The Covergirl 21

The Covergirl

Chapter 21

Kakarating lang ng airport si Maya mula sa Hongkong modeling stint niya. Ang alam ni Richard ay bukas pa ang uwi niya. Gusto kasi niya itong sorpresahin kaya hindi niya sinabi na dadating siya today. Buti na lang talaga at hindi rin puedeng makasama sa kanya sina Eman at Lisa, kung hindi bukas pa talaga ang flight niya. Napangiti siya sa kalokohan niya.

Sa condo muna niya siya ng derecho upang ilagak lang ang mga gamit niya saka dali-dali umalis ulit upang magtungo sa opisina ni Richard.

Pagdating niya ng opisina, wala sa table niya si Lisa kaya nag derecho na lang siya sa opisina ni Richard. Akma bubuksan niya ang pintuan nito, ngunit hindi ito naka lapat at may naulinigan siya ibang boses na kausap ni Richard.

Call it woman instinct ngunit bigla siya kinabahan. Kaya imbes na pumasok agad ay nakinig muna siya….

“Oh Richard honey, it’s a very beautiful engagement ring.”

“Do you like it, honey?”

“Very much?”

“Wait, there’s more, the family heirloom?”

“Pati ito part of the engagement? ”

“But of course”

Doon na hindi nakapag pigil si Maya at bigla binukas ang pinto ng opisina ni Richard. Na shock si Richard, pati na rin ang babaeng kausap niya?”

“So ito pala pinagkaka-abalahan mo kaya pala hindi mo ako puedeng samahan sa Hongkong. Masaya pa naman ako umuwi,,para sorpresahin ka, iyon pala ako ang masosorpresa.”

“Maya, Sweetie, you got it all wrong….”

“Hindi ako tanga, narinig ko lahat ang pag-uusap ninyo. Magsama kayong dalawa.” sabay talikod sa mga ito.

Mabilis na pinigilan siya sa braso ni Richard, “Maya, please let me explain first.”

“Bitawan mo ako, hindi ko kailangan ang paliwanag mo. Break na tayo. At hindi ko na rin gagawin ang bride photo shoot, iyan babaeng yan na lang ang ipalit mo.”

Pero bago tuliyan, umalis ng opisina ni Richard, sinampal muna niya ito, “I HATE YOU!!!” PAK! Sabay takbo palabas ng opisina ni Richard.

Nasalubong niya si Lisa, sa hallway, “Maya, anong nangyari sa yo, bakit ka umuiiyak.” Pero hindi ito pinansin ni Maya, dere-derecho siya sa elevator.

Nasalubong din ni Lisa si Richard na humahangos, “Maya, wait.”

Takang pinuntahan ni Lisa ang bisita ni Richard, “Shiey, ano ba nangyari?”

“Na saan ka ba kasi? Bakit hindi mo kami nasabihan papasok si Maya.?

“Sorry, di ba meron pinakuha si boss sa akin.”

Kinuwento ni Shiey kay Lisa ang buong pangyayari.

———-

Isang Linggo na pero hindi pa rin matanggpuan ni Richard si Maya. Wala ito sa bahay ng magulang niya sa LA. Lahat ng possibleng pagtaguan niya ay pinuntahan na ni Richard.

Kaya ayun nagpapaskil na siya sa lahat ng broadsheet and tabloids sa pagkawala ni Maya. May reward na 1M, kung sino ang makakapag turo kung nasaan ito.

Tok…tok…tok…

“Good morning Iha, kamusta na ang lagay mo.”

“Good morning din po. Ayos naman po ako Mother Superior.”

“Mabuti kung ganun, siyanga pala, iha basahin mo ito. Sabay about ng broadsheet at tabloids sa kanya. May reward na 1M kung sino ang makakapag turo kung nasaan ka. “Iha, aaminin ko, kinakabahan ako sa pagtatago ko sa yo dito.

“Tita please, I mean Mother Superior, huag mo sabihin nandito ako sa iyo, please.

“Pero pati ang Mama at Papa ay pinag-aalala mo rin.”

Promise tita, makikipagkita rin ako sa kanya. Pero huag muna ngayon. Hindi pa ako handa kausapin siya, masakit pa din ang ginawa niya sa akin,”

“Pero iha, paano kayo magkakaintindihan kung hindi kayo mag-uusap dalawa? Huag mo na patagalin pa…isang linggo ka na dito sa akin.”

“Opo, Mother Superior.” saka umakap dito.

“Naku kung hindi nga lang kita paboritong pamangkin, hindi ko kukunsintihin itong kalokohan mo eh. Pati ako ay nagkakasala sa iyo eh. Mabuti na lang talaga at walang nakakapasok dito sa kuarto ko at gabi na noon dumating ka dito, kaya walang nakaka-alam na nandito ka.”

“Sorry tita, don’t worry sasabihin ko kay Papa Jesus, patawarin ka niya agad-agad.”

Natawa ang tiyahin madre niya sa inasal ni Maya. Pero lingid sa kaalaman ni Maya, buo na ang pasya niya na kapag hindi pa rin kumilos si Maya, after this Week, kikilos na siya.

——

Tuliro na si Richard sa kahahanap kay Maya, lahat ng puedeng puntahan nito pinuntahan na niya, lahat ng hospital pati funeraria ay pinuntahan na niya. Pero bigo pa rin siya makita ito. Meron na rin siyang inupahan mga private detectives, pero bigo pa rin ang mga ito makita siya,

“Iho, magpahinga ka muna, pasasaan ba at lalabas din si Maya sa pinagtataguan niya. Pag nakapagpalipas na siya ng sama ng loob. Lalabas din iyon. Kaya kumain ka na, tingnan mo nga ang payat mo na at nangangalumang mata. Sige ka pag nakita ka ng anak ko ganyan itsura mo, baka ayawan ka na noon?”

Napa-angat ito ng tinggin sa Mama ni Maya. Oo umuwi ang mga magulang ni Maya dahil sa nangyari at kasalukuyan nakatira ang mga ito sa mansyon ng mga Lim. Para kung anu’t-ano man ang mangyari ay magkakasama sila.

“Itutuloy mo pa rin ba ang plano mo proposal kay Maya, pag nagkasundo kayo? Tanong ng mama ni Maya.

“Yes, Ma.”

“Inisip ko kasi, baka hindi pa handa sa pag-aasawa ang anak ko iyon, parang ginawa na lang niyang escape goat ang pagkakahuli kuno sa inyo ni Shiey. At least iyon, hindi ka ganun makakaramdam ng rejection kapag tinanggihan niya ang inaalok mong kasal.”

“Pero Ma, hindi naman po porke engage na kami, papakasal agad kami eh.”

“Iyon dapat ang ipa-intindi mo sa anak ko. Maya’s life always evolve in modeling world.”

“Alam ko po iyon, Ma and am supporting her sa mga dreams niya. Hindi naman po ako hahadlang eh.”

“Sir Richard, meron pong madre naghahanap sa inyo.”

“Sige Doris, papasukin mo.”

Pagpasok ng madre….

“Ate!”

“Teresita, Arturo, parang alam ko na kung bakit kayo nandito. Dahil kay Maya di ba?”

“Alam mo rin ang nangyari sa pamangkin mong iyon”

“Oo, dahil sa akin siya nagpunta. Sa kumbento siya nagtago. Hindi niya alam ang pag punta ko dito, sa tingin ko kasi wala pang balak makipag kita sa iyo ang pamangkin ko iyon. Kaya ako na ang ang pumunta dito para ipa-alam na ligtas siya.”

“Mabuti naman at sa iyo naisipan pumunta ng batang iyon.” sabi ng Mama ni Maya.

“Iho, puede ba kita maka-usap ng sarilinan.?”

“Sige po, doon po tayo sa library.”

Masinsinan ng usap ang dalawa. Paglabas ng mga ito, nakangiting Richard na sumalubong sa kanila.

“Paano hindi na ako magtatagal at baka makahalata Maya wala ako sa kumbento.”

“Kumain muna kayo sister.”

“Oo nga naman ate.”

“Huag na, nagmamadali ako, ” niyakap muna nito ang nakakabatang kapatid nito si Teresita.”

“Tita, este, Mother Superior , thank you po.”

“Iyon pinag usapan natin, huag mong kalimutan.”

“Opo, Oscar, pakihatid naman si Mother Superior sa kumbento nila sa Quezon City.

Pagka-alis ni Mother Superior, sinabi ni Richard ang plano. Kaya dali-dali nito pinapunta sina Eman, Lisa at Dan upang katulungin sa plano niya.

——

Thursday night sa Kumbento,

“Maya, uminom ka muna ng gatas, kailangan mo ito.”

“Thank you, Tita.” pakilagay po muna diyan sa side table ko. Maliligo lang po.

“Sige iha, babalikan ko na lang mamaya ang baso pinag inuman mo.”

“Yes, tita.”

Tok…tok…

“Pasok po…..”

“Tapos mo na inumn ang gatas mo?”

“Yap Tita.”

Halika nga dito, mahiga ka sa lap ko tulad noon bata ka pa, habang hinahaplos ko ang buhok mo.”

Mabilis naman tumalima si Maya at nahiga sa kandungan ng tiyahin niya ang ulo niya, nag kuwentuhan sila about noon kabataan niya, habang hinahaplos ng tiyahin niya ang buhok niya. Hindi nagtagal naka tulog na ito.

Inayos muna nito ang pamangkin, saka dahan dahan binuksan ulit ng pintuanat pumasok doon si Richard.

Niyapos at hinalikan muna ni Richard si Maya sa lips, gumalaw ito pero tulog pa din. Binuhat na ito ni Richard saka dinala sa kotse niya,

“Tita, thank you very much, kita na lang po tayo sa bukas, hinihintay na po kayo sa kotse nina Mama, Papa. ”

“Sige, mag-aayos lang ako at magbibilin kina Sister.”

———

Tita, grabe ang sarap ng tulog ko, ang lamig kasi parang di summer” sabi ni Maya kahit nakapikit pa. Nag inat siya sabay mulat ng mga mata, “huh nasaan ako?”

“Good morning, Sweetie? Did you sleep well?”

“Ano ginagawa mo dito?”

“Waiting for you to wake up.”

“Nasaan ako?” bumangon ito at lumabas. “Sagada? Ano ang ginagawa ko dito? “Paano mo ako nadala dito.”

“Syempre tinulungan ako ni Mother Superior” nakangising sabi nito.

“Aalis na ako dito.”

“Eh di umalis ka”

“Talaga aalis ako dito, sabay lakad papalayo kay Richard, ng bigla ito napahinto.

“Oh, bakit bigla ka huminto? Nakangiting tanong nito.

“Hmp!” Nagdadabog na pumasok ng tent si Maya. “Bwisit talaga ang singkit na ito. Si Tita naman pinagkanulo ako.”

Pumasok din ng tent si Richard, akma naman lalabas si Maya. Pero humarang si Richard.

“Maya, sobra na yan pang tatantrums mo ha,” sabi nito sa malakas na boses,

Nagulat tuloy si Maya at nanahimik sa isang tabi. Tinabihan ito ni Richard.

“Please let’s talk and listen to me.”

Tumango lang si Maya….

16 thoughts on “The Covergirl 21

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s