Best Friend: Chapter 4: Brothers and Sisters.

CHAPTER 4: BROTHERS AND SISTERS

[AUTHOR’S NOTE: Para na siguro akong sirang plaka sa kaka-hingi ng paumanhin sa matagalang pagtatapos ng kuwento. Hindi po kasi talaga magkaroon ng mahabang panahon para tapusin ang susunod na mga kabanata. Pasensya na lang po talaga. Sana po ay magustuhan ninyo kahit naghintay kayo ng medyo matagal.]
***
Brothers and sisters.

They are the people that you have in your life.
Sometimes they were there when you were born.
Sometimes they were there after you were born.
All the time they were there when you were growing up.

They were there when you started to learn about love.
They were there when you started to know about friends.
They were there when you started to treasure your family.
They were there when you started to experience life.

Each person has a different meaning
Each person has a different experience
Brothers and sisters, by blood and not
They played the same role in one’s life.

Person who have them in their lives
Are not just lucky, but are blessed.
For they are treasures to hold and have
With tears and smile, they are gifts from above.

Brothers and Sisters.

***

ANG NAKARAAN: Tinatanggi ang pag-aabang ni Nikki sa palagiang pagtanggap ng isang pagbati tuwing kaarawan niya…Narinig niya ang mga boses ng kanyang pamilya na papasok na sa kanyang kuwarto para siya ay batiin.

***
SA LOOB NG KUWARTO NI NIKKI

Happy Birthday to you! Happy Birthday to You! Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday to you! Happy Birthday Nikki! [Ang sabay-sabay na pagkanta at bati ng lahat.]

NIKKI: Thank you! [Tuwang-tuwang pasasalamat nito sa kanyang pamilya na habang kumakanta ay kanyang pinagmamasdan ang kanilang lumalaking pamilya.]

LUKE: [Naunang lumapit ito at hinalikan sa pisngi ang kapatid.] Happy Birthday Niks! Nabasa mo na ba text ko sa iyo? [Naka-ngiti nitong tanong sa kapatid.]

NIKKI: Yes, Kuya. I already got it! [Naalala nito ang pang-aasar ng kanyang kapatid.] Kuya! You are G-R-R-R talaga!

LUKE: What? [Pang-inosente nitong tanong sa kapatid.]

NIKKI: Whatever…[Yamot nitong sagot sa kanyang kuya.]

LUKE: Binati lang naman kita kanina ah! [Pakunwari nitong sabi sa kapatid.]

NIKKI: Yah right! You made asar to me pa eh.. Birthday ko pa naman. [Patampo nitong sabi sa kapatid.]

SIR CHIEF: Luke..[Mahina nitong pag-sita sa panganay na anak.]

LUKE: Dad, I did not do anything. [Nakangiti nitong pagtatanggol sa sarili at sabay kindat sa katabi ng kanyang ama.] I just told her na mag-blow-out naman siya mamaya dahil birthday niya.

NIKKI: See Dad? [Sabi nito sa kanyang ama.]

MAYA: Luke, remember birthday ni Nikki ngayon. [Mahina nitong pag-saway dito at sabay tingin sa may kaarawan..] Nikki, alam mo namang nilalambing ka lang ng kuya mo ano?

NIKKI: I know. [Sambit nito at naaala na kaya siya naaasar ay dahil sa pag-aakala niya na yung text ay galing sa isang tao na kung saan sa mga nakalipas na mga taon ay walang palyang bumabati tuwing kaarawan niya.]

LUKE: Ah. Abby!.[Upang di tuluyang mapunta sa kanya ang usapan ay tinawag ang nakakabatang kapatid..] Abby! Bigay mo na regalo mo kay Ate Nikki mo!

ABBY: Kuya! [Ang tangi nitong nabanggit matapos siyang kindatan nito. Napa-buntong hininga na lang ito at lumapit sa kanyang ate upang ibigay ang kanyang regalo.] Happy Birthday Ate Nikki! [Ang sabi nito at sabay halik sa pisngi. Yumakap din ito at saka inabot ang kanyang regalo sa kanyang ate.]

NIKKI: Thank you Abby! Bubuksan ko na ba ang regalo ko ngayon o mamaya na lang?

ABBY: Mamaya na lang Ate!

NIKKI: O sige…Mamaya na lang but I am pretty sure, I am really going to love it.

ABBY: I hope so Ate. Pasensya ka na ha? Kulang sa budget eh… Babawi na lang ako sa Christmas. [SA ISIP NI ABBY: Kahit na sabi ni Daddy na pupunan na lang niya ang kulang sa regalo ko sa iyo, I know na mas magugustuhan mo na nag effort ako sa pag-gawa nito. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Ate Megan at Ate Stacey.]

NIKKI: Oh Baby! Alam mo naman na anything from you, I will definitely love it. [Sabay yakap muli sa kapatid. Habang kayakap niya ang kapatid ay naalala nito na alam nilang lahat na pakiyeme lang nito ang pagtangging pagtawag sa kanya ng “Baby”. Kahit na nagdadalaga na ito, alam rin niya na gusto pa rin niyang siya ang espesyal na “Baby” ng kanilang Mommy Maya kung kaya’t mayroon silang date kada-buwan na para lang sa kanilang dalawa.]

ABBY: Ate! I am no longer the Baby! [Pagtutuwid sa kapatid..]

NIKKI: You know, you will always be our baby! [Kaagad na pag-papaalaa nito sa kapatid.]

SIR CHIEF: Tama ang Ate Nikki mo Abby! You will always be our baby. [Pagkasabi nito sa anak, ay sinuklian ito ng isang ngiti na hindi lang makikita sa labi, pati rin sa mga mata nito.]

MICKA: Daddy, kami rin di ba? Baby rin ninyo ni Mommy? [Agad na pagtatanong sa kanilang ama na noon ay makikita ang sobrang-sobra pagka ngiti habang ito ay nakatingin sa kanya at sa kanyang kapatid na si Micha.]

SIR CHIEF: Siyempre naman! [Nakangiti nitong sagot sa anak na noon ay sinusubukang i-balanse ang hawak hawak na tray na pinaglalagyan ng dalawang cupcake na may nakapatong na kandila.]

MAYA: Baby..iha, lapit na kayo kay Ate Nikki ninyo para makita niya ang cupcake na ginawa ninyo for her. [Sinabi nito ng mapansin na naiinip na ang kapatid nitong si Micha.]

20130823-215545.jpg

NIKKI: Come.. Micka, Micha! Let me see…[Habang papalapit ang kapatid nito ay hindi niya mapigilang na mapangiti sa kambal niyang kapatid na sina Mickaela Ruth o Micka at Michelle Grace o Micha. Siya ang nagpaikli sa mga pangalan ito ng malaman na isinunod sa pangalan nilang dalawa ni Abby ang bago nilang kapatid na babae. At dahil dito ay patuloy siyang inaasar pa rin ng kanyang kuya at sinasabing sana ay huwag magmana sa kaartehan niya raw ang kambal. Ngunit sa tuwing makikita niya ang magpi-pitong taong na kapatid, hindi niya lubos na maisip kung paano nakayanan ng kanilang Mommy Maya ang dalawang ito sa loob ng 9 na buwan ng sabay. Hindi na rin niya maisip kung ano ang kanilang buhay ngayon kung wala ang dalawang ito. Bagama’t si Abby ang Baby nilang tinuturing pa rin, iba ang binibigay na saya ng kambal niyang kapatid. Naalala niya tuloy ng una niyang makita ang kambal at ipinahawak sa kanila ni Abby ng kanilang Daddy ang kanilang bagong kapatid..]

***

SIR CHIEF: Come here Nikki! Come here Abby! Meet your new sisters! [Ang tawag sa kanila ng kanilang Daddy na noon ay naka-upo sa tabi ng kanilang Mommy Maya na hawak hawak ang isa sa kambal. Pag kalapit ng magkapatid ay ibinigay niya ang isa sa kambal sa kanyang panganay na dalaga.] Nikki, here hold your sister Mickaela Grace Dela Rosa Lim.

NIKKI: Oh Daddy! She is so tiny but oh soo cute!!!!!!!!…Wait!, you name her after me? [Nang makitang tumango ang kanyang Daddy.] Thank you Daddy!

MAYA: Gusto kasi naming maging sorpresa para sa inyo, kaya hindi namin sinabi ng Daddy ninyo ang name nila.

NIKKI: My gosh! This is one of the best gifts ever … Thank you!!! Teka, wait ang haba ng name name niya..let me think of her nickname na cute para sa kanya.

LUKE: Naku, Niks! Ayan ka na naman.. Paaandarin mo na naman ang ka-artehan mo.. Maanong pagbigyan mo na sina Daddy sa gusto nilang maging palayaw ng kanilang anak..[Panunukso nito sa kapatid.]

NIKKI: Whatever kuya! Wala ka kasing ka-art art eh..Naiinggit ka lang.

LUKE: Dad, sa susunod naman puwedeng boy naman para may kakampi ako. [Sabay kindat sa kanyang Daddy.]

SIR CHIEF: [Habang pinagmamasdan ang pagtatalo ng kanyang anak ay napaatingin ito sa kanyang misis na noon ay nakangiti lang din at pinagmamasdan ang kanilang lumalaking pamilya. Napatingin ito sa kanya at binigkas ang salitang I LOVE YOU na kanya rin namang sinuklian.] Luke.. Nikki.. [Tinawag niya ang pansin ang kanyang dalawang anak..] It’s okey Nikki, you can think of any nickname you think will fit your new sister. And…[Binaling nito ang pansin sa kanyang Baby at bago pa man siya matuloy na magsalita ay inunahan siya ng kanyang asawa.]

MAYA: Baby, come here! Meet your new sister! Michelle Ruth Dela Rosa Lim. Ngayon Baby, ate ka na tulad ni Ate Nikki! Pero ikaw pa rin ang una kong baby. [Sinasabi niya ito habang inaalalayan niya sa paghawak sa kanyang bagong kapatid.]

ABBY: Talaga po, Mommy Maya? Pinangalan ninyo rin po siya sa akin?

MAYA: Oo naman Baby.. Pareho kayong special sisters nila eh.. At hindi lang iyon, dahil sila ang regalo sa ating lahat para maging ate ka na tulad ni Ate Nikki! Okey ba sa iyo iyon?

ABBY: Siyempre po.. I will be the best ate in the world!..Ay! Second to Ate Nikki pala..

NIKKI: Oh!!! Ang baby talaga namin, super sweet. Tayong dalawa ang magiging best ate in the world, di ba?

ABBY: Yes Ate Nikki! [Nangingiti nitong pagsang-ayon sa kapatid.]

***

LUKE: Hoy Nikki! Bakit ka natutulala riyan? May iniisip ka ano? Uy!!! [Panunukso nito sa kapatid.]

NIKKI: Dad! Look at Kuya..It’s my birthday and he is still making asar to me…

MICHA: Ate, I will make sumbong to Lola Mamang at Lola Nanay para sa iyo..[Sinabi nito sa kanyang ate.]

NIKKI: Oh ang sweet talaga ng sisters ko. Halika nga kayo and give your Ate Nikki a big kiss and a big hug. [Sabay na lumapit sa kanilang ate na dala-dala ang dalawang cupcake para sa kanilang ate.]

MICKA: I love you Ate Nikki! Happy Birthday! [Ang sabi nito sabay ng halk at yakap dito.]

NIKKI: Thank you Baby Mick! I love you too!

MICHA: Ako naman Ate Nikki. [ Ang sabi nito kaagad na parang di pahululi sa kanyang kakambal. Hinalikan niya ang kanyang Ate Nikki at niyakap.] Happy Birthday Ate Nikki! I love you!…Here, tikman mo itong cupcake ko.. [Sabay na inilapit nito ang cupcake sa kanyang ate at siya namang kinagatan ng kanilang ate.]

NIKKI: Hmmm.. [Ang naging tugon lang nito at bago pa man naka ubos ng kinain ay inilapit naman ni Micka ang kanyang cupcake sa kanyang ate.]

MICKA: Yung sa akin, din Ate Nikki!

NIKKI: Hmm [Ang tanging sagot lang uli nito pagkatapos kumagat sa pangalawang cake na inabot sa kanya. At dahil sa mukhang napalaki ang kanyang nakagat, ay medyo nagsimula itong mahirinan na siya namang napansin kaagad ng kanilang Mommy Maya kung kaya’t…]

MAYA: Gaby, go give your juice to Ate Nikki na! [Ang daliang sabi nito sa kanilang bunso na noo’y tila pinipilit di matapon ang dala-dalang inumin para sa kanyang ate habang lumalakad patungo rito.]

LUKE: Ayan kasi, ang takaw mo Niks! [Ang muling pagbibiro nito sa kapatid na may kasamang tawa na siya namang nakakuha ng isang matalim na tingin sa kanilang Daddy.] Sorry Dad!

MAYA: Gaby! [Napasigaw nitong tawag sa anak ng makitang inunuman ang basong dala-dala nito patungo sa kanyang Ate Nikki bago pa man ibigay ito sa kanyang ate.]

GABY: It’s spilling!!..[Ang inosente nitong nasabi sa kanyang Mommy bilang paliwanag kung bakit niya ininuman ang basong dala niya para sa kanyang Ate Nikki na siya namang nakakuha ng malakas na tawa sa kanyang Kuya.]

LUKE: Talaga naman itong bunso namin.. [Nasabi nito habang patuloy na tumatawa sa inakto ng bunsong kapatid.]

MAYA: Sig20130823-212551.jpge na Gaby..Give the juice to your Ate Nikki.. [Paghihikayat nitosa bunso nila samantalang tinabihan nito si Nikki at hinagod ang likod para sa pagkakasamid nito.]

NIKKI: Hay! [Ang tanging nasabi nito matapos makainom sa juice na dala ng kanyang kapatid. Napatingin ito sa kanilang bunso na tunay na makikitaan ang pagkakahawig sa kanilang Daddy. Sabi nga ng Mommy Maya nila na paano di mahahawig eh pinaglihian ang kanilang Daddy kung kaya’t nakuha ang singkit nitong mata, ang makinis at maputing balat, at ang dimples na kung saan laging inaangkin ng kanyang kuya na nakuha sa kanya at hindi sa Daddy nila.] Gaby, give me a kiss and a hug please. [Ang sabi nito sa kapatid na siya na tila natigilan ng panandalian….]

MAYA: Gaby, what do you want to tell Ate Nikki?

GABY: [Tumingin muna ito sa kanyang Kuya na nagsukli ng isang kindat na tilaisang hinihintay na hudyat mula sa kanyang kuya. Samantala ang palitan na ito ng magkapatid ay napansin ng kanyang Mommy Maya kung kaya’t napatinging ito sa kaniyang asawa na nag kibit balikat lang. Matapos ang hudyat sa kanyang kuya ay lumapit ito sa kanyang Ate Nikki at yumakap.] Happy Birthday Ate Nikki!

NIKKI: Thank you Bunso! But where is my kiss?

GABY: Do you really want a kiss? [Ang paniniguro nitong tanong sa kanyang ate, sabay kindat sa kanyang Kuya na noo’y tila nagpipigil sa pagtawa.]

NIKKI: Of course, Bunso! [Yun lang ang tila senyales na hinihintay mula sa kanya ng kaniyang kapatid at nakita niya itong tumalikod tapos ay siya ay hinalikan sa pisngi nito ng pagkadiin-diin. At ng bumitaw ito sa pagkakahalik at ngumiti, nakita niya ang bibig nito na puno ng tsokolate.] Gaby! [Ang tawag nito sabay pahid sa pisngi kung saan siya hinalikan ng kapatid.] Yikes! [Pagkasabi nito ay narinig ang di na mapinggilang tawa ng kanyang Kuya.] Kuya!!

LUKE: What? [Natatawa nitong sabi sa kapatid.]

SIR CHIEF: Luke, ikaw ba ang may pakana nito? [Ang pagalit nitong tanong sa panganay na anak.]

LUKE: Dad, Gaby was asking for lipstick for boys para daw paghalik niya sa kanyang Ate Nikki ay may marka. Sabi ko, walang lipstick for guys. At that time ay nakita ko siyang kumakain ng tsokolate so sabi ko yun na lang para talagang for boys. I told him na dahil maarte Ate Nikki niya dapat siguraduhin niya na gusto niya talaga ng kiss niya bago niya halikan ito. Tinanong ka niya di ba Nikki? [May pag-aamo itong nagtanong sa kapatid na tila ba sinasabing huwag mong hayaang umiyak si Gaby.]

NIKKI: [Bago ito sumagot ay tumingin muna ito sa kanyang bunsong kapatid na tila dahil sa pagtaas ng boses ng kanilang Daddy at tila maiiyak. ] Gaby, why do want to leave a kiss mark on Ate?

GABY: Sabi mo, kiss lang regalo ko sa birthday mo. Pero gusto ko special. You don’t like it? [May pag-aalinlangan nitong tanong sa kanyang ate.]

NIKKI: Gabriel Andrew Alexander… [Ang tanging nabanggit nito nang marinig niya ang simpleng paliwanag mula sa kanyang kapatid. Napatingin ito sa kanyang Kuya..]

LUKE: Ang sabi ko sa kanya, hindi maaring magalit sa iyo si Ate Nikki dahil very special at very bunso ang regalo niya sa kanyang Ate. Hindi ba Niks, talagang special kiss ang bigay sa iyo ni Bunso?

[Ang agad na sinabi nito sa kanyang nakakabatang kapatid ng makita niya ang kaniyang bunsong kapatid ay tila maiiyak na. Sabi nga ng kanilang Tita Chris, dahil nandiyan na si Gaby ay may kakampi na siya at sigurado siya na lagi siyang papakinggan nito dahil nag-iisa siyang Kuya sa kanilang magkakapatid. Dugtong pa nga niya, tiyak siya ay magiging over protective sa kanilang bunsong kapatid. Maalala nito ng panandalian ang litratong ng kanyang kapatid na nasa kanyang opisina na madalas niyang ipagmalaking nagmana sa kanya ang kapatid sa pagkahilig sa computer games.]20130823-212836.jpg

NIKKI: [Muli itong napatingin sa bunsong kapatid matapos mapakinggan ang sinabi ng kanyang kuya. Nakita nito ang pangingilid ng luha at ng naisip niya na namana nito ito sa kanyang Mommy Maya na mababaw ang luha, ay napangiti ito sa kapatid.] Gaby, pasensya ka na ha? Nabigla lang si Ate Nikki. Of course special ang kiss na ito, you want to do it on the other side? [Ang game na game na sinabi nito sa bunsong kapatid na matapos marinig iyon ay muling napangiti kung saan kitang-kita ang tsokolate sa bibig nito.]

GABY: I love you Ate! [At pagkatapos ay hinalikan ang kabilang pisngi ng kanyang ate at sa pagkakataong ito ay hindi na pinahiran ng kanyang ate ang pisngi nito. Bagkus, pinagigigilan siya nito at pinugpog ng halik.] Ate! Stop it! Mommy! Daddy! [Ang natatawa nitong pagtawag sa kanyang mga magulang.]

SIR CHIEF: Okey, Nikki..That is enough.. [Ang marahan nitong sinabi sa kanyang panganay na dalaga na kung saan hindi naman niya masisi na panggigilan ang kapatid dahil kung siya kung minsan ay nagagawa rin niya ito sa kanilang bunso lalo na’t kung ito ay sumisiksik sa gitna nilang mag-asawa sa kanilang kama.] Nakahanda ang almusal sa ibaba. Naghihintay sila.

ABBY: Oo nga Ate Nikki. May praktis pa ako ngayong umaga…

LUKE: Let’s go mga kids! Iwanan na natin ang Ate Niks ninyo. Porke birthday eh hindi papasok sa opisina. Mabuti na lang mabait ang amo mo. [Sabay kindat sa mga nakababatang kapatid.]

MICKA: Kuya, eh di ba Boss din si Ate Nikki doon?

MICHA: Oo nga Kuya Luke..

NIKKI: Oo nga naman kuya…Boss din si Ate Nikki..[Ang natatawa nitong sabi sa kaniyang kuya.]

LUKE: Ah eh…

SIR CHIEF: Admit it Luke. Tama ang mga kapatid mo..[Ang biro nitong sabi sa kanyang binatang anak.]

LUKE: [Dahil sa alam niyang wala siyang maisasagot ay..] Okey…okey. Tama kayo..Hay naku! Makababa na nga at baka may masabi pa ako..[Lumabas ito sa kuwarto patungo sa ibaba..]

MICKA: Daddy, is Kuya mad at us?

ABBY: Hay naku, Baby. Kuya is not mad at you…He just left in a hurry because he knew that he got cornered. Check mate.

MICHA: Check mate?

NIKKI: Ibig sabihin ni Ate Abby ninyo ay wala ng palusot si Kuya kaya umalis na lang siya. And besides ayaw niyang mapagalitan pa nina Daddy. Right Dad?

SIR CHIEF: Tama ang mga ate ninyo Micha, Micka. Your kuya is not mad at you..[Dahil sa naiisip na mahaba pang paliwanagan..] Why don’t we all go down and have a breakfast before the food gets cold?

MAYA: Baby…[Ang tawag nito kay Abby ngunit tatlong anak na babae ang lumingon.] Just bring down your sisters so you can eat and get ready for school na. [Pagpapatuloy nitong sabi kay Abby.]

ABBY: [Napangiti ito dahil patuloy na pagtawag sa kanya ng kanyang Mommy Maya ng Baby at..] Let us go down Micha, Micka. Kuya might be eating all the hotdogs and pancakes already. [Ang pagyaya nito sa kanyang dalawang kapatid na tila nagmamadaling hinatak ang kanilang ate patungo sa ibaba.]

SIR CHIEF: Wait! [Ang malakas nitong sabi kasabay ng pagpigil sa anak na si Gaby na gustong humabol sa kanyang mga ate.] Where do you think you are going? [Tanong nito sa anak na patuloy sa pagpupumiglas para makahabol sa mga kapatid.]

GABY: They are going to eat my ham!!!! [Patuloy sa pagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanyang ama.]

NIKKI: Ay naku Dad! You go na! He might cry na…I will go na rin downstairs..[Ang kaagad na sabi nito sa kanyang Daddy na siya namang sinang ayunan ni Maya.]

MAYA: O Baby, sige na at sasamahan ka na ni Daddy mo…Don’t worry kapag nakain nila yung ham mo, I will make you another one. [Sa pagkasabi nito ay natigilan sa pagpupumiglas ang kanyang anak at matapos nito ay sumamang matiwasay sa kanyang Daddy na bumaba ng hagdanan patungo sa hapag kainan.]

NIKKI: [Matapos na sundan ng tingin ang kanyang Daddy at kapatid, hindi niya mapigilang mangiti at mapatingin sa litrato ng kanyang mga kapatid na nasa ibabaw ng tokador. Napatingin ito sa kanyang katabi at nasabing..] Does it sounds corny ba if I say thank you for giving us the twins and bunso?

20130823-212924.jpg

MAYA: Ikaw talaga..Hindi ka na nagbago. Eh di corny rin pala kung magpasalamat ako sa inyo for accepting me into your family?

NIKKI: Okey then, pareho tayong corny na lang..[Nakangiti nitong sinabi at muli itong napatiingin sa mga litrato ng mga kapatid.] Ang cute talaga nila ano? Nakakagigil talaga..Sana di na sila lumaki kaagad ano? Sana they stay na lang na super cute nila ng husto..Look at the twins.. It is really hard to tell them apart unless you have been with them for some time especially if they wear those matching clothes..

20130823-212942.jpg     20130823-212958.jpg

MAYA: Nakakatuwa talaga ano? [Masaya nitong pagsang-ayon at pinagmasdang muli ang litrato ng mga anak. Tumigil ang kanyang tingin sa kanilang bunso.] Tingnan mo si Gaby, hindi ba kamukha talaga ng Daddy mo? [Natutuwa nitong tinanong ang katabi.]

20130823-213106.jpg

NIKKI: Hay naku ikaw talaga Mi! Nakakatuwa ka talaga. [Sabay malambing na tapik sa balikat ng kanyang Mommy Maya.] Hindi ka na talagang nagsawang sabihin ng paulit-ulit kung gaano kamukha si Gaby ni Daddy.

MAYA: Siyempre naman ano? Ang guguwapo naman talaga ang lalaki sa pamilya natin di ba? [Muling mapapatingin sa bunsong anak at hindi maiwasang mapangiti sa hitsura ng kanilang anak ni Sir Chief.]20130823-213036.jpg

NIKKI: Hay naku si Mi! Kapag si Bunso ang pinag-uusapan, wala na sa sarili…[Panunukso nito sa kanyang katabi.]

MAYA: Hindi naman ah…Naisisp ko lang naman na talagang guwapo ang mga lalaki sa pamilya natin..Si Kuya Luke mo…si..

NIKKI: Si Kuya?..[Natatawa itong naisip ang kapatid.] Guwapo ba iyon eh wala pa ring girlfriend hanggang ngayon…Hanggang pa-date, date lang.

MAYA: Hindi mo masisi ang kuya mo na maging maiingat at mapili na muli pagdating sa pag-ibig. Nasaktan kasi siya sa una, kaya ayun. Maiingat. Eh di ba nga, ako naging matagal bago nagkaroon ng boyfriend at iyon ang Daddy mo ang first boyfriend ko..

NIKKI: I know… I know..[Nangingiti itong sinag-ayunan muli ang kausap dahil sa alam na niya ang mga susunod na sasabihin nito. Dahil ito ang tema ng kanilang usapan simula ng mapag-usapan nila ang tungkol sa boyfriend-girlfriend.] But Kuya just dates at wala talagang sinasabing girlfriend niya. Kapag tinatanong ko siya, puro friend lang daw….

MAYA: Kung kaya naman natutuwa ang Daddy ninyo sa inyong dalawa. Your brother had seriously focused in establishing your company kung kaya naman kaming lahat are so proud sa inyong dalawa, lalo na ang Daddy ninyo. Sabi nga niya na Luke often reminds him of himself when he was building LAS…[Sumagi sa isip nito ang eksena ng kanilang bunso ng minsang sumama sa golf party ng Tito Ryan nila…]

***

SA GOLF PARTY NI ATTY. RYAN:

NIKKI: Look Tito Ryan! Isn’t he so adorable! [Pagmamalaki nitong pinakita sa matalik na kaibigan ng ama ang ilang kuha ng litrato ng bunsong kapatid.]20130823-213120.jpg

RYAN: Iba talaga itong inaanak ko ano? Talagang magaling kung makaporma. [Tuwang-tuwang pinagmamasdan ang mga litrato ng inaanak.]

RYAN: Ay naku Maya! Look at my inaanak! [Sabay silang papako ng tingin kay Gaby.] Looks like he is a professional golf player. Mukhang tinalo pa ang kanyang Daddy sa porma ah. [Biglang lumingon sa kanila si Gaby na tila alam na siya ang pinag-uusapan kung kaya’t itong ngumiti ng husto sa kanila.]

MAYA: Tama..[Biglang may tumabi sa kanila at nagsabing..]

NIKKI: Say Macaroni and Cheese Gaby! [Ang sigaw nito sa kapatid at siya namang ginawa nito. Sabay pindot sa kanyang camera.] OMG! He is really so cute talaga! Look Tito Ryan! [Sabay pakita sa nakunang litrato ng kapatid.]

20130823-215526.jpg

RYAN: Tama ka Nikki. Siya mini-me talaga siya ng Daddy mo..[Sabay tawa nito ng malakas kung saan natawag ang pansin ng kaibigan na katabi ni Gaby.] Ganoon din ba sa ugali, Maya?

MAYA: Ha?..Ah..

NIKKI: Hay naku Tito Ryan! Sabi ni Tita Cris, hindi raw nagmana kay Daddy yung ugali ni Gaby. [Sabay tingin sa mommy ni Gaby.]..

MAYA: Nikki!..[Sabay tangkang pagkurot sa katabi..]

NIKKI: [Tumatawa itong nakaiwas sa pagkurot ng kanyang Mommy Maya..] Totoo iyon Tito Ryan! Even Dad agreed with her..

SIR CHIEF: What did I agree on? [Ang kaagad na sinabi nito sa kanyang paglapit na tila hindi nila namalayan.]

RYAN: Wala Brod. Nagkakatuwaan lang kami dahil sa nakikita naming lahat ang pagkakahawig ninyong dalawa ng aking inaanak..[Masaya nitong sinabi sa kaibigan.]

SIR CHIEF: Ah ganoon ba.. [Sabay tingin sa anak na pinag-uusapan na hindi pa man tumitigil ng ilang Segundo sa kinatatayuan, ay biglang kumaripas ng takbong papalayo sa kanya..] Ga..[Hindi na naituloy ang sasabihin nito ng makita kung saan patungo ang anak.]

RYAN: Ang mga bata talaga ano? Grabe sa energy. [Napatingin ito sa taong pinuntahan ng kanyang inaaanak.] Ang suwerte mo sa mga anak na lalaki, Brod. Mabait na bata ang panganay mo. I enjoy working with him sa pagtatayo ng company nila ni Nikki..

NIKKI: Iyan din ang sabi ni Lola Nanay! Sabi nga niya sana tumulad si Gaby kay Kuya..[Natatawa nitong kuwento..]

RYAN: Bakit naman…[Nagtataka nitong tanong sa kausap..]

SIR CHIEF: Natatakot na baka raw magmana sa Mommy nila na makulit. [Nangingiti at may panunuksong sabi tungkol sa kanyang asawa.]

MAYA: Sir Chief! [Sabay kurot sa asawa na sinuklian lang isang ngiti at sinundan ng tawa at yakap.]

SIR CHIEF: Eh totoo naman hindi ba? Sabi nga ni Mamang, ikaw daw ang mas makulit sa inyong dalawa ni Cristina Rose. [Natatawa nitong paliwanag..]

MAYA: Si Sir Chief talaga.. binubuko pa ako…[Nahihiyang sabi nito..] Hindi naman kakulitan iyon..

SIR CHIEF: Anong tawag mo doon? [Nakangiti nitong tanong sa asawa.]

MAYA: Ah.. Persistent. Yun! Yun, persistent lang ako. Pursigido..[Ang agad na sagot nito sa asawa.]

SIR CHIEF: Iyon ba ang tawag mo roon? [Panunukso nitong muli sa asawa..]

MAYA: Sir Chief ha! Nakakailan ka na niyan..Kakahiya kay Atty Ryan..

RYAN: Ay naku Maya! Ayan ka naman…Atty Ryan na naman..Hindi mo ba talaga maalis yang Atty na iyan..

MAYA: Sorry, Ryan nga pala.. [Nangingiti nitong sabi.]

RYAN: Brod, ito talagang asawa mo ano?..[Natatawa nitong sabi sa kaibigan.]

SIR CHIEF: Di ba talagang makulit? [Muli nitong pagbibiro sa asawa.]

MAYA: Sir Chief naman! [Muli nitong sabi at pamumula dahil sa takbo ng pag-uusap. At dahil sa alam naman nito na tinutukso lang siya ng kanyang asawa kaya natawa na ito ng malakas at siya naman sinundan ng tawa ng lahat.]

NIKKI: Tito Ryan, do you know what Tita Cris call Gaby kapag kinukulit siya nito sa pagpupumilit na tumogtog ng gitara? [Nangingiti nitong tingin sa kanyang Daddy at Mommy Maya.]

RYAN: Hindi ko alam iyan.. Ano ba iyon?

NIKKI: [Tumingin muli ito sa kanyang Daddy at Mommy Maya bago sinabing..] Little Mischief of Sir Chief!

GABY: That’s me! [Ang pagmamalaking sigaw nito ng marinig ang sinabi ng kanyang ate habang sila ay papalapit sa kanyang Daddy at Mommy. At dahil dito, muling nagkatawanan ang lahat!]

***

NIKKI: Mi!.. [Ang tawag nito sa katabi ng mapansin na parang malayo ang iniisip nito.]

MAYA: Ay sorry Nikki! May naalala lang ako..[May kinuha ito sa kanyang bulsa at inilagay sa kamay ng dalaga.]

NIKKI: Ano naman ito? Daddy already gave me your gift which he said I could use as extra pocket money for Korea trip with Stacey and Megan for the next weekend. [Habang pinipilit na ibalik sa kanyang Mommy Maya ang regalo.]

MAYA: Nikki, huwag kang mag-alala. Iba yung regalo naming ng Daddy mo. Iba naman ito. Buksan mo muna…[Ang paghikayat niyang buksan ang regalo nito…]

NIKKI: Mi!..[Ang may halong pagtatanong sa bigay ng kanyang Mommy Maya.] Ito po ba yung..

20130823-213201.jpg

MAYA: No, Nikki. It is not. I thought about it, but I thought of your Dad’s feeling. Kahit mahal na mahal ko kayo, iba ang pagmamahal ko sa Daddy ninyo. Baka magtampo ang Daddy mo kung ibigay ko sa inyo, yung binigay niya. Although ng sinabi ko sa kanya, okey lang daw. Pero naisip ko na gusto ko ring nasa akin pa rin ito bilang tanda ng simula ng pangarap at pagmamahal niya sa akin. So naisip ko na ibigay sa iyo ang kapareho ng kanyang bigay sa akin, bilang tanda ng simula ng panibagong yugto ng iyong buhay. Birthday mo at ang pag-kapasa mo sa Board Exam. Simula ito ng katuparan ng iyong pangarap at malay mo, simula rin ng bagong chapter ng iyong lovelife..

NIKKI: What?! Lovelife?! What lovelife?..Eh hindi nga nagtext..Este..Ang ibig kong sabihin eh..[May pagkalitong sinabi ni Nikki.]

MAYA: Nikki! [Hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Nakangiting tumingin ito sa namumulang mukha. Hinalikan sa pisngi at nasabi sa sarili: Kung alam mo lang iha, darating na ang simulang noon ay naudlot ng panahon dahil sa hindi pa naaayon.] It is okey Nikki. I just want to give you this today at sana you will always remember you are my daughter of my heart.

NIKKI: Thank you Mi. [Ang mahina nitong naging tugon sa sinabi ng kanyang Mommy Maya at nasabi nito sa sarili: Tama si Abby, we are indeed blessed to have been given two mommies who love us just the same.]

MAYA: Halika na Nikki.. Bumaba na tayo at baka nagkakagulo na sila sa ibaba. [Tumango si Nikki at tahimik na sumunod sa kanyang Mommy Miya na dala-dala pa rin ang bigay na regalo ng kanyang Mommy.]

***

SA MAY DINING ROOM: [Makikitang nagtatawanan ang lahat at napatigil lang nang sumigaw ng si Ate Nikki!. Muling kinantahan si Nikki ng lahat. Naupo ang dalawa para sama-samang mag-almusal.]

SIR CHIEF: Luke, nakaayos ka na ba? Gusto ko sanang maaga para matapos ko ang dapat na ayusin para makasunod kaagad sa doktor.

NIKKI: Sabay kayo Daddy ni Kuya? Eh mamayang dinner pa naman po tayo di ba? Tiyak makakabalik pa po kami rito after the seeing the doctor. Mi, bakit sa birthday ko pa natapat ang schedule nila bunso at kambal?..

MAYA: Ah eh…

LUKE: Bakit ka ba nagrereklamo eh dinner naman ang happening natin di ba? And besides, ito lang available time ng doctor na nanggaling pa ng America ano?

NIKKI: OMG! Are you guys telling me that something wrong with the kids? [Pag-aaala nitong tanong. Sa kanyang pagkabalisa, hindi niya napansin ang tila mga tinginang may ibang kahulugan ng mga taong nakapaligid sa kanya.]

LUKE: Niks! Ano ka ba naman talaga! Masyado kang over… Ang sabi ko nanggaling lang sa America yung doctor eh ang dating sa iyo naman ay negative..

NIKKI: Whatever Kuya! Eh kung galling ng ibang bansa, normally they are specialist in their field of medicine. So naturally, I will assume na something is wrong if the kids need a specialist..

LUKE: Niks!.Kung alam…

MAYA: Nikki, huwag kang mag-alala. Walang problema sa mga bata. Kaya lang kasi may nagrekomenda sa akin sa doktor na ito..[Napatingin ito sa kaibigan ng doktor na pilit itinatago ang pag-ngiti sa mga reaksiyon ng kapatid.] So matapos kong ikonsulta sa iyong Daddy kung okey lang bang tingnan at sundin ang rekomendasyon na ipatingin ang mga kapatid mo sa kanya, [Napatingin naman ito sa kanyang asawa naalala niya ang reaksyon nito ng malaman ang plano..]

***

[Two weeks ago, sa silid ng mag-asawa, habang nakahiga sa kama.]

SIR CHIEF: What? You want me to agree to Luke’s plan to help his friend?

MAYA: Oo Sir Chief ko..[Malambing nitong sagot sa tanong ng asawa habang humilig ito ng husto sa pagkakahiga sa dibdib ng asawa.]

SIR CHIEF: Tell me why I should I agree to his plan.

MAYA: Kilala mo naman yung kaibigan niya, hindi ba?

SIR CHIEF: Yes, but that is different. I know him as his best friend. Yun lang.

MAYA: Yun lang? Sigurado ka..[Tanong nito ng malambing sa asawa.]

SIR CHIEF: Okey fine. I know na may nararamdaman si Nikki noon sa kanya. But that was it. Crush siya dati ni Nikki. Dati iyon..

MAYA: Sigurado ka? [Nangingiti nitong tanong.]

SIR CHIEF: What? Are you telling me up to now ay may feelings si Nikki sa kanya?

MAYA: I really do not know kasi hindi na muling nagkuwento si Nikki simula ng lumipad ito patungong America. Hindi ako nag-uusisa sa kanila. Alam nila na handa akong making sa kanila kung kailangan nila. And Nikki never talked about him after he left for the States. Hindi ko siya tinanong tungkol sa kaniyang feeling. Dahil alam ko, when she is ready she will tell me.

SIR CHIEF: Kung hindi ka rin sigurado sa feelings ni Nikki, bakit ako papayag sa plano ni Luke?

MAYA: Hindi ba nga’t sinabi sa atin ni Luke na noong umalis ito ay nalaman niya kung gaano kalaki ang respeto ng kaniyang kaibigan sa kanilang pagkakaibigan. Na kahit ano pa man ang nararamdaman nito sa kapatid niya ay pinipilit na kalimutan dahil sa hindi tama..Ay mali! Ang sabi pala ni Luke, hindi sa hindi tama, kundi sa hindi pa tama sa panahon. Alam iyon ng magkaibigan, at pati rin si Nikki, alam rin niya iyon at inaalala rin niya ang pagkakaibigan ng kaniyang Kuya kahit hindi niya sinasabi ito. [Nang hindi tumutugon ang asawa, nagpatuloy ito sa pagsasalita.] Hindi naman natin sila pupuwersahin na magkasundo. Ang sa atin ay pagbibigyan silang matuklasan kung may tamang panahon ba sa kanilang nararamdaman. Yun lang ang mahalaga. Kung sila talaga, eh di sila talaga. Kung hindi, eh di hindi talaga. So pagbigyan na natin si Luke na pumayag tayong magpatingin ang mga bata sa kanyang kaibigan..

SIR CHIEF: Eh bakit sa birthday pa niya?

MAYA: [Nang marinig nito ang tanong, ay napangiti ito at muling ipinaalala sa asawa ang sinabi ni Luke.] Ang sabi nga ni Luke di ba? Umuwi talaga rito yung isa para isorpresa sa birthday niya kung kaya’t hindi nagpakita sa kaibigan until yesterday. Ang sweet nga rin pala niya kahit na lang sa tuwing birthday nito siya magparamdam na naaala niya ito, puwede na sa kanya.

SIR CHIEF: Eh di i-text niya uli, bakit kailangan pang magkita?

MAYA: [May nakatawag pansin sa sinagot ng asawa.] Are you by any chance, jealous?

SIR CHIEF: Anong jealous ang sinasabi mo? [Pagtatangi nito sa asawa na siyang nagdulot ng pagtawa ng katabi.] What are laughing about?

MAYA: You..[Nang makita ang tiger-mode look uli nito ay hinalikan sa pisngi ang asawa.] Sir Chief ko, natatakot ka ba kaya ka nagseselos na baka mawala na ang baby girl mo? [Nang hindi kumibo ang asawa.] You always say to your kids, that they will always be your baby. So kahit na may mahalin silang iba, they will always be Daddy’s Girls. No man will ever love them more than you do…

SIR CHIEF: I don’t think I am ready for them to let go..

MAYA: Ito namang Sir Chief ko, letting go kaagad ang iniisip. Hindi naman mag-aasawa ang kaagad ang patutunguhan ng pagpayag mo sa plano ni Luke.

SIR CHIEF: I know I am just trying to escape the envitable fact that she is a grown up lady now and will fall in love. Maybe I am not ready to let go of my girls. [Ang seryosong nasabi nito sa asawa na sinuklian ng mas mahigpit na pagyakap.]

MAYA: They will always be your girls..[Ang tangi nitong nasabi bilang pagpapalala sa asawa.]

SIR CHIEF: What if magkaroon ng hindi pagkakaunawan ang dalawa? Paano na ang pagkakaibigan noong nila Luke?

MAYA: Ang mga bata ay lumaking maayos at matalino. Kung ano man ang patutunguhan sa kanilang mga relasyon, sa tingin ko si Nikki na lang ang hindi pa napag-iisipan ang mga maaaring mangyari. Ngunit yung magkaibigan ay alam na nila ang kanilang katayuan sa buhay ng bawat isa. Handa na silang pareho na malaman kung ano pa ang maaring mangyari dito kung sakali…Kung kaya’t ang ibibigay natin lang ay ang pagkakataon…

SIR CHIEF: Bakit si Luke lang ang kinausap?

MAYA: Friendship nila ang nakasalalay. Pero sabi rin ni Luke na gusto niya ring magpaalam sa atin. Hindi ba nga’t natatawa pang sinabi ni Luke na magpaalam lang siya sa atin kung pumayag na siya.

SIR CHIEF: Hindi ba’t sa pagsang-ayon nito ay pagpayag na rin ang ibig sabihin?

MAYA: Sabi rin ni Luke, all we are doing is giving our blessing.. for the them to find the answers of what is the fate of their friendship and who are their destiny.

SIR CHIEF: Bakit na lang puro sabi ni Luke ang naririnig ko sa iyo? [Pagtatakang tanong nito.]

MAYA: Dahil pinag-isipan niya ito ng husto. Siya ang magsusugal ng malaki. Ang dalawang importanteng tao sa buhay niya na maaring masaktan, ngunit maari ring maging masaya na tulad natin..

SIR CHIEF: [Matapos ang tila mahabang minutong lumipas.] Okey, sang-ayon na ako plano ni Luke. But gusto ko siyang makausap after..

MAYA: Oo naman, sigurado ako na kakausapin ka rin nito. Kahit na ano pa man ang maging reaksyon ni Nikki sa pagkakita sa kanya.

***

NIKKI: Mi! Anong nangyayari sa iyo na kanina ka pa laging natitigilan at may iniisip.

MAYA: Ay sorry Nikki…Ano eh..

SIR CHIEF: Napatingin lang sa akin ang Mommy Maya ninyo at naguwapuhan kaya nawala sa sarili..[Panunukso sa asawa at sabay tingin na parang ang ibig sabihin: May utang ka sa akin. Maniningil ako mamayang gabi.]

MAYA: [Nang tila mabasa ang sinasabi ng mga tingin ng asawa ay namula ito ng husto. At upang maiba na uli ang usapan ay..] Yun na nga Nikki. Ngayon lang available na time so okey naman ang lahat eh. Bale, sasabay ang Daddy mo at Kuya mo patungo sa office. Sabay na rin sila sa pagpunta sa doctor then kung gusto ng Daddy mo na makita ang bagong doctor ng mga kapatid mo. [Sabay tingin sa kaibigan nito at muling napangiti dahil naintindihan ang gustong mangyari ng ama.] Si Kuya Joma naman ang maghahatid muna kina Abby kasama si Doris para doon sa kambal. If you want to go with Doris para ihatid yung mga kapatid mo, it is up to you.

NIKKI: I want to go to church sana ngayong umaga.

SIR CHIEF: You can have Joma drop you off and wait after dropping off the kids at school. [Tumango si Nikki sa suggestion ng ama.]

MAYA: Well, that is good plan then. Habang kami namin dito sa bahay kasama si Bunso ay maghahanda sa pagdating nina Nanay bukas.

LUKE: Ah bukas po ba ang dating nina Nanay Tere kasama sina Tita Cris? [Tumango si Maya bilang pagtugon sa tanong ng anak.] Eh sina Lola at Lolo po?

SIR CHIEF: They are coming on Monday. Kasama nila sina Tita Raffy mo.

ABBY: Wow Ate Nikki! Ang haba pala ng celebration ng birthday mo. Lahat darating pati na si Ku..

MAYA at LUKE: Abby!

ABBY: Si Kuya Cho! Bakit sino ba ang akala ninyong sasabihin ko? [Ang natatawa nitong tinanong dahil alam nila na akala nila ay may sasabihin siyang ibang pangalan.]

MAYA: Ah eh.. wala ang…[Nang mapabaling ito ng pansin sa kanilang bunso.] Gaby, why are you not eating your ham? I thought you are hungry.

GABY: If I eat him, I wont see him na right? [Nang makitang tumango ang lahat, kaya muling nalungkot ito at tinitigan ng husto ang kanyang ham.] Then I do not want to eat him.

LUKE: Baby, it is okey. Let me take a picture so para makikita mo pa rin siya. Okey ba iyon? [Nang makita ang munting ngiti ng kapatid, kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang kapatid at ang ham nito.] O ayan Baby, may remembrance ka na..[Matapos noon ay sinumulan ng kumain ang kapatid.]20130823-213216.jpg

MAYA: Ito talagang si Bunso naming. Kailangan pa ang souvenir? Kanino kaya ito nagmana? [Natatawang tanong nito..]

SIR CHIEF: Kanino nga kaya? [Ang tanging naging sagot ng asawa na siyang sinundan ng tawanan ng buong mag-anak.]

****

SA SUSUNOD:

“Parang kilala ko yung lalaking iyon ah.”

“Luke…”

***
[AUTHOR’S NOTE 1: Jeckkabot @jextone, thanks for reading my stories kahit napipilitan ka lang. Ha Ha Ha Dahil sa love na love kita, ginawan kita ng kakambal. Hope you like “her”.]

[AUTHOR’S NOTE 2: The twin names were taken after my goddaughters’ names – Nisha and Nikka. Their mom Lenski and Dad Boyet surely picked truly lovable names for them and their kid brother Gerard.]

[AUTHOR’S NOTE 3: This was the picture that inspired me to write the Best Friend series. I would like to thank his mom Janice and his grandma Evelyn for giving me permission to share his pictures and for their encouragement to use him as my inspiration to write about Sir Chief and Maya’s son. Credit is also due to them for the monicker “Little Mischief of Sir Chief” that aptly describe the son of Sir Chief and Maya that I envisioned him to be. Thank you Connor for the inspiration! This was a real Ho Ho Ho experience for me.]

20130823-215504.jpg

82 thoughts on “Best Friend: Chapter 4: Brothers and Sisters.

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s