Life and Regrets – part 8

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Life and Regrets – part 7.


Author:MissAa

 

~*~

 

Previously…

Nagpunta na sya sa kwarto ni Maya. Nakita nya tulog pa si Maya at tumabi sya dito at hinalikan ang mga labi nito. Nagising si Maya.

“Chard? Ano daw sabi ng Doctor?”

“Maya, you need to stop the Chemotheraphy.”

“Ha? Bakit?”

“Maya, you’re pregnant. 3 weeks.” Richard smiled but he was teary eyed.

“It’s okay Chard. I’m happy.” Maya smiled and she cried also.

“But, paano ka?”

“Don’t worry about me Chard. Kaya ko sarili ko, problemahin natin ang bata.”

“Maya, gusto ko gumaling ka.”

“Gusto ko din naman e, pero mas gusto ko mabuhay ang bata.” Maya said. “Kaya natin to Chard. Kapit Bisig nga diba?”

“Yes, kapit bisig.” Richard said. “I love you so much Maya and Baby.” Richard touched Maya’s belly.

“We love you too Honey.”

_____________________________________

Chapter 8

Umuwi na sila Maya at Richard. Sinalubong sila ng mga bata.

“Mommy, are you okay?” Nikki said.

“Yes naman Anak, I’m okay.” Maya smiled.

“Kids, magpapahinga muna si Mommy nyo.” Richard said.

“Okay Dad. Take care Mom.”

Habang nasa kwarto, inalala ni Maya kung paano nila sasabihin sa mga bata.

“Chard, paano natin sasabihin?”

“Mamaya, kakausapin natin sila.” Richard said. “Ahmm, Maya…”

“Yes Chard?”

“Kung ipa’abort na lang kaya natin ang bata? Para gumaling ka?”

“Chard! Are you out of your mind?!” Maya shouted.

“Mas importante ka sakin!” Richard said.

“Chard! Buhay ang pinaguusapan natin dito, hindi kung ano lang!” Maya’s voice was octave higher “Buhay Chard! Buhay! Alam mo ba ang buhay?!”

“Pero Maya, ikaw ang iniisip ko dito!” Richard shouted.

“Chard! Nabuhay na ko ng 35 years! Ikaw nabuhay ka na ng 40 years! Etong batang nasa sinapupunan ko! Kahit man lang isang minuto, hindi pa nya nakikita ang mundo.” Maya cried. “Naiintindihan mo ba ako?”

“Pero Maya”

“Chard! Hindi mo ako naiintindihan e! Mas pipiliin kong mamatay, para mabuhay lang ang batang to! Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo?”

“Maya, ayoko din naman mawala ang bata, pero mas ayokong mawala ka.”

“Chard, wala na tong patutunguhan. Itong paguusap natin, leave me alone. Magpapahinga ako.”

“Maya.”

“Chard! Get out!!”

____________________

Umalis si Richard sa kwarto nila Maya, hindi nya alam ang gagawin. Ang hirap mamili between Maya and their child. Gusto nyang mabuhay si Maya at gusto nya din mabuhay ang bata. Pero hindi pwede mangyari yun, may maapektuhan sa kanila. Nakita sya ni Nanay Teresita na lumabas ng kwarto..

“Richard, anong nangyari?”

“Nay..” Umiyak si Richard at niyakap nya si Nanay Tere.

“Bakit Anak?”

Nagpunta sila sa office ni Richard at kunuwento nya kung anong nangyari kay Nanay Tere.

“Richard, naiintindihan kita. Kahit ako nahihirapan ako pumili.”

“Inaalala ko lang naman si Maya, Nay. Gusto ko syang makasama, gusto ko syang gumaling.”

“Ano ba gusto mong mangyari sa bata?”

“Nay, gusto ko din mabuhay ang bata. It’s my own blood and flesh.” Richard said “Pero paano si Maya, Nay?”

“Wala naman sa atin ang desisyon. Na kay Maya, siya ang may dala dala ng bata.”

“Sabi ng Doctor, ititigil daw ang Chemo. Pati ang mga gamot.”

“Magusap kayo ni Maya, pag lumamig na ang init ng ulo nyo.”

_________________________

Naghahanda na ng hapunan ang Pamilya Lim. Naguusap sina Sabel at Doris.

“Alam mo Day, kanina pag’daan ko sa kwarto nila Sir Richard. Nadinig ko sumisigaw si Maya.” Doris said.

“Oh ano sabi Day?”

“Ang nadinig ko lang e, Buhay! Buhay ang pinaguusapan natin dito!” Doris said “Yun nadinig ko.”

“Ha? Buhay? Baka kay Maya, kasi diba may sakit sya?”

“Doris, Sabel, itigil nyo yan.” Manang Fe said.

“Opo Manang.” They said in unison.

__________________________________

Kumatok si Nanay Teresita sa kwarto ni Maya.

“Maya, Anak. Kain na.”

“Nay, busog ako.”

“Paano naman yung bata sa tiyan mo?”

“Nay…” Maya cried.

“Maya, naiintidihan ko kayo ni Richard.”

“Pero Nay, mali sya e. Hindi nya dapat sinasabi yun. Kasalanan yun e.”

“Inaalala ka lang naman nya Maya.”

“Nay, kaya ko ang sarili ko.”

“Kung kaya mo ang sarili mo, kumain na tayo.”

“Sige Nay, susunod ako.”

Bumaba na si Maya sa dining area. Dahil galit pa din sya kay Richard, umupo sya sa pwesto ni Abby.

“Mommy, ako po dyan.” Abby said.

“Baby Abby, dun ka muna sa tabi ni Daddy.” Maya smiled.

Luke and Nikki looked at each other.

“Okay po Mommy.” Abby said.

Nagtataka sila bakit hindi magkatabi ang Mommy at Daddy nila. Mukhang tiger mode ang Daddy nila, at mukhang malungkot ang Mommy nila. Nagpunta sila sa family room, at nanood ng comedy movie pero napansin ni Luke na may mali sa parents nila kaya hindi na naiwasan ni Luke na magtanong.

“Dad, Mom. What’s wrong?”

“What Son?” Richard said.

“Bakit ganyan kayo Daddy?” Nikki asked.

“May good news pala ako sa inyong lahat!” Maya said. “Manang Fe, tara kayo dito. Dali!”

“Ano ba iyon?” Manang Fe asked.

“Oo nga Mommy.” Nikki asked.

“Baby Ricky, hindi na sya baby. Kuya na sya!” Maya smiled.

“What do you mean Mom?” Luke said. “What? You’re pregnant Mom?”

“Yes I am, Luke. 3 weeks.” Maya smiled.

“Mommy, how about you? Paano ka? Edi hindi ka na magpapa’chemo?” Nikki said

“Yes, hindi na.” Maya smiled.

Nanahimik silang lahat, halata ang tension sa kanila. Alam kasi nila na pag hindi na magpachemo si Maya, mas lalaki ang chance na mawala sya. Tumayo na si Richard pero pinigilan sya ni Maya.

“Bakit ba ganyan kayo? Parang hindi kayo masaya para sa atin?” Maya said.

“Mommy, ako po happy para sa inyo.” Abby said.

“Ako din po Mommy.” Mayumi and Ricky said.

“Doris, dalin mo na sila sa kwarto nila.”

“Sige Maya.”

Naiwan sina Nikki, Luke at Richard sa Family Room, umalis na din sila Manang Fe, Nanay Tere, Mamang, Kute at Cho.

“Hindi ba kayo masaya?” Maya said. “Ano ba gusto nyo?”

“Ma, sa hindi naman kasi masaya para sayo. Pero ikaw lang inaalala naming.” Luke said.

“Yes Mom, I agree with Kuya. Mas malaki na kasi ang chance na mawala ka samin.”  Nikki said.

“Eh anong gusto nyo na gawin ko? Ipa’abort tong batang to?!”

Hindi nakasagot sila Nikki at Luke.

“Maya, hindi yun ang gusto nila.” Richard said.

“Eh ano?! Diba yun na lang naman ang option?! Kung hindi ako ang mawawala, ito ang mawawala!” Maya said while pointing to her tummy.

“Mom, hindi sa ganun.” Luke said.

Tumayo si Maya. “Alam nyo, pare’pareho kayo! Buti pa yung iba naiintindihan ako! Pero kayo.” Maya went downstairs.

“Dad, anong gagawin natin?” Luke and Nikki said in unison.

____________________________________

Nagpunta si Maya sa kwarto ni Manang Fe, dahil natutulog na ang Nanay Tere nya. Gising pa si Manang at nakita nya si Maya.

“Maya, bat nandito ka? Magpahinga ka na.”

“Manang Fe…” Maya cried. “Hindi nila ako naiintindihan.”

“Maya, inaalala ka lang nila.”

“Pero, hindi ba nila inaalala ang anak namin? Ang kapatid nila.”

“Maya, imposible iyon. Kilala ko sina Luke, Nikki at Ricardo. Inaalala nila pati ang bata, pero siguro mas importante ka sa kanila. Kasi ikaw na ang nandito.”

“Manang, kahit naman ituloy ko ang chemo. Mamamatay pa din ako e. Mas okay ng mamatay ako, na may maiiwan akong isang bagay sa kanila.”

“Pero paano yang bata sa sinapupunan mo kung maiiwan lang naman sya?”

“Andyan po sila Luke, para alagaan ang bata.” Maya said. “Madaming tao ang magpaparamdam ng pagmamahal, dito sa batang to.”

“Maya, iniisip ka lang ng mga bata. Magpahinga ka na.”

“Ayoko po umakyat.” Maya said. “Dito na lang muna ako Manang.”

“Sige, kung iyan ang gusto mong bata ka.”

_________________________________

Nagpunta si Manang Fe sa office ni Richard.

“Ricardo.” Manang Fe said.

“Pasok po Manang.”

“Sinabi sakin ni Maya.”

“Eh Manang, inaalala lang naman namin sya ng mga bata.”

“Pero, gusto nya na isipin nyo rin ang bata na nasa sinapupunan nya.”

“Asaan po ba sya Manang?”

“Nasa kwarto ko, ayaw daw nya matulog sa inyo.” Manang Fe said. “Puntahan mo na siya. Nagpapahinga na yun.”

“Sige po Manang.”

__________________________________

Nagpunta si Richard sa kwarto ni Manang Fe, pagpasok nya ng pinto. Nakita nya si Maya, natutulog na ng mahimbing at hawak hawak ang tummy nya na para bang pinoprotektahan sa kung ano mang bagay o tao na pwedeng umagaw dito.

Lumapit si Richard kay Maya.

Richard kissed her forehead. “I’m so sorry Mahal. Mahal na mahal lang kita kaya ko nagawa yun.” Tulog pa din si Maya.

Binuhat na ni Richard si Maya, papunta ng kwarto nila. Nilapag nya ito ng dahan dahan sa kwarto nila.

“I’m so sorry. I love you.” Richard kissed Maya’s lips.

To be continued…

10 thoughts on “Life and Regrets – part 8

  1. Ang sakit nang dibdib ko nakakaiyak. Mahirap talaga pumili, my husband been there when i had a complication when i was giving birth to our only child.tagos hangang buto ang nararamdaman ko ngayon sa story.

  2. Pingback: Life and Regrets – part 9 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s