Status Update 14

This is a continuation of Status Update 13

Author:nylcoen

~*~

Super saya ni Maya after nag-propose ni Richard. Lutang ata siya palagi sa sobrang saya niya. Si Richard naman nahahalata ng lahat ang pagiging ganado sa trabaho. Hindi na bugnutin at laging positive and good vibes sa opisina at sa bahay.

“Dad? Bakit parang ang saya mo?”

“hmmm? Happy? You know I am, eversince that day I realized i’m in-love with your Ate Maya, i’m always happy na.”

“Hindi eh..I don’t know..there’s something na iba. “

“ummmmm ” (nagkibit-balikat si Richard para di nito mahalata)

If you only knew Niks..I’m super super super happy!..wait till you hear the good news, i’m sure you will be happy too!.

And si Maya naman…

Pakanta-kanta habang nag-aayos ng luggage niya for her flight the next day. Pumasok si Emman sa room niya ng mapansing nakabukas ito at nakita siyang nag-aayos ng gamit niya.

“Roomie!! Wow! Ang ngiti wagas! Oh ano na?Sige na at ready na ako makinig..”

Umupo si Emman sa bed ni Maya.

“Ha? Anong makinig?”

“Ano paaa??? eh di ang kwento mo!”

“Kwento?? Wala noh!”

“Tseh!! Ikaw ha! Nagtatampo na ako.”

“Ehhh ..saka na lang ha..di ko pa kasi pwedeng sabihin sa’yo.”

“Pero promise mo pag pwede na dapat share mo na ha!”

“Oo naman..bigay mo muna to sa akin ha”

“Okay..kung ano man yan good luck and sana magiging masaya ka .”

“Salamat Emman!”

“Teka, saan pala ang flight mo bukas?”

“Cebu. Gusto ko nga sana sa San Nicholas para naman may time pa akong magcelebrate doon ng mother’s day. “

“Oo nga pala noh..di ba pwedeng makipag-palit?”

“hmmm di ko pa alam eh. Sana nga..”

Ilang sandali pang nag-usap sina Maya at Emman bago nagpaalam si Emman para lumabas at may bibilhin na pagkain. Naiwang mag-isa si Maya sa condo, sakto namang tumawag si Richard.

“Hello, Sir Chief.”

“Hi. Anong ginagawa mo?”

“Nag-aayos ng gamit para sa flight ko bukas.”

“ahh, saan ba flight mo bukas?”

“Cebu..ikaw ano bang ginagawa mo?”

“Wala, iniisip ka.”

Maya was caught of guard. … Kaw talaga,kahit ngayong engage na tayo pinapakilig mo parin ako .. She smiled and took her awhile bago ulit makapagsalita.

“hmmm ang sweet naman..pero di nga ano ba ang ginagawa mo?”

Sagot niya habang pinipigil ang sarili para di mahalata ng kausap niya na kinikilig siya. Napahiga pa siya sa kama niya habang kinakausap si Richard sa cellphone.

“Iniisip ka nga, bakit ba ayaw mong maniwala?”

Pangiti-nigit rin si Richard habang dahan-dahang pinapa-ikot ang swivel chair na inu-upuan niya.

“Sige na nga..sasakyan ko pagka corny mo..bakit?”

“Kasi..pag iniisip ko yung..you know what..i can’t help it. I’m excited na ako mangyari yon!”

“shhhhh Sir Chief baka may makarinig sa’yo. Di ba hanggang di pa alam nina nanay, di pa pwedeng may makaalam na iba?”

Napabangon tuloy si Maya, nag-alala baka may makarinig kay Richard.

“I know..eh ako lang naman ang andito sa loob ng opisina ko eh.”

“Ano nga pala plano mo?”

“Well, ikaw ang bahala..”

“eiii, natatakot ako magsabi kay nanay..baka kasi mabigla?..”

“hmmm don’t worry, kung gusto mo sasamahan kita.”

“Talaga?”

“Oo naman..”

“Oh sige, wish ko nga ngayong mother’s day uuwi ako para mag-celebrate ng mother’s day doon tapos sasabihin ko na din kina nanay pero mukhang may flight ako.”

“Mother’s Day? Sa makalawa na yon di ba?”

“Oo, gusto ko sana isurprise sina nanay kaya lang parang di ata pwede.”

“Anyway, whatever your plan is, just tell me para masamahan kita.”

“Okay, thank you.”

“Anything for you Maya.Sige, magpahinga ka na. Maaga pa flight mo bukas di ba?”

“Oo ,4 am..”

“Sige I’ll pick you up around 3 am?”

“Okay..see you, good night.”

“Good night, i love you.”

“I love you too.”

Pinagpatuloy ni Maya ang naiwang pag-eempake, nang matapos ito ay natulog na din siya kaagad.

Sunday,  Mother’s day na. Nasa Davao airport si Maya ready for the briefing to fly back to Manila ..Nasa loob siya ng opisina ng Time Airways at naghihintay ng briefing nila ng may tumawag sa kanyang isang flight attendant ng Time Airways din.

‘Ms. Dela Rosa?”

“Yes po, ano po yon?”

“Hello, I’m Isabel..hmm kasi may nagsabi sa akin that you are from San Nicholas?”

“Opo, bakit po?”

“Kasi yung next flight ko is papuntang San Nicholas..fortunately my friend told me gusto mo ata sanang umuwi doon to celebrate this special day with your family kaso your flight is papuntang Manila..eh ako naman gusto kong bumalik ng Manila today para isurprise sana ang mommy ko. I was thinking baka pwedeng makipag-palit ng flight?”

“Ha? Talaga? “

“Oo, that’s if gusto mo rin?”

“Oo naman po, anong oras ba yung flight mo papuntang San Nicholas?”

“Mamayang hapon pa eh, kakadating ko lang din actually from my Manila flight and agad kitang hinanap para sana maki-usap. So ano, okay ba?”

“Oo naman! Salamat ha!”

“Your welcome. And by the way, you can spend the night there sa San Nicholas kasi next flight ko from there is tomorrow afternoon pa for Manila naman.”

“Sige salamat..inform na lang natin ang office.”

“Okay, tara?”

Pinuntahan nina Maya at Isabel ang incharge sa  office ng TA para i-inform about sa change of flight schedule nila. After ilang minutes, na-approve naman ito kaya sobrang saya ni Maya. Agad siyang naghanap ng pwede niyang ibigay na regalo para sa nanay, lola, at kapatid niya para paguwi niya ng San Nicholas.

Bandang hapon, sa Little Pards Chibugan…

Nagkagulo ang pamilya Dela Rosa ng makitang bumaba ng taxi si Maya.

“Mayyyyaaa!!”

Nagsitakbohan sina nanay Teresita, Mamang, at Kute para salubungin si Maya. Yakapan at iyakan ang nangyari na parang ilang taong di nagkita.

“Na-miss ko kayo!!”

“Ikaw ‘nak, na-miss karin namin! Bakit di ka man lang nagpasabing uuwi ka? Sana nakapaghanda kami at sinalubong ka namin sa airport.”

“Eh biglaan po eh..may nakipagpalit lang ng flight kaya hayun pumayag agad ako!”

“Bunso!! Masaya kami at narito ka.”

“Ako din Kute. Ayyy meron pala akong regalo sa inyo.”

“Sus nag-abala ka pa. Ito ngang andito ka regalo na..teka, pumasok nga muna tayo!”

Tinulungan nina Kute si Maya sa mga dala nitong gamit para makapasok na sila sa bahay. Di napansin nina Maya na pati pala mga kapitbahay nila naki-usyoso na rin sa kanila, parang nakakita lang ng artista.

“Hoy Maya, ikaw pala yan! Wow! Ang ganda-ganda mo na.”

“Salamat po aling Ebiang..”

“Congratulations pala Maya isa ka na palang stewardess ngayon..”

“Salamat po.”

Hinila na ni Mamang si Maya para makapasok na at pinagkaguluhan na si Maya ng mga kapitbahay nila lalong-lalo  na ng makita na naka uniform pa siya.

“Sige po, next time mag-tsikahan po tayo. Si Mamang kasi excited na.”

Buti na lang at naintindihan ng mga kapitbahay nila at hinayaan na siyang makapasok ng bahay. Pagpasok na pagpasok ni Maya sa kanila sinalubong siya ni Cho at nagmano sa kanya. Naalala ni Maya ang mga regalong dala kaya binuksan niya kaagad ang kanyang bag at kinuha ang mga regalo.

“Nay, Mamang, Kute..pasensya di ko na nabalot ha. Ito ho regalo ko sa inyo. Happy mother’s day po sa inyong tatlo.”

Binigyan ni Maya ng blouse ang nanay at lola niya, si Kute naman binigyan ni Maya ng jeans. Tuwang-tuwa sila ng matanggap ang regalo kaya agad naman nilang sinukat ito sa kwarto. Si Cho naman binigyan ni Maya ng baseball cap.

“Salamat po tita ninang.”

“Welcome Cho. Halika nga at payakap!”

Niyayakap ni Maya si Cho ng palaba naman ng kwarto sina nanay Teresita , Mamang, at Kute suot ang mga regalo ni Maya sa kanila.

“Nak!! Salamat ha..bagay ba?”

“Oo naman Nay, bagay na bagay!”

“Eh ako Maya?”

“Bagay din Mamang! Sexing-sexy kayo dyan sa blouse ninyo, ternong-terno sa pula mong lips!”

“Ako Maya?”

“Oo nman Kute. Bagay din sa’yo yang pantalon na yan.Mapapansin ka na niyan ni Pards mo.” (giggles)

“Tseh!Ang saya na eh! Biglan naman…ay ewan ko sayo”

“Ikaw talaga Kute oh, di ka mabiro.”

They are having a good time habang nagka-catwalk kunwari sina Mamang sa harap ni Maya. Tawanan sila ng tawanan ng dumating si Lino humahangos at parang di makahinga. Nagtaka tuloy sila kung ano ang nangyari sa kanya.

“Narinig nyo ba ang balita?”

“Bakit Lino?Anong balita?”

“Yung ano…”

Dahil sa hingal di tuloy makapagsalita ng maayos si Lino.

“Cristina Rose pahinging tubig. Painumin muna natin si Lino.”

Kumuha ng tubig si Kute, inalalayan naman nina Maya si Lino para maka-upo. Kinakabahan silang lahat kung ano bang balita ang dala ni Lino at parang napaka-importante nito. Lahat sila nakatutok talaga kay Lino habang umiinom ito ng tubig.

“Oh Lino..ano na?”

Singhal agad ni Mamang ng hindi pa ito nagsasalita.

.

.

.

.

.

.

.

Bitin ba? :P

.

.

hehehe..babawi ako promise!

.

.

.

.

.

P.S

Ako’y nagmamaka-awa  **luhod, with matching daloy ng luha** … pagbigyan nyo sana ako sa aking hiling…sana… please….. sana po iwasan nating maglagay ng link ng blog ko sa EB kasi po nahihiya po ako kay Ms.  Sharpie, I love her and EB so much kaya iniiwasan kong may magbanggit sana ng blog ko .. di naman ako pinagbawalan pero ayoko lang po talaga..puhleeaassseee… sana naman po okay lang? Ako’y sadyang nahihiya lang po. Pwede po ba pagbigyan nyo na po ako?”

9 thoughts on “Status Update 14

  1. hi ms. nylcoen ask ko lang what is your twitter account? avid fan po ako, thanks po sana sagutin nyo po ako. ^_^

  2. Pingback: Status Update 15 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s