Akin ka na lang

Akin ka na lang

by: Miss_Gerd

A/N:

Inaalay ko ang panpik na ‘to para sa isa sa mga ka-EBs natin na si Esther.

Ate, your wish is my command🙂

pasenya na kung natalagan yung “ILANG ARAW..” busy lang sa school😄

I hope you guyz will like this requested panpik..

(next time na lang yung TWNL part 7..utang muna yun hah.. )

HINT:

Paano kung pagkatapos ng unang date nila ay naisip ni Richard na hindi si Maya ang hinahanap nya?

Paano kung inlove pala si Maya sa iba?

At paano kung akala nila na hanggang magbestfriends lang talaga ang turingan nila sa isa’t-isa?

Ano kaya ang mangyayari?

ENJOY READING..

~~*~~

 

NAGBUBUNYI ang buong tao sa kanyang paligid. Halos tumili sa tuwa at kilig ang mga babae at nakaramdam naman ng galak at paghanga ang mga kalalakihan sa ipinakita ng pagmamahal ng kanilang kabaro. Halos masayaang lahat, maliban sa kanya. Maliban kay Richard.. sa kanyang mga nasaksikhan ay parang syang naparalisa at parang syang tinuklaw ng Ahas. Gusto nya sanang hawakan ang kamay ng kanyang kasama at tumakbo palayo pero hindi nya nagawa. Huli na ang lahat.. Ilang Segundo rin nyang inalala kung ano ang mga nangyari bago sya nagkaganito.. bago nangyari ang kanyang nasaksikhan na naging dahil kung bakit sya nagkakaganito ngayon.

KATULAD nang nakasanayan, hinatid ni Richard si Maya sa kanyang trabaho, kahit na anong gawin at pilit ni Maya na huwag na syang ihatid ng lalaki ay natatalo pa rin sya nito. Kaya ngayon, walang nagawa ang babae kundi ang umupo at magpahatid dito.

“Sir Chief naman kasi, hindi mo naman obligasyong ihatid ako sa trabaho ko..”

Hindi naman nagpatalo si Richard sa kanya.

“best..”

nakita nyang kumunot ang noo ni Maxa sa narinig.

“best?!”

“Yes, as in bestfriend. Bakit?”

“Wa.. wala, ang.. ang ackward lang kasi..”

napangiti si Richard sa narinig

“Maya, parang matalik na kaibigan na rin kita or maybe more than just a bestfriend..”

sa narinig ay mas lalong kumunot ang mukha ni Maya

“ha!?”

teka, parang double meaning ata ang sinabi nya sa dalaga kaya itinuwid nya ito.

“I mean, parang nakababata na rin kitang kapatid”

pangiting tumango-tango ang dalaga. Para kay Richard, ang makitang nakangiti ito ay parang isang araw na unti-unting nagpapaliwanag sa kanyang paligid. Wait, Richard.. nagiging makata ka na.

“Ser Chief, sa tingin mo.. saan ko pwedeng dalhin si James?”

Parang biglang nasira ang araw nya pagkarinig sa huling sinabi ni Maya. Here we go again. James.. James.. James.. walang katapusang James. Hindi nya alam kung bakit pero sa tuwing naririnig nya ang pangalan nito ay nasisira ang araw nya. Sarkastiko nyang sinagot ang tanong ng katabi.

“Pwede mo syang dalhin sa Baywalk at pakainin mo sya ng balut”

Pagkatapos ay umirap sya. Hindi nya alam kung ano ang nakita ni Maya dito. Okey. Gwapo sya, Mayaman, Maginoo at mukhang matino. Hindi naman sa pagmamayabang pero hamak naman na mas lamang sya sa lahat ng bagay kesa dito. Pati sa edad, lamang na lamang..

“Magandang Idea yun!”

biglang napapreno si Richard, sa sobrang lakas ng pwersa ay bigla ring nawalan ng balanse si Maya. Napatingin naman si Richard dito.

“What?! i-dadate mo sya dun?!”

nagulat naman si Maya sa inasal nito.

“Ser Chief! Ano ba!? may problema ho ba kayo kay James?”

Natigilan sya, Oo nga naman.. ba’t ba kumukulo ang dugo nya sa lalaking tinutukoy ni Maya? Nagsimula lang ‘to noong last summit at mas lumalim pa ito nang pumayag syang maging boyfriend ito ni Maya. Humingi pa ito ng basbas sa kaya na pinayagan naman nya. Tapos ngayon, sya pa ang may ganang mag-reklamo at marindi sa tuwing babanggitin ni Maya ang pangalan ng kanyang boyfriend. Napabuntong hininga sya tsaka pinagpatuloy ang pagmamaneho.

“Nothing..”

“Ser Chief..”

napatingin naman sya kay Maya

“What?”

“nag-seselos ka ba?”

teka, linya nya yun dati ha! Biglang parang bumaliktad ang mundo pagkarinig nya sa tanong nito, Babalik din pala sa kanya ang tanong na iling ulit rin nyang tinanong sa dalaga.

“of course not! the thing is, alam mo naman na tayo ang unang nagdate dun and then doon mo rin pala dadalhin si James? syempre, gusto kong mapanatili yumg memories na’tin dun..”

Ops, Richard Lim.. paki-rewind mo nga yung sinabi mo? then i-edit mo uli. Action!

“I mean, sye.. syempre.. Importante sa’kin ang mga memories na’tin dun. Just bring him to another place, basta huwag lang dun”

Nang mga sandaling yun ay pinipigilan ni Maya ang kanyang pagtawa, kitang-kita kasi nito kung paano mangamatis ang mukha ni Richard.

“sige na nga..”

bigla namang nakaramdam ng hiya si Richard, ano ba kasi ang mga pinagsasabi nya.. ang weird.

 

PINARADA ni Richard ang minamanehong kotse sa isang bakanteng espasyo. Una syang bumaba tsaka nya inalalayan si Maya pababa nang kotse. Ang lalaki na rin ang nagdala ng maleta ni Maya.

“So, what time ang balik mo dito sa Manila?”

Napatingin si Maya sa kanya, kita sa mukha ng dalaga ang hiya. Ohh, heto na naman tayo.. ba’t lalo syang gumaganda kapag nahihiya.

“Sir Chief..”

“Maya, ang usapan na’tin.. if James is not around, i’ll be the one who will take good care of you. Baka bigla na lang ako sugurin at suntukin ni James kapag nalaman nyang pinabayaan ko ang girlfriend nya”

Girlfriend nya.. Ano ba Richard! Bakit binubwisit mo ang sarili mo! Namumuro ka na ha..

“Okey, Sabi mo ehh.. kailan ba ako natalo sa’yo”

Habang naglalakad sila ay biglang may humarang na isang nakatuxedo na batang lalaki at pinapatugtog ang dala-dalang nitong biyulin. Ang pinagtatakhan lang ni Richard ay kung saan papunta si Maya ay sinusundan sya nang batang musikero. Mukhang may bagong gimik ang isang airline company para sa mga bumabyahe at si Maya ang nagpagtripan nilang maging unang makaranas ng promo nila. Tuwang-tuwa naman si Maya, maliban sa cute ang batang musikero ay nakakakilig pa ang pinapatugtog nitong piyesa. Bago matapos ang pinapatugtog nito ay may isa pang bata ang lumapit kay Maya at may iniabot ang isang pulang rosas. May sumunod pang nag-abot sa kanya, isa pa.. at isa pa.. hanggang sa umabot sa labing-walong rosas ang natanggap ni Maya.

“a.. ano ba talaga ang nangyayari?”

hindi nya mapigilan ang sarili na magtanong, ang weird lang kasi. Bakit sa dinami-rami nang babae sa paligid ay sya lang ang binibigyan nang rosas at inaalayan ng nakakakilig na musika mula sa batang musikero. Hindi tuloy maiwasang mapatingin sa kanya ang mga taong nagdaraan. Pagtingin nya kay Richard ay kita rin nya sa mukha nito ang pagtataka. Ilang sandaki pa ay may ilang grupo nang mga kalalakihan na may hawak na makukulay na papel, kilala ng mga ito ni Maya. Mga emplyeyado kasi ito ng Time Airways at ang ilan sa mga ito ay mga kaibigan pa nya. Nakangiti ang mga ito sa kanya napuno ng galak at tuwa. Ilang sandali pa ay isa-isa nilang binaliktad ang dala nilang  papel at pininaharap sa kanya..

 

W

 

I

 

L

 

L

 

Y

 

O

 

U

M

 

A

 

R

 

R

 

Y

H

 

I

 

M

 

?

 

parang biglang humina ang tibok ng kanyang puso.. isang tao lang ang tinutukoy ng tanong na ito. Si James. Pinatugtog muli ng batang musikero ang kanyang biyu;lin tsaka may lumabas na isang lalaki sa kung saan man at kumanta ito habang palapit kay Maya.

“Minamahal kita, prinsesa. Pinakatangi-tangi ka. Sa’yo ang puso ko.. buhay ko.. tapat at iingatan ka.. maghintay, kailan man.. pangako kong ito’y walang hanggan. Iniibig ka aking prinsesa..”

habang patuloy na tumutugtog ang batang lalaki ay pangiting kinausap ni James ang dalagang kanina pa nakatulala

“hindi ako marunong magpakilig ehh..  pasensya na..”

pabirong pinalo sya ni Maya

“ano ba! ano bang kalokohan ‘to ha?”

“Maya, it’s been eighteen months since we first met. Since that day, magbago na ang lahat.. Binago mo ang lahat, binago mo ako. You made my life more colorful.. more positive.. more wonderful..”

hinawakan ng binata ang kanyang mga kamay, medyo malamig pa nga ang mga kamay ni James tanda ng kaba. Patuloy pa na nagsalita ang kasintahan ng dalaga.

“Maya, ginawa mo akong isang tunay na lalaki.. Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ang isang James Ventura..”

bumibilis na ang tibok ng puso ni Maya, nararamdaman nya ngayon ang kaba  at excitement. Alam nya kung ano ang ginagawa ni James. Puno sya ng kilig sa kanyang puso ngayon, ito na ata ang isa sa mga pangyayari kanyang pinapangarap.. Lumuhod nga ang lalaki sa kanyang harapan habang hawak nito ang kanyang mga kamay

“Ako, Si James Ventura.. na nakaluhod ngayon sa iyong harapan ay humihingi ng sagot sa isang katanungan..”

kasabay nito ay inilabas ni James ang isang munting pulang kahon.

“ipinapangako kong mas mamahalin pa kita at mas aalagaan. Magkakaroon tayo nang isang malaki at masayang pamilya. Sa hirap at ginhawa ay magkasama tayo. Sabay tayong tatanda and lastly, kahit na magunaw ang mundo.. kahit na magkauban na tayo, kahit na may dumaang seksi sa harapan ko.. hindi ako maghahanap ng iba.. dahil ikaw lang ang magiging reyna ng puso ko.. “

at dahan-dahan nyang binubuksan ngayon ang munting kahon. Samantala ay puno naman ng galak at saya si Maya kaya wala syang nagawa kundi ang mapaluha. Biglang umulan nang mga talulot ng pula at puting rosas sa paligid, kasabay nun ay ang tanong na magpapabago sa buhay ng dalaga.

“Maya Dela Rosa, Will you Marry me?”

Hinihintay ng lahat ang sagot ng dalaga, ilang segundo ring hindi nakapagsalita si Maya. Halatang gulat ito sa mga pangyayari. Ilang sandali pa ay unti-unting umukit samukha ng dilag ang isang ngiti. Kasabay noon ay ang pagpatak ng isang nutil ng luha sa kanyang mga mata. Luha ng Kaligayahan..

“Oo James Ventura, pakakasalan kita!”

 

PADABOG nyang sinara ang pinto ng kanyang kotse.  Puno sya ng sakit at hinanakit sa kanyang puso, gusting maghimagsik ang isang damdaming pilit lumalabas sa kanyang kaloob-looban. Gusto nyang umiyak, sumigaw, magalit.. pero ano naman ang karapatan nya para gawin ang mga ito? Oo nga naman, kaibigan lang naman nya si Maya. MATALIK NA MAGKAIBIGAN. Hanggang doon lang.

“Hanggang doon nga lang ba Richard?!”

Sabi ng kanyang sarili.

“umamin ka na kasi…mahal mo sya! MAHAL NA MAHAL!”

Pilit nyang inaalis ang isipang yun.. mukhang may narealize sya..

“pero huli na ang lahat..”

Sinuntok nya nang malakas ang manebala ng sasakyan

“DAMN YOU RICHARD LIM! Napakalaki mong tanga..”

Umilin-iling sya.. bumagsak ang isang butyl sa kanyang mga mata.. luha ng kalungkutan at paghihinagpis..

“Maya Dela Rosa.. bakit huli na nang minahal kita?!”

//

21 thoughts on “Akin ka na lang

  1. How come I can’t upload excess baggage’s stories and fictions using my android phone. Kindly give me any link for substitute. Thank you.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s