Kailan – part 18

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to bhek8This is a continuation to Kailan – part 17.


Author: bhek8

~*~

I may not be there yet, but I’m closer than I was yesterday.

Doris: Grabe ha! SAbel kelan kaya tayo magkakaron din ng YM?

Sabel: Oo nga. Kakainggit naman si Maya. Siguro may 100 white roses na yun.

Doris:  Grabe no? Araw-araw isang bulaklak. Mula Maynila hanggang Ilocos. Iba na talaga yun.

Nakikinig pala si Richard sa kanilang dalawa.

Sabel: Sir Richard, nandito pala kayo. May kailangan po kayo?

SC: Wala naman.  Si Maya ba nasaan?

Doris: Nandun pos a kwarto. Tinabi lang po yung bulaklak nya galing kay YM.

SC: Meron na naman?

Doris: opo. NAgtataka nga po kami kasi paano nya nalaman na pupunta tayo dito.

SC: Pakipuntahan na lang ang mga bata. May pupuntahan lang kami ni Maya.

He turned his back to Doris and Sabel. He’s going to the room of Maya.

SC: Yani, nandiyan ka pa ba?

Maya: Opo, Sir Chief sandali lang po. Lalabas na po.

SC: Sige hintayin na kita dito sa labas.

Maya: Naku Sir Chief pasensya na po.

SC: BAlita ko may bulaklak ka na naman. Hindi bay an nagsasawa bigyan ka ng bulaklak araw-araw?

Maya: Ewan kop o. ANg tiyaga nga po. Hanggang dito?

SC: Tara, alis tayo.

Maya: San po tayo pupunta? Saka po yung mga bata, pano po?

SC: Binilin ko na sila kay Manang. Pinapunta ko na din sila Doris at SAbel.

Maya: San nga po tayo pupunta?

SC: Di ba sabi mo ititreat mo ko? Then let’s do it now!

Maya: agad-agad po, ganun?

SC: Nabibusy ka na kasi sa YM na yan. Baka makalimutan mo lang.

Maya: Selos po kayo?

SC: What?

Maya: Joke lang po. Kayo naman hindi na kayo mabiro. Tara na po. Pero san po tayo pupunta? Gusto nyo po bang kumain?

Hindi kumikibo si Richard.

Maya: Sir Chief, sorry na po biro lang naman po eh! Sige po double treat ko na po. Promise po.

SC: Ok, let’s just buy food and dun na lang tayo sa may burol. Dun malapit sa villa para kung tawagin nila tayo malapit lang tayo.

Maya: Sige po. Hindi na po kayo galit?

SC: Hindi naman ako galit. Bakit ako magagalit?

Maya: Wala po. Sir Chief, ayun o! paluto na lang tayo ng fishballs saka kikiam. Ipaseparate na lang natin yung sawsawan.

SC: Yan kakainin natin?

Maya: Wag nyo pong sabihin na hindi pa kayo nakakakain nyan.

SC: Ok. Sige po Ma’am kayo po ang masusunod tutal treat nyo naman yan!

Maya: Pakitabi na lang po yung sasakyan sa gilid.

….

Maya: Manong, pabili po ha! Pwede pong paseparate ng sawsawan na din. Isang maanghang saka isang matamis.

(Pasensya na po hindi pa po ako sanay mag-Ilocano, mag-aaral pa lang.)

After nila bumili, kinuha ni Richard ang banig na nasa trunk ng sasakyan.

Maya: Boy scout?

SC: Oo naman. Eto ang tubig. Pahingi na nyan!

Maya: O sige ubusin nyo po yan. Masarap yan!

SC: hmmmm, oo nga.. Yani, nga pala, dib a may training ang mga flight attendants?

Maya: Opo, bale sa pasukan po, sa school po ulit kami then sa 2nd semester po ayun po training na po.

SC: Kayo ba mamimili where you want to have your trainings?

Maya: Hindi po. Ang school po. Pero yung iba daw po kinukuha ng mga training school talaga. Depende pos a performance sa school.

SC: Ah! What are your plans pag nakagraduate ka?

Maya: Syempre po, kung papalarin po na may kumuha sa akin na company, ok lang po ba na magresign po ako?

SC: Oo naman. I’ll be glad kung magisismula ka na agad sa training mo.

Maya: (to herself) Mukhang masaya pa na magreresign ako.

SC: O bakit tumahimik ka?

Maya: Wala po Sir Chief, gusto nyo pa po ba?

SC: Yani…

Maya: Po?

SC: Do you think you’re ready for a relationship?

Maya: Bakit nyo naman po naitanong?

SC: Wala lang. Kasi parang ok ka naman na! Is it because dun sa YM?

Maya: Nang-iintriga ka pa Sir Chief eh! Hindi ko nga kilala si YM. And opo, natutuwa ako na nakakatanggap ako ng bulaklak galing sa kanya pero hindi naman poi big sabihin na gugustuhin ko na sya. Mas gusto kop o yung sya mismo ang magbigay sa akin.

SC: Bakit? Pwede ka na bang ligawan?

Maya: Sir Chief naman, 26 na po ako.

SC: Aba! Kung manliligaw sya dapat magpaalam muna sya sa akin.

Maya: Ha? BAkit pos a inyo?

SC: Sinong may-ari ng bahay? Hindi naman pwede na papasukin ko agad sya sa bahay ko. At hindi ako papayag na magpaligaw ka sa labas.

Maya: (To herself) NAku Maya, tatay ang ganap nya ngayon. Pwede bang boyfriend na lang.

SC: Ang weird mo ha! Bigla-bigla kang ngumingiti diyan.

Maya: E kasi naman Sir Chief, wala, wala po.  Sir Chief pwede po bang magtanong?

SC: Nagtatanong ka na di ba?

Maya: Ha,ha,ha… Ano po yung pinag-usapan nyo ni nanay nung New year?

SC: Anong pinag-usapan?

Maya: Hmmmm, wari ka pa. Ano nga?

SC: I can’t tell right now.

Maya: Pero meron di ba?

SC: Yes.

Maya: Ano nga po?

SC: Ang kulit mo din ano?

Maya: Sir Chief sasabihin mo lang  naman kung ano yun, may mahirap ba dun?

SC: Meron. Mahirap talagang sabihin.

Maya: Tungkol po ba saan?

SC: Di ba sabi mo double treat? Isa pa lang yung treat mo sa akin eh!

Maya: Iniiba nyo yung usapan eh! Ano nga po yun?

SC: I’ll tell you pero hindi ngayon. I’m not in the mood to tell you.

Maya: Sungit naman.

SC: Let’s go. Balik na tayo dun. May utang ka pa sa akin.

Maya: Ilista nyo lang ng ilista.

SC: Thanks sa fishballs and kikiam.

They went back sa villa. They spent the whole day sa beach. There are some places na pinuntahan nila during their stay sa Ilocos. It was so much fun to be there. Almost everyone is enjoying. Pagudpud, as some other say, is like a little Boracay. It’s much peaceful in Pagudpud, not too many crowds. Their vacation is finally over. They have to go back to Manila.

Maya: Nikki, Abby ok nab a ang mga gamit nyo?

Nikki: Yes! Ate Maya. Ate Maya, how about these flowers? Are you bringing those to Manila?

Maya: Isasama ko dun sa ibang dried flowers.

Nikki: You know what, sana makilala mo na si YM no? PEro you know what he’s not even my bet para sa’yo. KAsi why he’s hiding. And duh? It’s been what? 3 months now that he’s giving you white roses even now and then.

Maya: Baka may dahilan lang bakit hindi pa nagpapakilala. Hindi din yan makakatiis papakilala din yan. Hintayin na lang natin!

Abby: Ate Maya, how about Daddy?

Maya: Bakit? Anogn meron sa Daddy mo?

Abby: Remember when we went sa isang restaurant before, sabi ko dun sa girl ikaw ang future mommy ko.

Nikki: What Abby? Sinabi mo yun? (Natatawang sagot ni Nikki.)
Abby: Yes Ate Nikki. Ikaw ba gusto mo ding maging future Mommy si Ate Maya?

Nikki: Of course baby. But it’s Daddy who will decide for it and kung sasagutin ba sya ni Ate mAya. (Pabulong nyang sinabi kay Abby.)
Maya: Baby, ikaw talaga. Halika na. Tulungan na kita sa mga gamit mo.

Nikki: no, Ate Maya it’s ok. Baka masira pa ung mga flowers. Sayang naman.

Maya: Ok, sige.

They went back to Manila. Everybody was so tired.

Nikki: Dad, si Abby po nakatulog. Hindi ko mabuhat.

Luke: Ako na lang nikki. Kunin mo na lang yung mga gamit.

Doris: Akin na po yung ibang mga bag, ako nap o magdadala sa taas.

Nikki: Thanks Ate Doris.

SC: I’ll be in my office, I’ll just check my e-mails. Yani, patimpla naman ng kape after mo maibaba yung mga gamit mo. Sabel, huwag ka nang magluto. I’ll just order foods.

Sabel: Sige po Sir. Salamat po.

Maya: Opo, sige po. Manang FE, tara nap o. Akin nap o yung bag nyo.

MAnang FE: Salamat Maya.

Inayos ni Maya ang mga bulaklak nya.

Manang FE; Ang dami na nyan Maya.

Maya: Oo nga po eh! Sige po Manang magphinga na po, ipagtitimpla ko lang po ng kape si Sir Chief.

 

Maya: Nakatulog si Sir Chief. Ganun ba ko katagal sa baba? Parang hindi naman ah! Naku hindi pa nagtanggal ng salamin baka mahulog.

Inayos ni Maya, ang salamin ni Richard.

Maya: Gwapo mo talaga kahit tulog. Mamiss mo kaya ako pag umalis na ko dito sa bahay?

SC: Yes! Narinig ko yun! GWapo ba ko talaga?

Maya: Aaaayyyyy!

SC: Yani, wait!  (Napailing lang si Ricahrd. Kalokohan nya kasi, nagtulug-tulugan lang pala.)

Sabel: Maya, anong nangyari, bakit sumisigaw ka?

Maya: Sabel…

Sabel: Ano nga?

Maya: E kasi dinalan ko si Sir Chief ng kape, akala ko tulog. Inayos ko yung salamin, tapos sabi ko sa kanya ang gwapo nya kahit tulog. Tapos tinanong ko pa kung mamimiss nya kaya ako pag umalis na ko ditto. E sumagot sya sabi nya yes. NArinig daw nya yun!

Sabel: Narinig nya yung sinabi mo na gwapo sya?

Maya: oo.

Sabel: Aaaaaayyyyyyyyyyyy! Bongga ka `day!

Maya: Sabel naman eh!

SC: Sabel.

Sabel: Po? Sir Gwapo e Sir Richard pala!

SC: Nakaorder na ko ng pagkain, eto yung pambayad. Hintayin mo na lang sa labs. In 15 minutes darating nay un.

Sabel: opo.

SC: Yani, follow me in my office.

Sabel: O! follow daw. Kaya mo yan!😀

SC: BAkit ka tumakbo kanina?

Maya: Sir Chief kasi po…

SC: KAsi ano? Dahil narinig kita.

Maya: Nakakahiya po eh!

SC: BAkit kasi kinakausap mo ko ng tulog?

Maya: Po? Ano po kasi, wala lang po.

SC: I have to tell you something about Abby.

Maya: Ano po yun?

SC: We will enroll her sa playschool. So kung may makukuha ka na schedule na kasabay ng classes ni Abby, kung pwede yun din ang kunin mo. I think ang magiging pasok nya is 8 am- 1 pm.

Maya: Talaga po? Malapit lang po dito yung school?

SC: Actually, malapit sa school mo. So I’ll bring her pati ikaw sa school. Then sa uwian kung pwede na ikaw na ang sumundo sa kanya. Susunduin na lang kayo ni Joma.

Maya: opo Sir Chief.

SC: Next week, pupunta tayo sa school na yun for the registration. If ever start na din ng enrollment nyo, isabay mo na din.

Maya: Sige po. Meron pa po ba?

SC: Why in a hurry? May lakad ka ba?

Maya: Wala naman po.

SC: Stop it na Maya. Tayo lang 2 ang nandito. Ikaw kasi sinabihan mo ko ng gwapo tapos magkakaganyan ka.

Maya: Sir Chief malay ko ba na hindi namna pala kayo tulog.

SC: Next time kasi be sure, na tulog talaga ko.  O sige na! Namumula ka naman. You can go now!

Richard’s phone rang.

SC: Hello, Ma!

DE: How are you son?

SC: OK naman po. Kayo ni Papa kamusta na?

DE: We’re fine. We’re missing the kids. They’re on vacation, right?

SC: Yes, MA? Bakit po?

DE: Can they come over? Kahit ilang days lang?

SC: Sure. Sabihin ko.

DE: Ok! Good, ipapaready ko na ang mga rooms ditto.

SC: Ipapahatid ko na lang sila kay Joma.

DE: Pwede ba na bukas nandito na sila?

SC: I’ll ask them. KAkauwi lang kasi namin galing Ilocos. Pero siguro before nighttime nandiyan na sila.

DE: Ok. Thank you.

SC: Ma. Oo nga pala, kailangan by Thursday nandito na sila. We need to register si Abby Sa playschools Friday.

DE: Sure. Salamat ulit ha!

SC: You’re welcome Ma. Bye…

SC: Niks, are you up? Can I Come in?

Nikki: yes dad!

SC: Fix your things. You’re going to your Lola tomorrow.

Nikki: talaga Dad!

SC: You’ll be staying there for a week. Sige puntahan ko lang ang kuya mo.

SC: Luke…

Luke: Yes dad, pasok po.

SC: Your Lola called. She wants you guys to be there and stay there for a week.

Luke: Ayos! Kelan po tayo aalis?

SC: Kayo lang nila Nikki at Abby. You’re leaving tomorrow afternoon. And one more thing can you help Abby, too. Tulog nung pinuntahan ko sya sa room nya.

Luke: ok po Dad!

Manang FE: Ricardo ang mga bata?

SC: Nagpapahinga po sa taas. Nandiyan nap o ba ang mga pagkain?

Manang Fe: Oo, andiyan na. initin na alng mamaya.

SC: manang tumawag po si mama. Aalis ang mga bata bukas papuntang Tagaytay to stay there for a week.

Manang FE: Tayo-tayo lang pala andito ngayon.

SC: Oo nga po. Tatahimik ang bahay.  Si maya po?

Manang FE; Andun tinutulungan si Sabel ayusin ang mga pagkain. Ang mga bata lang ba ang pupunta?

SC: Opo, si Maya ditto na lang muna. Gusto din naman ni Mama na masolo ang mga bata.

Manang FE: Buti naman at maiiwan pala ditto si Maya, kahit papano may ingay pa din ang bahay.

SC: oo nga po.

 

 

 

(Hanggang ditto na lang po muna. –bhek8)

4 thoughts on “Kailan – part 18

  1. Pingback: Kailan – part 19 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s