The Song – part 7

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to The Song -part 6.


A/N:Medyo mahaba haba na to, sana maenjoy nyo!🙂 Eto na yung reason why The Song ang title. May susunod pa to. Promise.🙂
Author: MissAa
~*~

 

Previously…
“Maya… Goodnight! Happy Birthday Again My Princess!”
“Fine… Goodnight! Thankyou for everything.”

Chapter 7

Nagising ng maaga sila Maya, Doris at Sabel kasi sila ang magluluto ng almusal nila. Umuwi na kagabi pa ang ibang seniors pero sila Emman, Maya Sabel, Doris at ang Heartthrobs ay hindi pa, napagusapan nila na mag’stay pa ng kahit konti at bukas na sila ng umaga umuwi. Habang nagluluto may tinanong si Sabel kay Maya.
“Hoy Day! Ano sinabi mo kay Richard kagabi?” Sabel asked.
“H-Huh?” Maya said. “Ayy! Ano, Wala.”
“Anong wala?! Grabe ka Day!!” Doris said.
“H-Hindi! Sabi ko, basta alam nila Nanay.”
Tumili sila Doris at Sabel.
“So, Ano Day? May pagasa?” Doris asked.
“E-ewan ko.” Maya said.
Namula si Maya.
“Maya! Bat ka namumula?” Sabel asked. “Uyyyyy, merong pagasa si Richard.”
“A-Ano ba kayo? H-hindi naman ako namumula ah.” Maya cupped her cheeks.
Hindi nila alam e, andun si Richard nakikinig sa usapan nila. Natutuwa sya tuwing malalaman niya na namumula si Maya. Hindi din nya alam kung bakit?
“Goodmorning Guys!” He said.
Maya was shocked when she saw Richard.
“K-kanina ka pa dyan?” Maya asked.
“Hindi naman, kakadating ko lang. Pero namumula ka daw.” Richard grinned.
“H-huh? H-hindi ah!!” Maya said.
Nag’walk out si Maya. Hinabol sya ni Richard. Hinawakan ni Richard ang braso ni Maya at inilapit sa kanya si Maya. Nagulat si Maya at bigla syang kinabahan, nadidinig na nya ang tibok ng puso nya.
“Maya! Maya! Wag ngayon please. Baka madinig nya.” Maya thought.
“I’m just kidding lang naman Maya. Wag ka na mag’walk out.” Richard said with his killer smile.
“May kukunin lang ako sa kwarto. Kalma lang.” Maya grinned.
“Akala ko magagalit ka na e.”
“Hindi, may kukunin lang ako Chard. Wait lang.”
Pagbalik ni Maya sa kusina, tapos na magluto sila Doris at Sabel, gising na rin ang Heartthrob. Hinila ni Richard ang isang upuan sa tabi nya at sinenyasan nya si Maya na dito maupo.
“Maya, Here.” Richard said.
“Thanks Chard.” Maya smiled.
Kumain sila at nagdecide na sila na umuwi na.
“Maya, hatid na kita.” Richard said.
“Wag na, commute na lang kami nila Sabel.”
“Maya, I insist. Saka sasabay din naman satin sila Sabel. Diba Sabel?”
Richard winked at Sabel.
“Day! Tara na! Para tipid pamasahe!!” Doris said.
Sumakay na sila sa sasakyan at nauna bumaba sila Doris at Sabel. Naiwan sa sasakyan si Maya at Richard.
“Maya, are you okay? Parang tahimik ka kanina pa.” Richard said with a worried tone.
“Okay lang ako Chard.” Maya smiled.
Pagkadating sa bahay nila Maya. Nagb’bye na si Maya kay Chard.
“Bye Chard.Thank you again.”
“Sige Maya, ingat!”
__________________
Natutulog si Maya dahil napagod sya sa mga nangyari kahapon. May nadinig syang kung anong ingay sa baba ng bahay nila, akala nya may nangyayari na kaya dali dali syang bumaba at pagkababa nya nakita nya si Richard at ang kanyang pamilya na nagtatawanan.
“Oh Richard, Eto na pala ang apo kong si Maya.” Mamang said.
“R-Richard? Anong ginagawa mo dito?” Maya asked.
“Ah, wala lang. Bumibisita lang.” Richard answered.
Hindi alam ni Maya na bago sya bumaba, nagusap na sila Nanay Tere, Mamang at Kute.
“Oh Richard, napadaan ka? Maguusap ba kayo ni Maya? Sandali lang tatawagin ko lang.” Nanay Tere said.
“Ay hindi po Aling Tere. Kayo po nila Mamang talaga ang sadya ko dito.” Richard said.
“Umupo ka muna Hijo. Ano ba iyon?” Nanay Tere asked.
“Oo nga namna Hijo. Ano nga ba iyon?” Mamang asked. “Liligawan mo na ba ang apo ko?!”
“Ahmm, Nay, Mamang at Kute, wag po sana kayong magalit pero…” Richard said.
“Kinakabahan naman kami sayo Hijo.” Nanay Tere said.
“Gusto ko po sana ligawan ang anak nyo. Si Maya po. Kung pwede po sa inyo?” Richard asked.
“Ano ba sabi sayo ni Maya?” Nanay Tere said.
“Sabi nya po, gusto nya daw po na may blessing nyo bago po ako manligaw kaya po andito po ako sa inyo ngayon.”
“Kung ganoon naman pala, may tiwala kami kay Maya at sayo din may tiwala kami. Kaya sana wag nyong sirain iyon. Pwede ka naman manligaw, malaki na kayo at alam nyo na ang tama’t mali.” Nanay Tere said.
“Wow, napakagwapo naman ng manliligaw ng Apo ko. Ang bango bango pa.” Mamang said.
“Nay! Tama nay an. Richard, pasensya ka na kay Mamang.”
“Okay po yun, Aling Tere.”
Naikuwento na ni Richard kay Maya lahat. Nagulat si Maya kasi first time may gumawa ng ganito sa kanya.
____________________
February. Matagal-tagal na din na nanliligaw si Chard kay Maya at sobra ang panliligaw dito pati pamilya ni Maya nililigawan din nya. Hatid-Sundo si Maya sa bahay, lumalabas sila, binibigyan sya ng mga regalo pati sila Mamang meron din. Minsan sinosorpresa sya, may dalang bulaklak, bigla bigla na lang na susulpot sa bahay nila Maya. Kaya sigurado sa ni Maya sa nararamdaman nya, kaya balak nya sagutin si Richard.
Araw na naman ng puso at sobrang damakmak na naman ang mga contest at activities sa school. Meron bagong contest sa school nila ang “The Partners.” Isa itong singing contest na duet ang labanan. Kinausap na naman ang seniors about sa contest na ito.
“Sino ang gusto sumali sa contest?” Maam Millet asked. “Wala? Walang nagtataas eh. Dahil dyan maga-audition kayong lahat.”
Nag’audition na silang lahat at may napili na.
“May napili na ako. Si Maya at Richard ang kakanta. Maganda ang boses nila, ayaw lang nilang gamitin. Mga pasaway talaga.” Maam Millet said.
Nag’asaran ang mga magkakaklase.
“Yiiiiiieeeeeee! Bagaaaay!” Sigaw ng mga kaklase nila Chard.
Nagtawanan silang lahat, namula na naman si Maya.
“Maya, namumula ka.” Richard grinned.
“Chard! Ano ba!” Maya said.
“What?!” Richard asked.
“Eh kasi naman e. Tama na nga!”
“Wala akong ginagawa Maya, sinabi ko lang.” Richard laughed.
“Ewan ko sayo.”
_________________________
Pinagusapan na nila Richard ang kakantahin nila. Nagp’practice sila kasama ang Music Teacher nila na si Sir Gab. Ang sweet sweet nila at nahihirapan sila mag’eye contact sa isa’t isa.
“Chard! Maya! Eye contact!!” Sir Gab said.
“Sorry po Sir.” They said in unison.
Lagi silang ganun, nagkakailangan kasi kinakabahan. Hindi makapag’eye contact. Kaya lagi silang napapagalitan.
Isang araw, naguusap sila Sabel, Doris, Emman at Maya sa garden nila.
“Maya Girl, kelan mo sasagutin si Richard?” Emman asked.
“Basta.” Maya smiled.
“Pasuspense pa tong si Girl!” Emman said.
“Malalaman niyo din naman agad eh.” Maya said.
“Sa bagay Day, may point si Maya.” Doris said to Emman.
_____________________
Habang nagp’practice sila Maya at Richard. Ganoon pa din sila, pero medyo comfortable na sa isa’t isa.
“Break muna! 30 minutes.” Sir Gab said.
Andoon lang sila Maya at Richard sa music room. Si Maya at Richard kumakain din. Tumayo si Richard at tumugtog ng Piano kumanta sya at namangha naman si Maya kaya pinanood nya lang si Richard.
“Galing mo pala magpiano.” Maya said.
“Hindi naman. Konti lang alam ko.” Richard said. “Maya, may sasabihin sana ako.”
“Ano yun Chard?” Maya asked.
“I love you.” Richard said.
Nagulat si Maya, kasi sa tagal nyang nanliligaw ngayon pa lang nya ito sinabi kay Maya.
“Maya!” Richard shouted.
“Ayy kabayo!!” Maya said.
Richard laughed. “I won’t force you to say I love you too.”
Nakahinga ng maluwag si Maya kasi akala nya nage’expect si Richard ng sagot.
___________________________
Valentine’s Day. Eto din ang araw ng contest nila ni Richard. Kaya sobrang kinakabahan sya.
“Jusko, kinakabahan na ako. Nakakaloka.” Maya thought.
Naglalakad sya papunta sa classroom nila, pagpasok nya. May nakita syang bouquet of flowers sa desk nya. Nagtataka sya kung kanino galing to.
“Kanino kaya to galing?” Maya said.
Hinanap nya ang card at nakita nya ang message.
“Maya,
I’m glad that I met you and I’m so blessed. I enjoyed every moment I spent with you, every second, every minute, every hour, every day, I enjoyed them. You know that I’m always here for you, to wait for you and you also know how much I love you. Happy Valentine’s Day. I love you so much Maya.
Love, Richard.
P.S Enjoy this day. Don’t be nervous. I know we can do it. Just do your best. I love you.”
Kinilig si Maya. Namula sya. Buti na lang sya lang ang magisa sya sa room nila kaya walang nakakakita, nilapag ni Maya ang bouquet sa desk nya ulit at nilock ang room. Habang naglalakad sya sa hallway, ang dami nyang nakikitang nagbibigayan ng bulaklak, regalo sa isa’t isa. Natutuwa si Maya kasi ganun pala kalakas ang epekto ng pagibig sa tao. Nakita nya si Sir Gab.
“Goodmorning Maya!” Sir Gab said.
“Goodmorning din po Sir!” Maya happily greeted.
“Practice tayo, last na, Malapit naman na mag’contest e.”
“Sige po Sir, susunod po ako.”
Pumunta na si Maya sa Music Room, may nakita syang malaking teddy bear, mas malaki pa sa kanya.
“Ang laki naman nito! Eto yung gustong gusto kong teddy bear e. Para kanino kaya to? Ang cute cute.” Maya said.
“Para sayo yan.” Richard said.
Maya turned her back and she saw Richard standing behind her.
“Sa akin? Eh diba may bulaklak na.” Maya said.
“Flowers and Teddy Bear.” Richard said.
“Paano mo nalaman na gustong gusto ko ng ganito?” Maya asked while hugging the Big Teddy Bear.
“Wag mo na alamin, basta ngayon meron ka na nyan.” Richard said.
“Thank you nga pala sa Flowers and dito sa Teddy Bear. Happy Valentine’s Day Chard.” Maya said.
Iba ang tono ni Maya na parang may iba sa kanila ni Chard. Nung sinabi ni Maya yun, biglang kinilig si Chard at di nya napigilan ngumiti.
“Are you ready para mamaya?” Richard asked.
“Yes, medyo kabado. Ikaw?”
“Oo, kinakabahan pero alam kong kaya natin to.” Richard said.
“Basta, KAPIT BISIG!” They said in unison.
_______________________
Nagsimula na ang contest, panghuli sila Maya. Natapos na ang first contestant. Sobrang galing at kinabahan si Maya.
“Chard, ang galing oh.” Maya said.
“Kalma lang Maya, kaya natin to. Sabi mo nga diba, KAPIT BISIG.” Chard said.
“KAPIT BISIG!”
Sila Maya na ang kakanta. Kinanta nila ang “I Finally Found Someone – Barbra Streisand & Bryan Adams” Kung dati, hindi nila kaya na magtitigan, pero ngayon ewan ba nila bakit parang kung may anong tumutulak sa kanila at hindi matanggal tanggal ang titigan nila sa isa’t isa. Nagsimula ng kumanta si Richard.
I finally found someone
That knocks me off my feet
I finally found the one
That makes me feel complete.
Then Maya sang.
It started over coffee
We started out as friends
It’s funny how from simple things
The best things begin
They were just looking at each other so intently.
This time it’s different
And it’s all because of you
It’s better than it’s ever been
‘Cause we can talk in through.
They felt like they were alone.
Maya:
My favorite line was
“Can I call you sometime?”
It’s all you had to say.
Richard and Maya:
To take my breath away
This is it, oh I finally found someone
Someone to share my life
I finally found the one
To be with every night.
Holding hands, looking at each other’s eyes.
Maya:
‘Cause whatever I do.

Richard:
It’s just got to be you.
Richard and Maya:
My life has just begun
I finally found someone.
They felt some electricity when they held hands. Every words, they can feel it. Maya and Richard were glad. They were done singing and it’s the announcement of the winner.
“Average of 91.8% The winner is…”
“Richard and Maya!” The host said.
Richard and Maya were so happy, they hugged each other.
“I love you. I finally found someone.” Maya whispered.
Richard looked at Maya’s eyes.
“Tama ba nadinig ko? Mahal mo ko?” Richard said.
“Kailangan pa ba ulitin Mr. Lim?” Maya grinned.
“So tayo na?”
“Oo, Richard Lim. Tayo na.”
“YEESSSS!!!!” Napasigaw ng malakas si Richard.
“Uy! Wag kang maingay!” Maya said.
Umakyat na silang stage at inawardan na sila. Sobrang saya nila, nagdinner sila at hinatid ni Richard si Maya sa bahay nila.
“Maya, thank you for saying yes. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya at nung dumating ka sa buhay, sobrang saya ko.” Richard said.
“Alam mo Richard, ako ang dapat magpasalamat. Dahil ikaw ang nagturo sakin kung paano magmahal, kung ano nga ba talaga ang pagibig. Nung dumating ka, nagiba ang mundo ko. Kaya dapat ako ang magpasalamat.” Maya said.
Richard was teary-eyed.
“Awww, umiiyak ang Mahal ko.” Maya said.
“Can you repeat the last word you said?” Richard said with a smooth voice.
“Ko.”
“Maya naman e. Dali na.”
“Mahal? Mahal koooo. Tama na ang iyak, talo mo pa ako nyan.” Maya said.
“I love you Ms. Dela Rosa.”
“I love you too Mr. Lim.”
“Sige na, Mr. Lim. Umuwi ka na at gumagabi na. Goodnight, text mo ko pag nakauwi ka na.” Maya said.
“Yes po, Mrs. Lim.”
“Mrs. ka dyan! Tigilan mo ko. Uwi na Mr. Lim.”
“Goodnight Mrs. Lim.” Richard kissed her cheeks.
“Goodnight Mr. Lim.” Maya smiled.
__________________________
Maya heard her phone beeped.
“I just got home Mrs. Lim. Sleep na. I know you’re still awake. Thank you for everything. I love you so much. –Richard”
“Goodnight din Mr. Lim. Matulog ka na din. Thank you din for everything, I love you too so much. –Maya”
And again, they fell asleep with a smile on their faces.
To be continued… Kamusta kaya ang relasyon nila? Magiging matagumpay ba o hindi?

8 thoughts on “The Song – part 7

  1. Pingback: The Song – Part 8 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s