Little Lady

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Xy

A/N: A/N: Hi! It’s Xy from Albay again! To those who have read Been There, Done That and is still a reader of Tampuhan Blues, I THANK YOU!😀 Sorry to say that Been There Done That was really intended to be a one-shot from the start; but not to worry, I am about to share to you another story entitled, “Little Lady”. I hope you guys will like it too! Happy Reading!

XOXO
from Me and Mt. Mayon😉

Author: Xy

~*~

“Ate Doris, what time po ba uuwi si Daddy?”

For the first time since nag-alisan ang tao dito sa bahay, I spoke. Nakakabingi na kasi ang katahimikan. Hindi na ako sanay. Buti na lang din nagsalita na ako. Natigil kasi si Ate Doris sa paglalakad-lakad sa harapan ko. Hay, if only she knows, nahihilo na ako.

“Ay baby, sorry ha, hindi ko alam. Hayaan mo, baka mamaya tumawag yun,” sabi ni Ate Doris. Walang akong nagawa kundi magbuntong-hininga.

Lagi naman umaalis si Daddy at minsan nali-linggohan pa bago makauwi dahil sa kumpanya pero ewan ko ba, bakit parang ngayon, feeling ko ang tagal nya ng nawala sa bahay. Buti sana kung andito sila Kuya Luke at Ate Nikki para matanungan ko kung anong oras uuwi si Daddy pero wala din sila eh.


Naglalaro ako ng paboritong kong manika ng may narinig akong ingay mula sa labas ng aking kwarto. Alam ko, alas diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog eh. Kanina lamang nag-offer si Ate Doris ng gatas pero hindi ko ito tinanggap. Gusto ko si Daddy. Kaya naman ganun na lamang ang ngiti sa aking labi habang binuksan ko ng kaunti ang pinto ng aking silid. Nang maranig kong bangitin ni Manang Fe ang pangalang Ricardo, gusting-gusto ko ng lumapit at tanungin kung nasaan na si Daddy.

“Oh Sabel, ipaghanda mo muna ako ng gamit at ako ang mag-aayos ng gamit ni Ricardo,” wika ni Manang Fe. Sa una, natakot ako sa kilos at istilo ng pagsasalita ni Manang. Huli ko kasi ito narinig ng may naganap na nakawan sa lumang bahay. Bata pa ako noon at hindi pa nakakapag-salita.
Iba na ngayon. Nine years old na ako at little lady na nga talaga kung ituring sa bahay. Madami na akong tinatanong kila Daddy, Kuya Luke, Ate Nikki, Ate Doris, Ate Sabel, Kuya Joma, Manang Fe at syempre kay Ate Maya. Minsan nasasagot nila, minsan hindi. Okay lang pero sana masagot ni Ate Sabel o ni Manang Fe ang tanong kong, ano po ba ang nangyayari? A’san sila Daddy?
Nakatayo pa rin ako sa aking pintuan ng sumagot si Ate Sabel. “Ah eh Manang, ano ho ba ang kailangan kong ilagay sa bag niyo Manang Fe?”

“Kahit ano, ilagay mo lang basta yung pwede sa malamig na kwarto. Doon muna ako ngayong gabi para may kasama si Ricardo.”

“Eh sila Sir Luke ho at si Ma’am Nikki?”

Ha?! Kasama ni Daddy sila kuya’t ate? Bigla akong nalungkot ng maisip kong bakit ako hindi? Akala ko pa naman, little lady na ako.

“’Wag na, uuwi lang naman ang mga yun dito pagbalik ni Joma pakahatid sakin. Bukas, pupunta naman sila eh at dun, kasama na si Abby,” wika ni Manang na siyang naging hudyat ko para tuluyang lumabas sa aking kwarto. Gusto kong tumawa ng magulat ko si Ate Sabel. Si Manang Fe naman, siguro masyadong madaming iniisip kaya hindi nagawang magulat.

“Manang Fe, hindi po ba uuwi si Daddy tonight?” I asked.

“Ay Abby, hindi eh,” sagot ni Manang.

“Bakit po?” I added.

“Oh hala Manang, pinapasabi na ba ni Sir Richard? Hmm, bahala ka dyan,” narinig kong sabi ni Ate Sabel bago siya bumaba ng hagdanan. Nagkatitigan kami ni Manang ng ilang segundo and the more she looked at me, the more I wanted to know why Daddy can’t come home and kung asa’n sina Daddy at Kuya Luke at Ate Nikki?

“Abby…” I heard Manang Fe began as she walked towards me, “di’ba big girl ka na?” I nodded.

Every once in a while, masarap sa pakiramdam na natatawag na ‘big girl’ eh.

“Uhm, alam mo iha… ate ka na.”

Nakangiti si Manang Fe ng sabihin nya ang katagang ‘ate’. Wow! Feeling ko, kita ni Manang ang paglaki ng aking mga mata. ATE NA AKO! Gusto kong tumalon, sumigaw pero ang tangi kong nagawa ay yumakap kay Mamang ng mahigpit. ATE NA AKO!

“Talaga Manang?!” I asked habang ang maliliit kong braso ay patuloy na nakayakap sa kanya. I felt her nod as she returned the hug. Nararamdaman ko ang tibok ng aming puso at alam kong tunog ng kasiyahan ang naririnig ko.

Naalis lamang ako sa pagkakayakap ng maalala ko ang isang espesyal na tao sa aking puso. Ang taong bumuo uli sa aming pamilya, ang taong nagbigay ng ngiti sa aming mga labi, ang love na love ng aking Daddy at ang nagdala sa aking bagong kapatid sa loob ng siyam na buwan, si Ate May-… opps, si Mama pala. Sorry, hindi pa masyadong sanay eh.

“Manang Fe, when can I visit Mama po ba?” I asked on which she smiled on.

“Bukas,” I heard her answer and for the first time in my life, I feel excited more than the definition of excited itself.

Hindi ako makatulog. Katabi ko naman si Ate Doris at uminom naman ako ng gatas pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Nang makita ko ang cellphone ko, agad ko itong kinuha at pinindot. I smiled as soon as the wallpaper lit up on the screen. Picture namin nila Daddy at Ate Maya taken during their wedding.

Yup they’re married now. Two years after they confirmed their relationship, announcement na engaged na sila ang sunod naming narinig mula kila Daddy at Ate Maya. Syempre, nabigla kami pero above all else, masaya kami. Kala nga namin magpapa-fiesta si Manang Fe ng malaman ang balita. Sila lolo’t lola naman, immediately booked a flight para makauwi sa date ng kasal.

Sa San Nicolas ang napili nilang lugar. Doon nga sana sa Most Romantic Place ang kasal eh pero pinili ni Daddy na sa simbahan na lang daw, that way, even in front of Papa God, they can and would promise to be together forever. Sweet.

Flower girl ako noon, Maid of Honor naman si Ate Nikki. Si Ate Kuteh nga sana eh kaso napikon. Si Kuya Luke naman, syempre Best Man ni Dad. From what I could remember, simple lang yung kasal but it was solemn and the tears that came out of Lola Mamang, Lola Teresita at syempre kila Ate Maya and Daddy were, I guess, enough proof of the wedding’s sincerity. Sabi nga ni Ate Nikki, “A pair matched in heaven” daw yun kaya ganun ang atmosphere.

Sa Most Romantic Place on Earth naman ang reception. Outdoor na outdoor pero medyo aviation ang theme. Kulit! We were all smiling the entire time. Hay, masaya ang araw na ‘yun at sa dami ng picture na kinunan, eighty percent of them are all over my bedroom wall now.

Napangiti ako ng makita ko ang family picture namin sa bedside table ko. Kinunan ito ilang linggo matapos ang kasal. Wala kasi sila Daddy na honeymoon. Sabi, busy but I don’t think so. Feeling ko nga nag-tampo si Daddy kay Ate Maya kasi she was the one who insisted to skip their trip to some places here in the country. Ang totoo kasi noon, magfu-first day of classes na naman kami. Well, you know Ate Maya…

Naputol ang pagfa-flashback ko ng medyo gumalaw si Ate Doris. Buti pa siya nakakatulog ng mahimbing. Ano kaya kung excited din siya para bukas tulad ko? Eh sila Kuya Luke at Ate Nikki kaya? Naka-ready na kaya sila ng gift nila para sa newest member of the family?

“Oh well, basta ako, ready na!” ang masaya kong sinabi sa sarili ng makita ko ang isang kahon, wrapped in a checkered paper cloth and may taling dark pero minty green. Bago ako matulog, nag-thank you muna ako kay Papa God for giving me such an amazing family that keeps getting better.

Hindi ako sure pero parang ako yata ang naunang nagising the next day. Tahimik kasi ang bahay at kahit kasi si Ate Doris, tulog pa sa tabi ko. Wala akong inaksayang oras at agad kong kinatok sila Ate Nikki at Kuya Luke. How come they’re still asleep? Hindi ba talaga sila excited na makikita na namin for the first time ang baby ng family?

Matapos ang maka-ilang ulit kong katok, nag-decide akong bumaba na lang sa dining hall. Doon ko na lang sila kuya’t ate hihintayin, sabagay, kakain din naman kami ng breakfast pero they have to wake up na kasi baka ma-traffic pa kami. Ang dami pa naman dapat gawin.

Hay, buti na lang gising na din naman pala si Ate Sabel. Naghahain na nga ng almusal eh. As usual, ang sarap kahit aroma pa lang. “Oh Abby, ang aga mong gumising ah,” wika ni ate.

“Yes Ate Sabel because today, I’m going to see my little sibling na!” I happily said. Siguro pansin ni Ate Sabel kung gaano ako kasaya kasi she returned the same excited smile.

“Oh sya, maupo ka na dyan. A’san na ba ang Ate Doris mo? Si Nikki? Si Luke?” she asked.

“They’re all asleep pa eh,” sabi ko as soon as I settled myself sa chair ko.

“Hay naku, itong si Doris talaga, Oo. Oh kaya mo na bang kumain mag-isa?” Natawa ako sa tanong ni Ate Sabel. Dati naman nakakakain na ako ng solo.

“Of course Ate Sabel, I am now a little lady eh at ate pa!” ang masaya kong sagot. There really was a sense of pride ng sinabi ko yun.

“Hmm, Oo naman! O sige, dito ka muna ha, gigisingin ko lang ang magaling mong yaya bago pa dumating si Joma at maka-alis kayo na tulog pa siya,” wika ng the best cook in town namin.

I chuckled as I watched Ate Sabel went towards the stairs. Sana pati sila Ate Nikki at Kuya Luke gisingin na din nya, after all, ayaw kong ma-late sa ngayon pa lang paborito ko nang little sibling!

“Wow baby! Read’ng ready ka na ha!” wika ni Kuya Luke as soon as my room door swung open.

Gusto ko mang magalit ng makita ko na naka-pajama pa rin si kuya, hindi ko naman magawa.

Bukod sa love ko ang kuya ko, ayaw kong masira ang araw na ito.

“Kuya, get ready na. Andito na si Kuya Joma eh,” na lang ang sinabi ko habang sinusuklayan ako ni Ate Doris. Buti naman, nag-smile si kuya at hindi ako pinagalitan. Agad naman siya nag-sabing “Sige, wait baby” bago isinara ang pinto at, siguro, nag-prepare na din.

Ten thirty na ng marating namin ang ospital kung a’san sila Daddy’t Mama at syempre, si little sibling. Gustong gusto ko ng liparin ang mga hallway at floors! Konting takbo lang kasi ang nagawa ko kasi bantayado ako nila Kuya Luke.

“Ate, pumunta din po ba kayo sa ospital ng pinanganak ako?” I asked Ate Nikki as we rode the elevator that will lead us to the Maternity Ward.

“I don’t know baby eh. Kasi, I was just a little girl nun din.” Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nalungkot. Hindi sila pumunta sa ospital? Pwede ba yun? Okay lang ba yun?

“Ay baby, hindi talaga maaalala ni Ate Nikki mo yun kasi nasa kila lolo’t lola siya nun. Pero ako baby, andun ako,” wika ni Kuya Luke.

“Talaga kuya?” I asked.

“Uh-mm,” sagot ni Kuya Luke. See Abby, no need to feel suddenly worried, I told myself.

Sa Room 2415 kami itinuro ng nurse. Sa wakas, konting hakbang na lang makikita na namin si little sibling! Si Kuya Luke ang nang-una sa aming little parada, sunod lang ako sa kanya. Nang tuluyan akong nakapasok sa kwarto ni Mama, doon ko muli siyang nakita. Mga dalawang araw na din kasi siyang andito sa ospital.

“Baby!” I heard Mama greeted me as soon as I entered the room. Bigla na lang nawala sa aking paningin ang ibang tao. Si Mama lang nakikita ko. I saw how much she’d glowed. Sabi nila, pagod-looking si Ma pero hindi naman eh, masaya siya, kahit pa ang mga mata niya.

I literally ran towards her. I nearly launched myself at her pero when I heard Ate Nikki said, “Careful lang Abby, kaka-pangnganak lang ni Ma,” I ended up hugging her instead. It’s so good to be in her arms again.

“I missed you Mama,” sabi ko.

“I missed you too Baby Ate,” wika ni Mama.

Baby Ate? Baby? Ate? Oh my gee, muntik ko ng makalimutan!

“Ma! Where’s our little sibling ba?” Ayun, naunahan tuloy ako ni Ate Nikki.

“Here she is!” and as if on cue, lumabas si Daddy sa mini kitchen ng kwarto. Lahat ng mata namin naka-tingin kay Dad. He was holding this pink bundle so close sa chest niya as he came near us. Ingat na ingat ang lakad niya at time to time, tinitingnan ang dala niya.

Ito na… ito na ang aking little sibling and wait, did Dad just said ‘SHE’?

“Oh my gee Ma, it’s a girl?!” Ate Nikki excitedly asked.

“Oo Nikki,” Ma sweetly answered.

“Oh. My. Geee! See kuya tama ako! Girl power na talaga sa house ngayon!” sabi ni ate sabay tabing kay kuya bago tuluyang lumapit kay Dad.

“Oo na, sige na sige na, tama ka na,” sagot ni Kuya Luke. Nang lumapit si kuya kila Ate Nikki, bigla akong nakaramdam na naman ng lungkot. Hay, ano ba ‘to, di’ba dapat masaya ako?

“Oh Abby, may problema ba? May masakit ba sa’yo?” narinig kong tanong ni Mama na sya namang rason kung bakit nakatingin na saakin ang lahat. I shook my head and ngumiti. It’s going to be a great day Abby, I told myself, erase erase ang negative vibes.

“See guys, inagawan niyo na ng eksena si Abby,” sabi na Daddy bago siya pumunta sa gilid ng kama ni Mama na kung saan andoon ako. “You want to see your little sister na, Abby?” tanong ni Dad. Syempre naman gusto ko. Gustong gusto! “Opo Daddy,” I answered.

As soon as Daddy showed to me my new baby sister, una kong napansin kung gaano ka-rosy ang skin niya. Lahat kaya ng baby ganyan o dahil ganyan ang skin ni Daddy? Di kaya tumalab ang mga singkamas coated with vanilla ice cream na pilit hininggi ni Mama kay Dad noong nagmo-movie night kami? Kahit na nakapikit, alam kong mana kay Daddy ang mga mata niya pati ang nose at tenga nya. Nakuha niya naman ang lips kay Mama pati ang hindi pa masyadong halatang kilay.

Gustong-gusto ko siyang hawakan pero parang napaka-sensitive niya na sa maling hawak ko lang, mababasag siya. “Ay dad, alam mo bang gustong-gusto ni Abby na ikiss si baby?” I suddenly heard Ate Nikki shared.

“Wow, really Abby?” tanong agad ni Dad.

“Alam mo baby, gustong-gusto yan ni little sibling mo,” I heard Mama said from beside me.

“Pwede ko po siyang i-kiss?” I asked, almost sounding like I don’t believe them.

“Oo baby,” sagot na Ma with matching smile.

Inalis ko ang mga mata ko kay Mama ay tiningnan ko uli si little sibling. Tulog pa rin siya at wala atang care sa mundo at kung sino ang bumisita sa kanya. Sabi ni Manang Fe, ganito daw talaga ang mga babies. I observed her skin and features again, ngayon pa lang, I know she’ll be great like Mama or Ate Nikki. Bigla akong napabugtong-hininga, wait, sana hindi nila yun nakita!

“What’s wrong Abby?” I heard Dad asked. Hay, too late, nakita niya na, nakita na nila.

“Nothing Dad…” sagot ko.

“Don’t worry Abby, I think gusto din naman ni Little Sibling ng kiss mo eh, kami nga ni Ate Nikki mo, magki-kiss din mamaya sa kanya,” Kuya Luke said.

Pwedeng sila na lang? Hindi ko alam pero bakit parang ayaw ko ng i-kiss si little sibling. Kung pwede lang tumanggi pero ayaw ko din naman magtaka sila Daddy.

Ate Nikki was telling Kuya Luke not to kiss little sibling when I decided to just get things over with. Tsaka kiss lang naman eh. I do that to almost everyone at the house, little sibling shouldn’t be any different.

So yun, with one gentle kiss, I did what I wanted to do since the day I learned her existence in Mama’s tummy. I heard Daddy praised what I did while Mama said something like “very good” but I was far more interested sa reaksyon ni little sibling. Natuwa ba siya? Nagalit? I don’t know, instead, she started to move in her pink bundle.

“Oh my gee kuya! She’s awake!” Ate Nikki excitedly stated. Sure enough, matapos niyang galawin ang kamay niya sa may mukha niya, matapos igalaw-galaw ang pikit niyang mga mata at makita ko ang grimace sa kanyang mukha, ayun, umiyak na nga siya.

Sa umpisa parang iyak artista lang. Small and soft cries but eventually, lumakas na parang nagwawala na. Gusto kong tawanan si Daddy ng first time ko siyang makitang ma-aligaga. Hawak niya pa rin kasi si Little Sibling at kahit anong tapik niya dito, hindi pa rin matigil.

“Ma, I think she’s hungry na,” Ate Nikki suggested.

“But didn’t she just ate before they came?” tanong ni Dad kay Mama.

“Naku Dad, okay lang ‘yan. Buti nga ‘yan para maging healthy si baby tulad ko,” Kuya Luke added. At the mention of the name “baby” I looked at him but his eyes were on Mama, Dad and Little Sibling. I forgot, hindi na pala ako ang baby…

“Kuya, I would never let Little Sibling be like you, no? You’re so baho kaya especially after playing basketball. She’ll be too pretty for pawis and all,” padagdag pa ni Ate Nikki.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap at tawanan, background nila ang iyak ni Little Sibling. Cute.

“Ah Dad, baba muna po siguro kami nila Abby just to give Ma some privacy. Bili na din po kami ng foods,” I heard Kuya Luke said. Wait? Kasama ako? But I wanted to stay here!

“Okay. But don’t go anywhere else. This is a hospital not a mall,” warning ni Dad once makatayo siya, karga pa rin si Little Sibling na nagvo-vocalizing ata sa taas ng iyak.

“Yes Dad.”

“Let’s go Abby,” yaya ni Ate Nikki. Syempre, nung sinabi ni Dad na, “Sige na Abby, be with them muna.You can come back once your baby sister’s done,” wala na akong nagawa kaya bumaba na ako sa kama.

“Oh Nikki, Luke, Abby, ingat kayo ha,” paalala ni Mama. Tiningnan ko siya pero hindi siya naka-tingin samin o sa’kin. Kay Little Sibling lang habang ma-ingat na ibinibigay siya ni Dad sa mga arms niya.

At this point, alam kong kahit sinong makakita sa’kin alam na may problema at may dinaramdam ako. Pero pa’no ba nila makikita? Si kuya’t ate nasa lobby na, si Dad naman at si Mama, busy sa bagong baby. Gusto kong umiyak pero hindi pwede… big girl na daw kasi ako, yan ang laging paalala ni Mama.

Bago ko tuluyang sarhan ang pinto, naisip ko, bakit ba kasi noon, ginusto ko pa maging little lady?

8 thoughts on “Little Lady

  1. Pingback: silipin ang Happy Aquarium | Valenzuela Gay Guy

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s