Kailan – part 19

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to bhek8This is a continuation to Kailan – part 18.


Author: bhek8

~*~

 

Love is not about how much you say I love you, but how much you prove that it’s true.

 

Maya: Baby, mag-iingat ka dun ha! Text mo ko. Mamimiss kita.

Abby: Yes Ate Maya!

SC: Are you crying?

Maya: Pasensya na po. Hindi ko lang po mapigilan e!

Nikki: Ate Maya  1 week lang mawawala si Abby. Saka nandiyan naman sila Dad.

Maya: Daddy mo? Hindi naman yan baby e!

SC: I heard it. E di for a week ako munang baby mo para hindi mo mamiss masyado si Abby.

Doris: Ang sweet talaga ni Sir Richard kay Maya.

Sabel: Oo nga. Waging wagi talaga ‘tong si Maya. Ano kaya update ng puso nyan.

Doris: Basta ako Sabel, kinikilig ako sa kanila. Si Sir Richard hindi mo napapansin puro pasaring.

Sabel: Nahalata mo din pala? Teka lang ha!

Doris: Uy! San ka pupunta. Sandali may titingnan lang ako sa harapan.

Pagbalik ni Doris…

Doris: O Sabel sabi ko na nga ba may isa pang consistent eh!

Sabel: Si YM? Para nga kay Maya yan? E di ibigay mo na.

Nakita sila ni Richard na nasa may gate pa din sila Doris at Sabel.

SC: Doris, Sabel bakit kayo nandiyan. May hinihintay ba kayo?

Doris: Para po kay Maya, iniwan po ulit ni YM.

SC:Bakit sa ‘kin mo inaabot?

Doris: AY! Naku Sir sorry po. Maya o! eto na yung delivery mo.

Maya: Pano nyo nalaman na may bulaklak sa harap.

Sabel: Ewan ko ditto kay Doris may 6th sense.

Doris: Magtataka ka pa ba, e halos araw-araw yan. Tingnan mo bukas meron ulit.

SC: Sige na Joma, you can go baka gabihin pa kayo sa daan.

Umalis na nga ang mga bata papuntang Tagaytay. Naiwan ang mga adults sa bahay.

Doris: Manang Fe, tutal wala naman po yung mga bata, baka po pwede kaming magpaalam ni Sabel. Sasama lang kami sa outing nila Donna. 2 araw lang naman po.

Sabel: Sige na Manang, tulungan nyo naman po kami na magpaalam. Nakakaburyo ditto wala naman yung mga bata.

Maya: Aalis din kayo?

Doris: oo sana. Kung papayagan.

Manang Fe: Andun si Ricardo sa opisina puntahan nyo at magpaalam kayo.

Sabel: MAnang samahan nyo po kami.

SC: San kayo pupunta?

SAbel: Sa outing po.

Doris: AH! Sir kung pwede lang po. 2 araw lang naman po.

SC: Ok. (Sabay talikod.)

Doris: Ha?

Sabel: Ganun lang yun?? Ang bilis ah!

Doris: ANo bang gusto mo? Magpapaliwanag pa tayo kay Sir?

Sabel: Pano yan Maya, kayo na lang nila Manang Fe ang nandito.

Maya: Ayos lang naman.

Sabel: BAlitaan mo na lang kami kung nagpadala ulit ng bulaklak si YM.  Tara Doris at magayos na tayo ng gamit.

Manang Fe: Hay naku yan talgang 2 na yan.

Maya: Hayaan nyo na po Manang. Gustong magenjoy eh!

Manang Fe: O sige Maya, bababa na ko.

Maya: Sige po Manang, mauna na po kayo at susunod po ako maya-maya. Ayusin ko lang po itong kusina.

Nagring ang phone ni Maya.

Maya: hello `nay!

NT: `nak kamusta na?

Maya: Ok naman po ako. Wala po yung mga bata ditto, pumunta dun sa lola nila sa TAgaytaY, 1 week daw po dun.

NT: Naku e di tahinik ang bahay ngayon.

Maya: Opo, tapos bukas po aalis din sila Doris at Sabel kaya kami lang po nila Manang Fe at Sir Chief ang nandito. Nga pop ala ‘nay alm nyo po ban a may nagpapadala po ng bulaklak sa akin ditto araw-araw?

NT: E sino naman?

Maya: May nakalagay po na card pero initials lang eh.

NT: Walang pangalan? Nanliligaw ba sa’yo?

Maya: Hindi naman po. Puro padala lang po ng bulaklak.

NT: E baka naman may kaklase na amy gusto sa’yo.

Maya: Imposible ‘nay, hindi nila alam kung san ako nakatira.

NT: Naku ‘nak ha! Mag-iingat ka diyan baka may stalker ka na.

Maya: Malabo din po. Kasi hatid-sundo po ako ni Sir Chief sa school.

NT: totoo anak?

Maya: Opo. Mula po nung nalaman nya na may nagbigay po ng bulaklak tapos initials lang ang nasa card ayun na po hatid-sundo nga po.

NT: MAbuti naman. Anak maswerte ka din  kay Richard ano?

Maya: Maswerte po talaga ako ‘nay. San ka naman po nakakita na boss hinahatid-sundo ang yaya ng anak nya.

NT: Kasi Maya, hindi lang pagiging yaya ang tingin nya sa’yo. Saka pinoprotektahan ka lang nya.

Maya: Naku naman nay sana lahat ng amo katulad ni Sir Chief. Sige po nay, magpahinga na po kayo,. Alam ko na pagod na din kayo diyan sa chibugan.

NT: O sige, mag-iingat ka diyan. Ikamusta mo k okay Richard.

Maya: Opo, nay. I love you po.

NT: I love you din anak!

Pagkababa ni Maya ng phone…

SC: Si nanay teresita ba ang kausap mo?

Maya: Ay! Kabayo! Naku naman Sir Chief pasulput-sulpot kayo. Kung may sakit ako sa puso, baka inatake na ko ditto.

Saka bakit nakikinanay kayo?

SC: Sabi po kasi nya nanay teresita na lang din itawag ko sa kanya. Patimpla naman ako ng kape o! please.

Maya: Aba! Improving, may please na! Teka lang po.

SC: Make it two.

Maya: Para sa ‘kin yung isa?

SC: Hindi parehong sa akin.

Maya: Ah!Ganun! O etong tasa at kutsara, pakikuha na lang po ung termos. Ayan ung kape at asukal.

SC: Ikaw naman di ka na mabiro.  Eto na, timpla ka na!

Maya: Hay naku! Kung di lang kita…

SC: Kung di lang ano?

Maya: Boss.

SC: ng puso?

Maya: Patawa!

SC: O sige. Hindi na. Nood tayo ng movie?

Maya: Lalabas tayo?

SC: Hindi, may mga dvd naman diyan. Sige na, samahan mo ko. Wala ka naman aalagaan ngayon. Di ba sub muna ko ni Abby.

Maya: Ah! Ganun? Si abby, baby ko yun.

SC: O e di ako muna ang baby mo hanggang sa makabalik si Abby.

Maya: In your dreams.

SC: Sige na nga. Baka ayaw mo talaga na maging baby mo ko.

Maya: eto na yung kape mo. Gagawa lang ako ng popcorn para may kainin tayo habang nanonood.

SC: Akyat na ko, tingnan ko lang kung ano yung mga available na dvd.

Maya: (to herself) Hay! Maya, first movie date nyo ni Sir Chief, ano kayang papanoorin namin. Naku, kakaexcite naman!

Naghanap si Richard ng pwede nilang panoorin.

SC: Puro kay nikki pala ‘to! Romeo and Juliet, The Last Song, Ah! Eto “The Proposal.”

Maya: Sir Chief eto na po yung kape nyo. Yung popcorn medyo mainit po ah! Tubig po?

SC: Upo ka na ditto.

Maya: Sa tabi nyo po?

SC: Ayaw mo?

Maya: Ok lang naman po. Ano po ba panonoorin natin.

SC: Puro pala yung kay Nikki na movie ang nandito.

Maya: Puro po love story movies? Ok lang po yun. Sir Chief nanonood po ba kayo ng mga ganyan?

SC: yes, but not all the time. Halika na!

(Eto po yung plot ng movie ng The Proposal… Margaret Tate (Sandra Bullock) is a Canadian, but working as an executive chief sa isang magazine. She learned that whe may face deportation charges because of her expired US visa. Determined to retain her position, she convinces her assistant, Andrew Paxton (Ryan Reynolds), to temporarily act as her husband just until she resolves her visa issues. And resume with their lives after. )

 

Maya: Nakakatawa naman yang movie na yan! Biruin nyo, pinakilala nya sa mga boss nya na goyfriend nya yung assistant nya at magpapakasal na sila tapos ung immigration officer talagang sinusundan sila kahit saan sila magpunta.

SC: Ang nakakatawa pa dun, nung umuwi dinala ni Ryan si Sandra sa kanila, na pinaalam na magpapakasal sila. Tapos ipapasuot nung lola nya yung wedding gown kay Sandra.

Maya: Saka nung lumuhod si Sandra para magpropose. Grabe ha!

SC: I won’t do that to a girl.

Maya: Pero Sir Chief siguro kung ako yun gusto ko yung papakasalan ko yung mahal ko hindi dahil sa may kailangan lang ako.

SC: Ako din naman! Kahit ialok pa sa akin yung pinakamataas na posisyon, hindi ako magpapakasal. Tapos at the end maghihiwalay kasi nakuha na ‘yung gusto.

Maya: pero in fairness Sir Chief, nakakatawa yang pinanood natin.

SC: Ano isa pang movie? Maaga pa naman!

Maya: Pero ako ang mamimili.

SC: Sige mamili ka lang diyan. Nagtext nga pala si Nikki kanina, nandun na daw sila sa Tagaytay.

Maya: Buti naman po. Maaga-aga silang nakarating. Eto po kaya!

SC: It takes a man and a woman? Ok!

Maya: Ayaw nyo naman yata.

SC: No, no, it’s alright. Give it to me. Isasalang ko na.

Hindi pa nangangalahati ang movie, napansin ni Maya, na nakapikit si Richard.

Maya: Naku! Sir Chief, hayan ka na naman. Tulug-tulugan talaga eh noh!

Hanggang sa sumandig ang ulo ni Ricahrd sa balikat ni Maya.

Maya: Sir chief… Sir Chief…ah! Alam ko na! Tiyak magigising ‘to! Mine, gising… Hmmmp,,ayaw.. Tulog nga siguro. Naku naman, pano ko makakaalis nito. Sir Chief ang bigat ng ulo nyo ha! Ilang kilo ba utak nyo ? sabagay kaya siguro ka matalino!

Tinapos ni Maya ang movie pero hindi pa din nagising si Richard.  Dahil sa antok na din nya kaya nakatulog na din ito. SA ganitong posisyon nang magising sila nung umaga.

Maya: Ang sakit ng leeg ko? May stiff neck yata ako.

SC: Bakit di mo ko ginising?

Maya: anong hindi? Ginigising kita ayaw mo naman. Para kang sleeping beauty,

SC: E di sana hinalikan mo ko para nagising ako.

Maya: Po?

SC: E dib a ganun yung sa fairytale story na yun.

Maya: AhhhH! Sabi ko nga po. Baba na po tayo para makapgbreakfast.

SC: Anong breakfast natin?

Maya: Ano po bang gusto nyo?

SC: Nothing in particular. Baba na tayo.

Pababa na sila ng makasalubong nila si Sabel at Doris. Nagtataka ang dalawa kung san sila galing.

Doris: Sir magpapaalam po sana kami ni Sabel, ngayon po kasi yung outing.

SC: OK, sige. Mag-iingat kayo.

Sabel. Sige po Sir Richard, Maya.

Doris: Maya, tara nga ditto sandali.

Maya: Alam ko na may itatanong kayo sa akin. Galing kami ni Sir Chief sa family room. Nanood kami ng movies kaya lang nakatulog kami.

Doris: yun lang!

Maya: oo, yun lang!

Sabel: O siya sige, alis na kami. Yun nga palang bulaklak mo andun sa may kusina, nilagay na naman ni YM.

Maya: Sige, salamat.

SC: Eto yung bulaklak galing sa YM mo. Ano ba yung YM? Yahoo Messenger?

Maya: Sir Chief ha! Akin na nga yan. Hindi ko alam kung ano yun? Kasi wala naman din sya nilalagay na ibang pangalan diyan.

SC: I’ll prepare the breakfast.

Maya: Hindi nga po. Marunong kayong magluto?

SC: OO naman, sige anong gusto mo?

Maya:May natira po yatang kanin, isangag natin. Saka po itlog na lang.

SC: what kind?

Maya: yung sunny-side-up po sa akin.

Si Richard nga ang nagluto ng almusal nila.

SC: Timpla ka na ng kape natin. Ilagay ko lang ‘to sa lamesa.

Ok na. kain na tayo. Bon appétit!

Maya: Salamat po.

SC: Yani, will you please drop the “po”?

Maya: Nakakailang naman po yun Sir Chief.

SC: O sige, pag tayong dalawa lang. Drop the “po”.

Maya: Sige po. Sige…

SC: Manang Fe, kain po tayo.

Manang Fe: Sige lang kumain na ko kanina kasabay nina Doris at Sabel.

Maya: Sir Chief, sarap ng fried rice nyo ah!

SC: Ayos ba?

Maya: Pwede na?

SC: Pwede nang mag-asawa?

Maya: ulit! 😀

SC: Ah! Manang, aalis lang po kami ni Maya sandali. Ok lang po ba na mag-isa kayo ditto?

Manang FE: ayos lang ako dito. Wag nyo ko alalahanin.

Maya: Sir Chief, san naman tayo pupunta?

SC: Basta. After natin kumain, magready ka at aalis tayo ng 9 sharp…

Maya: Hala! Ang gara nyo ha! Sabihin nyo muna kung san tayo pupunta.

SC: Ok, fine, I don’t know. Nagpaalam lang muna k okay Manang FE. Pag nasa sasakyan na tayo madali na yun.

Maya: At talagang sigurado ka na sasama ako sa’yo?

SC: oo naman.

Maya: Syado naman!  O sige ako nang magliligpit nito. Umakyat ka na at magready na.

Pumunta na si Richard sa kwarto nya. Si Maya naman ay naiwan sa kusina.

Manang Fe: San ka ba nagpunta kagabi? Hindi kita nakita sa kwarto. Tapos paggising ko kanina, wala ka pa din.

Maya: E kasi po Manang si sir chief nag-aya manood ng movie. Wala naman dw si Abby kaya samahan ko na lang daw sya. Tapos dun sa pangalawang movie e nakatulog po sya sa balikat ko. Ginigising ko naman po hindi magising.

Manang FE: mahirap talagang gisingin yang si Ricardo.

Maya: Manang FE, ok lang po ba talaga kayo na mag-isa ditto?

Manang FE: Ok lang ako. Samahan mo lang si Ricardo. Mukhang nag-eenjoy pag kasama ka. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganyan. Kay asana pagbigyan mo lang.

Maya: Opo, Manang. Hindi naman po ako napipilitan na samahan sya, masaya nga po eh!

Manang Fe: nAkikita ko naman na masaya kayo pareho. O siya sige! Ako ng tatapos nyan, at magbihis ka na.

Maya: Sige po, Manang salamat po.

Maya received a text from Richard.

From: Sir Chief ❤

Yani, I’ll wait you in the car. 8

—-

From: Maya (Yani)

Ok. Sandali lang po. Palabas na din po.

Maya: Sir Chief pasensya na po. Pinaghintay ko pa po kayo.

SC: It’s ok. Sanay naman akong naghihintay. And drop the “po” please.

Maya: Ay! Oo nga pala. Sorry.

SC: San mo gusto pumunta?

Maya: Sir Chief, wala naman akong alam ditto sa Maynila eh!

SC: Ok, sige sa baywalk na lang tayo.

Maya: Maganda ba dun?

SC: Oo, buti nga inayos na nila yun eh!

Dahil walang pasok at hindi masyadong marami ang sasakyan sa daan, mabilis silang nakarating sa baywalk.

Maya: Oo nga Sir Chief, ang ganda dito!

SC: I told you. Tara dun tayo.

Maya: Ang ganda talaga. Sir Chief sa gabi po ba maganda din dito?

SC: Oo maganda din.

Maya: Dapat po pala dito nyo dinadala yung date nyo para romantic ang dating.

SC: Kaya nga dito kita dinala.

Maya: Ano yun Sir Chief? Pasensya na hindi ako attentive sa sinabi nyo, nagagandahan lang po talaga ako sa lugar.

SC: Never mind. Let`s take a picture.

Maya: Wala naman akong camera.

SC: I`ll use my cellphone.

Naglalakad-lakad sila dun hanggang hapon.

Maya: Sir chief hintayin natin yung sunset.

SC: Why?

Maya: Wala lang. Kasi ang ganda ng kulay ng langit e!

SC: Sige, sige.

Maya: Pwede ba ako maupo diyan? Kaya lang ang taas. Pano kaya sila nakapanik dito?

SC: it’s simple. I’ll carry you para makaupo ka diyan. Ang liit mo kasi.

Maya: Naku! Wag na nakakahiya.

SC: No, it’s definitely not. Di naman nila tayo kilala. Saka we can get a better view there.

Maya: Wag mo ko ihuhulog ha!

SC: I won’t. Ready?

They waited until sunset comes. And it’s truly wonderful. Nakita ni Richard kung pano hangaan ni Maya ang ganda ng mga kulay nito.

Maya: sir Chief nakita mo yun? Romantin talaga ang place na ‘to.

SC:  Yani?

Maya: Bakit ang seryoso mo naman?

SC: Can I tell you something?

Gusto na nyang sabihin kay Maya how he feels for her but he remembered his promise kay Nanay Teresita.

Maya: Ano yun?

SC: Nothing.

Maya: Ok ka lang ba?

SC: Yes.

Maya: Gusto mo ng umuwi?

SC: No. But I’m hungry.

Maya: Kaya pala ganyan ang mukha mo, gutom ka na. Anong ginagawa nyang mga food stands diyan? Anong gusto mo? Hotdog sandwich, yung nilagang mais, tortillas…

SC: Can we go somewhere?

Maya: Restaurant?

SC: Yes, please!

Maya: O sige na nga. Pero wala akong pangtreat ngayon sa’yo.

SC: Don’t worry. My treat. Let’s go.

Hinawakan ni Richard ang kamay ni Maya.

SC: Is it ok?

Tumango lang si Maya. Then they went sa isang nearest restaurant. Hindi pa din kumikibo si Ricahrd. Na ipinagtataka ni Maya. “Kani-kanina lang ang saya naman nya. Baka gutom lang talaga.”

Maya: Sir Chief ok ka lang ba talaga?

Umiling si Richard.

Maya: MAsama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo uwi na tayo.

SC: No, I’m ok.

Maya: May problema ba?

SC: I can’t tell you?

Maya: Bakit ba kasi hindi mo sabihin sa ‘kin? Baka makatulong ako sa’yo.

SC: You know what kung pwede ko lang pabilisin ang panahon, ginawa ko na.

Maya: Ha? Hindi ko maintindihan.

SC: Even myself, I could hardly understand now. Parang anytime, I will explode.

Maya: May kagalit ka ba?

SC: no.

Maya: wala naman pala eh! E ano nga ba kasing problema?

SC: I’m sorry Maya. Baka pagod lang ako. Let’s go home.

Maya: MAbuti pa nga at makapagpahinga ka na din.

(Sa lahat ng bagay may right time. Thanks for reading. –bhek8)

Advertisements

4 thoughts on “Kailan – part 19

  1. Pingback: Kailan – part 20 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s