The Covergirl – Epilogue

The Covergirl

Epilogue ….

One week after ng kasal nina Richard at Maya..lumabas naman ang bagong magazine ng AA media ang Bride and Groom wedding magazine. Tulad ng inaasahan – selling hot cakes sa mga magazine stands….kasi naman meron doon extra pages ng exclusive na kasal nilang dalawa. Kaya ayun dagsa ang bumili here and abroad. Sabik na makita ang nangyari sa kasal nila. Meron nga network ang gusto bumili nh rights para ma televise ang kasal nila pero di pumayag si Maya kahit milyones ang alok ng tv network.

Naglabas din sila ng magazine title Baby Boom Magazine, si Maya pa rin ang cover ng initial issue. Maya is on her 7th month pregnancy noon nagpakuha siya ng picture showing her big tummy…..nasa loob din ng magazine iyon ang pictures ni Maya from 1st month of her pregancy. Ang interview sa kanya being a first time mom. Meron siya tummy shots monthly. Tulad ng mga naunang magazine selling hot cakes din ang Baby Boom Magazine.

Gumawa rin siya ng isang commercial ng isang nutrional drink na exclusive sa mga pregnant women tulad niya.

Nakakatawa nga kasi kahit nasa tiyan pa lang ang panganay nila ni Richard madami na gusto kumuha sa anak nila para gawin endorser ng mga baby products nila….like J&J, Mead Johnson, Wyeth, Abbot, P&G, Nestle, atpb. Pero wala pa silang tinatanggap kahit anong endorsement.

———

Nasa ika 7th months na ang tiyan ni Maya. Kahit sobrang laki ng tiyan ni Maya. Maganda pa rin siya, kahit sabihin natin na lumaki talaga siya. Madalang na siya magpakita sa media, kasi ayaw niya makita siya ng ibang tao na ang laki-laki niya. Pero meron mga instances na di niya mapigilan di magpakita sa media. Tulad na lang ngayon…..

Wala balak si Maya na dumalo sa 15th year anniversary ng AA Media. Pero last minute nagbago isip niya. Kaya nagbihis na siya at nag-ayos ng sarili para pumunta sa hotel kung saan dinaraos ang party.

Pagpasok niya sa ballroom, hinanap niya agad ng mata niya si Richard. Pero ganun na lang pagka bigla niya noon nakita ito. Katabi nito ang isang sikat na fashion model na minsan na rin na cover ng isa sa mga magazine ng AA Media, si Erika Nicole Ashley. Naka kapit pa sa braso ni Richard si Erika na parang ok lang kay Richard. May binulong pa si Erika kay Richard na ikinatawa pa ng huli.

Nakaramdam ng selos si Maya. Kaya ba hindi na siya pinilit ni Richard na dumalo……

FLASHBACK

“Babe, ok lang ba na hindi na ako sumama sa anniversary party? Medyo mabigat ang katawan ko eh.” Sabi n Maya kay Richard.

“Sige Sweetie, baka mahirapan ka pa doon at tiyak mausok at maingay lang sa party. Baka makasama pa pagbubuntis mo.”

“Thank you babe, alam ko naman kayang kaya mo na iyon mag isa. Just have fun.” sabay halik sa lips nito.

Tinugon naman ni Richard ang halik ni Maya. Unang bumitiw si Maya noon naramdaman niya pinalalalim ni Richard ang halikan nila. “sige na umalis ka na at baka mahuli ka sa party. Nakakahiya kung grand entrance ka pa.”pagtataboy ni Maya dito.

“Hahaha….parang tinatamad na rin ako pumunta sa party, Sweetie.”

“Magtigil ka nga diyan. Ang laki-laki na ng tiyan ko. Kung ano-ano pa yan iniisip mo.”

“Ok fine. At ikaw naman ay magpahinga na lang dito. Di bale dalawang buwan na lang lalabas na ang panganay natin. Bye sweetie.”

END OF FLASHBACK

“Maya,” ang tawag ni Liza ang napagpanumbalik sa kasalukuyan kay Maya. “Sabi ni Sir di ka daw makakapunta.”

“Wala nga sana, pero last minute nagbago sip ko. Buti na lang pala nagbago ang isip ko.” sagot ni Maya kay Lisa, pero sa grupo nina Richard nakatingin.

“Huag mong pansinin si Erika. Di naman siya pinapansin ni Richard mo eh.” Sabi ni Lisa kay Maya. Para huag lang ito mag-alala.

“Hindi ganun ang pakiramdamm ko, kita mo naman ang saya-saya niya. Nakikipagtawanan pa siya sa Erika na iyon.”

“Maya, mabait lang si Sir kasi naging client din naman natin si Erika eh.”

“Sino ba ang kakampi mo dito.”

“Ikaw syempre.” sagot ni Lisa.

“Nang lumapit sa kanila si Greg Santillan ang lalaking pinapantasya ng lahat ng kakababaihan. Isa ito papasikat na upcoming actor at isa rin itong playboy. “hello beautiful ladies.”

“Hello Greg…”panabay na sabi nina Lisa at Maya. Ngunit di nagtagal ay iniwan sila ni Lisa dahil may tumawag dito.

Masayang nagkukuwentuhan sina Greg at Maya ng mapansin sila ni Richard. Napakunot ito ng noo. Kasi mas nakipagkuwentuhan pa si Maya kay Greg kesa puntahan siya.

Nakaramdam si Maya na parang may nakatingin sa kanya. Kaya tumingin siya sa lugar kung saan pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Hindi siya nagkamali, nakita niya naka tingin sa kanya si Richard.

Ngumiti si Richard sa kanya, pero siya inirapan niya ito at niyaya si Greg na samahan siya sa buffet table para kumuha ng pagkain. Nagtataka si Richard kaya nilapitan niya ang mga ito.

“Sweetie,” sabay halik sa lips dito na ikinagulat ni Maya, “what a surprise.”

“Maya, I go ahead. Sir Richard….”

Tumango lang si Richard, “nice talking to you Greg.” bye sabay beso dito.

“At ano ang ibig sabihin noon?” salubong ang kilay na tanong ni Richard.

“Alin?” maang na tanong ni Maya.

“Come with me,” sabay hawak sa kamay ni Maya at nag tungo sila sa elevator. Dinala siya ni Richard sa isang kuarto.

“Dito mo ba balak dalahin ang babae mo after the party?”

“Babae? Ano ba yan pinagsasabi mo?”

“Alam ko pangit na ako at mataba kaya naghahanap ka na ng iba. Kaya di ba kaya hindi mo na ako pinilit na sumama kasi meron ka ibang ka date sa event na ito.” sabay pout ni Maya.

Natatawa si Richard na lumapit kay Maya.

“Huag ka lalapit sa akin, galit ako sa yo. Kina Mama na ako uuwi after this.”

Naihaplos ni Richard ang mga kamay sa ulo pababa sa mukha niya, obvious na nagtitimpi lang ito. “Sweetie, wala ako babae….ikaw lang ang babae sa buhay ko. Wala ako paki alam kung mataba ka. Mas gusto ko iyon para wala na lumapit sa iyo ibang lalaki. Para akin ka na lang. Pero kita mo nga, kahit malaki na yan tiyan mo, madami pa rin lalaki ang humahanga sa yo. At isa na doon si Greg.”

Napamulagat si Maya sasinabi nito.

“Kung nakita mo lang kung paano ka niya tingnan kanina. Andun ang pagnanasa sa mukha niya.”

“Inisip mo lang iyon, ikaw nga diyan, ang saya-saya mo nakikipagkuwentuhan kay Erika at nakakapit pa ito sa braso mo. Patawa-tawa ka pa noon may binulong ito sa iyon. Aminin mo siya ang ka date mo ngayon.”

“So that’s explain why, inirapan mo ako kanina, you are jealous.”

“Hindi ako nagseselos, noh.”

Sweetie, wala ka dapat ipagselos kay Erika at hindi ko siya ka date. Kasi iyon ka date ko na buntis ayaw sumama sa akin. Kaya ako umalis mag isa.” sabi nito kay Maya habang lumalapit siya dito para akapin.

“Hindi nga ako nagseselos, bakit pa ang kulit mo.” sabay pout ulit ng lips.

Hinalikan muna ni Richard si Maya. “sabi na huag ka mag pout ng lips kasi baka malimutan ko na buntis ka.”

“Richard…..”

“Pero Sweetie, ako nagseselos kasi mas inuna mo pa makipagkuwentuhan kay Greg kesa lapitan ako.”

“Kasi nga nakita ko agad kayo ni Erika magkasama at masaya nakikipagkuwentuhan sa mga bisita.”

“Sana lumapit ka at para nalaman mo kung ano ang pinag-uusapan namin.”

“Bakit sino ba ang pinag uusapan ninyo?”

“Ikaw kaya.”

“Ako?” sabay turo sa sarili.

“Oo, ikaw at iyon binulong sa akin ni Erika, sabi niya masuwerte ka daw at ako ang napangasawa mo dahil mahal na mahal na mahal kita.”

“Talaga?, mahal na mahal na mahal mo ako? Kahit ganito ako kalaki?”

“Oo naman sweetie. Kaya puede next time huag ka na mag selos. Dahil wala ka dapat ipagselos.”

“Ikaw din naman eh….wala ako pakialam sa ibang lalaki. Para sa akin, ikaw lang ang pinaka guapong lalaki.”

“I love you….Sweetie.”

“I love you too…babe. Kiss mo ako.”

“My pleasure…..

2 months later….

Naalimpungatan si Maya dahil naramdaman niya sumasakit ang tiyan niya. Kaya….

“Babe, wake up manganganak na ata ako. Masakit na ang tiyan ko. Bilis gisingin mo na si Arsenio para mailabas na ang kotse…aray…”

“Ha?, Akala ko ba next week pa ang labas ng kambal?”

“Ewan ko…aray….bilisan mo na”

“Oo teka lang nagbibihis pa ako. Alangan naman lumabas ako ng walang saplot.”

“Bilisan mo na…aray…kasalanan mo ito kasi..hindi ka mapigilan kagabi….aray ko….”

“Ako lang ba?”

“Oo na pareho tayo….. bilisan mo na.”

“Arsenio bilisan mo na…mabilis na ang contraction ni Maya. Sweetie, konti tiis na lang malapit na tayo sa St Luke’s Global.

Pagdating ng ospital dali-dali sila inasikaso ng mga nurses doon. Nasa Delivery Room na sila ngayon mag-asawa. Kinukunan niya ng video ang panganganak ni Maya. Naka scrub suit din siya.

“Babe, hold my hand…huag mo ako iiwan ha.”

“Dito lang ako sa tabi mo Sweetie.”

“Mrs…push….” sabi ni Dra. Jaja.

“hmmmmm….masakit, Richard I hate you di ka na makakaulit ulit…masakit..”

Nagkatawanan ang mga nurses, intern pati na rin si Dra sa sinabi ni Maya.

“Sweetie, naman.”

“Richard, huag ka mag-alala ganyan lahat ang sigaw ng mga pinaanak ko. Na hindi na makaka ulit mister nila. Pero huag ka after one year buntis na ulit.”

“Hindi huli na talaga yan..kambal naman sila eh, hmmmmmm, ahhhhhhh” sigaw ni Maya.

“One big push Maya, nakikita ko na ulo ng anak mo……”

“Push sweetie,” sabi ni Richard habang nakatutok ang video sa lalabasan ng anak nila.

“ahhhhhhhhhhhhhhh…..” sabi ni Maya.

“Uha….uha…..uha….”

“It’s a baby boy…..” sabi ni Dra. Inilagay ang panganay niya sa ibabaw ng tummy ni Maya, pinutulan ng pusod saka nilinisan…..naiyak si Richard at dali-dali nilapitan si Maya, para bigyan n halik….

“Sweetie, thank you and i love you for giving me a son.”

“Maya, push pa ulit, malapit na rin lumabas ang bunso ninyo”

“Ahhhhhhhhhh………ahhhhhhhhhh”

“Isa pa nakikita ko na ang ulo niya.” sabi ulit ni Doktora.

“ahhhhhhhhhhhhhh, ayoko na talaga…..ahhhhhhhhhhhhhh.”

“Uha….uha….uha….”

“It’s a girl” babae ang bunso ninyo sa ngayon.” Sabi ni doktora. “congratulation”

Muliing hinalikan ni Richard si May. “sweetie, kamukha mo ang bunso natin.. Little Maya siya.”

“I love you…..babe” nang bigla tumunog ang heart monitor machine at nag straight line ito.

“Doctora ano nangyayri…..”

“Richard, lumabas ka muna…please.”

“Code Red” sabi ni Doktora…sa mga kasama nito sa DR.

“Dra. Save my wife……” dumating ang code red team sa DR.

Yes we will, lumabas ka muna please…..”

Dali-dali kinabitan ng oxygen mask si Maya.

Lumabas ng DR si Richard na tuliro….

“Anak kamusta si Maya?”

Umiyak lang si Richard sa mga magulang niya.

“Nag straight line ang heart monitor machine niya….”

“What…” sabay…sabay sabi nilang lahat.

Lumabas si Doktora Jaja…..

“Richard…” tawag nito at may binulong dito.

Napa-iyak si Richard sa sinabi ni Dra. Jaja at dali-dali itong nagtatakbo sa kuarto kung nasaan si Maya.

——–

Sorry kung medyo natagalan ang pag post ko ng Epilogue……Ilan beses ko kasi ito ni revise eh. Hindi kasi ako kuntento sa sinulat ko kaya pabago-bago…gang ganyan ang naisip ko……

Well, not all love story has a happy ending…..

22 thoughts on “The Covergirl – Epilogue

  1. -yeah its really true that not all love story has happy ending,.but this one should have please..antagal q dn inantay 2 and im expecting a happy ending too..epilogue part 2 please..please..please

  2. I just hope that there would be a 2nd part of ds epilogue chapter.Although not all stories ends well…let’s admit the fact that we prefer the happy ending.Inabangan ko ang story na to….tapos mamamatay lng s Maya….

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s