Reservation for Three – Part 4

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 3


A/N: Nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa at sumusuporta sa istoryang ito. Thank you sa mga nagkocomment for the story’s improvement. Thank you sa EB for inspiring me and giving me the opportunity to share this story in this wonderful site. May mga nanghula kung sino ang temporary replacement ni  Mang Lem and dito pa lang, sasabihin ko na tama ang hula niyo. =) Sabi ko naman sa inyo sobrang obvious e. 😉 May spacing problems yung last two chapters recently, hindi ko alam pero sa Word document na inemail ko sa EB okay naman. Pag di pa rin okay, gagawan ko na lang po ng paraan and salamat sa pagtitiyaga kahit may problem sa spacing. Sorry rin kung medyo magiging madalang yung updates. Hindi naman ganun kadalang. Malapit na kasi mag hell month sa UP kaya kailangan na po magsipag sa pag-aaral. I’ll try my best to update whenever I can. =) So, here it is, Part 4.

 

Author: missserenity

~*~

 

Sa office ni Liza…

Liza: Bago po ang lahat, ako nga po pala si Liza ang secretary ni Mr. Lim. Hindi ho nabanggit sa’kin ni Sir ang pangalan ninyo.

Mang Lem’s replacement: Ako nga po pala si Arturo. Arturo dela Rosa.

Liza: Mang Arturo, nagbabakasakali lang po pero may kilala po ba kayong Maya dela Rosa?

Mang Arturo: Maya ang pangalan ng anak ko. Matagal ko na nga siyang hindi nakikita e. Pero mahal na mahal ko ang batang yun at ang ate niya.

Kinutuban si Liza.

Liza: Bata? Bata pa po ba yung anak niyo?

Mang Arturo: Noong huli ko kasi siyang nakita bata pa siya. Pasensya na. Kung tama ako, beinte singko anyos na siya ngayon.

Liza: Ah ganoon po ba. Mang Arturo sandali lang at may kailangan lang akong tawagan.

Mang Arturo: Sige po Mam Liza.

Liza: Liza na lang po, Mang Arturo.

Mang Arturo: Sige, Liza.

 

Habang nangyayari ito, nasa meeting si Richard sa conference room.

Liza calling…

Liza: Sir, I need you down here at my office. May emergency po. We really need you here, sir.

Richard: Okay, Liza calm down. Patapos na rin naman ang meeting. I’ll be right there.

Liza: Okay, sir please hurry up. It can’t wait.

 

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay nag meeting adjourned na ang mga kameeting ni Richard kaya nakaalis na siya at pumunta na siya agad sa office ni Liza.

 

Richard: Liza, what’s the emergency?

Liza: Everything’s fine, sir. I just wanted you to meet Mang Lem’s replacement as soon as possible.

Liza: Mang Arturo, siya po ang boss natin. Si Mr. Richard Lim.

Mang Arturo: Ako po yung nirekomenda ni Lem, ako po si Arturo, Arturo dela Rosa.

Liza: Yes, sir. Siya po si Arturo dela Rosa. That’s why I wanted you to meet him immediately.

Richard: Kayo? Kayo po ang tatay ni Maya?

Mang Arturo: Ako nga po. Teka, bakit niyo nga pala nababanggit si Maya? Kilala niyo ba ang anak ko?

Richard: Liza, you can leave us here. Ako nang bahala rito.

Liza: Okay, sir. Call me if you need anything else.

Richard: Mang Arturo, hindi ko lang po kilala ang anak niyo. Kilalang kilala ko po siya at siya ang babaeng mahal na mahal ko. Ako po ang boyfriend ni Maya.

Mang Arturo: Ikaw? Ikaw ang boyfriend ni Maya, Sir Richard? Ang dami ko na talagang hindi alam tungkol sa mga anak ko. Sir Richard, pwede niyo po bang ikwento sa’kin ang lahat lahat tungkol sa mga anak ko lalong lalo na sa bunso ko.

 

Ramdam ni Richard ang pangungulila ni Mang Arturo sa kanyang mga anak. Marami siyang gustong itanong. Kung bakit siya bigalang nawala, ano ang rason niya kung bakit niya iniwan ang mag-iina niya pero pinagbigyan niya muna ang hiling nito kaya kwinento niya ang lahat lahat ng nangyari kay Maya simula ng mapadpad siya sa Maynila, kung paano niya nakamit ang pangarap niyang maging Flight Attendant at kung gaano kabait at kamahal ni Maya ang kanyang mga anak. Kalaunan, nagkwento na rin siya tungkol sa kanyang sarili at kung gaano niya kamahal si Maya. Tutal, naisip niya tatay pa rin siya ni Maya at alam niyang mahal pa rin ni Maya ang tatay niya kahit iniwan sila nito. Pagkatapos magkwento ni Richard, si Tatay Arturo naman ang nagkwento kay Richard ng kahit anong gustong malaman ni Richard sa kanyang future biyenan. Napalagay ang loob ni Richard at Mang Arturo sa isa’t isa. Nang ilahad ni Richard na si Mang Arturo ang maghahatid sa kanila papunta sa restaurant at sa cruise ship.

Richard: Si Mang Lem ho sana ang dapat magdrive nung limousine na sasakyan namin ni Maya. Pero mapaglaro rin po pala ang tadhana kasi po sa lahat po ng tao na pwedeng panandaliang pumalit kay Mang Lem, kayo pa po ang nirekomenda niya, Mang Arturo.

Mang Arturo: Tatay Arturo na lang, Sir Richard.

Richard: Richard na lang ho, tatay Arturo. Malapit na rin ho maging manugang ninyo.

Tatay Arturo: Mabuti kang tao, Richard at base sa mga nakwento mo sa akin ay napatunayan mo sa akin na mahal na mahal mo nga talaga ang anak ko. Kaya naman payag na payag ako na ikaw ang maging manugang ko. Pero kapag sinaktan mo ang aking pinakamamahal na Maya, nako. Hindi mo alam kung anong pwede kong gawin sa’yo. Pero hindi pa ko handang humarap kay Maya, sigurado ako galit yun sa’kin.

Richard: Tatay Arturo, ngayon pa lang ay huwag niyo pong isipin yan dahil sigurado po ako na mahal na mahal po kayo ni Maya at hinding hindi po kailanman nagtatanim ng galit at sama ng loob si Maya. Kung hindi pa po kayo magkikita, kailan pa? Itinakda na po ito na mangyari. Ganito na lang po, maglalunch po kami ni Maya sa first anniversary namin at gusto ko po na kasama namin kayo dun. Pwede po ba kayong maging parte ng surpresa ko kay Maya para sa anniversary namin?

Tatay Arturo: Sige, Richard. Basta alalayan mo ko kung sakaling hindi maging maganda ang reaksiyon ni Maya pag nagkita kami ha.

Richard: Ako po ang bahala sa inyo, Tatay Arturo. Bale, ganito po yung plano…

 

A/N: Hanggang dito na lang. Hindi ko na itatype ulit yung plano kasi I’m sure alam niyo naman na ang mangyayari. Hindi ko pa sinusulat yung reason ni Tatay Arturo kung bakit siya umalis. I already have something in mind but I am still open to new ideas and suggestions. Please forgive me for my shameless plugging. Please take time to visit my blog at missserenityfanfics.wordpress.com this is where I post updates, new chapters and other random stuff. Thank you, guys! Kapit-bisig and till the next chapter! 😉

Advertisements

3 thoughts on “Reservation for Three – Part 4

  1. Pingback: Reservation for Three – part 5 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s