Life and Regrets – part 11 Finale

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa. This is a continuation to Life and Regrets – part 10.


A/N: Maraming Salamat Guys!

 

Author:MissAa

 

~*~

 

Previously…

Nasa labor room na sila Maya at Richard. Kasama ni Richard sina Luke at Nikki.

“Mr. Lim, I don’t  think kakayanin ni Mrs. Lim ang sakit ng panganganak. Baka bigla syang sumuko.”

“What?! Gawin nyo ang lahat! Para parehas silang maligtas! Damn Doc!”

“Dad, Kalma ka lang.” Luke said.

“Mr. Lim. Tina’try po namin ang lahat. Pero you need to choose. Si Mrs. Lim o ang bata?”

______________________________

Chapter 11

Nahihirapan si Richard, iniisip nya kung sino ba ang kanyang pipiliin. Ang bata o si Maya pero naalala nya ang pinagusapan nilang magasawa.

“Richard, paano pag pinapili ka ng doctor between me at yung baby. Sino pipiliin mo?”

“Mahirap yun Maya. Parehas ko kayong pipiliin.”

“Osige, dahil ayaw mo sumagot. Ako na lang ang magsasabi kung sino ang pipiliin mo.”

“Ano na naman yan Maya?”

“Si Baby ang piliin mo at ipangalan mo sa kanya Masha Ricarda.”

“Bakit Masha Ricarda?”

“Kasi ako si Maya at ikaw si Richard.”

“Maya, matulog ka na.”

“Richard, seryoso ako. Mag promise ka muna sa akin.”

“Promise. O yan na ah. Matulog ka na.”

Naalala ni Richard ang usapan nila. Ayaw naman nya biguin si Maya sa huling hiling nya. Kaya kinausap na nya ang doctor.

“Doc, I already have a decision.”

“Sige po Mr. Lim. Gagawin po naming lahat ng aming makakaya.”

__________________________________

Nagpunta si Richard agad sa chapel. Nagdasal sya kasama nya ang mga bata.

“Iligtas nyo si Maya at ang bata.” Richard prayed.

“Papa Jesus, iligtas nyo po si Mommy namin.” Ricky prayed.

_____________________________________________

Lumabas na ang Doctor mula sa delivery room. Si Maya ay nasa ICU na. Lumabas ang doctor mula sa ICU.

“Mr. Lim, gusto nya po kayong makita pati daw po ang mga bata.”

“Thank you po Doc.” Richard said. “Kids, come on.”

Pagpasok nila, nakita sila agad ni Maya at ngumiti sya agad dito. Hinawakan ni Richard ang kamay ni Maya, at hinalikan sya sa noo nito.

“You did a great job Honey.” Richard said.

“You made a great decision Honey.”

“Richard, one last wish.”

“What is it Honey?”

“I want to see Masha.”

“Sige, pupuntahan ko.” Richard kissed her.

______________________________________

Habang wala si Richard, tinawag nya si Luke.

“Luke, ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Mahalin mo ng buong puso si Baby Masha.”

“Baby Masha? Sino po yun Ma?”

“Yung bagong kapatid nyo. Masha Ricarda ang pinangalan ko sa kanya. Para nakasunod sa pangalan naming ng Daddy mo.”

“Mommy…”

“Luke, tandaan mo. Mahal na mahal ko kayo. Kahit hindi ko kayo tunay na anak, minahal ko kayo na parang akin na at alam ko na minahal nyo din ako na para nyong tunay na ina. Nagpapasalamat ako doon. Mahal na mahal kita Luke.” Maya kissed his forehead.

“Nikki, tawag ka ni Mommy.” Luke said while crying.

“Mommy…”

“Halika dito Nikki.” Maya said.

“Mommy, bakit? Ano yung sasabihin mo?”

“Ikaw ang panganay na babae diba?”

“Yes po.”

“Pag ako, nawala na Nikki. Ikaw na ang tatayong Mommy sa kanila. Gusto ko sila Abby, Mayumi at Masha ay magmana sayo.”

“Sino po si Masha? Sya po ba yung bagong baby?”

“Yes, she is. Nikki you know how much I love you. Kayo ng mga kapatid mo. Yun lang binibilin ko sayo, wag mo silang pababayaan. Palakihin mo sila ng maayos.”

“Mommy, I can’t. Ikaw magpapalaki sa kanila kaya kailangan mo magpagaling.”

“You can Nikki. I believe in you.”

“But Mom..”

“Nikki, Your Mom and I will be proud of you. I’m sure we will.”

Dumating na si Richard sa ganitong eksena. Nakita nya kung gaano malungkot ang kanyang anak, umiiyak sya at pati si Maya.

“Honey, eto na si Baby Masha.”

Binuhat siya ni Maya at inaalalayan sya ni Richard.

“Hello Baby Masha. Ang ganda ganda mo.”

“Mana sayo Maya.”

“Mana sayo Richard. Tignan mo yung mata, yung pilikmata, yung ilong.”

“Yung bibig, hindi akin yan. Sayo yan Maya. Ang ganda e.”

“Baby Masha, be a good girl. I love you so much.” Maya kissed Masha’s forehead.

Binalik na ni Richard sa nurse ang baby. Kailangan na nila magusap ni Maya.

“Maya, kapit bisig tayo diba?”

“Richard, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko. Ikaw lang.” Maya said while crying. “Humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. Kakayanin nyo kahit wala ako.”

“Maya, hindi namin kaya.”

“Kakayanin nyo Richard. Mahal na mahal kita.” Maya said. “Lagi nyong iparamdam kay Baby Masha kung gaano ko sya kamahal.”

“Maya, sorry.” Richard cried.

“It’s alright Richard. Naiintindihan kita.”

“Maya, I love you.” Richard kissed Maya’s hands.

“Richard, I love you too.” Maya said. “Tandaan mo, mahal na mahal kita.”

Pinikit na ni Maya ang kanyang mga mata. Hinalikan sya muli ni Richard sa noo, sa mata, sa ilong, sa pisngi at sa mga labi.

“Paalam Mahal. Mahal na mahal kita.” Richard said while holding Maya’s hands and kissing it.

________________________________________

Epilogue.

Isang dalagang babae ang nasa harap ng puntod ni Maya. Nakasuot ng black dress and a black shoes.

“Mommy, Hello. Kamusta? Naaliw po ako sa mga kwento nila Ate Nikki tungkol sayo. Pati si Daddy, ang daming kwento. Ikaw daw po si ‘Maya: The Mermaid.’” The young lady said.

“…Alam ko, kinakamusta nyo ko. Napanaginipan ko kayo kagabi. Okay lang naman ako Mommy, eto highschool na ako. Si Kuya Luke getting married with Ate Joey, si Ate Nikki she’s a doctor now. Si Ate Abby sumunod po sa mga footsteps nyo. She’s now a Full-Fledged Flight Attendant.”

“…Si Ate Mayumi, gusto nya po maging isang piloto. Namana ata kay Dad. Si Kuya Ricky, ayun! Graduating Highschool Student, may girlfriend nga po yun e. Si Ate Natasha.”

“… Ako Mommy, wala akong lovelife ha! Pero meron akong crush si Franco. Para syang si Daddy. Very serious pero he’s makulit at pilyo.”

“…Mommy, miss na miss ko na kayo. Kahit saglit lang tayo nagkasama. Nagpapasalamat ako sa inyo Mom. Kung hindi dahil sayo, wala ako. Happy Birthday Mom! I love you so much!”

Palabas na ang dalaga ng biglang lumakas ang hangin.

“I can feel you now Mom. I love you too.”

“Masha!” Richard said.

“Dad! Coming!”

“So, kamusta ang pagbisita sa Mommy mo?”

“Ikaw naman dito, ako naman pupunta doon.” Richard said.

Nagpunta si Richard sa puntod ng kanyang asawa.

“So, Happy Birthday Maya! We’re doing good. I know na nakwento na sayo lahat ni Masha. Namana nya sayo ang kadaldalan.”

“…You know Maya, I miss you so much. I really do. Ramdam naman kita palagi kasi lagi kang nagpapakita sa panaginip ko. I love you. I love you so much. Happy Birthday again Mahal!”

Humangin ulit ng malakas. “I can feel you now Honey. I love you.”

Bumalik na si Richard sa parking ng kotse nya.

“So Dad, how was it? Did you feel Mom?”

“Yes, humangin ng malakas.”

“Same experienced Dad!”

“Masha, your Mommy Maya loves you so much and of course I love you so much!”

“I love her too Dad so much and I love you too Dad.” Masha said. “Uwi na tayo Dad, naghihintay na sa atin sila Kuya Luke.”

“Sure.” Richard said.

“Bye Mommy! I love you!” Masha waved her hands.

Humangin ulit ng malakas at alam na nila kung ano ang ibig sabihin nito.

 

The End!

25 thoughts on “Life and Regrets – part 11 Finale

  1. Sinigit ko pa to hbang ng rereview haha.. Ang gnda grabe!!! Pgil na pgil ako sa pg iyak.. Pro wla tlga nkakaiyak tlga sia whaaah ang galing galing🙂

  2. Pingback: Miserable Life – part 1 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s