YO SOY MAYA LA FEA – Parts 1-3

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. 


A/N: Hi EB readers! Naisip ko lang po ipag-merge ang dalawa sa favorite seryes ko: ang Be Careful With My Heart at Betty La Fea. I don’t know how the readers will take this… pero try lang po… Take note, alam ko pong napakaganda ni Maya… pero twist lang po ng story… she will start out as an ugly duckling here who eventually will turn into a beautiful swan. =)
AuthorCorUnum
~*~

YO SOY MAYA LA FEA Part 1:

AKO SI MAYA, ANG PANGIT

 

Ako si Maya dela Rosa. Pangarap kong maging isang flight stewardess. Bata pa lang ako gusto ko na ‘yun. Gusto ko kasing makasakay sa eroplano. At higit sa lahat, gusto kong makapunta sa iba’t-ibang lugar. Pursigido ako sa aking pangarap. Inspirasyon ko ‘yun kaya nag-aral ako ng mabuti. Kaya sa awa ng Diyos, nag-graduate akong Cum Laude… ‘Yun nga lang, hindi International Studies ang kinuha kong kurso kundi Accountancy (at sa awa pa rin ni Lord, CPA na ako ngayon!). Dalawa ang dahilan, una, hindi afford nina Nanay at Tatay na paaralin ako ng kursong gusto ko. Pangalawa, hitsura pa lang daw ay hindi na ako pasado… Hindi ko naman sinasabing pangit ako… siguro kinulang lang talaga ako sa ganda… sige na nga… medyo ‘di ako maganda… sa unang tingin! Kasi makapal ang sinusuot kong salamin. Walang magagawa… 300 ang grado ng mata ko eh. Tapos dahil sa sungki-sungki kong ngipin, pina-brace ako ng Ninang Fe kong mayaman. Pa-graduate n’ya raw sa’kin. Sabi ni Stephanie, ‘yung ka-batch ko noong College, nerdy daw ang hitsura ko.

Pero alam ninyo, kahit sa tingin ng iba ay pangit ako, pakiramdam ko, may natatago akong ganda… ang problema nga lang, hindi ko alam kung paano ilabas… kasi parang kahit sa akin nagtatago ang ganda ko. Sinusubukan ko namang magpaganda. Nagpopolbo naman ako ng Johnson’s Baby Powder at nilalagyan ng petroleum jelly ang labi ko. Nagpa-full bangs nga ako eh. Kaso parang araw-araw bad hair day ako.

Sa totoo lang naman, hindi ako partikular sa hitsura ko. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, sobrang naisip kong sana ay naging maganda ako. Ngayon kasi naghahanap ako ng trabaho. Kung tutuusin dapat madali akong makakita ng trabaho kasi maganda naman ang Transcript of Records ko. Pero kasi, parang nate-turn off ang mga interviewers sa hitsura ko. Hay, unfair kaya ‘yun! Discrimination ‘yun! Ang mga tao talaga. Hindi lang pala racial ang discrimination. Pati pala sa hitsura.

Nahihiya na nga ako kina Nanay at Tatay. Napaka-supportive naman nila. Hindi naman nila hinihiling sa akin na magtrabaho na ako agad agad! Pero siyempre, gusto kong magkaroon ng magandang trabaho para matulungan ko ang pamilya ko. Isa pa, gusto ko pa ring maabot ang pangarap kong maging flight stewardess. Hindi ko alam eh pero parang may nagsasabi sa aking balang araw, matutupad ko ‘yun… kahit pangit ako. Aba malay ko ba kung magkaroon ng batas na pwedeng maging flight stewardess ang pangit?

“Maya ‘nak! Halika na sa baba at kakain na tayo!” Tawag sa’kin ni Nanay Teresita. “Opo ‘nay!” Sagot ko, sabay ligpit ng mga diyaryong puro gupit na ang classified ads. Bumaba na ako para sabayan sina Nanay Teresita, Tatay Arturo at ang kapatid kong si Cristina Rose, ang aking Kute (Kuya at Ate). Bago kumain ay nagdasal muna kami. “O bunso, mag-a-apply ka ba ulit ngayon?”, tanong sa akin ni Kute. “Oo Kute. Mag-a-apply ulit ako.” “Aba, hanga na ako sa fighting spirit mo. Isang buwan mo nang sinusuyod ang Maynila, ah. Sabi naman sa’yo, tulungan mo na lang ako sa souvenir shop natin.” Sabi ni Tatay. “’Tay, hindi naman po sa ayaw ko sa souvenir shop. Pero mas malaki po ang kikitain ko kung gagamitin ko ang pagiging accountant ko. Tsaka isa pa po, naniniwala akong hindi nagwawagi ang umaayaw at hindi umaayaw ang nagwawagi!” “Naks! D’yan ako hanga sa anak ko!” Natutuwang sabi ni Nanay.

 

“Eh, saan mo ba balak mag-apply ngayon?” Tanong ni Tatay pagkatapos sumubo. “Sa Lim Aviation Services po. Nakita ko po sa classified ads na naghahanap sila ng CPA. Immediate hiring daw.” “Good luck!” Sigaw ng buong pamilya ko. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. “Salamat! Basta tayong lahat….” Sabay-sabay naming sabi: “Kapit-bisig!”

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 2:

PALIKERONG SINGKIT

Si Richard Lim… s’ya ang may-ari ng Lim Aviation Services. Bukod sa napaka-galing sa negosyo ay napaka-galing din magpaiyak ng mga babae. “Hindi ko kasalanang hinahabol nila ako.” Sabi n’ya sa best friend at business partner n’yang si Ryan Sandoval. Nakangiti, ngunit napailing na lamang si Ryan. May punto si Richard. Habulin s’ya ng mga babae — magaganda at mapupusok na mga babae. Ayon pa kay Richard, nagiging mabait pa s’ya dahil “pinagbibigyan” n’ya ang mga ito. Pero matapos ang ilang linggo, iniiwan na lamang ni Richard ang babaeng luhaan. “Brod, aminin mo na. Palikero ka!” “No! I just know how to enjoy. And I’m sure, the ladies also enjoy my company.” “Eh naisip mo na bang ang gusto ng babae ay commitment?” “Hindi ko kasalanan kung gusto nila ‘yun. Basta ako, I’m as free as a bird. I haven’t found the girl who will make me want to commit.” “Eh ano nga bang problema mo, Richard Lim? Sa dinami-dami ng mga magagandang babaeng nakapaligid sa’yo, wala kang sineryoso!” Ngumiti lamang si Richard. Hindi n’ya alam. Pero parang may hinahanap pa s’ya. Isang mas malalim na batayan bukod sa pisikal na kagandahan para tumibok ang puso n’ya.

Naputol ang usapan ng magkaibigan nang kumatok si Liza. “Excuse me Sir Richard. Your dad is outside. He wishes to speak with you.” “Sige, Liza. Tell him to come and see me.” “Ah, brod, sige na… babalik na ako sa opisina ko. Nararamdaman kong masasabon ka nanaman ni Tito eh.” Biro ni Ryan. Pagkalabas ni Ryan ay pumasok naman si Don Roberto Lim, ang ama ni Richard. “Pa… please sit down. What brought you here?” Habang umuupo ay tinanong s’ya ni Don Roberto. “Have you hired an accountant na kapalit ni Josephine?” Napataas ang kilay ni Richard. Alam n’yang galit pa rin ang kanyang ama sa biglang pagre-resign ni Josephine, ang CPA ng Lim Aviation Services. “N-not yet. But…” “Ricky, ano ka ba naman?! It’s been a while since she left… tapos wala ka pa ring naiipalit? At isa pa, baka nakakalimutan mo kung bakit biglang umalis si Josephine…” “Pa…” “Oh come on! You flirted with her! ‘Di’ba sinabi ko sa’yo na it’s not a good idea to mess with your employees?” “Pa, I did not flirt with her. She flirted with me!” “Pareho na rin ‘yun!” Muli, natigil ang bangayan ng dalawa nang kumatok si Liza. “Sir Roberto, excuse po. The first applicant for the accountant post is here.” “Ah, yes Liza. Sabihin mo pumasok na rito.” Sabi ni Don Roberto.

“What’s this Pa?” “I’m going to help you interview a new accountant. Ang bagal mo kasi. At isa pa, ayokong magandang babae nanaman ang iha-hire mo at baka maulit ang nangyari kay Josephine!” Napailing na lamang si Richard. Nang pumasok ang aplikante, parehong napatitig sa gulat ang mag-ama.

YO SOY MAYA LA FEA Part 3:

ANG PALIKERO AT ANG PANGIT – ANG PAGHAHARAP

Masakit na ang panga ko sa kakangiti. Pero parang nakakita ng multo ang dalawang mamang singkit na mag-i-interview sa akin. “Good morning po, mga sir.” Sabi ko. “Ah, g-good morning, Ms…” Sabi ng mas nakatatandang singkit. ‘Yung mas bata at mas gwapong singkit mukhang gulat pa rin sa itsura ko. “Maya. My name is Maya dela Rosa sir. I’m applying for the accountant post.” Sabi ko ulit habang pilit na ngumingiti. Hindi ko gusto ang titig sa akin ng dalawang singkit. Hindi ito titig ng paghanga. Titig ito ng pagkagulat. Para silang bagong panood ng The Conjuring. Pero alam kong sa kanila nakasalalay ang career ko kaya ngiti lang ako.

“Ah, please take a seat, Ms. dela Rosa. My name is Mr. Roberto Lim, and this here is my son, Richard. He owns Lim Aviation.” “Good morning, Mr. Lim and… Mr. Richard.” Bati ko habang kinakamayan si Mr. Lim at tinitingnan ang gwapo n’yang anak… ang gwapo n’yang anak na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-recover sa gulat. Umupo na ako. Nakangiti pa rin ako. Si Mr. Roberto Lim ngumiti na rin. Ang anak n’yang si Richard Lim tinanguan lang ako. Tapos tiningnan n’ya ng masama ang kanyang ama. Hmm, parang ‘di ko yata gusto ang ugali ng magiging future boss ko… On second thoughts, baka naman nag-ja-jump into conclusions ako. Malay ko ba mabait s’ya. Tsaka dapat laging good vibes… kaya ngiti pa rin ako!

Prinesent ko na sa dalawang Mr. Lim ang aking application letter at ang credentials ko. ‘Dun na nagsimulang magbago ang kanilang facial expressions. Si Mr. Roberto napasabi pa ng “Impressive…” habang si Mr. Richard naman ay tumango lang ulit. “You seem to be very good, Ms. dela Rosa…” simula ng nakatatandang Lim. “… but you don’t have work experience pa, right? So how can we be assured that you’ll do well?” Dugtong ng kanyang anak. Hay naku! Gwapo na talaga sana itong si Richard Lim masyado lang manghusga sa hitsura. Nahahalata kong ayaw n’ya ako i-hire. Naku, ‘pag ako gumanda WHO YOU ka sa’ken! Pero siyempre, nakangiti pa rin akong sumagot sa kanya. “Yes, Mr. Lim. It is true that as a fresh graduate, I do not have any professional experience yet. But if you re-check the credentials that I just gave you, you’ll see the recommendation letter from Mr. Tantoco, owner of Tantoco Holdings Inc. where I had my OJT. I haven’t read the said letter but from the evaluation score they gave me, I am assured that the recommendation letter is to my advantage. Since I performed well in my OJT, it comes to show that I can also perform well professionally.” Tumigil ako para tingnan ang kanilang reaksyon… at nagustuhan ko ang nakita ko kaya itinuloy ko ang mini-speech ko. I really want this job! “Isa pa Mr. Lim, I think there will be no harm in hiring me. Kaya nga po may probationary period ‘di’ba? If you find that I am not efficient enough, pwede naman po akong tanggalin. But I think you’d agree na it isn’t wise not to hire an applicant because she’s a fresh graduate.” Tinapos ko ang mini-speech na nakangiti.

Nagkatinginan ang mag-ama. Maganda na ang ngiti ni Mr. Roberto. Ito namang si Richard Lim ay napa-buntong-hininga at tumango. “Well, Richard I think Ms. dela Rosa here will make a very good employee. What have you to say?” Tanong ni Mr. Roberto Lim sa kanyang anak. Tumingin sa akin si Mamang Pogi na sana. “I think my Dad is right. It’s worth a try. You can start tomorrow, Ms. dela Rosa.” Sabi niya habang ini-e-extend ang kanyang kamay para makipag-shake hands. Sinubukan kong ipakita sa kanya ang confidence sa aking handshake. Effective naman siguro… kaya lang nang magdaop ang aming mga palad ay may kung ano akong naramdaman… hindi ko alam… pero para akong kinuryente…

To be continued… Next Chapter po: HINDI MO CRUSH SI PALIKERONG SINGKIT

Advertisements

20 thoughts on “YO SOY MAYA LA FEA – Parts 1-3

  1. Pingback: YO SOY MAYA LA FEA – Parts 4-6 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s