The Auction Part 8

Shameless plug ulit – Made my own blog http://roxygirl5.wordpress.com/ please check it out if you have time and yes I love reading your comments🙂

Kapit-bisig everyone.

CHAPTER 8

“You will welcome me in your bed every time I need you ‘coz you’re sorry remember?” madiing sabi ni Richard kay Maya.

“No!!!” ang matigas na sagot ni Maya.

“Are you sure Maya?” Mockery is evident in his voice.   “If you can remember wala kang narinig sa akin ng lokohin mo ako.  Kahit ang mga anak ko hindi alam kung ano ang totoong nangyari.” He knows that what he’s doing to Maya is pure blackmail but he’s desperate.  “Unless gusto mong malaman nila ngayon kung bakit tayo naghiwalay two years ago.”  Alam din ni Richard na kapag mga anak na niya ang pinag-uusapan ay hindi na makakatanggi si Maya.

“You can’t do this to me, Richard.”

“Why the shock Maya?  You did this to yourself.” Richard’s voice is so cold.  “I was trying to move on because of the pain pero bumalik ka.  You offered me S*x and then malalaman ko that you are a virgin.  You really are playing with me.” He laugh drily.

“No Richard, please I am not playing with you.”

“Then say yes because you are sorry and because you enjoy being with me… in bed.  You even beg me to make love to you!!!”

He felt it…

She slapped him.

Nabigla sila pareho sa nangyari.   Namula ang parte ng mukha ni Richard na nasampal ni Maya.  She fought hard not to touch his cheek and caress it.  Masyado siyang nasasaktan sa mga sinasabi nito.

Richard’s jaw tightened. ”Think about it Maya.  I know you want me as much as I want you.  It will be a good set-up, no commitment, no love.” He swallowed hard because he knows that he’s lying.  He walks away towards the door.

“You can’t do this to me.”  He heard the break in her voice.  He stop and force a smile and turn to her.

“You made me like this Maya… you made me like this.”  Richard walks out and slammed the door.

Wala ng nagawa si Maya kundi umiyak at pagsisihan lahat ng nagawa niya kay Richard.

***************

Matagal na siyang nakatitig sa harap ng kanyang laptop pero iisa pa rin ang bumabalik sa isipan niya…

“I love you.” Si Maya.

“Richard what happened between you and Maya was just pure lust, nothing more.  It’s just a spur-of-the-moment thing that’s why she said that.  If she really loves you she will not do what she did to you two years ago.”  Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili.

“You don’t love her anymore.” Again he reminds himself.

***************

One year ago…

You kissed her hungrily as your hands explored her body.  Your mouth moved down to her neck as you straddle her.

She wrapped her arms around you, pulling you to her.  She kissed your neck, biting it gently.

“Oh, God, Maya…” you whispered.

Naramdaman mo na lang na tumigil siya sa kanyang ginagawa.  Agad ka niyang tinulak papalayo.

“What did you call me?”

Guilt was written all over your face.

“It’s Catherine, Richard!  My name is Catherine!”  Tumayo ito mula sa iyong kandungan at inayos ang sarili.  “God, Richard you still love her!”  Trembling she went out of your office and slammed the door.

Naiwan kang naguguluhan.

Damn she’s right… you still love Maya.

***************

Two years ago…

Hindi sumasagot si Maya sa cellphone nito kaya minabuti na lang niyang tawagan si Emman.  Nakiusap siya dito na gawan ng paraan na makausap niya ang dalaga.

Ngayon nga ay nasa condominium na siya ni Emman at hinihintay si Maya.

Dumating ito na mukhang pagod na pagod, parang wala pang tulog.

Nagulat ito ng makita siyang nakaupo sa sofa.

“M-manang Fe, ano pong ginagawa ninyo dito?  Sino pong kasama ninyo?” sunod-sunod na tanong ni Maya.

“Ako lang Maya.  Puwede ba tayong mag-usap iha.”

“Opo, opo.”  Umupo na rin si Maya sa tabi ni Manang Fe.

“Si Ricardo kasi Maya…”

“Manang.”

“Ano bang nangyari? “

“Manang.”  Yumakap ito kay Manang Fe at tuluyan ng umiyak.  Nang mahimasmasan ay saka ikinuwento ni Maya kay Manang Fe ang lahat-lahat.

“Bakit hindi mo ipaliwanag kay Ricardo ang lahat Maya?  Maiintindihan ka niya.” Ang mahinahong sabi nito sa dalagang tinuturing na rin niyang parang anak.

“Ayaw ko pong magulo ang relasyon ng mag-ina Manang.  Tama rin naman ho si Donya Esmeralda, siguro nga ho hindi ako bagay sa anak niya.  Makakakita pa po si Ser Chief ng mas tamang babae para sa kanya.

“Maya, ipinaglaban ka ni Ricardo sa mga anak niya noon, siguro naman ngayon kaya ka din niyang ipaglaban sa mga magulang niya.  Bigyan mo lang sana ng pagkakataon si Ricardo.”

“Ang mga bata po Manang Fe kamusta po sila?”  Pilit binabago ni Maya ang pag-uusap nila ni Manang Fe.

“Mabuti naman sila Maya.  Kaya nga lang kung minsan nagtatanong sila sa kanilang ama kung bakit hindi ka na pumupunta ng mansiyon pero tahimik lang lagi si Ricardo.  Ngayon nga ay madalas gabi na siya umuuwi kaya madalas ding hindi sila nagkakasabay ng mga bata sa pagkain.”

“Manang bahala na lang po kayo kay Ser Chief at sa mga bata.”

“Maya naman…”

“Manang hindi ko na po mababago ang nangyari.  Para rin naman po sa ikabubuti nila.”  Yumakap ulit si Maya sa matanda at humagulgol na muli.

Awang-awa si Manang Fe sa dalaga pero wala siyang magawa.

***************

Present time…

A week after that humiliating morning ay hindi pa rin mapakali si Maya.  Madalas ang pagtawag ni Richard sa kanya na hindi naman niya sinasagot.  He is also sending her text messages telling her that he is still waiting for her answer.

Naguguluhan na siya kung ano ang gagawin.

*****************

A week after the last time they saw each other ay hindi pa rin mapakali si Richard.  Kung may pagkakataon ay tinatawagan niya si Maya pero hindi ito sumasagot.  He even sends her text messages telling her that he is still waiting for her answer.

Naguguluhan na siya kung ano ang gagawin.

*****************

Nagising siya sa sunod-sunod na ingay ng doorbell.  Maya-maya pa ay nasundan ito ng malalakas na katok.  Tiningnan niya ang orasan sa gilid ng kanyang kama, it was 3 o’clock in the morning.  Bigla siyang  kinabahan pero wala siyang nagawa kundi puntahan ang pintuan ng kanyang apartment at tingnan kung sino ang taong nanggugulo sa labas nito.  Tama ang hinala niya, it was Richard.

“Maya!  Let me in, Maya!!!” sigaw nito.

Halatang nakainom na naman ito at siguradong magrereklamo ang kanyang mga kapitbahay kapag hindi niya ito pinapasok.

Tulad ng dati ay wala siyang nagawa kundi papasukin ito.   She’s preparing herself sa mga masasakit na salitang sasabihin nito.  Kaya naman nagulat na lang siya ng nakapasok na si Richard ay niyakap lang siya nito ng mahigpit.

She didn’t know how long they stayed that way basta ang alam lang niya ay gumanti na rin siya ng yakap dito.

“Why… do… you… keep… on… hurting… me… Maya?” he whispered to her.

“S-ser Chief…”

“Ano… bang… nagawa ko?” si Richard.

Hindi makasagot si Maya, she’s hurting.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang bigat ni Richard, nakatulog na ito.  She half-dragged him to her bedroom and settled him on her bed and let him sleep there.

Kumuha siya ng maligamgam na tubig at pinunasan ang mukha nito.  Awang-awa si Maya sa itsura ni Richard.   Halatang pumayat ito dahil maluwag na ang polong suot nito.

“Maya, ano nga bang nagawa ni Richard to deserve this?” Nakatulog siyang ito ang tinatanong sa sarili.

***************

He was sure that he was dreaming, the scent was very familiar.  It haunted him since she left his life two years ago.   Hanggang panaginip ba naman Maya…

Isa-isa niyang minulat ang mata and he knows na wala siya sa kanyang kuwarto.  Narinig niya ang kanyang cellphone kaya naman pinilit niyang bumangon na naging dahilan para makaramdam siya ng sakit ng ulo.

“Stupid hangover!” Ng makita ang cellphone ay agad niya itong sinagot. “Hello.”

“Ricardo!  Asan ka bang bata ka?  Nag-aalala na kami ng mga anak mo.” Si Manang Fe.

“Manang…” again his head was pounding.  “Manang,  ahm nasa isang kaibigan lang ako.  Pauwi na rin ako.”

“Ricardo naman, nagiging ugali mo na yata ang hindi man lang mag-paalam kung saan ka pupunta.” Ang himig-pagtatampong sabi ng matanda sa kabilang linya.

“Manang pasensiya na po.  Pakisabi na lang po sa mga bata na pauwi na ako.”

“O sige na, umuwi ka na ngayon na ha.”

“Opo, sige po Manang.”

Masakit man ang ulo ay pilit niyang hinanap ang polo para makapagbihis.

Lumabas siya ng kuwarto at nabigla siya ng makita si Mayang tahimik na nakaupo sa sofa.

Hindi kumikibong dumiretso siya sa pintuan para umalis.

“Hindi ka man lang ba magkakape?” tanong nito sa kanya.

“Hindi na.”

“Pumapayag na ako…”

He stop and turn to her.  “What?” nalilitong tanong niya dito.

“Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari.” Si Maya.

to be continued…

-roxygirl5-

42 thoughts on “The Auction Part 8

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s