si–sige po… Mam Liza, mauna na po ako.

Liza

Sige Maya. Ingat ka.

Maya

Opo.

Kakaalis lang nina Roel at Maya ng tatawag naman si Richard.

Liza

Hello Sir?

Richard

How’s Maya? Sabay ba kayong kumain like what I said?

Liza

Yes Sir.

Richard

Nakauwi na ba siya?

Liza

Ahmmmm…..

Mapapasimangot si Richard sa kabilang linya.

Richard

Why, Liza?

Liza

Hindi pa po siya nakakauwi and I think, late na siya makakarating sa kanila.

Richard

Why? May nangyari ba?

Liza

Well, sinundo lang naman po siya ni Roel, yung co-star nyo. May date yata ang dalawa eh.

Magta-tiger mood na si Richard.

Richard

What???! Bakit mo pinayagan?

Liza

Sir, according sa narinig ko na pag-uusap nila, kahapon pa pumayag si Maya for a date. Medyo napaaga lang ang sundo ni Roel kay Maya.

Bubulong si Richard sa sarili pero maririnig ni Liza sa kabilang linya.

Richard

Without informing me!

Liza

What is it, Sir?

Richard

Ah! Nothing. Thanks!

Tatawagan ni Richard si Ysa informing Ysa about Maya’s whereabouts and na pupunta siya. Mag-eempake na siya dahil siya ang may huling sequence sa set kaya late na din siya makakauwi. Didiretso siya sa Hotel. Pupunta sa Condo Unit nina Ysa at hihintayin si Maya. Halos maubos na niyang basahin ang mga magazines ni Ysa at ang juice na tinimpla nito. Panay ang sulyap ni Richard sa wrist watch niya.

Chapter 21

Sakto 10pm na ng darating si Maya. Ilalapag ang bag habang nagsasalita.

Maya

Ysa, nandito na ko! May pasalubong sayo si Roel!

Ysa

Kanina pa bisita mo, Maya.

Mapapaangat ng mukha si Maya ng marinig ang sinabi nito. Tatayo si Richard at mamemeywang. Nakakunot noo. Papasok muna sa room niya si Ysa.

Maya

Sir Chief?! Ano pong ginagawa nyo dito? Gabing-gabi na po ah.

Richard

I’m waiting for you habang nakikipag date ka.

Maya

Ahm, Sir Chief, hindi po ako nakipag date. Nagpasama lang po si Roel sa isang mall.

Richard

Without informing me?!

Maya

Sir Chief–

Richard

Your Mom told me to take care of you.

Maya

Di ba po, sabi ko sainyo, di nyo kelangan gawin yun?

Richard

And I told you that I was just returning the favor in San Nicolas.

Maya

Sir Chief, galit po ba kayo sakin?

Richard

Ikaw kasi e! Ang tigas ng ulo. Paano na lang kung may mangyaring masama sayo under Roel’s company? E di malalagot ako sa Nanay mo!

Maya

Oh! Sir Chief, kalma lang.

Richard

How can I? Kung nag-aalala ako sayo?

Maya

Sir Chief–

Richard

Maya, this is the last time na sasabihin ko ito sayo. Ask me first kung may lakad ka o date with whoever it is. I’ll decide kung papayagan kita o hindi. You are my responsibility here in Manila. Done.

Hindi makakakibo si Maya. Titingnan ni Richard si Maya ng nakakunot-noo.

Richard

Oh, bakit hindi ka na dyan makapagsalita?

Maya

Kayo po kasi Sir Chief, paano pa ko magpapaliwanag kung galit na kayo?

Richard

Hindi pa ako galit, Maya. So, don’t get me mad.

Lalapitan ni Maya si Richard at paghihiwalayin ang mga naka-kunot-noo nito. Bahagyang lalayo si Richard habang nakapamewang.

Richard

What are you doing?

Maya

Sir Chief, naalala nyo po yung sinabi ko sainyo sa elevator ng 2nd time na magkita tayo.

Maaalala ni Richard ang sinabi ni Maya sa kanya. Di niya mapipigilan na mapangiti pero sabay bawi.

Maya

Oy, si Sir Chief, nakita kung nakangiti na.

Richard

I’m not smiling, Maya.

Maya

Nakita ko kaya Sir Chief, nakangiti na kayo eh.

Richard

I’m not!

Sabay magwo-walk out na si Richard sa Condo nina Maya.

Maya

Hayst! Galit pa kaya siya?

L.A- Maya’s Table- Day

Mapapasulyap si Maya sa picture frame niya.

Maya

Nay, bakit mo kasi sinabi yun kay Sir Chief?

Lobby- After lunch

Habang naglalakad sina Maya at Liza papunta sa office nila ay biglang darating si Thalia at dadaan sa lobby, makakasalibong nila ito.

Liza

Speaking of the witch!

Pipigilan ni Maya ang pagtataray nito.

Maya

Baka po mahalata kayo.

Liza

I don’t care!

Maya

Smile po kayo.

Mapipilitan mag-smile sina Liza at Maya.

Thalia

Hi Maya!

Maya

Hello po Mam.

Magbebeso-beso kuno.

Thalia

What did you call me?

Maya

Mam Thalia po.

Thalia

Good. Atleast, you’re respecting me.

Maya

Hinahanap nyo po ba si Sir Chief?

Magtataka si Thalia sa tawag ni Maya kay Richard.

Thalia

I beg you’re pardon?

Maya

Ang sabi ko po, hinahanap nyo po ba si Sir Chief?

Thalia

Sir Chief?!? You’re calling Richard as Sir Chief?

Maya

Opo. Bakit po?

Thalia

Nice endearment. Anyway, hindi si Richard ang ipinunta ko dito, it’s you.

Maya

Ako po?

Thalia

You heared me, right?? I want to talk to you. Will you please us, Liza?

Liza

Okay

Exit na si Liza.

Maya

May dapat po ba tayong pag-usapan, Mam Thalia?

Thalia

Yes. We have.

L.A- Liza’s cubicle- Siesta time

Pupuntahan ni Richard si Liza. Magugulat si Liza pagkakita sa kanya.

Liza

Sir naman! Wag nyo naman akong takutin. Baka mapaaga ako ng punta sa langit. Teka lang Sir, di ba may taping kayo?

Richard

Meron nga. Malapit lang dito yung set kaya I drop by here. I’m sorry if I made you scared, Liza. By the way, where’s Maya?

Liza

Ay! Sir, nandoon sa lobby. Kausap si Thalia.

Magugulat si Richard.

Richard

What?! Where is she here?

Kibit-balikat lang si Liza. Pupuntahan na ni Richard si Maya. Mapapataas kilay si Liza at biglang susunod na hindi alam Ni Richard. Makikita nga ito ni Richard. Pero hindi muna siya lalapit. Pakikinggan niya muna ang dalawa.

Thalia

Maya, tao ka naman sigurong kausap di ba?

Maya

Opo Mam Thalia.

Thalia

So, I’m expecting you to stay away from Richard.

Kunot-noo si Maya.

Maya

Po? Teka, wala naman po akong ginagawang masama kay Sir Chief para palayuin nyo ko sa kanya. At saka boss ko po siya dito sa company.

Thalia

Kahit pa, Maya. I don’t want to see you hanging around with Richard. He’s mine!

Mapapabuntong-hininga si Maya.

Maya

Mawalang-galang na po Mam Thalia pero hindi ko po siguro magagawa yun.

Thalia

And why not?

Pagtataray ni Thalia kay Maya.

Maya

Una po sa lahat, boss ko si Sir Chief, so natural lang naman po siguro na magkikita kami dito sa loob ng company. Pangalawa po, tulad nga po ng sinabi niya sainyo, hindi niya kayo girlfriend para pagsabihan ako ng ganyan.

Thalia

Kahit pa. Basta! I want you to stay away from Richard.

Maya

Ano po ang gagawin nyo kung hindi ako lalayo sa boss at kaibigan ko?

Thalia

Aba’t baka gusto mong masampal kita!

Maya

Ginagawa po yan at hindi sinasabi.

Akmang sasampalin na siya ni Thalia ng mapailing si Maya bigla sa kanan ng biglang may sumagi at humawak sa wrist ni Thalia. Tiger mood.

Richard

Don’t ever dare doing that to Maya.

Chapter 22

Magkakasabay na mapapalingon sina Thalia at Maya kay Richard.

Maya

Sir Chief???!

Thalia

Honey…

Bibitiwan ni Richard ng patapon ang braso ni Thalia.

Richard

What do you think you’re doing, Thalia?

Thalia

Ho–honey, I’m just telling something to Maya.

Richard

Like she should stay away from me?

Maya

Sir Chief…

Richard

What if I’m the one whose sticking on her? What would you say?

Thalia

It isn’t true, right honey?

Richard

Thalia, you can’t tell or dictate anybody to stay away from me. They were my friends. Just like you. Did I say to you to stay away from me? What exactly would you feel if somebody ask you to do that?

Thalia

I’m sorry, Richard. I’m just scared that someone will take you from me.

Richard

Ayan! Diyan ka magaling Thalia, you assumed everything kahit hindi naman totoo. Hindi lahat ng bagay pwede mong makuha, Thalia. Sometimes, you have to sacrifice.

Thalia

Kahit pa Richard. I won’t allow anyone or even anybody to take you away from me! Never!

Richard

Kaya ka iniwan ng ex mo dahil dyan sa ugali mo.

Hahawakan ni Richard ang kamay ni Maya saka hihilahin papunta sa office nila.

Thalia

Richard, I’m not through with you!

Susunod si Liza sa dalawa.

CEO’s office

Hindi bibitiwan ni Richard si Maya hanggang sa makarating sila sa office ni Richard. Hindi na papasok si Liza para makapag-usap ang dalawa.

Maya

Sir Chief, kalma lang po.

Richard

Anong mga sinabi sayo ni Thalia before I came?

Maya

Ahhhhh…. Ehhhhhh….

Richard

Maya!

Maya

Sir Chief, bakit po kayo nandito sa office? Di ba dapat may taping kayo?

Madudulas si Richard.

Richard

Malapit lang dito ang set namin so I decided to you.

Maya

Po?

Richard

Ahhhhhhh… Nothing! Will you please don’t shift the topic. Anong sinabi sayo ni Thalia?

Maya

Ahhhhh… Ehhhhh. Layuan daw po kita. Yun lang.

Iiling-iling si Richard.

Richard

At pumayag ka naman?

Maya

Eh Sir Chief, friends naman po tayo di ba?

Richard

Yes. We’re……friends.

Maya

Hindi ko naman po siguro kelangan gawin ang paglayo sainyo kasi lagi din po tayong magkikita dito sa ayaw at sa gusto natin.

Richard

Maya….

Maya

Sir Chief, kung anuman po ang namamagitan sainyo ni Mam Thalia–

Mamemewang na si Richard.

Richard

It’s Thalia.

Maya

Parang wala naman po akong respeto noon kay Mam Thalia.

Richard

I don’t care! Thalia is enough.

Maya

Sige po, Thalia. Siguro naman po ay labas na ko doon.

Richard

She’s not my girl. She just assumed.

Maya

Pero para po sa kanya, may relasyon po kayo. Nirerespeto ko po yun. Hindi ko po ugaling makialam sa relasyon ng iba. Para po matigil na ang galit niya sakin, ako na lang po ang iiwas.

Richard

Maya….

Maya

Sir Chief, tao po akong kausap. Ang akala po siguro ni Ma– este Thalia, inaagaw kita sa kanya. Kung yun po ang gusto niya, gagawin ko po yun.

Richard

Maya, you dont–

Maya

Kelangan ko na pong umalis bumalik sa table ko. Sige po.

Hindi na mapipigilan ni Richard na umalis ng office niya si Maya. Samantala, habang nasa table naman ni Liza.

Liza

Something’s fishy…

L.A- Parking Lot- Dawn

Magkasabay na lalabas ng L.A office sina Liza at Maya. Madadatnan nina Liza at Maya si Roel.

Liza

Ikaw na naman!

Roel

Hi Maya, Liza!

Liza

Hello.

Saka naman darating si Richard sakay ng BMW nito, bababa ng kotse wearing his Oakley eyeglasses at lalapitan silang tatlo.

Roel

Hi Bro!

Richard

What are you doing here, Roel?

Roel

I just came to ask Maya out for dinner.

Magugulat si Maya sa prangkang pagtatanong ni Roel sa harap ni Richard. Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya.

Maya

Ahhhhhh…. Ehhhhhhh….

Roel crossing his finger.

Roel

Please?

Mapapasulyap ng bahagya kay Richard at Roel.

Maya

Si–sige na nga.

Roel

Yes! So, shall we?

Richard will be annoyed with the idea that Maya will be having a date again with these guy. Richard can’t help himself but to catch some air.

Maya

Tara po.

Richard

Maya, text me when you get home.

Magtataka si Roel.

Roel

Richard, why Maya should text you when she gets home? Hindi ka naman siguro boyfriend ni Maya, right?

Richard will face Roel with confidence.

Richard

Her mom asked me a favor lang naman to take good care of Maya habang nandito siya sa Manila.

Roel

Wow! Ang galing! Ipinagkatiwala na sayo si Maya. Too envious.

Maya

Sabi ko nga po, hindi naman niya kelangan gawin yun kasi kaya ko naman alagaan ang sarili ko.

Richard

I will do what your Mom had told me and that’s an important favor from your mom.

Roel

But I guess, Maya has her own freedom to roam around with me.

Sisingit si Liza.

Liza

Gentlemen, mauuna na ko sainyo ha. Medyo gumagabi na din naman.

Richard

Go ahead, Liza.

Exit na si Liza ng patakbo.

Roel

Let’s go, Maya.

Maya

Tara po.

Roel will pull her through her hand which doesn’t escape from Richard’s tiger eyes.

Chapter 23

A phrase came out expectedly on Richard’s mouth.

Richard

Better be careful of Maya, Roel.

Hindi na iyon maririnig ni Roel. Uuwi na siya sa Bonifacio Global City at hihintayin ang text ni Maya gaya ng bilin niya. May matatanggap na tawag si Richard.

Richard

Hello?

Donya Esme

Ricky, pwede mo ba ko dalawin? I missed you na anak.

Richard

Mom…

Maririnig ni Richard sa kabilang linya si Nikki Grace.

Nikki

Mommy, is that Kuya?

D.E

Yes, iha.

Nikki

Can I talk to him?

D.E

Okay.

Donya Esme will hand over the phone to Nikki.

Nikki

Kuya!

Richard

Yes bunso?

Nikki

Can you come over?

Richard

Why?

Nikki

I have to tell you something?

Richard

You can tell me over the phone.

Nikki

I can’t Kuya.

Richard

Why not?

Nikki

Basta Kuya. I’ll wait for you dito.

Richard

Fine. I’ll be there in an hour.

Nikki

Thanks Kuya!

Nikki will hand over the phone to her mom.

Nikki

Thanks Mom! Kuya will be here in an hour.

Donya Esme

Idinaan mo na naman sa ganyan ang Kuya mo.

Mahogany Villas- Donya Esme’s mansion- Night

Kararating lang ni Richard ng salubungin ito ni Nikki ng yakap.

Nikki

Hi Kuya!

Richard

Wow! Ang sweet talaga mo talaga, Niks. Here, I brought you a box of your favorite donut.

Nikki

Wow! This must be delicious! Ambait mo talaga Kuya!

Richard

Wag mo na kong bolahin. Where’s Mom? And by the way, ano ba kasi ang sasabihin mo sakin at pinapunta mo pa ko dito?

Nikki

About that Kuya, let’s go inside muna. Mom’s eager to see you.

Richard

Fine!

Hila-hila ni Nikki si Richard sa loob ng bahay. Sasalubungin naman siya ng Yakap ni Donya Esme.

Donya Esme

Iho! It’s good to see you.

Richard

Hi Mom! How’s life? Pasaway ba si Nikki?

Nikki

Of course not Kuya! I’m not naughty like you noong College Days nyo.

Richard

How did you know? Buhay ka na ba noon?

Nikki

Mom told me.

May mapapansin si Nikki sa left forehead ng Kuya niya.

Nikki

Oh my gee Kuya! You’re in love!

Mabibigla si Richard sa sinabi ni Nikki.

Richard

What??!

Nikki

Check out Kuya’s forehead, there’s a pimple.

Matatawa na lang si Donya Esme kay Nikki.

Richard

Pati ba naman yan napapansin mo pa?

Nikki

Of course Kuya!

Richard

FYI, pimple is a sign of stress, okay?

Nikki

It’s not Kuya. According to what I’ve seen recently over the news, ikaw ang laging nandoon with a certain woman.

Sisingit na ang Mommy nina Richard.

Donya Esme

Nikki, enough. Inilalagay mo na naman sa hotseat ang Kuya mo. Lubayan mo muna kahit ngayong gabi lang.

Magtataray kunwari.

Nikki

Fine. If it’s not because of Mommy, hindi kita titigilan kakakulit sa girl na yun.

Donya Esme

Why Nikki? Ayaw mo bang magka-girlfriend ang Kuya mo?

Nikki

It’s not because I don’t want Kuya to have a girlfriend, it’s just that, wala siyang sinasabi sakin about her love life.

Donya Esme

And why should your Kuya tells you about his love life, do you have enough knowledge about that matter?

Nikki

Ahmmmmm… Nothing. Pero malay nyo po, I can give him some advice.

Donya Esme

Like what?

Mapapaisip si Nikki.

Nikki

Ahmmmmm

Richard

Pwede ba Nikki… Mommy… Tigilan nyo muna ko. Nikki, what do you want to tell me?

Nikki

Oh! Yeah! Di ba, you don’t have any showbiz commitment tomorrow?

Richard

So?

Nikki

Can I come with you sa office mo sa Aviation?

Richard

Ano naman ang gagawin mo doon? Magmumukmok?

Nikki

I can do anything there. Nandoon naman si Ate Liza, so I won’t be a bother to you.

Richard

You’ll not be a bother to me…. But you’ll be a bother to Liza, she has a work.

Nikki

Please Kuya… Promise! I’ll behave.

Donya Esme

Kaya pala pinapunta mo dito ang Kuya mo para kulitin mong sumama ka.

Nikki

Mommy, minsan lang naman ito eh.

Donya Esme

Well, ask your Kuya about that.

Nikki

Please Kuya?????

Mapapailing-iling si Richard.

Richard

Fine. Pack your things. Baka ma-traffic tayo sa daan ngayong gabi.

Nikki

Kuya, dito ka na mag-sleep over. Malapit lang naman dito ang office mo, di ba?

Richard

Fine!

Donya Esme

Hindi mo talaga magawang hindian ang bunso mong kapatid. Masyado mo ini-spoiled eh.

Richard

Hayaan mo na Mommy. Naglalambing eh.

Magkikibit-balikat si Donya Esme.

Nikki

Kuya, ang sarap talaga ng Donuts na ito. I love you talaga Kuya! You’re the best Kuya in the world.

Richard

Binola mo pa talaga ako!

Nikki

Of course not Kuya! I’m telling the truth.

Richard

After mo kumain ng sweets, drink plenty of water to avoid tonsilitis.

Nikki

Okay. Kuya, wag mo ko iwan bukas.

Richard

Iiwan kita kapag hindi ka nagising ni Mommy.

Nikki

Kuya! You’re so G-R-R-R!

Chapter 24

L.A- Parking Lot- Day

Magkakasabay na darating sina Liza, Nikki at Richard.

Liza

Good morning Sir! Kasama nyo pala si Mam Nikki.

Richard

Ang kulit eh!

Liza

Okay lang yan Sir. Ako ng bahala kay Mam Nikki.

Sisikuhin ni Nikki si Richard.

Nikki

I told you Kuya.

Papasok na sila ng L.A ng mapansin ni Liza ang kararating lang na si Maya.

Maya

Good morning po Mam Liza, Sir Chief!

Nikki will give Maya a sharp look pero mababawi din nito ito.

Maya

Sir Chief, ang cute naman po niya.

Richard

She’s Nikki Grace. My youngest sister.

Nikki

What do you call Kuya?

Maya

Sir Chief po.

Nikki

Sir Chief???

Medyo matatawa si Nikki sa tawag ni Maya kay Richard.

Maya

Bakit po?

Nikki

Sounds nakakatawa but it’s okay.

Richard

Let’s go.

Aakbayan nga ni Richard si Nikki papasok ng L.A. Sa loob ng office ni Richard.

Richard

Niks, behave ka lang dito ha. May meeting pa ko.

Nikki

I will, Kuya. Don’t worry.

Richard

Nandyan yung isang laptop at ipad mo kung nabo-bored ka na while I’m on meeting.

Nikki

Okay Kuya.

Habang nasa meeting si Richard ay lalabas ng Office ni Richard si Nikki.

Liza

Need company, Mam Nikki?

Nikki

Oh! It’s okay Ate Liza. Can I go around?

Liza

Oo naman po. Gusto nyo po samahan ko kayo?

Nikki

Oh! It’s okay. I can go by myself. Thanks.

Liza

Okay po.

Maglilibot-libot sa mga offices si Nikki. At dahil kilala na siya ng mga nadoon ay may mga nagbibigay dito ng respect as CEO’s sister. Hanggang sa mapapadako si Nikki sa cubicle ni Maya.

Nikki

Hi Maya!

Maya

Ay! Hello po Mam Nikki! Hinahanap nyo po ba si Sir Chief?

Nikki

Ah! No. Naglibot-libot lang ako. Did I disturb you?

Maya

Ay! Hindi po Mam Nikki. Tapos na po ako sa report na ginagawa ko.

Nikki

I see. Ahm, can I ask you something?

Maya

Ano po yun, Mam Nikki?

Nikki

How did you meet Kuya?

Medyo mag-aalangan si Maya na sagutin.

Maya

 Ahhhhmmmm. Sa airport ko po siya unang nakita. Tinulungan niya po ako sa bag ko kasi naipit siya sa isang semento. Eh ng mga oras na iyon, hindi ko po alam na sikat pala siya.

Nikki

Oh! Kuya is really helpful kahit kanino. That’s why maraming girls ang may crush sa kanya. Eh paano mo nalaman na sikat si Kuya?

Maya

Doon po sa friend ko. Para daw akong ipinanganak kahapon at hindi ko alam. Kung yung iba daw, nagkakandarapa na makapagpapicture sa kanya, e ako daw, naiwan sa kangkungan kasi hindi ko pa alam na artista pala si Sir Chief.

Hindi mapipigilan ni Nikki na matawa sa kwento ni Maya.

Nikki

So, you’re not really fond of him? Or hindi mo crush si Kuya? Kahit kunti?

Ang hindi alam nina Maya at Nikki na nasa di kalayuan si Richard at nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

Maya

Ahhh ehhh, kung sa pagiging fond po, medyo po. Kung crush naman po, halos lahat naman po siguro di mapipigilan magka-crush kay Sir Chief.

Nikki

Are you considering yourself as one of those who has a crush to Kuya?

Maya

Ahhhhhh

Bago pa makasagot si Maya ay sisingit na si Richard.

Richard

Niks! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.

Nikki

Kuya, can’t you see, I’m chatting with– your name again?

Maya

Maya po… Maya Dela Rosa.

Nikki

Bird’s name. Ha ha! Yet cute.

Richard

Makulit ba kapatid ko, Maya?

Maya

Ay! Hindi po Sir Chief. Nakakawili nga po siyang kakwentuhan eh.

Richard

Really.

Maya

Opo. Ganyan din po ako noong bata pa ako. Madaldal.

Richard

Hindi halata.

Nikki

Just like you Kuya. Madaldal ka rin. You always make asar pa sakin. Bagay kayong dalawa.

Sabay magkakatinginan sina Richard at Maya. Biglang magba-blush si Maya.

Nikki

Oh my gee Maya! Your turning red.

Biglang mahahawakan ni Maya ang pisngi niya. Mapapangiti naman si Richard.

Maya

Hindi po ah!

Richard

Enough. Pati si Maya, inasar mo na.

Nikki

Now I know, ang sarap asarin ni Maya.

Richard

Nikki, it’s your Ate Maya. She’s older than you. Give her some respect.

Maya

Ay! Okay lang po yun Sir Chief.

Richard

No.

Nikki

Okay. Sorry about my attitude, Ate Maya.

Maya

Okay lang po yun, Mam Nikki.

Hahawakan na ni Richard si Nikki sa wrist nito para hatakin papunta sa office niya. Habang papunta sila sa office ng Kuya niya ay may naalala si Nikki.

Nikki

(on her thought)

Nikki, it’s your Ate Maya. She’s older than you. Give her some respect.

Mapapatingin si Nikki sa Kuya niya habang hila siya nito.

Nikki

(on her thought)

Why Kuya’s asking me to call Maya as ”Ate Maya”? Is there something between them? Oh! Maybe, Kuya’s right, Ate Maya’s older than me that’s why he wants me call her like that.

Iiling-iling si Nikki.

Chapter 25

L.A- Parking Lot- Dawn

Mag-isang maglalakad sa parking lot si Maya. Makikita siya ni Richard. Bababa ito ng kotse.

Richard

Going home, Maya?

Maya

Kayo po pala, Sir Chief. Opo, pauwi na po ako.

Richard

Sumabay ka na samin ni Nikki.

Maya

Naku! Wag na po Sir Chief. Ihahatid nyo pa si Mam Nikki eh.

Richard

No. Doon na siya matutulog kasi makakarating kami sa Villas ng hating gabi na kaya doon ko na lang patutulugin sa Hotel.

Maya

Sa Manila Hotel nyo po patutulugin?

Richard

Yes. That’s why pinasasabay na kita kasi doon din naman ang punta ko.

Maya

Sige po.

Richard

Let’s go.

Pagbubuksan siya ng kotse ni Richard sa may passenger’s seat. Magugulat si Maya sa tao sa backseat.

Maya

Ay! Nakatulog po pala si Mam Nikki dito.

Richard

That’s why doon na siya matutulog sa Hotel. I already called mom.

Maya

Okay po yan. Para di na rin po kayo masyado mapagod.

While on the way sa Manila Hotel.

Maya

Sir Chief, pwede po magtanong?

Richard

Yes.

Maya

Galit pa rin po ba kayo sakin gawa ng nakaraang gabi?

Richard will tease Maya.

Richard

May galit ba na nakikipag kwentuhan ngayon sa kagalit niya?

Maya

Wa–wala po.

Richard

So, it means hindi ako galit sayo.

Mapapabuntong-hininga si Maya.

Richard

Feeling better?

Maya

Opo. Akala ko po kasi galit kayo sakin noong nalaman nyong lumabas kami ni Sir Roel.

Richard

About that Maya, I’m sorry.

Maya

Naku! Wag po kayo magsorry Sir Chief. Kasalanan ko din po yun.

Richard

No. It’s not your fault. Na-carried away lang din kasi ako.

Maya

Okay lang po yun. So, peace na po tayo Sir Chief?

Richard

Peace!

Manila Hotel- Parking Lot- Night

Ihihinto ni Richard ang sasakyan niya. Bubuksan ang backseat at gigisingin si Nikki.

Richard

Niks, wake up.

Maya

Sir Chief, dahan-dahan lang baka mabigla.

Maaalimpungatan si Nikki.

Nikki

What?

Richard

We’re here. Doon ka na mahiga sa Condo ko. Bukas na kita ihahatid kay Mommy. Bangon.

Bababa na si Nikki at yayakap sa Kuya niya habang naglalakad papuntang Condo ni Richard. Habang nasa elevator, mapapangiti si Maya.

Richard

Why are you smiling?

Maya

Wala po Sir Chief.

Richard

Come on! Tell me.

Maya

Ang ganda nyo po kasing tingnan ni Mam Nikki. Ang sweet nyo sa kapatid nyo. Alagang-alaga nyo po.

Mapapangiti at susulyap kay Nikki.

Richard

Na-spoiled ko kasi noong bata pa.

Biglang magsasalita si Nikki habang yakap sa bewang ng Kuya niya.

Nikki

How’s your love life, Kuya?

Parehong mapapatingin sina Richard at Maya kay Nikki. Mapapangiti.

Richard

See! Pati love life ko gusto kamustahin.

Maya

Close na close po talaga kayo noh?

Richard

Yeah.

Papasok na sana ng Condo si Richard ng magsalita si Maya.

Maya

Ah! Sir Chief, diretso na po ako sa Condo namin.

Richard

Wait here. Ihihiga ko lang to sa Room ko.

Maya

Sige po.

Ipapasok na nga ni Richard si Nikki sa room niya. After 3 minutes ay lalabas ng room niya si Richard at maaabutan nya si Maya na tinitingnan mga picture frame niya. Pupwesto si Richard sa likod ni Maya habang nakahawak sa lalagyan ng mga frames at nakapamulsa ang isang kamay.

Richard

He’s my Dad.

Mapapalingon bigla si Maya.

Maya

Ang gwapo po pala ng Dad nyo. May pinagmanahan po kayo.

Mapapailing si Richard.

Richard

Same face but with different attitude.

Magtataka si Maya.

Maya

Bakit po?

Richard

We have different likes and dislike. We’re opposites. Kung siya, sobrang bait, ako naman masungit, parang laging galit at pasan ang mundo. Mood swings.

May maliligaw na hibla ng buhok sa face ni Maya. Hahawiin ito ng kaliwang kamay ni Richard. Matitigilan bigla si Maya.

Richard

Dad was against my job ever since. We always fought. Walang araw na hindi kami nagkakasagutan. Kaya hindi kami nagkikita noon.

Maya

Noon, Sir Chief?

Richard

Yes. But now, my Dad was confined in the hospital for almost a year.

Maya

A year po!? Ganoon katagal?

Richard

Yes.

Maya

Binibisita nyo po ba ang Daddy nyo?

Richard

No.

Maya

Ay! Bad po yun, Sir Chief.

Hindi mapipigilan ni Richard na hindi matawa.

Richard

Para kang bata.

Maya

Kasi naman po Sir Chief, hindi nyo dapat pinapalagpas ang pagkakataon na hindi kayo magkausap lalo pa at hindi kayo close. Ngayon po, kelangan nya kayo.

Mapapabuntong hininga si Richard.

Richard

I don’t know, Maya. Hindi ko yata kaya makipag usap sa kanya.

Maya

Subukan nyo po Sir Chief.

Richard

Ewan ko ba. Sorry. Nasabi ko pa ang dark side ko.

Maya

Okay lang po yun, Sir Chief. Nasa likod ng gwapong mukha na yan ang isang malungkot na Richard Lim. Yan po ang totoong ikaw.

Richard

Sad, right?

Maya

Wag po kayo mag-alala, Sir Chief. Isang araw, magkakabati din po kayo ng Daddy nyo.

Richard

Paano mo nasisiguro yan?

Maya

Dahil gagawa po ng paraan ang Diyos, magkabati lang po kayo.

Richard will give Maya a slight loop-sided smile.

Richard

I don’t think so. Hatid na nga kita sa Condo nyo. Baka magkaroon pa ng bible teaching dito.

Mapapakamot si Maya sa ulo niya.

Maya

Sir Chief naman eh, pure catholic ako.

Richard

Let’s go at baka magising pa si Kulit.

Hahawakan ni Richard si Maya sa kaliwang kamay nito at ihahatid sa Condo nito.

Chapter 26

Richard’s Condo Unit.

Habang nakahiga ito sa tabi ni Nikki. Babalik sa isip niya ang mga sinabi nito. Hindi niya maiiwasang mapangiti. Hindi nya malaman kung bakit napapangiti na lang sya bigla ni Maya. Then, may kung anong mag-uutos sa kanya na tawagan ang Mommy niya.

Richard

Hello Mom…

Donya Esme

Oh! Napatawag ka anak? Where’s Nikki?

Richard

Heto! Tulog na. Hatid ko siya dyan bukas.

Donya Esme

Okay.

Richard

Ahm… Mommy…

Donya Esme

Yes Anak?

Biglang matatahimik si Richard. Mapapaisip.

Donya Esme

Anak, may problema ba ang binata ko? Love life ba?

Richard

Mommy naman?!

Donya Esme

I’m just kidding anak. Ano ba kasi yun at natahimik ka bigla dyan.

Richard

Can I visit, Dad?

Biglang matatahimik ang kabilang linya.

Richard

Mom, are you still there?

Donya Esme

Ah! Yes anak.

Richard

What do you think, Mom?

Donya Esme

Seryoso ka Anak? You want to go there?

Richard

Kung okay lang po?

Donya Esme

Why not Anak? I know your Dad will be glad if he sees you there.

Richard

Is tomorrow okay?

Donya Esme

Oo ba. Inform ko lang mga nurses niya doon.

Richard

Thanks Mom. Good night.

Donya Esme

Good night anak. Sleep well.

L.A- Staff’s Station- Day

Habang nagku-kwentuhan ang mga staff kasama sina Maya at Liza ng pupunta si Richard sa Station nila.

Liza

Oh! Sir Richard, ang aga nyo yata?

Richard

Guys, pwede ko ba mahiram si Maya from you?

Liza

Oo naman po Sir Richard.

Maya

Sir Chief, saan po tayo pupunta?

Richard

Come with me. May ipakikita lang ako sayo.

Liza

Go ahead, Maya.

Maya

Pero ano po yun?

Richard

Sumama ka kaya para malaman mo.

Biglang hahawakan ni Richard ang kamay ni Maya at hihilahin na ito. Lahat ng empleyado ay makikita ang pagkakahawak ni Richard kay Maya. Taas ang mga kilay.

Liza

Guys, ibaba ang mga kilay. Privacy with Sir Richard’s life.

St.Luke’s Medical Center- Day

Mauunang bumaba si Richard, pagbubuksan si Maya, aalalayan makababa ng kotse.

Richard

We’re here.

Maya

St.Luke’s Medical Center.

Richard

Yes.

Richard will give Maya a sort of smile, hold her right hand then they walk hand in hand. Hahantong sila sa isang Private Room with 3 private nurses. Hihinto sa tapat ng higaan ng Daddy ni Richard. Magmumulat ang mga mata ng matanda.

Dad

Ricky?

Richard

Dad…

Dad

Who is she iho?

Ricky

She’s Maya.. Maya Dela Rosa…

Maya

Kumusta na po kayo? Alam nyo po, ang gwapo nyo po pala sa personal.

Matatawa ang matanda.

Dad

Iha, nakahiga na ako’t lahat-lahat, nagawa mo pa rin akong patawanin.

Maya

Eh… Nagsasabi lang po ako ng totoo, Sir.

Dad

Ricky, girlfriend mo ba si Maya?

Mabibigla sa tanong na iyon sina Maya at Richard. Mapapatingin sa isa’t isa.

Maya

Naku! Sir, hindi po. Kaibigan ko po si Sir Chief.

Dad

Sir Chief?

Maya

Opo. Bakit po?

Dad

You call Ricky as Sir Chief.

Maya

Narinig ko po kasi kay Sir Fred na ”Chief” ang tawag nya kay Sir Chief kay Dinugtungan ko lang po.

Dad

Oh! Yeah! Fred is a friend of Ricky since LAS birth.

Maya

Oo daw po. Sir, pasensya na po kayo. Hindi man lang ako nakapagdala kahit na ano para sainyo. Si Sir Chief kasi, hinila na lang ako ng basta basta. Hindi sinabi na dito kami pupunta.

Dad

Iha, stop calling me ”Sir”. Just call me ”Tito Alfredo”.

Maya

Pero Sir–

Dad

No more arguments, Iha.

Sisingit si Richard.

Richard

Dyan yan magaling, Dad. Lagi na lang may dahilan. Maipilit lang ang gusto.

Dad

Nakakatuwa nga eh. Madaldal. Just like Nikki.

Richard

She already met Nikki.

Dad

Iha, pwede ka ba bumalik dito?

Maya

Di ko po alam kay Sir Chief kung papayag?

Dad

He will. Akong bahala sayo, Iha. Alam mo ba na ikaw pa lang ang unang babae na dinala dito ni Ricky, iha?

Maya

Po?

Matatahimik ang mag-ama.

Maya

Sir Chief, ngayon na po ang oras para mag-usap kayo ni Sir–este Tito Alfred. Maiwan ko po muna kayo.

Akmang lalabas na ng private room si Maya ng bigla siyang hawakan ni Richard sa kamay.

Richard

Can you stay here, Maya. I don’t know what will happen between us.

Maya

Sige po, Sir Chief.

Hahawakan ni Richard ang kaliwang kamay ni Maya para humugot ng lakas ng loob. Hindi yun makakaligtas sa paningin ni Tito Alfred.

Maya

Kaya nyo po yan, Sir Chief.

Ricky

Dad, I’m sorry. I know, everytime na magkita tayo, we always fought.

Dad

And who made you realize those things?

Mapapatingin Si Richard kay Maya.

Richard

It was Maya.

Dad

So, kung hindi pala dahil kay Maya, di mo ko pupuntahan dito?

Richard

Dad???!

Dad

I’m just kidding, iho. You know what, Kung ibang tao lang ako. Iisipin ko na may relasyon kayong dalawa.

Matitigilan si Maya sa sinabi ng matanda.

Dad

Maya is a nice person and I’ve seen it just an hour ago.

Richard

Which is true.

Dad

Because of you Maya, mukhang mapapabilis ang pagkamatay ko.

Maya

Tito!!?

Richard

Dad???! Don’t say that!

Matatawa ang matanda.

Dad

Joke lang! The term was opposite. Dahil nagsorry na sakin ang anak ko, mapapadali na ang paggaling ko. Dahil wala na ang dinadala kong sama ng loob. Sorry mo lang naman ang inaantay ko. And thanks to you, Maya. You’re an angel sent from Heaven.

14 thoughts on “Rich in Love – parts 18-26

  1. bat ganun po wala yung chapter 17? nalito po ako bigla sa story… hehehehe di po ba ang last scene ay nahimatay si Maya? ano po ang nangyari sa kanya? please…please…please

  2. Pingback: Rich in Love – parts 27-44 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s