The Song- part 4

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to The Song -part 3.


A/N: Sorry medyo nalate, may pasok na kasi.🙂 Enjoy Reading! This is the continuation of The Song 3.

Author: Miss_Aa

~*~

Nakaraan..

“Okay, Maya ikaw na ang representative ng Seniors. Bawal ng tumanggi. Sa taglay mong ganda. Sigurado akong mapapataob natin ang iba pang representative ng Highschool Dept. Oh sa escort naman tayo! Sino?” Sabi ni Maam Millet.

“Maam! Botohan tayo! Si Richard o si James po!” Sabi ng iba naming classmates.

Nagulat si Maya, si Richard at si James.

Sa isip ni James “Sana ako ang manalo para makapartner ko si Maya. Crush ko sya e.”

Sa isip ni Richard “Sana ako ang manalo.”

Sa isip ni Maya. “Nako nakaka’kaba naman ang botohan.”

“Osige, wala na bang sasali pa sa botohan?” Sabi ni Maam.

At nagbotohan na, at lumabas na ang resulta.

“At ang nanalo ay si…”

Chapter 4

“Ang nanalo ay si Richard Lim! Oh, Richard. Ikaw na ang escort ni Maya.” Maam Millet said. “Maya and Richard, let’s talk later after your class.”

“Yes Maam.” Maya said and Richard nodded for a reply.

“Girl! Ikaw na talaga! Haba ng hair mo! Pagsinuswerte ka nga naman talaga.” Emman said.

“Ano ka ba Emman? Muse and Escort lang yun. Wala yung meaning no.” Maya said with a brightful smile.

“Edi wala, basta I can smell something fishy.” Emman said.

___________________

After class, nag’stay sila parehas sa room kasi sabi ni Maam Millet, maguusap daw sila about sa contest. Nakita ni Richard na tulala si Maya.

“Maya.” Richard said.

Nagulat si Maya. Iniisip nya kung bakit sya kinikilig na kapartner nya si Richard pero naiisip nya bakit pa ba sya nandito at silang dalawa lang ang nasa room, medyo awkward nga.

“Maya!”

“Ay Maya! Oh bakit Chard?”

“Bakit parang natulala ka na dyan?”

“Ah, wala kasi naiisip ko lang yung babae na makakalaban ko at syempre yung escort na makakalaban mo.”

“Wag mo na muna isipin yun. Be confident.” Hinawakan sya sa balikat ni Chard at bigla syang nahirapan huminga.

“S-s-sige. Di ko muna iisipin.” Maya said.

After the conversation, dumating agad si Maam Millet. Napagusapan nila yung about sa contest at di napigilan ni Maya magtanong.

“Maam, sino po ba yung sinasabi nyong matindi kalaban?” Maya asked.

“Ah, yung sa freshmen. Their representative is Stephanie and the escort is Sam.” Maam Millet said. “And Stephanie is pretty and ofcourse Sam is handsome, but I know you can do it Guys.” Maam Millet added.

“Oh! Stephanie and I know Sam, I met him last June.” Maya said.

“Richard, idaan mo sa kagwapuhan mo yung si Sam. Hindi pwedeng matalo tayo. And Maya, idaan mo din sa ganda mo. Kayang kaya mo yan. Wag kang matakot dun kay Stephanie.”

“Yes Maam.” They said in unison.

Tapos na sila magusap, at pinauwi na sila ni Maam Millet. Habang pababa sila ng hagdan, medyo napapaisip pa rin si Maya kung sino yung Stephanie na yun, hindi nya kasi kilala yun. Nahalata ito ni Richard kaya tinapik nya sa balikat si Maya.

“Uy Maya.”

“Ay Maya! Ano ba Richard!” Maya said.

“Eh kasi tulala ka e. Uuwi ka na ba Maya? O May dadaanan ka pa?”

“Wala naman na akong ibang gagawin. Bakit?”

“Gusto mo mag’merienda muna tayo dyan sa malapit na mall? Ano ba gusto mo?” Chard asked.

“Hmm, Sige. Gusto ko kasi mag’coffee.” Maya said.

______________________________

Nasa isang coffee shop na sila.

“Ako na mago’order Chard. Treat ko muna ito.” Maya said.

“Ako na Maya, Ako naman ang nagaya.” Richard said.

“Ako na Chard. Wag ka ng makipagtalo.” Maya said.

Wala ng nagawa si Richard, Kilala na si Maya sa Coffee Shop na yun, noon kasi lagi syang nandun last year at dati kinausap nya ang Manager.

“Goodmorning Miss. Pwede ko ba makausap ang manager nyo?” Maya said.

“Why Maam? Do you need something?” Girl at the counter said.

“Wala, gusto ko lang magtanong sa kanya.”

“Ah, sige po Maam, wait lang po. Tawagin ko lang.”

Dumating na ang Manager.

“Yes Maam? How may I help you?”

“Gusto ko lang po sana humingi ng permission kung pwede ako yung magtimpla ng coffee dito?”

“Maam, but why? Di nyo po ba nagugustuhan ang coffee namin?”

“Hindi, hindi sa ganun. Gusto ko lang mag’try.”

“Sure Maam? What’s your name?”

“Maya. Maya Dela Rosa.”

Nagtimpla si Maya at natikman ito ng Manager at after ilang days, nagkaroon na ng sariling coffee si Maya sa menu ng Coffee Shop na tinatawag na Maya’s Coffee.

Back to reality.

“Goodmorning Maam Maya!” The girl at the counter said.

“Goodmorning din Ate Chloe.”

“What’s your order Maam?”

“2 cups of Maya’s Coffee please and 2 slices of chocolate cake.”

“Got your order Maam.”

Bumalik na si Maya sa upuan nila ni Chard at nakita nya si Richard nagbabasa ng magazine.

“Chard.” Maya said.

“Oh Maya?”

“Wala lang, wala pa yung order e. Ginagawa pa.”

“Ah, ganun ba. Okay lang yun. Maya, can I ask you something?”

“Sure Chard, what is it?”

At biglang dumating ang order nila. Natikman ni Chard ang coffee.

“Ang sarap naman ng coffee nila dito Maya.” Richard said.

“Ah, yes. Kaya lagi ako nandito dati.”

“Bat ka lagi nandito dati?”

“I love coffee and pag’depressed or stressed ako sa school.”

“Ah, so ganun pala. Parang ako lang din, may pinupuntahan akong isang lugar pagstressed ako.” Chard said.

At nagkuwentuhan sila ng nagkuwentuhan, di nila namalayan ang oras pero patuloy pa rin sila sa pagk’kuwentuhan.

“Maya, Can I ask you something?” Richard asked.

“Oo naman, ano yun Richard?”

“Are we friends?”

“We’re friends Chard. Diba I met you because of my friend Ryan.”

“No, I want us to be friends na hindi mo ko nakilala because of Ryan.” Richard said.

“Okay, sure no problem.” Maya smiled.

“Hi, I’m Richard Lim.” He offered his hand.

“Hello, I’m Maya Dela Rosa.” She accepted the hand of Richard.

“Friends?” Richard said.

“Friends!” Maya said with a brightful smile.

Richard saw that smile and his heart was pounding at that time.

“Maya, you’re so beautiful. I wish I could see that smile everyday. I think I’m falling in love.” Richard thought.

Maya saw Richard’s smile. Her heart was pounding hard too. She can hear her heartbeat.

“I’m falling in love with him, pero alam kong hindi nya ako mamahalin. Iba ang tipo nya Maya! Iba! Itigil mo to.” Maya thought.

“Maya..” Richard interrupted Maya’s thought.

“Oh Richard?”

“Ang sarap kasi nitong coffee, what’s the name of this coffee?”

“Maya’s Coffee.”

“Maya’s Coffee?” Richard asked.

“Yes, Diba I told you na lagi akong nandito last year? Nag’try akong magtimpla ng sarili kong coffee, nagustuhan ng Manager at ng may’ari and in’add nila yun sa Menu nila. Di kaya gayahin ng mga gumagawa ng coffee nila ang timpla ko. Kaya everyday dumadaan ako dito, nagp’prepare ng coffee at nilalagay ko sa isang sachet tas pag may umorder yun na. Kaya kilala ako dito.”

“Wow, ang galing. Kaya pala ang sarap ng coffee nila. Ikaw pala ang may gawa.”

Tumingin si Maya sa orasan nya, at nakita nya na 8pm na pala. Nagulat sya, naisip nya na di na nila namalayan dahil sa saya ng kuwentuhan nila.

“Hala! Richard, 8pm na pala. Tara na.”

“Ay, oo nga. Sige tara na!”

_______________

After ilang weeks, competition na nila. Mr. and Ms. Intrams. Aligaga ang lahat sa pagaayos sa mga representative nila. Si Emman ang nagaayos kay Maya at ang heartthrob boys ang nagaayos kay Richard.

“Goodmorning Parents and Students! We’re here gathered to witness the most awaited competition! The Mr. and Ms. Intrams!”

Nagpalakpakan na ang mga tao, at narinig na ito ni Maya at sobrang kabado na sya.

“Emman, Girl! Kinakabahan na ako.”

“Kaya mo yan Girl! Kering keri! Sa ganda mong yan, nako, lahat mapapanganga.” Emman said.

Napa’buntong hininga na lang si Maya at inisip nya.

“Kaya mo to Maya! Kayang kaya mo to! Kinakabahan ka, natural lang yan. Pero kayang kaya mo yan.” Maya thought.

Nagsimula na ang parade nila habang nasa pila..

“Goodluck to us Maya!” Richard said.

“Goodluck din. Kinakabahan ka?” Maya asked.

“Medyo, kasi first time ko to.” Richard said.

“Ako nga kahit hindi ko first time, kinakabahan pa rin talaga ako.”

“Kaya natin to Maya! Goodluck!” Richard said.

“Basta kapit-bisig!” She made the Kapit Bisig Move.

Natawa si Richard at ginaya nya si Maya. Natapos na ang parade, Maya saw Stephanie.

“Maganda nga talaga sya. Sexy pa.” Maya thought.

At nagsalita ang emcee..

“Here! Nandito na ang results, hawak ko na. So guys? Are you nervous? And the winner for the Mr. and Ms. Intrams are…”

Kabadong kabado talaga si Maya, kitang kita ito ni Richard kaya hinawakan nya sa kamay si Maya. Nagulat si Maya pero kailangan nya ng support.

“… Maya Dela Rosa and Richard Lim from 4th year Happiness!”

Nagulat si Maya, at nagtatalon sya sa tuwa, naghiyawan ang buong Seniors at napayakap si Maya kay Richard sa saya. Pati din, si Richard sobrang saya at di nya namalayan na magkayakap na pala sila. Nagulat si Maya dahil nayakap nya si Richard pumiglas sya sa pagkakayakap.

“Sorry, natuwa lang.” Maya said.

“It’s alright. Tara na, tawag tayo sa stage.”

Na’awardan na sila Maya at Richard at tuwang tuwa ang mga Seniors kaya nagpagusapn nila na magkaroon ng Victory Party/ Swimming Party.

“Tamang tama! Birthday Month ko! Sali ako dyan!” Maya said.

“Osige Guys, next week natin pagusapan ang Victory Party at Birthday Celebration ni Maya.”

“Birthday Month na pala ni Maya. Ano kaya mairegalo sa kanya?” Richard thought.

To be continued. Kung anong mangyayari sa Celebration ni Maya.

6 thoughts on “The Song- part 4

  1. Pingback: The Song- part 5 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s