The Song – part 9

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missAa. This is a continuation to The Song – part 8

Dito, medyo matinding twist na. Hahaha! Enjoy po!

Author: missAa

~*~

Previously…

“Oh James? Napatawag ka?”

“Parang nakita ko kasi si Maya sa airport kanina.”

“Ha? Saan?”

“Sa Airport Richard.”

“Kanina din, nasa airport ako, parang nakita ko din sya.”

“Nabangga ko sya, natapunan ko sya ng coffee. Pero pagharap ko sa kanya, nakatalikod na sya. Kaya di na ako nakapagsorry man lang dun sa Miss. Pero yung likod nya, parang si Maya.”

“Diba Pilot ka sa Time Airways? Ano yung uniform nya?”

“Flight Attendant sya. I asked my Tita kung may Maya ba? Yes daw meron, pero sabi ko. Hinahanap ko si Maya Dela Rosa. Wala daw ganun. Maya Rosales lang.”

“Maya Rosales?”

________________________________

Chapter 9

Naglakad ng pabalik balik si Richard sa loob ng office nya. Hanggang ngayon kasi iniisip nya kung sino ang Maya Rosales na yun, kung yung ba yung nakita nya sa loob ng airport kanina. Habang nakahawak ang kamay nya sa chin nya. Napa’buntong hininga si Richard.

“Maya, Maya Dela Rosa. Asaan ka na ba kasi?” Richard thought.

He called Liza.

“Liza, Can you please do a background check?”

“Sino po Sir?”

“Maya Rosales.”

“Maya Rosales Sir?”

“Yes, Maya Rosales. She’s a flight attendant at Time Airways. I need it first thing in the morning.”

“Okay Sir.”

_________________________________

Nagising si Maya,  umiiyak, pawis na pawis at hingal na hingal. Nanaginip na naman sya ng masama, hindi nga nya matawag na masama iyon. Pero lagi nyang napapanaginipan at sa tuwing napapanaginipan nya ay lagi syang umiiyak.

“Maya, tandaan mo mahal na mahal kita. Babalik ako, tandaan mo yan.”

“This necklace is for you. Suotin mo to palagi.”

Yan lang ang tanging natatandaan ni Maya sa panaginip nya, Isang lalaking nakaharap sa kanya at yumakap. Habang sya ay nakaupo sa kama nya, at umiiyak hawak hawak nya ang kwintas ang kaisa’isang alaala kung sino ba talaga sya. Dahil sa pagod sa byahe at pagod sa pagiyak, nakatulog ulit sya.

______________________________________

Nagpunta ng maaga si Richard sa Lim Aviation Services. Aligaga sya at halatang walang tulog. Buong gabi nya kasi iniisip kung si Maya Rosales ba ang nakita nyang kamukha ni Maya.

“Goodmorning Sir!” Bati ni Liza.

“Goodmorning.”

“Sir, eto na po yung hiningi nyo.”

“Thanks Liza. You may go now.”

Umalis na si Liza sa office nya at binasa na nya ang mga papers/information about kay Maya Rosales.

“So, Her parents are Mr. Edward Rosales and Mrs. Elle Rosales. She’s 24 years old. It’s just the same as Maya’s age. She’s a very successful flight attendant. She’s one of the most brilliant flight attendant. About her past or childhood information? None?” Richard thought.

­Richard’s phone rang.. It was his son. Luke.  Hindi nya tunay na anak si Luke, adopted si Luke.

2years ago…

“Ricky, may nag doorbell ata.” His Mom said.

“Yes Mom, wait lang.”

Richard opened the door and he saw a baby in a basket.

“Ma! Come here.”

“What is it Ricky?”

“Ma, it’s a baby.”

“Aww, so cute. Sino naman kaya ang nagiwan nyan dito?”

“Ma, ampunin ko na lang sya. Ako na lang magiging Daddy nya.”

“Are you sure about that son?”

“Yes Ma, from now on. He’ll be a part of this Family.” Richard said. “Hello! Luke Andrew Lim.”

“What a beautiful name Ricky. Hi Luke.”

Back to present…

Richard answered the call of his 2-year old son Luke.

“Hello Son?”

“Dad. Anong oras ka po uuwi?”

“Maaga ako uuwi Anak. Pasalubong?”

“I want Ice cream po.”

“That’s all?”

“Opo Dad, take care po sa paguwi. I love you Daddy!”

“I love you too Son. Behave ah para hindi mahirapan magalaga si Yaya Sarah mo.”

“Opo Dad, I’m a big boy na po!”

“No, you’re not. You’re still my baby.”

“Dad, kahit po big boy na ako, Ako pa din po baby nyo.”

“Okay Son, You won already. Goodbye na. I love you.”

“Bye Dad!  I love you too Dad.”

Richard ended the call. Sobrang swerte ni Richard dahil dumating sa buhay nya si Luke kung hindi baka matagal na syang wala sa sobrang pangungulila kay Maya.

_________________________________

Nakauwi na si Maya, galing New York. Pagpasok nya ng bahay, sinalubong sya ni Manang Esme, si Manang Esme na ang nagalaga kay Maya simula ng napunta sya sa bahay na ito.

“Magandang Gabi Maya, hinihintay ka na ng magulang mo sa dining area.”

“Maraming salamat po Manang Esme.”

Pumunta sya agad sa Dining area. Nakita nya naghahapunan na ang magulang nya.

“Welcome Home Anak!” Her Daddy Edward said and kissed her cheeks.

“Thank you Dad. Hello Mom! I missed you.” Maya kissed her Mommy Elle’s cheeks.

“I missed you too Anak. So, how’s New York?”

“It was good Mom. Pero hindi ako masyadong nakapag’libot sa sobrang pagod ko.”

“Pagod ka ba Anak? Magpahinga ka na sa kwarto.”

“Sige Mom, Dad. Excuse me po.”

4am. Nagising ulit si Maya, parehas na panaginip. Paulit ulit na lang. Naiinis na sya kasi bakit pa sa tagal ng panahon hindi pa din bumabalik ang alaala nya. Kahit isa walang bumalik. Napahawak na lamang sya sa kwintas.

“Bakit ba wala akong maalala?” Maya thought.

Bumaba sya, para uminom ng gatas para makatulog sya ulit. Nagmuni muni muna sya sa Veranda ng bahay nila. Iniisip nya, kung sino ba talaga yung lalaking nasa panaginip nya.

“Hay, maitulog ko na nga lang ito.” Maya said.

______________________________

4am. Sa bahay ng mga Lim. Malalim ang iniisip ni Richard, dahil hindi sya makatulog. May kumatok sa pinto ng kwarto nya…

Knock… Knock… Knock…

He opened it. Si Luke.

“O? Luke, bakit gising ka pa? Madaling araw na ah.”

“Dad, pwede po ba akong matulog sa tabi nyo?”

“Sure Son, walang problema. Come here.”

Pumunta si Luke sa tabi ng Dad nya, kinakantahan sya ni Richard ng themesong nila ni Maya ang “I finally found someone.” Biglang nagsalita si Luke.

“Dad, pwede po ba magtanong?”

“Sige Anak, ano ba yun?”

“Daddy, bakit po ba hindi natin kasama si Mommy Maya ngayon?”

Nagulat si Richard sa tanong ng anak. Si Maya ang kilala nyang ina. Dahil walang ibang naging girlfriend si Richard kundi si Maya lang at alam ni Richard na magkikita sila at magkakasama sila muli.

“Ganito kasi yon Anak, si Mommy Maya. May trip sya at medyo matatagalan sya pero alam mo malapit na yun umuwi nararamdaman ni Daddy, Anak.”

“Sana po umuwi na si Mommy Maya.”

“Uuwi din sya Anak. Maghintay lang tayo.”

Nakatulog na ang mag’ama. Yakap yakap ni Richard ang kanyang anak.

May humalik sa pisngi ni Richard, si Luke. Kaya naputol ang panaginip nya.

“Goodmorning po Daddy!”

“Mukhang ang saya ng baby ko ah.”

Iniisip ni Richard ang panaginip nya. Kasama nya si Maya.

“Maya…”

“Richard….”

“Maya, alam mo ba kung gaano kami nagalala para sayo?”

“Richard…” Hinahawakan nya ang kamay ni Maya pero hindi nya mahawakan ito.

“Maya, bakit ganito?”

“Richard, konting tiis na lang. Konti na lang.” At naglakad si Maya ng papalayo.

“Maya, please wag ka ng umalis muli. Please Maya, stay beside me.”

Hanggang naglaho na si Maya at nagising na siya.

____________________________________

Pumunta si Richard sa Mall, kasama nya si Luke. Habang naglalakad sila sa Dept. Store. Tumingin si Richard ng damit at paglingon nya wala na si Luke. Hinanap nya si Luke, pero hindi nya ito makita.

“Luke!!! Luke!!! Daddy’s here!!” Sigaw ni Richard.

____________________________________

Habang naglalakad sila ng Daddy nya sa mall, bigla syang nabitawan ng Daddy nya at hindi na nya makita ang Daddy nya at umiyak sya ng umiyak hanggang may lumapit sa kanya na isang babae, hindi nya nakita ang mukha nito kasi may suot itong cap.

“Bata, anong pangalan mo?” Sabi ng Babae.

“Luke po.”

“Luke, sino kasama mo?”

“Daddy ko po.”

“Osige, punta tayo sa office dito sa mall. Para makita ka na ng Daddy mo.”

Nasa office na din si Richard ng mall at pinapahanap ang anak nya, pagpasok ng babae sa office nakita nya agad ni Luke.

“Luke!! My Son, saan ka ba nanggaling? Pinagalala mo naman si Daddy.” Richard said.

“Daddy!” Umiyak si Luke. “Siya po ang tumulong sa akin.”

Tinanggal ng babae ang cap na suot sya at nakita ni Richard ang mukha nito. Si Maya. Hindi nya alam ang gagawin.

“Maya?!”

“Yes, ako nga po. Kayo po ba ang Daddy ni Luke?”

“Maya!” Niyakap nya si Maya ng sobrang higpit, pero tinulak sya nito.

“Excuse me po. Oo, ako po si Maya. Pero bakit nyo po ako kilala? Hindi ko po kayo kilala.”

“Maya, ako si Richard. Richard Lim.”

“Huh? Sorry, hindi talaga kita kilala.”

“Maya. Ikaw si Maya Dela Rosa!”

“I think we have a misunderstanding here. Yes, Maya is my name but my surname is Rosales not Dela Rosa.”

“Rosales? Why Rosales? Dela Rosa ka!”

“I’m so sorry. I’m not Maya Dela Rosa. I’m Maya Rosales.”

“Okay, Ms. Rosales. I won’t force you to believe me. Magusap tayo sa matinong place. Ieexplain ko sayo ang lahat.”

“Mommy Maya! Ikaw si Mommy Maya ko! See?” Pinakita ni Luke ang picture ni Maya noong Highschool sya.

“This is me! Seven years ago.” Biglang nahilo si Maya at hinimatay sya, buti na lang mabilis syang nasalo ni Richard.

“Maya! Wake up! Maya!”

To be continued… Ano na ang mangyayari? 

14 thoughts on “The Song – part 9

  1. Pingback: The Song – Finale | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s