Maya and Ser Chief – part 4

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to nikoru. This is a continuation to Maya and Ser Chief – part 3.

————————————————————————————————-

A/N : A/N Guys sorry sorry talaga ang tagal bago ko to madugtungan. Sorry talaga. Pero babawi ako ngayon sa mga di pa nakaka-basa ng mga una kong nasulat ito – Maya and Ser chief, Maya and Ser chief – part 2, Maya and Ser chief part 3 at ito na ang next. More power sakin. Salamat.

Author: nikoru

~*~

Pagkatapos ng pag-uusap nila Manang fe at Ser chief sa telepono agad agad na inayos ni Manang fe ang gamit ni Maya. At dali daling nagpunta sa kusina para maghanda ng pagkain na dadalhin sa hospital.

Habang naghahanda ng pagkain sila Sabel at Doris tanong sila ng tanong kay Manang fe.

Sabel – Manang fe kamusta na si Maya?

Doris – Okay na ba siya?

Sabel – Ano po bang nangyari sa kanya?

Manang fe – Tumahimik muna kayong dalawa dyan di pa pwedeng malaman ng mga bata ang nangyari sa kanya.

Joma – Okay na siya kaso di pa nagka-kamalay.

Lahat ng napagusapan nila ay narinig ni Abby. Papunta na sa siya sa kusina para kumain ng napahinto siya sa mga narinig niya. Bigla siyang nagpakita kila Manang fe

Abby – Ano pong nangyari kay Tita Maya? ( Paiyak na ) Bakit di pa po pwede naming malaman? Where is she?

Lahat sila di alam ang sasabihin kay Abby. Biglang nagsalita si Manang fe.

Manang fe – Abby mas maigi siguro kung ang daddy niyo na ang magsasabi sa inyo.

Abby – Okay po Manang fe ( Malungkot ang mukha )

Pagkatapos ng paguusap nila umupo na si Abby sa kainan dumating na din sila Nikki at Luke.

Luke – Good Morning Baby! ( kiniss si abby sa ulo )

Nikki – Good Morning din baby. ( Umupo na sila sa upuan nila )

Nung kumakain sila napansin nilang malungkot si Abby at wala ang Daddy nila.

Nikki – Where’s dad?

Si Luke nagtanong din.

Luke – Oo nga na san si Dad? Tulog pa? Ah teka gisingin ko na ( Patayo na siya ng biglang magsalita si Manang fe )

Manang fe – Maaga siyang umalis.

Nikki – Ahh. Hmm baby why are you sad?

Napatingin lang si Abby.

Abby – Nothing ate nikki ( ngumiti na  pilit )
Luke – Baby alam namin na nakakalungkot nga ang mag-away sila Dad at Ate Maya pero baby sure ako magkaka-bati din yun ( sabay ngiti )

Nikki – Yes baby. Tama si Kuya di nila matitiis ang isa’t isa. Kaya don’t be sad na baby ha ( ngiti )

Abby – Di naman po dahil dun eh.

Biglang nagsalita si Manang fe.

Manang fe – Luke, Nikki, Abby nakausap ko daddy niyo magbihis daw kayo at isasama ko kayo sa pupunta namin.

Luke – Saan po Manang fe?

Manang fe – Magbihis na kayo mamaya malalaman niyo din.

Sabay sabay silang tumayo at umakyak para magbihis after 5 minutes tapos na silang lahat at bumaba na.

Luke – Let’s go Manang fe ( excited pa ang boses niya )

Nikki – Saan kaya tayo pupunta!? Hmm

Malapit na sila sa hospital.

Nikki – Why we’re here?

Luke – Bakit po tayo nandito?

Manang fe – Sumunod kayo

Habang naglalakad sila di mapigilan ang kaba nilang tatlo di nila alam kung sino at ano ang pinunta nila sa hospital pero si Abbu medyo maiyakiyak na dahil ang naiisip niya ay si Tita Maya niya. Huminto sila sa tapat ng pintuan kung saan nadun sila Maya at Ser chief. Binuksan na ni Manang fe ang pinto. Sumilip agad yung tatlo ng magulat sila na si Maya ang nakahiga. Bigla siang tumakbo papunta kay Maya.

Abby – Tita Maya are you okay? Tita Maya.. ( Naiyak )

Nikki – What happen? Dad?

Luke – Dad anong nangyari? Bakit ganito si Tita Maya?

Maiyak iyak silang tatlo. Di pa rin nagigising si Maya.

Ser chief – She’s okay now. Pero di pa siya nagigising.

Natahimik silang lahat lahat sila nakapaligid kay Maya hanggang lumipas ang oras nakatulog na ang mga bata ng nakapatong ang ulo sa kama ni Maya.

Nagising na si Maya pagkadilat niya ng mata niya makita niya agad ang tatlong bata natutulog. Gumalaw siya ng onti at nagising si Luke.

Luke – Tita Maya gising kana. Kamusta kana? Okay na ba sugat mo? May masakit po ba? ( Ginising niya sila Nikki at Abby )

Ngumiti si Maya natuwa siya dahil sobrang alala ang mga bata sa kanya at alam niyang mahal na mahal siya ng mga bata.

Maya – Oo luke okay na pero nedyo masakit pa rin sugat ko sa puso ( mahina niyang sabi di narinig ni luke )

Luke – Ano yun ate Maya?

Umiling ito.

Abby – Tita Maya nagalala po ako sa inyo ng sobra ( malungkot na sabi nito )

Maya – Thank you baby. Sorry kung nagpag alala ko kayo. Sorry talaga.

Biglang may punasok sa pintuan si Ser chief may dalang pagkain. Nagulat siya ng gising na si Maya. Nagkatinginan sila pero inwas agad ni Maya ang tingin niya. Lumapit si Ser chief sa kama nito.

Ser chief – Maya are you alright? May maskit ba? Tatawagin ko ang doctor? ( alalang sabi nito )

Si Maya di sinagot si Ser chief dedma lang. Ayaw niya pa rin sila magka-ayos lagi niyang naalala ang ginawa nito sa kanya kapag nakikita niya ito.

Ser chief – Maya I’m sorry. It’s okay kung di mo pa ako kayang patawarin magiintay ako

May kumatok sa pinto at pumasok yung nurse.

Nurse – Ito po yung gamot na iinomin ng pasyente pwede na rin siyang umuwe bukas.

Umalis na ang nurse.
Ser chief – Guys you need to go home, may pasok pa kayo bukas.

Nikki – But dad..

Ser chief – go home uuwe na bukas si Maya.

Nikki – Okay dad. Bye Tita Maya, see you tomorrow ( sabay kiss ) bye dad ( kiss din )

Luke – Bye Tita Maya, bye dad.

Abby – Byebye Tita Maya. I’m excited for tomorrow to see you in our house ( sabay yakap ) i love you tita maya. ( kiss din ) bye daddy ( kiss )

Ser chief – Joma hatid mo na sila sama mo na si Manang fe, wag na kayong bumalik bukas ng umaga kami uuwe.

Joma – Sige pi Sir.

Umalis na sila naiwan na lang si Maya at Ser chief sa hospital. Natulog na agad si Maya at si Ser chief naman ay nahiga sa may sofa.

Kinabukasan pag gising ni Ser chief wala na si Maya sa higaan niya at may sulat na naka-patong sa kama.

Umalis na ko wag mo na ako sundan. Umuwe kana iniintay kana ng mga bata -Maya

Putol ulet. Mabilisan lang munang sulat to. Sana walang mag hate salamat.

11 thoughts on “Maya and Ser Chief – part 4

  1. Pingback: ghug ser | Scribls

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s