Kailan – part 1

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to bhek8


A/N: Hi! Here’s the story that I wrote. It’s not yet finish. Thanks.

Author:bhek8

~*~

There will come a time in our lives that we want to be alone. Scared of what does going to happen outside our room. Imagining circumstances that will continue to disturb our thoughts.Thinking of things or people that matter to us but nowhere to be found.A yesterday that we cannot bring back.

Maagang gumising si Maya. She is so excited going back to school. After of many years that had passed, still she’s here, willing to fulfill her dreams.

It’s been 10 years since she stopped schooling. Family problems, of course.Hindi naman sya nagrebelde. Ang nasa isip lang nya, bakit pa sya mag-aaral kung ang pagaalalayan naman nya nito ay wala na.

Nanay Teresita: Maya, anak. Kumain ka muna ng almusal bago ka pumasok.

Maya: ‘Nay tingnan nyo po ako. Hindi po ba alangan na pumasok pa ko?

NT: Ano ka ba? Wala naman sa edad ang pag-aaral eh! Saka anak, matalino ka.Sa akin ka nagmana.

Mamang: Hep, hep, hep. Ano ‘tong naririnig ko? (nagkatinginan si Maya at ang nanay nya. Nangisi kay Mamang.) Apo sa akin ka’yo nagmana ng nanay mo. Beauty and brain kaya tayo.

Maya: At pamilya pa po ng best actress.

All morning, they’re like this. Kwentuhan, tawanan, paminsan-minsang iyakan. Isang litrato ng tipikal na pamilya.

Pagkatapos kumain ng almusal, nagpaalam na si Maya.

Maya: (to herself) First day of school, kaya wag na wag ka magpapalate.

Habang naghihitay siya ng tricycle.Dumating si Simon, ang kababata nya. (May ilang taon na ding nanliligaw si Simon sa kanya, pero para sa kanya hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito.)

Simon: Maya, sakay ka na. Ihahatid na kita sa school nyo. Dun din naman daan ko.

Maya: Ok lang Simon, nakakhiya naman.

Simon: Dun din naman daan ko eh! Sayang pamasahe. Tara na!

Maya: Sige na nga.

Pagkalipas ng 10 minuto ay nasa tapat na siya ng school nya.

Maya: Salamat Simon ha!

Simon: Eto naman, Ok lang yun?! Basta ikaw. Sige mauna na ko. Naghihintay na sa akin sila Mama.

Maya: O sige salamat ulit.

(to herself) Maya, this is it! You will live a new life. There will be something better ahead of you. Kaya mo ‘to!

Hinanap ni Maya ang klase nya. Maaga syang dumating sa school kaya kauna-unahan siyang nasa loob ng classroom.  She took out her book and started to read. Ilang minuto pa, isa-isang dumating ang iba pang mga estudyante.

Wilson: Hi Miss. Ako nga pala si Wilson. Ikaw anong pangalan mo?

Maya: Ako si Maya dela Rosa. Tawagin mo na lang akong Ate Maya. Mas matanda ako sa’yo eh.

Wilson: Ikaw talaga palabiro din eh. Maya na lang. E teka san ka nga pala nggraduate ng highschool?

Maya: Sa San Nicolas High School.

Wilson: E dun din ako ah! Bakit hindi kita nakikita?

Maya: E kasi naman hindi tayo magkabatch. 2003 pa ko nakagraduate ng hhighschool.

Wilson: Ha? So you mean 26 ka na?

Maya: E di ba nga sabi ko sa’yo ate Maya ang itawag mo sa akin.

Wilson: Sabi ko nga. (Pero hindi nawala ang paghanga ni Wilson kay Maya kahit una pala nya itong nakita.)

Dumating ang Professor nila. Isa-isa silang nagpapakilala.

Mr. Cruz: Ok, class, for the next meeting you have to be prepare for a graded recitation. You have to read in advance kasi some of my questions are not in the previous topics. Clear?

Class: Yes Sir.

Mr. Cruz: Goodbye. See you on Wednesday.

Class: Bye Sir!

Wilson: Ano bay an si Sir? Kakapasok pa lang natin graded recitation na. Hindi ba pwedeng orientation ng subject muna.

Maya. (natawa si Maya sa sinabi ni Wilson.) Ikaw talaga! Buti nga kayo,fresh pa sa utak nyo yung pinag-aralan nyo e ako parang nangangapa ako.

Wilson: Ok lang yan Ate Maya andito naman kami. Tulung-tulong tayo.

Maya: Alam ko yan! KAPIT-BISIG!!!

Days had passed. Maya is determined to be a flight attendant. Because of her natural intelligence, hindi sya masyadong nahirapan sa mga subjects nya. She even excels in each subject. Kaya impressed sa kanya ang mga professors nya. At dahil friendly sya, hindi sya nahirapan sa mga classmates nya.

Rachel: Ate Maya, turuan mo naman ako ditto sa assignment natin sa Math. Nahihrapan talaga ko.

Wilson: Elementary Algebra lang yan, nahirapan ka na.

Rachel: Hoy Wilson, kay Ate Maya ako nagpapaturo, hindi sa’yo.

Maya: Tama na akyong dalawa. Diyan nagsisimula yan.

Rachel: Ate Maya hindi ah!

Wilson: Rachel ha, may HD ka pala sa akin.

Rachel: HD ka diyan!Hmmmmp!

Maya: Tara Rachel, ieexplain ko sa’yo kung oaano.

Natutuwa si Maya sa mga kaklase nya kapag nagbibiruan. Masaya sila. Kahit sa klase, kahit breaktime, kahit uwian. Kahit sa weekends, minsan may bonding time din sila.

Matatapos na ang first semester. After the final exam, they are gathered in a classroom. The Dean has to say something important.

Dean: I have something to announce. (Masaya ang mukha ng Dean kaya hindi nagalala ang mga estudyante na baka pagalitan lang sila nito.) All of us want to sour high. We are living in our dreams and here we are, step-by-step we are fulfilling it. We are here, I am here on front of you to congratulate one of our students for SHE will be granted a scholarship. SHE will be going to Manila for the second semester to continue her studies there. If SHE maintains her grades, She will have the scholarship until she graduated. (The dean emphasize SHE, for everybody will be given a hint. The scholar is a girl.)

Everybody is so excited for the announcement., Of course, freshmen lang sila pero may nagbigay agad ng ganitong opportunity.

Dean: Out of 112 students, isa lang po ang binigyan. Because of her excellent performance on every subjects, that’s why we chose her. I had a meeting with her professors last week, and they agreed she is the one that deserves to have this scholarship. We knew this simula pa lang ng school year. Pero hindi naming sinanbi sa inyo. Para Makita naming kung sino ba talaga ang karapat-dapat ditto.

NAgbulungan ang lahat.Sa isang grupo ng mga estudyante, si MAYA ang sinasabi nilang pangalan. Dahil nakita nila kung paano siya nagtitiyaga.

Dean: May hula ba kayo kung sino?

Wilson: Si ate Maya! (Sigaw nya)

Ngumiti ang Dean.

Dean: We are here to present this scholarship to Ms. Maya dela Rosa.

Nagpalakpakan ang lahat. Hindni makapaniwala si Maya sa narinig. Halos hindi siya nakatayo sa kinauupuan nya. Nakangiti sya pero panay ang agos ng luha sa kanyang mga mata. Sari-saring emosyon ang naramdaman nya. Inalalayan sya ni Rachel dahil nanginginig ang buong katawan nito.

Dean: Congratulations Maya. You deserve this. ( Maluha-luhang sabi ng Dean. First time kasi na may nagbigay ng scholarship sa kanila at sa Manila pa pag-aaralin.)

Maya: Salamat po. Salamat po talaga. (habang inaabot ang certificate. Isa-isang lumapit ang kanyang mga professors and they said congratulory remarks to her.)

Mr. Cruz: I knew it. Sa simula pa lang ng klase, there is something in you. Congratulations Maya.

Maya: Sir salamat po , sa inyo pong lahat.

Dean: Don’t thank us Maya, pinaghirapan mo ‘to. Kahit hindi moa lam na may ganitong kapalit pinagigihan mo pa din ang pag-aaral mo.

Maya: Ma’am salamat po ng marami. Hindi nyo po pagsisisihan ang pagpili sa akin. I’ll do my best there and carry the name of the school. Kahit dun po ako makakagraduate still babalikan ko pa din poi to.

Dean: Salamat Maya. All our thoughts and prayers be with you. God bless you, anak.

Masaya ang lahat sa nagging announcement.

Wilson: Ate Maya, mamimiss kita.

Rachel: ako din.

Maya: Ano ba kayo? Taga- San Nicolas ako.Syempre uuwi ako ditto at magkikita tayo.

Wilson: E pano kung makakita ka ng boyfriend dun?

Rachel: (Sabay batok kay Wilson) Ok na eh! Siningit mo pa yan eh! Eto na oh!tutulo na luha ko.

Wilson:hahaha. Hindi ka pwede sa teatro.

Racehl: Basta ate Maya text mo kami ha!

Maya: Oo naman no. Basta may load. Saka umlimited wlang problema.

Theys said goodbye. Dumaan muna si Maya sa registrar para kunin ang mga classcards nya, at iba pang requirements pag transfer nya sa Manila.

Sa bahay…

Maya: Nay. Tingnan nyo poi to binigyan ako ng school ng scholarship sa isang school sa Manila.

NT:Talaga ‘Nak. Patingin nga. (habang binabasa ang certificate ay maluha-luha ito.)

Maya: and the winner for the best actress is….. Teresita dela Rosa… (Sabay tawa..)

NT:Anak naman eh. Masaya lang ang nanay

Kute: Anong kaguluhan to?

Maya: Kute, pupunta ko ng Maynila.

Kute: Ha! Bakit?Papano?Anong nangyari?

Maya: Dami mo naman tanong? Binigyan ako ng scholarship.

Kute: Talaga.( Naiiyak ito sa sinabi ng kapatis. Mahal na mahal nya ang bunso nyang kapatid.)

Maya: and the winner for best supporting actress…. Cristina Rose dela rosa. )Sabay hagikgik)

Kute: Bunso naman eh!moment ko to.

Maya: anong moment mo? Moment ko.

Tahimik si NT. Iniisip nya kung pano mabubuhay mag-isa sa maynila ang bunsong anak nya. Malaki ang Maynila.Maraming masamang loob. Marami ng naisip ni NT [ara sa ank. Habgn ang 2 anak nya ay nakatiitg sa kanya at pinagtatawanan sya.

NTLNapansin nya to) Anong pinagtatawan nyo dyan?

Maya: Nay alam ko na ang nasa isip nyo, paano ako mabubuhay sa Maynila ng mag-isa?

Kute: nay ok lang po. Kasi kumikita naman nag chibugan natin. Sabihin ko na lang kay Jeff na papadalhan naming si Maya.

Maya: Naku hindi na. Hahanap na lang ako ng trabaho dun. Working student ako.

NT:baka mahirapan ka ‘nak.

Maya>: Ok alng po ako ‘nay

Kute: basta papadalhan ka naming.

Maya: O siya sige para kampante tayong lahat.

Inayos ni Maya ang mga gamit nya paluwas ng maynila. Kailangan nyang umalis sa susunod na lingo para may panaho sya na makapaghanap ngt rabaho.

NT: Anak mag-iingat ka dun.

Kute: Bunso tumawag ka pagdating mo dun.

Mamang: Naku Apo wag ka tutulad sa ate mo ha!

Kute: mamang.

Mamang: Joke lang,..eto nman…hindi mabiro

Cho: Tita Ninang, magupload po kayo ng pictures nyo sa facebook ha!

Maya: oo naman. Pano alis na ko baka maiwanan ako ng RORO eh! Sige po ‘nay, Mamang, Kute, Cho. Pards, Lino kayo na bahala ditto ha. PArds yung kapatid ko ha. (sabay ngiti kay Kute)

Kute:l Aalis na lang nang-aasar pa eh.

Maya: o sige na, sige na. Aalis na. Babye po!

Baon ni Maya ang pangarap niya at ang pangarap ng  pamilya nya.

Maya: (to herself) Ano kaya mangyayari sa akin sa Maynila? Sana makahanp ako ng maayos na trabaho.

Nakarating na din sya ng Maynila. Hinanap nya ang address na binigay ng dean sa kanya. Inayos ng school nya ang tutuluyan nya pansamantala. Isang matandang lalake ang sumundo sa kanya sa bus station at isinaman sya sa bahay nila. Kinausap ito ng Dean na dun muna patuluyin at hahanap na lang ito ng malilipiatan pagkatapos.

Mang Art: Maya, anak eto ang magiging kwarto mo dito. Dun naman kami sa kabila ng nana ising mo.

Maya: Sige po salamt po ulit.

Habang inaayos ang mga gamit ay may naalala ito.

Maya: ay oo nga pala! May inabot sa akin yung sa registrar hindi ko nabuksan. Nsan na kaya yun. (Hinanap nya ang white envelope. Binigay ito sa kanya kasabay ng mga requirements nya.) Ay eto pala. Ano kaya ang laman? (Nanlaki ang mga mata ni Maya, pera pala ang laman nito. Nakasaad sa note na nagambag ambag ang mga teachers para panimula nya sa maynila.)

Tunog ng alarm clock.

Maya: (to herself) Rise and shine princess… today is a big day.

Lumabas siya ng kwarto at dahil maaga pa, lumabas siya at bumili ng pandesal na makakain nila.

Pagbalik nya y gising na din ang 2 matanda.

Nana Ising: Maya, ako si nana ising. O bakit bumili ka pa ng pandesal?

Maya: Mano po ‘nang. E kasi po ayaw ko namn po na aming abala ako sa inyo. Saka po unang araw kop o ditto. Libre ko nap o kayo ng almusal.

Mang Art: Ikaw talaga bata ka. May lalakarin ka ba ngayon?

Maya: Maghahanap po sana ko ng trabaho?

Nana Ising: Trabaho? May alam ako. Kaya lang mag-aalaga ng bata.

Maya: Yaya po?

Nana Ising: oo. Ayaw mo ba?

Maya: Gusto po. Gustong-gusto.

Nana Ising: Art samahan mo kami ni Maya mamaya sa mansion.

Mang Art: O sige ba. Dun bas a anak ni Donya Esme?

Nana Ising: Oo. Kina Sir Richard.

Napaisip si Maya. Magaling siya sa ganyan , ang magimagine. Naipicture out nya agad ang mansion, yung batang aalagaan nya.Yung magiging mga amo nya.Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip…

Nana ising: Maya… maya..

Maya: ay! Maya..naku po pasensya nap o

Nana Ising: iniisip moa gad ang trabaho. Biyudo si Richard. Namatay ang asawa nya  5 taon n ang nakakaraan. 3 ang anak nya. Si Sir Luke 16 taon, si ma’am Nikki 13 taon, tapos si Abby yun ang aalagann mo, 6 taon pero hindi nagsasalita.

Maya: pipi po?

Nana ising: Hindi naman. Nagsasalita naman yun dati kahit bulol pero nung namatay yung mommy nya hindi na nagsalita.

Maya: Ah !ganun po ba?

Nana ising: Art dumaan ka muna kay Fe, sabihin  mo may ipapasok tayo na yaya sa kanila

Art: O sige, maiwan ko muna kayo diyan.

On his way to the mansion, nakasalubong ni Mang Art si Richard Lim.

Richard Lim or as we all know the Chief Executive officer of the Lim Aviation Services, a widow with 3 kids. A good- looking buy, chinito, white complexion, yun nga lng bihhirang ngumiti. Cold as ice as he is to his children and helpers in the house. Even in his office, all his staffs find him super sungit and suplado. Wag na wag kang magkakamali at out of the equation ka na.

(Here na lang muna, got to gather all the infos in my mind. Sana you enjoy reading)

13 thoughts on “Kailan – part 1

  1. Pingback: Kailan – part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s