Miserable Life – part 1

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to Miss Aa.

A/N:Hello, I’m back again! Miss Aa is here again. Thank you nga po pala sa sumubaybay sa ‘The Song’ and sa ‘Life and Regrets’ ko. Alam kong madaming nagalit sakin kasi naiyak kayo sa ending ng ‘Life and Regrets ko’ Sa mga hindi pa nakakabasa eto po ang link: 
 
Bigla ko lang naisip na gawin ang story na ito. Sana one shot lang to pero biglang nagbago ang isip ko at ang dami na agad na ideas na pumasok kaya ginawa ko itong by chapter ulit. Hope you like it! Feel free to share your thoughts on this story! Thankyou!

Author:MissAa

~*~

PART 1

Isang gabi sa bahay ng mga Dela Rosa…

“Arturo! Bakit mo sinabi kay Maya?!”

“Teresita! Kailangan nya malaman ang totoo!”

“Tignan mo ang ginawa mo sa anak mo!”

“Nay! Tay! Di nyo nga ba ako tunay na anak?”

Napatingin sina Tatay Arturo at Nanay Teresita kay Maya. Lumapit si Nanay Teresita at hinawakan ang kanyang kamay at lumuhod. Umiiyak ito.

“Maya, kahit di ka namin tunay na Anak. Minahal ka namin na parang tunay naming anak. Kahit ba minsan naisip mo o naramdaman mo na hindi ka namin tunay na anak?”

“Nay.. Pero bakit hindi nyo sinabi sa akin?” Patuloy pa din na umiiyak si Maya. “Bakit kailangan sa iba ko pa malaman?!”

Past..

“Tao  po… Tao po..”

“Hello po, sino po ang hanap nila?”

“Eto ba ang bahay ni Teresita Dela Rosa?”

“Opo, Eto nga po. Sino po sila?”

“Kami nga pala sina Mr. and Mrs. Alvarez. Nandiyan pa si Mrs. Teresita Dela Rosa?”

“Sandali lang po ah, pasok po kayo. Nay.. May naghahanap sayo.”

“Sino naman iyon Maya?”

“Mr. and Mrs. Alvarez daw.”

Biglang namutla si Nanay Teresita at napansin ito ni Maya.

“Nay, okay ka lang ba?”

“Oo, sige. Okay lang ako. Pumasok ka muna sa kwarto mo.”

Pumasok sa kwarto si Maya at pumunta si Nanay Tere sa sala nila para kausapin sina Mr. and Mrs. Alvarez. Pero hindi napigilan ni Maya na hindi makinig sa usapan nila. Kinalabit sya ni Kute.

“Uy! Anong ginagawa mo dyan? Bawal nga makinig sa usapan ng matatanda diba?”

“Kute naman! Nac’curious lang ako, kasi ngayon ko lang sila nakita at parang hindi naman nila kaibigan si Nanay.”

“Kahit na! Mali yan.”

“Kulet naman nito ni Kute eh! Makinig ka na lang din.”

“Maya!”

“Eto na! Malayo na ko sa pintuan. Hindi na!”

Maya maya lang nadinig ang sigaw ni Nanay Teresita hanggang sa kwarto.

“Hindi! Hindi pwede! Ako ang nagpalaki sa kanya tas ganun ganun lang!”

“Pero Mrs. Dela Rosa! Anak namin sya!”

Dali- dali lumabas si Maya sa kwarto dahil baka kung ano ang mangyari.

“Nay! Ano po ang nangyayari?”

“Maya! Pumasok ka sa loob.”

“Sya ba ang Anak namin Mrs. Dela Rosa?”

“Ha? Ako Anak nyo?”

“Mr. and Mrs. Alvarez, Masyado na po ata kayong nakakaistorbo. Pwede na po kayong umalis.”  Sabi ni Nanay Tere.

“Nay! Ano ba ang nangyayari?!”

Lumapit sina Mr. and Mrs. Alvarez kay Maya at hinawakan ang kanyang kamay at niyakap sya.

“Maya, ikaw nga. Ikaw nga ang anak namin.”

Naitulak ni Maya si Mrs. Alvarez. “Ha? Bakit nyo ko magiging anak? Sina Nanay Tere at Tatay Arturo ang mga magulang ko. Baka nagkakamali lang kayo.”

“Iniwan ka naming kay Mrs. Dela Rosa noong baby ka pa lamang dahil hindi namin alam kung paano ka naming bubuhayin, pero ngayon okay na.”

“Nay, totoo ba to?”

Umiiyak lamang si Nanay Tere at ng makita ito ni Maya. Tumakbo na lamang sya pabalik sa kwarto nya.

“Maya!” Sigaw nina Mr. and Mrs. Alvarez.

“Pabayaan muna natin sya, bumalik na lamang kayo dito bukas.”

Nagkulong si Maya sa kwarto nya at iyak sya ng iyak.

“Bakit ganito? Ano bang kasalanan ko?!” Patuloy na iyak ni Maya.

Kumatok si Kute.

“Maya…”

“Kute.. iwan mo muna ako magisa.”

“Pero Maya-”

“Kute, please.”

Hindi na sya kinulit ni Kute at sumunod naman si Tatay Arturo at Nanay Teresita.

“Maya, pwede ka ba namin makausap?”

“Nay, Tay…”

“Sorry Anak, pero yun ang totoo. Totoo ang sinasabi nila Mr. and Mrs. Alvarez.”

Back to present…

Kinabukasan, pumunta ulit sina Mr. Frank and Mrs. Sophia Alvarez. Nagusap sina Maya, Tatay Arturo, Nanay Teresita, Mamang at Kute.

“Gusto po sana namin ni Frank na kunin si Maya.” Sabi ni Mrs.Sophia Alvarez.

“Na kay Maya ang desisyon na yan.” Sabi ni Tatay Arturo.

Umiiyak si Nanay Teresita, Mamang at Maya.

“Maya Anak, ano ba ang desisyon mo?”

“Sasama na po ako sa kanila Tay. Bukas.”

“Maya…” Sabi ni Nanay Teresita

“Nay, kalma lang. Bukas pa. Enjoy na lang tayo ngayon.”

“Sige po, mauna na kami ni Sophia. Maya, babalik na lang kami bukas ng gabi para makapagbonding pa kayo.” Sabi ni Frank.

“Maraming Salamat po-”

“Daddy Frank at Mommy Sophia na lang Maya.”

“Maraming Salamat po Daddy at Mommy.”

Nagpunta ang pamilya Dela Rosa sa paborito nilang lugar ang puno ng Nanay at Tatay nya. Naglatag sila ng kumot at nilabas ang mga pagkain. Umupo sila at kumuha ng mga litrato. Naglaro sila ng habulan, tagu’taguan at kung ano ano pa.

“Cho! Habulin mo si Tatay!” Sabi ni Kute.

“Opo Nay!”

Nakaupo lamang sina Maya, Nanay Tere at Mamang dahil pagod na sila. Niyakap ni Maya si Nanay Tere.

“Alam mo Nay, sa 15years na nakasama nyo ko. Kahit kailan hindi ko naramdaman na hindi nyo ko tunay na anak. Pinaramdam nyo sa akin na tunay nyo kong anak at hanggang ngayon wala pa din nagbago doon. Kaya wag ka ng malungkot Nay, kung aalis ako. Babalik at babalik din naman ako e, bibisitahin ko pa din kayo ang pinagkaiba nga lang, eh wala na ako sa bahay pero andyan pa din ako diba?” Sabay turo sa puso ni Nanay Teresita.

Naiyak si Nanay Teresita at niyakap si Maya.

“Oops! Best actress ka na talaga Nay!” Sabi ni Kute.

“Enjoy na lang tayo Teresita dahil bukas wala na si Maya pero dadalaw naman ang bunso ko diba?” Sabi ni Tatay Arturo.

“Oo naman Tay. Kayo pa ba matitiis ko?”

______________________________________________

Kinabukasan…

Dumating sina Frank at Sophia para sunduin si Maya. Nagi’impake naman si Maya sa kanyang kwarto at tinutulungan sya nina Kute, Mamang at Nanay Teresita.

“O Maya, magpapakabait ka dun. Wala ka na bang nakalimutan na dalin?”

“Wala na po Nay. Wag na kayong umiyak.”

“Oo na, sige na. Pumunta ka na dun sa salas at andun na ang mga magulang mo.”

Pumunta na si Maya sa salas at binati ang kanyang mga magulang.

“Goodmorning po Daddy at Mommy.”

“Goodmorning din Maya, ready ka na ba?”

“Opo Mom.”

“Mr. and Mrs. Dela Rosa, maraming salamat sa pagkupkop sa anak naming ni Frank. Walang hanggan ang aming pasasalamat at pinalaki nyo ng maayos ang aming anak. Baka hindi din po makadalaw ng matagal sa inyo si Maya.”

“Ha? Bakit naman?”

“Lilipad na po kasi kami sa America next week. Dun na po kami titira.”

“Mom? Dad? Bakit doon?”

“Nandoon kasi ang Lolo’t Lola mo at dun ka na din magaaral.”

“Eh. Pero–”

“Maya, sige na. Sumama ka na sa kanila, para din sayo yun. Magkikita pa naman tayo. Kapit bisig lang.”

“Opo, sige Nay. Paalam po sa inyong lahat. Mahal ko kayo. Kapit Bisig, bawal ang negative vibes!!” Sabay yakap ni Maya sa lahat.

_____________________________________________

After 5 years..

Nagdidiwang na si Maya ng kanyang 20th Birthday! Limang taon na, simula ng mawalay sya sa Pamilya Dela Rosa at ngayon kasama na nya ang Pamilya Alvarez na hindi din naman nagkulang sa kanya. Engrande ang party na inihanda sa kanya ng Lolo’t Lola nya. Lolo’s Girl nga sya kung tawagin sya ng pamilya nya, dahil sobrang close nya sa kanyang Lolo at mahal na mahal nya ito.

“Apo, I have something for you.” Her Lolo Fred said.

“Really Lolo? What is it?”

“Open this.” Her Lolo handed a red velvet box.

“Lo, masyadong mahal to.”

“Maya, di ka pa din talaga nagbabago. Buksan mo muna bago ka magreklamo Apo.”

Binuksan ni Maya, nakita nya ang  isang pares ng diamond earrings.

“Lo, this is too much. You know I can’t accept this Lo.”

“Maya, you’re my one and only granddaughter. You deserve it.”

“But, it’s too expensive Lo.”

“I don’t care about the price Maya. Basta pag sayo, everything’s worth it.”

“But-”

“No buts Maya.”

“Yes Lo. Thank you!” She kissed her Lolo on his cheeks.

“Happy Birthday Apo.”

“Thank you Lolo Fred!”  She grinned.

Nageenjoy si Maya sa party na binigay sa kanya ng kanyang pamilya, kasama nya ang kanyang friends and some relatives. Andoon ang bestfriend nyang si Emman na Filipino din.

“Maya, tignan mo yung lalaki doon.”

“Emman, alin?”

“Yun!” Sabay turo ni Emman sa direksyon kung nasaan ang isang lalaking nakatayo at may hawak na inumin.

“Yung singkit?” Tanong ni Maya.

“Oo! Ang gwapo diba? Bet ko sya for you Girl!”

“Ano ka ba Emman! Wala akong time para dyan!”

“Ohmypinkwalls!!!” Sigaw ni Emman.

“Bakit?!”

“Ang gwapo nya ngumiti.”

Napatingin si Maya at nakita nga nya na ngumiti ang Singkit na lalaki.

“Ang gwapo nga. Pero bakit ganito? Parang kinakabahan ako pag nakikita ko syang ganun.” Maya thought.

“Maya! Girl! Maya!”

“Ay Maya! Ano ba Emman!”

“Tulaley ka kay Mr. Chinito.” Sabi ni Emman. “Ohmypinkwalls! You have a crush on him no?”

“Please Emman, he’s not my type and I barely know him.”

“But, you can date him.”

“What’s the connection?”

“Diba? The reason why a boy/a girl date because gusto nila makilala ang isa’t isa.”

“No way Emman! No.” Sabay tawa ni Maya. “Kung ano ano ang naiisip mo. Maiwan na nga kita dyan.”

“Hep Girl! Saan ka pupunta?!”

“Tatawagan ko sina Nanay sa Pinas!” Sabay takbo ni Maya.

Pumunta si Maya sa CR para tahimik kasi sobrang ingay sa labas ng bahay nila. Tinawagan nya ang kanyang Nanay Teresita.

Ring.. Ring.. Ring..

“Maya? Anak! Maligayang Kaarawan!”

“Nay!! I miss you na po! Buti naman po, naalala nyo. Maraming Salamat po Nay!”

“Miss na miss ka na din namin. Osiya Anak! Magenjoy ka dyan ah! I love you!”

“I love you din po Nay.” Hindi napigilan ni Maya na maluha, dahil sa sobrang miss na nya ang kanyang Pamilya Dela Rosa.

Pagkalabas nya ng CR, sumalubong sa kanya si Emman.

“Girl! Hanap ka nga pala ng Lolo mo!!”

“Why so hyper Emman? Tinatawag lang naman ako.”

“Basta Girl!! Sobrang kilig.”

“Ha? Bakit?”

“Basta! Sumama ka na sa akin!”

Nagpunta na sina Emman at Maya sa office ng kanyang Lolo. Pagkabukas ng pinto…

“Hala?! Andito si Mr. Singkit!” Maya thought. But naging relax pa din si Maya.

“What is it Lo? Pinapatawag nyo daw po ako.”

“Thanks Emman! Pwede mo na kaming iwan.”

“Sige po Lolo Fred, My pleasure.” Emman said. “O Maya, ayan na si Mr. Singkit mo. Goodluck.” He whispered to Maya.

“Maupo ka Apo.”

“Sige po Lo.”

“Maya, I want you to meet Richard and Richard this is Maya, my grand-daughter”

“Hello Maya! Nice to meet you.” Richard handed his hand for a handshake.

“Hello Richard! Nice to meet you also.”

“And Maya, I want you to meet Richard’s Father. Mr. Roberto Lim.”

“Goodevening Ms. Maya Alvarez. My pleasure to meet you.”

“Goodevening Mr. Alvarez. Same to you Mister.” Maya smiled at him.

“I love your Apo Fred! She’s very bubbly and she inherited your charming looks.”

“Ofcourse Kumpadre! Kanino pa ba magmamana ang Apo ko kung hindi sa Lolo lang nya.”

“Hija, you have a very attractive eyes.”

“Thank you po Mr. Lim.”

“You can call me Papa Roberto.”

“Ha? Bakit naman po?”

“Magiging Papa mo din naman ako Hija.”

“Po? Ano po yun ulit?”

“Ah, Maya Apo. Ikakasal na din kasi kayo ni Richard next month.”

“What?!” Sabay na sabi nina Richard at Maya.

“I can’t believe this! Lolo, you arranged something for me without even asking about my opinion?”

“Maya, this is for your own good.”

“Lo, did you ask Mom and Dad about this?”

“You know I won’t do that Maya! Your Mom and Dad left you since you’re here!”

“No! Babalik sila! Alam ko yan.”

“Maya Apo! This is for your own good. I swear.”

“How can that be?! This is unacceptable Lolo.”

So, Maya ran outside the room and slam the door.

“I’m so sorry about that Mr. Lim. Pero wag kang magalala, mapipilit ko din yan si Maya.”

“Oh Richard Anak, yan ang mapapangasawa mo. Matapang.”

“Dad! Ayoko. Just like what Maya said.”

“Richard! Wala ka ng magagawa! This is for your own good also.”

Umalis na din si Richard sa office ng Lolo ni Maya at lumabas para magpahangin. Natapos na ang party at nagsialisan na lahat ng bisita ngunit andoon pa din sina Mr. Lim at Richard. Nagpunta si Richard sa isang madilim na sulok ng bahay nila Maya at may nakita sya isang babae na umiiyak…

Lumapit sya at tinabihan ang babae, hindi nya ito nakilala sa dilim ng lugar.

“Alam mo Miss, wag ka ng umiyak kasi nakakapanget yun.”

Biglang napatingin si Maya sa lalaki, hindi nya din ito makita. Alam ni Richard na nakatingin sa kanya ang babae kaya akala nya hindi sya maintindihan nito.

“I’m so sorry Miss. Don’t cry or else-”

“Naiintindihan kita, Don’t worry.” Maya said.

“Akala ko kasi hindi eh.” Richard said. “Bakit ka ba umiiyak?” Sabay abot ng panyo umupo sya sa tabi nito.

To be continued…

 

One thought on “Miserable Life – part 1

  1. Pingback: Miserable Life – part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s