The Moment – part 3

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to iamlevikharissa. This is a continuation to The Moment – part 2.


Author: iamlevikharissa

 

~*~

 

(a day before the event..)

 

Pinuntahan ni Raffi si Richard sa home office nito sa mansion..

 

 

“Richard?”

 

“Raffi. Is there a problem?”

 

“Richard, hindi na kita masasamahan sa event bukas. My husband called. There’s an emergency. Hindi na kita masasamahan.”

 

“It’s okay, Raffi. Do you want me to book you a flight?”

 

“Really? Thanks, Chard. I’ll pack my things. By the way, sino ang isasama mo sa event?”

 

**

 

Kinagabihan.. Kakauwi lang ni Maya galing sa mall kasama ni Emman ng biglang tumawag si Richard.

 

“Roomie.. Mukhang may nakakamiss ata sa’yo. Baka si Ser Chief mo na yan.”

 

“Oo nga noh.. Teka, Emman ah. Sagutin ko lang.”

 

Pagkatapos, pumunta si Maya sa kwarto niya.

 

“Ser Chief..”

 

“Maya, how are you? Okay ka na ba?”

 

“Okay na okay na ko, Ser Chief.”

 

“Good. Well then —”

 

“Siya nga pala, Ser Chief. Salamat ha..”

 

“For what?”

 

“Sinabi kasi ni Emman na inaalagaan mo daw ako nung nilagnat ako pagkagaling natin sa park nung nakaraang araw. Salamat ah.”

 

“Wala yun. By the way, can I ask you something?”

 

“A-ano yun, Ser Chief.”

 

“Let’s just say na eto yung pambayad mo sa’kin pagkatapos kitang alagaan nun. :)”

 

“Ano nga yun, Ser Chief?”

 

“May event kasi akong pupuntahan. Can I take you with me?”

 

“Ha? Ako? Eh —”

 

“Dapat kasi, si Raffi yung kasama ko bukas.”

 

“Si Raffi?”

 

“Yup. Kaso, bigla siyang nagkaroon ng emergency. So, pwede ikaw na lang?”

 

“Eh, Ser Chief.. Wala akong isusuot.”

 

“We can go to the mall tomorrow before the event. Para makabili ka ng damit. And shoes na rin, if you don’t have.”

 

“Ser Chief. Ayoko namang magkautang sa’yo.”

 

“I insist. Please?”

 

“Makaka-hindi pa ba ko sa’yo? Eh hindi naman ako nananalo sa’yo eh. :P”

 

“Alam mo naman pala eh.😀

Well then, I’ll pick you up at 2pm tomorrow sa condo?”

 

“Sige, Ser Chief. Salamat.”

 

“Okay, bye.”

 

“Ah, Ser Chief..”

 

“Why?”

 

“May sasabihin sana ako..”

 

“What’s that?”

 

“Ah, —- wala, Ser Chief. ‘Wag mo nang intindihin yun.”

 

“Is there a problem?”

 

“Wala, Ser Chief. Sige, bye.”

 

**

 

Kinabukasan..

 

Sinundo ni Richard si Maya sa condo. Nagpunta sila sa mall para bumili ng isusuot ni Maya mamaya sa event. Pagkatapos, nagpunta sila Ser Chief at Maya sa isang salon. Sinabi ni Ser Chief sa isang staff ng salon na ayusin ng mabuti si Maya. May pupuntahan kasi silang importanteng event. Pagkatapos, sumama na si Maya sa staff habang si Ser Chief, dala yung paper bag na may lamang damit na binili nila sa mall.

 

Umupo lang siya sa tabi.. Hinintay niya si Maya na matapos. Lumipas ang ilang oras, ‘di pa din tapos si Maya. Sa sobrang kainipan ni Ser Chief dahil sa kakahintay kay Maya, pinuntahan na niya ung receptionist. Nagbayad siya, tapos nagtanong sa receptionist..

 

“Ah, miss.. Matagal pa ba siya? Baka kasi malate kami sa event.”

 

“Sige, sir. Titignan ko lang po.”

 

“Thanks.”

 

Papunta na sana ung receptionist dun pero lumabas na ung nag-ayos kay Maya.

 

“Sir, ok na po siya. Miss, tara.”

 

Tapos..

 

(natulala si Ser Chief sa nakita niya. ung tipong ung reaction ng mukha niya nung nakita niya si Maya sa prom. ganun.)

 

“Maya, you look beautiful.”

(sabay ngiti kay Maya.)

 

“Thank you, Ser Chief. (alam niyo ung ngiti ni Maya pag kino-complement siya?)”

 

“Let’s go? Baka malate pa tayo sa event.”

 

“Ok, Ser Chief.”

 

Hinawakan ni Richard ang kamay ni Maya. Sa una, nagtaka si Maya. Pero hindi na niya natanggal yung kamay niya kay Richard. Nagkatinginan sila isa’t-isa at nagkangitian.

 

***

 

Dumaan muna sila sa mansion para dun na lang magpalit si Maya ng damit. Busy kasi ang mga tao sa mansion kaya ‘di na nila napansin na dumating na si Ser Chief at Maya.

 

After 30 minutes, nakabihis na si Ser Chief. (iimagine nu na lang kung ano ung suot ni Ser Chief nung prom. pero mas formal pa ng konti.) Habang bumababa si Ser Chief, nakita siya ni Manang Fe.

 

“Ricardo, andito na pala kayo. ‘Di pa ba kayo umaalis?”

 

“Nag-aayos pa kasi si Maya, Manang.”

 

“Ah, teka. Tatawagin ko.”

 

“No, Manang. Ako na lang po.”

 

Tinawagan ni Ser Chief si Maya (sa cp.) ~ung tipong malapit na sa tenga ni Ser Chief ung phone cellphone niya..~

 

Napatingin si Manang Fe sa hagdan. Natulala..

 

“Ricardo, si Maya..”

 

Biglang napatalikod si Ser Chief. Nakita niya na pababa na si Maya.. Natulala siya sa nakita niya. (in short, ANG GANDA NI MAYA. haha. ‘di ko maexplain ung suot niya. basta, kulay black din ung suot niya. parang ung suot niya nung prom. pero mas maganda dun.)

 

Nung nakababa na si Maya..

 

“Ser Chief.. Ser Chief.. Ser Chief!”

 

“Maya! I’m sorry. It’s just that.. You’re really beautiful.”

 

“Ser Chief, nambola ka na naman. Pero salamat. :)”

 

“Maya, ang ganda ganda mo!”

 

“Salamat, Manang Fe. :)”

 

bago pa sila makaalis ng bahay, nakita sila nila Luke, Nikki, Abby, Doris, Sabel at Joma. (pati sila napangiti na rin. :D)

 

“Wow, Ate Maya! Ang ganda mo! :)” sabi ni Abby.

 

“Abby’s right, ate Maya. You’re soooooooooooo beautiful! Bagay talaga kayo ni Dad,” Nikki added.

 

“Oo nga po, Dad. Ay, teka! Kunin ko lang po yung camera ko sa kwarto.” sabi ni Luke.

 

“No, kuya. Use my iPad na lang. :)”, Nikki replied to his kuya.

 

“O sige. Ah Dad, picture muna kayo ni Ate Maya. para may remembrance. :)”

 

Pagkatapos nilang magpicture na dalawa, nagpicture sila kasama yung mga bata. After that, umalis na din sila.

 

***

 

Sakto lang ang dating nila sa event. Pumasok na sila agad sa loob para maumpisahan nila yung program.

 

(ung event kasi na un parang pagsasama-sama ng mga bigating tao sa airline industry.)

 

Tapos, tinawag si Richard para magbigay ng final speech. Umakyat siya sa stage, tumapat sa mic, at eto.. Mag-uumpisa na siya.

 

(imagine niyo na lang ung reaction ni Maya habang nagsasalita si Richard..)

 

“..Thank you for this recognition. And before I end my speech, I would just like to thank someone. Someone who’s really close to me. She changed me. She changed my life. Hindi ako makakarating kung nasaan man ako ngayon kundi dahil sa kanya. Maya.. I can’t thank you enough for what you have done to me and my family. Kung hindi kita nakilala, baka hindi na ako nagbago. And I changed a lot because of you. You accepted me and all my imperfections. You brought joy and love to everybody.

 

That’s why I’m proud to say that I LOVE this woman. Maya dela Rosa.. Always remember that I LOVE YOU, always will..

 

Thank you!”

 

Nagulat si Maya sa sinabi ni Richard. After his speech, bumalik agad si Richard sa kinauupuan niya. Bigla siyang niyakap ni Maya.

 

“I love you more, Ser Chief.. :)”

 

Nagulat si Ser Chief sa narinig niya..

 

**

 

Pagkatapos nilang magkainan, (there’s this oh-so-called ‘small party’) nagpahinga muna sila saglit. Since tapos na ung mga ‘party party’ na kanta, slow music naman..

 

(theme song intro..)

 

Tumayo si Ser Chief..

 

“Maya, can I have this dance? :)”

 

“Of course, yes.”

 

nagpunta sila sa dance floor. HOLDING HANDS.🙂

habang nagsasayaw sila, tinitignan nila yung isa’t-isa. (nakangiti sila parehas at makikita mo sa mga itsura nila na sobrang MAHAL na MAHAL nila ung isa’t-isa kahit na hindi pa nila sinasabi sa isa’t-isa kung ano yung nararamdaman nila.) Hinalikan ni Ser Chief si Maya sa noo. tapos, Niyakap naman ni Maya si Ser Chief.

 

**

 

Sa garden..

 

Naiisip niya pa din ni Maya yung mga nangyari noong mga nakaraang araw, pati yung narinig niya kanina. Napangiti na lang siya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya.

 

“Ako, mahal ni Ser Chief? Pero, parang ‘di naman totoo. Eeeehhh! Maya dela Rosa.. Kalma.. Eh hindi! Paano ako makakalma nito? Hindi naman ako pwedeng magkamali sa narinig ko. Mahal ako ni Ser Chief..”

 

Habang mag-isa si Maya sa garden, ‘di napansin ni Maya na naririnig ni Richard yung mga sinasabi niya.

 

“..Maya!! Umamin ka nga! Mahal mo nga ba si Ser Chief? Mahal mo ba talaga? Hay.. Maya. Maya.. Paano kung mahal ko nga si Ser Chief? OO. Mahal ko nga siya. Mahal na mahal.. Pero ‘di ko naman alam kung paano ko sasabihin yun sa kanya.”

 

“I’m here. Bakit ‘di mo sabihin sa’kin ngayon?”

 

“Ser Chief?! Naku naman, Maya! Ang ingay mo kasi!”

 

“So, it’s true. Mahal mo nga ako.”

 

“Ah, Ser Chief.. .. .. –”

 

Nilapitan ni Richard si Maya, at hinawakan ang kamay nito.

 

“Maya, listen. What you heard kanina sa speech ko, totoo lahat yun. I’m serious when I said that kanina. Maya, I LOVE YOU. Actually, matagal na. Natatakot lang akong sabihin sa’yo because I’m afraid that you won’t love me back. Akala ko, si James yung mahal mo. But when I heard you kanina, everything makes sense. Maya. I LOVE YOU. Mahal kita. And I want you to know that.”

 

“Ser Chief.. –”

 

Hindi na nakapagsalita si Maya because Richard kissed her. It was a passionate kiss in a way that they felt their love for each other. At doon nila nalaman na mahal na mahal na mahal nila ang isa’t-isa. After that, Richard kissed Maya’s forehead.

 

“Maya dela Rosa, I love you. Always remember that.”

 

“Richard Lim. Mahal na mahal na mahal kita.”

 

They hugged each other with full of love and happiness.

 

**

 

The End.🙂

21 thoughts on “The Moment – part 3

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s