Letters (5): From Maya with Love

A/N: Here’s a letter for Richard from Maya. Happy reading, everyone!

This letter is inspired by the events that transpired in the June 28 episode of BCWMH. 

Other titles in this series:

Letters (1): From Daddy with Love

Letters (2): From Luke with Love

Letters (3): From Abby with Love

Letters (4): From Nikki with Love

Author: iamgarie

~*~

FROM MAYA WITH LOVE

By iamgarie

Dear Ser Chief,

Alam ko sabi mo magpahinga na ko, pero Ser Chief, hindi pa rin talaga ako makalma. Sobrang dami kasing nangyari ngayong araw na ito. Paulit-ulit kong binabalikan lahat ng nangyari and eto wagas na wagas ang ngiti ko ngayon, Ser Chief. Mukhang malabong makatulog agad ako.

Simula pa lang kaninang umaga nung nag-text si Manang Fe at sinabi niya sa kin yung sinabi ni Nikki na okay lang sumama sa Fathers’ Day Celebration nila para sa yo kung gusto ko daw, ang saya-saya ko na agad! Siyempre naman gusto kong sumama. Miss na miss na kasi talaga kita, pati na rin ang mga bata. Haay, Ser Chief! Totoo yung sinabi ko sa yo kanina. Ang saya-saya ko talaga Ser Chief. Naisip ko kasi na ito na ang simula nang muling pagiging okay namin ni Nikki! Tapos pinakilig mo pa ko sa sinabi mo na I glow when I’m happy! Naku, naku! Ikaw na talaga ang the best boyfriend in the world! Lutang na lutang lang talaga ako buong araw! Kabado ako sa muli naming pagkikita ni Nikki pero ang saya-saya ko pa rin talaga…

Salamat kay Luke kahit nung umpisa eh medyo nagkakailangan kami ni Nikki, eh ginawan pa rin niya ng paraan na magkasama kami ni Nikki sa mga games sa arcade. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa saya nung una akong kinausap ni Nikki para mag-suggest ng magandang strategy sa pagtira sa target dun sa game kanina. Sobrang saya ko. Eto o, naiiyak na naman ako… Oo na, alam ko natatawa ka na naman kasi naiiyak ako…

At ang best moment ko sa arcade kanina? Yung makita kong magsayaw ang boyfriend ko! Hahaha! Hindi ka lang pala gwapo at heartthrob, Ser Chief ko! Ang galing mo pang sumayaw! Haha!

Tapos di ko akalain na may sorpresa pa sa yo ang mga bata. Ang sweet nila ha. Sabi nga ni Luke, “Our Fathers’ Day gift for you, Dad! The perfect date on a perfect Saturday night!”

Agree ako sa sabi ni Luke. Talagang we had the perfect date! Sobra kong na-enjoy ang date natin kanina Ser Chief. Parati naman, eh. Pero mas special ngayon kasi gift ng mga bata para sa atin ang date na ‘to kaya mas lalong naging memorable talaga. Damang-dama ko ang saya mo kasi finally okay na kami ni Nikki at tanggap na ng mga bata ang relasyon natin. Alam ko sabi mo dati, ang perfect date kelangan may flowers, may chocolates at kelangan sunduin sa bahay. Wala ni isa dun ang nangyari kanina pero sobrang perfect pa din. Basta naman ikaw kasama ko, okay na okay na ko. Hindi importante kung saan tayo magde-date. Ang importante magkasama tayo. Masaya ako tuwing kasama kita, Ser Chief!

Ser Chief, lalo mo pa kong pinakilig nung isayaw mo ko kanina. Hmmm. Hindi ko in-expect yun. Ayan kinikilig na naman ako Ser Chief! Naalala ko tuloy yung time na pina-practice natin si Luke magsayaw. Alam mo bang kilig na kilig ako nang hinawakan mo ang kamay at bewang ko nun? Napansin pa nga ni Luke nun na nilalamig ang kamay ko nun! Hindi talaga dahil sa aircon yun! Pinikit ko pa nga mga mga mata ko kasi ini-imagine ko na ikaw yung kasayaw ko nun! Haha! Alam ko sabi ko hindi nagmana sa yo si Nikki sa pagka-sweet. Pero binabawi ko na, Ser Chief! Tama ka. Nagmana nga sa yo si Nikki sa pagka-sweet!

Tapos may kiss pa talaga Ser Chief? May bonus na naman na pampakilig? First kiss ko yun ha… Ngayon pwede ko na talagang sagutin yung tanong sa slum book ni Abby! First kiss: Ser Chief! Haha! Dalawang fairy tale ang natupad na naman ngayon- yung dance at yung first kiss! Ser Chief!

Thank you sa the most memorable date ha! Hay, Ser Chief, ikaw na talaga ang the best boyfriend in the world! We’re finally ready to face the world! Ready na nga ba tayo? Bigla tuloy ako napaisip! Basta ang mahalaga okay na tayo sa mga bata! Sigurado akong anumang pagsubok haharapin natin eh makakaya natin! Tayo pa!

Eto na tayo, Ser Chief! Sa wakas, alam at tanggap na tayo ng mga bata! Alam ko, masayang-masaya ka rin ngayon tulad ko. Aminin mo na!

Happy Fathers’ Day, Ser Chief ko! Mahal na mahal na mahal kita!

Love,
Maya

(Written: early morning, July 1, 2013)

11 thoughts on “Letters (5): From Maya with Love

  1. Pingback: Why Maya is the One – Part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s