The Auction Part 6

As I said the fangirl in me is sooo broken hearted right now because  Won bin… my Won Bin is no longer available (as if naman).  Anyway, hope you enjoy this one and keep your comments coming I really love reading them.

Kapit-bisig everyone🙂

 

Previous Chapters:
The Auction

The Auction Part 2

The Auction Part 3

The Auction Part 4

The Auction Part 5

 

 

CHAPTER 5

 

Two years ago….

Maya and James Ventura, passionately kissing each other in the couch.  Ito ang eksenang naabutan ni Richard kaya dali-dali itong umalis ng condo na tinitirhan ni Maya.

Ni hindi hinabol ni Maya si Richard para pigilan ito o di kaya naman ay magpaliwanag.

“What was that?” nalilitong  tanong ni James kay Maya.

“J-James…” napaupo itong muli sa sofa.

“Maya, bakit mo ginawa yun?  Hindi mo man lang ba susundan si Richard?  I thought you love him, bakit mo ginawa yun?” sunod-sunod na tanong ni James kay Maya.

Tahimik lang si Maya, nakayuko ito at maya-maya pa ay narinig na ni James ang hagulgol na pag-iyak nito.

“I love HIM so much James… I love him so much.” Si Maya.

*******************

Present time…

Sabi nila she takes after her father…her being stubborn.  Siguro nga tama sila dahil sa kanilang magkakapatid siya lang ang may kakayahang sabihin kung ano ang nasasaloob niya.  Tulad na lang when their father told them na girlfriend na nito si Maya, siya ang unang tumutol sa relasyon ng mga ito sa dahilang dati itong yaya ng nakakabatang kapatid na si Abby.  Eventually, natanggap rin niya ito pagkatapos siyang paliwanagan ng kanyang Kuya Luke at ng kanyang ama.  At sa huli siya pa ang naging sobrang close sa kanyang Ate Maya, maybe because masyado siyang nangulila sa pag-aalaga ng isang ina at kay Maya niya muling naramdaman iyun.  Alam din niya kung gaano kamahal ng kanyang daddy ang kanyang Ate Maya at ganun din naman ang huli sa daddy niya.  Kaya naman ng biglang naglaho na parang bula si Maya sa buhay nila two years ago siya ang unang naapektuhan.  She tried contacting her Ate Maya or even her relatives in San Nicholas but to no avail.  Hindi tuloy niya alam kung kanino siya dapat magalit.  Gustong-gusto niyang tanungin ang kanyang ama kung anong nangyari but she was not given any chance dahil lagi na lang tuwing mararamdaman nitong magtatanong na siya ay agad itong umiiwas.  At kung may pagkakataong si Abby naman ang nagtatanong ay hindi ito sumasagot.   Hanggang dumating ang araw na wala ng gustong magtanong, wala ng gustong malaman kung ano ang nangyari.

Hindi man bumalik sa pagiging “monster” ang kanyang ama pero hindi na ito ang dating masayahing Richard Lim magmula ng mawala ang isang Maya Dela Rosa.  Pilit lahat ang ngiti nito, pilit lahat ang ginagawa nito para hindi mapansin ang kalungkutang nararamdaman.  Pero dahil siguro nagmana nga siya sa kanyang ama alam na alam niya ang nararamdamn nito kahit hindi nito sinasabi.  Tulad na lang ngayon ng papasok sana siya sa office ng ama ay nakita niya itong nakatulala, malalim ang iniisip.

Nagpaalam ito a week ago telling them na may pupuntahan itong seminar for two days.  Hindi niya alam kung bakit parang ang saya-saya nito ng araw na umalis ngunit siyang lungkot naman ng bumalik.  Halos ilang araw ding hindi ito sumabay sa kanilang kumain at laging gabi na kung umuwi galing sa trabaho.

“Dad.”  Hindi pa rin siya napansin ng ama kahit pa nakapasok na siya ng opisina nito.

“Dad!” ulit niya.

Saka lamang siya napansin ng ama. “Y-yes Nikki?  Do you need anything?”

“Dad, is there a problem?”

“Ha, no, no there’s no problem.”  Richard straightened up and again asked her if she needs anything.

“None naman dad but dad if you want to talk about something I’m just here ok.”

Richard just smiled at Nikki.

“Anyway, I’ll sleep na.  Goodnight dad.”  She went to her dad and kissed him goodnight.

Papunta na si Nikki sa kanyang kuwarto pero hindi pa rin niya mapigilan ang sariling hindi isipin ang nangyayari sa ama.  “Ate Maya, what have you’ve done to my father?”

**************

Two years ago…

Sa tagal niyang nanungkulan sa pamilya ng mga Lim ngayon lang niya nakitang nagpakalango sa alak ang dating alaga.  Umiinom lang ito kung may okasyon o kaya naman ay kinakailangan.  Ni hindi ito ginawa ni Ricardo ng mamatay ang dati nitong asawang si Alex pero ito ngayon ito at halos hindi makalakad sa kalasingan.  Mabuti na lamang at gising pa si Joma kaya naman natulungan siya nitong madala si Ricardo sa kuwarto nito.

“Ricardo ano ka ba namang bata ka, ano bang nangyayari sa’yo?”

Hindi sumasagot si Richard maya-maya pa ay aktong susuka ito kaya naman dali-dali ulit na nagpatulong si Manang Fe kay Joma para madala ito sa banyo.  Doon ay tuluyan na itong nagsuka at ng matapos ito ay pasalampak na umupo sa sahig.

He pulled his legs in, bent over at maya-maya pa ay narinig na lang ni Manang Fe ang parang pag-iyak nito.

Lumapit si Manang Fe sa alaga and she tried to comfort him.  Stroking his back she asked him once again. “Ricardo ano ba talaga ang nangyari anak?” awang-awang tanong nito ulit.

Richard looked at the woman whom he also considered as his mother.  “Manang si Maya…” para itong batang nagsusumbong sa kanyang ina.  “Ang sakit-sakit.”

Again he bent over and after awhile Manang Fe saw his shoulders shaking.  Ngayon tiyak niya na umiiyak na ang kanyang alaga sa sakit na nararamdaman nito.

Si Richard Lim, CEO ng Lim Aviation.  Respetado, tinitingala.  Eto ngayon sa harapan niya at patuloy na umiiyak.

“Ang sakit-sakit…” si Richard.

****************

Present time…

Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa Head office ng Little Pard’s Chibugan.  Pinaubaya na lang muna niya sa kanyang assistant na si Miss Lapuz ang anumang dapat gawin habang wala siya.  Mabuti na lamang at nasa San Nicholas ang buong pamilya niya at busy sa mga sangay ng Little Pard’s doon kaya tawag na lang ang ginawa ng mga ito ng malamang hindi siya pumapasok.  Ang naging sagot na lamang niya ay kinailangan niyang magpahinga dahil naging masyado siyang busy para sa kanyang new project na fine-dining restaurant.  Ang ibang pang tawag ay sadyang hindi na lang niya sinasagot.

Ngayon nga ay kumakain siya ng champarado na may kapartner na tuyo.  Ilang subo pa ay bigla na lang niyang padabog na binitawan ang kutsarang hawak.

“Ano ka ba Maya?  Ayaw na niya sa’yo!  Ni ayaw niyang hawakan mo siya remember.”

She went to the bathroom to take a bath.  After taking a bath, she went to get her bathrobe and covered herself.  She went to the mirror and look at herself.  She’s a total-wreck.

Namamaga pa din ang kanyang mga mata dahil sa walang-tigil na pag-iyak.  Akala niya kapag napagbigyan na niya ang kanyang sarili na makasama si Richard kahit sandali ay makukuntento na siya pero hindi pala.  Lalo lang niyang ibinaon ang kanyang sarili.  Lalo lang niyang pinatunayan na mali ang naging desisyon niya noon.

She should have fought her right to love HIM.

Pero ayaw niyang magkagulo ang mag-ina.  Eto siya ngayon litong-lito.

Nasa ganun siyang pagmumuni-muni ng biglang marinig niya ang sunud-sunod na doorbell sa kanyang pintuan.   Maya-maya ay nasundan pa ito ng malalakas na pagkatok.

Maya pulled her robe tighter and went to the door.  Sinilip muna niya kung sino ang walang-modong kumakatok sa kanyang pintuan.

Nothing can prepare her for what she saw.

“S-Ser Chief.” She whispered in shock.

Anong gagawin niya?  Kapag hindi niya pinapasok si Richard ay siguradong irereklamo ito ng kanyang mga kapitbahay at baka magkagulo pa.  Wala siyang nagawa kundi buksan ang pintuan.

“Let me in.”  Si Richard.

 

to be continued…

-roxygirl5-

41 thoughts on “The Auction Part 6

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s