The Auction Part 9

Merry Christmas everyone!!! (You know what I mean hehehe)

Shameless plug ulit – Made my own blog http://roxygirl5.wordpress.com/ please check it out if you have time and yes I love reading your comments :)

Kapit-bisig everyone.

CHAPTER 9

“Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari.” Si Maya.

“W-what do you mean?”

“P-pumapayag na ako sa- sa…” Pilit hinahanapan ni Maya ng tamang mga salita ang gustong sabihin ngunit nabigla na lamang siya ng bigla siyang kabigin ni Richard at halikan.

They we’re both gasping for air after the kiss…

“I need to go home.  The kids are waiting for me.  We will talk about this again pero wala ng bawian.” Again Richard kissed her… now gentler.

Naiwang nakatulala si Maya ni hindi niya namalayang nakaalis na pala si Richard.

**********

“What???” si Emman. “Ano bang iniisip mo? Bakit ka pumayag?”

Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Emman dahil naging busy ang huli dahil isa na rin itong Flight Attendant.  Ngayon nga na medyo naging ok ang schedule nito ay agad siya nitong tinawagan para mag-bonding.  Napagkasunduan nilang magkita sa isang coffee –shop.

“Emman, ano ka ba naman ang lakas ng boses mo.”

“E kasi naman girl kung ano-ano ang pinapasok mo.  First, the Auction which I didn’t approve then now eto naman.  Gosh Maya may balak ka bang tumakbong Santa sa Roma?”

“Emman naman.  K-kung makikita mo lang ang itsura ni Ser Chief ngayon… ewan ko nakokonsensiya ako.”

Hindi malaman ni Emman kung maiinis o maaawa siya sa kaibigan.  Minsan naman talaga kasi sobra-sobra ang kabaitan nito.

“Ok, sige.  E bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya yung totoo kung talagang naaawa ka sa kanya?  Maya I know naman that you still love him so bakit kailangan n’yo pang pahirapan ang isa’t-isa.”

“Emman, ilang beses ko na bang sinabi sa iyo yung dahilan.  Ayaw kong magkagulo sila ng mga magulang niya lalong-lalo na ng mama niya.”

“E yun nga e, lagi mo na lang iniisip ang iba e pano naman kayong dalawa, ikaw, si Ser Chief mo?”

Natahimik si Maya sa mga sinabi ni Emman.  Naguguluhan na rin talaga siya sa mga tinatakbo ng mga pangyayari.

Para namang nakonsensiya si Emman kaya agad niyang inalo si Maya.

“Ok sige na, haay, sino pa bang iintindi sa’yo kundi ang pinakamaganda mong friend.”  Ngumiti na si Emman at niyakap ang kaibigan.

“Thank you Emman.”  Si Maya.

“O sige, tama na ang emote.  So paano ang set-up ninyo ng Ser Chief mo?”

“A-ang totoo hindi ko alam.  It’s been a week pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.”

Tiningnan ni Emman si Maya, maya-maya pa ay bumungad ang nakakalokong-ngiti sa mukha nito. “E bakit parang nalulungkot ka na hindi nagpaparamdam sa’yo ang Ser Chief mo?”

“Emman naman eh.”

“Kidding-aside, baka nagbago na ang isip ni Sir Richard.  Siguro naisip niya na may pinagsamahan naman kayo dati at nakokonsensya siya kung itutuloy niya yung gusto niyang mangyari.  Atleast hindi ka na obligadong gawin yung gusto niya.”

“Pinagsamahan” ganun na lang ba talaga siya kay Richard.

“The truth is ayaw ko din naman yung gusto niyang mangyari.  Pero siguro nga masyado mo siyang nasaktan sa ginawa mo.  Pero hindi pa rin enough reason yun para hingin niya ang ganun sa’yo to gain his forgiveness.  Pero again hindi din naman natin siya masisisi kasi hindi naman niya alam kung bakit mo ginawa yun noon.  Ano ba yan pati ako nalilito na kung sino ang tama o mali sa inyo.”  Ang mahabang  paliwanag ni Emman.  “Basta ang alam ko lang mahal mo pa rin si Sir Richard and for sure mahal ka pa rin nun ayaw lang nun aminin kasi natapakan mo ang ego niya dahil akala niya niloko mo siya.”  Hinawakan ni Emman ang kamay ni Maya at seryosong sinabing “Pero roomie if you have the chance, this time na ipaglaban si Sir Richard sana gawin mo.  Kasi you two are destined to be together simula pa lang.”

Tuluyan ng umiyak si Maya sa mga sinabi ni Emman.  Ito lang talaga ang napagsasabihan niya ng mga ganitong bagay and she is very thankful at naging kaibigan niya ito.  Kahit kasi kay Kute ay nilihim niya ang tungkol sa Auction.  Ayaw na niyang masama pa sa gulo ang pamilya niya.  Isa pa natatakot siyang malaman ni Mamang ang tungkol dito at baka makasama pa sa kalagayan nito.

“Thank you Emman, thank you talaga.”

“O tama na ang iyak at baka kung anong isipin ng mga tao dito.”  Kunwaring nililingon ni Emman ang mga taong nasa paligid.

“Sorry.” Ang nangingiti na rin niyang sabi sa kaibigan. “Ikaw kasi eh.”

“Anong ako?  Mabuti pa pagkuwentuhan na lang natin si Wilson.  Hay naku Maya…”  at tuloy-tuloy ng nagkuwento si Emman tungkol sa kanyang ultimate-crush na si Wilson.

**************

It’s been a week mula ng huli niyang makita si Maya and he really misses her.

Nagkaroon ng malaking problema sa kanilang opisina sa Singapore, ayaw man niyang puntahan ito pero wala siyang nagawa.  Masyadong malaki ang problema at hindi niya puwedeng ipagkatiwala sa kung sino man.  Gustong-gusto na niyang tawagan si Maya.  He wanted to hear her voice pero hindi niya ginawa, natatakot siyang baka bawiin nito ang pagpayag sa proposal niya.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at ginawa niya ang ganung klaseng proposal kay Maya.  Siguro nga desperado na siya.  Two days is not enough for him.  Masyado itong maikli para sa kanya.

***************

“Anong ginagawa mo dito?” si Maya.

“You said yes remember?” dire-diretso itong  pumasok sa loob ng bahay ni Maya.  Umupo ito sa gitna ng sofa at inilagay ang isang braso sa mga mata, halatang pagod ito.

Napansin ni Maya ang bag na dala nito.

“Bakit may dala kang bag?” tanong muli ni Maya.

Hindi ito sumasagot… hindi tuloy alam ni Maya kung nakatulog na agad ito.  She sits on the corner of the couch.  Pinapakiramdaman niya kung totoo ngang nakatulog ito kaya naman nabigla na lang siya ng bigla itong humiga and placed his head on her lap.

“R-richard.”

“Dito ka lang.” ang sabi nito.

“K-kumain ka na ba?”

“Ok lang ako basta dito ka lang.”  He even took one of her hand and intertwined it with his.

Hindi alam ni Maya kung iiwas siya o pababayaan lang niya ang mga nangyayari.  She did the latter.  Maya-maya pa ay nakatulog na rin si Richard.  She placed her other hand on his hair and started caressing it.  Na-miss niya ang ginagawa niyang ito kay Richard.  Nung sila pa madalas ay nakakatulog ito sa kanyang kandungan dahil kahit pagod ito ay sinisigurado nitong nasusundo o di kaya naman ay napupuntahan siya nito.  Para itong batang hinehele niya hanggang sa makatulog na rin siya.

*************

Naalimpungatan si Richard, naramdaman niyang wala siya sa sariling kuwarto.  Tiningnan niya ang paligid niya at naalala niyang nasa bahay siya ni Maya.  Nakatulog pala siya sa sofa pero ang natatandaan niya kanina lang ay nasa tabi niya si Maya.

Tumayo siya at tumungo sa kuwarto ni Maya.  Alam niyang mali ang ginagawa niya, invading Maya’s privacy pero hindi niya mapigilan ang sarili.  He misses her so much and he wanted to be by her side.  He went to her bed at tumabi siya dito.   He just stared at her as if memorizing her features, namiss niya ang ganito, ang titigan si Maya habang natutulog ito.  Nabigla na lang siya ng gumalaw ito at maya-maya pa ay magsalita.

“Hmmm Ser Chief.”

Napangiti siya.  Nanaginip si Maya at siya ang napapanaginipan nito.

Richard gently placed Maya’s head on her arms and hugged her.  Sinigurado niyang hindi niya ito magigising.

It felt so right having Maya in his arms.

Everything is perfect… so perfect that he slept with a smile on his face.

*************

It felt so empty…

Tama ang hinala niya, wala na naman si Maya sa tabi niya.  Naiinis siya dahil nakakasanayan na yata nito ang umalis sa tabi niya bago pa siya magising.

Sabihin ng masama ang gising niya or naka-tiger-mode siya but he is starting to hate the idea that everytime he wakes up Maya is not there at his side.

He went out of the room at nakaamoy siya ng nilulutong pagkain.  Kumalam ang sikmura niya, ilang araw na rin kasi siyang hindi kumakain ng tama.  He went staright to the kitchen and  saw Maya preparing some breakfast.  Ngunit kahit pa nagugutom ay hindi siya nagsalita para makuha ang atensyon ni Maya.  Gusto muna niya itong pagmasdan.  Kung ano man ang inis na nararamdaman niya kanina ay nawalang lahat.

Noong sila pa, madalas ay pinagluluto siya nito pati ang mga bata.  Minsan pa nga ay binibiro ito ni Sabel at sinasabihang baka mawalan ng trabaho ang huli dahil kay Maya.   Gustong-gusto niyang tinitingnan ito habang busy sa mga gawain sa kusina.

He just loves how she takes care of him and his family.

*************

Naramdaman niyang tila may nakatitig sa kanya kaya naman lumingon siya sa kanyang likuran.  Nagulat siya… sa pintuan ng kusina ay nakatayo at nakatitig sa kanya si Richard.  Agad naman siyang nakabawi at tinuloy ang pagluluto.

“Nagluluto ako ng champurado at tuyo for your breakfast.  Yun ang gusto mo diba?”  Hindi na ulit niya nilingon si Richard.  Natatakot siyang baka makita nito kung gaano kalakas pa rin ang epekto nito sa kanya.

“Dito ka ba kakain ng tanghalian?  Ipagluluto kita ng kare-kare.”  Hind pa rin sumasagot si Richard kaya naman nagulat na lang siya ng…

Richard arms sweeps from behind and hugged her tightly.

He keeps quiet for a long moment.  Then, a whisper.

“I miss you.” si Richard.

to be continued…

-roxygirl5-

33 thoughts on “The Auction Part 9

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s