The Song – Finale

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missAa. This is a continuation to The Song – part 9.


A/N:Maraming Salamat po sa suporta na binibigay nyo sa akin! Maraming maraming salamat!

 

Author: missAa

 

~*~

 

Previously…

Nasa office na din si Richard ng mall at pinapahanap ang anak nya, pagpasok ng babae sa office nakita nya agad ni Luke.

“Luke!! My Son, saan ka ba nanggaling? Pinagalala mo naman si Daddy.” Richard said.

“Daddy!” Umiyak si Luke. “Siya po ang tumulong sa akin.”

Tinanggal ng babae ang cap na suot sya at nakita ni Richard ang mukha nito. Si Maya. Hindi nya alam ang gagawin.

“Maya?!”

“Yes, ako nga po. Kayo po ba ang Daddy ni Luke?”

“Maya!” Niyakap nya si Maya ng sobrang higpit, pero tinulak sya nito.

“Excuse me po. Oo, ako po si Maya. Pero bakit nyo po ako kilala? Hindi ko po kayo kilala.”

“Maya, ako si Richard. Richard Lim.”

“Huh? Sorry, hindi talaga kita kilala.”

“Maya. Ikaw si Maya Dela Rosa!”

“I think we have a misunderstanding here. Yes, Maya is my name but my surname is Rosales not Dela Rosa.”

“Rosales? Why Rosales? Dela Rosa ka!”

“I’m so sorry. I’m not Maya Dela Rosa. I’m Maya Rosales.”

“Okay, Ms. Rosales. I won’t force you to believe me. Magusap tayo sa matinong place. Ieexplain ko sayo ang lahat.”

“Mommy Maya! Ikaw si Mommy Maya ko! See?” Pinakita ni Luke ang picture ni Maya noong Highschool sya.

“This is me! Seven years ago.” Biglang nahilo si Maya at hinimatay sya, buti na lang mabilis syang nasalo ni Richard.

“Maya! Wake up! Maya!”

____________________________________

Chapter 10

Nagising si Maya sa clinic ng mall. Nahilo sya at medyo kumikirot pa din ang ulo nya. Lagi syang nagkakaganito pag sya ay nas’stress. Nakita nya ang bata na nakita nya kanina at ang lalaking parang pamilyar sa kanya pero hindi nya talaga ito kakilala.

“Ms. Dela- Ms. Rosales, are you okay?” Richard asked.

“Yes, I’m okay. What time is it?” Maya said.

“6pm. Why?”

“Oh no! I really need to go.” Maya stood up. “Nice to meet you Mr. Lim and Luke.”

“But Maya. Wait!” Richard held Maya’s hand.

Hindi alam ni Maya bakti ganun, parang normal lang ang ginawa sa kanya ni Richard na para bang gusto na nya tong hawakan pa lagi.

She turned her back. “Yes Mr. Lim? Do you need anything?” Maya said.

“Nagmamadali ka na ba?” Richard asked.

“Yes, may dinner pa kasi kami ng parents ko. Bawal akong malate.” Maya said. “Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako dito sa number na to. Sige Bye Luke.” Maya kissed Luke’s forehead.

“Bye Mommy!” Luke said. “Daddy, nakauwi na pala si Mommy e!”

“Yes, pero hindi sa atin. Malapit na Son.”

_______________________________________

Late na si Maya sa dinner na napagusapan nila ng tumatayong magulang nya. Pagpasok nya ng pinto, dumeretso sya agad sa dining area. Nakita nya ang kanyang Daddy at Mommy nya na naghihintay sa kanya.

“Mom, Dad. Sorry, I’m late.” Maya said.

“Why are you late Maya?” Mommy Elle asked.

“Kumain po muna tayo, bago ko sabihin bakit.”

“Oo nga naman Elle. Mamaya na. Sige na Anak. Kain na tayo.” Daddy Edward said.

Habang kumakain sila, naikuwento ni Maya ang nangyari kanina sa mall. Natuwa at nalungkot ang kanyang mga magulang.

“Mom, bakit biglang lumungkot kayo?”

“Kasi baka malapit ka ng mawala sa amin.”

“Mom, kahit naman mawala ako sa inyo o makilala ko ang tunay kong pamilya. Babalik pa din ako dito.”

“Basta, kung saan ka masaya Anak. Dun kami ng Mommy mo.” Daddy Edward said

“Thanks Mom and Dad.” Maya hugged them.

“Btw, Maya Anak. Diba you mentioned earlier. Mr. Richard Lim?”

“Yes po, Why? Kakilala nyo po?”

“No, sikat kasi sya. He’s the owner of Lim Aviation Services and sabi nila adopted yung anak nya.” Edward said.

“At balita ko, he’s a bachelor.” Elle said.

“I dunno. Hindi na kami nakapagusap kanina, kasi nga mal’late na ako dito sa dinner.”

“Matulog na nga tayo Elle. Goodnight Anak.” Edward said.

“Goodnight po Mom and Dad.”

_______________________________________

Nagpunta si Maya sa office nya. Umupo sya sa kanyang swivel chair, sumandal at napaisip.

“Si Mr. Lim na ba ang sagot sa mga tanong ko?” Maya thought.

Biglang nag’ring ang cellphone nya. Unknown number. Sinagot nya ang tawag.

“Hello? Maya Rosales?”

“Yes, this is Maya Rosales. Sino sila?”

“Richard Lim. The father of Luke.”

“Ah, yes. I know you.”

“Are you busy tmrw?”

“No, wala naman akong flight. Bakit?”

“Luke was asking me to call you a while ago, because he wants you to come here over dinner.”

“Sure, no problem.”

“Are you sure?”

“Yes, I’m sure Mr. Lim.”

“You can call me Richard.” Richard said. “I’ll pick you up by 6?”

“No, I have a car.”

“ But I insist.”

“Okay Richard. Pick me up by 6. Goodnight!”

“Goodnight Maya.”

She ended the call.

________________________________

Nagpunta si Richard sa veranda, hindi sya makapaniwala na nakita nya si Maya kanina.

“Alam kong si Maya yun. Hindi ko alam bakit hindi nya ako nakikilala. Pero alam kong sya yun.” Richard thought.

Dumating si Manang Fe, nakita nya si Richard sa veranda.

“Ricardo, anong iniisip mo?”

“Wala Manang. Natutuwa lang ako.”

“Si Maya ba ito? Si Maya lang naman ang nakagawa sayo ng mga ngiting yan.”

“Kilala nyo talaga ako Manang.”

“Oo naman Ricardo. Osiya, pinatulog ko na si Luke.”

“Sige po, matulog na din po kayo.”

Tinawagan ni Richard ang buong barkada, nagkita sila sa isang 24/7 resto.

“Chard! Ano ba yung sasabihin mo?” Ryan asked.

“Oo nga naman Papa Richard.” Emman said.

“I saw Maya a while ago.” Richard said.

“What?! Are you sure?” Ryan said.

“Oo, brod. Pero hindi nya ako nakikilala.”

“Bakit? Paano?”

Kinuwento ni Richard ang buong nangyari kanina, kahit sila nagulat. Lalo na nung pinakita ni Luke ang picture nya noong highschool pa lang sya.

“Yun ang sabi nya brod?”

“Yes, brod. Sya daw yun, 7years ago.”

“Edi sya nga si Maya.”

“James, sya si Maya Rosales. Yung sinabi mo sa akin.”

“Wow, so buhay pa nga si Maya.”

“Buhay pa sya brod. Sabi ko sa inyo, gagawin ko lahat.”

“So, anong next step mo?” James asked.

“I invited her a while ago. Dinner at our house.”

“Hindi ba kami kasama dyan?”

“Nako, wag muna. Baka himatayin ulit.”

“Okay brod. Pero take a picture of her.”

“Sure brod.”

_____________________________________

Kinabukasan, nagising si Maya sa tunog ng cellphone nya.

Beep.. Beep.. Beep..

Maya read the text.

“Rise and shine Princess! Don’t forget our dinner later Maya. –Richard”

“Princess? Goodmorning Richard. Okay. I won’t forget. –Maya”

Richard saw the text and he smiled. Bumaba na sya para mag’almusal, dinaanan nya muna si Luke.

“Goodmorning Daddy!”

“Goodmorning Baby! I have a good news for you.”

“What is it Dad?”

“Your Mommy Maya will have dinner with us later.”

“Really Daddy?! Yes!!”

“For now, let’s have our breakfast.”

Bumaba na ang mag’ama at nakita sila ni Manang Fe na masayang masaya.

“Mukhang masaya ka ata Luke? Pati ikaw Ricardo.”

“Yes Manang! Mommy will come later! She will have dinner with us.”

“Ricardo?”

“Yes, Manang. Maya will come later. Manang, pwede po ba iluto nyo yung kare-kare?”

“Bakit? Paborito mo yon diba?”

“Paborito din po kasi yun ni Maya.”

“Osige, ipapaluto ko yun.”

______________________________________

Naga’almusal na din ang pamilya Rosales. Napagusapan nila ang trabaho nila.

“Maya, kamusta ang trabaho mo? Naeenjoy mo ba?”

“Oo naman Mom. Enjoy na enjoy.” Maya said. “Btw, Mom Dad. Hindi po ako makakapagdinner dito mamaya.”

“Why? Saan ka pupunta?”

“Niyaya po kasi ako ni Richard kung pwede doon ako magdinner, gusto daw kasi ni Luke.”

“Osige. Gamitin mo din itong chance na to, para malaman kung sino ka ba talaga.” Daddy Edward.

“Yes, of course Dad. Mom, wag ng sad. Bawal mab’block ang blessings!” Maya said.

“I’m happy for you Anak.” Mommy Elle said.

____________________________________

6pm. Suot ni Maya. Isang simple black polo, white pants, black doll shoes and pearl earrings and her necklace. Yung ‘Maya’. Mommy Elle knocked on her door.

“Maya, andyan na si Richard.”

“Yes, Mom. Paki sabi, wait lang.”

Bumaba na si Mommy Elle.

“Richard, wait lang daw. You want coffee?”

“Yes, please po Mrs. Rosales.”

“Ako rin Honey.” Daddy Edward said. “Richard, doon tayo sa veranda.”

“Sige po Mr. Rosales.”

“You can call us Tito Edward and Tita Elle.”

“Eto na coffee nyo Hon.” Elle said.

“Thank you po Tita Elle.”

Uminom si Richard ng coffee, biglang nanlaki ang mga mata nya.

“Why? Is there something wrong Richard?”

“Sino po may gawa nito?”

“Ako Richard ang may gawa nyan.” Maya said.

“Yes, si Maya ang anak ko ang may gawa nyan. Pinapack na lang nya yan dito para pag wala sya makakapag’coffee pa din ako.” Daddy Edward said.

“Bakit Richard? Pangit ba lasa?” Maya asked.

“No, ganitong ganito kasi yung coffee na ginagawa ni Maya Dela Rosa.”

“Osiya, Maya magiingat kayo. Richard, alagaan mo itong anak ko.”

“Sige po, Tito and Tita. Mauna na po kami.”

“Mom, Dad. Bye.”

________________________________________

Dumating na si Maya sa Mansyon ng Lim. Pagpasok nya, bigla nyang nakita si Luke. Tumatakbo papalapit sa kanya, sinalubong at niyakap nya ito.

“Mommy!!” Luke said.

“Hello Luke! Nice to see you again. So, how are you?”

“I’m fine po. Kayo po? Okay na po kayo?”

“Yes, I’m fine also.”

“Maya, Luke. Kumain na kayo.”

“Yes po Dad.”

Dumating si Manang Fe, dala dala ang hapunan.

“Maya, this is Manang Fe. My second mom.”

“Hello po Manang.”

“Maya? Ikaw ba yan?! Kay gandang bata.” Manang Fe hugged her. “Kahit matagal na tayong hindi nagkita, wala pa rin nagbago sa iyo.”

“Po? Nagkita na tayo?”

“Oo naman Hija, noong mga highschool pa lang kayo nito ni Ricardo.”

“Ehem, Maya. Kain muna tayo.” Richard said.

Maya was puzzled. Hindi nya alam kung anong nangyayari. Ayaw nya mastress kasi alam nyang sasakit ulit ang ulo nya. Tapos na silang maghapunan, nagkuwentuhan naman sila sa family room, nanood ng movie at habang nanonood ng movie para talaga silang isang pamilya na nagkukulitan.

“Chard, nakatulog na ata si Luke.” Maya said. Luke was in her lap.

“Osige, dadalin ko na sya sa kwarto. Bumaba ka muna sa veranda.”

“Sure, Chard. Goodnight Luke.” Maya kissed Luke’s forehead.

“Goodnight Mommy. I love you.” Luke talked while sleeping.

Bumaba si Maya, napadaan sya sa office ni Richard. Pumasok sya dito kahit alam nyang bawal, lumapit sya sa table at nakita nya ang picture nya noong highschool pa lang sya. Kinuha nya ito at tinignan nya mabuti kung sya talaga ito.

“Maya..” Richard said.

“Chard!” Maya said. Nilapag nya ang picture. “Tinignan ko lang. Kamukha ko kasi. Pwede ba tayong magusap?”

“Sure, pero pwede ba ako humingi ng favor sayo?”

“Ano yun?”

“Pwede mo ba ako pagtimpla ng coffee?”

“Yun lang pala, Sure.”

Nilapag na ni Maya ang coffee nya, tumabi sya kay Richard na nakatayo sa railings ng veranda at nakatitig sa bintana. Tahimik lang sila.

Maya broke the silence. “Richard, sino si Maya Dela Rosa?”

“Maya Dela Rosa, Siya yung babaeng minahal ko. Mahal ko sya hanggang ngayon.”

“Mommy sya ni Luke?”

“Yes, pero Luke is adopted.”

“Bakit kamukha ko sya?”

“I really don’t know Maya. Si Maya Dela Rosa, we were highschool lovers. Naging kami noong 4th year highschool kami pero kailangan ko pumunta sa America at doon muna tumira. 7 years ako doon, nung 2years pa lang ako doon. Tumawag sakin ang barkada ko, naaksidente daw ang pamilya ni Maya Dela Rosa at siya lang ang nawawalang pasahero ng sasakyan na yun.” Richard said.

“Bago ako umalis papauntang America, meron akong binigay kay Maya Dela Rosa.”

“Ano yun Chard?”

“Isang necklace na may pangalan nya.”

Nagulat si Maya. “What? Eto ba yun?” Nilabas ni Maya ang kwintas.

“Paano to napunta sayo?” Richard said. “Kung nasa iyo to, ikaw nga si Maya Dela Rosa!”

Nagyakapan sila, naiyak si Richard.

“Sa wakas Maya, natagpuan na kita. Sa wakas.”

“Richard, wala pa din akong maalala.”

“Wag kang magalala Maya, tutulungan kita.” Richard said. “Paano mo nga pala naging magulang sila Tita at Tito?”

“7 years ago, nagising na lang ako nasa hospital ako. Wala akong maalala kahit nga pangalan ko hindi ko alam. Nalaman ko lang ang pangalan ko sa kwintas na suot suot ko. Dahil natagpuan lang naman daw nila ako sa kalsada, hindi nila alam kung sino ang mga kasama ko kaya hindi nila alam kung saan ako papupuntahin kaya inampon na lang nila ako, tinuring na tunay na anak pinagaral ako at ngayon isa na akong Flight Attentdant.” Maya said.

“Gumagabi na Maya, ihahatid na kita.”

“Sige Chard, thank you at least kahit papaano meron na akong alam sa pagkatao ko.”

“No problem Maya. Ikaw din ang kumumpleto ng buhay naming ni Luke.”

_____________________________________

3am. Habang nagd’drive si Richard, sobrang saya nila. Kahit papaano meron na siyang alam sa kanyang pagkatao.

“Maya, I missed you.”

“Richard, hindi pa ito si Maya Dela Rosa.”

“Pero alam kong babalik ka na.”

“Babalik ako Chard, promise.”

Hindi namalayan ni Richard na may makakasalubong na pala silang truck. Iniwasan ito si Richard at bumangga sila sa isang poste. Sinugod agad sila sa pinaka’malapit na hospital.

_________________________________________

4am. Ring.. Ring.. Ring..

“Edward, sagutin mo nga ang phone.”

“Ano ba yan, madaling araw na may tumatawag pa.”

Sinagot ni Daddy Edward ang phone.

“Hello? Mr. Rosales?”

“Yes, sino ito?”

“This is a nurse from Makati Med. Are you related with Ms. Maya Rosales and Mr. Richard Lim?”

“Yes, why?!”

“Naaksidente po sila. Andito po sila ngayon sa hospital.”

“What?! Pupunta na kami.” Edward ended the call.

“Honey, ano yun?” Elle asked.

“Honey, magbihis ka! Si Maya at si Richard naaksidente!”

“What?!”

____________________________________________

Dumating na sina Edward at Elle sa hospital. Saktong lumabas ang doctor.

“Are you the parents/guardian of Mr. Lim and Ms. Rosales?”

“Yes, we’re the parents of Maya Rosales. Kamusta sya Doc?”

“She’s okay and Mr. Lim is okay. Nothing to worry about. Pagsasamahin na po namin sya sa isang kwarto.”

“Sure Doc.”

____________________________________________

Nakikita nya lang ay puti. Nakita nya ang isang pamilyar na figure ng isang babae.

“Maya!”

“Richard!” Maya hugged him.

“Maya! Wag mo na akong iwan.”

“Hindi na kita iiwan Chard, babalik na ako.”

Biglang nagising si  Richard. Medyo masakit pa ang katawan nya, pagtingin nya sa paligid. Nakita nya si Maya, natutulog at sugatan. Bigla syang tumayo at lumapit kay Maya.

“Maya…” Richard cried. “I’m sorry.”

“Richard. Okay na ako.”

“Mommy! Daddy! Are you okay na po?” Luke said.

“Yes, We’re okay son.” Richard said.

“Mommy, Daddy Edward.” Maya said.

“Okay ka na ba Anak?”

“Yes po, medyo masakit lang ang ulo.”

“Wala ka pa rin bang naalala Maya?” Richard asked.

“Nanaginip ako kanina, yung lagi kong panaginip. Malinaw na sa akin ang lahat. Ikaw pala yung lalaking lagi kong napapanaginipan. Naaalala ko na lahat Richard.”

“Maya! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.”

___________________________________________________

After 3 months.

Ring.. Ring.. Ring..

“Hello Richard, napatawag ka?”

“Maya! Si Luke!”

“Anong nangyari kay Luke?”

“Pumunta dito sa bahay! Dali.”

Dali dali nagpunta si Maya sa bahay nila Luke. Kahit sila na ni Richard, hindi pa din sya doon nakatira kasi hindi pa sila kasal. Naiintindihan naman yun ni Luke. Pagpasok nya sa bahay, walang katao tao.

Pumunta sya sa kwarto ni Luke, wala naman sila dito. Sa kwarto ni Richard, wala din sya dito. Bumaba sya nagpunta sya sa salas, sa office ni Richard, sa playroom, sa family room.

Nakita nya ang kanyang pamilya sa garden. Ang ganda ng paligid. Nagandahan si Maya pero nagagalit sya kasi nagalala sya ng sobra.

“Richard?! Luke?!”

“We were just joking Maya.”

“Alam nyo ba papatayin nyo ko sa kaba?”

“Mommy, wag ka na po magalit.” Luke said. “Daddy, game na!”

“Maya, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Baka kasi makalimutan mo na naman ako.” Richard said.

“Ano ka ba, hindi na.”

Biglang tumugtog ang theme song nila ang “I Finally Found Someone.”

“Alam mo ba Maya na ikaw lang ang babaeng minahal ko, ikaw lang ang babaeng nagpatorete sa akin, ikaw lang ang nagpasaya sa akin at ikaw lang ang makakagawa nun. Ikaw din ang kasiyahan ni Luke, ikaw ang kukumpleto sa pamilya na inakala nya na hindi na mabubuo kahit kalian. So Maya…”

Lumuhod si Richard. “Will you be my wife?”

“No, Chard.”

“What?! Maya? Hindi mo ba ako mahal?”

“Richard, mahal na mahal kita. Ang OA mo. Ang ibig kong sabihin.” Maya said. “No, hindi ako pwedeng humindi. Kaya yes ang sagot ko!” Maya laughed.

They hugged each other. They missed each other. Nakisali na din si Luke sa yakapan ng kanyang magulang.

_______________________________________

After 2years.

Nasa veranda si Maya at si Richard, nagk’kwentuhan sila. Nang biglang…

“Richarddddddd!!!!!!!!!!!!!!!!” Maya shouted. “Manganganak na ako!!!!!”

“Maya!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wait lang!!”

“Bilisan mo Ricardo!!!!!! Hindi ko na kaya, ang sakit sakit na!!!”

____________________________________

Nanganak na si Maya, twins. Two chubby baby girls.

“Ano ipapangalan natin sa kanila Maya?”

“Abigail Ruth Lim and Nikki Grace Lim.”

“Beautiful names.” Richard said. “Hello Abby and Nikki!”

“Mommy, ano po name nila?”

“Luke, this is Abigail but you can call her Abby and Nikki. Be a good kuya to them ah.” Maya said.

“Yes, Mommy! I will!”

____________________________________

“Okay po! Mr. Lim, usog po kayo konti. Pati din po kayo Mrs. Lim. Move closer po.”

“Smile po! 1.. 2.. 3..” Photographer said. “Great shot! You have a beautiful family Mr. and Mrs. Lim.”

“Thank you.” They all said in unison.

bcmhfam

The End!

 

 

23 thoughts on “The Song – Finale

  1. Pingback: Miserable Life – part 1 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s