Two Words. Nine Letters – part 6

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to miss_gerd. This is a continuation to Two Words. Nine Letters- part 5.

A/N: haixt..pasensya na po kung medyo natagalan ‘tong part na ‘to.. nag-aasikaso ho kasi ako para sa pagpasok sa university ehh (actually, nakapasok na talaga ako.. ahihih) kaya I will try my very best para mas mapadali ko ang pagpapasa ng pan pik ko sa kabila ng busy sched ko.. ahihi..

ready na ang lahat?

light.. eyes.. action!

ENJOY READING!

Author: Miss_gerd

~*~

 

 

~~*~~

“Maya, nandito na sina Ricardo sa bahay”

pagkarinig sa sinabi ni Manang Fe ay parang nawala ang pag-aalala ni Maya

“salamat at nakauwi sila Kuya Joma nang maayos. Ma.. Manang, gi..gising na po ba si Richard?”

“hindi pa..”

napabuntong-hininga at napapikit sya sa narinig. Para syang nabunutan nang tinik.

“sige po.. salamat”

pagkababa nang cellphone ay agad napaupo si Maya sa tabi nang kama. Hinimas nya ang gilid nito, biglang naalala ang naganap ng nagdaang gabi.

UNTI-UNTI nyang nararamdaman ang pagluwag nang pagkakayakap ni Richard sa kanya, tanda na ito ay tulog nya. Dinig na dinig nya ang bawat pagtibok nang puso nito, Ramdam na ramdam nya ang bigat at init nang katawan nito, Kitang kita nya ang kagwapuhan nito habang natutulog. Hindi nya akalain na darating pa pala ang pagkakataong ito, na magkasama sila sa iisang kwarto at magyakap sila sa iisang kama. Marahan nyang hinawakan ang mukha nito na parang sinasaulo ang bawat detalye nang gwapong mukha ng lalaki.

“kahit ngayong gabi lang Maya.. magparaya ka sa kung ano man ang totoong nararamdaman mo”

napapikit sya sa sinabi nang kanyang konsensya.

“Kahit ngayon lang”

Pero naisip rin nya, kailangan na nyang lumugar. Masama na kapag pinagpatuloy pa nya ito, parang kabit na ang magiging dating nya. Kabit. Ilang beses ring tumakbo sa isipan nya ang salitang yun. Syempre, ayaw nyang humantong sa ganun. Kaya tumayo sya at kinuha ang kanyang cellphone para tumawag sa mansyon.

ABALANG nagbabasa si Cheska ng magazine nang matanaw nya si Richard habang pababa ng hagdan. Pagkalapit nang lalaki sa hapag ay nagsalita si Cheska

“sa’n ka galing kagabi?”

umupo si Richard sa kanyang pwesto sabay inom nang kape. Kanina nya pa rin iniisip ang tanong ni Cheska, hindi nya maalala kung sa’n sya galing kagabi. Ang huling naaalala nya ay kasama nya si Ryan, Mukhang hindi na nya namalayan ang mga nangyari nang nagdaang gabi.

“I’m with Ryan. Nagkainuman lang kami..”

“nagkainuman.. at bakit mo kailangan magpakalasing nang ganun katindi? alam mo bang hinatid ka ni Joma pauwi?”

nagtaka sya sa sinabi nito, ang buong akala nya ay sya lang ang umuwi mag-isa.

“really? hindi ko namalayan..”

“Chard, what’s happening to you? hindi ka naman ganyan dati.. tell me, tungkol ba ‘to sa pinag-usapan na’tin kahapon?”

hindi nya sinagot ang tanong nito. As much as possible, ayaw muna nyang isipin yun.Mas lalong gugulo ang utak nya.

“Richard?”

“I want a break..mamaya na tayo mag-usap”

hindi na nya hinintay na magsalita pa ang babae, agad-agad syang tumayo at naglakad pabalik sa kanyang kwarto. Naiwan namang nakatulala si Cheska.

SAMANTALA, sa kusina nang mansyon. Habang nag-aalmusal sina Doris at Sabel ay pinapakinggan nila nang maigi si Joma habang nagkwekwento.

“tapos ayun, hinatid ko na si Ser dito..”

namamanghang napatitig si Sabel sa lalaki

“talaga?! ehh ba’t dun ke Maya natulog.. ba’t hindi sya dumiretso na lang dito sa bahay?”

sumingit naman si Doris sa usapan

“at tsaka, hindi naman gawain ni Ser na maglasing nang ganun. At ito pa ang nakapagtataka, ba’t kay Maya pa..ehh d’ba, apat na taon silang hindi nagkausap. Alam naman natin na yung paghihiwalay nila ehh hindi mo talaga matatawag na hiwalayan?”

pa-slang naman na nagsalita si Sabel

“it’s complicated”

sinabayan pa sya ni Doris

“I know right!”

“bongga! english yun Doris!”

“yeah Sabel, I thank God.. we’re not nosebleeding”

napangalong-baba bigla si Joma

“pero alam nyo, sayang silang dalawa.. hindi naman sa ayaw ko kay Maam Cheska ha pero.. nakakapanghinayang talaga ehh..”

gumaya si Doris kay Joma, nakapangalong-baba rin ito at halatang nadidismaya

“Oo nga, pero ano naman ang magagawa na’tin?ehh may Maam Cheska na ‘tong si Ser Richard. Nalulungkot talaga ako para kay Maya..ba’t pa kasi nadamy pa si Ser Richard sa masaklap na kapalaran nina Maam Cheska at si Sir–”

“Doris!!”

sa pagkagulat ay agad na napatayo nang tuwid si Doris. Agad namang lumapit si Manang Fe sa tatlong nag-uusap.

“ano ba kayo!? hindi ba kayo titigil sa kakachismis? baka mamaya.. marinig pa kayo dyan ni Maam Cheska..”

nagsalita naman si Sabel.

“Manang naman..tayo-tayo lang ang nandito..”

“kahit na! masama pa ring pag-usapan nang patalikod ang mga taong wala sa harapan nyo! hala sige.. ubusin nyo muna yan at bumalik na kayo sa trabaho..”

pagkasabi nun ay agad na umalis si Manang Fe sa kusina. Habang palayo ang matanda sa kusina ay napaisip sya bigla. Hindi nya lubos maisip kung bakit nagkaganito ang buhay ni Ricardo. Oo nga’t mayaman sya pero salat naman ito sa pagmamahal mula sa babaeng pinakamamahal nya. Apat na taon, ahh..kay tagal na ring panahon ang lumipas pero parang sariwa pa rin sa kanya ang mga nangyari na naging dahilan para lumayo si Maya kay Richard.

“YOU KNOW Niks..hindi naman sa minamata ko ang Tita Maya nyo nho pero.. naisip mo ba na maaaring.. alam nyo na.. yung..”

napalingon bigla si Manang Fe sa Hapag-kainan at naibaba nya ang dalang tray, pinakinggan nya ang dalawang babaeng nag-uusap.

“hindi naman ganun si Tita–“

hindi na naituloy ni Nikki ang iba pa nyang sinasabi nang biglang nagring ang kanyang cellphone. Sinagot naman nya ito at kinausap ang nasa kabilang linya. Ilang sandali pa ay inilapag nya ang kanyang cellphone sa mesa tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. 

“as what i’m saying, hindi ganun si Tita Maya.. kilala na namin sya nang lubusan. Hindi sya gaya nang ibang babae”

“are you sure? Niks, nag-aalala lang ako..hindi lang para sa daddy mo kundi para rin sa inyo. Paano kung pinaniwala nya lang kayo na mabait sya? Paano kung plinano na pala nya ang lahat nang ‘to? paano kung ginamit lang nya ang daddy nyo para makuha nya ang gusto nya? paano kung–“

“that’s enough..”

kumunot ang noo nang kausap ni Nikki

“what?!”

“I said, that’s enough!”

napasinghap ito sa narinig

“Niks, sa tingin ko..nabrainwash ka na nya”

“ba’t kayo ganyan? hindi nyo pa nga nakilala si Tita Maya, hinuhusgahan nyo na sya agad!”

“I’m just trying to protect your family! ayokong lokohin lang kayo nang babaeng yun!”

napatitig si Nikki sa kausap, sasagot pa sana sya nang mapatitig sya sa screen nang kanyang cellphone. Nanlaki ang mga mata ni Nikki sa nakita, nakakonekta pa sya kabilang linya! ang ibig sabibin, narinig nang kabila ang mga napag-usapan nila! Agad nyang dinampot ang kanyang cellphone

“hello.. Tita Maya?!”

narinig pa nyang humikbi ito pagkatapos ay bigla na lang naputol ang tawag. Mas lalong kinabahan si Nikki.

“Tita?! Tita Maya?! Hello?!”

nagulat naman si Manang Fe sa mga naririnig nya. Kaya agad syang umalis sa kanyang kinatatayuan.

 

“MAYA..si.. sigurado ka ba dito?”

nakatayo noon si Manang Fe sa harapan nang dalaga. Nag-iimpake na ito at naghahandang umalis sa Mansyon.

“Opo..”

“a.. alam na ba ‘to ni Ricardo?”

umiling-iling si Maya, napabuntong-hininga naman si Manang Fe.

“ano ang dahilan.. ka.. kailangan mo ba talagang umalis?”

“Isang dahilan lang ho..”

napatitig sya sa dalaga. Ilang sandali pa ay sinagot na sya nito

“hindi ho ako karapat-dapat para sa kanya..”

“MANANG Fe?”

bumalik sa kasalukuyan si Manang Fe. Napalingon sya sa nagsalita. “Iska..”

pangiting lumapit ang babae sa kanya. Ang batang ito, ang isa pang babae sa buhay ni Ricardo. Aminado sya nung una, hindi nya ‘to gusto gaya nang naramdaman nya kay Maya pero sa hindi kalaunan ay gumaan na rin ang loob nya dito. Kahit na papaano, malaki ang utang na loob nya dito. Naging katuwang nya ito lalo na nang mga panahon nawala si Maya sa buhay ni Ricardo.

“Manang, pwede po ba kayong makausap?”

nagtaka sya sa sinabi nito

“tungkol saan?”

tinitigan sya nito na parang tinatantsa sya, ‘di kalauna’y nagsalita rin ang babae

“tungkol sa nakaraan..”

napakunot-noo si Manang Fe

“nakaraan?”

“SINASABI KO na nga ba ehh! Roomie naman..buti na lang at hindi bumigay ang bataan!”

napakunot-noo si Maya sa sinabi nang kaibigan.

“Emman!”

“ano ka ba.. ehh sa kung hindi ka nakapagkontrol, dun rin ang punta mo nho!”

tama nga sa Eman, malaki ang posibilidad na mangyari ang sinabi nito. Kapag nagkataon, mas matinding pag-aalala pa ang mararamdaman nya. Teka nga muna, ehh wala naman na syang dapat ipag-alala pa. Ang importante, walang nangyari sa kanila. WALA.

“ehh teka, wala nga bang nangyari?”

nakukulitan na si Maya sa mga tanong ni Emman.

“wala nga!”

“sure ka?”

“Oo nga!”

“kahit kiss?”

“kahit–”

Kiss. Umaalingaw-ngaw sa utak nya ang salitang yun. Hindi nya magawang magsinungaling sa sarili nya, hinalikan sya si Richard at sya mismo ang may gusto nun. Paano ba sya makikipagplastikan sa sarili nya sa totoong nararamdaman nya?

“sinasabi ko na nga ba ehh! sinasabi ko na ba!”

napakamot nang ulo si Maya

“ehh kiss lang naman yun..”

sa lips. Parang nararamdaman na naman nya ang lambot nang mga labi nang lalaki sa kanyang mga labi. Hindi madaling makalimutan yun, isa yun sa pinakamasarap na halik na naramdaman nya sa buong buhay nya.

“Maya naman ehh..ohh, ano ang balak mo kapag nagkita kayo ni Sir Richard? huwag mong sabihing “Hi” or “Hello” lang?”

Oo nga ano?ang ang kanyang sasabihin dito ‘pag nagkita sila uli? deadma? kakalimutan na lang nya ang nangyari? sabagay, ba’t pa sya pag-iinteresan ni Richard? Malamang, kinalimutan na nito ang nangyari kagabi o malamang..wala talaga itong naalala sa sobrang kalasingan. Napabuntong-hininga na lamang sya.

“Bahala na Emman, sana nga..hindi na kami magkita uli..”

HINDI MAKAPAGFOCUS si Richard sa kanyang trabaho. Kahit na anong pilit nya, lagi at lagi pa ring sumisingit sa kanyang isipan si Maya. Matagal-tagal na rin nang huli syang nagkaganito, noong mga panahong umalis ang dalaga sa mansyon. Hanggang ngayon ehh palaisipan pa rin sa kanya kung bakit nagpasya itong umalis at lumayo sa kanya. Biglang nagbalik sa kanyang isipan ang isang ala-alang ayaw na nyang balikan pa.

Kinakabahan sya habang tinatahak ang landas pauwi sa mansyon. May masama syang kutob na nadarama, huli nya itong naramdaman nang nalaman nyang wala na si Alex. Sa naisip ay pinaharurot nya ang sasakyan. Ilang sandali pa ay nasa mansyon na sya, habang pababa nang sasakyan ay napatingin sya sa pintuan nang mansyon. Dali-dali syang naglakad, bubuksan na sana nya ang pinto nang biglang nakarinig sya nang mga boses. Mga boses nila Doris, Sabel, Manang Fe at Joma.

“Day..may nagawa ba kami sa’yo? inaway ka ba ni Sabel? pinagsabihan ka ba ni Manang Fe? binastos ka ba ni Joma? nag-away ba kayo ni Ser Richard? sabihin mo sa’kin, anong drama ba ‘to!?”

natatarantang sabi ni Doris. Sunod nyang narinig ang boses ni Joma.

“uy inosente ako dito ha, ba’t ko naman babastusin si Maya?!”

“oo nga naman Doris at tsaka ano naman ang rason ko para awayin si Maya?!”

singit naman ni Sabel sa dalawa.

“Maya, hindi mo ba talaga hihintayin si Ricardo?”

sabi ni Manang Fe, halata sa boses nito ang pag-aalala, pagtataka at lungkot. Hindi naman maintindihan ni Richard ang mga nangyayari. Ano ba talaga ang pinag-uusapan nila?sa tono nang mga pananalita nila ay parang may balak umalis si Maya nang mansyon! Pero, bakit naman sya aalis? Bigla syang inatake nang mas matinding kaba sa naisip.

“Manang, mauna na ho ako..”

habang naririnig ang unti-unting pagbukas nang pinto ay unti-unti rin nyang nilalabanan ang kanyang nararamdamang kaba at pagtataka. Ilang sandali pa’y iniluwa nang pintuan ang isang babae, si Maya habang may dala itong maleta. Teka, maleta?!Totoo nga ang kutob nya. Blangko ang kanyang isipan sa kanyang nakita, hindi nya makuhang magalit.

“What’s the meaning of this?”

sa wakas, naibulalas nya rin ang isang katanungang kanina pa umiikot sa kanyang isipan. Gulat na iniangat ni Maya ang kanyang ulo. Magkatapat ang kanilang mukha, Nagkatitigan silang dalawa. Hinahanap ni Richard ang sagot sa kanyang katanungan sa mugtong mga mata ni Maya pero wala syang nakuha dito.

“Answer me..”

“Richard..”

Napakunot-noo sya sa narinig. RICHARD. Nasa’n na ang mga malalambing na pangalan na tinatawag nito sa kanya noon? Nasaan na ang malambing nitong tinig kapag tinatawag sya sa kanyang pangalanan? Nasaan na? ba’t bigla na lang itong nawala?!

“sa office tayo mag-usap.. follow me”

habang tinatahak nya ang daan patungo sa kanyang opisina ay maraming mga katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan at maraming mga emosyon ang kanyang nadarama. May nangyayari ba na hindi nya alam? nasaktan ba nya si Maya? may nasabi ba syang mali dito at kailangan pa talaga umantong sa ganito ang lahat?

“Ser Chief..”

tinitigan nya si Maya na nasa harapan nya, nakayuko ito at hindi makatingin sa kanya nang maayos.

“may problema ba tayo?”

ramdam nya panginginig nang dalaga

“sa.. sa’yo..wa.. wala, sa’kin.. meron”

napakunot-noo uli sya sa narinig. Hindi nya makuha ang ibig sabihin nito

“just go straight to the point..”

nadagdagan pa ang tensyon na kanyang nararamdaman nang hindi ito sumagot. Hindi na ito maganda! Nagsalita sya uli.

“ma.. may nagawa ba ako sa’yo? did I say something that hurt you? did I make you feel that you’re not important to me? did I–“

“wala..”

unti-unti na syang nakakaramdam nang pagkairita kaya biglang tumaas ang boses nito.

“and then what!? whatever it is, sabihin mo sa’kin para maayos na’tin ‘to!”

tinitigan lang sya nang dalaga, hindi nya alam pero parang may nangyari kay Maya.. imposible namang hahantong ang lahat nang ‘to sa ganito nang walang dahilan. Nakita nya sa mga mata ni Maya ang mga butil nang luha.

“Ser Chief, I’m so sorry..”

sorry?! ba’t ito nagsosorry sa kanya? wala naman itong ginawang masama o nakapanakit sa kanya? o maaaring.. gagawin pa lang nya

“papalayain na kita..”

matagal bago naproseso nang utak nya ang katagang binitawan nang babae. Hindi muna sya nakahinga, parang ang bawat letra sa katagang yun ay naglalakbay sa kanyang utak.

“wa..what did you say?”

hindi sya nagtatanong, humihingi sya nang kumpirmasyon sa narinig. Umaasa sya na sana ehh nabingi lang sya at iba ang ibig sabihin ni Maya o ‘di kaya ehh isa lang ‘tong biro.

“binibitawan na kita..”

biglang bumigat ang kanyang dibdib. Walang katumbas na sakit ang kanyang nararamdaman.

“Ser Chief..”

sinuntok ni Richard ang mesa nang malakas. Dito nya binuhos ang sakit at galit na kanyang nararamdaman

“stop calling me by that name!!”

sa nasaksihan ay napaigtad si Maya. Kita dito ang takot at pangamba.Sa nakita nya kay Maya ay bigla syang huminahon, nadala sya sa emosyong kanyang nararamdaman.

“Ma.. Maya, I.. I’m sorry..”

kita pa rin nya dito ang takot, kaya tumayo sya tsaka nilapitan si Maya.

“I’m sorry..”

nakayuko man, alam nyang patuloy pa rin ito sa pag-iyak kaya marahan nyang inawakan ang mga pisngi ni Maya tsaka pinaharap sa kanya.

“tell me, what’s wrong..”

Hindi pa rin nito sinasabi ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito, ang gulo..malabo.. pero isa lang ang sigurado.. lahat gagawin ni Richard mapanatili lang si Maya sa piling nya. Ilang sandali pa’y narinig nyang nagsalita ang babae.

“Richard, kung mahal mo ako–“

“Yes! I Love You, I’ll do everything and anything for you..”

“palayain mo ako”

natigilan uli sya sa narinig at ilang sandali pa ay isang tanong lang ang naisabibig nya.

“why?”

“dahil hindi ako ang babaeng karapat-dapat para sa’yo…”

“Maya, Para sa akin..ikaw ang babaeng dapat kong mahalin at wala ng iba..”

“Maaaring nabubulagan ka lang siguro o naaawa..kumpara sa iba, walang-wala ako sa kanila. Hindi ako mayaman tulad nila, hindi ako sopistikada, hindi ako lumaking mahinhin, hindi ako–“

“stop it Maya..”

“Richard, ayoko–”

“if you want a cool-off, I’ll give it to you!”

natigilan si Richard, isa pa sya.. imbes na dapat ipaglalaban nya ang kanyang pagmamahal ehh parang lumalabas na binibitawan na nya si Maya. What the hell si happening to you Richard, ngayon ka pa tinamaan ng topak! wala nang nagsalita pa sa kanila, ilang sandali pa ay dahan-dahang umalis ng opisina si Maya. Gusto sana syang pigilan ni Richard pero may kung anong pwersa ang pumipigil sa kanya. Hinayaan nyang malkalabas si Maya sa kanyang Opisina.

“Just give her a time Ricky, everything will be alright. Maybe she wants to search for her soul..”

pag-aalo nya sa kanyang sarili. Pero ang hindi nya alam ay ito na pala ang isa sa pinakamaling disesyon na nagawa nya.

~~*~~

pahabol na author’s note:

ang sabi kasi ng wholesome kong kaibigan na si Miss Crystal Mae Anol ehh parang ang hirap ma-imagine na may mangyayari kena Ser Chief at Maya kaya.. ayan.. ang kaso nga lang ehh gusto ko na mas maipa-intense pa yung kwento ehh kaya gusto ko lang sanang isingit ‘tong linya mula sa next part ehh.. trip ko lang malaman kung ano ang sasabihin nyo dito..

 

“Maya, Be my Mistress..”

41 thoughts on “Two Words. Nine Letters – part 6

  1. san n po kaya ang kasunood ng two words, nine letter part 6. Hindi ko po mahanap . kung alam po ninyo.email. ads ni miss_gerd. so I can asked her personally

  2. hello miss author!!! ma’am pwede po pa update naman nito?? or may update na ? plss sa-an ko po pwede basa ung Full story? thank you!!:) God bless!!!

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s