“I Will” This Time – Final

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Shary. This is a continuation to “I Will” This Time – part 3.


Author: Shary

~*~

Continuation…
Sa araw na mga lumipas pansin na ng lahat na may masamang pakiramdam na itinatago si Maya, ngunit matigas ang ulo at ayaw magpaasikaso at ipinagpipilitang wala siyang sakit at okey na okey lang siya, ginagamitan niya ito ng masisiglang mga salita kasabay ng pekeng ngiti nito kaya naman pinapaniwalaan nalang siya ng mga taong nakasalamuha niya. Si Ricardo ay hindi maitago ang pagaalala dahil sa ikinikilos ng dalaga, hanggang ngayon hindi niya nakakausap si Maya kaya ipinagbilin na lamang niya lahat kay Manang Fe. 
Dumating na ng mansion si Maya, kahit alam niyang hindi niya kaya ay pilit siyang pumasok sa kanyang training. Pansin sa kanyang mukha ang pagkamutla, at ang mga matatamlay na kilos nito. Naabutan niyang naglalaro ang tatlong magkakapatid, pagkakita palang sakanya ng alaga ay agad itong tumakbo at niyakap ang kanyang ate Maya. Naglapita narin sina Luke at Nikki para salubingin ng simpleng pagbati kay Maya. Nagpaalam na si Maya sa tatlong magkakapatid na magpapalit lamang siya ng damit. Ilang hakbang palang ang hinakbang ng kanyang mga paa, bigla itong tumumba at mabuti mabilis si Luke at agad naman itong nasalo. Hinimatay si Maya, bigla nalang bumuhos ang mga luha ng dalawang babae at nataranta kung ano ba ang gagawin nila.
Nikki: Oh my Gee Kuya si ate Maya! (Tears are about to fall, worried)
Abby: Ate Maya (Sigaw ng bata at hindi mapigilang umiyak sa pagaalala)

Rinig iyon lahat ng mga tao sa bahay, nataranta sila at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Nagmamadali sila tumbukin hanggang sa nakita nila na nakahiga ng walang malay si Maya na nasa braso ni Luke. Nagtakbuhan ang lahat papunta kay Maya, pinaypayan at pilit na ginigising si Maya. Alalang alala na ang lahat, pinahatid na ni Manang Fe sa hospital si Maya naiwan ang mga bata at si Manang Fe na lubos ang pagkataranta at pagaalala sa kanilang Maya. Sina Doris at Sabel naman ang sumama sa paghatid at para narin magbantay sa hospital. Tinawagan ni Manang Fe si Ricardo para ipaalam kung ano ang nangyari kay Maya.
(Nasa kalagitnaan si Mr. Lim ng kanyang meeting ng biglang nagring ang Cellphone niya, “Baby.ABBY” ang nakalagay kaya agad niyang inexcuse ang sarili)
Ring Ring Ring .
Richard: Excuse me guys, i have to take this.
Richard: Yes baby, napatawag ka?
Manang Fe: ako to Ricardo, si Maya…
Richard: Manang, ano nangyari kay Maya? (Tarantang-taranta ng narinig ang tono ng boses ni Manang at sa pag banggit sa pangalan ni Maya nabalot tuloy siya ng kaba at takot)
Manang Fe: Si Maya sinugod sa hospital! (Tono palang ng boses nagdulot na ito ng pagaalala)
Richard: What Manang, Sige pupunta n ako manang. (Hindi na inalam ni Ricardo kung ano ang nangyari kay Maya, sa tono palang ng matanda ay alam na ang gustong iparating. At, sa nabanggit lang ang “Hospital” agad siyang nanghina at nabalot ng takot sa kung ano man ang nangyari kay Maya). 
Agad-agad niyang ipinakansela ang meeting. Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa kanyang lamesa at agad na tumakbo sa parking area para kunin ang sasakyan. Agad na pinaandar ang sasakyan at pinaharurot, wala siyang pakialam sa ibang mga sasakyan ang gusto niya ay mapaaga siya at makita si Maya. Puno ng pagaalala ang kanyang mukha habang ngmamaneho hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili pero itinakwil muna niya ang mga hinanakit niya at ang gusto lang niya na agad na makita ang dalaga. Narating niya ang hospital na nabanggit ni Manang Fe, nagtatakbo ito at pilit na tinututumbok ang kwarto ni Maya. Nakita niya sina Joma,Doris at Sabel agad niyang pinasok ang kwarto at laking gulat niya na nakahilata at walang malay si Maya gayon na din ang pagkagulat ng tatlong kasambahay, ngayon lang nila nakita ang kanilang amo na ganon ang sobrang pagaalala kay Maya dinaanan lang sila tila hindi sila napansin at dumeretso lang ito kay Maya, laking pagtataka ng tatlo sa ikinilos ni Richard kaya napagisip-isip nila na iwan muna ang dalawa. Bago man nila lisanin ang kwarto ni Maya, sinabihan na sila ni Richard na umuwi na muna at siya na bahalang magbantay.
Nagdaan na ang mga oras ngunit wala paring malay si Maya, nasa gilid siya ni Maya nakapwesto may mono block at doon siya naupo. Tinitigan ang magandang mukha ni Maya, ang mga labi nito ay parang gusto niyang haplusin ng kanyang mga labi, ang mga pilik mata na kay tingkad. Gandang-ganda at sobra parin ang pagkabighani nito sa mukha ni Maya kahit na may pagkamutla, mukhang matamlay, at kahit tulog ito’t walang malay. Nagulat siya ng may nagsalita:
Maya: (tulog parin ito, tila ba’y nananaginip) Sir Chief mahal kita pero ba’t mo ako ginaganito.
Sir Chief: (Gulat na Gulat sa sinabi ni Maya, tinignan niya kung gising ba ito pero hindi naman. Tuwang-tuwa siya sa narinig, gusto niyang lumundag sa saya, at hindi na niya maiwasang maluha sa dulo’t ng kaligayahan) (Tumulo na ang luha niya, bakas sakanyang mukha ang pagkasaya, ang mga kaba,takot at pag aalala ay nabawasan dahil sa mga narinig nito, parang isang kanta puno ng kaligayahan parang isang diwatang bumulong sakanyang tainga, hindi niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang noo ni Maya) Maya, Mahal na mahal rin kita. Natatakot lang ako kasi baka hindi moko mahal pero ngayon alam kona Maya, I LOVE YOU SO MUCH ..
Ilang minuto ang lumipas naabutan ng doktor at ni Manang Fe na nautulog si Ricardo sa gilid ni Maya, nakatulog sa sobrang paghihintay na makita si Maya kaya bumagsak na lamang. May dala-dalang mga damit si Manang Fe at sya ang subsitute ng pagbantay kay Maya. Ginising niya si Ricardo para ipaalam kung ano ang resulta sa mga tests kay Maya.
Richard: Doc kamusta na po ang pasyente? Kamusta na po si Maya? (Bakas ang pagaalala na may halong excitement sa resulta (positive thinking kasi siya))
Doc. Aamos: Ayos naman si Maya, sobrang na stress at pagod lang siya. Nagpapalipas siguro siya ng gutom pati na sa kanyang pagtulog. Nadehydrate din ang dalaga pero huwag kayo mag-alala Mr. Lim, baka bukas maari na siyang makalabas at baka maya-maya nalang ay magising na siya kaya huwag na po kayo mag alala. (nakahinga ng maluwag sina Manang Fe at si Richard at agad rin namang umalis ang doktor dahil may nagaantay pang panibagong pasyente)
Manag Fe & Richard : Salamat po doc ??
Doc. Aamos: Call me doc Aamos (at umalis na nga ako ay este siya WAHAHAHAHAH :D )
Manang Fe: Osige na Ricardo ako na bahala kay Maya, nag dala narin ako ng extra niyang damit at damit na gagamitin ko hanggang bukas kung makakalabas man siya.
Nakauwi na si Richard, ibinalita sa kanyang mga anak at kasambay ang magandang balita. Bakas sakanyang mukha ang pagkasaya. Hindi naman mapigilan ang saya ng mga tao sa mansion sa ibinalita ni Richard, nagtatalon sa tuwa ang mga ito si Nikki naman ay napa OH MY GEE sa saya! Natanggalan na ng tinik ang kanilang mga dibdib at bumalik na ang sigla sa kani-kanilang mga diwa.
Nagising na rin si Maya na ikinatuwa ni Manang Fe, ikinwento ng mtanda ang lahat ng mga nangyari mula sa bahay hanggang sa hospital. Naikwento din ni Manang ang reaksyon ni Ricardo noong sinabi niya na may nangyari kay Maya sa telepono, na binantayan siya ng ilang oras ni Ricardo, na naabutang nagbabantay kay Maya at nakatulog at ang gumuhit na NGITI sa magkabilaang tainga ng marinig ang balita na magiging maayos at makakalabas na si Maya kinabukasan. Hiyang-hiya naman si Maya sa mga pangyayari lalo na kay Sir Chief at nagpapasalamat naman si Maya at nasalo siya ng mabilisan ni Luke. Gustong-gusto na niyang umuwi sa mansion, kita ang pananabik sa kanyang mukha, gustong pasalamatan ang mga bata at kasambahay sa pagaalala at sa pagalaga saknya noong may nangyari sakanya.
Nakauwi na nga si Maya kasama ni Manang Fe sundo-sundo ni Joma. Sinalubong ito ng yakap at halik mula sa mga bata at yakap naman sa mga kasambahay, miss na miss na nila si Maya kahit ilang araw lamang siyang nawala. Hinatak siya ng mga bata sa kwarto at doon nagkwentuhan. Ikinwento ni abby ang mga stars na nakukuha niya sa school these past 3 days, si Nikki naman ikinwento ang mga school projs. nila at ang paghahanda sakanilang play at ibinida pa nito ang kanyang kuya sa pagsalo kay Maya. Lubos-lubusang nagpapasalamat si Maya kay Luke at sa mga bata, niyakap niya ang tatlo at hinalikan sa noo. Naramdaman niya na parang naging totong NANAY siya that day, napakasarap sa kanyang pakiramdam at kahit papaano nalimutan ang problema sa kanyang Sir Chief, si Luke naman ikninwento ang mga nangyari na sinapawan ng 2 pa nyang kapatid. Kahit ang iba ay nabanggit na ni Manang Fe all ears parin ang pakikinig niya sa tatlo. Nagpaalam muna siya sa mga bata para bumaba at magpahangin muna.
Pag-akyat ng mga bata ay agad na tumawag si Manang Fe kay Ricardo. May meeting ito kaya tinapos niya muna at makalipas ang kalahating oras ay nasa bahay na siya, sinalubong siya ni Manang Fe agad niyang tinanong kung nasaan na nga ba siMaya, sinagot naman ito ni Manang kasama ng kanyang makahulugang ngiti “Kasama niya ang mga bata naandun sila sa taas, sa kwarto ni Abby” Umakyat agad ito at pumasok sa kwarto ni Abby, ang mga bata lang ang nadatnan niya doon kaya pumasok nalang rin siya at kinausap naman siya ng mga bata at labis ang pagkabigla.
Abby: Daddy ! (takbo sa kanyang ama sabay yakap, Si Nikki & Luke humalik lang sakanilang daddy)
Luke: Dad, napaaga kayo? Nalaman niyo lang na nakauwi na si TITA Maya eh,
Abby & Nikki : Yiiiiiiiiie! Si Daddy nag ba-blush !
Labis ang pagtataka ni Sir Chief, lalo na ng tawagin nilang TITA si Maya. Ang sarap sa tainga niya sa tuwing nabibigkas ito ng mga bata. Kaya na hot-seat siya, inintriga siya ng mga bata.
Luke: Dad, may gusto ka poba kay TITA Maya?
Abby: Oo, kuya Luke and ate Nikki. Ang Mahal na Hari ay Mahal ang Mahal na Prinsesa.
Luke & Nikki : Why’d you know that? Sino nagsabi sayo Baby?
Abby: Si Daddy, kasi habang wala si mommy, (Laking gulat ni Sir Chief ng tawaging Mommy ni Abby si Maya, nangingiti nalang siya at kahit isang salita ay wala pa siyang nasasabi. Tuwang-tuwa siya dahil ang isa niyang problema ay nawala na. Ang pangangamba na baka tumutol ang kanyang mga anak ifever na magkaroon siya ng bagong makakasama)siya ang nagkwekwento at pinagpatuloy niya ang story ng Mahal na Hari at Mahal na Prinsesa, nagtulog-tulugan lang ako akala ni Daddy na tulog na ako, at nasabi niya na mahal niya ang Mahal na Prinsesa na ngayon ay May sakit. At alam ko naman po na si Daddy ang Mahal na Hari at si Mommy naman ang Mahal na Prinsesa at ako naman ang little Princess. Right daddy? (Masayang iki-nwento ni Abby sa tatlo)
Sir Chief: Ahh- (Hindi niya alam kung paano uumpisahan hanggang ang mga bata na ang nanguna at napa OO siya, boto ang mga bata kung si Maya man ang magiging kasama niya. Wala ni-isang tumutol, bagkos ay tuwang tuwa pa sakanilang dalawa at tinanong na ito ni Luke)
Luke: Dad, kelan ka manliligaw? Ayiie si Dad binata na ulit :) Kelan niyo liligawan si Tita Maya? (Biro nito sa kanyang Ama)
Nikki: si Dad, tanda-tanda na TORPE parin, gusto mo tulungan kana namin ni Kuya and Baby?
Sir Chief: Sinong Matanda Nikki? (Kunyaring galit pero tumawa nalang) Pogi naman ang Daddy niyo hindi mukhang matanda. Right Baby?
Abby: Yes Daddy !
Luke & Nikki : Dad naman eh, iniiba ung topic! Kelan kaba manliligaw?
Sir Chief: Naku! Magpahinga na muna kayo, nasan nga pala si Maya?
Abby: Nasa Veranda po papahangin lang daw po siya.
Veranda
Nagiisa si Maya sa Veranda, nagsenti na naman si Maya. Naaalala ang mga hinanaing at isinisigaw ng kanyang puso’t isipan. Kinuha niya ang telepono at nagpatugtog. Pinatugtog niya ang “Bakit nga ba Mahal Kita” habang tinititigan ni Maya ang letrato ng kanyang Sir Chief sa kanyang cellphone. Naalalala niya, isa-isang bumalik ang hapdi at mga sakit na idinulot sakanyang “bulag na pagibig”
Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin
Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi
(Naalala na naman niya isa-isa ang mga pangyayaring dumurog at nagpasikip sa puso niya, ang paghalik ni Sir Chief kay Sylvia, ang makitang magkasabay kumakain ang dalawa “Dating”, ang paghawak ng kamay ni Sir Chief sa Kamay ni Sylvia, at noong tinawagan siya bago umalis ito ng bansa “Maya, Mahalin mo si Chard huh? mabait yan at mapagmahal, i just smell something fishy sa inyo eh :D btw, ako nga pala “FIRST LOVE at FIRST GIRLFRIEND” ni Richard nung highschool pa kami, (- to all passengers please proceed to blablablabla in 20 mins) Ahy, Maya kailangan konang umalis paalam” lubos lubusan siyang nasasaktan at nang dumating na sa part ng kanta ang :

“Bakit nga ba mahal kita
Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko
‘Di mo man ako mahal, ito pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa ‘yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka mang iba
Ba’t baliw na baliw ako sa ‘yo
Hanggang kailan ako magtitiis
O, bakit nga ba mahal kita
Ano man ang sabihin nila
Pagtingin ko sa ‘yo’y ‘di kailan man magmamaliw
Buong buhay paglilingkuran kita
‘Di naghahangad ng ano mang kapalit”
(Bumuhos ang luha niya, hindi na niya napigilan at napatingala na lamang siya sa langit. Dinadamdan puso sa puso ang hinanakit. Inilalabas niya ang lahat para bukas wala nang tira pang dapat niyang iiyak, naisin man niyang simutin ang kanyang  luha ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran at ng may pumatong na ulo sa kanyang balikat)

Ayon ang naaabutang tagpo ni Sir Chief, di na napigilan ng dalawa niyang mata na maluha narin. Hindi niya na natiis na makita si Maya na umiyak pa lumakad na ito patungo kay Maya at niyakap niya mula sa likod, gulat na gulat si Maya nang maramdaman niya ang haplos na iyon, naamoy niya si Sir Chief at hindi siya nagkakamali doon, lalong bumuhos ang kanyang luha ng marinig ang mga tinig ni Sir Chief.
Sir Chief: Maya, (patuloy parin ang kanyang pagluha, nabigla si Maya dahil ayun ang kauna-unahang pagkakataon na makita niya si Sir Chief na umiiyak buong buhay niya na nakatira siya dito) sorry Maya, hindi ko intensyong saktan kita. Hindi ko mapigilan na magalit ako sayo dahil kay James, naiinis ako at sinisisi ko ang sarili ko kung bakit hindi ko kayang ipagtapat ang nararamdaman ko sayo! Noong inaya ka ni James na makipag date sakanya, nagulat ako sa sagot ko. bakit ako nag OO at pumayag na makipagkita ka sakanya sobrang laki ng pagsisisi ko pero wala akong karapatan Maya. At noong dumating si Sylvia, siya naging way ko para kahit papaano ay sumaya ako. Pero nagkamali ako Maya, nung nakikita kong ang saya-saya mo kay James unti unti ako napipilas Maya, alam muba yon? Ang sakit sakit sa pakiramdam ko, pinilit kong tiisin ang lahat. I know it’s my fault kung bakit ka nagkakaganyan ka Maya, kung bakit ka nagkasakit , im so sorry Maya. Mahal na mahal kita, natatakot lang ako at gusto ko masaya ka, ayaw kong makasagabal sa pag-aaral mo at ang isa pang kinakatakot ko ay ang pagalis mo sa susunod na linggo. Maya, gusto ko lang malaman mo na Mahal na Mahal kita at kahit ilan pa ang paghihintay , gaano man katagal Maya kakayanin ko . Mahal na Mahal kita Maya (Hanggang sa matapos sa kanyang mga sinabi patuloy parin ang pag agos ng luha mula sa mga mata niya)
Maya: (Hindi makapaniwala sa pangyayari, hindi makapaniwala sa mga narinig, she felt like a miilions of butterflies in her stomach. Natulala siya sa mga narinig. Pero kailangan niyang harapin si Sir Chief, kaya hinarap niya ito at nadampi ang dalawa niyang kamay sa magkabilaang dibdib ni Sir Chief habang lumuluha) Sir Chief, ang unang bagay na gusto kong malaman niyo , MAHAL NA MAHAL KO RIN KAYO DATI PA , (naglakaslakasan na siya ng loob)  at pangalawa bestfriend lang kami ni Sir James kaya ganun kami ka-close, higit buwan na rin kaming mag bestfriend. At gusto ko sanang mag sorry sa mga kinikilos ko, alam ko pong mali ang lahat ng ginagawa ko. Hindi ko naman matulungan ang puso ko, kaya pagiwas nalang ang nagawa ko. Naiinis ako sa sarili ko, kasi kahit isang hint wala akong mahanap, hindi ko masolusyonan ang problema ko.Pero itong mga narinig ko sainyo, nawala lahat lahat iyon,hindi ako makapaniwala Sir Chief.
Sir Chief: (niyakap niya ng mahigpit na mahigpit si Maya) Maya, may dalawa sana akong pakiusap sayo (Seryoso na sabi nito)
Maya: Ano po iyon Sir Chief.
Sir Chief: Pwede bang huwag kanang umalis sa bahay? Dito ka nalang sakin, sa amin, sa aming lahat?
LIM HOUSEHOLD : PLEAAAASEE !!!
Maya: (gulat sa pangyayari , napakasaya niya sa mga oras na iyon, hindi niya inakala na nakikinig pala ang mga tao sa mansion sakanila)
Sir Chief: Oh, makakatanggi kapa ba? Ako , sila at kami nang lahat ang may gusto. Please Maya, mapagbibigyan moba kami?
Maya: Ahh-ehh, Makakatanggi paba ako? (napalitan na ng kaligayahan ang mga lungkot, napalitan na rin ng ngiti ang mga luha) At ano pa ang is niyong pakiusap Sir Chief? (Hanggang sa puntong ito magkayakap parin ang dalawa)
Sir Chief: (Kinuha ang singsing, “Girlfriend RING” Lang, sa bulsa at lumuhod) Maya , will you be my GirlFriend? , Im not rushing things Maya, this is just a promise ring, i have the other pair, this is not an Engagement ring. So Maya, will you be my Girlfriend?
Ang pamilyang LIM at maging ang kasambahay nito ay tila nahinto ang oras, hindi alam ang susunod na ilalabas na reaksyon, kinakabahan at naghihintay sa isasagot ni Maya, naputol lang ng :
Maya: Yes Sir Chief !!
(Nagtalunan ang lahat sa tuwa, hindi na maipinta ang mga mukha dulot ng kaligayahan, halos gumiba ang mansion sa sinisigaw nilang kasiyahan, kakaibang kilig ang idinulot nito sa mga nakakita at lalo ng: )
Sir Chief: So Maya? Tayo na? (Maya nodded)
Lalo ng biglang halikan ni Sir Chief si Maya sa labi, animo’y walang taong nanonood sakanila, parang solo lang nila ang buong bahay, binigyan siya ni Sir Chief ng napakamapusok na halik na tinugon naman ni Maya, nagkahiwalay lang noong naubusan ng hangin ang dalawa. Ipinagdikit ang noo nagkatapos ng mapusok na
 halikan.
Sir Chief: I Love you Maya dela Rosa.
Maya: I Love you too Sir Chief !  (at hinalikan siya ni Sir Chief sa kanyang noo at nagyakap ang dalawa)
At muling binigyan ng isang gently but passionate kiss si Maya sa labi.
Sir Chief to all : Let’s call for celebration Guys?
Luke : Yes Dad/ Nikki: Oh My Gee Really Dad?/Abby: Im so excited na daddy/ DorBel: Yiieee! TALAGa PO!!
Excited ang lahat hindi na halos magkanda-aligaga ang mga tayo sa mansion. Agad rin nilang inayos ang mga lamesa,pagkakainan sa tabi ng pool. Agad agad silang nagpahanda nga mga kinakailangan, iba ay luto ni Manang Fe at Doris at ang iba naman ay pinadeliver nalang nila. Si Joma at Doris naman ang nag pick-up sa Videoke, siyempre hindi ito mawawala! At hindi rin mawawala ang paligsahan nila sa pagkanta.
Ayos na ang lahat, nakahanda na ang mga lamesa, mga pagkain,upuan, ang videoke at lahat lahat na ng pwedeng ihanda. Bago simulan ang salo-salo kinoGrats ng lahat ang dalawang magsing irog. Kaumaen na ang lahat at eto na ang kanilang kompetisyon sa pag kanta. Ang mga pares: Sir Chief & Maya , Luke & Nikki , Doris & Sabel, Joma & Liza, Manang Fe & Abby. Nag Spin the bottle sila para ung sino ang mauunang kumanta. Natapat ang dulo ng bottle kila Manang Fe & Abby, kumanta sila ng “Dandansoy” (un lang kasi alam ni Manang) at nakakuha ng 89 na score. Sumunod naman tumuro ang dulo ng bottle kina Luke & Nikki, kumata sila ng “Narda” at nakakuha sila ng 91 na score. Sumunod na itinuro ng nguso ng bote sina Joma & Liza , dito sila kinilig kasi ang sweet sweet ng dalawa, aun pala ay may namamagitan sa kanilang dalawa na hindi alam ng mga tao doon, kinanta nila ang theme song nila na “When you Say nothing at all” at sa puntong ito sila na ang nakatalaga ng pinakamataas na score naka 94 ang magON. Sumunod na sina Doris at Sabel at ang kinanta ng dalawa ay “Huwag kang matakot” at sila na ang nakakuha ng pinaka mababang score 79. Nagsisihan ang dalawa “Anu b naman yan ksi Sabel, sintonado kang kumanta (sabi ni Doris)” “Hoy! Eh kung ako magisa ang kumanta , kung nag SOLO ako baka taasan kopa sila Joma (sagot nit Sabel kay Doris)” “Naku sabel huh, wag mo kong pinaglololoko, eh mas magaling pa nga si Abby kumanta sayo tapos mangangarap ka na mag SOSOLO ka? Haleer ! Gising naman Sabel ilublob kita sa pool eh (Agad na sagot ni Doris kay Sabel, nagtawanan ang lahat at binigay na ang microphone sa dalawa) And last but not the least, ang ating lovebirds, its Maya and Sir Chief turn. Kinanta nila ang kanilang theme song, ang “Be Careful with my Heart” Kinanta nila ito mula sa puso, my  emosyon at feel na feel ng dalawa ang kanilang duet kaya walang duda sila ang may pinaka mtaas na score na nakuha naka, 97 sila at sila ang nanalo sa paligsahan. Imbis na sila ang magbibigay ng consequences hiningi nalang ng lahat na magkiss sila ni Maya sa LIPS. Araw nila iyon kaya pinagbigyan nila ang kahilingan ng karamihan. Isang mapusok na halik na naman ang ibinigay sa labi ni Maya, may nadaramang init sa bawat paghaplos nito sa labi ng isa, nakakaramdam na ng ibang init sa loob ng katawan ang dalawa pero kailangan nilang tigilan dahil maraming nanonood sa kanila. Bumulong si Richard kay Maya “Mamaya nalag natin ituloy”. Tumawa nalang si Maya at hinampas ang braso ni Sir Chief. Natapos na ang gabi, naligpit na lahat ng mga gamit. Nakaakyat na ang mga bata sa kani-kanilang kwarto. Naiwan na silang dalawa doon sa may bench na malapit sa pool, nakung saan unang beses nag paramdam si SC ng physical, (ung idinikit ni SC ung kanyang daliri sa hinliliit ni Maya) Magkahawak ang kamay ng dalawa habang nakatngin sa mga nagkikislapang mga bituin,
Maya: Sir Chief, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na tayo na, sa loob ng isang araw. Parang nananaginip lang ako nito eh!
Sir Chief: Gusto mo halikan kita para malaman mong hindi ka nananaginip?
Maya: Sige nga? (Biro nito kay Ser Chief)
Sir Chief: Aabah! Hinahamon mo ako huh,
(Hahalikan na sana niya si Maya pero nagtatatakbo ito paikot ng Pool naghabulan sila ng naghabulan ng mahulog ang dalawa sa pool. Sabay silang bumagsak kaya pag-ahon nla angtagpo ang mga mata nila,at nililibot ang buong mukha ng isa’t-isa. nahinto ang tingin ni Sir Chief sa labi ni Maya, walang pahintulot ay agad niyang hinalikan ito. Napakalalim ng pagkakahugot ng halik nito kay Maya, nagpalitan sila ng mga halik. Nagiinit na ang dalawa kaya hindi na napigilan ni Richard na haplusin ang mga pribadong parte ng katawan ni Maya, pinigilan siya ni Maya sa mga sandaling iyon, “Baka daw may makakita sakanila” kaya agad na binuhat ni Sir Chief si Maya kahit basang basa pa sila ay dineretso parin niya sa Master’s bedroom)
Itinuloy nila ang nasimulan at nakaraos at narating ang rurok ng kaligayahan. Buong gabi sila magkatabi. Masayang-masaya si ang dalawa at tila\y hiindi makapaniwala na nag end-up sila sa ganung pangyayari. Nagpalitang na lamang sila ng yakapan, titigan,ngiti, at mga soft kiss hanggang sa nakatulog na ang dalawa ng magkaakap at tanging kumot nalang ang naging saplot ng dalawa.
 Mga ilang taon na ang lumipas
Maya: Mahal Gising na at tinatawag tayo ng mga ka-CHENES natin, mag ONLINE daw tayo sa skype. Madami siang naghihintay satin, kaya bangon na mahal ko (Sabay halik sa lips nito) Bangon na, at maligo kana . Ako na muna ang kakausap sa kanila at blisan mo na rin gisingin mo na rin ang mga bata.
Reader/ka-CHENES : Ayan na online na si ate Maya,
ka-CHENES ADMINS : iVideo cal muna,
ka-CHENES: Excited na ang mga lola niyo !!! Ayan na sinagot na ni ate Maya.
Maya dela Rosa-Lim answered your call””
Maya: Hello po mga ka-CHENES, sisimulan ko muna ang pagpapakilala ko simula sa baba. Okay ba iyon?  Ako si Maya dela Rosa, isang babaing puno ng positive vibes, laging good vibes, minsan mang nabaon at natapakan ng bahagya, minsan mang nagkamali at nasaktan, minsan mang napagbintangan (shhh ni Sir Chief un) at minsan mang naloko ng recruiter hindi ako nagpadaig, nakipag kapit-bisig lang ako sa pamilya ko sa San Nicolas at pangalawa kong Pamilya na nandito sa Manila. Tinatawag naman ako nina Doris at Sabel na Ms. Positivity, tinatwag naman ako ng karamihan ng best actress o minsan naman ay supporting actress dahil kasing babaw lang ng isang kutsara ang luha ko. Galing ako sa pamilyang may dugong artista, nakikisama na nga samin si Cho isa na siyang rising child star, hindi biro lang ( HA! HA! ) once na akong naloko ng recruiter , may trabaho daw kaming naghhntay pero nabigo kami, natangay lang ang pera namin. Naghanap ako ng pwedeng mpasukan hanggang sa isa akong kasambahay, hindi nagtagal ay umalis rin ako. Naging Janitress ako sa airport, may pangyayari duun na may umangkas na bata sa lalagyan ng mga bagahe. Hinabol ko siya at sa awat ng Diyos okay naman ang lahat. Inofferan ako na maging katulong ni Abby pero ang katumbas nun ay ang pag-aaral ko, napag aral na nga ako ng Amo. by time to time nahuhulog na ang puso ko sakanya kahit na napakasungit niya, moody,torpe (hihihi) at seloso. Gwapo parin siya sa singkit niyang mga mata, sa kutis at tangos ng mga ilong nito. Mga labi niyang kay pupula na ilang beses ko napanaginipan assumera pa ksi ako dati isa ring daydreamer, at syimpre ang kanyang amoy, Siya na nga ang The Best Crush in the world, the best daddy pa sa mga anak niya, siya rin si Daddy Bango , Daddy Pogi, and The Best Amo in the WORLD. Nagsimula kami bilang mag BOSS at mag YAYA lang, hanggang sa eventually ako na nga ang nahulog sakanya, may isa pa ngang pangyayari na akala ko nanaginip lang ako, siya pala un sinabi ko pa naman na crush ko siya, nagising lng ako nung nabangga at hindi pala ko nananaginip. Ung mga panahon na iyon isa na akong mag-aaral, pinagaral niya na ako ayon sa deal naming dalawa, hindi ko natapos ang pagaaral ko dahil na recommend ako ng nameet ko sa summit, si Capt. James Ventura “shh wag kayo maingay kasi ngseselos parin un hanggang ngaun kapag narrinig niya ng pangalan na un (pabulong) hihihi ” hanggang sa naging Trainee na ako ng Time Airways, duon ko napansin ang presensya ni Sir Chief, pero dumating ung araw na ako naman ang nagselos. Dahil sa first love and first Girlfriend niyang si Sylvia. pero sa mga oras na iyon , si Sylvia ang isa sa naging sangkap ng pagtatpat ni Richard. Madami rin akong dinanas na sakit sa pagibig, pero napalitan agad iyon ng naging boyfriend ko si Sir Chief noong Januar 18,2013 at aun narin ang araw na may namagitan sa aming dalawa. Kahit hindi ako handa alam ko ung mga araw na iyon ay ang araw na magsisimula ng panibagong buhay ko. Pinagpatuloy ko ang pag aaral hanggang sa nakagruaduate ako, buntis na ako ng dalawang buwan pag ka graduate ko. Umiral na naman ang pagiging artistahin ng pamilya ko noong graduation. Kahit na buntis ako ay maswerte parin ako dahil may ilang buwan rin akong pinayagan para makasama sa flight as isang GANAP na FLIGHT ATTENTDANT. Osige, dito kona puputulin ang storya ko, ang mga bata na ang magtutuloy :) Ay mga ka-CHENES naandito na si Richard ang Mahal ko. (to richard) Mahal eto na sila. kaw naman kakatapos ko lang, “Umupo na si Richard at umalis na si Maya” Pero bumalik si Maya ng nagtilian ang mga ka-CHENES , ” ohp ohp ohp! Sakin lang to, hanggang tingin lang kayo (sabay kindat sa camera)”
Readers/Ka-CHENES (all) – Sir Chief ang GWAPO NYO !!! ang iba ay hinimatay na pero pinabayaan at hindi na pinansin ng ating mga ka-CHENES.
Richard: Oh guys Kalma lang ! (HA ! HA! HA!) Okay ako naman, Shhhhhhhhhhhh ( Hindi maawat ang tiliian ng mga ka-CHENES hanggang sa unti unti na itong humupa at nakapagumpisa na si Sir Chief) Okay na, ako naman! Ako si Richard Lim, May-ari ng LIM Aviation Services. Isa akong byudo at may 3 beautiful kids, kilala ako bilang isang kilalang negosyante sa bansa at kilala rin ako bilang striktong boss, taong hindi palangiti, masungit, suplado sa babae, business minded, GWAPO at tinitilian ng mga babae ( NAg tilian ang mga ka-CHENES ang ibang hinimatay biglang napabangon,) “shh, wag kayo maingay kay maya ko (pabulong nito sa screen)” Naging successful ako sa larangan ng busine, pero hindi sa mga anak ko. Hanggang isang araw may prinsesa akong natagpuan, niligtas niya ang lil’ princess ko pero that day matigas pa ang puso ko at nakatago parin ang tigre sa paguugali ko. Hanggang sa nagkaroon ako ng first EVER and THE BEST DEAL , ilan taon na ako sa larangan ng pagbibuisness aung araw lang na iyon ko nakatagpo ng pinaka dabest na deal as businessman. Naging yaya siya ng anak ko,  una nga pinagdudahan ko na may masama siyang intensyon pero siya pala ang magpapalambot sa puso ko at pati na sa mga conflcts ko towards my kids, una hindi kami magkasundo naka tatlong principal’s office na siya pero nakastay parin siya sa bahay, kahit anong pilit na itakwil siya ng mga bata hindi siya sumuko hanggang ang mga bata ang sumuko sa kanya. Pero ako unti unti na akong napamahal sa kanya, mga ngiting nakatago ng limang taon ay unti unti nang nanunumbalik at nasisilayan ng mga anak ko. Pinagaral  ko na sya ayon sa aming THE BEST EVER DEAL, hindi ako nagkamali sakanya, napakaganda ng kanyang ipinapakita niya sknyang eskwelahan, marami rin ang naiinlove sknya si wilson at ang pinaka worst ay ung summit , si Capt.JAMES VENTURA!  doon na rin ngyari ang pnaka worst na pinagdaanan namin, napaka “DENSE” kasi ni Maya eh. Hindi nia alam na nagseselos ako nun pero wala nasobrahan ako sa pagsasalitahanggang sa lumaki ng todo ang tampuhan nmin, hindi nagtagal  ay nagkaayos rin kami sinundo ko siya at humingi ako sorry sakanya at nagkagaanan na kmi ng loob, simula ng pagbabalik niya doon na ako bumawi ng todo sakanya, walang araw na hindi ko siya sinundo at hatid natigil lang noong muling nagparamdam ang JAMES VENTURA na iyon kay maya at sumabay naman sa pagkakataon ang pagbabalik ni Sylvia, ginawa ko siyang tulay pero wala parin hanggang sa lumabas at nalaman ko na affected si Maya sa akin. Unang beses akong kinilig noong nakahilata si Maya sa higaan sa hospital, bigla nalang siyang nagsalita ng tulog sabi ” Mahal kita Sir Chief pero ba’t mo ako ginaganito” dun ako naliwanagan at muling nabuhayan na maglakas loob. At sa tulong ng mga anak ko, sila pa ang nag tulak sa akin para gumawa na ora mismo ng hakbang at ang pagkakataon ay tamang tama. Naging Girlfriend ko siya that day, Jan 18,2013 iyon.. mga araw na hindi ko makakalimutan doon narin ang gabi na nagtalik kami, parehas naming hindi napigilan ang sarili kaya narating namin ang rurok ng kaligayahan. Makalipas ang 9 na buwan na iluwal na ang kambal naming anak na si CHIKO at BUKO.. Mahal, tara halika ka dito, sabay naman tayo d2 tabihan mo ako
Maya & Sir Chief : Maya” Nanganak ako ng october, kambal ang ipinanganak ko. nauna pa ngang manganak kesa ikasal ksi baka marupok na ang ipnagmamalaki nitong mahal ko” Richard” Oi, hindi pa ito marupok gusto mo sundan pa natin yan oh” Maya”Mahiya ka nga, daming nakakakita sa atin oh” 5 years na kme ni Richard 2015 kame nagpakasal at ngayon 2 yrs na kaming kasal itinaon rin naman ang kasal namin sa 3rd annversary namin, 4 yrs. oldna ang anak namin ang isa ung babae si CHIKO kamukha ko” RIchard” Ung lalaki si BUKO  pogi syimpre sa tatay nagmana ;) ” Maya” Sus yabang mo na naman” Osiya ipakilala naman natin ang anak natin sakanila. RICHARD & MAYA : CHIKO & BUKO c’mon introduce urselff sknila, mga ka-CHENES natin yang mga yan , mababait sila mga anak. Mauna kana Chiko.
Chiko: Hello po! ako po si Chiko Mako dela Rosa Lim, sabi ni mommy’t Daddy ako daw po ang panganay kasi ako ang unang lumabas sa tyan ni Mommy. 4yrs old na po ako, nagaaral po ako at sabi ng iba na iba daw ang taglay kong kakayanan at katalinuhan, mana daw ako sa mga magulang ko w/c is true . Chiko Mako ang pangalan ko kasi sabi ni Momm’y  at Daddy sa Chiko daw ako pinaglihi at ito daw ang mga tawag ni mommy kay daddy noong mag BF/GF pa lamang sila, diba po maganda naman pakinggan? Chiko as Chief ko daw at Mako tawag naman ni Daddy kay mommy w/c is Maya Ko. Mahilig po ako sa piano,flute at iba pang mga instruments, magaling po akong tumugtog ang hndi ko lang namana kay Mommy ay ang pagiging best actress niya. Un lamang po si Buko naman po! :’)
Buko: Hello po! Ako naman po si Buko Chard dela Rosa LIm , 4 years old na po ako. mahilig po ako sa airplane parts tulad ni Daddy, 3 yrs old palamang daw ako ng nagkaintensyon ako sa mga airplanes. Btw po, Buko Chard po ang pangalan ko kasi pnaglihian naman ni Mommy ang Buko at chard naman kay daddy kasi parehas po kaming Gwapo , diba dad? Bukod sa pagkahilig ko sa mga airplanes nahilig rin ako sa mga sports katunayan po member po ako ng kids soccer tournament ng school namin.
Maya: Oh Baby, sbihin mona ang mga tinuro sayo ni Mommy and Daddy nyo.
Chiko: Dapat laging good vibes
Buko: Kasi kapag nega
Chiko and BUKO : Maba-block ang blessings.
Family Lim with Niknik,Luke and Abby, at ang LIM households : Kapit-Bisig mga ka CHENES, Paalam!
Readers/Ka-CHENES: Grabe ang saya ng araw ko.
Reader/Ka-Chenes 1 : ano nangyari?
kachenes 2 : Wala na sila, nag out na.. kasi ikaw ang OA mo hinimatay ka kgad.
Reader/Ka-CHENES: Nagtatalon parin ang iba sa kilig at hindi makamoveon at nadagdagan ang mga nakahilata sa sahig.
#Kapit Bisig
The End –
 
A/N: It was supposed to have a part 5 pero baka maging boring, ksi tragedy na naman ang naisip kong pwedeng isingit kaya. Something ma-kwela nalang ang isiningit ko !🙂

5 thoughts on ““I Will” This Time – Final

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s