The Song – part 6

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to The Song -part5.


A/N:Medyo malapit na tayo sa dahilan kung bakit “The Song” ang title ng story. 
 
Nagiisip ako kung hanggang highschool part lang ba o itutuloy ko hanggang sa present time (May konting twist)? 
 
Suggestion? Comment lang kayo! :) 
 
This is the continuation of The Song 5!🙂

Author:Miss_Aa

~*~

Nakaraan:

“Chard, maraming salamat sa dinner. Nag’enjoy ako, Ingat ka sa paguwi. Goodnight! –Maya.”

“No worries Maya, I had fun. So, let’s do this again next time? Goodnight Maya! –Chard” Richard replied.

Maya read his text and she fell asleep with a smile on her face. The same with Richard. They had a fun dinner date.

Chapter 6

6am. Maya woke up early kasi they’ll attend an early mass. Papunta na sila sa Church at habang nasa biyahe nakatulog sya sa sobrang antok nya. Ginising sya ni Kute.

“Maya! Andito na tayo.” Kute said.

“Oo, sige. Eto na.” Maya said while yawning.

Pagpasok nilang simbahan, Madami ng tao at suwerte sila na may nakita silang bakanteng upuan. Umupo sila Maya doon at nagsimula na ang mass. Nagsermon ang Pari. Si Maya, nakikinig ng mabuti sa Pari.

“You know what love is?” Priest said. “Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 1 Corinthians 13:4”

Habang nakikinig si Maya ay may humawak sa balikat nya at nagulat sya. She turned her back and she saw…

“R-Richard?” Maya was shocked.

“Maya! Tama nga, ikaw nga!” Richard grinned. “Sino kasama mo?”

“Ah! Sila Mamang. Ikaw sino kasama mo?” Maya asked.

“Ako lang.” Richard smiled. “Pwede ba umupo sa tabi mo?”

“Sure, No problem.” Maya smiled too.

Kumanta na ng Ama Namin. Nag’bigayan na ng kapayapaan sa isa’t isa at natapos na ang mass.

“Richard, gusto mo sumabay ka sa amin muna? Magaalmusal kami.” Nanay Tere said.

“Nakakahiya po! Wag na lang po.” Richard said.

“Ano ka ba Richard! Tara na. Sumama ka na samin.” Mamang said while putting her hands around Richard’s arm.

“Nay! Tama na yan!” Nanay Tere said. “Maya! Sumunod na kayo sa kotse ni Richard.”

“Opo Nay! Tara na Richard. Pag hindi ka sumama magagalit ako sayo pati si Nanay.” Maya teased him.

“Sasama na nga diba? Eto na.” Richard grinned.

They both laughed. Richard called Kuya Joma.

“Kuya Joma, makikisabay muna ako kela Maya. Go home first and Eat your breakfast. Thankyou!” Richard said and he ended the call.

Nag’agahan sila Maya at ang kanyang pamilya kasama si Richard. Punong puno ng tawanan at biruan. Ngayon lang naramdaman ni Richard ang ganitong kasayang pamilya, kahit masaya naman sila ng pamilya nya, pero hindi daw ganito kasaya. Ngiting ngiti sya at titig na titig kay Maya napansin naman ito ni Maya at biglang nahiya.

“Excuse me lang, punta lang akong banyo. Kute! Samahan mo ko.” Maya said.

“Osige, wait lang, Excuse me.” Kute said. “Hoy! Grabe, makatitig sayo si Richard ah. Akala mo hindi ko napapansin. Ikaw na talaga!”

“Ano ka ba! Naiilang na nga ako e. Kaya nga ako tumayo.” Maya said pero kinikilig sya.

“Hay! Nako, bunso. Kinikilig ka naman.”

Bumalik na sila sa upuan at umuwi na sila. Sinundo ni Kuya Joma si Richard sa bahay ng mga Dela Rosa at nakauwi na din sya.

_______________________________

The Victory Party and The Birthday Celebration of Maya Day.

Everyone was busy preparing, especially the Heartthrobs, Emman, Doris and Sabel. Wala si Maya. Kasi nga may surprise sila na ang pasimuno ay si Richard.

“Okay! Okay na ang lahat! Good Job Guys! You did great!” Richard said while clapping his hands.

6pm. Nagstart ng magsidatingan ang mga Seniors pero si Maya wala pa, kasi ang alam ni Maya e. 8pm pa, so mamaya pa sya dadating. Kumpleto na lahat ng Seniors at si Maya na lang ang wala. Pinagusapan nila ang magiging plano ng surprise nila.

8pm. Dumating na si Maya. She saw a lanterns all over the place, it was elegant. Christmas lights hanged like a banderitas.

“Beautiful.” Maya said. She was so amazed and she admired the place very much.

Maya saw no one. So nagtaka sya, kung bakit wala syang makita baka naman maaga sya kaya umupo sya sa isang monoblock chair ng may bigla siyang nakitang malaking bote sa harap nya, may paper sa loob and she saw her name “Maya”.

“Ano naman to? At bakit may pangalan ko?” She thought.

She opened the bottle and read the paper.

“Face your back and face your front again after 5minutes.” She read the note.

She waited for 5 minutes and saw a bottle again and arrows. She opened it again.

 “Follow the arrows. Count the arrow and stop when you see a bottle.” Message said.

She followed the arrows and saw a bottle again.

“Maya… H…”

She followed the arrows again and  saw a bottles again.

“Maya… A…”  and etc. messages.

She was getting nervous but she was happy. Until she read the last message in a bottle.

“Maya… Y… We love you so much.”

She started crying and when she saw that it was the last arrow. She looked infront of her and she saw her classmates holding a rose for her. One by one they gave the rose to her. They told Maya some sweet messages that will make her cry more and the last one who gave her flower was Richard.

“Maya, Happy Birthday! More blessings to come and you, your friends and your family. All because of you Guys, I felt the true happiness. You’re so lucky to have them in your life. So, maybe later let’s talk and please make me some of your delicious coffee. Happy Birthday Maya!” Richard said.

Nagpasalamat si Maya sa lahat ng classmate nya nageffort na gawin yun, sinabi nila na si Richard ang nakaisip kaya nagpasalamat din sya. Nagstart na ang party at nagswimming na sila. Si Maya ay nakaupo lang sa isang sulok nakangiti at tinitignan ang mga classmates nya magenjoy.

“Penny for your thoughts Maya?” Richard said.

Maya was startled because of the voice of Richard.

“Ah-Ah, W-wala. Thank you nga pala sa kanina. Natuwa talaga ako.” Maya grinned.

“I’m glad you liked it.” Richard smiled.

“Ahmm, Maya, Can I ask you something?”

“Sure Chard. Wait lang! Pause ka lang, ipagtitimpla pala kita ng kape mo.” Maya said.

Because of that, Richard laughed. Richard followed her by his eyes.

“Paano ko ba to sasabihin kay Maya? Bigla akong kinabahan. Kaya mo to Richard! Kaya mo yan! Sabi nga ni Maya, Kapit Bisig lang! Paano ako magka’kapit bisig e, sobrang kabado ako. Chard! Kaya mo to! Masasabi mo rin yan.” Richard thought.

“Richard!” Maya shouted. “Bakit ka tulala? Yan na yung coffee mo. Ano yung sasabihin mo?”

“Ahm-mm. Maya, You know that we’re bestfriends right?”

“Yes naman Chard.”

“Pwede ba kitang ligawan?” Richard asked.

Maya was shocked. Hindi nya alam paano sya magre’react. Napayuko sya at nakita ito ni Richard.

“Maya, I won’t force you-” Richard said. The tone of his voice was sad and disappointed.

“R-Richard, okay lang naman. Basta magpaaalam kila Nanay.” Maya said.

“Are you sure?” Richard asked.

“I’m sure. Basta magpaalam kila Nanay.” Maya replied.

Richard was so happy. Hindi nya alam na si Maya ay masaya din, hindi nya alam bakit parang ang saya saya nya pagkasama ny si Richard. Nagkuwentuhan pa sila hanggang mag’hating gabi at dinalaw na ng antok si Maya.

“Inaantok ka na Maya. Naghikab ka na oh.” Richard teased her.

Maya covered her mouth.

“Pasensya ka na! Pagod lang talaga. Sige, matutulog na ako. Goodnight Richard.”

“Goodnight Maya! Dream of me.” Richard said.

Ngumiti lang si Maya, at nagpunta na sa kwarto nya. Pumunta na din si Richard sa kwarto nya and nagtext si Richard.

“Goodnight My Princess, Thank you. Happy Birthday again.” Richard texted Maya.

Maya saw a 3 paperbags beside her bed, she opened it and saw dresses, blouses and pants. She saw a card.

“Happy Birthday My Princess! Hope you’ll like it. –Chard”

After Maya saw all the dresses, blouses and pants. She texted Richard.

“Richard, sobrang dami naman nito.” Maya texted.

“It’s alright Maya.It’s a gift”

“Eh, nakakahiya.”

“Maya, don’t argue please. It’s alright.”

“Chard…”

“Maya… Goodnight! Happy Birthday Again My Princess!”

“Fine… Goodnight! Thankyou for everything.”

To be continued. Paano manliligaw si Sir Chief? At Sasagutin ba sya ni Maya?

9 thoughts on “The Song – part 6

  1. Pingback: The Song – part 7 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s