Kailan 2 – part 1

———

(by: bhek8)

This is the continuation of the series Kailan. Same title na lang po.

Another chapter is open in the life of Maya and Richard. Now, as couples.

Do not give up. The beginning is always the hardest.              

 

NT: Richard, ingatan mo ang anak ko ha!

SC: Opo. Bago tayo umalis dapat may remembrance.

Nikki: Picture?

SC: Yes.

Nikki: Gusto ko yan Dad.

SC: Teka lang ha! Yani, please hold this.

Ricahrd gave Maya a paper with a letter written on it.

Maya: Ano ‘to? Letter M. Anong ibig sabihin na naman Mine?

SC: M for Maya. Ano ka ba? Basta hold it, ok?

NT: Sige na, lumakad na kayo. Baka mahuli pa kayo sa flight nyo.

Maya: Sige po ‘Nay. Salamat po ah! Mahal na mahal ko po kayo. Mamang, Kute, Cho alis na kami. Jeff ingatan mo tong pards mo ha! Baka maligawan.

Kute: Naku Bunso! Kilabutan ka!

Luke: Salamat po sa inyong lahat.

SC: ‘Nay salamat po ulit. Ingat po kayo dito.

As Maya and the Lim family will go back to Manila, what they brought are the memories from San Nicolas. Lalo na kay Maya at Richard.

SC: Yani, thank you.

Maya: para saan?

SC: For everything.

Maya: For everything? E ano bang ginawa ko?

SC: Loving me and my kids.

Maya just smiled at him. She doesn’t knnow what to say.

Maya: May itatanong lang ako sa’yo. Talaga bang titigil ka na dapat ng panliligaw sa akin?

SC: To tell you honestly, yes. Kasi pakiramdam ko wala lang sa’yo eh!

Maya: Hindi lang pala ako manhid, ikaw din! (She can’t control her laughters.)

SC: At pagtawanan pa ko. Alam mo ang galing mo ding magtago eh!

Maya: Gusto ko lang maniguro.

SC: I have something to tell you. Remember when we were in Baguio? Tapos nung gabi na kinanta mo yung “Is it ok if I call you Mine?”, I heard you that night. Hindi kasi ako makatulog kaya lumabas ako ng room.

Maya: Ah! Ganun! Nandun ka pala.

SC: Gusto mo na ko nung mga panahon na yun noh?

Maya: Oy! Hindi ah! Konti lang.

Reminscing the past brings you joy and hurt. It’s either or.

The plane finally landed in Terminal 3 of NAIA.

SC: Yani, sa bahay ka na magdinner.

Nikki: Oo nga Mama. Let’s go sa bahay muna. Then ihatid ka na lang ni Daddy.

Abby: Please, Mama.

Luke: Mama, makakatanggi ka pa sa three angels mo?

SC: Pagbigyan mo na mga bata!

Maya: Ok na sige na, 4 against 1. Baby sa susunod ako naman kampihan mo.

Abby: Yes, Mama.

SC: Ayan na pala si Joma.

Joma: Sir, nasa parking lot na po yung sasakyan nyo. Dinala ni Mang Lem kanina.

Luke: Daddy, dito na po kami kay Kuya Joma. Kayo na lang po ni Mama ang magsama sa car.

SC: OK, thanks Luke. Magkita na lang tayo sa bahay.

Maya: Alam mo ang daya-daya nyo.

SC: O bakit na naman?

Maya: Kasi sana papiliin nyo naman ako,

SC: Bakit ayaw mo bang kasama ang boyfriend mo sa sasakyan?

Maya: Gusto, pero…

SC: wala ng pero pero. Tayo na ang magkasama. Period.

Maya: Ano kayang ulam?

SC: Hindi ko din alam. Ano kaya magiging reaksyon ni Manang Fe pag sinabi natin sa kanya na tayo na?

Maya: Ang alalahanin mo Sila Sabel at Doris, baka maglupasay yung mga yun!

Sa bahay ng mga Lim.

Manang Fe: Sabel, parating na sila. Si Maya dito na din maghahapunan.

Sabel: Talaga po Manang Fe? Maaya nga sya sa kusina mamaya para makapgkwentuhan tayo.

Doris: oo nga Sabel. Tiyak aabutin tayo ng hating gabi.

Manang Fe: Kayo talagang dalawa. Sige na tapusin nyo na ang paglalagay ng mga ulam sa lamesa. Sabi nga pala ni Ricardo, yung isang upuan ilipat sa tabi nya.

Doris; Sige po Manang, ako na po ang gagawa.

Manang Fe: Salamat. Andyan na yata sila. Sabel bilisan mo diyan.

Nikki: Super kapagod ang travel. I’m hungry na.

Luke: Tara na sa loob, tiyak nakaluto na sila.

Doris: Hello po. Pasok na po. Nakahain na. ako na pong mag-aakyat ng mga bagahe nyo.

Manang FE: Ricardo, maya pasok na kayo.

Maya: Magandang gabi po Manang Fe, doris, Sabel.

Doris: Maya, mamaya kwentuhan tayo sa kusina ha!

Maya: Oo ba!

SC: Let’s go inside. (Biglang hinawakan ni Richard ang kamay ni Maya, at sabay silang pumunta sa kusina.)

Doris: Sabel nakita mo ba ang nakita ko?

Sabel: oo, Doris. Kitang-kita ko!

Sabel and Doris screamed.

Maya: Ano? Di ba sabi ko sa’yo baka maglupasay yang 2 na yan.Wala pa tayong sinasabi nyan!

SC: Oo nga. Dito muna mga gamit natin. Let’s eat. I’m really hungry.

Abby: Mama, here’s your seat.

Maya: Bakit dito?

SC: Bakit? Hindi ba pwede? Itinawag ko kay Manang na maglagay ng upuan beside mine.

Maya: Ganun? So dito talaga ko.

Nikki: Mama, it’s ok. Take your seats Dad para start na tayong kumain.

Luke: Ay! Naku Niks tumataba ka na oh!

Nikki: really kuya! I’m gonna be on diet starting tomorrow.

Luke: Tomorrow? Bakit hidni mo simulan ngayon?

Nikki: You are so g-r-r-r-r kuya!

SC: Luke, Nikki stop it.

Doris and Sabel can’t stop looking at them.
Doris: Sabel, ang sweet naman talaga ni Sir kay Maya.

Sabel: At nainggit ka naman!

Doris: Bakit ikaw hindi?

Sabel: Medyo.

Doris: Pero in fairness, pahard-to-get din tong si Mayabels. Biruin mo ang tagal ding syang niligawan ni Sir.

Sabel: Tama! Dapat ganyan din tayo pag may nanligawa sa atin.

Doris: Sabel may manliligaw pa ba sa’yo? Magpapayat ka muna!

Sabel: Ouch, it hurts ha! Ikaw wag ka ng magbangs. Para mapansin yang mukha mo hindi yung bangs.

Doris: Hay naku! Hindi ko ipagpapalit tong bangs ko kahit kanino!

Sabel: Naku basta! Alam ko darating din ang para sa atin. Di ba nga kung uukol, bubukol.

Joma: Kayong dalawa, pinag-uusapan nyo si Sir at maya noh?

Doris: Joma, nung dumating ba sila kanina sa airport ganyan na sila?

Joma: Ewan ko.

Sabel: Anong ewan? E di ba nagsundo ka?

Joma: Oo, pero ang sakay ko yung mga bata. Tapos sa sasakyan ni Sir silang dalawa ni Maya!

Doris: Sabel, waging wagi si Maya kay Sir. Gwapo na ang bango-bango pa!

Sabel: At super sweet.

Manang Fe: Kayong dalawa diyan tama na yan. Matatapos na sila dun.

Sabel: Tara Doris, ayain natin si Maya sandali.

Nikki: Ma, Dad I’m going in my room na. Ayusin ko pa yung mga gamit ko.

Luke: Me, too.

SC: Baby, akyat ka na din but brush your teeth first.

Abby: Opo. Sige po. Good night Daddy. Good night Mama.

SC: Doris, pakisamahan si Abby sa room nya.

Doris: Sige po Sir. Maya, uuwi ka na ba?

Maya: Hindi pa naman. Bakit?

Doris: Hintayin mo ko.May pasalubong kang kwento di ba?

Maya: Oo na, sige na!

Doris: Sige akyat ko muna si Abby.

Maya: Mine, gusto mo ng kape?

SC: Yes, please.

While making their coffee.

Manang Fe: Kahit hindi ka magsalita, alam ko masaya kayong dalawa ni Ricardo.

Maya: Opo, Manang Fe.

Manang Fe: Mahal na mahal ka nya Maya.

Maya: Ako  din naman po, mahal na mahal ko po sya.

SC: I heard that.

Maya: Ikaw talaga. Ang hilig mo makinig sa usapan ng may usapan.

SC: Is it my fault? I’m just waiting for my coffee!

Maya: O eto nang  coffee mo.

SC: Hindi mo ko sasamahan?

Maya: hindi. Kailangan mo pa ba ng kasama pag iinom ka ng kape?

SC: Ah! Ganun!

Maya: Sige na, magkukwentuhan lang kami nila Sabel at susunod ako sa’yo pagkatapos.

SC: Ok, I’ll be in my office.  Sumunod ka ha!

Maya: Yes boss!

Doris: Maya, nakatulog agad si Abby. Ano nang kwento?

Sabel:  Sali ako diyan!

Maya: Ano bang ikukwento ko?

Doris: Anong nangyari sa inyo sa San Nicolas?

Maya: Nagbakasyon.

Doris: Oo alam namin na nagbakasyon kayo sa San Nicolas. Sa inyong dalawa ni Sir. Paano mo sya sinagot?

Maya: aksidente ko lang syang nasagot.

Sabel: Weh?

Maya: Oo nga. Balak ko naman talaga kaya lang humahanap lang ako ng tiyempo.

Doris: tapos?

Maya: yung dapat na sasabihin ko, sinulat ko sa papel. Pinaghandaan ko pa man din. Kaya lang nung andun kami sa plaza, pagtayo ko, nahulog yung papel ko.

Doris: So, nabasa nya? Tapos?

Maya: Tapos ayun na, nagkaaminan na kami.

Sabel: Sabagay Maya, di ba gusto mo naman talaga si Sir noon pa.

Maya: hindi naman!

Doris: Anong hindi ka diyan? Lagi ka kaya namin napapansin.

Sabel: Mula nang dumating ka dito, alam na namin bawat kilos mo.

Maya: Ganun? Inoobserbahan nyo pala ko.

Sabel: Tama!

Doris: Kasi sa totoo lang, pag nakikita mo si Sir, iba ang ningning ng yong mga mata.  Hidni ka nagsasalita pero ‘day ramdam ka namin!

Sabel: Oo, ganun kalakas ang pakiramdam namin!

Maya: Bakit si Sir Chief, hindi nya naramdaman yun?

Sabel: Ganun naman talaga, Saka baka in denial sya. Alam nya sa sarili nya na gusto ka nya pero ayaw nyang magassume na may gusto ka din sa kanya.

Doris: Saka, pinahirapan mo kaya si Sir.

Maya: Ako?

Doris: Oo, ang tagal mo kaya syang pinaghintay.

Maya: oy! Hindi ah!

Sabel: Anong hindi? Maya, para kang pocket book na naglalakad. Sinusubaybayan bawat kabanata.

Maya: Matagal na ba yun?

Doris/Sabel: Oo

Little did they know. Richard was there, listening to them. Natatawa sya sa conversations nilang tatlo.

Maya: Sige, puntahan ko lang si Sir Chief. Naghihintay na yun sa akin eh.

Richard go to his office right away after he heard Maya bids goodbye to the two.

Maya: Mine, sorry ha!

SC: Ok lang. Gusto mo na bang umuwi?

Maya: Pwede ba?

SC: Yes of course. Pero pwede din na magstay ka dito tonight.

Maya: Hindi pwede.

SC: At why not?

Maya: Bsta, hindi pwede.

SC: Malaki naman kama ko, kasya naman siguro tayong dalawa dun.

Maya: Hay naku, hindi pwede.

SC: Dahil hindi pa tayo kasal?

Maya: Ha?

SC: Di ba natulog ka naman sa tabi ko na?

Maya: mAy sakit ka nun!

SC: What’s the difference. I’m sick now.

Maya: Talaga lang ha! Hatid mo na ko.

SC: Hindi ka ba papapigil?

Maya: Hindi.

SC: Ok but in one condition.

Maya: Ano yun?

SC: Hug me.

Maya: Yun lang ba? Ok.

Maya hugs Richard but…

Maya: Bakit ganun? Hindi mo naman ako niyakap?

SC: Why? I ask you to hug me. Hindi ko naman sinabi I’ll hug you back.

Maya: Ang sama mo talaga! (Sabay talikod.)

SC: Wait. Ikaw naman hindi ka mabiro. (He hugs Maya.)

Maya: Kasi yang biro mo nakakapikon eh!

SC: So? Napikon ka?

Maya: Hindi.

SC: labo mong kausap. Let’s go. I’ll bring you home. Teka muna, this is your home so stay ka na dito.

Maya: Ha? Uulitin ulit sa umpisa?

SC: I’m just joking. Get into the car. I’ll bring your bags.

Maya; Tulungan na kita.

SC: Hindi na. Kaya na ng mga muscles ko ‘to,

Maya: Haha. Whatever.

SC: Nahawa ka na kay nikki.

They finally reached Emman’s condo.

SC: We’re here. Samahan na kita sa taas. Ang bigat ng mga bag mo. Ano bang laman nun?

Maya: ‘yung iba mga pasalubong para kay Emman, yung ibang mga pagkain diyan pinadala ni nanay.

SC:  Parang may supply ka pang-isang buwan.

Maya: Hindi yan aabutin ng isang buwan. 2 weeks siguro.

SC: Sabagay, matakaw ka naman.

Maya: Excuse me, magana lang kumain.

SC: Ganun din yun!

Maya: Sige na. Ok na dito, thank you.

SC: Pinapauwi mo na ko?

Maya: Oo. Gabi na kaya.

SC: Sige na nga. I’ll see you tomorrow. I love you.

Maya: I love you too. Bye. Ingat sa pagdidrive. Text mo ko pag nakauwi ka na!

SC: Yes Ma’am.

Richard went home with smile in his face. As he arrives home, he grabs his phone to text Maya.

To: Yani

From: Mine

I’m home. I’m already missing you.

Maya: Ang sweet naman talaga ng boyfriend ko.

Richard’s phone beeps.

To: Mine

From: Yani

Good! I miss you na din! Good night.

SC: Dapat kasi hindi na lang sya umuwi dun. Pero di bale, when the day comes na pwede na, you’ll stay here with me, with us.

Burned woods remains are ashes. Just like our past, either success or failures, those are the ashes of our lives. What we have is our future not our past. Choose. Decide. Leave your past and live for your future.

(Dito na lang po muna. Til next chapter po. –bhek8)

Advertisements

3 thoughts on “Kailan 2 – part 1

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s