Reservation For Three – part 6

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 5.


A/N:Author’s note: Kung last chapter ay tungkol sa Mission Impossible ni Nikki at Emman, sa part 6 naman ay ang Operation Distract Maya nina Richard, Luke at Abby! Hindi ito katulad nung amusement park episode dati. Although, memorable sa’kin yung episode na yun dahil sa pag-uusap noon ni Ser Chief at Nay Teresita tungkol sa intentions ni SC kay Maya, na he’s willing to wait na maachieve muna ni Maya yung mga pangarap niya. =) Anyway, maraming salamat ulit sa mga masugid na mambabasa ng fanfic na ito! Super thankie rin sa EBU! Enjoy reading! =)

 

Author: missserenity

 

~*~

 

Nang makaalis na sila Richard, Maya, Abby at Luke hindi maiwasang magtanong ni Richard.

Richard: Luke, have you texted your sister? Okay lang daw ba siya kina Stacey? Please remind her na magpasundo kay Joma after they’re done with their West Teatro stuff.

Luke: Okay po, dad.

Maya: Ser Chief, saying naman hindi nakasama si Nikki ano.

Richard: Alam mo naman yang si Niks, studies and other extra-curricular activities muna ang priority.

Abby: Dad’s right, Ate Maya! We’ll bring back pasalubong na lang for her mamaya.

Maya: Magandang idea yan baby!

Ilang minute pa ay nakarating na sila sa Amusement Park (yung dun sa may Pasay. SC. ;))

Richard: We’re here.

Abby: Daddy, di ba po nakapunta na tayo dito last time with Nay Teresita, Lola Mamang and Cho?

Richard: Yes, baby dito yun. Pero ngayon, tayo ang magbabonding. Si Cho kasi ang lagi mong kasama nun e.

Luke: Sus! Si dad nagselos pa kay Cho! Tara na baby! Gusto mo mag bump cars muna tayo?

Abby: Tara po kuya! I wanna drive my own bump car po.

Richard: Ikaw, Maya? Gusto mo mag bump cars?

Maya: Tara, Ser Chief! Mukhang masaya yun! Ako magdadrive ha!

Richard: Sige. Sakay na lang ako sa tabi mo.

Abby: Okay, tara na po.

Si Abby at Luke ay nasa isang car. Si Abby ang magdadrive kaya nandun si Luke para alalayan at iguide si Abby. Si Maya at Richard naman ay nasa isang car din. Si Maya ang magdadrive.

Luke: Baby, ganto ha. Basta iikot mo lang yung steering wheel. Pag feel mong nawawalan ka na ng control, bigay mo lang sa’kin yung steering wheel ha. Ako bahala.

Abby: Okay, Kuya!

Richard: Maya, sigurado kang kaya mo? Pag hindi mo na macontrol bigay mo lang sa’kin ha.

Maya: Kayang kaya ko ‘to, Ser Chief!

Nagsimula na silang magdrive at binangga ni Abby at Luke si Richard at Maya.

Maya: Baby, ah!

Abby: Sorry, Ate Maya!

Maya: Okay lang.

Nastuck ang car ni Maya at Richard sa may corner dahil sa pagkakabangga sa kanila. Pilit inisteer ni Maya ang steering wheel pero hindi pa rin sila makaalis sa may corner. Pinatong ni Richard ang kamay niya sa mga kamay ni Maya at iginuide niya ang mga kamay niya sa pagiisteer ng wheel. Sa tulong ni Richard, nakaalis din sila sa corner at nakipagbanggaan na sila sa iba pang cars. Hindi na inalis ni Richard ang mga kamay niya sa pagkakapatong sa mga kamay ni Maya. Hinayaan na lang ito ni Maya dahil gusto rin naman niya na nakapatong ang kamay ni Richard sa mga kamay niya habang nagiisteer. Si Abby naman ay madaling natuto at hindi na kinailangan ng pagguide ni Luke.

Nang matapos ito ay pinag-usapan naman nila kung saan sila sasakay na rides.

Luke: Ang galing mo magdrive kanina, baby! Hindi mo na kinailangan yung tulong ko ah!

Richard: Really, baby? Daig mo pa si Ate Maya mo! (laughs)

Abby: Bakit po daddy?

Maya: Ser Chief naman e! Hindi naman ako sanay sa ganyan e! (covers her face)

Richard: Hindi raw sanay! (imitates Maya’s way of talking) Kayang kaya ko ‘to Ser Chief! (laughs)

Luke and Abby laughs with their dad

Maya: Kayo ha! Pinagkakaisahan niyo ko! Tara na nga! O nasunod na si Luke, ikaw baby? Saan mo gusto sumakay?

Abby: Ate Maya! Let’s ride the carousel po!

Richard: Okay lang sa’yo, Luke?

Luke: Okay lang, dad. Abby’s the boss!

Sumakay na sila sa carousel.

Richard: Maya, pumili ka na kung saan ka sasakay.

Maya: Dito na lang ako, Ser Chief.

Richard: Okay, dito ko sa tabi mo.

Maya: Ser Chief, kasama natin ang mga bata.

Richard: So? Tatabi lang naman ako sa’yo ah. And besides, masasanay din sila. (to himself: Sanay na kaya sila, Maya. Ikaw na lang ata hindi e.)

Maya: May sinasabi ka Ser Chief?

Richard: Wala, sabi ko ayan na. Malapit na paandarin.

Hahawak na sana si Maya sa handle nang biglang hinawakan ni Richard ang kamay niya. Tiningnan ni Richard si Maya ng makahulugan at hindi naman matitiis ni Maya ang kanyang Ser Chief kaya hinawakan na rin niya ang kamay nito. (Holding hands while riding the carousel.😉 ) Hindi ito nakalagpas kina Luke at Abby.

Luke: Tingnan mo si Dad at Ate Maya, Abby oh.

Abby: Oo nga, Kuya. They’re so sweet. Nagholding hands pa sila while riding the carousel.

Luke: Hanep maka damoves si Dad!

Abby: Kuya, what’s damoves?

Luke: Wala, baby. Ieexplain ko na lang sa’yo pag big girl ka na.

Abby: Okay po. (A/N: Ang dali mo naming sumuko, Abby!)

After riding the carousel naglakad lakad muna sila at nakita nila yung Dr. Fish. Yung small fishes na nagtatanggal ng dead skin cells sa paa.

Abby: Daddy, I want to try that po.

Richard: Okay, baby. We’ll try that. Tanggalin niyo na yung shoes niyo, guys.

Maya: Pati ako, Ser Chief?

Richard: Yes, Maya. We’ll all try that.

Medyo nagdadalawang isip si Maya kung ibababa niya ang mga paa niya sa tubig. Noong binaba ni Abby ang mga paa niya ay narinig ni Maya na nagtititili at tumatalon talon si Abby.

Maya: Baby? May problema ba? Bakit ka tumitili?

Abby: Ate Maya, nakakakiliti po kasi e.

Noong binaba na ni Maya ang mga paa niya, she had the same reaction as Abby. Mas matindi nga lang yung kay Maya.

Richard: Maya, kalma lang.

Richard holds Maya and let her sit beside him.

Richard: Maya, tiisin mo. Sa una lang yan ganyan. Pag nasanay ka na, you’ll like the feeling.

Nakaakbay si Richard kay Maya all throughout. Hindi niya binitiwan ito hangga’t hindi pa ito nasasanay. The moment na nasanay na si Maya…

Maya: Tama ka nga, Ser Chief! Masarap nga sa pakiramdam. Salamat sa pag-alalay sa’kin ha.

Richard: Wala yun, Maya. I wanted you to enjoy the fishes din naman.

After that ay kumain muna sila sa isang fast food chain sa loob mismo ng amusement park.

Abby: Daddy, kuya and I will order na. You and Ate Maya should just stay here.

Luke: Oo nga, dad.

Richard: Okay, guys.

Abby ordered burger, fries, iced tea and sundae for everyone. Habang kumakain ay nakita ni Maya na sinawsaw ni Richard ang fries doon sa sundae.

Maya: Ser Chief, bakit sinawsaw mo sa sundae yung fries mo?

Richard: You mean, you haven’t tried doing this pa, Maya?

Abby: It’s delicious, Ate Maya! Si Tita Rafi po ang nagturo niyan sa’min.

Luke: Ate Maya, sa US daw kasi usual nang ginagawa yan sabi ni Tita Rafi. We all tried it, even dad.

Richard: The kids are right, Maya. Eto try mo. (Richard dips his fries sa sundae at susubuan niya si Maya)

(Kinilig si Abby sa gesture ni Richard at napasmirk si Luke dahil hanga na talaga siya sa damoves ng dad niya.)

Nang susubuan na ni Richard si Maya ay biglang napaiwas si Maya at nalagyan siya ng ice cream sa pisngi.

Richard: Bakit ka umiwas? Ayan tuloy nalagyan ka ng ice cream sa pisngi. Halika nga rito.

Hinalikan ni Richard ang bahagi ng pisngi ni Maya na nalagyan ng ice cream.

Maya was left speechless at walang nagawa kundi takpan ang mukha. Halatang kinikilig ito dahil sa namumula niyang mga pisngi.

Luke: Look at what you did, dad.

Abby: Ate Maya, you’re blushing po.

Richard just flashed them his famous lopsided smile.

Maya: Ser Chief, susubukan ko na nga yan.

Maya dips her fries sa sundae.

Maya: Tama ka nga Ser Chief, masarap!

Richard: See, I told you.

Pagkatapos kumain ay naglakad na sila papunta sa mga stalls para mamili ng mga pwedeng bilin at siyempre, pasalubong na rin for Nikki pati na rin sa iba pa nilang kasama sa bahay.

After nilang mamili ay sumakay pa sila sa iba’t ibang rides. Hindi na nila namalayan ang oras. They were brought back to reality nang makareceive ng text si Richard from Nikki.

From Nikki

Dad, I’m here na sa house. You can make hatid Ate Maya to her condo na. Emmy and I already made sure na Ate Maya will not notice any changes in her closet. Ate Maya’s bags are already here na rin sa house, dad.

From Dad

Thanks, Niks. We’re still here sa amusement park. We didn’t notice na gabi na pala. Thank you for doing this for us again, Niks.

From Nikki

Sure thing, dad! I really enjoyed the day with Emmy naman e. Tsaka if it’s for you and Ate Maya, I’m more than willing to help. =)

Richard: It’s getting late na pala. We should go home na. Nikki texted me na she just got home from Stacey’s house.

Maya: (looks at her watch) Ay, oo nga Ser Chief! Hindi natin namalayan ang oras!

Abby: Let’s go na po, daddy. I’m sleepy na rin po.

Richard: Okay, let’s go.

Nung Sunday naman ay sa mansyon nagpalipas ng oras si Maya. Nagsimba kasama ng mga bata sa umaga at nagbonding the rest of the day. They watched romcom movies sa family room and they played games like truth or dare and ungguy-ungguyan. Richard adored the scenes that have happened over the weekend. He wish she could be with them forever, be officially part of the family. Soon, Richard, real soon.

Author’s note: Hanggang dito na lang po. Pigang piga ang imagination ko sa last two chapters na ito! Pasensya na dun sa kilig scenes. Wala kasing pinaghuhugutan yung writer e. BCWMH lang talaga. Haha! Sana nakabawi man lang ako sa inyo! Thanks for reading! Kapit-bisig and till the next chapter!😉

4 thoughts on “Reservation For Three – part 6

  1. Pingback: Reservation for Three – part 7 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s