Life and Regrets – part 7

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Life and Regrets – part 6.


Author:MissAa

 

~*~

 

Previously…

Samantala, sa bahay ng mga Lim. Naguusap sila kasi malapit na ang kaarawan ni Maya. Gusto nila na maging special ito.

“Dad, do you have any idea?”

“Yes, of course. I do.”

“So, what’s your idea?” Luke said.

He whispered it to his kids. They were so happy and excited at the same time.

“Don’t tell this to your Mom.”

“Yes Dad!” They all said in unison.

________________________________

Gabi na dumating si Maya sa Mansyon ng mga Lim. Dumaan pa kasi sya sa simbahan at puntod ng dating asawa ni Richard. Pagpasok nya sa pinto, alam nyang tulog na ang lahat. Kaya umakyat na sya sa kwarto nila ni Richard, pagpasok nya nakita nya ang asawa nya na sobrang himbing ang tulog. Hinalikan nya ito sa mga labi at hindi pa rin nagising kaya naligo na lang sya. Lumabas na si Maya mula sa banyo.

“Maya, kakauwi mo lang ba?” Tanong ni Richard.

“Yes. Sige na matulog ka na ulit.”

“Bakit ngayon ka lang?”

“Ah-Eh. May dinaanan muna ako.”

“Saan naman?”

“Basta. Sige na, matulog ka na.” Maya said. “I love you.”

“I love you too.”

________________________________

Pag’gising ni Maya, wala na sa tabi nya si Richard.

“Birthday na birthday ko, pag’gising ko wala akong katabi.” Maya thought.

Bumaba sya, at nakita nya sila Richard na nasa sala, naglalaro silang lahat.

“Wala kayong balak isali ako?” Maya said.

“Ay! Sorry Mom. Puno na e.” Luke said.

“Okay, wait lang ah.” Maya said.

“Bakit parang wala silang naaalala? Nakalimutan ba nila na birthday ko ngayon?” Maya thought.

Pumasok sa kusina si Maya, umupo sya sa upuan at nakita nya si Sabel kaya nakipagkuwentuhan sya dito.

“Sabel, ano niluluto mo?”

“Almusal Maya. Bakit? May gusto ka bang kainin?”

“Wala naman.” Maya said. “Bakit parang pati sila Sabel walang naaalala?” Maya thought.

Nasa dining area na silang lahat, malungkot na si Maya kasi wala pang bumabati sa kanya kahit man lang isa sa mga kasama nya sa bahay, Wala! Napansin na ito nila Richard at napangiti na lang sila. Dahil nagtatagumpay na ang plano nila.

“Ma, may problema ka ba?” Ricky asked.

“Wala, baby.”

“Baby Ricky, pagod lang si Mommy.” Abby said.

“Oo nga Baby, pagod lang si Mommy.” Maya said.

Natatawa na talaga sila Nikki at Luke. Di na nila napigilan at tumawa na sila ng malakas.

“Bat kayo tumatawa Luke?” Maya asked.

“May naalala lang po kaming nangyari kahapon Mommy.” Nikki said.

“Ah, ganon ba.”

“Ehem. Maya, wala ka bang flight ngayon?” Richard asked.

“Wala, Rest day namin ngayon.”

“Okay.” Serious mode si Richard, pero deep inside natatawa na sya.

“Bakit ba ganito ang mga tao dito? Hindi talaga nila naaalala?”  Maya thought.

___________________________________________

Pumunta na sya sa kwarto nya, nanood sya ng favourite movie nya at habang nanonood sya, napaisip syang tawagan si Kute.

Ring.. Ring.. Ring..

“Hello Kute!”

“Oh bunso napatawag ka? May problema ba?”

“Ah, wala naman Kute. Kamusta na kayo dyan?”

“Okay lang naman kami dito nila Mamang. Ikaw?”

“Okay lang din naman. Wala ba kayong naaalala?”

“Hmmmm, Wala naman bunso. Bakit ano bang meron?”

“Wala wala, o sige na. Babye na!”

“Babye Bunso! I love you!”

“I love you too Kute!”

Maya ended the call. Naiiyak na talaga sya, kasi walang nakaalala ng birthday nya.

“Baka nga ito na ang huli kong birthday, wala pa ring nakakaalala.” Maya thought.

Hapon na. Dahil sa panonood ni Maya ng movie, nakatulog sya. Umakyat si Richard at nakita nya ito. Pinatay nya ang tv at umalis na.

___________________________________

Gabi na, nagising si Maya. Pagkagising nya, may nakita syang dress at may note ito.

“Get ready Honey. –R”

Naghanda na si Maya, suot suot nya ang red dress. Lumitaw ang kagandahan ni Maya noong suot nya ito. Lumabas na syang kwarto at nakita nya madaming petals of roses ang nakakalat sa floor at may mga arrows na susundan kung saan sya pupunta.

Bumaba sya ng hagdan, at napunta sya sa garden. Sobrang ganda ng garden at sobrang pinaghandaan nila ito. Biglang nagplay ang favourite music nila at biglang lumabas at  kumanta ang mga bata. (Wag kang matakot – Eraserheads)

Huwag kang matakot
‘Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi
‘Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita.

Binigyan sya ng mga bulaklak ng mga anak nya, pati sina Doris, Sabel, Joma at Manang Fe. Lumabas naman sina Mamang, Nanay Tere, Kute at Cho. Nakita kanta na din sila

Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot.

“Nay!!” Umiiyak na si Maya at niyakap nya ang Nanay Tere nya.

Sumunod na lumabas si Richard at biglang naging sweet ang tugtog. (Kasama kang tumanda – Vhong Navarro) Kumanta din si Richard at hawak hawak nya ang isang rosas. Lalong naiyak si Maya.

Itong awiting ito ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda.

Lumapit si Richard kay Maya at binigay ang rosas sa kanya, niyakap sya ni Maya at patuloy pa din sya sa pagkanta.

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda.

Lumuhod si Richard sa harap ni Maya at binuksan ang isang necklace box. Nagulat si Maya.

“Chard, bakit? Para saan to?”

“Maya, Gusto kita makasamang tumanda. Pwede bang wag kang sumuko please?” Richard said. Teary eyed. “Happy Birthday Honey.” He kissed her lips.

“Happy Birthday Mommy!!!” The kids said at lumapit sila at yumakap sa mga magulang nila.

“Mommy, sagutin mo yung tanong ni Daddy.” Luke said.

“Hindi ako susuko Honey, hinding hindi. Para sa inyo.” Maya said.

“YES! Tara na! Party na!” Luke said.

Kumain na sila at ang daming handa. Natawa tuloy si Maya.

“Akala ko nakalimutan nyo na birthday ko ngayon. Wala kasing bumati sakin kahit isa. Nakakatampo.” Maya pouted her lips.

Richard kissed her lips. “Effective pala acting namin e. Diba Kids?”

“Syempre Dad, si Nikki nagisip nun e.” Luke said.

“Nay! Kelan pa kayo nandito?” Maya asked her Mom.

“Kanina lang Anak, pinaluwas kami ni Richard.”

“Namiss ko kayo Nay! Pati kayo Mamang, Kute at Cho!” Maya hugged them one by one.

Pagkatapos nila kumain, nagusap usap sila sa veranda. Pero sina Maya at Chard ay nasa office.

“Chard, alam na ba nila Nanay?”

“Hindi pa, gusto ko tayo ang magsabi sa kanila.”

“Ano ang dapat nyo sabihin sakin Maya?” Nanay Tere said. Hindi nila alam na nadinig pala ni Nanay Tere ang usapan nila.

“Nay.” Maya said.

“Doon po muna tayo sa Salas.” Richard said.

“Chard, tawagin mo na lang muna sina Mamang.”

“Sige Hon.”

“Maya, ano ba yung sasabihin mo?” Mamang  asked.

“Wag po sana kayong mabibiglang lahat.” Maya said. Teary eyed. “Nay, Mamang, Kute at Cho, I have Brain Cancer Stage 4.”

“Ano?! Anak, paano? Anong nangyari?!” Nanay Tere cried.

“Bunso? Totoo ba?! Bakit?” Kute,Cho and Mamang cried also.

“Ano ba kayo! Umiiyak na kayo agad, buhay pa naman ako. Saka na pag patay na ko.” Maya joked.

“Anak! Hindi ka nakakatawa.”

“Nay, Mang, Kute at Cho, tara nga kayo dito.” Maya hugged them. “Okay lang ako, nagpapagamot ako okay?”

“Pero bakit? Kelan mo pa nalaman?” Nay Tere asked.

“Nung mga nakaraang buwan lang, alam na din naman ng mga bata.”

“Anong reaksyon nila?”

“Parang kayo lang din.”

“Nay, alam nyo ba yang anak nyo. Ayaw pa magpagamot kung hindi pa pinilit nung mga bata.” Richard said.

“Chard! Sinumbong mo pa ako kay Nanay.”

“Maya, tatagan mo lang ang loob mo. Kapit bisig tayo.”

“Opo Nay, kapit bisig.”

Nagpatuloy na lang sila magkuwentuhan sa veranda, nakaramdam ng hilo si Maya at tumayo sya.

“Richard..” Maya said.

Buti na lang mabilis si Richard at nasalo nya si Maya. Hinimatay si Maya, nagulat silang lahat.

“Oh my gee Mom!” Nikki said.

“Maya! Wake up! Maya!” Richard said. “Joma! Yung sasakyan! Dali! Dadalin natin sa ospital si Maya! Luke, take care of your siblings!”

“Maya, Anak!” Nanay Tere said.

Pumunta na sila sa ospital. Naglakad ng naglakas si Richard sa labas ng emergency room. Lumabas na ang doctor.

“Mr. Lim?” Doc Francisco said.

“Yes Doc? Anong nangyari sa asawa ko?”

“Yung nangyari sa asawa mo, hindi connected sa sakit nya.”

“What do you mean? Hindi connected? How?”

“Mr. Lim, we need to stop the chemotheraphy.”

“But why?”

“Because your wife is pregnant. She’s 3weeks pregnant.”

“What?!” Richard said. “Paano na ang asawa ko? Kung hindi sya magc’chemotheraphy?”

“Hindi natin alam sa ngayon Mr. Lim. Pero kung gusto nyo pa rin ituloy, ipapa’abort natin ang bata.”

“No! I can’t do that to my own child.”

“We need to stop the Chemotheraphy. I’m so sorry Mr. Lim.”

____________________________

Nagpunta si Richard sa chapel ng hospital. Nagdasal sya.

“Bakit ba nagkakaganito ang buhay ko? Paano na ang magina ko? Paano na si Maya? Tulungan nyo po ako, bigyan nyo po ako ng lakas.” Richard prayed.

Nagpunta na sya sa kwarto ni Maya. Nakita nya tulog pa si Maya at tumabi sya dito at hinalikan ang mga labi nito. Nagising si Maya.

“Chard? Ano daw sabi ng Doctor?”

“Maya, you need to stop the Chemotheraphy.”

“Ha? Bakit?”

“Maya, you’re pregnant. 3 weeks.” Richard smiled but he was teary eyed.

“It’s okay Chard. I’m happy.” Maya smiled and she cried also.

“But, paano ka?”

“Don’t worry about me Chard. Kaya ko sarili ko, problemahin natin ang bata.”

“Maya, gusto ko gumaling ka.”

“Gusto ko din naman e, pero mas gusto ko mabuhay ang bata.” Maya said. “Kaya natin to Chard. Kapit Bisig nga diba?”

“Yes, kapit bisig.” Richard said. “I love you so much Maya and Baby.” Richard touched Maya’s belly.

“We love you too Honey.”

To be continued…

 

 

7 thoughts on “Life and Regrets – part 7

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s