Life and Regrets – part 5

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Life and Regrets – part 4.


Author:MissAa

 

~*~

 

Previously…

Tumayo sya at nagpunta sya sa Veranda, para magpahangin. Nakatayo sya at may gatas siyang hawak. Biglang may yumakap sa likod nya, si Richard ito. At nilagay ni Richard ang baba nya sa balikat ni Maya.

“Bakit gising ka pa?” Tanong ni Maya.

“Eh bakit ikaw gising ka pa?” Richard said.

“Di ako makatulog e, iinom nga akong gatas oh. Kaso nakita ko ang view kaya dito muna ako.”

“Oo nga e, ang ganda ganda ng view.” Pero nakatingin lang sa kanya si Richard at hindi sa view.

“Talaga? Maganda ang view?”

“Oo, maganda talaga. Sobrang ganda.”

Hinalikan ni Richard ang leeg ni Maya, at kinuha nya ang gatas at inilapag sa lamesa. Hinarap ni Richard sa kanya si Maya at hinalikan naman nito ang mga labi ni Maya, tinugon naman ni Maya ang mainit na halik ni Richard. Binuhat ni Richard si Maya papunta sa kwarto nila at hindi pa rin naghihiwalay ang kanilang mga labi.

Naging masaya ang gabi nila. Namiss nila ang isa’t isa at kahit saglit nakalimutan ni Maya na may sakit sya. Natulog sila ng mahimbing at may mga ngiti sa mga labi.

______________________________________

Chapter 5

Maagang nagising si Maya, tinititigan nya lang si Richard. Hinalikan nya ito sa noo at tumayo na para magluto ng almusal. Nagising si Richard sa halik si Maya, patayo na si Maya pero may humawak sa kamay nya.

“Saan ka pupunta? Maaga pa, dito ka muna sa tabi ko.” Richard said.

“Mr. Lim, magluluto na po ako.” Hinalikan nya si Richard sa labi.

“Isa pa…” Parang batang nagmamakaawa para sa candy.

Hinalikan sya ulit ni Maya.

“Matulog ka pa Mr. Lim. Maaga pa, sa kusina lang ako.”

“Sige, Iloveyou Honey.”

“I love you too Honey.”

Umalis na si Maya, nagluto na ng almusal kasama si Doris.

“Day, bakit parang may kakaiba sayo?” Tanong ni Doris.

“Ha? Wala naman Doris. Ikaw talaga.” Sabi ni Maya.

Nakaramdam si Maya ng hilo, napakapit sya sa upuan at uminom ng tubig. Nakita nya si Doris na takang taka sa ginawa nya.

“Doris, wait lang ah. May kukunin lang ako sa kwarto.”

“Sige, Maya. Ako na muna ang magluluto.”

Pagpasok nya sa kwarto, nakita nya si Richard kakatapos lang maligo. Napansin ni Richard na may mali dito.

“Maya, are you ok?”

“Yes Honey.”

Habang naglalakad sya, bigla na lang nyang sinabi “Richard…” Umupo sya sa kama.

“Richard…”

“Honey…”

“Promise mo sa akin na tayo ang magsasabi sa mga bata, pagkatapos ng bakasyon.”

“I promise Honey. Tayo ang magsasabi. Sa ngayon, humiga ka muna at magpahinga.”

“Wala to, okay na ako.”

“Maya, just rest.”

“Richard, wag na-”

“Maya, wag ng makulit kahit saglit lang.”

“Okay.”

___________________________

Pagkatapos nilang mag’ayos pumunta sila sa mga tourist spots sa Baguio. Inuna nila ang Mines View Park.

“Oh my gee, Kuya! This is cool! Look, a keychain with my name.” Nikki said.

“Wow, ako din oh. L-U-K-E. Luke.” Luke said.

“Pwede po kayo magpa’gawa ng ganyan Sir.” Sabi ng Tindero.

“Oh talaga Kuya?” Luke said.

“Kuya, can you make 5 keychains? Different names.” Nikki said.

“Sige po Maam, pwedeng pwede. Ano po pangalan nung lima Maam?”

“Maya, Richard, Abby, Mayumi at Ricky.”

“Sige po Maam, balikan nyo na lang po after 1 hour.”

“Nikki!! Luke!!” Maya said.

“Mommy! Coming!” Nikki said.

“Kain na tayo.” Richard said.

_____________________________

Sunod naman nilang pinuntahan ang Burnham Park. Isa isa silang sumakay sa boat na pinapadyak (A/N: Sorry, hindi ko alam tawag doon.) Magkakasama si Richard, Maya, Mayumi at Ricky. Kasama ni Doris si Abby. Si Sabel at Joma naman. Luke at Nikki at naiwan si Manang Fe, masakit daw kasi ang tuhod nya.

Habang nagkakatuwaan silang lahat, tuwang tuwa si Manang Fe sa mga nakikita nya.

“Napakaswerte ni Ricardo at nakatagpo sya ng katulad ni Maya.” Manang Fe thought.

“Manang Fe! Ang lalim naman ng iniisip nyo dyan” Sabi ni Maya.

“Ano ka ba naman bata ka, aatakihin ako sayo.”

“Kalma lang Manang. Tara na!” Maya said.

_______________________________

Nagpunta naman sila sa Strawberry Farm. Magkaholding hand si Maya at si Richard. Natatanaw nila ang mga bata na nagtatakbuhan. Hinalikan ni Richard ang noo ni Maya.

“I’m so blessed to have you Guys in my life. I love you.” Richard whispered.

“Me too. I’m so blessed and I’m so lucky. I love you too.”

“Guys!! Tama na muna ang PDA! Tara dali! Ang daming strawberries!” Luke said.

Nagkatawanan sila at naglakad na sila. Enjoy na enjoy ang mga bata sa pamimili ng strawberries.

“Ma, tikman mo to.” Baby Ricky said.

Yumuko si Maya para maabot nya si Ricky. “AHHHH. Hmmm, Sarap.”

“Honey, tikman mo din to.” Richard said. Ang strawberry ay kagat kagat ni Richard.

“Richard. Ano ka ba. Nakakahiya ang daming tao oh.”

“Naglalambing lang naman, dali na.”

Kinagat ni Maya ang kalahating, strawberry at syempre nagkahalikan sila. Lahat ng tao ay nagtinginan. Meron pa ngang nadinig si Richard.

“Nako, sobrang gwapo at sobrang ganda naman ng magasawa na yan. Pati ang mga anak, ang gaganda’t gwapo. Ang swerte.”

Natawa na lang si Richard at syempre si Maya ay yukong yuko.

“Nakakahiya Chard.”

“Walang masama Maya, magasawa naman tayo.”

“Kahit na ,tignan mo pinagtitinginan na tayo oh.”

“Hayaan mo sila. Okay lang yan, lift up your head Maya.”

___________________________________

Umuwi na sila sa log cabin nila, at pagod na silang lahat. Dumeretso na ang mga bata sa kwarto pati sina Doris at Sabel. Si Richard at si Maya ay pumunta muna sa Veranda.

“Honey, coffee?”

“Yes, please. Make a warm milk for yourself also.”

Pagbalik ni Maya sa veranda, nakita nya si Richard na natingala at titig na titig sa mga bituin.

“Malapit na ako maging isang bituin.” Sabi ni Maya.

“Maya…”

“Richard, dapat mula ngayon matanggap na natin ang katotohonan.”

Niyakan ni Richard si Maya at umiyak sya.

“Wag mo kong iwan Maya.”

“Pero kailangan ko Mahal.”

“Please, don’t. Please… Gagawa tayo ng paraan.”

“Para saan pa?”

“Para humaba pa ang buhay mo, para magkasama pa tayo at ang mga bata. Please.”

“Sayang lang ang lahat, ang pera, ang panahon. Susulitin ko na lang ito, kasama kayo.”

“Maya…” Lalong lumakas ang iyak ni Richard, pati si Maya ay naiiyak na.

“Wag ka ng umiyak Ser Chief ko. Ayokong umiiyak ka.”

“Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pag nawala ka Maya. Paano na kami ng mga bata?”

“Ser Chief, alam kong kakayanin nyo yan. Please wag ka ng bumalik sa pagiging monster. Hindi naman kita iiwan e, lagi lang ako nasa tabi nyo hindi nyo nga lang ako makikita.”

“I love you Maya.”

“I love you too Ser Chief.”

________________________________

Umuwi na sila sa Manila. Dahil pagod din sa biyahe, nagpahinga na din sila. Mabilis na nakatulog si Maya, dahil sa epekto ng gamot na iniinom nya para maibsan ang sakit ng ulo nya. Tinitigan sya ni Richard.

“Ang ganda talaga ng asawa ko. Bakit ko pa ba sya niloko?” Richard thought.

Hinawakan nya ang mga pisngi ni Maya at hinalikan ang noo nya.

“I love you Maya.” Richard whispered.

________________________________

Nagising si Maya sa mga bisig ni Richard. Tumayo sya, at nagpunta na ng banyo. Ginising na nya si Richard.

“Honey. Wake up. May work ka pa.”

“5 more minutes Maya.”

“Hindi na pwede, mal’late ka.”

“Please…”

“At kelan pa naging tama dang asawa ko sa pagpasok?”

“Ayokong pumasok, gusto ko kasama lang kita. Baka kasi meron mang-”

“Richard, okay lang ako. Bangon na at kayak o sarili ko. Maligo ka na.”

Nagpunta na sila sa dining area. Nakita na nila ang mga bata. As usual, inasikaso na ni Maya ang pamilya nya.

“Oh kamusta nakapagpahinga ba kayong lahat?” Maya asked them.

“Yes Ma and Dad, thankyou nga po pala sa vacation na yun.” Nikki said.

“You’re welcome Anak.” Richard said.

“Mamaya nga pala, pagkatapos natin mag’dinner. May sasabihin kami ng Daddy nyo.” Maya said.

“About what Mommy?” Baby Ricky asked.

“Surprise yun Baby.” Maya said.

“Sure Ma, uuwi kami ng maaga ni Niks.” Luke said.

“Sige po Mommy, mauna na po kami.”

“Sige magiingat kayo!”

_________________________________

Pababa na ang mga bata para magdinner, kasama nila magdinner sila Sabel, Doris, Joma at Manang Fe. Gusto kasi ito kasama ni Maya.

“Tara na, Let’s eat na.” Richard said.

Pagkatapos nila kumain at magayos bago matulog, nagpunta na sila sa Family Room. Kinakabahan si Maya, hindi nya kasi alam kung ano ang magiging reasksyon ng mga bata at ibang tao sa bahay.

“Day, ano ba yung sasabihin mo? Kinakabahan naman ako.” Doris said.

“Oo nga naman Day.” Sabel said.

“Wag na kayong magulong dalawa dyan.” Joma said.

“Kayong tatlo, magsitigil kayo. Sige na Maya, magsalita ka na.” Manang Fe said.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto.

“Ehem. This is a very serious matter. Si Maya-” Richard said.

“Chard, ako na.” Maya said. Teary eyed. “Guys, I’ll go straight to the point. I have a Brain Cancer Stage 4.”

“What?!” Nikki said.

“Dad! Bakit di nyo sinabi agad?!” Luke said.

“Mommy, ano po yung Brain Cancer?” Ricky asked his mother.

“Later ko, explain baby.”

“Ricardo..” Manang Fe said.

“Mommy!” Yumakap si Nikki sa Mommy Maya nya, ang kanyang pangalawang ina. Si Maya ay laging nandyan para sa kanya at alam ni Nikki na naiintindihan ni Mommy Maya nya mga problema nya. Kaya alam nya na sobrang nasaktan si Mommy Maya nya.

“Shhhh! Baby Nikki ko. Tama na.” Maya said.

Biglang niyakap ni Luke si Maya at Nikki, at umiiyak din si Luke. Naiyak na din sila Doris at Sabel at nakiyakap na din sila. Pati sina Abby, Mayumi at binuhat ni Richard si Ricky saka sila yumakap.

“Lord, sobrang salamat sa pagkakataon na binigay nyo sa amin ito.” Maya prayed.

Umupo na silang lahat ng kumalma na sila. Nagusap na lamang sila Nikki, Luke, Richard at Maya. Hindi na nila sinali ang mga bata para hindi na sila gaanong magalala. Nagtanong bigla si Nikki.

“Ma, edi nagpapa’chemotheraphy ka?”

“No Anak, ayoko.”

“Ma! But kailangan mo yun.” Luke said.

“Luke, sayang ang pera at panahon.” Maya said.

“Ma, Nagaaral ako ng medicine at madami akong nalaman na Cancer Survivor kahit Stage 4 na.” Nikki said.

“I agree with Nikki Ma. You need to do the Chemotheraphy.” Luke said.

“I agree with Luke and Nikki, Maya.” Richard said.

“Hep! Hep! Pinagtutulungan nyo ako ah. Ayoko magpa’chemotheraphy kasi ayokong masayang ang panahon ko na nasa hospital lang ako, gusto ko kasama ko kayo hangga’t kaya ko.” Maya said.

“Mommy, kailangan mo po yun para gumaling ka. Please for me Mommy.” Ricky said.

Umiiyak si Ricky ang bunsong anak nila ni Richard, napatingin bigla silang lahat sa tao sa pintuan. Tumakbo si Maya kay Ricky at binuhat ito.

“Anak, magaling naman si Mommy ah.”

“Mommy, naiintindihan ko na po. I heard You, Ate Nikki, Kuya Luke and Dad.”

“Anak, alam mo ba ang brain cancer?”

“Hindi po.” Umiling iling si Ricky.

“Ganito, explain naming sa inyo ni Mommy.” Sabi ni Richard sabay buhat sa Anak nya.

“Upo ka muna dito Baby.” Nikki said.

“Ang Brain Cancer Anak ay isang sakit.” Maya said.

“Edi kailangan nyo nga po gawin yung sinasabi nila Kuya, para gumaling ka.”

“Anak, hindi kasi basta basta yun. Pag ginawa ni Mommy yun, kokonti na lang ang panahon nya na kasama kayo. Gusto mo ba yon?”

“Syempre po, Hindi Mommy. Pero hindi po ba mas matagal nyo po kami nakakasama kung gagaling po kayo?”

“Hayyy! Talo na ako! Ang talino ng bunso mong anak Richard! Mana sayo.” Sinabi ito ni Maya habang itinataas dalawang kamay na aakmang susuko.

Nagkatawanan silang lahat.

“See? Four against one.” Richard said.

“Talo na nga diba?” Maya said.

“Mommy.” Abby and Mayumi said.

“Pasok kayo.” Richard said. “Bat kayo umiiyak?”

“Kasi po.. si Mommy eh.” Abby and Mayumi cried at niyakap nila ang Mommy nila.

“Nako, tama na. Okay lang si Mommy, strong pa ko.”  Maya said.

“Hug nyo si Mommy nyo.” Hinug nila Nikki, Luke, Abby, Ricky at Mayumi si Mommy Maya nila.

“Sali naman ako dyan.” Richard said.

_________________________________________

Pinatulog muna ni Maya ang mga bata at bumaba sya sa veranda, nakita nya si Richard nandoon nakahawak sa railing at nakatingin muli sa maga bituin. Nilapag nya ang tinimpla nyang coffee. Naramdaman ni Richard na may yumakap sa likod nya at si Maya iyon.

“Inaabangan mo ba talaga ako maging bituin?” Pabirong sabi ni Maya.

“Of course not, hindi ka pwede maging bituin.” Richard said.

“Magpapagamot na ako, kaya hindi talaga pwede.” Maya said.

“Thank you Maya. Thank you for doing this.”

“Wala yun Richard, ang talino kasi ng mga anak mo.”

“Mga anak NATIN.”

“Ang tatalino ng mga anak NATIN.”

Hinalikan ni Maya ang mga labi ni Richard, damang dama nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Nagbitiw lang sila para kumuha ng hangin.

“I will always love you Mr. Richard Lim.”

“I will always love you too. Mrs. Maya Dela Rosa-Lim”

To be continued. Magiging magaling kaya si Maya?

 

 

 

 

5 thoughts on “Life and Regrets – part 5

  1. Pingback: Life and Regrets – part 6 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s