The Sunset

The Sunset

By: Miss_gerd

 

A/N: well, dahil  sa anniversary na ng Be Careful with my Heart ehh may pa-anniv treat ako sa inyo..

 

pasensya na kung medyo mailkli lang ‘to.. ang bigat kasi sa dibdib ehh.. don’t worry.. isang bagsakan lang talaga ‘to.. PRAMIS!

sa lahat ata ng panpik na nandito sa EB ehh heto lang ata ang panpik na ayaw kong mangyari sa show..

 

bakit?

 

basahin nyo na lang🙂

 

ENJOY READING… (mag-eenjoy nga ba kayo?)

 

~~*~~

 

Nakaupo sila sa buhanginan sa  tabing-dagat. Isang napakagandang tanawin ang ngayon ay kanilang nasasaksihan, ang isa sa mga ordinaryong milagrmg nangyayari sa araw-araw.. ang takip-silim. Hinawakan nya ang kamay ng kanyang pinakamamahal. Hinawakan nya ito nang pagkahigpit-higpit sabay halik sa kamay na yun

“Maya..”

isang ngiti ang isinukli nito sa kanya, malumanay naman syang sinagot ng babae

“Ser Chief..”

tinitigan ni Richard ang babaeng kanyang pinakamamahal. Parang kailan lang nang ikasal sila at parang kailan rin lang nang labanan nila ang isang pagsubok, isang pagsubok na mukhang hindi na nila kaya pang lampasan. Pinagmamasdan nya ngayon ang namumugtong mga mata nito, ang maputlang pisngi at ang tuyong labi ng asawa. Naabot na nila ang hangganan.

Sa kabila ng realidad na yun ay patuloy nya pa ring niyayayakap ang babaeng kanyang pinaka-iibig, wari’y ayaw nya itong bitawan.. na ayaw nya itong mahulog sa isang napakalalim na bangin.

Yakap nya ngayon ang bagsak na katawan ng babae na dati’y kinalolokohan ng mga lalaking nagkakandarapa sa kanya. Hawak nya ngayon ang mga payat na kamay na dati’y gustong-gustong halikan ng mga maginoong umaaligid sa kanya at pinagmamasdan nya ngayon ang mukha ni Maya na dati’y nililingunan pa nang mga binatang dinadaanan nya… malaki na talaga ang ipinagbago ng lahat.

“Richard. sa.. salamat sa lahat, Sa pag-unawa, sa pag-aaruga, sa pagmamahal. Hinding-hindi ko ‘to makakalimutan..”

“shhh… don’t say anything like that..”

“mahal kita, pero may iba pang babaeng   nakalaan para sa’yo”

napapikit si Richard sa narinig. Bakit pa kailangan humantong sa ganito ang lahat? bakit sa dinami-rami ng tao ay si Maya pa? kung pwede nga lang na sya na lang ang umangkin sa pesteng nakakamay na sakit na yun.. bakit.. BAKIT!?

“Richard..”

tinitigan ng lalaki si Maya sa kanyang mga mata, kita nya dito ang pagod at panghahapo pero hindi nya ito makitaan ng pagkalungkot at pagkabahala. Puno si Richard ngayon ng awa.. hindi lang para kay Maya kundi para rin sa kanyang sarili.

Sumuko na rin sya sa pakikipaglaban para sa buhay ng babaeng kanyang pinakamamahal. Oras na ng pagsuko. Pilit pa ring ngumingiti ang maputla at tuyong labi ni Maya, wari’y tanggap na nito ang kanyang huling oras at sa kung ano ang kanyang sasapitin. Tatlong taon din syang nakipaglaban sa sakit nitong Cancer pero may hangganan ang lahat.. at ang hanggang yun ay malapit na nyang marating.

“Ser Chief, Paalam..”

“Maya!”

ayaw ni Richard marinig ang salitang yun..

“Paalam”

Isang pamamaalam na maaaring hindi nya kayang matanggap, isang pamamaalam na hudyat na mawawalan na naman sya ng minamahal, isang pamamaalam na magdudulot ng sobrang sakit sa kanya.

Gusto nyang magmakaawa kay Maya, sa tadhana, sa diyos.. pero huli na ang lahat.

Hinawakan ni Maya ang mukha ng lalaki, nakaukit pa rin sa mukhan ng babae ang isang ngiti. Ang mga mata nitong may butil na ng luha ay isinasaulo sa huling pagkakataon ang mukha ng lalaking pinakamamahal nya.

Nagkatitigan silang dalawa. Habang tumatagal ang titigan nila ay nalulunod si Richard sa mga mata ni Maya. Ang mga mata nito, isa ito sa mga dahilan kung bakit nya minahal ang babaeng ito. Bumaba pa ang tingin ni Richard sa ilong ni Maya, pababa pa hanggang sa napatitig ito sa mga labi ni Maya. Kahit sa ganitong sitwasyon ay nakakaramdam pa rin si Richard ng Mahika. Isang Mahikang si Maya lang ang makapagpaparamdam sa kanya.

Nalalanghap pa rin nya ang hininga nito, ang hiningang halos nilalasing sya sa bawat paglanghap nya dito. Unti-unti nang nahihigop ng mahika si Richard, habang unti-unting nyang nilalapit ang mukha nya sa mukha ng kabiyak ay unti-unti namang pinipikit ni Maya ang kanyang mga mata.

Lalo nyang hinihigpitan ang kapit nya sa nakahilig na katawan ng babae sa kanyang balikat. Nararamdaman na ni Richard ang dulong ilong ng kanyang asawa sa kanyang pisngi. Ilang sandali pa ay binulungan nya ito.

“I Love You, Maya Dela Rosa..”

at hindi nga nagtagal ay naglapat ang kanilang mga labi. Hindi man kasing init gaya ng dati ang halik na yun, pakiramdam ni Richard ay ito na ang pinakasagrado at pinakamahalagang halik na ginawa nila sa buong buhay nya.

Isang halik ng pamamaalam, isang halik ng tunay na pag-ibig, isang halik ng pagsuko.

Biglang nagbalik-tanaw sa lalaki ang lahat. Noong una silang magkakilala ni Maya, noong away-bati pa sila, noong naging matalik silang magkaibigan hanggang sa naging magkasintahan na sila at hindi nga nagtagal ay naging mag-asawa na sila. Lahat ng masasaya at malulungkot na parte ng buhay nila na magkasama sila, lahat nang yun ay dito na magwawakas.

At ilang saglit pa ay naramdaman na lang ni Richard ang unti-unting pagbitaw ng asawa nito sa pagkakahawak sa kanya. Naramdaman na lang rin nya ang unti-unting pagbigat nito. Kasabay ng paglubog ng araw, biglang lumaylay ang isang kamay ng babae sa ere.

//

19 thoughts on “The Sunset

  1. oh sorry..its really nice story but don’t want to see maya and richard end this way.

    sehr traurig aber danke trotzdem. .

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s