Dor-Bel: Chika Mode On

(A/N):  Thank you for all your very kind words for BEFORE HE PROPOSES.

I hope you’ll find this next piece as entertaining as the other one I wrote months ago, Si Maya!

This piece is inspired by the short conversation of Doris and Sabel during Sir Chief’s birthday celebration in the orphanage, that scene where they both noticed that Maya and SC seem to be having an LQ.

I’ve missed writing about Doris and Sabel, so here goes…

Happy reading!

Author: iamgarie

~*~

DOR-BEL: CHIKA MODE ON!

By: iamgarie

Tapos na ang selebrasyon ng kaarawan ni Sir Chief sa ampunan at matiwasay na silang lahat na nakauwi sa mansyon. Mahimbing nang natutulog ang lahat maliban kay Doris at Sabel na walang tigil ang chikahan sa kwarto ni Sabel. Di nila mapigilang pagkwentuhan at pag-chismisan si Maya at ang kanyang Sir Chief…

Doris: O diba BFF tama tayo? May LQ yung dalawa… Ngayon okay na sila.

Sabel: Oo nga BFF. Isang kanta lang pala ang katapat ni Maya, eh! Kung makakanta naman itong si Sir Richard kanina talagang todo bigay. At kung makangiti ‘day! Haay naku! At aminin mo, ang landi ni Sir Richard nung kumakanta, ha! At OA kung magpa cute ha! Haay! Nakaka in love talaga!

Doris: At buong kanta wala siyang tiningnan kundi si Maya lang ha, Sabel! Nakakakilig!

Sabel: Kaya naman itong si Maya wagas din ang saya! Kulang na lang eh himatayin siya sa sobrang kakiligan dahil sa gwapo nating amo!

Doris: Oo naman! Kung tayo ngang lahat na nanonood lang eh kinilig, si Maya pa kaya, eh patay na patay kay Sir Richard yun, ano? At ‘day! Ibang klase si Sir Richard! Sobrang magpakilig!

Sabel: Oo nga. Tama ka diyan BFF. Pero ito namang si Sir Richard, mukhang humaling na humaling sa Maya natin! At ‘day, di lang basta nang-harana. Tinitigan pa si Maya! Hinawakan pa ang kamay… Hinalikan ang kamay at pisngi! Niyakap nang ubod ng higpit ang Maya sa kanyang mga bisig! Haay!

Doris: (smiles) Tama ka diyan ‘day! At tsaka aminin mo, si Sir Richard, OA kung makasuyo ha. Lahat yatang palaro kanina sinalihan na niya mapansin lang ni Maya! Hahaha! Grabe! Ang laki na talaga ng mga pagbabago kay Sir! Di na siya tulad ng dati na matindi ang galit sa mundo.

Sabel: Oo nga. Matagal-tagal na rin nung huli siyang nag Tiger mode! Mukhang ibang klaseng LIGAYA ang nabibigay sa kanya ni Maya. Ayiiie! Haaay, ang saya-saya siguro ni Sir Richard at ni Maya tuwing nagki-kiss at nagkakayakapan sila, at alam mo na…

Doris: Naku, ikaw talaga ‘day, umiral na naman yang pagkamanyakis mo.

Sabel: Grabe ka ha. Hindi naman!

Doris: Akalain mo ‘day, dati nangangarap lang ‘tong si Maya. Ngayon natupad na ang pangarap niya. Ang mahalin ng sobra sobra ng taong pinakamamahal niya! Haaay!

Sabel: Tama ka naman diyan!

Doris: Kaya ako Sabel naniniwala ako, eh. Balang araw magtatagpo ulit kami ng landas ni Boris. At pag dumating ang panahon na yun, siya naman ang susuyo sa kin ng bonggang-bongga!

Sabel: Oo na. At dahil may Boris ka na, ipaubaya mo na sa kin si Elmer ha. Mas bagay naman kami ni Elmer kesa dun sa Clarisa May na yun, diba? At puro pasakit lang naman ang dala nung babaeng yun kay Elmer, eh. Eh pag ako ang sinuyo niya, paliligayahin ko siya ng bonggang-bongga! (evil laugh!) Hahahaha!

Doris: Mag- hunos dili ka nga diyan, Sabel! Kalma lang! Sa ‘yong sa yo na yang si Elmer! BFF, ang saya ‘no? Isipin mo, ako may Boris. Tapos ikaw may Elmer. At si Joma, WALA!

Dor-Bel: Hahahaha!

Sabel: Eh kasi naman ‘day, torpe din naman yang si Joma. Ubod nang lakas lang mang-asar pero hari ng katorpehan! Hahaha! Tingnan mo, wala lang ginawa yun kanina kundi sulyap-sulyapan si Miss Liza! Hahaha! Pagnagkataon, tayo magkaka lovelife na, siya WALEY pa rin!

Doris: Tama ka diyan! At pag nangyari na yun, mamatay siya sa inggit! Hahaha!

Sabel: Pero ‘day, maiba naman tayo. Ano sa palagay mo ang pinag-awayan ni Sir Richard at ni Maya?

Doris: Malay ko! Bakit ba pati yun gusto mo pang ungkatin? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo na okay na sila?

Sabel: Eh kasi naman, nagtataka lang naman talaga ako. Kasi diba alam naman natin kung gano nila kamahal ang isa’t -isa at sobra silang magkasundo sa lahat ng bagay. O, e ano pa ba mapag-aawayan nila ‘day?

Doris: Ako man nahihiwagaan ako diyan. Pero napansin mo ba ‘day? Pati si Don Roberto at si Donya Esmeralda parang nanggaling din sa away, eh. At kanina din lang nagkaayos. May kinalaman kaya yung mag-asawa sa naging away ni Maya at ni Sir Richard?

Sabel: Ay!!! Hindi kaya yung away nila ay dahil sa pag- ayaw ni Don Roberto kay Maya?

Doris: Pwede! Kasi alam mo Sabel nung araw na bago umalis yung mag-asawa dito, narinig kong nagtatalo sila nung nasa guest room! Natakot nga ako nun, eh. Kaya umakyat na lang muna ko at nagsabi kay Manang Fe na tsaka na lang ako maglinis dun. Hindi kaya si Maya ang pinagtatalunan nila?

Sabel: Malamang. Kasi diba okay na okay na kay Donya Esmeralda si Maya at kay Don Roberto na lang sila may problema? Baka pilit kinukumbinse ni Donya Esmeralda si Don Roberto na tanggapin na si Maya!

Doris: At dahil ayaw niya, naisipan siguro ni Donya na umalis na lang sila dito! Si Sir Richard naman di pinigilan sila kasi siguro malaki pa din ang tampo sa Papa niya!

Sabel: At! Nang malaman ni Maya na di man lang pinigilan ni Sir Richard na umalis ang Mama at Papa niya, yun na. Nagkatampuhan na yung dalawa! Alam mo naman yang si Maya, diba? Ayaw na ayaw niyang may nag-aaway nang dahil sa kanya!

Doris: Tumpak ka diyan, ‘day! Kaya pala itong si Sir Richard eh ilang araw na ding parang malungkot. Miss na miss na niya ang sweetheart niya!

Sabel: At naging magkakampi si Maya at si Donya Esmeralda laban sa mag-ama!

Doris: At no choice na ang mag-ama kanina kasi halata namang apektadong-apektado na sila sa di pag pansin sa kanila nung dalawa kaya napilitan na ring magkausap at magkaayos!

Sabel: Kaya pala yung matanda sinabayan na rin ang anak sa pagpapa-cute at panghaharana! Hahaha!

Doris: AT… dahil okay na silang lahat ngayon, isa lang ang ibig sabihin niyan, Sabel! Bukas babalik na ang mag-asawa dito sa mansyon AT…!

Sabel: At ano?

Doris: AT sa lalong madaling panahon AY…

Sabel: Ano, Doris? Ano? Sabihin mo na kasi!

Doris: AY babalik nang muli si Maya dito para dito na tumira…

Sabel: Ha? Bakit naman?

Doris: Ano ka ba Sabel? Di mo pa rin ba makuha? Sa nangyaring tampuhan kay Maya at kay Sir Richard, palagay ko may malapit nang maganap…

Sabel: Doris ha… Malapit na kong mainis sa yo. Sabihin mo na kasi kung anong iniisip mo…

Doris: Palagay ko di na pakakawalan pa ni Sir Richard si Maya! Kaya baka di matapos ang buwan na ito, eh mag-propose na ng kasal si Sir Richard kay Maya. Haay!

Sabel: (ngumiti at kinilig) Ows, talaga? Pwede nga! At pag nangyari yun, hay sobrang sasaya na naman itong bahay! Aminin mo, nung umalis si Maya kahit okay na ang lahat, medyo kulang pa din ang ingay at saya at energy dito! Sana nga, Doris!

Doris: Palagay mo, o-oo naman kaya agad si Maya? Diba marami pa siyang pangarap sa buhay? Ngayon pa lang niya unti-unting natutupad yun!

Sabel: Siguro naman, Doris! Kung tutuusin, lahat ng pangarap ni Maya parang nagkaroon na ng katuparan at dahil din yun kay Sir Richard. Nakapag-aral siya. Naging stewardess. Nakakatulong na siya sa pamilya niya! Sabihin na natin naging masikap din naman talaga siya, pero si Sir Richard pa rin ang nagbukas ng lahat ng oportunidad para sa kanya!

Doris: Tama ka diyan! At kahit maging mag-asawa naman sila, palagay ko hindi naman siya pagbabawalan ni Sir Richard na ipagpatuloy ang mga pangarap niya. Ganun naman si Sir, diba? Mabait at mapagbigay lalong-lalo na sa mga minamahal niya! Natutuwa lang talaga ako BFF. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa!

Sabel: Oo naman! Tsaka BFF, isa din naman sa mga pangarap ni Maya si Sir Richard, diba? Sa totoo lang palagay ko si Sir Richard ang pinakamalaki niyang pangarap! Haha! Naku! Kaya pag nag-propose si Sir Richard sa kanya, dapat OO siya agad bago pa magbago ang isip ni Sir Richard at ako ang yayain magpakasal! Kasi diba una naman talaga si Sir Richard naging akin!

Doris: Naku, Sabel! Nananaginip ka na naman ng gising! Itulog mo na muna yan. Diyan ka na nga! Good night!

(Written: August 21, 2013)

*******

12 thoughts on “Dor-Bel: Chika Mode On

  1. Pingback: Why Maya is the One – Part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s