Life and Regrets – part 6

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Life and Regrets – part 5.


Author:MissAa

 

~*~

 

Previously…

Pinatulog muna ni Maya ang mga bata at bumaba sya sa veranda, nakita nya si Richard nandoon nakahawak sa railing at nakatingin muli sa maga bituin. Nilapag nya ang tinimpla nyang coffee. Naramdaman ni Richard na may yumakap sa likod nya at si Maya iyon.

“Inaabangan mo ba talaga ako maging bituin?” Pabirong sabi ni Maya.

“Of course not, hindi ka pwede maging bituin.” Richard said.

“Magpapagamot na ako, kaya hindi talaga pwede.” Maya said.

“Thank you Maya. Thank you for doing this.”

“Wala yun Richard, ang talino kasi ng mga anak mo.”

“Mga anak NATIN.”

“Ang tatalino ng mga anak NATIN.”

Hinalikan ni Maya ang mga labi ni Richard, damang dama nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Nagbitiw lang sila para kumuha ng hangin.

“I will always love you Mr. Richard Lim.”

“I will always love you too. Mrs. Maya Dela Rosa-Lim”

__________________________________

Chapter 6

Nagha’hapunan ang Pamilya Lim, sobrang alaga nila kay Maya, naiinis na si Maya kaya ayaw nyang sabihin sa kanila kasi alam niya na magkakaganito sila.

Si Luke, tanong ng tanong. “Ma, are you ok?”

“Okay lang ako Luke.”

“Are you sure Ma?”

“Yes.”

Sumunod naman si Nikki. “Are you sure Mom?”

Tumayo na si Maya sa upuan at nagulat silang lahat.

“Hindi pa ako mamamatay! Kaya please, ayoko ng ganitong treatment sakin! Nasasaktan ako lalo!” Umiyak si Maya at tumakbo papuntang kwarto.

“Mom!” Luke and Nikki said in unison.

Hahabulin na sana nila ang Mommy Maya nila, pero pinigilan sila ng Daddy nila.

“Dito na lang muna kayo, I’ll talk to you Mom. Continue eating your dinner.”

“But Dad-”

“No buts Kids.”

Umakyat si Richard. Pumasok sya sa kwarto nila at nakita nya si Maya na nakahiga at umiiyak. Hawak hawak ang sentido.

“Chard, please leave me alone.”

“Maya…”

“Dito lang ako.”

“Chard! Hindi ako mamamatay!” Sumigaw si Maya at nagulat si Richard sa inasal ng asawa nya.

“Maya, wala naman kaming sinasabi na mamamatay ka na. Walang gusto dito sa bahay na to na mawala ka samin.”

Tumayo si Maya at kinuha ang car keys at tumakbo papunta sa labas. Hinabol sya agad ni Richard.

“Maya! Where are you going?!” Richard shouted.

Pero hindi sya nilingon ni Maya, hindi nya ito nasundan dahil nakasakay na ito sa kotse. Hinanda nya agad ang sasakyan at hinanap nya si Maya at nakita nya ito sa sementeryo ng dati nyang asawa. Na kay Alex sya. Hindi nya muna pinasok at gusto nya muna na mapagisa si Maya pero nadinig nya ang sinabi ni Maya.

“…Hindi ko kayang iwan ang pamilya mo Alex. Sa tuwing makikita ko sila, naaalala ko kung paano sila nung nawala ka. Bakit pa ako binigay sa pamilya mo kung kukunin lang din naman pala ako?! Ayoko ng makita si Richard at ang mga bata na katulad ng dati. Hindi ko kaya at hinding hindi ko mapapatawad sarili ko kung babalik sila sa ganun. Please Alex… Tulungan mo ako. Konti na lang magkikita na tayo.”

Lumingon si Maya at nakita nya si Richard nasa likod nya, umiiyak. Tumakbo sa kanya si Richard, niyakap nya si Maya ng mahigpit.

“Maya… Hindi ka mamamatay. Hindi ako papayag, hindi kami papayag! Mahal na mahal kita. Alam ko may mga mali ako pero…”

“Chard, shhhh. Okay na ako.”

“Maya.” Still crying.

Umuwi na sila Maya, tulog na daw ang mga bata. Pero sina Luke at Nikki hindi pa. Pagbukas nila ng pinto, sila agad ang bumungad sa kanila. Nakayuko sila.

“Bakit kayo nakayuko?” Maya asked.

“Kasi Mom…” Umiiyak si Nikki.

“Tama na, okay na yun. Sige na. Umakyat na kayo at may pasok pa kayo bukas. I love you.” Hinalikan nya ang mga noo ng mga anak nya.

Pumunta na sa kwarto sila Richard at Maya.

“Maya, wag mo ng uulitin yun.”

“Ang alin?”

“Ang pag alis ng magisa.”

“But why?”

“Pinagalala mo ako ng sobra.”

“Sorry.”

“Punta muna ako sa office. Magpahinga ka na.” Richard kissed his wife’s forehead and he whispered “I love you.”

“I love you too.”

______________________________

Pumunta si Richard sa office, nagmuni muni sya. Naisip nya yung ginawa nya kay Maya.

1year ago…

Naging sobrang busy si Maya sa work, wala na syang time sa kids, kay Richard at pati sa sarili nya. Syempre, lalaki si Richard may mga pangagailangan din sya na hindi matupad ni Maya. Sa hindi naman sinasadya na pangyayari, nagkita sina Richard at Stephanie sa isang bar.

“Hi Richard, long time no see.” Stephanie said.

“Hello Steph.”

“Richard, you’re drunk. You can’t drive.”

“I can.”

“Bakit ka ba nagkakaganito?”

“Bakit?! Si Maya e!”

“What about her?”

“Kulang na sya ng oras samin, pati mga pangangailangan ko wala na! Sobrang busy!”

“Hiwalayan mo na Chard.”

“No! Hindi pwede.”

“But Chard.” Stephanie started to kiss Richard.

Kasi nga may pagkukulang si Maya, pinatulan sya nito ni Richard pero walang nangyari sa kanila. Lagi lang sila hanggang halikan lang. Hanggat tinapos na ni Richard ang namamagitan sa kanila.

“Damn! Richard! Ang tanga mo!” Richard said. “Paano na ang mga panahon na nawala! Paano na?!”

“Dad…” Ricky said.

“Ricky, gabing gabi na and you’re still awake? Why Baby?” Richard carried his son.

“My bad dream po kasi ako.”

“Ano yung bad dream mo? Care to tell your Dad?”

“Yes po. Si Mommy daw po kinukuha na ng mga monsters!” Umiyak si Ricky. “Daddy, ayoko mangyari yun.”

“Shhh Anak. Hinding hindi mangyayari yun. Gusto mo tabi ka sa amin ng Mommy mo para hindi ka na magkaroon ng bad dream?”

“Yes po, gustong gusto ko po.”

Pumasok si Richard sa kwarto nila, nakita nya si Maya nagbabasa ng libro about brain cancer.

“Mommy.”

“Ricky, gising ka pa?!”

“Yep, gising pa sya. Di daw sya makatulog.” Chard said.

“Why Baby?” Maya looked at his son.

“Kasi may mga monster, kukunin ka daw.” Ricky pouted lips.

“Hindi ako kukunin ng monsters, kasi andyan kayo nila Daddy para protektahan si Mommy diba?”

“Yes po! I’ll protect you Mommy from monsters!”

“That’s my boy! We’ll protect Mommy ah.” Richard kissed his son.

“Let’s sleep na.” Maya said.

_______________________________________

After ilang months ng Chemotheraphy, medyo okay si Maya. Minsan na lang sya atakihin ng sakit ng ulo.

“Chard. Gusto ko ulit maging FA.” Maya said. “I want to fly again.”

“Maya, pero bawal. Baka makaapekto sayo ang puyat.”

“Edi kukuha ako ng flights na hindi pang’gabi. Local lang naman Chard.”

“But Maya-”

“Please. This is one of my wish.”

“We’ll talk to your Doctor.”

Nakausap nila ang Doctor, pinayagan sya, pero bawal sya gaano mastress. Nakapagflight sya ulit. Nakalipad sya katulad ng gusto nya. Ang laking pasasalamat nya dahil naiintindihan sya ng mga Co-FA nya at ng pamilya nya.

______________________________________

Samantala, sa bahay ng mga Lim. Naguusap sila kasi malapit na ang kaarawan ni Maya. Gusto nila na maging special ito.

“Dad, do you have any idea?”

“Yes, of course. I do.”

“So, what’s your idea?” Luke said.

He whispered it to his kids. They were so happy and excited at the same time.

“Don’t tell this to your Mom.”

“Yes Dad!” They all said in unison.

To be continued…

(A/N: Comment nyo lang po, kung ano po ang gusto nyong idea sa kuwento. Kung paano nyo po gusto i’end o ituloy? Baka po meron kayong gusto na isingit na part sa kwento, it’try ko po na gawin yun. Kung kakayanin ko. MARAMING SALAMAT!)

9 thoughts on “Life and Regrets – part 6

  1. Sana gumaling na si Maya.. Sana parang tulungan sya ni Alex … Anyway, thanks for this! ’til the next one!🙂 Naiyak na namn ako dahil sa Message nya kay Alex..

  2. ‘am having a hard time reading this story….parang ilang toneladang sakit lang s heart.’just keeping my fingers crossed….love n faith HEALS…

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s