Kailan – part 8

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to bhek8. This is a continuation to Kailan – part 7.


Author:bhek8

~*~

 

Letting go doesn’t mean you need to forget, it means that we are strong enough to face what lies ahead.

Maagang pumasok si Richard sa opisina. Hindi na sya naabutan ng mga bata. May meeting itong pupuntahan.

Nikki: Manang Fe si Daddy po?

Manang Fe: Maagang umalis at pupunta daw sya meeting. Bilin nga pala nya pagkatapos nyo sa eskwela susunduin nya kayo at may pupuntahan daw kayo.

Luke: Death anniversary ni Mommy ngayon.

Manang Fe: Sabi ni Ricardo, kahit maiwan ka na lang daw. Kasama naman ni Abby si Luke at Nikki.

Maya: Opo, manang Fe.

Dumating ang hapon, at sinundo ni Richard ang mga bata sa bahay. They went to the cemetery. Daming kwento ng mga bata sa mommy nila. They give each other time para magkwento ng solo sa mommy nila. Una si Luke.

Luke: Alam mo Mommy, namimiss ka na naming. Daya mo aga mo kami iniwan eh. Pero wala naman kami magagawa kasi sabi ni Daddy ganun talaga ang buhay. May darating, may aalis. Si Abby nagsasalita na. May bago syang yaya. Si Maya. She’s so funny Mommy, at kasundo nya lahat sa bahay. Si Daddy nga nakasundo nya eh. Pero yung mga nauna sa kanyang mga yaya hindi nagtagal. Laging tinatanggal ni Daddy hindi pumapasa sa standards nya. Pero si Maya. She’s so different from others. Don’t worry Mommy about Nikki and Abby, I’ll take care of them.

Then si Nikki.

Nikki: Hi Mommy. I miss you na talaga. Pero somehow we are moving on. Pero hindi naman naming kayo makakalimutan. Sabi ni Daddy we have to build our lives pa din. It was so painful the time you left. I was so scared then na hindi na talaga kita makikita at makakasama. But I’m thankful pa din even in a short period of time I had the chance of spending time with you. Nga pala mommy si abby, she talks na. Buti na lang yung nakuha na yaya di Daddy, super bait at super mahal nya si Abby but don’t get jealous Mom, Abby is still your baby.

It’s Abby’s turn.

Abby: Hi Mommy. Sorry po ngayon lang ako nagtalk. Mommy sayang po hindi ko kayo nakasama ng matagal, sa picture ko na nga lang po kayo nakikita. Sana po nandito pa din kayo. Pero Mommy kung nandito po kayo wala naman si yaya. Problema yata ‘yun.,hihihihi.. Pero Mommy ang bait po nya at love po nya ko. Lagi po nya ko inaalagaan at kinukwentuhan tungkol sa mahal na hari at magandang prinsesa. Nakakalungkot nga po yung kwento kasi sabi nya yung kaharian nay un walang reyna. PArang kami po sa bahay, wala kaming Mommy. Sana po magkamommy na ulit ako. Pero wag po kayo mag-alala she can’t replace you. But she can have another place in our hearts. Bye Mommy. Tawagin ko nap o si Daddy.

Richard: Nagkwento na mga anak natin. Hindi ko man alam sinabi nila pero I know it’s from their hearts. We’ve been longing for you. We missed you. It’s been what? 5 years? 5 years ka ng wala sa amin. Can I tell you something? IS it ok if I’m gonna be inlove again? She can’t replace what we had. What we had were great. Me and this girl, is totally a different story. You’ve given me 3 wonderful kids. And with her, maguumpisa pa lang. I don’t know what is this I’m feeling.And I’m not sure if she has the same feeling. It’s very early to know. Alex, please help me.

The 3 kids watching Richard from afar.

Nikki: Ano kaya sinasabi ni Dad kay Mommy?

Luke: Ang tsismosa talaga.

Nikki: I’m not kaya. I’m just curious.duh!!!

Luke: Curious.. Ganun na din yun!

Nikkik: Kuya, I’m gonna ask you, is it ok if Dad can have a girlfriend na?

Luke: Naisip ko nga din yan eh! Pero dib a sabi nya hanggang date lang. Si Dad kasi masyado mapili.

Nikki: But it’s ok. I mean Kuya dapat talaga pumili sya kasi it’s for lifetime no?

LukE: Baka naman inaayawan nila sa Dad pag nalaman nila na may tatlong anak na sya.

Nikki: Hmmmmm, pwede? PEro dib a kung mahal sya n g girl, tatanggapin nya lahat. Package deal ganun!

Luke: Ikaw talaga Nikki puro kalokohan. May package ka pang nalalaman.

Nikki: Paano kung mainlove sya kay Maya?

Luke: Kay Maya? Why not? Mabait sya, mapagmahal, maalaga. E ikaw kung ganun nga maugugstuhan mo ba si Dad at Maya.

Nikki: Of course, if mahal ni dad at kung mahal din nya si dad at tayo, why not?

Luke: Talagang kasama tayo ha!

Nikki: Of course kuya package deal nga di ba? E ikaw baby, ok lang ba sa’yo na magkagirlfriend si Daddy?

Abby: Yes po. Sana nga po yung kamukha ni Yaya. Mabait na maganda pa po

SC: O anong pinag-uusapan nyo?

Luke: Wala naman dad, e nagugutom nap o kasi kami.

SC: SAN nyo gusto kumain?

Then they went to a restaurant to eat. The 3 kids kept it as a secret. Baka kasi magalit ang Daddy nila pag nalaman yun.

Meanwhile, in Lim’s residence…

Maya: Tatawagan ko pala si nanay.

She dialled the number of her Nanay Teresita. Her duty is done. It’s Kute and Jeff’s shift tonight.

NT: hello ‘nak! Kamusta ka na diyan? Malapit na ang pasukan ah! Nakapagenroll ka na ba?

Maya: Ok naman po ‘nay. NAgenroll nap o ako nung isang araw tapos may schedule na din po ako. Inayos po namin ni Sir Chief.

NT: Sir Chief?

Maya: Si Sir Richard po ‘yun. Tawag ko lang po Sir Chief. E ‘nay pumunta ba kayo dun?

NT: OO ‘nak, NAgdala kami ng bulaklak. Andun silang lahat. Kinakamusta ka pala nila.

Sandaling tumahimik si Maya.

NT: ‘nak may problema ba?

Maya: Wala naman po ‘nay.

NT: Kilala kita. Ano ‘yun? Sabihin mo nab aka makatulog si nanay.

Maya: KAsi po ‘nay, magiging makasarili po ba ako?

NT: Tungkol saan? Kay James ba?

Maya: Opo ‘nay. (Maiyak-iyak na sagot ni Maya.)

NT: Maya makinig kang mabuti sa akin ha! 5 taon na syang wala. Kung magmamahal kang muli hindi yun pagiging makasarili.

Maya: Pero nay nangako po ako sa kanya.

NT: Nangako ka nung nabubuhay pa sya. Pero matagal na syang wala. Sa tingin mo ba kung makikita ka ni James na ganyan, Masaya sya. Alam ko na mahal na mahal ka ni James pero ‘nak dala ni James yung pagmamahal nay un nung nilibing sya. Matagal mo nang pinahirapan ang sarili mo mula nang mawala sya. Ang dami namang nanligaw sa’yo ditto, lahat binasted mo kasi ang dahilan mo lagi nangako ka.

Maya: PEro ‘nay dib a ang turo nyo sa akin pag nangako kailangang tuparin.

NT: Kailangang tuparin, oo. Pero wala na sya. Nahihirapan ako pag nakikita ka na malungkot. Akala mo hindi ko napapansin yun? Anak, buksan mo ulit ang puso mo. Hindi mo kakalimutan si James dahil sya ang frist love mo. Mahirap kalimutan yun pero hindi kailangan na isama mo ang puso mo sa puntod nya. Naiintindihan mo ba ako?

Maya: Opo nay. Sige po tatawag na lang po ulit ako.

Naabutan sya ni Manang Fe sa ganitong sitwasyon. Hindi alam ng matanda na may kabigatan palang dinadala si Maya.

Manang Fe; Gusto mo bang pag-usapan?

Tumango si Maya.

Manang Fe: Dun tayo sa taas at makakuha ng maiinom.

Sumunod si Maya kay Manang fe. Naabutan ni Doris at Sabel sila Maya sa  kusina.

Doris: Maya,. Anong nangyari?

Sabel: OO nga, bakit parang kagagaling mo lang ng iyak?

Manang Fe: Kung handa ka na magsabi, andito lang kami.

Maya: Ganito po kasi yun… Namatay po yung tatay ko nung 2003. Mula po nun hindi na ko nakapg-aral. Hanggang high school lang po. Si tatay po yung nagturo sa ‘kin ng gitara. Kaya lang po nung nawala sya , parang ang bigat-bigat sa pakiramdam. Hindi na nga po ko halos kumakanta nun. Kasi lagi ko lang po naiisip si tatay. PEro may kaibigan po ako nun si James, unang boyfriend ko po sya. Sya po yung laging nageencourage sa akin. Flight attendant si James. Si tatay ang pangarap po nya sa akin maging isang flight attendant, pero ayoko gusto kong maging Musisc teacher. Si James po nakasuporta po lagi sa akin yun. Nakagawa pa po ako ng isang kanta para kay James.

Hindi matuloy ni Maya ang sasabihin nya. Lingid sa kaalaman nila may nakikinig pala sa kanila.

Manang Fe: Anong nangyari Maya?

Maya: Nung 2008 po bumagsak yung eroplanong sinasakyan nila. Maglalanding na lang po sa Airport ng Cebu pero nabali yung pakpak ng eroplano. Wala pong nakaligtas sa mga pasahero, isa na po si James.

May narinig silang humihikbi.

Doris: Sino yun? Sandali titingnan ko.

Ma’am Nikki, ano pong ginagawa nyo ditto? Bakit po kayo umiiyak?

Hindi sinagot ni Nikki ang tanong ni Doris, pinuntahan nya agad si Maya.

Nikki: Maya, was it the morning flight? Maglalanding na lang daw ang eroplano pero the wings got broke? Kaya sumadsad sa runway and then sumabog?

Maya: Nikki?

Nikki: Nandun ka ba nung nagkaron ng rescue and operation?

Maya: Oo, bakit?

Nikki: Did you remember na may tinulungan ka na bata na nawawala. Ang sabi nya ang kasama nya ang Daddy nya t kuya nya?

Maya: Oo nikki. May natatandaan ako na ganun? ( Naguguluhan pa din si Maya.)

Nikki: Hindi ko naibigay dun sa girl ang name ko. Then nung dumating si Dad para kunin ako biglang umaklis ang girl.

Maya: Nikki.

Nikki: Yes Maya, it was me. Mommy and your boyfriend were on the same plane? Ganun ba?

Maya hugged Nikki so tight. Hindi makaklimutan ni Maya ang nangyari noon.

NT: Maya, anak alam mo nab a?

Hindi pa natatapos magsalita ni Teresita…

Maya: ‘Nay pupunta po ako ng Cebu.

NT: Anak, pero paano ka pupunta?

Nagring ang phone ni Maya…

Maya: Opo, sige po sasama po ako.. Aayusin ko na po yung gamit ko.

‘Nay isasama daw po ako nila tito Roberto, nagpabook po sila ng ticket aalis po kami mamayang gabi.

NT: O sige, anak,.

Sa MActan, Cebu…

Maya: Tito, Tita sana po may nakaligtas.

Roberto: kalma lang muna tayo ngayon.

Then suddenly Maya noticed a girl. Nilapitan nya ito,.

Maya: Bata, wag ka pupunta diyan, hindi pwede diyan ang mga bata? Sino ba kasama mo?

Bata1: Ang Daddy at Kuya ko po. Kasi po ngayon yung dating ni Mommy eh!  Dapat nga po kanina pang umaga kaya lang po gabi na hindi ko sya nakikita.

Niyakap ni Maya ang bata. Sa tingi nya hindi alam ng bata na sumabog ang eroplano na sinasakyan ng Mommy nya.

Maya: Pero dapt wag ka hihiwalay sa daddy at kuya mpo kasi maraming tao dito. Saka baka nanadiyan na din ang Mommy mo hinahanap ka na?

Bata1: Talaga po?

Maya: oo, kaya pag nakita mo sya bigyan mo sya ng malaking-malaking hug, ok?

Bata1: ok po.

Bata2: Niks, andito ka lang pala. Taras hinahanap ka na ni Daddy. Pasalamat ka na kay sa kanya.

Bata1: Salamat po. Sana magkita po ulit tayo. Babye po.

SC: There you are.

Bata1: Nandiyan nap o si Mommy?

SC: We are going back to the hotel. Magpapahinga na muna tayo gabi na.

Bata2: Dad sya po yung kasama ni Niks kanina. (Biglang nawala si Maya.) Nandito lang sya Dad kanina eh,

SC: Never mind. At least your sister is safe. Let’s go.

 

(Thanks for reading. – bhek8)

 

32 thoughts on “Kailan – part 8

  1. kaya pala sabi ni nikki ay parang nakita na niya si maya somewhere..hayan na ang sagot..nakakaiyak naman..pero ang ganda ng story

  2. Pingback: Kailan – part 9 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s