The Covergirl 18

The Covergirl

Chapter 18

Inaayos ni Maya ang kanyang buhok ng bigla nagbukas ang pintuan ng kuarto niya.

“Maganda ka na Sweetie, tama na yan at baka mapaaway pa ako sa party.” Maya is wearing tight fitting black gown, kitang kita ang korte ng katawan niya.

“Ikaw din, you look so handsome, tiyak madami babae na naman ang mag flirt sa yo.”

“I don’t care with other women, sa yo lang ako.”

Nginitian lang ni Maya si Richard. “Hindi ko namalayan nakapasok ka na.”

“Ako na meron spare key hindi mo namalayan pumasok, paano pa kaya kung iiwan mo bukas ang pintuan mo. Baka kung sino pa ang pumasok dito sa condo mo.”

“As if naman may papasok dito noh. Shall we go?”

“Hindi mo masabi, Sweetie,” sabay bigay ng braso niya kay Maya.

Lumabas na sila ng condo niya. Ito na ang nag lock ng condo unit niya. Pupunta sila sa thanksgiving party ng V Magazine. Madaming invited guest and press people.

Pagdating nila sa party. Marami agad ang bumati sa kanilang dalawa for the success ng magazine. Natanaw ni Maya sina Eman, Lisa, at Dan sa isang table.

“Babe, puntahan ko muna sina Eman at Lisa doon sa table nila.”

“Ok, I’ll join you later.” hinalikan muna ni Richard sa lips si Maya bago ito pinakawalan.

Lingid sa dalawa, meron mga mata nakamasid sa bawat kilos at galaw nilang dalawa. Mga pares ng mga mata nanlilisik sa galit.

“Maya, congrats best seller ang magazine mo. Tiyak malaki ang bonus mo niyan kay boss Richard.” Sabi ni Eman sa kanya sabay beso sa pisngi niya.

“Same to you, hindi lalabas na maganda ang mga kuha ko kung hindi magaling ang kumuha sa akin.”‘for sure ikaw ang may bonus kay Richard.

“Aba kung ganun dapat ninyo ako ilibreng dalawa.”kantiyaw ni Lisa.”

Nagkatawanan silang tatlo, noon dumating si Dan.

“Mukhang nagkakasiyahan kayo ah.”

“Hi! Dan…”

“Maya, congrats to you, care for a drink?”

“Juice will be fine”

“You don’t drink wine?”

“Ahh, not much, mahina ang alcohol tolerance ko eh. Wait, Dan punch na lang mukhang masarap iyon punch nila, tingnan mo.

“WatermelonLemonade yan” sagot ni Dan.

“Lemonade I like that.” sabi ni Maya.

“Ok, wait here and I”ll get you one.”

“Thanks Dan.”

“Maya, maiwan ka muna namin ni Eman ha, kuha lang kami ng food.

“Sure, no problem. Dito lang ako.”

“Hi! A Watermelon Lemonade for a beautiful lady.”

“Oh, Thank you, but I already asked my friend to get me one.”

“Oh, that’s too bad, but since hindi pa naman siya bumabalik, maybe you can have this first.”

“Okay. Thank you, Mr….”

“Just call me Patrick.”

“Ok, thank you, Patrick.”

Iinumin na lang ni Maya ang drink na bigay ni Patrick ng bigla ito inagaw ni Richard sa kanya.

“Hey, bawal ka uminom ng any alcoholic drink, remember?”

“Richard….punch lang naman yan eh. Nagpakuha pa nga rin ako kay Dan.”

“Masama pa din yan sa yo. Come on let’s go, I will introduce you to some of my friends. Please excuse us. ”

“Sure no problem.”

“Bye Patrick, nice meeting you.”

Salubong ang kilay ni Richard, habang naglalakd sila.

“Hey, what’s wrong?” Tumigil sila sa paglalakad.

“Wala…it’s nothing.”

Humarap si Maya kay Richard at pinulupot ang mga kamay sa likod ng batok nito, saka hinalikan ang kunot nitong noo. “Satisfied?, alam ko naman nagseselos ka kaya ganyan itsura mo eh.”

“Of course not, bakit naman ako magseselos eh, mas guapo ako sa Patrick na iyon.”

“Eh di sige, hindi na sinabi mo eh. Pero ang cute mo magselos.”

Ngumiti na lang si Richard sa kanya, “halika na, hinihintay na tayo ng mga kakilala ko sa negosyo.”

“Sorry, medyo natagalan kami,” sabi ni Richard. “This is Maya dela Rosa.” pakilala niya sa mga ito.

“Maya, this is Mr. Soriano, Mr. Concepcion, Mr. Reyes and Mr. Villavicencio.”

Hello! At isa-isa kinamayan ni Maya ang mga ito.

“Richard, you are a lucky man, she is a gold mine, Maya, puede ko bang kunin ang serbisyo para maging endorser ng Shipping Lines ko,” tanong ni Mr. Reyes.

“I second the motion, naghahanap din ako ng freshn face para mag endorse ng bago ko bubuksan Restaurant sa SM Aura,” sabi naman ni Mr. Villavicencio. “Name your price.”

“Hindi rin kami papahuli ni Mr. Soriano, di ba Joey?” sabi naman ni Mr. Concepcion.

“But of course, hindi kami papahuli.” sagot naman ni Mr. Soriano, “your face is just the right one for Condominium that I’m building now.

“At sa akin rin, Clothing business.” sabi naman ni Mr. Concepcion.

“Wow, I’m flattered, all your offers are very tempting, kung ako lang ang masusunod, tatanggapin ko lahat ng offer ninyo. But everything will depend on my manager.”

“Who is your Manager?” sabay-sabay tanong noon apat.

Natawa siya sa mga ito.

“I’m sorry, but I can’t tell you “Who my manager is” but if you are really interested to get my services, you can e-mail your contract proposal to my email address. Ako na lang ang mag bibigay sa manager ko nang mga proposal ninyo. Ok ba iyon sa inyo?”

“Yes, that’s fine with us.” si Mr. Reyes na ang sumagot para sa kanilang apat.

Binigyan naman ni Maya ng calling card niya ang mga ito. Saka magalang silang nagpaalam ni Richard sa mga ito.

“Bakit ba ayaw mo ipaalam sa kanila kaw ang manager ko.”

“In due time, malalaman din nila.”

“Ano sa palagay mo, alin sa kanila ang dapat ko tanggapin ang offer?”

“Di ko pa masabi, malalaman natin kung ano ang nakalagay sa kontrata ibibigay nila.”

“Babe, thank you talaga, kung di dahil sa yo hindi ito mangyayari sa akin. Thank you at sa akin mo ipinagkatiwala ang isang ganitong kalaking project. Thank you so much, habang buhay ko tatanawin utang na loob ko sa yo, ang tagumpay na tinatamasa ko ngayon.”

“Sweetie, how many times did I tell you, I don’t want your gratitude. Ang tagumpay na tinatamasa mo ngayon ay ikaw ang maykakagawan niyan, hindi ako. Do you understand?”

Tumango si Maya, “huag ka naman magalit, pero sa aminin mo o hindi parte ka pa rin. Kasi kung hindi ka sumugal para kunin ako para proyekto ito, hindi rin naman ako makikilala ng iba eh.”

“Pero, alam mo naman kaya ko lang naman ginawa ang project na ito ay para mapalapit sa yo, di ba? Pangalawa lang ito proyekto ito.” nakangising sabi ni Richard.

“Hitting two birds at the same time.” ang sabihin mo.

Papalapit na sila sa mesa nina Eman ng bigla may humarang sa kanila dalawa…

“Congrats, “Richard for the success of your magazine,”sabay halik sa mga labi nito.”Stephanie, ano ba, lasing ka na, umuwi ka na.” sabi dito ni Richard.

“Hindi pa ako lasing?”

“Stephanie, bakit naka cast ang kamay mo?” tanong ni Maya dito.

“Ah ito ba, bakit hindi ba ninyo nabalitaan na naaksidente ako?”

“Ha? Kelan? Tanong ulit ni Maya.

“Noon huling punta ko saopisina ni Richard at nakita ko kayo naghahalikan sa loob ng opisina niya. Hindi ko napansin may paparating na malaking truck, huli na noon iniwas ko ang kotse ko.”

“Oh no, buti yan lang ang nangyari sa yo”

“Ikaw ang may kasalanan nito eh, kung hindi mo inakit si Richard, dapat kam na sana. Pero dumating ka sa buhay niya, nabalewala tuloy ako.”

Dahil lasing na nga ito, naging madaldal ito.

“Pero hindi na bale, pag napatay ka na noon mga inupakan ko tao. Magiging akin na ulit si Richard. Hahaha”

Na shock ang lahat ng nakarinig sa sinabi ni Stephanie.

“Sayang nga eh, dumating agad si Richard kanina, sana nainom mo na iyon punch na may pampatulog. Iyon binigay sa yo ni Patrick. Sana nahalay ka na niya ngayon bago patayin. Hahaha.”

“Stephanie, ayon yan pinagsasabi mo? Balak mo ipapatay si Maya? Sigaw dito ni Richard.

Parang doon nahimasmasan si Stephanie at natuptop ang bibig, “Richard? I’m sorry….huhuhu.”

“You will pay for this. Sino ang inupahan mo tauhan para patayin si Maya? Tell me? Sigaw nito. Habang kinakaladkald palabas ng venue.”

“Richard, sorry.”

Mahigpit pa rin ang hawak nito kay Stephanie, saka humarap kina Eman at Dan, “Please take care of Maya, huag ninyo aalisin ang mata ninyo sa kanya. Pag may nangyari masama sa kanya, kayong dalawa ang mananagot sa akin.”

Dumating na ang pulis na pinatawag nito, “ikulong ninyo ang babaeng ito at huag papalabasin.” Pasakay na si Richard sa kotse niya n lumapit si Maya dito,

“Babe….”

Lumapit dito si Richard saka binigyan ng halik sa lips, “don’t worry, you take care, babalik agad ako.” hinalikan ito muli sa noo, saka sumakay ng kotse.

“Friends, let’s continue the fun inside, Mr. Lim, will take care of it. For sure, ayaw niya rin masira ang party ito na para kay Maya.

Hindi nagtagal bumalik na si Richard sa party. Parang walang ano man kaguluhan nangyari.

“Hi! Can I have this dance?” Nagulat si Maya nang bigla may bumulong sa tenga niya, pagtingin niya kumg sino ang nagsalita a napangiti siya.

“But of course, kamusta si Stephanie?”

“Ayun naka kulong na at walang piyansa,” tinitingan nito si Maya, “nakakailan baso ka ng punch?” kunot noo tanong nito.

“Hindi ko na alam eh, masarap kasi eh.” sagot nito sabay kuha ulit ng may dumaan waiter sa tagiliran nila.

“Maya, tama na yan, lasing ka na eh.”

“Hmmmm, babe, hindi pa ako lasing. Akala mo lang iyon. Punch lang ito.”

“Punch nga, pero hindi mo ba nalasahan may halong vodka ang punch na yan. Kaya yan tipsy ka na. Uuwi na tayo.”

“Ano kaba, huag ka nga OA dyan,” sabi nito, habang nilalaro ang mga butones ng suot nito polo and smile at him. “Bakit ba ang guapo-guapo mo.? Can I sleep in your condo tonight?” tanong nito habang nilalaro ang kuwelyo ng polo niya.

Napatawa si Richard sa sinabi ni Maya, walang duda lasing na ito. Kasi kahit 2 months sila hindi niya ito mapatulog sa condo niya. Oo nakatulog na siya sa condo nito pero ito never pa natulog sa condo niya.

“Lasing ka na nga, kung ano-ano na ang sinasabi mo eh. Mabuti siguro umuwi na tayo.” Sabi niya ang habang nagsasayaw silang dalawa.

“Hindi pa ako lasing, sabi mo lang iyon. Sayaw pa tayo, the night is still young. Mamaya na tayo umuwi.” Pero ilan sandali lang sumubsob na ang ulo nito sa balikat niya, patingin niya, tulog na.

“Tsk…hindi pa lasing ha. Maya, sweetie, wake up.” naalimpungatan naman to. “Let’s go home. Paalam na tayo kina Eman….”

Nakita ni Richard si Lisa a kinawayan ito,”Lisa, iuuwi ko na si Maya, lasing na siya. Kayo na ang bahala dito ha. At pakidalahan naman ako mainit na tsaa, papainom ko lang kay Maya.”

“Yes, boss.”

Inalalayan ni Richard palabas ng venue si Maya. Kasunod si Lisa.

“Boss, eto na po ang tsaa.”

“Thanks Lisa,”

“Maya, drink this tea first, para mahimasmasan ka.”

“Thanks.” sabay kuha sa tsaa at ininom ito.

“Tigas talaga ang ulo mo, sabi na huag iinom ng alak eh, uminom ka pa rin. Tsk. Matulog ka na muna diyan, gigisingin na lang kita pagnasa condo mo na tao.”

“Hey, galit ba ang babe ko. Fruit punch hindi alak ang ininom ko” habang kinikiliti nito ang tenga ni Richard.

“Maya, I’m driving baka mabangga tayo, stop it.”

“Ok fine ” tumahimik na lang si Maya.

“Maya nandito na tayo sa condo unit mo,”naka parked ito sa tabi ng kotse ni Maya. “ano bubuhatin ba kita o kaya mong maglakad mag isa?” natatawang tanong nito sa kanya,

“Kaya ko pang maglakad,” sabay bukas ng pintuan ng kotse ni Richard at bumaba ito. Binalanse ang katawan niya, humarap ito sa kanya, “see, sabi sa yo eh, kaya ko pang tumayo at maglakad mag isa. Pero humibay siya sa paglalakad. Kung di agad siya nahawakan ni Richard, tiyak na subsob na siya sa semento.

“Tsk, yan ba ang kayang maglakad, halos masubsob ka na sa semento,” binuhat nito si Maya, (bride style), pinulupot naman ni Maya ang mga kamay niya sa leeg ni Richard.

“Sinadya ko iyon para kargahin mo ako.” hmmm sabay halik sa adam’s apple nito.

“Maya, ano ka ba huag ka malikot, ibababa kita.”

“Ayoko nga, gusto ko kargahin mo ako gang sa condo unit ko.” sabay halik sa jawline ni Richard saka pinagapang sa may tenga ni Richard at kagatin ito ng paunti-unti.

“Maya, please stop what you are doing, baka hindi ako makapag pigil at dito palang sa elavator may mangyari na sa atin. Kapag hindi ka pa tumigil.”

“Puede naman eh, hihihi, sabay landas ng daliri nito sa gilid ng labi ni Richard,

“Maya, tigilan mo yan.”

Pero tuloy la rin si Maya, “Alam mo ba unang kita ko palang sa yo, nagulo mo na ang sistema ko. Lagi na lang kita naiisip, kung masarap bang mahalik ng isang Richard Lim. Ang tiger look mo, paggalit ka sa akin at syempre ang mabango mng amoy. Eawn ko kung napapansin mo lagi ko sinisinghot ang amoy mo pag di ka nakatingin sa akin dati,” hmmmm, smells so good. Amoy baby.”

Hirap na kinuha ni Richard ang susi ng condo ni Maya sa pantalon niya, habang karga-karga niya ito at hinihipan ang tenga niya,

“Maya, tigilan mo na yan, baka makalimot ako na lasing ka.”

At noon nabuksan na nito ang pintuan , sumandal muna ito at huminga ng malamit.

“Akala ko ba gustong-gusto ng mga lalaki ang inaakit sila , bulong nito, habang hinahalikan ang leeg nito.

“Maya, for pete sake.”

Dinala niya ito sa kuarto niya.

Dahan dahan ibinababa ni Richard si Maya sa kama. Hinila naman ni Maya si Richard palapit sa kanya saka ito hinalikan sa mga labi niya.

Hindi mapigilan ni Richard na hindi tugunin ang halik ni Maya, ngunit noon masyado na lumalalim iyon halikan nila. Kusa na bumitiw si Richard. “Sweetie, hindi mo alam ang ginagawa mo.” Umungol lang si Maya”

Dahan-dahan binababa ang zipper ng danit ni Maya. Kinakabahan siya at pinagpapawisan ng malapot. “Maya meron kabang suot na underwear?”

Isang nakakalokong ngiti lang ang sinagot ni Maya sa kanya. “What do ou think?”

“Maya dela Rosa, sisingilin kita, lagot ka talaga sa akin. Kung hindi lang ako sumumpa na hindi gagalaw ng sang babaeng lasing, kanina may nangyari sa atin dalawa. Sa elavator pa lang o baka sa kotse pa lang.”

Nakahinga ng maluwag si Richard noon makita niya may suot naman underwear si Maya. Pinunasan niya ito saka binihisang ng pajama. Nagtungo na siya sa banyo at naligong. Mabuti na lang may damit na siya naiiwan sa condi ni Maya.

Bago tuluyan iwan si Maya sa kuarto nito, hinalikan muna niya ito sa noon, “Sleep well, sweetie, see you in the morning.” saka marahan sinara ang pintuan nito.

To be continued

*******************

A/N: sorry di ko pinatay si stephanie…pinakilong ko lang siya…hehehe

9 thoughts on “The Covergirl 18

  1. Thank u Ms. P, tuloy tuloy po ang writing nyo. U made us all happy. O ayan na, pinagbigyan ang kagustuhan nating mawala na sa eksena si Stephanie. gv, gv lang.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s