The Moment – part 1

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to iamlevikharissa.


Author: iamlevikharissa

~*~

Richard’s in his home office continuing his office work there. He decided to go home early because he wanted to see his children. While doing his office work, his phone rang.

*ring*

Raffi’s calling. Then, he answered.

“Raffi! Napatawag ka.”

“Chard, I’m planning to have a short vacation there. Is it okay with you kung sa mansion muna ako habang nagbabakasyon? I also want to see the kids, especially Abby.”

“Sure, no problem.”

“Really? Thanks Chard! :)”

“You’re always welcome here sa mansion.🙂
By the way, Raffi. Gusto mo na ako na lang magsundo sa’yo sa airport?”

“Sure, Richard. I’ll just e-mail you the details ng flight ko. Thanks again! :)”

“Anytime, Raffi.”

***

Dayoff ni Maya. Pero nagpunta siya sa Time Airways office para sana mag-file ng 10-days leave. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ni Maya noong mga nakaraang araw. Halos sunod-sunod na kasi ang flight ni Maya kaya hindi na siya nagkaroon ng oras para magpahinga. Kaya, pumayag din ang Time Airways Management sa 10-day leave ni Maya.

Pagkatapos, nagpunta naman siya agad sa mansion. Gusto kasi niyang bisitahin si Abby. Pagdating niya sa mansion, nakita siya agad ni Manang Fe.

“Oh, Maya. Napadalaw ka. :)”

“Hi, Manang Fe! Eh, namiss ko po kasi si Abby. Kaya, naisipan ko po na dalawin siya.”

“Tamang tama. Andun si Abby sa kwarto niya. Pumunta ka na lang doon.”

“Sige po, Manang Fe. Salamat.”

“Ah, Maya..”

“Po?”

“Ayos ka lang ba? Parang nanlalata ka. Ayos lang ba pakiramdam mo?”

“Naku, Manang Fe. Ayos lang po ako. ‘Wag na po kayong mag-alala.🙂 Sige po, mauna na ko.”

Pag-akyat ni Maya, nakita siya agad ni Abby.

“Hi, Ate Maya. :)”

“Hi, baby.”

“Sa’n ka po galing niyan? I was just wondering.”

“Sa Time Airways, baby.”

“Bakit po?”

“Ah, eh.. Nag-file ako ng leave.”

Napansin din ni Abby na nanlalata si Maya.

“Ate Maya, are you okay?”

“Ah, baby. Hindi masyado.. Masama yung pakiramdam ko.”

“Kaya ka po ba nag-file ng leave?”

“Oo, baby..”

“Ate Maya, get some rest na. Baka lumala pa yan.”

“Ok lang ba sa’yo, baby?”

“Of course, Ate Maya. It’s very fine with me. Tara na po. Ihahatid na kita pababa.”

“Thank you, baby. :)”

Nakita ni Ser Chief na pababa sina Maya at Abby.

“Maya. What are you doing here? Dapat sinabi mo sa’kin na pupunta ka dito para nasundo kita.”

“Naku, Ser Chief. Eh nagpunta kasi ako sa Time Airways kanina. Tapos, naisip ko na dalawin si Abby.”

“Ano’ng ginawa mo sa Time Airways?”

“Ah, eh..”

Abby said..

“Daddy, masama po kasi yung pakiramdam ni Ate Maya kaya po siya nagpunta sa Time Airways.”

“Kaya pala parang nanlalata ka. Ihahatid na kita,” Richard replied.

“Naku, Ser Chief. Magta-taxi na lang ako. Ayoko naman nang makaabala.”

“Don’t argue with me, Maya. Tara na.”

Pagkatapos, hinawakan ni Richard ang kamay ni Maya papunta sa kotse. Ginawa niya yun para ‘di na pumalag si Maya.

***

Habang nasa byahe sila, biglang nagka-traffic. Nakatulog si Maya. At napansin ni Richard na magulo yung buhok ni Maya. Habang inaayos ni Richard yung buhok niya, tinititigan niya ito ng matagal..

“Maya..”

Sabay buntong-hininga..

“I wish you were mine. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal..”

Bigla siyang nalungkot dahil naisip niya na baka si Captain James Ventura ang mahal niya, at hindi siya.

..Nang biglang nagsalita si Maya habang natutulog. Nagulat siya sa binanggit nito.

“Ser Chief.. Ser Chief..”

Dahil malungkot siya, ‘di na lang niya inintindi kung ano yung sinabi ni Maya.

***

(Pagdating nila sa condo..)

Hindi na niya ginising si Maya dahil ayaw niya na maantala ang pagtulog ni Maya. That’s why he decided na buhatin na lang si Maya hanggang sa kwarto nito. Nandun naman si Emman kaya agad nakapasok si Richard sa condo kasama si Maya. Inalalayan din ni Emman si Richard papunta sa kwarto ni Maya.

Hiniga ni Richard sa kama nito at pagkatapos ay nilagay ang bag ni Maya sa tabi ng higaan nito. Habang naglalakad siya palabas ng kwarto ni Maya, narinig na naman na nagsasalita si Maya habang siya’y tulog..

“Ser Chief, Ser Chief..”

Biglang napatingin si Richard kay Maya.

“Ser Chief.. Sana lang, alam mo na.. Na.. Na mahal kita. Matagal na. Pero natatakot akong sabihin ‘to sa’yo kasi baka hindi mo naman ako mahal..”

Natulala si Richard sa narinig niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya sa sinabi ni Maya dahil nananaginip lang naman siya.

Lalapitan niya sana ulit si Maya pero biglang dumating si Emman.

“Ah, Sir Richard. Ako na po’ng bahala kay Maya. Salamat po sa paghatid kay Roomie. :)”

“No problem. Sige, aalis na ko.”

***

(after 2 days..)

Pumunta si Richard sa airport para sunduin si Raffi. Habang naghihintay, tinawagan niya si Maya just to check if she’s okay. Nag-aalala pa din siya kay Maya dahil hindi sila pa nagkakausap for 2 days.

“Sorry, the number you dialed is out of reach. Please call again later,” sabi ng prompter.

Tinawagan niya ulit si Maya pero hindi pa rin siya sumasagot. Sa sobrang pag-aalala niya, hindi niya namalayan na tinatawag na pala siya ni Raffi.

“Richard.. Richard!”

“Raffi! I’m sorry, I’m sorry.”

“Are you okay?”

“I’m fine. I’m fine.”

“Parang hindi naman. Hmmm.. Is there a problem?”

“Huh? No. I’m just —”

“Maybe, you’re hungry. Kumain na lang tayo. Let’s go to the mall. I wanna buy some foods for the kids also. :)”

“Okay. Let’s go.”

***

Pagdating nila sa mansion, nakita ng mga bata sina Raffi at Richard.

“Hi, Tita Raffi!🙂
Why are you with dad?,” Nikki asked.

“Well, sinundo ako ni Richard sa airport because I’m having a vacation here. Is it okay with you, guys?”

“Opo naman Tita Raffi! Namiss nga po namin kayo,” Luke said.

“Kuya Luke’s right, Tita Raffi. :)” Abby added.

“Awww, how sweet of you guys. By the way, I brought food for everyone.”

“Thanks, Tita Raffi! :)”

Habang nag-uusap ang mga bata at Raffi, umakyat si Richard papuntang kwarto niya. Hindi na nga niya nabati ang mga bata dahil ang nasa isip niya, si Maya. He can’t help but to think of her and of what she said.

“Tita Raffi, okay lang po ba si Dad?,” Nikki asked.

“I don’t know. But ang sabi niya, ok lang naman daw siya. Baka pagod lang siya. Let’s give him na lang rest muna. Okay? Let’s eat! :)”

3 thoughts on “The Moment – part 1

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s