Rich in Love – parts 27-43

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Kris Interino. This is a continuation to Rich in Love – parts 18-26

Author: Kris Interino

~*~

Chapter 27

L.A- MAYA’S STATION- DAY

Nasa Station nina Liza at Maya si Richard. May ipinapaayos kay Sonny. May tatawag kay Richard.

RICHARD

Hello Dad?

ALFREDO

Iho, kumusta?

RICHARD

I’m okay Dad. Feeling better.

Biglang maririnig ni Alfredo na tinawag ang pangalan ni Maya.

LIZA

Maya, pwede ba ko papirma?

MAYA

Oo naman po, Mam Liza.

ALFREDO

Kasama mo si Angel?

RICHARD

Who’s angel, Dad?

ALFREDO

Si Maya! Sino pa ba ang angel ko?

RICHARD

Si Dad talaga.

ALFREDO

Pakausap naman ako sa kanya. Namiss ko ang batang iyan.

RICHARD

Wait Dad! I’ll give her the phone.

Lalapit si Richard kay Maya handing the phone.

RICHARD

Maya, Dad wants to talk to you.

Kukunin ang phone sa kamay ni Richard.

MAYA

Hello po?

ALFREDO

Hello Maya!

MAYA

Hi po Tito! Kumusta na po kayo?

ALFREDO

Feeling better just like my son.

Mapapasulyap si Maya kay Richard.

MAYA

Talaga po? Mabuti naman po.

ALFREDO

Guess what?

MAYA

Ano po yun?

ALFREDO

Pwede na ko makalabas ng hospital bukas!

Mabibigla si Maya sa good news at mapapatalon.

MAYA

Talaga po Tito! Wow! Ang galing naman noon! Ang bilis nyo naman po yata nakarecover?

ALFREDO

May anghel kasing pinadala si Lord para pagalingin ako. And it was you.

MAYA

Tito naman eh! Nambola pa.

ALFREDO

I’m telling the truth, Maya. You’re an angel. Sana ikaw na lang ang mapangasawa ni Ricky.

Biglang magba-blush si Maya at mahahalata iyon ng mga nakapaligid sa kanila. Matatawa ng kunti si Richard pero hindi magpapahalata.

MAYA

Tito naman e.

ALFREDO

Sige na iha. Hand over the phone to Ricky.

MAYA

Sir Chief oh…

Kukunin ulit ni Richard ang phone kay Maya.

RICHARD

Hello Dad?

ALFREDO

Thanks Anak.

RICHARD

Dad, parang tumawag lang kayo para makakwentuhan si Maya.

ALFREDO

Yes. I miss that kid.

RICHARD

Si Maya lang, Dad? Paano ako?

ALFREDO

Hasus! At talagang nagtampo ka pa. Di ka na bagay, Ricardo! Bagay sayo mag-asawa na and Maya would be the right girl.

RICHARD

Dad, don’t tease me! I’m not a kid anymore.

ALFREDO

Tinamaan ka naman. Bye na. Pick me up tomorrow. I’ll be fixing a dinner for Maya the next day.

RICHARD

Wow! Buti pa si Maya, gagawan nyo noon. Nakakainggit ah!

ALFREDO

Saka na kita gagawan kapag magpapakasal na kayo ni Maya.

RICHARD

Si Dad talaga! Bye na nga.

Richard will hang up the phone. Smiling.

MAYA

Sir Chief, nag-away na naman po ba kayo ni Tito?

RICHARD

Nope. He was just teasing me. Sige. I’ll go ahead.

MAYA

Sige po.

Habang abala si Maya sa pagso-sort out ng mga papers sa mini-cabinet niya. Magri-ring ang phone niya. Number lang ang magreregister sa screen niya. Sasagutin niya ito.

MAYA

Hello?

NIKKI

(on the phone)

Hello Ate Maya! This is Nikki, I asked Kuya Richard your number.

MAYA

Hi po Mam Nikki!

NIKKI

Ate Maya, Nikki is enought. By the way, I called because I wanted to remind you.

MAYA

Remind po? Tungkol saan Mam Nikki?

NIKKI

Ate Maya, Nikki po. And drop the ”Po” and ”Opo”. You’re older than me.

MAYA

Ay! Sorry Nikki. Ano ba yung ireremind mo sakin?

NIKKI

About our dinner the day after tomorrow.

MAYA

Anong meron, Nikki?

NIKKI

Basta Ate Maya. I reminded you na.

MAYA

Sino ka-dinner natin, Nikki?

NIKKI

Secret muna, Ate Maya. I’ll be expecting you! See you!

MAYA

Sige!

Ibababa na ni Maya ang phone. Mapapaisip si Maya. Then after 2 hours, may magtetext kay Maya.

From: ROEL

Message: Hi Maya! Are you free the day after tomorrow?

To: ROEL

Message: Ay! Sorry po! May dinner po ako that day.

From: ROEL

Message: Ay! Sayang! Di bale, next time na lang.

Lalapit si Sonny para mag-usyoso kay Maya.

SONNY

Maya, ganoon ka ba ka-close ka Daddy ni Sir Richard?

MAYA

Ah! Eh! Ano kasi yun…

SONNY

Boyfriend mo na si Sir Richard noh?!

Magugulat si Maya sa sinabi ni Sonny. Magsasalita na sana si Maya ng–

SONNY

Joke lang! Si Thalia kaya ang girlfriend ni Sir Richard.

Magkukunwari si Maya na hindi alam ang totoo.

MAYA

Ah! Talaga?! Ngayon ko lang nalaman yan.

SONNY

Ngayon mo lang nalaman e lagi kayong magkasama ni Sir Richard.

Magiging defensive si Maya.

MAYA

Hindi po ah!

SONNY

Joke lang!

Paalis na si Sonny ng may matanggap magtext si Maya.

From: NIKKI

Message: I can’t wait to see you again!

Mapapangiti na lang si Maya sa text message ni Nikki.

Chapter 28

L.A- MAYA’S STATION- DAY

Makakatanggap ng text message si Maya galing kay Nikki.

From: NIKKI

Message: Ate Maya, you can invite Ate Liza and one of your friend.

Magrereply si Maya.

To: NIKKI

Message: Papayag ba si Ser Chief kung isama namin si Mam Liza at si Ysa?

From: NIKKI

Message: Akong bahala kay Kuya!

L.A- MAYA’S STATION- DAWN

Uwian time na ng mga staff’s. May matatanggap na tawag si Maya. Number lang ang magreregister sa phone ni Maya.

MAYA

Hello po?

ALFREDO

Hello Angel!

Magtataka si Maya sa pangalan nabanggit ni Alfredo.

MAYA

Sir–este Tito, sino po na ”Angel” ang sinasabi nyo?

ALFREDO

It’s you, Maya. You’re my Angel.

MAYA

Tito naman eh!

ALFREDO

By the way, nasa office ka pa ba?

MAYA

Opo.

ALFREDO

Ah! Maya, wait lang ha? Stay on the line.

MAYA

Opo.

Hindi nga ibababa ni Maya ang phone niya. Iho-hold nga ni Alfredo ang tawag kay Maya saka Tatawagan naman ni Alfredo si Richard through Conference.

RICHARD

Hello Dad?

ALFREDO

Anak, nasa company ka pa, right?

RICHARD

Pauwi na ko Dad for our dinner with Maya.

ALFREDO

Good. Puntahan mo na si Maya sa table niya.

RICHARD

Dad, umuwi na si Maya. I’ll pick her up na lang sa condo niya.

ALFREDO

Ricky, sundin mo ko. Puntahan mo si Maya sa table niya ngayon din!

Dali-dali ngang lalabas ng office nya si Richard at pupuntahan si Maya sa table nito tulad ng sabi ng Daddy nya.

RICHARD

Okay. Wait! Palabas na ko ng office ko.

ALFREDO

Good.

Tatanggalin na ni Alfredo ang pagkakahold sa tawag kay Maya. Magkakarinigan na silang tatlo. Makikita nga ni Maya na palapit sa kanya si Richard while talking to his phone. Magtataka si Maya.

MAYA

Sir Chief????

RICHARD

Maya??? I thought nakauwi ka na?

Maririnig nga ni Alfredo si Maya. Magsasalita na nga ito through phone conference.

ALFREDO

Ricky… Maya, sinadya kong pagsabayin na tawagan kayo kasi baka hindi na naman ako sundin nitong si Ricky. Kasi parang sayo lang nakikinig Maya itong binata ko.

RICHARD

Dad!?

Matatawa si Maya sa narinig sa kabilang linya. Makikita sya ni Richard na tumatawa.

RICHARD

Now, you’re laughing at me.

Matitigilan si Maya sa pagtawa, magseseryoso kunwari pero pigil ang tawa.

MAYA

Hindi po ah!

ALFREDO

Ricky, isabay mo na si Maya papunta dito. Nikki’s waiting for her.

RICHARD

Fine! Gagawin na.

ALFREDO

I’ll wait for the two of you here. Bilisan nyo.

Ibababa na ng dalawa ang phone nila.

RICHARD

Shall we go?

MAYA

Eh Sir Chief, paano po sina Mam Liza at Ysa?

RICHARD

Why? Pupunta din ba sila?

MAYA

Sabi po ni Nikki isama ko daw silang dalawa. Tawagan ko po muna kaya para masundo.

RICHARD

Ako ng tatawag kay Nikki.

Ida-dial ang phone number ni Nikki. Magri-ring at sasagutin ni Nikki sa kabilang linya.

NIKKI

Hello Kuya? Ang tagal nyo?

RICHARD

Susunduin muna namin sina Liza at Ysa.

NIKKI

Kuya, kanina pa sila nandito sa bahay. Pinasundo na ni Daddy. Kayo na lang ni Ate Maya ang wala.

Mapapatingin si Richard kay Maya. Then ibabalik kay Nikki ang atensyon.

RICHARD

Okay. We’ll be there.

Ibababa na ni Richard ang phone niya. Haharapin si Maya.

MAYA

Susunduin na ba natin sina Mam Liza at Ysa, Sir Chief?

RICHARD

Maya, kanina pa pala sila nandoon. Tayong dalawa na lang ang inaantay.

MAYA

Po? Eh paano po nila nalaman ang tirahan ni Mam Liza at condo namin ni Ysa?

RICHARD

Dad has his own way.

Magtataka si Maya.

MAYA

Kaya pala!

RICHARD

Why?

MAYA

Nagmamadali po kasing umuwi kanina si Mam Liza.

Richard will try to catch his breath.

RICHARD

Well, let’s go?

MAYA

Sige po.

On their way to Mahogany Villas. May biglang maaalala si Maya.

MAYA

Sir Chief, pwede po ba tayo dumaan sa mga wet market? Bili lang po ako ng fruits for Tito.

RICHARD

You’re the boss.

Dadaan nga sila sa wet market. Iba’t ibang klase ng fruits ang bibilhin ni Maya. Hanggang sa may makikita si Maya na umpok ng mango. Kukuha siya nito ng 12. At chiko, 5 pieces. Bananas. Pupunta si Richard sa refrigerator at kukuha ng 6 pieces na coke.

MAYA

Ang dami naman po nyan, Sir Chief.

RICHARD

Di lang tayo ang tao sa bahay namin sa Mahogany. And I’m sure, kung gaano ka-fond sayo si Dad, ganoon din yun sayo si Mommy.

Medyo maaasiwa si Maya sa sinabi ni Richard pero hindi sya pahahalata. Babayaran na ni Richard ang mga kinuha nila. On their way sa Mahogany Villas…

RICHARD

Bakit parang ang dami mo naman pinamili?

MAYA

Kasi po Sir Chief, nakakahiya sa Daddy mo.

RICHARD

Why? Masaya na yun makita ka lang.

MAYA

Kahit pa Sir Chief. Dapat may pasalubong pa rin.

RICHARD

Hindi naman paborito ni Dad ang mango.

MAYA

Ah! Ito ba Sir Chief, favorite ko ito eh. Sa probinsya, ito po kinakain ko. Lalo na kapag may bagoong o toyo lang.

RICHARD

Bagoong at toyo?

MAYA

Opo. Hindi nyo pa po ba natitikman yun?

Matatawa si Richard while driving.

RICHARD

Nakakain na ko ng mango with salt. But not with bagoong or toyo.

MAYA

Ay! Sir Chief, ang sarap noon. Mamaya, ipatitikim ko sainyo.

Tuloy-tuloy na sila papunta sa Mahogany Villas.

Chapter 29

MAHOGANY VILLAS- GUARD HOUSE- NIGHT

Nasa may gate na sila.

RICHARD

Boss, sa Lim Residence kami.

GUARD

Okay boss.

Uusad na sila palapit sa bahay ng mga parents ni Richard. Mamamangha si Maya sa laki ng mansion pagpasok nila sa gate ng mansion.

MAYA

Sir Chief, ang laki po ng bahay ng Daddy nyo. Parang hindi na kayo magkakakitaan nito sa loob.

RICHARD

These is my Dad’s ancestral home. May townhouse sya sa Tagaytay. Gusto nga niya pumunta doon after this dinner.

MAYA

Oo Sir Chief para makasagap sya ng sariwang hangin.

RICHARD

Yeah.

Kukunin na ni Richard sa likod ng kotse ang mga pinamili nila. Lalabas si Joma ng mansion.

JOMA

Sir, tulungan ko na po kayo.

RICHARD

Oh! Kelan ka pa dumating, Joma?

JOMA

Kahapon lang po ng gabi. Nandyan na din po sina Doris at Sabel.

RICHARD

Good.

Maaalalang ipakilala ni Richard si Maya.

RICHARD

Ah, Joma, this is Maya. Maya, si Joma. Childhood friend ko.

MAYA

Hello po Kuya Joma!

JOMA

Kuya Joma? Wag ganun. Pinatandan mo naman ako. Joma na lang.

MAYA

Sige po.

JOMA

Sir, girlfriend mo si Maya?

Mapapatingin sina Richard at Maya sa isa’t isa at sabay sasagot.

RICHARD/MAYA

We’re friends/Kaibigan ko po.

Matatawa si Joma.

JOMA

Sir Richard… Maya, joke lang po.

Hindi maiiwasan ni Richard na matawa kay Joma. Pagbubuksan ni Richard si Maya ng pinto hawak si Maya sa likod nito.

ALFREDO

Maya! Welcome home!

MAYA

Hello po!

Magwa-wave si Maya sa matanda at yayakapin nya din.

ALFREDO

How are you, Maya?

MAYA

Okay lang po ako, Tito! Kayo po?

ALFREDO

Mas malakas pa ko sa kalabaw, Maya.

Ipapakilala ni Alfredo si Maya sa asawa.

ALFREDO

Maya, I would like you to introduce my lovely and gorgeous wife, Esmeralda.

MAYA

Hello po Mam!

ESME

So, ikaw pala ang tinutukoy nitong si Alfredo at Ricky.

MAYA

Po?

ESME

Lagi ka kasing ikinu-kwento nitong si Alfredo… Lalo na yan si Ricky.

Magugulat si Maya sa tinuran ng matandang Lim. Mapapatingin si Maya kay Richard. Sasawayin naman ito ni Richard.

RICHARD

Mommy!

ESME

Oh! Bakit? Totoo naman ah!

ALFREDO

Teka lang, tatawagin ko lang sinaNikki, Liza at Ysa para makakain na tayo. Sarap ng ulam. Favorite ni Ricky, kare-kare.

Biglang bababa si Nikki mula sa room nito sa 2nd floor. At patakbong yayakapin si Maya. Magbebeso-beso sila.

NIKKI

Ate Maya! You’re here na!

MAYA

Hello Nikki!

NIKKI

Ate Maya, I’ve got something for you and I know you’ll love it!

Lalapit si Alfredo kina Maya at Nikki.

ALFREDO

Mga anak, let’s eat na muna. Mamaya na yan mga girly stuff nyo ha. Makakapaghintay yan.

NIKKI

Daddy! This thing can’t wait!

ALFREDO

Anything can wait except for one thing. Our blessing which is already served by Manang Fe.

RICHARD

Talaga Dad? Manang Fe is here!

ALFREDO

Oo. Mula ng marinig nilang gumaling na ko, nagsidatingan na ang mga yan.

Lalabas sina Manang Fe, Doris at Sabel mula sa kusina.

MANANG FE, 60 y/o, Filipina, nasa poder na ng Lim Family mula ng ipanganak si Richard. Mayordoma na ng mga kasambahay.

DORIS, 30 y/o, reyna ng bangs, may pagka-chismosa minsan pero nasa lugar.

SABEL, 35 y/o, reyna ng hairnet, bestfriend ni Doris, may pagka-chismosa din.

MANANG FE

Sir Alfredo, Mam Esme, nakahanda na ang lamesa.

ALFREDO

Let’s go.

MAYA

Eh Sir Chief, sina Liza at Ysa po?

DORIS

Ako na po ang tatawag sa kanila.

Mauuna ng pupunta sa dining table ang dalawang matanda, susunod sina Richard at Maya na hahawakan pa sa likod si Maya. Sa gitna uupo ang matandang Lim at sa kanan naman nito ang asawa. Hihilahin ni Richard ang upuan sa left side ni Alfredo para upuan ni Maya at tatabi dito si Richard. Sa tabi naman ni Mrs.Lim mauupo si Nikki. Pagkatapos ng lahat na kumain ay biglang tatayo si Maya.

RICHARD

Where are you going, Maya?

MAYA

Magbabalat po ng manga.

RICHARD

Do it later.

MAYA

Sir Chief, masarap gawin panghimagas ang manga na may bagoong o toyo.

Sisingit si Alfredo.

ALFREDO

Manga with bagoong o toyo? Sounds delicious! Can I try it?

MAYA

Opo. Teka lang po ha.

Pupunta si Maya sa kusina at maaabutan niya doon sina Manang Fe, Doris, Sabel at Kuya Joma.

MAYA

Hello po!

Medyo mag-aalangan pang kumaway sina Doris at Sabel.

DORIS/SABEL

Hello…

MAYA

Kumain na po kayo?

MANANG FE

Hindi pa. Bakit Mam Maya?

Matatawa si Maya sa itinawag sa kanya ni Manang Fe.

MAYA

Naku! Manang Fe, hwag nyo po akong tawaging ”Mam” kasi hindi po ako mayaman. Probinsiyana po ako.

MANANG FE

Baka mapagalitan kami ni Ricardo kapag hindi ka namin tinawag sa ganung pangalan.

MAYA

Ay! Wag po kayong mag-alala Manang Fe, ako pong bahala sainyo.

MANANG FE

Girlfriend ka ba ni Ricardo?

Biglang matatawa si Maya.

MAYA

Manang Fe, hindi po ako girlfriend ni Sir Chief. Kaibigan ko po siya. Saka hindi pa po ako nagkaka-boyfriend mula pa noong bata pa ako.

KUYA JOMA

Wehh???? Di nga???!

MAYA

Promise po! Cross my heart! Hope to die!…. Pero wag muna ngayon.

Matatawa ng bahagya si Manang Fe.

MANANG FE

Alam mo Maya, nakakatuwa ka.

MAYA

Parang clown po ba?

MANANG FE

Ang batang ito! Teka, bakit ka nga pala naparito sa kusina? May kelangan ka?

MAYA

Ay! Opo Manang Fe. Magbabalat lang po sana ako ng mangang hilaw tapos isasawsaw sa bagoong o toyo.

DORIS

Wow! Ang sarap noon, Maya. Perfect!

MAYA

Oo, Doris. Ipapatikim ko kina Sir Chief.

MANANG FE

Oh siya, sandali at ipagbabalat kita.

Akmang tatalikod na si Manang Fe ng pigilan sya ni Maya.

MAYA

Manang Fe, ako na po ang gagawa.

MANANG FE

Nakakahiya sayo. Bisita ka rito eh.

MAYA

Ehhhhhhhh! Si Manang Fe talaga! Hindi po ako bisita dito.

Biglang susulpot si Richard sa kusina.

Chapter 30

Biglang magpapanic ang mga kasambahay. Magbi-busy-busyhan.

MANANG FE

Ricardo, ipagbabalat ko lang ng manga si Mam Maya.

MAYA

Manang Fe, di ba sabi ko po wag nyo po akong tatawaging ”Mam Maya”?

MANANG FE

Baka kasi mapagalita ako ni Ricardo kapag hindi kita tinawag ng ganun.

MAYA

Manang Fe, pang-mayaman lang po yun. Para po sa aming mga mahihirap, pangalan po sa amin. Saka sabi po nila, mas sweet sa pandinig kung sa pangalan ka tatawagin ng mga kakilala mo.

Sisingit si Richard.

RICHARD

Manang Fe, hindi ka mananalo kay Maya. Mas makulit yan kesa sakin. Ang daming dahilan. Kaya kung ako sainyo, susundin ko na lang.

Matatawa si Manang Fe.

MANANG FE

Sige na nga. Batang ito. Teka, ipagbabalat na kita.

MAYA

Ako na po, Manang Fe. Hindi po ako bisita rito.

MANANG FE

Oh! SYA! ITO na.

Matatawa na lang si Richard kay Manang Fe at bibigyan ng matamis na ngiti si Maya na hindi makakaligtas sa paningin nina Manang Fe. Pagkatapos magbalat ni Maya ay tag-isa sila ng bitbit ni Richard. Ang platito ng bagoong at toyo ay kay Richard, ang manga ay kay Maya.

MAYA

Heto na po! Tikman nyo na po. Kahit alin po dyan sa dalawa ang dressing.

Isa-isa na nga kukuha ang pamilya Lim. Nanamnamin. Una magrereact si Alfredo.

ALFREDO

Wow! Ang sarap! Pareho masarap! Mukhang mapapadalas ang kain ko ng manga ah!

MAYA

Wag naman po pakasobra at baka mawalan na kayo nyan ng dugo.

ALFREDO

Ganun ba yun?

MAYA

Opo.

Pagkatapos nilang kumain ng manga ay aayain na ni Nikki si Maya.

NIKKI

Ate Maya, let’s go upstairs. I wanna show you something.

ALFREDO

Sige na Maya. Hindi na talaga yan papipigil.

MAYA

Sige po. Baunin natin sa taas itong manga.

Aakyat na nga sa taas sina Nikki at Maya.

MAYA

Wow! Nikki, ang ganda ng kwarto mo. Mag-isa ka lang ba dito?

NIKKI

Yes. Mom and Dad gave us privacy.

MAYA

Ganun talaga. Dapat may privacy ka rin. Teka, ano ba yung ipapakita mo sakin?

NIKKI

Ah! This one…

Ipapakita ang isang kahon na puno ng girly stuff. Pictures. Stickers. Pero meron isang bagay na mapapansin si Maya. Kukunin nya ito…

NIKKI

Oh, that one? Somebody gave me that when I was only 6 y/o. That person told me na I was adopted.

MAYA

Sorry.

NIKKI

It’s okay Ate Maya. I was immune whenever I’ve that word. My Mom and Dad told me about me being adopted when I start being rebelious. That was the time that I was puzzled with the thought of our age gap.

MAYA

Age gap?

NIKKI

Yes. Between me and Kuya Ricky. He doesn’t want me to feel that I was adopted because, he loves me as his real sister. That’s why he begun spoiling me in everything. Ayaw nya ma-feel ko na ampon lang ako. But I don’t tolerate myself to be spoiled.

MAYA

Ang bait mo naman, Nikki.

NIKKI

Pero minsan, mataray at suplada din ako.

MAYA

Mood swings gaya ng Kuya mo?

NIKKI

Yes. Ate Maya, kaya feeling ko, we’re real brother and sister.

MAYA

Okay lang yan.

Biglang may kakatok sa pinto.

NIKKI

Come in!

Bubukas ang pinto at iluluwa si Sabel.

SABEL

Mam Nikki… Maya, coke nyo po oh.

NIKKI

Awww… I’m so full na.

MAYA

Dito mo na lang Sabel.

Dadampot ng manga si Maya at kakainin nya ito. Mauubos nya ito habang nagku-kwentuhan sila ni Nikki. At maya-maya ay iinom ng coke.

NIKKI

Ate Maya, you seems matakaw pero bakit ang sexy ng katawan mo?

Matatawa si Maya.

MAYA

Nikki, aaminin ko sayo. Matakaw talaga ako pero mula ng mapunta ako dito sa Maynila, nabawasan ang katakawan ko dahil nagtatrabaho na ko.

NIKKI

Really? You were amazing. Matakaw pero hindi tumataba.

Lalabas muna ng room nya si Nikki para kulitin ang Kuya nya na bumili ng donut.

NIKKI’S ROOM

Pagbalik ni Nikki sa kwarto nya ay makikita nya si Maya na hawak-hawak ang tyan, namimilipit sa sakit. Lalapitan ni Nikki si Maya.

NIKKI

Ate Maya, are you okay?

MAYA

Nikki…

Hindi makakapagsalita si Maya sa tanong ni Nikki.

NIKKI

Wait Ate Maya! Tatawagin ko lang si Kuya!

Iiwan nga ni Nikki si Maya na nakahiga at namimilipit sa sakit. Lalabas si Nikki ng kwarto at bababa sa terrace para tawagin ang Kuya nya.

ALFREDO

Oh! Nikki, bakit para kang hinahabol ng toro dyan at hingal na hingal ka?

NIKKI

Kuya! Help! Si Ate Maya!

Maririnig iyon ni Richard at lalapitan ang kapatid.

RICHARD

Why Niks? What’s wrong?

NIKKI

I don’t have time to explain Kuya. Ate Maya needs you!

Hihilahin na ni Nikki si Richard papunta sa kwarto nito. Susunod ang dalawang matanda. Madadatnan nila si Maya na nasa CR, nakaupo sa tabi ng bowl at nagsusuka. Dali-dali syang lalapitan ni Richard. Hahagurin sa likod. Makikita mo kay Richard na worried.

RICHARD

Maya, are you okay?

Pipilitin magsalita ni Maya.

MAYA

Sir….. Chief….

RICHARD

Anong masakit sayo?

MAYA

Ang tiyan ko po!!!!

RICHARD

Dadalhin kita sa ospital. Kaya mo pa bang maglakad?

MAYA

Kakayanin ko… Po…

Tatayo na nga si Maya. Hahawakan na sya ni Richard sa beywang palapit sa kanya at hahawakan ang kaliwang kamay ni Maya.

Magsisimula ng maglakad si Maya sapo ang tyan nya ng unti-unti syang mamutla…

NIKKI

Ate Maya, you look pale!

Magdidilim na ang paningin ni Maya at matutumba sya, masasalo sya ni Richard.

RICHARD

Maya… Maya….

Wala ng malay si Maya. Aayusin ni Richard ang pagkakahawak kay Maya at bubuhatin ito para dalhin sa ospital.

Chapter 31

ST. LUKES MEDICAL CENTER MAKATI- NIGHT

Lakad dito, lakad doon ang ginagawa ni Richard. Samantalang nakaupo lang ang magulang nya. Mahihilo na si Alfredo sa kalalakad ni Richard. Tatayo ito at hahawakan si Richard sa braso.

ALFREDO

Ricky, calm down. Everything will be fine.

RICHARD

Dad, how can I? Nag-aalala ako kay Maya. She was pale earlier. Paano kapag–

ALFREDO

Ricky, walang mangyayaring masama kay Maya.

Lalabas ang Doctor mula sa Emergency Room. Sabay-sabay lalapit ang tatlo sa Doctor.

RICHARD

How is she, Doc?

DOCTOR CABRERA

She’s fine. Food poisoning. Manga and coke is a wrong combination of food. Bibigyan ko na lang kayo ng resita para ipainom sa kanya. She needs to rest. Be careful with the food na pakakainin sa kanya.

RICHARD

I will.

DOCTOR CABRERA

Mauuna na ko.

Pupuntahan na nila si Maya sa ward. Makikita nila si Maya na nakahiga hawak ang tyan nya. Lalapit ang tatlo kay Maya. Pipilitin tumayo ni Maya. Na pipigilan naman sya ni Richard.

RICHARD

Wag mo ng pilitin pang tumayo, Maya.

MAYA

Kaya ko na po, Sir Chief.

ALFREDO

Magpahinga ka muna, Maya.

MAYA

Kelangan ko na po umuwi, Sir Chief.

RICHARD

No. Hindi ka pa magaling.

MAYA

Sir Chief, okay na po talaga ako. Kaya ko na po.

ALFREDO

Are you sure, Maya?

MAYA

Opo. Promise po.

Mapapabuntong-hininga si Richard.

RICHARD

Fine! I’ll bring you home then.

Iwe-wave pa ni Maya ang kamay. Tatanggi pa si Maya.

MAYA

Pero Sir Chief–

RICHARD

Don’t argue, Maya. Ihahatid kita sainyo. And don’t work tomorrow. Magpahinga ka.

MAYA

Pero Sir Chief–

RICHARD

Kahit ngayon lang, Maya. This is for your safety din naman.

MAYA

Sige na nga po.

Iuuwi na nga ni Richard si Maya. Aalalayan nya pa rin ito hawak sa bewang ni Maya at kamay nito.

MANILA HOTEL- YSA’S CONDO UNIT- NIGHT

Magdo-doorbell si Richard sa Condo ni Ysa. Pagbubuksan sila ni Ysa at makikita si Richard na nakahawak sa bewang at kamay ni Maya.

YSA

Tuloy kayo.

Papasok nga sina Maya at Richard. Pauupuin si Maya sa sofa.

RICHARD

Ysa, I have to go. Inihatid ko lang talaga si Maya.

YSA

Ganun ba. Sige.

RICHARD

Ysa, wag mo papasukin si Maya tomorrow. She need to rest.

YSA

Yes boss.

RICHARD

Bye, Maya.

MAYA

Babye po Sir Chief. Ingat po kayo.

RICHARD

I will. Yung mga gamot mo, don’t forget to take them.

MAYA

Opo.

Yuyuko si Richard, hahawakan sa kamay si Maya upang halikan sa cheek nito. Tutuwid ng tayo si Richard. Smiling at her.

RICHARD

Good night, Maya. Sleep well.

Tatango si Maya na parang natulala. Aalis na si Richard sa Condo nina Maya.

MANILA HOTEL- YSA’S CONDO UNIT- DAY

Nakabihis na si Maya ng lalabas ng room nya. Magugulat si Ysa.

YSA

Hala Maya! Papasok ka?

MAYA

Oo, bakit?

YSA

Hindi ka pwede pumasok ngayon.

MAYA

Bakit?

YSA

Kabilin-bilinan iyon ni Sir Richard.

MAYA

Ysa, okay na ko. Kaya ko na.

Akmang bubuksan na ni Maya ang Pinto ng haharangin ito ni Ysa.

YSA

Maya, ako ang mapapagalitan ng jowa mo!

Magugulat si Maya sa narinig kay Ysa.

MAYA

Anong sinabi mo, Ysa?

Maliligalig si Ysa dahil sa kadaldalan.

YSA

Ah! Wala! Sabi ko pagagalitan ako ni Sir Richard.

MAYA

Ysa, okay na ko. Promise.

YSA

Maya naman…

MAYA

Sige ha. Kelangan ko ng umalis. Mala-late ako.

Hindi na mapipigilan pa ni Ysa si Maya sa pagpasok nito sa trabaho. After 30 minutes ay meron magdo-doorbell sa Condo ni Ysa. Pagbubuksan ito ni Ysa. Magugulat si Ysa.

YSA

Sabi ko naman– Sir Richard?????

Magsasalubong ang kilay ni Richard sa pagtataka.

RICHARD

Why? Where is Maya?

Kakamot sa batok si Ysa.

YSA

Ah! Eh! Sir Richard… Ano kasi….

RICHARD

What?

Magsasalita si Ysa ng sobrang bilis.

YSA

Sir Richard, ginawa ko na po ang lahat para pigilan syang pumasok. Pero sobrang kulit talaga ng bruha na iyon kaya ayon!

RICHARD

What????!

Mamemewang na si Richard sa harap ni Ysa. Tiger mode na.

RICHARD

I told her to rest!

Iiling-iling si Richard.

RICHARD

Thanks, Ysa. I have to go.

Aalis na si Richard sa condo ni Ysa para pumunta sa L.A.

L.A- MAYA’S STATION- DAY

Matatagpuan ni Richard si Maya sa kumpol ng mga staff niya. Mapapatingin ang lahat kay Richard. Magsisipuntahan sa kanya-kanyang cubicle. Magugulat si Maya at mahihigit ang hininga. Magi-Guilty sya.

MAYA

Sir Chief…

Lalapit si Richard kay Maya na nakakunot-noo.

RICHARD

Maya… Di ba sabi ko sayo, hindi ka pwedeng pumasok ngayon?

MAYA

Sir Chief, kalma lang po.

Ang hindi alam nina Sir Chief at Maya, nasa tabi lang ang mga magulang ni Richard, pinapanood ang pagtatalo ng dalawa.

RICHARD

Paano ako kakalma kung ang tigas naman ng ulo mo. Kasasabi ko lang kagabi na magpahinga ka, hindi mo naman ginawa.

MAYA

Eh Sir Chie–

Ilalagay ni Richard ang index finger nya sa lips ni Maya para pigilan ito sa pagsasalita. Magugulat si Maya sa ginawa ni Richard. Kakagat-kagatin ang labi papasok sa loob ng bibig.

RICHARD

Pagtatalunan pa ba natin ito, Maya. Hindi naman ako ang magagalit sayo sa ginagawa mo eh.

Mapapaisip si Maya.

MAYA

Huh? Sino po ang magagalit sakin?

RICHARD

Si Dad. Kapag malaman nya lang ito. Lagot ka doon.

Biglang sisingit si Alfredo.

ALFREDO

Hindi totoo yan, Maya.

Magugulat sina Richard at Maya pati na ang mga nakapaligid sa kanila. Lalapit ito sa dalawa.

Chapter 32

Magbibigay ng galang ang lahat ng empleyado.

EMPLOYEES

Good morning Mam… Sir.

Yayakapin ni Maya ang mga magulang ni Richard. Bebeso naman si Richard sa Mommy nya. Pupwesto naman si Richard sa likod ni Maya.

RICHARD

Mommy, kanina pa kayo dyan?

ESME

Well, let just say, we heard you all along. Hindi lang kami umimik.

Hahawakan ni Alfredo si Maya sa balikat.

ALFREDO

Kumusta na pakiramdam mo, Maya?

MAYA

Okay na po ako. Kakain naman po ako sa tamang oras eh.

Hanggang sa biglang abutan ng sinok o hiccup si Maya.

RICHARD

Kuha lang ako ng tubig.

MAYA

Wag na po Sir Chief.

RICHARD

Stay here.

Magkakatinginan ang mga empleyado. Darating naman si Nikki na ikagugulat ni Richard pagbalik nya dala ang tubig para kay Maya.

RICHARD

Drink this.

Kukunin ni Maya ang baso na may tubig at iinumin.

MAYA

Thank you po Sir Chief.

RICHARD

Nikki, wala ka bang pasok?

NIKKI

I don’t have class today, Kuya.

Lilipas ang 2 minutes, sisinukin pa rin si Maya. Mapapansin yun ni Esme.

ESME

Iha, hindi pa rin maalis-alis ang sinok mo ah!

Sisinok pa rin si Maya at mapapahawak sa dibdib nya. Nasa tabi nya pa rin si Richard. Mapapaisip si Esme.

ESME

Alam ko na ang dapat mong gawin, Ricky.

Mapapakunot-noo si Richard.

ESME

Kiss her.

Magugulat sina Richard at Maya sa sinabi ni Esme. Sabay mapapasagot.

RICHARD/MAYA

What?/Po?

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya.

ESME

Meron kasi akong nabasang article about hiccup. Kapag hinalikan daw ng lalaki ang babae or vice versa, maaalis ang sinok nya.

RICHARD

At naniwala naman kayo, Mommy.

ALFREDO

Walang masama kung susubukan natin. Wala naman sigurong mawawala sayo, di ba?

RICHARD

Dad…. Mom!

ESME

Try lang natin kung effective sya.

Mapapatingin si Richard kay Maya. Magtatalo pa ang isip ni Richard.

ESME

Sige na anak.

Mapapabuntong-hininga si Richard. Unti-unti ilalapit ni Richard ang mukha kay Maya. 3 inches na lang ay biglang lilihis ng direksyon ang lips ni Richard at mapapadapo ito sa noo ni Maya. Biglang magre-react si Nikki.

NIKKI

Kuya! Hindi sa forehead! Sa cheek dapat. You’re so G-R-R-R talaga!

Mapapatingin ang lahat kay Nikki.

ESME

You know about it, Nikki?

NIKKI

Yes, Mommy. Nabasa ko rin yun.

Mapapatingin si Esme kay Richard.

ESME

Then, do it Ricky.

Mapapakamot na sa batok si Richard sa kakulitan ng mga ito.

RICHARD

Mommy naman… Nakakahiya na kay Maya.

ESME

Eh anong gusto mo? Ang maalis o hindi ang sinok ni Maya?

Mapapabuntong-hininga na nga si Richard. Medyo maiinis na dahil sa kakulitan ng Mommy nya. Mahihigit ni Maya ang paghinga nya. Ilalapit na ulit ni Richard ang mukha kay Maya at hahalikan na si Maya sa cheek. May tunog pa. Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya. Mapipilitan ngitian ni Richard si Maya. At ibabalik sa direksyon ng mga magulang ang tingin ni Richard samantalang matutulala si Maya. Dati ng ginagawa ito ni Richard sa kanya pero hindi sya handa sa pagkakataon na iyon.

RICHARD

Okay na ba, Mommy?

ESME

Let’s see, Son.

Titingnan ng makahulugan ni Richard ang Mommy nya. After a minute…

ESME

See?! Effective sya. Hindi na sininok si Maya.

Mapapabuntong-hininga si Richard dahil talagang hiyang-hiya sya sa mga pinagagawa ng Mommy nya sa kanya sa harap ng mga ka-officemate nya. May maaalala ang Mommy ni Richard.

ESME

Oo nga pala. Pwede ba kami sumama sa taping mo bukas, Son?

Magkikibit-balikat si Richard.

RICHARD

Of course, Mommy.

ALFREDO

Syempre, isasama namin si Maya.

Tatanggi si Maya.

MAYA

Pero Tito, may trabaho po ako.

Aakbayan ni Alfredo si Maya.

ALFREDO

Anak ko ang boss mo, Maya. So, susundin nya ko, right Son?

Bubuntong-hininga ulit si Richard. Tataas ang dalawang kilay.

RICHARD

You’re the boss, Dad.

ALFREDO

Yun oh!

NIKKI

Dad, juan dela cruz lang ang peg?!

ALFREDO

Son, sige na. Bumalik ka na sa work mo. Dito lang kami kay Maya.

RICHARD

Dad, she has a work. Maiistorbo nyo lang sya.

ALFREDO

Son, di ba sabi mo, pahinga ngayon ni Maya. So, babantayan namin sya na hindi gumalaw dito. Magpapahinga sya while with us.

MAYA

Tito?!??

ESME

No more arguments, Maya. Magaan lang ang gagawin mo today.

RICHARD

Girly stuff again?

Pupunta na si Richard sa office nya to attend on his office commitments. Mako-curious si Maya.

MAYA

Ano pong gagawin ko na very light lang?

Sisingit si Nikki.

NIKKI

You will help me fix my scrap book, Ate Maya. Because of my ozziness, nahihirapan akong mamili.

MAYA

Ikaw talaga Nikki. Pinakaba mo ko. Akala ko kung ano na eh. Oo ba, pwedeng pwede kitang tulungan.

NIKKI

Yes!

Tutulungan na nga ni Maya si Nikki sa paggawa ng scrapbook. Sino-sort out muna nila ang mga picture. Lalagyan ng captions. Hanggang sa maaagaw ang atensyon ni Maya ng isang picture. Matatawa sya. Idinikit nila ang mga pictures together with those captions. Hanggang sa matatapos nila ito. May mag-uutos kay Maya na magpapirma kay Richard.

MAYA

Oo ba. Akin na.

Tatayo na si Maya at pupunta na sa office ni Richard. Susundan naman sya ni Nikki without her knowledge. Magtatago ito. Madadatnan ni Maya na nakatayo si Richard.

MAYA

Sir Chief, papirma daw po.

Kukunin ni Richard ang folder at pipirmahan. Habang nagpipirma si Richard ay mapapansin nya si Maya na natatawa.

RICHARD

Anong nakakatawa?

Matitigilan si Maya, hihinto sa pagtawa.

MAYA

Po? Hindi po ako tumatawa ha.

RICHARD

You do.

MAYA

Wala nga po Sir Chief.

Kukunin na ni Maya kay Sir Chief ang folder at akmang lalabas na ng office ng hawakan sya ni Richard sa mga kamay nya. Mapapakunot-noo si Nikki.

RICHARD

Maya, anong nakakatawa?

MAYA

Sige na nga po, Sir Chief. Sasabihin ko na.

Iku-kwento na nga ni Maya ang nakita nya sa scrapbook ni Nikki. Medyo maiinis si Richard sa narinig at magta-tiger mode kunwari.

RICHARD

She pasted it sa scrapbook nya?!

MAYA

Oh! Kalma lang po kayo, Sir Chief. Wag po kayong mag-alala, gwapo naman kayo doon eh.

RICHARD

Nikki… Nikki… Nikki.. What have you done?

MAYA

Sige po Sir Chief.

Bibitiwan na nga sya ni Richard.

Chapter 33

Parating na si Maya sa cubicle nya ng hindi nya makita si Nikki sa upuan nito. Magtatanong sya sa ka-officemate nya.

MAYA

Leianne, nakita mo ba si Nikki?

LEIANNE

Oo. Sinundan ka nya ah. Di mo ba nakita?

Magtataka si Maya. Hindi makapaniwala sa narinig.

MAYA

Sinundan?! Ako?

Paglingon ni Maya ay makikita nya si Nikki na may dalang cup of juice.

MAYA

Nikki, bakit hindi mo na lang sa akin pinagawa yan?

NIKKI

Ate Maya, no need na. I can do it by myself.

Lalabas ng C.R si Esme.

ESME

Nikki, we have to go.

NIKKI

Okay Mommy. Paalam lang ako kay Kuya.

ESME

Nakapagpaalam na Daddy mo kanina pa.

NIKKI

Sige na nga.

SHANGRI LA HOTEL- DAY

As expected nga, sama-sama sina Esme, Alfredo at Maya sa set ng ”Truly In Love”. Manlilibre si Alfredo ng foods for the crews ng nasabing set. Pero magkakaproblema ang Direk Darwin at si Deo. Lalapitan nina Deo si Maya.

DEO

Hi Maya!

Maya’s wave.

DEO

Pwede ka ba namin makausap?

MAYA

Ano po yun?

DEO

We have a big proble. Nasa ospital si Thalia kahapon pa. And we need to tape this scene today. It’s now or never. Pwede ka ba pumalit muna kay Thalia?

Mapapatingin si Maya kina Alfredo at Esme. Mapapalunok.

ESME

Go ahead, Maya.

MAYA

Pero baka hindi ko po magawa ng tama?

DIREK DARWIN

You can, Maya. It’s just like your 1st time.

Mapapapayag na rin si Maya. Change clothes na sya at make-up. Maya wearing a blue sleeveless with matching scarp and Richard wearing his red long sleeve. Ibe-briefing na si Maya sa kung anong gagawin nya. Nasa kabilang dressing room si Richard at walang kaalam-alam sa mga nangayayari. Mauunang pumunta sa harap ng camera si Richard for his final touch from his stylist maya-maya lang ay hila-hila na si Maya ni Direk Darwin. Mapapatingin dito si Richard at magugulat.

RICHARD

Maya????! Why are you–

Hindi na matatapos ni Richard ang sinasabi nya ng sasagot na agad ang direktor.

DIREK DARWIN

Richard, Thalia is in the hospital, then we need Maya para maging double ni Thalia. Pumayag na sya. There’s no turning back, Richard. We need to tape this scene.

Pauupuin na ng Direktor sina Richard at Maya.

RICHARD

Maya, are you sure you wanna do this?

MAYA

Sir Chief, para po sa ikagaganda ng show nyo ang gagawin ko, bakit po hindi. Kung saan po pwede ako makatulong.

RICHARD

It’s a kissing scene, Maya. Hindi kung ano lang.

MAYA

Opo. Alam ko po yun.

Matitigil ang pag-uusap nina Richard at Maya.

DIREK

Ready?????!

Mapapabuntong-hininga sina Richard at Maya. Parehong kabado sa kung anong pwedeng mangyari. Maghahanda na ang lahat. Nasa tabi lang sina Esme at Richard..

DIREK

Lights….. Camera…. Action!

Tatahimik ang lahat.

DIREK

Richard, titingnan mo sa mata ng taimtim si Maya. Yung feeling na you’re longing for something. Then, sobrang dahan-dahan mong ilalapit ang mukha mo kay Maya. Go!

Sobrang dahan-dahan na ngang ilalapit ni Richard ang mukha kay Maya.

5 inches lips apart… Sobrang kabado sina Richard at Maya.

4 inches lips apart…

RICHARD

(on his thought)

How I wish na totoo ito…

3 inches lips apart…

MAYA

(on her thought)

Seryoso? Totoo ba ito? Hahalikan talaga ako ni Sir Chief sa lips?! Hala! Baka mahimatay ako sa kaba kapag magdikit na ang mga labi namin.

2 inches lips apart… Ipipikit na ni Maya ang mga mata ayon sa briefing sa kanya ni Direk Darwin. Magsasalita naman si Richard ayon sa script nya. Pero imbes na pangalang ”Trixie” ang masasabi ni Richard–

RICHARD

Open your eyes…….. Maya.

Magugulat doon si Maya. Pero nakapikit pa rin sya. Hindi sya makakasigurado pero parang yun ang maririnig nya. Hindi iyon mapapansin ni Direk Darwin dahil madadala na rin ito sa pangyayari.

1 inch lips apart… Biglang—

DIREK DARWIN

Cut!!!!

Maglalayo ang mga mukha nina Richard at Maya.

DIREK DARWIN

Good take! Let’s have a break.

Magtataka si Maya.

MAYA

(on her thought)

Akala ko isang scene lang.

Magbe-break na nga ang lahat. Bini-brief na ulit sya ni Direk Darwin. Pupuntahan naman ni Direk Darwin si Richard sa dressing room nito at ibe-breafing ulit. Then pagkatapos ng 15 minutes. Sisigaw si Direk Darwin.

DIREK DARWIN

Next scene!

Magre-ready na nga ang lahat. Ipu-pwesto na nga ulit ni Direk Darwin sina Richard at Maya sa labas ng pinto.

DIREK DARWIN

Lights…. Camera…. Action!

Matatahimik ulit ang mga tao.

DIREK DARWIN

Magpapaalam si Richard kay Trixie.

Na gagawin naman ni Richard.

RICHARD

Have to go. See you.

Magwe-wave si Maya. Wala naman sa script pero matatawa ng kunti si Richard.

MAYA

Bye, S– Richard.

Hindi inaasahan ni Maya ang susunod na gagawin ni Richard. Yuyuko bigla si Richard at bibigyan sya nito ng smack kiss. Mabibigla si Maya. Papunta na sa pinto ng elevator si Richard ng damhin ni Maya ang mga labi nya pero wala naman sa script na dapat nyang gawin iyon. Huling-huli iyon sa pag-giling ng camera.

DIREK DARWIN

Cut!!! Ang galing ah! Parang totoo ang innocent look mo, Maya.

Mauutal pa si Maya sa pagkabigla.

MAYA

Di–direk…

DIREK DARWIN

Okay ka lang, Maya?

MAYA

Opo.

Habang si Richard na nasa tapat ng elevator. Smiling pero hindi magpapahalata.

RICHARD

(on his thought)

I did kiss her. I can’t believe it. Nagawa ko. Ano kaya ang reaction nya?

Tatanawin ni Richard si Maya. Titingnan ang reaction nito habang kausap ni Direk.

Chapter 34

L.A- LOBBY’S COMPANY- DAY

Uupo si Maya para ayusin ang mga nagulo nyang gamit habang naglalakad sya papasok ng L.A. Madadatnan naman sya ni Richard. Medyo maaalangan si Maya ng kunti.

RICHARD

Hi Maya!

MAYA

Sir… Kayo po pala.

RICHARD

Can I talk to you?

Richard while holding the car key. Mauupo ito sa tabi ni Maya.

MAYA

Ano po yun, Sir Chief?

RICHARD

Ahm…. About that smack kiss sa taping.

Staring at Maya’s eyes. Mahihigit ni Maya ang hininga. Uunahan ito magsalita ni Maya.

MAYA

Ah, Sir Chief. O-okay lang po yun. Para po yun sa show, di ba?

RICHARD

Ye–yes. No malice.

MAYA

So, okay na po yun, Sir Chief.

RICHARD

Are you sure? Baka kasi mailang ka na sakin kapag magkausap tayo.

Iiling-iling si Maya para makumbinsi.

MAYA

Okay lang po talaga yun, Sir Chief.

Biglang tatayo si Maya. Iooffer kay Richard ang right hand nya (gaya ng ginawa ni Nikki sa Dad nya noong Prom night para isayaw ang Daddy nya)

MAYA

Tara na po, Sir Chief.

Ang inaasahan lang ni Maya ay aalalayan nyang makatayo si Richard. Pero ang gagawin ni Richard ay—

RICHARD

Okay…

Tatayo na rin at hahawakan ang kamay ni Maya ng mahigpit in full.

RICHARD

Let’s go!

At hihilahin na nya si Maya. Magugulat si Maya sa ginagawa nito sa kanya. Matatapat na sila sa harap ng elevator ng susulyapan sya ni Richard and giving Maya his sweetest smile na pawala na ang mga mata. Maraming people din ang maghihintay sa pagbukas ng elevator. Pinagtitinginan sila ng mga ito. Mapapayuko si Maya.

RICHARD

Why are you hiding your face?

MAYA

Sir Chief, lahat ng tao nakatingin sa atin.

Iginala nga nya ang paningin kunwari may titingnan. Bigla naman ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ng mga tao. Matatawa na lang si Richard. Mapapataas ng kilay. Ibabalik na naman ng mga tao sa elevator ang tingin nila Kina Richard at Maya. Bubulungan ni Richard si Maya.

RICHARD

Just relax, Maya. No malice, di ba?? We’re friends.

Hindi na kikibo pa si Maya. Hihigpitan pa ni Richard ang pagkakahawak kay Maya sa kamay. Palabas na sila ng elevator ng makita nila si Thalia na nag-aabang din sa labas ng elevator. Magugulat si Maya kaya babawiin nya ang kamay na hawak ni Richard. Mapapatingin sa kanya si Richard at ibabaling ang atensyon sa nasa labas ng elevator.

MAYA

Sir Chief, mauuna na po ako.

Mauunang lalabas si Maya ng elevator na nakayuko. Mapapabuntong-hininga si Richard. Lalabas ng elevator at hahawakan sa balikat si Thalia.

RICHARD

Gagamit ka ng elevator, di ba?

Itutulak nya si Thalia papasok sa elevator.

THALIA

Hon!

Bago pa sumara ang elevator ay kakaway pa si Richard kay Thalia na wari’y nang-aasar. Pupunta sa Staff Section si Richard para kunin ang pinagagawa kay Sonny. Makikita ni Richard na nakatalikod si Maya na may hawak ng phone with video. At may kausap. Hahawakan ni Richard si Maya sa kaliwang balikat.

RICHARD

Maya?

Magugulat si Maya. Biglang haharap kay Richard, makikita ni Richard ang hawak na phone ni Maya.

RICHARD

Ano yan?

Mapapatingin si Maya sa hawak nyang phone at biglang itatago.

MAYA

Wala po, Sir Chief.

Pilit na kukunin ni Richard ang phone sa lkod ni Maya. Halos yakap-yakap na sya ni Richard. Ibibigay na lang ni Maya ang phone dahil sa ayos nilang dalawa. Marami pa naman tao.

MAYA

Ito na po Sir Chief.

RICHARD

Ibibigay mo din pala eh. Ano ba kasi ito at pinagkakaabalahan mo?

MAYA

Ano po yan, Sir Chief…

Hindi matapos ni Maya ang sinasabi nya. Mapapakamot ng batok si Maya. Panonoorin ni Richard ang poltergeist video na pang-gulat. Maya-maya ay muntik ng mabitiwan ni Richard ang phone sa gulat. Kitang-kita sya ng mga empleyado nya. Magtatawanan ang lahat ng empleyado kabilang na si Maya. Pati si Richard ay matatawa din ng kunti sa sarili nya.

MAYA

Sorry po Sir Chief. Hindi ko mapigilan.

Isasauli ni Richard ang phone. At walang abog-abog na pipingutin ang ilong ni Maya. Kitang-kita iyon ng mga empleyado nya.

RICHARD

Ikaw! Hindi ka lang makulit…. Pasaway ka paaaaaaaaaa!

Mapapahawak si Maya sa mga kamay ni Richard na pumipingot sa ilong nya. Magsasalita si Maya na parang maY sipon ang tono.

MAYA

Aray! May ilong ka naman po, Sir Chief!

Titigilan na rin ni Richard ang pagpingot sa ilong ni Maya. Habang tumatawa.

RICHARD

Masakit ba?

Hihilutin ni Maya ang ilong nya.

MAYA

Eh kung ikaw kaya ang pingutin ang ilong Sir Chief kung hindi yan sasakit at mamumula.

Iiling-iling si Richard habang tumatawa.

RICHARD

Buti nga sayo. Napala ng makulit at pasaway! Pati ako dinamay mo pa.

MAYA

Eh Sir Chief, sinabi ko ba na panoorin nyo?

RICHARD

Hindi. Na-curious lang ako.

MAYA

Hindi ko na po yun kasalanan.

RICHARD

Fine! Masakit pa rin ba?

Habang hawak ang ilong.

MAYA

Hindi na po pero parang namula.

At sa katuwaan nila ay hindi na maiisip ni Richard ang consequences ng gagawin nya. Hindi na magpapaalam si Richard sa gagawin nya kay Maya. Hahalikan nya ng smack ang tungki ng ilong ni Maya. Mabibigla si Maya. Matutulala.

RICHARD

Okay na? Mawawala na yan.

Matutulala lang si Maya. Hindi masasagot si Richard. At doon medyo naalangan ng kunti si Richard at parang naalimpungatan sa ginawa nya. Mauutal sa pagsasalita.

RICHARD

Ahhhhhh… Pu–punta na ko sa office. Bye.

Hindi na makakapagsalita pa si Maya. Kahit wave ay hindi na nya magagawa. Samantalang si Richard naman ay tatalikod na, mapapabuntong-hininga at mapapataas ng dalawang kilay at hindi mapipigilan na mapapangiti then pupunta na sa office nya.

Chapter 35

May tatawag kay Maya.

MAYA

Hello?

ROEL

Hi Maya!

MAYA

Napatawag po kayo?

ROEL

Pwede na ba kita ma-invite for dinner later? Nagpromise ka, right?

MAYA

Opo. Mamaya po.

ROEL

Okay. I’ll pick you up later.

Ibababa na ni Maya ang phone nya. Maya-maya naman ay may tatawag kay Maya. Hindi malalaman ni Maya na naka-conference pala silang tatlo nina Richard at Alfredo. Hindi lang magsasalita si Richard.

MAYA

Hello po Tito?

ALFREDO

(on the phone)

Hello Maya!

MAYA

Napatawag po kayo?

ALFREDO

(on the phone)

Pwede ka ba namin invite?

MAYA

Ano po ang okasyon?

ALFREDO

(on the phone)

Wala naman. Gusto ka lang namin isama sa Tagaytay. May resthouse kasi ako doon bukod dito sa ancestral home namin.

MAYA

Nasabi nga po iyon sa akin ni Sir Chief.

ALFREDO

(on the phone)

So, sasama ka samin, Maya? Ipapasundo kita mamaya kay Richard.

Mapapakamot si Maya sa batok. Di alam kung paano sasabihin.

ALFREDO

(on the phone)

Maya? Are you still there?

MAYA

Nandito pa po ako.

ALFREDO

(on the phone)

Are you in?

MAYA

Ano po kasi eh… Ahm… May… May lakad pa ako mamaya.

ALFREDO

(on the phone)

Date?

Mapapakunot-noo si Richard sa narinig. Mauutal si Maya ng hindi sinasadya.

MAYA

Hi–Hindi po yun date!

ALFREDO

(on the phone)

Who’s with you tonight?

MAYA

Si Roel po.

ALFREDO

(on the phone)

Yung co-star ni Richard?

MAYA

Opo.

ALFREDO

(on the phone)

Maya, kung si Roel ang kasama mo, date ang tawag doon. Kilala ko yun si Roel. Chickboy yun.

MAYA

Hindi naman po siguro.

ALFREDO

(on the phone)

Well, dahil gusto ka namin isama pero you’re not available. Ire-re-schedule na lang namin ito when you’re available.

MAYA

Naku! Tito! Wag nyo na po ire-schedule. Ituloy nyo na po yan kahit wala ako. Alam kung mag-eenjoy po kayo doon.

ALFREDO

(on the phone)

No, Maya. We can’t enjoy the scenery without you. And besides, Nikki’s insisting na isama ka.

MAYA

Ayoko po kasi maging sagabal sa enjoyment nyo, Tito.

ALFREDO

(on the phone)

Maya, you’re not the hindrance. It’s Roel. Dapat pala inunahan ko na sya magpaalam sayo.

MAYA

Eh Tito, si Roel po kasi nagpaalam na iyon bago pa po ako pumunta sainyo last night.

ALFREDO

(on the phone)

Okay. Next time, magse-set na ko ng schedule sa hectic sched mo para wala ng sagabal na Roel na aaligid sayo.

Hindi maiiwasan ni Maya na matawa.

ALFREDO

(on the phone)

Oh! Maya, bakit ka natawa? Totoo naman ah! Sagabal talaga ang chickboy na yan lalo na kay Ricky.

Mabibigla si Maya sa sinabi ni Alfredo.

MAYA

Po? Ano po ang ibig nyong sabihin?

ALFREDO

(on the phone)

Nevermind Maya. Sige. Bye.

MANILA HOTEL- YSA’S CONDO UNIT- NIGHT

Naghahanda na si Maya for their ”Date” kung iyon man ang tawag ni Alfredo. May magdo-doorbell. Pagbubuksan ni Maya ang nagdoorbell.

ROEL

Hi Maya! Ready?

MAYA

Ready na po.

Aalis na nga sina Roel at Maya sa Manila Hotel. Kakain muna sila sa isang mamahaling resto. Magku-kwentuhan. Ang akala ni Maya ay iuuwi na sya ni Roel. Pero matatagpuan ni Maya ang sarili na kasama nito sa isang Motel. Halos walang katao-tao. Hindi alam ni Maya kung bakit pero parang kakabahan na sya.

MAYA

Roel, nasaan tayo?

ROEL

Relax, Maya.

Hihilahin ni Roel si Maya sa wrist papasok ng Motel kukunin nito ang susi sa reception.

MAHOGANY VILLAS- LIM RESIDENCE- NIGHT

Hindi mapapakali si Alfredo. Hindi maiintindihan ni Alfredo kung bakit sya nagkakaganoon. Lakad dito. Lakad doon ang ginagawa nya. Kinakabahan sya na hindi nya mawari. Mapapansin sya ni Richard.

RICHARD

Dad! Okay lang ba kayo? Kanina pa kayo palakad-lakad ah. Nahihilo na sainyo si Mommy.

ALFREDO

Son, I don’t know what’s happening to me. Para akong kinakabahan at natatakot. Parang may mangyayari o may nangyayaring hindi tama.

RICHARD

Dad, kalma lang.

ALFREDO

Son, kung nararamdaman mo lang kung anong klase ang nararamdaman ko ngayon. Maiintindihan mo iyon.

Magkakatinginan sina Esme at Richard. Puzzled si Richard sa nangyayari sa kanyang ama.

MOTEL- ROEL’S RENTED ROOM- NIGHT

Magtataka na si Maya sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Roel. Magpapaalam si Roel na maliligo muna bago sya ihatid.

ROEL

After ko maligo, ihahatid na kita. Kanina pa kasi ko iniinitan.

MAYA

Sige.

At dahil walang magawa si Maya ay susubukan nyang tawagan ang numero ni Richard.

MAYA

Hello Sir Chief?

RICHARD

(on the phone)

Hello Maya? Napatawag ka?

Mapapatingin si Richard sa Daddy at Mommy nya.

MAYA

Ah! Wala naman po Sir Chief.

RICHARD

(on the phone)

Where are you?

MAYA

Dito po sa may Motel sa may Blumentritt.

RICHARD

(on the phone)

Motel??????! What are you doing there? Where’s Roel?

MAYA

Naliligo po si Roel. Ihahatid nya daw po ako pagkatapos nyang maligo.

Biglang kakabahan si Richard. Mapapatayo bigla. Tiger mode na. Magtataka ang mga magulang ni Richard.

RICHARD

(on the phone)

What???! Maya, you better leave that place now!

MAYA

Po? Pero sabi po ni–

Mapuputol ang pakikipag-usap ni Maya kay Richard ng magsasalita si Roel. Hindi ma-o-off ni Maya ang phone nya kaya maririnig ni Richard ang nasa paligid. Makikita ito ni Maya na naka-topless at tanging towel lang ang suot-suot sa pang-ibaba. Halos basa pa ito ng tubig.

ROEL

Maya, ligo ka muna.

MAYA

Roel, sorry ha. Pero kelangan ko ng umuwi. Gabing-gabi na rin kasi.

Lalapitan ni Roel si Maya. Hahawiin ang buhok. Kakabahan na si Maya. Magpa-panic.

MAYA

Roel, anong ginagawa mo?

Hahapitin ni Roel si Maya sa bewang nito.

ROEL

You know Maya, maganda ka eh. Inosente. At alam kung gusto mo ko. Kaya wag ka ng magpakipot.

Magtatangka ng magpumiglas si Maya.

MAYA

Bitiwan mo ko Roel! Ano ba?!

Maririnig iyon ni Richard sa kabilang linya.

RICHARD

(on the phone)

Maya, what’s happening there? Anong ginagawa ng hayop na yan sayo?

Samantalang sa kabilang linya.

MAYA

Tulong! Saklolo! Bitiwan mo ko! Bastos!

Sa kabilang linya.

RICHARD

Dad, tama ang kutob nyo! May masamang nangyayari kay Maya! I have to go baka kung ano pa ang magawa ni Roel kay Maya.

Aalis na si Richard sa ancestral home ng parents nya at pupuntahan si Maya. Daig pa ni Richard ang car racer sa bilis.

Chapter 36

MAHOGANY VILLAS- LIM RESIDENCE- NIGHT

Bubuksan ni Richard ang pinto habang nakahawak sa bewang ni Maya at naka-alalay kay Maya na gutay-gutay ang damit. Umiiyak. Mabibigla ang dalawang matanda pati na si Nikki.

NIKKI

Oh my gee! What happened to Ate Maya, Kuya?

Lalapitan ni Alfredo si Maya at yayakapin. Pauupuin nito sa sofa si Maya. Umiiyak pa rin ito.

ALFREDO

I guess, we need to take that vacation. What happened to you was really traumatic. You better sleep here at baka balikan ka pa ng Roel na iyon.

Habang sumisigok.

MAYA

Tito, wag na po.

RICHARD

Maya, don’t argue with us. Kahit ngayon lang. We want you to be safe. Aalis tayo bukas papunta sa Tagaytay. You need that.

TAGAYTAY- LIM RESTHOUSE- DAY

Kararating lang nila sa resthouse.

ALFREDO

Maya, doon ka muna sa terrace. Tanaw ang Taal Lake doon.

MAYA

Opo.

Pupunta na nga sya sa terrace ng bahay. Gawa iyon sa kahoy na may disenyo. Mamamangha si Maya sa ganda ng tanawin. Pumikit sya. Sumasagap sya ng sariwang hangin ng hindi nya mapipigilan na tumulo ang luha nya. Susunod naman sa kanya si Richard. Hahawakan sya sa likod. Papawiin ng panyo ni Richard ang mga luha ni Maya. Umiiyak na si Maya. Hindi mapipigilan ni Richard na hindi yakapin ng mahigpit si Maya. Awang-awa sya dito. Na-trauma ito sa ginawa ni Roel. Ang ipinagtataka lang ni Richard ay hindi nito magawang magsampa ng kaso laban dito. Ang katwiran ni Maya ay ayaw nya ng anumang gulo. Gusto lang ni Maya na ayaw na nyang makita si Roel.

RICHARD

Magiging okay ang lahat, Maya. Don’t cry.

Ang hindi alam nina Richard at Maya, sumunod pala sa kanila si Alfredo without their knowledge. Richard will unhugged Maya. Richard gives himself the courage to hold Maya’s face and kiss Maya on her forehead. After an hour, hahanapin ni Richard ang magulang niya.

TAGAYTAY- TYANGGE- DAY

Mapapadako sina Mr. And Mrs. Lim sa isang accessories line. Mga bangles, necklace, bracelet at rings (couple/wedding).

ALFREDO

Hon, meron gold couples ring oh! Ang ganda!

ESME

Bili tayo ng isang pares.

Taas dalawang kilay ni Alfredo.

ALFREDO

Dalawang pares na kaya.

ESME

Kanino mo ibibigay ang isang pares?

ALFREDO

Sa anak natin.

ESME

Kay Nikki?

ALFREDO

Hon, ang bata pa noon.

ESME

Kay Raymond?

ALFREDO

Paano mo ibibigay ito doon kay Raymond kung nasa China yun.

Mapapaisip na si Esme.

ESME

Don’t tell me, kay Richard mo yan ibibigay?!

ALFREDO

Why not??? Tag-isa tayo. Bigay mo ito kay Maya, ako naman magbibigay nito kay Ricky.

Pupuntahan nina Richard at Maya sina Alfredo at Esme. Maaabutan nila ito sa tindahan ng mga accessories. Makikita sila ng mga ito.

RICHARD

Dad! Mommy!

ALFREDO

Oh! Ricky, pupuntahan na sana namin kayo. Sorry kung bigla kaming nawala ng Mommy mo. Hinila na kasi ako dito sa tyangge.

ESME

Hay naku! Ang gaganda ng mga tinda.

Maaalala ang couples ring na hawak nila. Ibibigay iyon sa dalawa.

ESME

Syanga pala, Maya, isukat mo nga ito. Ang ganda kasi ng design.

ALFREDO

Isukat mo din ito Ricky. Meron na rin kami.

Isusukat nina Richard at Maya ang couples ring. Isusuot ni Richard ang ring sa left ring finger (wedding ring) hand nya at sa right hand naman kay Maya.

MAYA

Kasya naman po, Tita.

RICHARD

Me too. It fits me well.

Akmang Huhubarin na ni Maya ang couples ring ng hawakan ni Esme ang kamay ni Maya.

ESME

Iha, just wear that ring. It’s for you. Gift ko.

MAYA

Pero Tita, baka mahal po ito, bigay nyo na lang po kay–

ESME

Maya, its not expensive as what you think. Okay?

MAYA

Sige po.

At dahil nakasuot ng rayban si Richard ay hindi sya masyadong mahahalata ng mga nakakasalubong nila. Sobrang dami ng tao. Halos siksikan.

ESME

Son, hawakan mo yan si Maya at baka mawala. Di natin yan dito mahahanap. Lagot tayo sa Nanay nyan.

Matatawa si Richard. At mapapalingon kay Maya.

RICHARD

Yes Mom!

Nakatingin sa kanilang dalawa ang magulang nya.

RICHARD

Would you mind if–

MAYA

Okay lang po, Sir Chief.

Hahawakan ni Richard ang kaliwang kamay ni Maya ng mahigpit then Richard will give Maya his smile. Then hihilahin na nya si Maya. Mapapagkamalan na silang mag-asawa.

TINDERA

Sir, bilhan nyo po ang maganda nyong Misis nitong bracelet. Bagay na bagay po sa kanya. Bagong kasal po ba kayo. Bagay na bagay po kayo.

Mapapatingin sina Richard at Maya sa isa’t isa dahil sa sinabi ng tindera. Sabay pa magsasalita–

RICHARD/MAYA

Ahhhhhhmmmmm/Hin…..

Biglang magsasalita ang magulang ni Richard. Mapapalingon sila sa matanda.

ESME

Papunta na sila doon. Pwede bang ako na lang bibili nyan.

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya. Bubulong si Richard kay Maya.

RICHARD

Sorry about that, Maya.

Bubulong din si Maya kay Richard.

MAYA

Okay lang po yun, Sir Chief.

Biglang sisingit ang isang dalagita na tipong kinikilig sa ginagawa nina Richard at Maya na bulungan.

DALAGITA

Awwww! Ang sweet nyo pong dalawa. Bagay na bagay po talaga kayo.

Mapapatango si Maya.

RICHARD

Thank you po.

Bubulong din si Richard sa Mommy nya without unholding Maya’s hand.

RICHARD

Mommy, let’s get out of here. Baka kung saan pa mapunta ito at may makakita pa sa ating media. Madamay na naman si Maya.

ESME

Okay, Son. Let’s go, Hon.

Babalik na nga sila sa RestHouse ng Dad niya. Still Richard hand in hand with Maya.

Chapter 37

TAGAYTAY- LIM RESTHOUSE (TERRACE)- DAY

Hindi na magkaholding hands sina Richard at Maya. May mapapansin si Nikki sa Kuya nya.

NIKKI

May napapansin lang ako sainyo ni Ate Maya, Kuya?

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya.

RICHARD

What?

Hahawakan ni Nikki ang left hand ng Kuya nya at right hand ni Maya.

NIKKI

These one. Where did you bought this cute couples ring?

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya. Mapapabuntong-hininga si Richard. Mapapataas ng dalawang kilay at mapapalingon sa Mommy at Daddy nya for help.

ESME

Nikki, anak, I bought that Couples Ring ng Kuya at Ate Maya mo sa tyangge.

Bibitiwan na ni Nikki ang kamay nina Richard at Maya.

NIKKI

They were cute. Pero inggit ako. Wala akong ring.

ESME

Akala mo ba nakalimutan ka namin. Here’s for you.

Iaabot kay Nikki ang cute na ring with Hello Kitty embossed.

Then after 3 days of vacation sa Tagaytay.

L.A- PARKING LOT- DAY

Kanina pa nasa Parking Lot si Roel waiting for Maya. Mapapatingin lahat ng tao sa kotseng paparating. Bababa si Richard. Pagbubuksan si Maya. Magugulat si Maya sa makikita.

MAYA

Ro–Roel???

Mapapasulyap si Roel sa singsing ng dalawa. Mapapalingon si Richard sa kinatatakutan ni Maya. Mapapahawak bigla si Richard sa left hand ni Maya para ilayo si Maya kay Roel.

RICHARD

Better step away from Maya, Roel! I’m warning you.

Mapapahawak si Maya sa braso ni Richard para utusan itong lumayo na sila dito.

MAYA

Sir Chief, tama na po. Pumasok na lang po tayo sa loob.

Hihilahin na ni Richard ang kamay ni Maya papasok ng company. Pagtitinginan sila ng ibang mga empleyado. Mapapasulyap ang mga ito sa singsing ng dalawa at magbubulungan.

EMPLOYEE #1

Nag-asawa na si Sir Richard????!

EMPLOYEE #2

Teka, kung nag-asawa na si Sir Richard at si Maya iyon, bakit hindi natin alam. Hindi naman ibinalita sa news, di ba?!

EMPLOYEE #1

Oo nga. Secret Marriage? O Solemn Marriage.

EMPLOYEE #2

Baka buntis na si Maya kaya di na pinaalam sa madlang people.

Sa di kalayuan ay maririnig ng isang reporter na nagpapanggap na employee ng company ang pinag-uusapan ng dalawa.

REPORTER

Ehem… Magandang scope ito. Interesting!

Mapapansin din ng mga ka-officemate nina Richard at Maya ang couples ring na suot nila. Papasok sa office ni Richard si Liza para magpapirma ng papers.

LIZA

Sir, couples ring ba yan? Ang ganda ng ring nyo. Expensive?

Mapapatingin si Richard sa left hand nya. Mapapangiti at mapapailing. Hahaplusin ang couples ring.

RICHARD

Nabili ito nina Dad at Mommy sa Tagaytay.

LIZA

Meron din po nyan si Maya, di ba?

RICHARD

Yes. Gusto ni Mommy at Dad na isuot namin. Cute daw kasing tingnan. Meron din si Nikki. Hello Kitty desing.

LIZA

Wow! Cute noon.

Babalik na si Liza sa cubicle nya.

L.A- CANTEEN- LUNCH BREAK

Marami ang mga nakapila sa counter. Mga nakaupo at kumakain. Kararating lang nina Liza at Maya sa Canteen ng maaagaw ng TV ang atensyon ng lahat. Pati si Richard na kasama na ni Sonny ay maaagaw ng atensyon ng TV flash report.

TV ANCHOR

Richard Lim, ikinasal na! At ayon sa source, buntis na raw ang girl kaya hindi na ipinaalam sa madlang people ang pagpapakasal nilang dalawa. The girl was Maya Dela Rosa.

Mapapalingon sina Richard at Maya sa isa’t isa. Kahit malayo ang space nila. Mapapailing si Richard. Ibibigay ni Richard ang tray na may laman pagkain kay Sonny, lalapitan si Maya at hahawakan ito ni Richard sa right hand nito at hihilahin.

L.A- RICHARD’S OFFICE- LUNCH BREAK

Kukunin ni Richard ang phone at ida-dial ang number ni Liza.

RICHARD

Cancel all my appointments for today. Kapag dumating na sina Mommy, patuluyin mo dito sa office ko. And please, walang iistorbo sa amin.

LIZA

Noted, Sir.

Mapapalingon kay Maya.

RICHARD

Maya, I’m sorry. Hindi ko alam na mangyayari ito. I don’t know kung sino na naman ang source ng tsismis na yan.

Mapapatingin si Maya sa couples ring nilang dalawa. Pati na si Richard.

RICHARD

Because of these ring.

Akmang huhubarin ni Richard ang singsing ng pipigilan sya ni Maya.

MAYA

Sir Chief, wag nyo pong gawin yan.

RICHARD

Why not? Because of this thing, nadamay ka na naman sa tsismis.

MAYA

Sir Chief, wala pong kasalanan ang singsing at wala din pong kasalanan ang nagbili nito. Sadyang marurumi lang ang utak ng mga nakakakita. Ang iba naman po ay trabaho lang nila yun, doon sila kumikita. Mag-explain na lang po tayo sa kanila.

RICHARD

You mean, public interview.

MAYA

Opo. Kung iyon po ang tanging paraan para hindi masira ang pangalan nyo. Gagawin natin.

RICHARD

Maya, the thing is, I wanted to protect you from those press. Ayokong nadadamay ka. You’re a very private person.

MAYA

Pero para po sa career nyo, gagawin ko po ito. Magpapakita po ako sa press.

RICHARD

Are you sure?

MAYA

Opo.

Dadating naman sina Alfredo at Esme sa office kasama ni Liza. At pag-uusapan nila ang magiging hakbang nila.

MAHOGANY VILLAS -LIM RESIDENCE- NIGHT

Katatapos lang maghapunan ng Pamilya Lim. Sisigaw si Sabel. Patakbo kina Richard.

SABEL

Sir!…. Sir!

JOMA

Hoy! Sabel, wala ka sa palengke ha.

SABEL

Ano ka ba naman, Joma. May dahilan ang pagsigaw ko noh!?

Sisimangot si Richard.

RICHARD

Sabel, what is it?

SABEL

Sir Richard, manood po kayo ng balita. Bilis.

Dali-dali ngang pumunta sa harap ng flat screen TV sina Richard, Alfredo, Esme, Sabel, Manang Fe at Joma. Papanoorin ang ikinaka-panic ni Sabel.

RICHARD

Thalia????! What is she doing?

Sa TV.

THALIA

Mali po ang mga kumakalat na balita about Richard Lim. Hindi pa po sya nag-aasawa. Ang totoo po nyan, ako po ang girlfriend ni Richard Lim.

TV ANCHOR

Pero may mga kumakalat na pictures na may ka-holding hands si Richard na isang babae.

Ipa-flash ang mga kuhang pictures. Sa parking lot. Sa tagaytay. Sa lobby ng L.A company.

THALIA

Oh yeah! That girl was Richard’s bestfriend. I’ve already met her. She’s a nice person. A family friend of Lim family. So, sana po wag nyo ng idamay pa ang girl na yan sa issue na ito. She doesn’t deserved these kind of treatment from the press.

TV ANCHOR

Meron kapansin-pansin kina Richard at doon sa girl.

THALIA

What is it?

TV ANCHOR

They had a ring.

THALIA

Ah! Yeah! I remember that ring. Friendship ring nila yun.

TV ANCHOR

But according to our source, it’s like couples ring.

THALIA

Girl,andaming rings sa mundo na magkakapareho.

LIM RESIDENCE

RICHARD

Ano na naman ba ang hidden agenda nito?

Kukunin ni Richard ang phone at tatawagan si Thalia.

Chapter 38

L.A- RICHARD’S OFFICE- DAY

Nasa loob ng office sina Alfredo, Esme, Richard, Thalia at Maya. Samantalang sa labas naman si Liza. Ilalagay ni Liza ang mga lines niya sa busy mode at intercom lang ni Richard ang open sa kanya.

Akmang tatayo si Maya ng mapansin sya ni Richard.

RICHARD

Where are you going, Maya?

MAYA

Ikukuha ko lang po kayo ng coffee.

Lalabas na ng office si Maya at ikukuha ng kape ang mga nasa loob ng office ni Richard. Pabalik na si Maya sa office. Pagbubuksan sya ng pinto ni Liza. Kukunin naman ni Richard ang tray at ilalagay sa table. They will all take a sip.

ALFREDO

Ang sarap nito ah! Ang galing mong magtimpla ng kape. Kuhang-kuha mo timpla ko.

RICHARD

Masarap nga.

ESME

Alam mo, Maya, dahil sa kape mo, mapapakape na ko lagi. Wala na ko pakialam kung lagi akong nerbiyusin.

MAYA

Ay! Tita, wag naman po. Moderately lang po.

Matatawa ng mahina ang Ginang.

ESME

Joke lang, Iha. But I really love coffee. Coffee lover na ko ngayon.

MAYA

Salamat po, Tita.

Magsisimula na silang mag-usap-usap.

CUT THE CONVERSATION….

L.A- PARKING LOT- DAY

Kararating lang ni Richard sa Parking Lot ng company. Maraming mga empleyado ang makakapansin sa kanya kahit naka-rayban na sya. Pagbubuksan nya ng pinto si Thalia. Saka naman darating sina Liza at Maya. Mapapahinto silang dalawa. Makikita sila ni Richard. Ilalagay ni Thalia ang left hand sa kamay ni Richard na parang si Richard ang nakikipag-holding hands sa kanya. Biglang mapapalingon si Richard kay Thalia at sasamantalahin iyon ni Thalia, hahalikan nya bigla si Richard sa mga labi. Magugulat si Richard. Ibabaling ni Maya ang tingin sa iba na kunwari magpupunas ng pawis sa noo. Saka naman bibitiwan ni Thalia si Richard at saka sasakay ulit ng kotse nya na nasa parking lot din. Mapapabuntong-hininga si Richard. Saka lilingon kina Maya at Liza. Lalapitan nya ito.

LIZA

Sir, Maya., mauna na ko.

RICHARD

Okay.

Hindi kikibo si Maya. Mag-aalangan si Richard na tanungin si Maya pero ayaw nya ng tahimik ito.

RICHARD

Na–nagbreakfast ka na?

MAYA

Opo.

Silence…

MAYA

Mauna na po ako, Sir Chief.

Paalis na si Maya ng pigilan siya ni Richard sa kanang braso nya.

MAYA

Bakit po?

RICHARD

Sabay na tayo.

Hindi na kikibo si Maya. Hahawakan ni Richard ang kanang kamay ni Maya pero magtatangka si Maya na bawiin ito. Pero hihigpitan ni Richard ang hawak sa kamay nya.

MAYA

Ba–baka po makita na naman kayo ng press at kayo na naman ang maging issue.

RICHARD

Thalia said, we’re best friends, right. So natural lang na magholding hands ang mag best friend.

Hindi na lang kikibo si Maya. Walang mababakas na expression kay Maya kahit nakikita na sila sa loob ng lobby at elevator ng company na magka-holding hands. Papalabas na sila sa elevator ng bawiin bigla ni Maya ang kamay kay Richard. Kunot-noo bigla si Richard ng lumingon sa kanya.

MAYA

Mauna na po ako, Sir Chief.

Susundan na lang ng tingin ni Richard si Maya ang tanging magagawa nya.

L.A- CANTEEN – LUNCH BREAK

Nasa magkalayong table sina Richard at Maya. 5 tables apart. Pero ang pagkakaupo nila ay yung magkapat sila. Kita nila pareho ang mga galaw nila. Magtetext si Maya kay Richard.

To: Sir Chief

Message: Sir, tanggalin nyo na po sa daliri nyo yan.

Aangat ng tingin si Richard. Itataas naman ni Maya ang left hand nya at ituturo ang palasingsingan. Iiling si Richard tanda ng pagtanggi nya. Magrereply si Richard kay Maya.

To: Maya Dela Rosa

Message: I don’t want to. Mom will get mad.

Magrereply si Maya.

To: Sir Chief

Message: Naipagpaalam ko na po yan noong pumunta sila dito. Pumayag na po sila. Kaya, pakitanggal na po ng singsing nyo.

Magkakatinginan ng matagal sina Richard at Maya kahit nasa malayo sila. Magrereply si Richard.

To: Maya Dela Rosa

Message: Fine! If that’s what you want.

Masakit man para kay Richard ang gagawin nya papayag na rin sya. Mapapatingin bigla si Maya kay Richard. Makikita nya na inaalis nito ang singsing sa daliri nito. Ibabalik na ni Maya ang atensyon nya sa pagkain nya saka naman sya titingnan ni Richard. Sabay buntong-hininga.

L.A- MAYA’S TABLE- BEFORE BREAKTIME

May tatawag kay Maya sa phone nya.

MAYA

Hello po Tito?

ALFREDO

Hi Maya! Hope hindi naapektuhan ng issue ang friendship nyo ni Richard.

Matitigilan si Maya.

MAYA

Tito, bakit po kayo napatawag?

ALFREDO

Gusto ka sana namin invite dito sa bahay. Dinner lang. Tayo nina Nikki, Me, my wife and—

Puputulin ni Maya ang sinasabi ni Alfredo.

MAYA

Tito, with due respect po, hindi po sa tumatanggi ako, pero may lakad po ako eh.

ALFREDO

Where are you going?

MAYA

Pupunta po ako ng San Nicolas.

ALFREDO

Wait! Sa Mindoro yan, right Iha?

MAYA

Opo.

ALFREDO

Nag-leave ka ba?

MAYA

Hindi po. Sorry po talaga. Sige po. May ginagawa po kasi ako. Regards na lang po kina Nikki.

Ibababa na ni Maya ang phone. Mapapailing ang matanda. At kakausapin na si Richard na walang imik sa kabilang linya.

ALFREDO

Son…

RICHARD

I understand her, Dad.

ALFREDO

Kahit hindi nya sabihin na hindi affected ang friendship nyo, halata sa tono ng pananalita nya. Something’s wrong with her. And we all knew it.

RICHARD

Let’s give her space, Dad. Kasalanan ko naman ito. Kung hindi ko sana sya nakilala, hindi sya malalagay sa ganitong sitwasyon.

ALFREDO

At kung hindi mo sana sya nakilala, nasa ospital pa sana ako. Mas gugustuhin ko pang nasa ospital ako at hindi tayo magkabati kesa makita ko kayong nasasaktan ni Maya.

RICHARD

Dad! Don’t say that.

ALFREDO

Son, itinuring ko ng parang anak ko si Maya. Tayo ang pamilya nya dito sa Manila.

RICHARD

I know Dad. But not in that way na mas gugustuhin nyo pang nakaratay kayo sa ospital.

ALFREDO

I don’t know, Son. I just miss her.

Ibababa na ni Alfredo at Richard ang phone. Lungkot ang makikita kina Alfredo at Richard.

Chapter 39

L.A- STAFF’S STATION- DAY

Abala ang lahat. Lalabas ng office nya si Richard at maglilibot-libot dahil sa kalungkutan.

Busy naman sa pagpapapirma kay Liza si Maya.

LIZA

Maya, okay ka lang ba?

MAYA

Opo, Mam Liza. Bakit po?

LIZA

Parang wala ka sa sarili mo eh. Matamlay ka.

MAYA

Okay lang po talaga ako. Promise!

LIZA

Na-miss ko yan, sayo.

Mapapadako si Richard sa cubicle ni Liza kung nasaan si Maya. Sisenyasan nya si Liza na wag maingay. Hindi magpapahalata si Liza sa makikita nya sa likod ni Maya pero–

LIZA

Wow! Maya, ang bango! Naaamoy mo ba yun?

Maaamoy nga din ni Maya ang perfume ni Richard.

MAYA

Oo nga po. Ang bango.

LIZA

Hanapin mo nga kung saan, Maya ng mabilhan ko din jowa ko nyan.

Matatawa si Maya.

MAYA

Sige po. Itatanong ko sa may-ari kung anong pabango yun.

Aamuyin na nga ulit ni Maya ng perfume na nalalanghap nya. Mapapapikit pa sya para samyuhin mabuti. Mapapatalikod si Maya kay Liza para suyurin kung kaninong pabango ang nalalanghap nila. Nakapikit pa rin si Maya ng makuha na nya kung nasaan ang may-ari ng pabango. Mapapayuko si Richard sa ginagawang pag-amoy ni Maya.

RICHARD

What are you doing?

Matitigilan bigla si Maya. Mapapamulat ng mata. Aangat ng mukha at makikita ang may-ari ng perfume. Magugulat si Maya. Mapapasigaw. Mapapaatras sa table ni Liza.

MAYA

Ay kabayo!

Matatawa ng matatawa si Liza pati na si Richard.

LIZA

Maya, ang gwapo naman yata ng kabayo na yan!

MAYA

Sorry po, Sir Chief.

Without eye contact. Akmang aalis na si Maya sa tapat ni Richard at Liza ng pigilan sya ni Richard sa elbow nya.

RICHARD

Where are you going?

MAYA

Sa table ko po.

RICHARD

Can we talk?

Biglang eexit si Liza na kunwari magpapa-xerox. Hindi kikibo si Maya. Hindi makikipag-eye-to-eye si Maya kay Richard.

RICHARD

Iniiwasan mo ba ako, Maya?

Without looking at him.

MAYA

Hindi po, Sir Chief.

Mang-aasar ng kunti si Richard.

RICHARD

Eh bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso?

MAYA

Kelangan po ba lagi na lang nakatingin ng diretso sainyo?

RICHARD

Maya…

MAYA

Sige po. Babalik na ko sa table ko.

L.A- PARKING LOT- LUNCH BREAK

Mapapadaan si Alfredo ng Aviation at saktong makikita nya si Maya na papasok ng company.

ALFREDO

Maya!

Mapapalingon si Maya sa tumawag ng atensyon nya.

MAYA

Tito?

Lalapit kay Maya si Alfredo.

MAYA

Tito, pasok po kayo.

ALFREDO

Hindi na Maya. Pakibigay na lang ito kay Ricky. Alam na nya yan.

MAYA

Pero–

ALFREDO

Iha, hindi ko ito ginagawa para magkalapit ulit kayo ni Ricky.

MAYA

Tito naman.

ALFREDO

Sige Iha. Bye.

Paalis na si Alfredo ng papasok na si Maya sa loob ng L.A. Pupunta muna sya sa Staff Station nya.

MAYA

Mam Liza, pwede magpasama?

LIZA

Oo ba.

MAYA

Kay Sir Chief.

LIZA

Any time!

Sisingit si Emman.

EMMAN

Pwede sumama? Gusto ko mag-stroll.

Mapapataas kilay si Maya.

MAYA

Sa oras ng trabaho.

LIZA

Maya, hindi masama mag-stroll during working hours.

MAYA

Sige na nga.

L.A- COVERED COURT- BREAKTIME

Nasa Covered Court lagi ang mga tao during siyesta time. At kabilang na doon sina Sonny at Richard na kasalukuyan nagba-basketball. Richard wearing his white shirt, with his yummy look, yummy ng katawan, yummy abs, yummy chest, muscles and biceps na kahit sinong babae eh mapapatigil at mapapalingon sa napakagwapong nilalang na ito. Sweaty yet super fresh at mabangong tingnan. Matutulala si Maya sa nakikita nya.

LIZA

Maya, ayon pala si Sir Richard.

Si Emman ay kinikilig na sa nakikita nya.

EMMAN

Maya, pigilan mo ko! Yayakapin ko talaga itong chinito na ito. Ang gwapo nya! Super duper! Oh my pink wall!

Tinampal ni Maya si Emman. Tatawagin ni Liza si Richard.

LIZA

Sir!

Mapapalingon si Richard kina Maya. Lalapit sya sa tatlo habang nagpupunas ng pawis gamit ang kamay.

RICHARD

Yes?

Ilalabas ni Liza ang panyo ni Maya at ilalagay sa kamay nito at ii-extend ni Liza ang siko ni Maya.

LIZA

Sir, panyo.

Babalik si Maya sa reality pero hindi magpapahalata na nabigla sya sa ginawa ni Liza. Maaalala nya ang bilin ng Daddy ni Richard. Iaabot ni Maya kay Richard ang paper bag.

MAYA

Pinabibigay po ng Daddy nyo.

Kukunin ni Richard ang paper bag at titingnan. Mapapangiti.

LIZA

Maya, babalik na kami sa loob. May gagawin pa ko eh. Tara na, Emman.

Habang nakatitig kay Richard.

EMMAN

Mam Liza, pwedeng later na. Ang gwapo ng kaharap ko eh.

Mapapangiti si Richard. Hihilahin na ni Liza si Emman. Maiiwan sina Richard at Maya. Pero ang totoo, magtatago lang pala sina Liza sa isang tabi para tingnan ang dalawa. Si Richard na ang babasag sa kanilang katahimikan.

RICHARD

Pumayag ka na ikaw ang mag-abot nito sakin. It means, okay na tayo.

Magtataka si Maya.

MAYA

Po? Anong ”Okay” Sir Chief? Hindi ko po kayo ma-gets.

Ibababa ni Richard ang paper bag. At magcrossed arm.

RICHARD

What I mean of ”Okay” is ”Bati” na tayo?

MAYA

”Bati” po, Sir Chief? Nag-away po ba tayo?

Taas ang left eyebrow ni Richard. Parang mang-aasar.

RICHARD

Di nga ba?

MAYA

Hi–hindi po, Sir Chief.

RICHARD

Eh anong ibig mong sabihin doon sa hindi mo pagsasalita kapag kasama mo ko kanina, pagbawi mo ng kamay mo sa kamay ko sa labas ng elevator at hindi ka nakikipag-eye contact sakin kapag magkausap tayo?

Hindi makakapagsalita si Maya sa tanong ni Richard.

RICHARD

Maya, still with me?

Matatauhan si Maya.

Chapter 40

Hindi pa nya masyado magawa na makipagtitigan dito kapag magkausap sila.

RICHARD

Just like that.

MAYA

Sir Chief naman eh. Nakakahiya!

Mang-aasar si Richard.

RICHARD

Bakit ka naman mahihiya, Maya? Eh ako lang ito.

MAYA

Basta, Sir Chief. Dyahe.

Mapapangiti na si Richard.

RICHARD

Fine! Kung talagang friends na tayo ulit. Say ”Yes”.

Magtataka si Maya.

MAYA

Po?

RICHARD

I said, say ”Yes”.

MAYA

Yes po saan?

RICHARD

Just say it, Maya.

MAYA

Yes, Sir Chief.

RICHARD

Give me your hand.

Ibibigay nga ni Maya kay Richard ang kamay nya. Maraming pang tao sa Covered Court pero halos lahat ay titingin na sa dako nila. Ilalabas ni Richard ang gold couples ring pero iba na ang design. Mabibigla si Maya at mahihigit ang hininga. Mababawi sa kamay ni Richard ang kamay nya. Pero babawiin din ni Richard ang kamay nya.

MAYA

Sir Chief, walang ganito. Mahal po yan eh!

RICHARD

Maya, like what my Mom said, these ring isn’t expensive as what you think. These symbolizes our Friendship Ring, okay.

Isusuot na ni Richard ang singsing sa Ring finger nito.

RICHARD

It’s fits you well. Nice.

Titingnan din ni Maya kung bagay nga sa kanya. Ilalabas din ni Richard ang kapares ng Couples Ring.

RICHARD

Here’s another one.

Akmang isusuot na ni Richard ang Couples Ring pair ng magsasalita si Maya–

MAYA

Sir Chief, gusto nyo po ako ng magsusuot para sainyo?

Mapapangiti si Richard sa idea which he really intend her to do.

RICHARD

Sige.

Isusuot na nga ni Maya kay Richard ang singsing. Habang isinusuot ni Maya kay Richard ang singsing ay tinititigan ni Richard si Maya.

MAYA

Okay na po, Sir Chief.

RICHARD

Thanks.

Kukunin na ni Richard ang inilapag na paper bag sa sahig.

RICHARD

Papasok ka na ba sa loob?

MAYA

Opo, Sir Chief.

RICHARD

Sabay na tayo.

MAYA

Sige po.

Hahawakan na ni Richard ang right hand ni Maya at papasok na sila sa loob ng company. Makikita mo sa aura ni Richard na masayang-masaya sya. Habang naglalakad sila.

RICHARD

Ganito pala ang pakiramdam.

Mapapatingin si Maya sa ka-holding hands nya.

MAYA

Ng ano po, Sir Chief?

RICHARD

Ng walang agam-agam sa dibdib.

MAYA

Sir Chief?

RICHARD

I’ll tell you the truth Maya. Eversince ma-issue ako saiyo these past few days, yung feeling ko na iniiwasan mo ako. Ang bigat sa dibdib noon. Hindi ako makapag concentrate sa work ko.

MAYA

Bakit po?

RICHARD

Eh ikaw ba naman kasi, nasa iisang company lang kayo tapos mag-kaaway pa kayo. Ang hirap kaya ng ganung sitwasyon. Nagkikita nga kayo pero hindi naman nagpapansinan.

MAYA

Eh Sir Chief, hindi naman po kita inaway ah!

RICHARD

Hindi nga. Hindi mo naman ako pinapansin. Kung hindi pa ako lalapit sayo o kung may anong ipagagawa, di mo ko kikibuin.

MAYA

Eh Sir Chief, may ginagawa po kasi ako noon.

Mang-aasar si Richard.

RICHARD

Wehhh????! May ginagawa daw?! Katulad noong pagpasok natin kaninang imaga, hindi mo ko chinismis.

MAYA

Sir Chief, kayo nga po ang nachi-chismis sa ginagawa nyo eh.

RICHARD

What I mean is, hindi ka man lang nakipagkwentuhan sakin. Di mo ba alam na miss ko na ang kadaldalan mo?

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya. Babawi ng tingin si Richard habang nakangiti.

MAYA

Ang kadaldalan ko po ang miss nyo?

Madudulas ang bibig ni Richard.

RICHARD

Of course, pati ikaw.

Mabibigla si Maya sa narinig kay Richard.

MAYA

Miss nyo na po ako, Sir Chief?

Matatauhan sa sinabi nya si Richard.

RICHARD

Ahrrrrrrrrrr… Hindi lang ako noh?! Pati si Daddy, Mommy at si Nikki.

Mababasa bigla ni Richard ang mga labi at mapapakagat labi, labas ang dimple.

MAYA

Miss ko na rin po sila, Sir Chief.

RICHARD

Wanna see them?

MAYA

Pwede po ba, Sir Chief?

RICHARD

Of course! Ikaw pa! Matutuwa ang mga iyon.

MAYA

Sige po.

Ihahatid na ni Richard si Maya sa Staff Station. Didiretso naman si Richard sa Office nya. Ilalagay ang paper bag sa tabi ng table nya. Mapapasulyap sa couples ring na suot nya. Mapapangiti. Kukunin ni Richard ang phone sa bulsa nya at ida-dial ang number ng Dad nya.

RICHARD

Hello Dad?

ALFREDO

Naibigay na ba sayo ni Maya yung padala ko?

RICHARD

Yes Dad.

ALFREDO

I hope, magkabati na kayong dalawa kahit wala naman talaga kayong pinag-awayan. I missed that kid na talaga.

RICHARD

We did.

ALFREDO

What?!

RICHARD

Bati na po kami ni Maya a while ago.

ALFREDO

Talaga?!

RICHARD

Yes, Dad! And she wears the couples ring na rin ulit.

ALFREDO

Talaga, Son?! Wow! That’s a good news from you. By the way, how about fixing a dinner later dito sa bahay, papayag kaya sya?

RICHARD

Let’s ask her.

Chapter 41

Pupuntahan nga ni Richard si Maya sa table nito pero hindi nya ito matatagpuan doon. Inikot nya ang paningin pero hindi nya ito makikita. Lumapit sya kay Liza at tatanungin ito.

RICHARD

Liza, have you seen Maya?

LIZA

Naku Sir, may sumundo kay Maya.

Bibiglang kunot-noo si Richard.

RICHARD

What? Who?

LIZA

Si Ysa, yung may-ari ng condo na inuupahan nya. Emergency daw eh.

RICHARD

Emergency?

LIZA

Opo.

RICHARD

Thanks.

Kukunin ni Richard ang phone sa bulsa nya at ida-dial si Maya pero out of reach ito. Bigla syang magwo-worry dito dahil sa sinabi ni Liza na emergency daw. Halos talunin ni Richard ang daan papuntang Manila Hotel.

MANILA HOTEL- YSA’S CONDO UNIT- DAWN

Dali-daling pupuntahan ni Richard ang condo nina Maya. Magdo-doorbell sya. Pagbubuksan sya ni Ysa.

YSA

Oh! Sir Richard, napadalaw kayo?

RICHARD

Where’s Maya?

YSA

Nandito po sa loob. Tuloy ka.

Papasok na sa loob si Richard. Tatawagin ni Ysa si Maya.

YSA

Maya, nandito si Pogi!

Magtataka si Maya kung sinong Pogi ang sinasabi nito.

MAYA

Pogi? Sino?

Makikita nga ni Maya si Richard sa tapat ng pinto.

MAYA

Sir Chief?!

RICHARD

Maya, are you okay?

MAYA

Okay lang po ako, Sir Chief. Bakit po?

RICHARD

I thought you were in danger. Liza told me that Ysa pick you up sa office because there’s an emergency daw.

Matatawa si Maya.

RICHARD

What’s funny? I’ve been worried about you tapos tatawa tawa ka lang.

MAYA

Sir Chief, okay lang po ako. At yung sinasabi ni Ysa na emergency ay dumating kasi sina Nanay ng di nya inaasahan.

RICHARD

Really???! Aling Teresita’s here in Manila?

MAYA

Opo! Pati po sina Kute at Cho!

Biglang sisingit si Aling Tere.

TERE

Richard! Kumusta na?

CRISTINA ROSE

Sir Richard?!

Magmamano si Richard kay Tere.

RICHARD

Okay lang po ako Aling Teresita. Akala ko po kasi may nangyari ng masama dito sa anak nyo kaya napasugod ako dito. Sorry po.

TERE

Ano ka ba naman, Richard. Wag ka mag-sorry. Okay lang yan. May kelangan ka ba sa anak ko?

Mababasa ni Richard ang labi nya, at mapapakagat labi sabay labas ng dimple. Magkakatinginan sina Tere at Maya kay Richard.

RICHARD

Sabi po kasi ni Dad, doon na daw po mag-dinner si Maya sa bahay. At dahil narito na po kayo, sumama na rin po kayo nina Cristina Rose at Cho.

TERE

Naku! Sir Richard, si Maya na lang ang isama mo. Dito na lang ako.

RICHARD

Please….

Mapapalingon si Tere kay Maya. At tatango naman si Maya.

TERE

Sige na nga.

Magbibihis na nga sina Tere, Kute at Cho. Then babalik sa terrace.

TERE

Tara na.

Mauunang lumabas sina Tere, Kute at Cho sa condo at susunod sina Maya at Richard. Hahawakan ni Richard ang kaliwang kamay ni Maya at hihilahin na katabi ni Maya sina Tere na nabigla sa ginawa ni Richard kay Maya. Hindi na lang kikibo si Tere.

MAHOGANY VILLAS- LIM RESIDENCE- NIGHT

Pagbubuksan ni Richard ng pinto sina Tere, Kute, Cho at Maya. Still Richard hand in hand with Maya.

ALFREDO

Iha, we miss you! Give me a hug!

Bibitiwan nga ni Richard si Maya para yakapin Si Alfredo. Yayakapin din sya ni Esme. Bigla naman bababa si Nikki at tatakbuhin siya ng yakap.

RICHARD

Niks, slowly.

NIKKI

Sorry! Miss ko na kasi si Ate Maya! How are you Ate Maya? Nagkatampuhan daw kayo ni Kuya?

Magkakatinginan sina Richard at Maya.

MAYA

Naku! Hindi totoo yun Nikki.

Biglang sisingit si Tere.

TERE

Teka, may napansin lang ako sainyo Richard at Maya.

MAYA

Ano yun, Nay?

Titingnan ni Tere ng matalim sina Richard at Maya.

TERE

Mag-asawa na ba kayo ng di ko nalalaman at meron kayong singsing!?

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya. Matatawa. Magsasalita na sana si Maya ng biglang sisingit si Esme.

ESME

Tere, hindi pa sila kasal. Couples Ring lang yan. Friendship Ring nila.

Mapapansin ni Nikki si Cho at Cristina Rose.

NIKKI

Ate Maya, who are they?

Ipapakilala ni Maya sina Kute at Cho kay Nikki.

NIKKI

Cho, you’re so cuddly! So cute. Can I hug you?

CHO

Oo naman po, Mam Nikki.

Yayakapin nga ni Nikki si Cho.

ESME

Niks, wag mo masyado panggigilan si Cho at baka mapisa na yan sa kakayakap mo. Lagot ka.

NIKKI

Mommy naman eh!

Magsisikain na nga sila. Maraming pinagku-wentuhan ang nasa hapag-kainan. Then after dinner. Magsi-siyesta muna sila. Pipunta ng kusina si Maya, madadatnan nya doon sina Manang Fe, Sabel, Doris at Joma.

MAYA

Hello po!

MANANG FE

Maya, ikaw pala. May kelangan ka?

MAYA

Wala naman po:

Magpapatugtog si Maya ng mga songs. Matataranta naman sina Sabel at Doris.

SABEL

Naku! Maya, itigil mo yan!

Ititigil nga ni Maya ang phone nya na tumutugtog.

MAYA

Bakit? Ayaw nyo ba ng may music? Ang boring kaya kapag wala.

MANANG FE

Hindi naman sa ganun, Maya. Bawal yan dito lalo na kapag nandito si Sir Richard. Lalo na kapag tapos na taping nya. Ayaw nya ng maingay.

MAYA

Gusto nyo magpapa-alam ako?

DORIS

Naku Maya, wag na. Baka mapagalitan ka lang.

MAYA

Mabait kaya si Sir Chief. Sandali at magpapa-alam ako ha.

Bababa na sana si Maya sa kinauupuan nya ng dumating sa kusina si Richard.

MAYA

Sir Chief!

Mapapatingin si Richard kay Maya.

RICHARD

Yes? May kelangan ka?

MAYA

Sir Chief, pwede po ba kami mag-sounds dito?

Magsasalita si Sabel ng pabulong na nagpapanic dahil baka magalit si Richard.

SABEL

Maya, wag na.

Mapapalingon si Richard sa mga kasambahay.

RICHARD

It’s okay. You can play some music. May component dyan. You can play my DVD’s. Meron din si Dad.

While smiling. Magtataka ang mga kasambahay at napapayag ni Maya si Richard sa request nito. Aalis ulit si Richard sa kusina. Pero babalik din sya agad pero magtatago nga lang para pakinggan ang pag-uusap nina Maya.

DORIS

Maya, paano mo yun nakumbinsi si Sir Richard?

MAYA

Nagpaalam ako. Narinig nyo naman, di ba?

SABEL

Oo nga. Kaso hindi man lang nagalit. Kakaiba ka talaga, Maya. Anlakas mo kay Sir Richard.

MAYA

Hindi naman. Mabait lang talaga si Sir Chief. Kaya nga marami ang may crush dyan eh.

SABEL

At isa ka na roon!

Mabibigla si Maya sa sinabi ni Sabel. Mahihigit ang hininga at hindi maitatago ang pagba-blush!

MAYA

Hindi ah!

DORIS

Maya, bakit ka namumula? Totoo ba na may crush ka kay Sir Richard?

MANANG FE

Ano ba kayo?! Tantanan nyo nga si Maya sa pang-aasar nyo.

SABEL

Si Manang Fe naman. Katuwaan lang.

DORIS

Ano Maya? Isa ka ba doon sa may crush kay Sir Richard?

Biglang mako-curious si Richard. Mahihigit ang hininga. Parang excited syang malaman.

SABEL

Meron o wala?

Mapapangiti si Maya na mapipilitan pero kinikilig.

MAYA

Sige na nga! Oo na! May crush na kung may crush.

Mapapakamot si Doris sa pisngi.

DORIS

Parang napilitan ka lang sa sagot mo eh.

MAYA

Oo. Crush ko din si Sir Chief. Pero wag kayong maingay ha! Baka may makarinig sainyo. Lagot ako. Nakakahiya kay Sir Chief.

Biglang mapapangiti si Richard sa narinig na confirmation. Bigla susulpot si Richard sa kusina. Magugulat si Maya na akala siguro ay narinig ang sinabi nya.

MAYA

Si– Sir Chief???!

Mapapatingin si Richard kay Maya.

RICHARD

Bakit parang nakakita ka ng multo dyan?

MAYA

Kanina pa po kayo dyan?

Kunwari iiling iling si Richard na wala syang narinig. Aasarin ni Richard si Maya. Ilalapit ni Richard ng bahagya ang mukha kay Maya. At mabibigla si Maya. Bahagyang ilalayo ang mukha.

RICHARD

Why? May kelangan ba kong malaman?

MAYA

Wa–Wala po.

Ilalayo na ulit ni Richard ang mukha.

RICHARD

Manang, hiramin ko muna si Maya.

MANANGE FE

Sige.

MAYA

Saan po tayo pupunta, Sir Chief?

RICHARD

Basta!

Hahawakan ni Richard ang right hand ni Maya at hihilahin ito. Kikiligin naman sina Sabel at Doris. Mapapangiti na lang si Manang Fe sa alaga nya.

Chapter 42

Magugulat si Maya sa makikita sa may sofa. Si Thalia. Katabi si Kute at Nikki.

THALIA

Hi Maya!

Maya’s wave.

MAYA

Hello po, Mam Thalia.

RICHARD

Upo ka na. Kasali si Cristina Rose sa game natin.

MAYA

Ano po bang laro ito?

KUTE

Favorite game mo. Unggoy-ungguyan.

Sisingit si Nikki.

NIKKI

You knew how to play the game, Ate Maya?

KUTE

Hindi sa pagmamayabang ha. Pero hustler dyan si Maya.

MAYA

Kute! Ano ba? Nakakahiya.

Mapapaharap si Maya kay Richard na tuwang-tuwa.

MAYA

Wow! Gusto ko ito. Tiyak, mag-eenjoy po kayo sa laro na ito, Sir Chief.

RICHARD

Let’s see.

MAYA

Ano po ang parusa kapag talo?

Biglang sisingit si Thalia at magsa-suggest.

THALIA

Kiss!

Mapapalingon ang lahat kay Thalia.

MAYA

Kiss po, Mam Thalia?

Mapapalunok laway si Maya at mapapatingin kay Richard. Tingin din sa kanya si Richard.

RICHARD

Call!

MAYA

Payag po kayo, Sir Chief?

RICHARD

Why not?! It’s just a kiss.

MAYA

Paano kapag babae ang nanalo at babae din ang matalo?

RICHARD

It’s okay.

Babasagin na ni Kute ang katamikan.

KUTE

Simulan na natin! Ako ang magbabalasa.

Babalasahin na ni Kute ang baraha. Magtatago si Kute ng isa. Ibibigay sa tapat nila. Then aayusin na nila according sa pairs nito. Magbubunutan na. Magkakatuwaan na sila. Then limang baraha na lang ang matitira. Isa ang tago ni Kute, dalawa kay Maya, isa kay Thalia, isa kay Richard. Bubunot si Richard kay Thalia, makukuha nya ito. Bubunot naman si Thalia kay Maya, makukuha nya ito.

KUTE

Bunso! Ikaw ang unggoy!

NIKKI

Paano ba yan Ate Maya, you lose the game! Turn mo na Kuya! Kiss mo na si Ate Maya.

Tawa ng tawa si Richard sa pagkatalo ni Maya. Kukunin ni Kute sa ilalim ng hita ang tagong baraha. Makikita sa mukha ni Thalia ang pagkainis. Magtataray ito. Taas kaliwang kilay.

MAYA

Kute naman eh!

KUTE

Ito oh! Parusa! Parusa! Parusa!

Magkakasabay pa sina Kute at Nikki.

KUTE/NIKKI

Kiss! Kiss! Kiss!

MAYA

Kelangan ba talaga?

KUTE

Oo!

Lalapit si Richard kay Maya. Medyo lalayo ng kunti ang mukha ni Maya. Unit-unti ilalapit ang mukha kay Maya. 5… 4… 3… Mapapapikit si Maya. Biglang lilihis ng landing ang lips ni Richard sa pisngi ni Maya. Magmumulat ng mata si Maya. Makikita nya si Richard na ang sweet ng smile sa kanya. Then sisigaw si Kute.

KUTE

Game 2?

RICHARD

Game!

Mapapanakaw-tingin sina Richard at Maya sa isa’t isa. At hindi iyon makakaligtas sa paningin ni Kute. Hindi nga lang sya magpapahalata. Sisimulan na ulit nila ang game sa bunutan. Then, this time ang akala nilang talo ay si Thalia. Lihim na matutuwa si Thalia. Mahihigit ni Maya ang hininga nya. Akmang dudukwang na si Richard kay Thalia ay biglang—

NIKKI

Kuya! Wait!

Mapapatingin si Richard kay Nikki. At mapapaupo ulit.

RICHARD

What?

Kukunin ni Nikki sa ilalim ng lap ni Kute ang isang baraha. At ipapakita sa Kuya nya.

NIKKI

You forgot something, Kuya. And the last barahan was with Ate Maya, again.

Mapapatingin ulit si Richard kay Maya. Mapapahilamos ng mukha si Maya.

MAYA

Talo na naman ako!

Bigla naman darating sina Alfredo, Esme, Tere at Cho.

ALFREDO

What’s going on here?

NIKKI

They’re playing Unggoy-unguyan, Dad.

ALFREDO

Bakit di nyo ko inalok?

RICHARD

Marunong kayo nito, Dad?

ALFREDO

Ako pa! Champion ako dyan.

RICHARD

Care to share your secret?

ALFREDO

Ayoko nga! Bakit natalo ka na ba nila Maya?

Iiling iling si Richard.

RICHARD

Not yet. Si Maya ang laging talo.

ALFREDO

Then, let’s try again.

THALIA

What’s the punishment, Tito?

ALFREDO

Kiss! Lips to lips.

Magkakasabay magsalita sina Thalia, Richard at Maya.

THALIA/RICHARD/MAYA

Yes!/Dad???!/Po?!

Mapapatingin ang lahat sa kanilang tatlo.

ALFREDO

That’s final! Game!

Magsisimula na nga silang maglaro. Si Alfredo ang mamimigay ng baraha at magtatago. Bunutan. Then, si Maya ulit ang talo. Asar na naman si Thalia.

MAYA

Ano ba yan? Kelan ba ko mananalo?

ALFREDO

Ricky and Maya. Stand up.

Tatayo naman sina Richard at Maya. Mapapakamot ng batok si Maya at biglang Hihilahin ni Alfredo sina Richard at Maya sa gitna ng terrace.

ALFREDO

Well Son, si Maya ang talo for the 3rd time. Kiss her within 30 seconds!

Mapapatingin sa isa’t isa sina Richard at Maya.

RICHARD

Dad, wag na.

ALFREDO

I’m waiting, Son…

Hahawakan ni Richard ang magkabilang balikat ni Maya. Super duper Dahan-dahan ilalapit ni Richard ang mukha sa mukha ni Maya.

ALFREDO

I’ve got my timer, Son.

Kabadong-kabado si Richard at Maya.

RICHARD

(on his thought)

Anong pwedeng mangyari pagkatapos nito. I know, deep on me that I like her…. No…no…no… Hindi ko lang yata sya gusto. After what she said earlier with Manang Fe. I think, there’s something more. I don’t know what does it call. Gusto kong lagi ko syang nakikita at nakakasama. That’s it.

Seryoso na talaga si Richard sa gagawin nya. Matagal na nyang gustong mahalikan ang mapupulang labi ni Maya. Dahan-dahan nyang ilalapit ang mukha kay Maya. 5… 4… 3… Mapapapikit na si Maya. Madadala na si Richard sa sitwasyon. Bubulong si Richard kay Maya.

RICHARD

Open your eyes, Maya.

Bigla ngang magmumulat si Maya ng mga mata at biglang ididikit ni Richard ang lips nya sa lips ni Maya and their lips finally met. Mabibigla si Maya sa nangyari. Manlalaki ang mga mata. Manginginig bigla ang mga tuhod ni Maya at mapapahawak si Maya sa mga braso ni Richard para hindi sya matumba. Hindi alam ni Maya kung paano tutugunin ang halik ni Richard. Richard will kiss Maya softly but in need and with passion. Yung feeling na wala ng pakialam si Richard sa mga nakatingin sa kanila. Bibitiwan ni Richard ang kaliwang balikat ni Maya at hahawakan ni Richard ang in between ng hair at pisngi ni Maya to kiss her like there’s no tomorrow. Richard will pour in that kiss of what he really felt for her. Matutulala ang lahat. Mapapalunok sa intimate scene na nakikita. And that kiss lasted for 1 minute. Matatauhan si Richard at Maya.

RICHARD

Ahhhh! I’m sorry, Maya. I was just–

ALFREDO

Witweew! Son! That was 1 minute! How dare you kissed Maya like that?!

Sisingit si Thalia. Ilalayo si Richard kay Maya. At magaabra siyete kay Richard.

THALIA

Well, guys! Nice game ha!

Hindi na makakapagsalita sina Richard at Maya. Hindi magkakatinginan sa isa’t isa.

Chapter 43

Lalapitan ni Alfredo si Richard.

ALFREDO

Son, pwede mo ba ako samahan sa Library?

RICHARD

Yes, Dad.

Iiwanan nina Alfredo at Richard ang mga kasama nila.

LIM RESIDENCE- LIBRARY ROOM- NIGHT

Ilalabas ni Alfredo ang chess board, ilalapag sa mahabang table, tutulungan ni Richard na ayusin ang pagkakalagay ng mga contents nito. Then magsisimula na ang laro.

ALFREDO

This time, you must defeat me.

Kunwari magse-seryoso.

RICHARD

Then, If I lose?

ALFREDO

It’s truth or dare.

RICHARD

Game!

Nasa kalagitnaan na sila ng laro. Magsasalita si Alfredo. Habang seryoso sa pag-iisip ng moves sa chessboard.

ALFREDO

Maya is a nice girl, right?

Mapapangiti si Richard.

RICHARD

Yeah!

ALFREDO

And as your father, I could see that you have a soft spot on her.

Mapapatingin bigla si Richard kay Alfredo.

RICHARD

Dad?

ALFREDO

She’s like a daughter to me.

Mapapakunot noo na si Richard.

RICHARD

What is these all about, Dad?

Habang seryoso pa rin sa laro si Alfredo.

ALFREDO

Concentrate on the game, Son. You might lose it. Baka hindi mo kayanin ang ipagagawa ko sayo.

RICHARD

Fine!

Katahimikan.

ALFREDO

Do you like Maya?

Biglang maiisip ni Richard ang pag-amin ni Maya kina Manang Fe na crush sya nito. Mapapangiti sya.

RICHARD

All of us likes her.

ALFREDO

Safe answer ha?! But I’m not into Showbiz, Son. So, answer me.

Mapapabuntong-hininga si Richard.

RICHARD

Do you want an honest to goodness answer, Dad?

ALFREDO

Yes. Father and Son talk.

RICHARD

She’s nice to me. She made me smile on my worst day which others can’t do. She understands my mood swings. And she’s the one I opened up with our situation, as father and son or should I say, she knows my darkest side.

Alfredo will yawn.

ALFREDO

Ang kulit mo, Son. Ang layo ng sagot mo.

Tatayo si Alfredo, bubuksan ang drawer ng table at may ilalabas ng sobre. Ibibigay kay Richard. Mapapatingin si Richard sa sobre. Checking it inside.

ALFREDO

Ticket yan for the party. At dahil hindi mo sinagot ng diretsahan ang tanong ko. Yan ang dare ko sayo. Invite her. I’ll be there before midnight.

RICHARD

Dad?!

Tutunog ang phone ni Alfredo. Babasahin ito ni Alfredo then ibibigay kay Richard.

ALFREDO

Give the other ticket to Maya tomorrow.

RICHARD

Hindi ako sigurado kung papansinin nya ko bukas after what happened, Dad.

ALFREDO

Why shouldn’t she?

Mapapabuntong-hininga si Richard at tatayo sa upuan.

RICHARD

She’s NBSB. She’s innocent. So, it means, what happened earlier was her very 1st.

ALFREDO

What?! Why you didn’t say earlier? Oh, Maya. You are really an angel. Crystal. Di bale, just try giving it to her.

RICHARD

I’ll try, Dad. I’d better sleep. Umuwi na rin naman sila.

L.A- RICHARD’S OFFICE- DAY

Richard will push his intercom to ask Liza to come on his office.

LIZA

Yes Sir?

RICHARD

Pakitawag si Maya.

LIZA

Okay Sir.

RICHARD

Thanks.

After 10 minutes. Papasok si Maya sa Office ni Richard. Di makatingin ng diresto kay Richard after what happened last night.

MAYA

Pinapatawag nyo daw po ako, Sir Chief.

RICHARD

Ye–yes. May pinabibigay si Dad sayo.

Bubuksan ni Richard ang drawer nya at ilalabas ang isang sobre. Ibabalik ang atensyon sa laptop. Pero Akmang bubuksan ni Maya ang sobre ng–

RICHARD

Don’t dare, Maya! Sa makalawa mo na tingnan ang laman nyan after office hour. You may go.

Paalis na si Maya ng office ni Richard ng mag-angat si Richard ng paningin at tingnan ang palabas na si Maya. He can’t help but to take some air.

L.A- STAFF STATIONS- LUNCH TIME

Nasa Staff Station si Richard ng tanghali. Habang nagsisyesta ang lahat. Uupo si Richard sa isang bakanteng table. Hawak ang isang stapler. 5 steps naman noon ay ang katapat na table ni Maya. Kunwari ay busy si Maya sa pagso-sort ng mga reports sa computer nya. Pasulyap-sulyap si Richard kay Maya.

LIZA

Sir, can we have a request?

RICHARD

Yes? Anything.

LIZA

Pwede po ba mag-videoke naman tayo. Unwind lang.

Magkikibit-balikat si Richard.

RICHARD

That’s fine with me! Ewan ko lang sa iba.

EMMAN

Sir, salary deduction ba yan?

RICHARD

No. Let’s enjoy some time. Count me in, Liza. Itanong mo sa iba kung sino gusto sumama?

Lahat magtataas ng kamay except kay Maya. Mapapatingin ang lahat kay Maya kabilang na si Richard.

LIZA

Maya, are you with us?

Matatauhan si Maya. Mapapasulyap kay Richard pero babawiin din. Naiilang sya.

MAYA

Mam Liza, ano po yun?

LIZA

Sir Richard said, kung sasama ka daw ba mag-videoke?

MAYA

Lahat po ba sasama?

LIZA

Yes.

Mapapakamot si Maya. Sisingit si Richard.

RICHARD

Liza, wag mo ng pilitin ang ayaw sumama.

MAYA

Si–sige po. Sama ako.

Titingnan si Maya ng nakasimangot.

RICHARD

Baka naman napilitan ka lang?

Hindi pa rin makakatingin ng direstso kay Richard.

MAYA

Hindi po ako napipilitan.

May mapapansin si Richard sa ring finger ni Maya. Maitatanong nya ito sa gitna ng maraming tao.

RICHARD

Where’s your ring?

Biglang mapapatingin si Maya sa kamay nya.

MAYA

Na–nakalimutan ko pong isuot.

Biglang tatayo si Richard at biglang ibabagsak ng malakas ang stapler na animo’y may kaaway. Magugulat bigla si Liza at Maya. Kunot-noong babalik si Richard sa office nya at may mood swings na papasadahan ang papers nya.

MAYA

Ano pong nangyari doon Mam Liza?

LIZA

May mood swings na naman. Kausapin mo nga.

Ituturo ang sarili.

MAYA

Ba–bakit po ako, Mam Liza?

LIZA

Eh ikaw lang naman nakakapagpahinahon doon eh. Sige na.

Itutulak ni Liza si Maya papunta sa office ni Richard. Ipagtitimpla muna ni Maya ng kape si Richard then papasok na sa office nito.

MAYA

Sir Chief, kape po.

Naka-concentrate pa rin sa papers nya.

RICHARD

I didn’t ask for coffee.

MAYA

Sir Chief, galit po ba kayo?

Ibabaling ang atensyon kay Maya.

RICHARD

Bakit hindi mo suot ang singsing?

Mapapakamot ng batok si Maya.

MAYA

Sir Chief, yun po ba ang dahilan ng mood swings mo?

RICHARD

Just answer my question, Maya.

MAYA

Ah! Eh! Hiniram po ni Ysa. Nagandahan eh. Pinahiram ko po muna.

RICHARD

Pinahahalagahan mo ba ang friendship natin? Hindi na ba ako mahalaga sayo?

MAYA

Si–Sir Chief…

RICHARD

Just tell me kung ayaw mo na kong maging kaibigan. Madali naman akong kausap.

Ibabalik ang atensyon sa papers.

RICHARD

You may go.

MAYA

Pero Sir Chief–

RICHARD

May kelangan ka pa ba?

MAYA

Wa–Wala na po, Sir Chief.

Hindi na kikibo pa si Richard. Aalis na din si Maya sa office.

Chapter 44

Magtetext si Maya kay Alfredo.

To: Tito Alfredo

Message: Tito, parang galit po sa akin si Sir Chief.

To: Maya

Message: Why iha?

To: Tito Alfredo

Message: Bakit daw po hindi ko suot yung singsing? Pinahahalagahan ko pa daw ba yung friendship namin? Mahalaga pa daw ba sya sa akin?

To: Maya

Message: Don’t worry. I’ll talk to your stubborn boss.

To: Tito Alfredo

Message: Hwag nyo po sya pagagalitan, Tito. Promise?

To: Maya

Message: Promise!

Tatawagan ni Alfredo si Richard.

RICHARD

Hello Dad?

ALFREDO

Ano namang drama yan, Son?

RICHARD

What do you mean, Dad?

ALFREDO

Maya told me about what happened. Galit ka daw sa kanya dahil sa singsing.

RICHARD

Eh siya kasi Dad eh, bakit hindi nya isinusuot yun? Friendship ring namin yun. Parang hindi nya pinahahalagahan yun. Ipinahiram nya pa.

ALFREDO

Know what Son, you only prove to me one thing. At dahil dyan, nasagot mo na ang tanong ko sayo. Bye.

RICHARD

Hello Dad?!…. Dad!

Ibababa na ni Richard ang phone. Lalabas si Richard ng company para pumunta sa Condo nya. May biglang tatawag kay Richard.

RICHARD

Hello?

ALFREDO

Son.. Don’t be childish! Apologize to Maya.

RICHARD

How can I?

ALFREDO

Do something.

RICHARD

Fine! Itutuloy ko na yung plano ng Staff na mag-videoke.

ALFREDO

Good move, Son. Can I join?

RICHARD

Of course, Dad! Sunduin kita.

ALFREDO

No. I’ll just drop by. Text me the place.

RICHARD

I will.

Tatawagan ni Richard si Liza para sabihin dito na tuloy ang request nila tonight.

MAKATI CITY- CENTER STAGE FAMILY KTV AND RESTO BAR- NIGHT

Hahantong ang mga Staff ng LAS sa cozzy and sossy place ng Center Stage Family KTV and Resto Bar at Jupiter Place Building 136-138 Jupiter Street, Bel-Air, Makati City. Nauna na si Alfredo sa nasabing Resto Bar. Si Maya na lang ang matitira sa loob ng L.A. Tatawagan ni Richard si Liza.

RICHARD

Liza, nandyan na ba lahat ng employee sa Resto Bar?

LIZA

Yes Sir! Except for one woman.

RICHARD

Who?

LIZA

Si Maya po. Nandoon pa sa L.A.

RICHARD

What?! Okay. Ikaw na muna bahala sa mga yan. I’ll be there soon.

LIZA

Noted Sir!

L.A- MAYA’S CUBICLE- NIGHT

Didiretso si Richard sa cubicle ni Maya. Madadatnan nga nya itong busy pa sa report na ginagawa.

RICHARD

Maya…

Mapapa-angat ng paningin si Maya.

MAYA

Sir Chief?! Ano po ang ginagawa nyo dito?

RICHARD

Ano bang klaseng tanong yan? Sinusundo kita.

MAYA

Sinusundo po? Bakit po? Saan po tayo pupunta?

Mamemeywang na si Richard.

RICHARD

Hindi ka ba nakikinig kanina sa usapan?

MAYA

Ano pong usapan, Sir Chief?

Mapapabuntong-hininga na si Richard.

RICHARD

Maya… Nasa Resto bar na ang lahat. Wala ka bang balak pumunta doon?

Mapapahawak sa noo si Maya.

MAYA

Ay! Oo nga po pala. Sorry po. Nakalimutan ko eh.

RICHARD

Nandoon na rin si Dad.

MAYA

Po? Si Tito, nandoon?!

RICHARD

Yes! He ask me kung pwede sya pumunta.

MAYA

Naku! Bakit hindi nyo naman agad sinabi Sir Chief, nakakahiya kay Tito.

RICHARD

Bakit kapag si Dad ang sinasabi ko na naghihintay sayo, e wala pa sa alas kwatro kung ikaw ay kumilos. Pero kapag ako ang naghihintay sayo, kelangan pang hilahin kita.

Matatawa si Maya sa reaksyon ni Richard.

MAYA

Eh kasi naman po Sir Chief, nakakahiya kay Tito.

RICHARD

Nahihiya ka kay Daddy pero pag sakin hindi?!

Matatawa na si Maya.

MAYA

Medyo po.

Medyo mag-aalangan si Richard na ayain si Maya.

RICHARD

So, let’s go?

MAYA

Maunan na po kayo, Sir Chief. Susunod na ko. Tatapusin ko lang po ito.

RICHARD

No. Sasabay ka na sakin.

Hahawakan ni Richard ang right hand ni Maya at hihilahin.

MAYA

Sir Chief!!!

RICHARD

Tara na! Hwag ng matigas ang ulo.

Wala ng magagawa si Maya kundi ang sumunod dito.

MAKATI CITY- CENTER STAGE FAMILY KTV RESTO BAR- NIGHT

Nagkakasayahan na ang lahat. In-between nina Alfredo at Richard si Maya. Kukunin ni Richard ang isang singsing sa bulsa nya at haharap kay Maya. Maagaw din nya ang atensyon ni Alfredo.

RICHARD

Maya…

MAYA

Po Sir Chief?

Isusuot ni Richard kay Maya ang singsing sa ring finger nya na isinuli na sa kanya ni Ysa.

RICHARD

I saw Ysa kanina sa Condo. Ibinalik na nya sakin.

MAYA

Thank you po, Sir Chief.

Sisingit si Emman na kanina pa naka akbay kay Sonny.

EMMAN

Maya, tara inom tayo ng wine.

Magkakatinginan sina Richard at Maya. Magsasalita na sana si Maya ng maunahan sya ni Richard.

RICHARD

Sorry pero hindi pwedeng uminom si Maya.

Mapapatingin si Maya kay Richard.

EMMAN

Sir, payagan nyo na po si Maya, kunti lang po ito. Parang juice lang.

Sisingit si Alfredo.

ALFREDO

Sige na Anak. Payagan mo na. Minsan lang magkasayahan ang mga employee mo.

EMMAN

Thank you Sir Fred!

Hihilahin na ni Emman si Maya. Paiinumin na sya ni Emman. Kunti pa lang ang naiinom ni Maya pero dipsy na sya. Makikita nga iyon ni Richard. Lalapitan nya si Maya.

RICHARD

Maya, lasing ka na. Tama na yan.

MAYA

Sir Chief, hindi po ako lasing. Medyo sumakit lang po ulo ko.

RICHARD

Kaya mo pa ba?

MAYA

Opo. Promise!

Biglang sisigaw si Emman.

EMMAN

Let’s have a game! Truth or dare!

MAYA

Sali ako!

Mapapatingin si Richard kay Maya.

RICHARD

Count me in!

LIZA

Yes! Join si Sir!

EMMAN

Paiikutin ko ang bottle ng sojo tapos kung sino po ang matatapatan nito, pipili kung truth or dare pero kapag hindi nya ginawa iyon, kelangan nya uminom ng tequilla.

EMPLOYEE

Game!

Pagugulungin na ni Emman ang bote. Matatapat ito kay Liza. Magde-dare ito. Pero nagrefused na gawin iyon. Kaya uminom sya ng alak. Pangalawang ikot, matatapat na kay Richard.

RICHARD

Dare.

LIZA

Sir, kaya mo bang tabihan si Maya?

Magkakatinginan sina Richard at Maya. Nanonood lang sa kanila si Alfredo. Biglang tatayo si Richard at tatabi kay Maya. Magpapagulong ulit ng bote si Emman at this time matatapat na iyon kay Maya. May tatapat ding tequilla sa harap ni Maya.

EMMAN

Maya, truth or ….. Dare?????

MAYA

Ahm… Truth…

EMMAN

Ito ang tanong, may crush ka ba kay Sir Richard.

Magkakatinginan sina Richard at Maya. Matagal bago gagawa ng move si Maya. Mapapabuntong-hininga si Maya. Kukunin ni Maya ang alak ng biglang hahawakan ni Richard ang tequilla shot na baso. Hindi magsasalita si Richard at iinumin iyon. Mapapabuntong-hininga ulit si Richard. Hindi kikibo si Maya.

13 thoughts on “Rich in Love – parts 27-43

  1. Pingback: Rich in Love – parts 44-69 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s