YO SOY MAYA LA FEA – Parts 4-6

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 1-3.


A/N: Hi EB readers! Here’s the next installment of Yo Soy Maya La Fea… I would like to thank those who appreciated this new brain-child of mine! I did not expect the very positive feedback. Akala ko hindi n’yo magugustuhan because it is very hard to imagine Maya as an ugly lass… pero don’t worry, gaya ni Betty, mag-ta-transform din ang ating bida. =)

 

Author: CorUnum

 

~*~

 

 

 

HINDI MO CRUSH SI PALIKERONG SINGKIT

 

“Kuteeeeeeeee!!!!!” “Oh, bunso? Anong nangyari??? Bakit ganyan ka makasigaw?” “Kuteeeeee! May trabaho na ako!!!! Tanggap na ako sa Lim Aviation!!!!” “Ha? Wow! Tanggap ka na! Yahoo!!!” Nasa may harapan kami ni Kute ng San Nicolas Souvenir Shop. May mga taong nakakakita sa amin… pero wala kaming pakialam… sobrang saya naming dalawa. Maya-maya pa’y lumabas sina Tatay, Nanay at Mamang para tingnan kung anong nangyayari sa aming magkapatid.

 

“Cristina Rose, Maya! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Nagugulat pati ang mga customers natin kakatili ninyong magkapatid.” Saway ni Tatay. “‘Tay! ‘Tay may trabaho na po ako! Natanggap po ako sa Lim Aviation Services bilang accountant!” “Naku, ‘nak! Salamat sa Diyos at may trabaho ka na!” Nakikisigaw na rin si Nanay. “Teresita, kalma lang. Maya anak, proud kaming lahat sa iyo.” Sabi ni Tatay habang nakangiti. “Aba, dapat tayong mag-celebrate! Patay-litson!” Natutuwang sabi ni Mamang. “Oh, oh, Mamang… hihirit ka nanaman. Bawal sa’yo ang litson. Putok-batok ‘yun eh. Gusto n’yo bang ma-high blood nanaman kayo?” Pagpapaalala ni Kute. “Oo nga po Mamang. Isa pa, tsaka na po tayo mag-celebrate sa unang sweldo ko. Gusto ko po treat ko.”

 

Masaya at nagtatawanan kaming pumasok sa loob. Ikikwento ko sana ang tungkol kay Mr. Richard Lim — ang mapanghusgang poging singkit. Kaya lang, siguro mas magandang hindi ko na lang s’ya banggitin kasi ang ganda ng aura ng pamilya namin ngayon… lahat tuwang-tuwa! Puro positive vibes! Kapag sinabi ko pang ayaw sana akong i-hire ni poging singkit, baka masira lang ang momentum ng kaligayahan… kaya hindi ko na lang binanggit si Richard Lim… si Richard Lim na singkit… si Richard Lim na pagkaputi-puti at pagka-kinis-kinis… Si Richard Lim na ubod ng bango… si Richard Lim na nuknukan ng gwapo… si Richard Lim na kanina pang pauli-uli sa isipan ko… Hay naku Maya! Tigilan mo ‘yan! Mapanghusga s’ya ‘di’ba? Ayaw ka nga n’yang i-hire ‘di’ba? Naku… Richard Lim, humanda ka! Patutunayan ko sa’yo na ako ang the best accountant in town! Hmmmp!

 

“Maya! Maya!” “Ay, Maya!” “OK ka lang ba bunso? Kanina pa kitang tinatawag.” “Ha? O-oo Kute… OK lang ako… s-syempre iniisip ko ‘yung bago kong trabaho… Oo, tama… ‘yung bago kong trabaho ang iniisip ko.” At ‘yung bago kong boss… Naku, Maya tigilan mo ‘yan! Hindi mo crush si Richard Lim! “Ikaw, parang aligaga ka nanaman. Meron kang hindi sinasabi sa’ken ano?” “Uy, ano ka ba? Wala naman.” Lumingon ako kina Nanay at Tatay para tingnan kung narinig nila si Kute. Ayaw ko kasing ma-cross examine ng pamilya ko… magaling sila ‘dun eh. Feeling ko nga dapat sina Nanay ang mag-interrogate kay Janet Napoles. Kasi ‘pag nagtanong sina Nanay at Tatay, parang may built-in lie detector test sa mga utak nila… alam nila kapag hindi ka nagsasabi ng totoo… Ayokong ipaliwanag sa kanila kung bakit sobrang naaapektuhan ako ni Richard Lim… eh bakit nga ba ha, Maya dela Rosa? Inuulit ko, hindi mo crush si Richard Lim! Unang tingin pa lang mukhang habulin na ng babae… kaya Maya, tigilan mo ‘yang kakaisip d’yan sa gwapong singkit na mabangong si Richard Lim!

 

***

 

Nasa isang bar sina Richard at Ryan.

 

“Tahimik ka yata ngayon, Brod?” usisa ni Ryan sa kaibigan. “May iniisip lang ako, Brod.” “Huhulaan ko. Babae ‘yan ano?” “Yes… no! I mean, it’s not what you think.” “Teka… teka lang… ‘wag mong sabihing in love ka na?” “No!!! I told you, it’s not what you think.” “Eh mag-elaborate ka kasi at nang hindi ako nanghuhula.” “Iniisip ko ‘yung bagong hire na accountant.” “What about?” “I don’t know… kakaiba kasi s’ya.” “Lilinawin ko lang ha? Ang bagong hire na accountant bang ‘yan ay babae o lalaki?” “Babae, but as I’ve said, it’s not what you think. I’m not into her. It’s quite the opposite pa nga eh.” “Ha? Ayaw mo? Eh bakit mo hi-nire?” “It’s Papa kasi. Tsaka mukha naman s’yang magaling at mapagkakatiwalaan.” “Oh eh anong problema? Magaling naman pala.” “Brod, ang pangit n’ya.”

 

“Hoy, Richard Lim sobra ka naman.” “No. Pangit talaga s’ya. You should have seen her. Pareho kaming natulala ni Papa pagpasok n’ya ng office ko. She has this terrible bangs and wears thick, big nerdy glasses. And she has braces… at ang suot n’ya parang mas bagay pa sa lola ko.” This time, napatawa si Ryan. “Ikaw talaga. Eh kung magaling naman s’ya eh ‘di OK lang. She will just be the accountant. It’s not like pakakasalan mo s’ya.” (A/N: Naku, kung alam mo lang Ryan kung gaano ka ka-mali… pakakasalan ‘yan ni Richard Lim sa huli, pramis!)

 

“Siguro nga tama ka… and to think, she’s not that bad naman. Natigilan nga ako ‘nung nag-explain s’ya. She seems very confident, albeit her physical looks…” Napaisip pa ng mas malalim si Richard. Na-visualize n’ya ulit ang babaeng ang pangalan ay Maya dela Rosa. “… actually, Brod she has beautiful eyes. ‘Yun nga lang hindi masyadong halata dahil ng nerdy glasses. And siguro, she has a very fine figure, hindi nga lang makita ng maayos kasi ‘yung suot n’ya parang kahit yata anong kurba ng katawan, hindi makikita.” “Hoy, brod umiiral nanaman ‘yang pagiging babaero mo. Tingnan mo, pati pangit tinatalo mo.” “Of course not. Hindi ko s’ya tataluhin. Hindi ko tataluhin si Maya dela Rosa.” (A/N: Naku, Richard Lim! Kakainin mo ‘yang sinabi mong ‘yan! Abangan mo lang!)

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 5:

ANG PUSTAHAN

 

Alas-otso pa ang time-in ko. Pero alas-siyete pa lang nasa opisina na ako. Siyempre, ayokong ma-late sa unang araw ko. Gusto kong makita ni poging singkit na very efficient ako… teka, Maya si poging singkit nanaman ang iniisip mo. ‘Di’ba nga hindi mo s’ya crush? Indifferent ka sa kanya ‘di’ba? Hindi ka maaaligaga at matotorete kapag kausap at kaharap mo s’ya. Hindi ka hahabol-habol at titingin-tingin sa kanya gaya ng ibang babae. Ang gusto mo sa lalaki ay ‘yung hindi mapanghusga sa pisikal na anyo. Kaya tigilan mo Maya, ang kakaisip d’yan sa bago mong boss.

 

Pero parang mahihirapan yata akong hindi mapansin si poging singkit. Ang table ko kasi ay sa office n’ya inilagay. Ganoon daw ka-metikuloso si Richard Lim. Gusto n’ya readily available ang balance sheets ‘pag kailangan n’ya kaya ipinalagay n’ya ang table ng accountant sa mismong opisina n’ya. (A/N: Pero sa totoo lang ay ipinalagay iyon ‘dun ni Richard para lagi n’yang nakikita si Josephine, ang dati n’yang accountant na sexy at maganda.) Maya-maya pa’y natigilan ako sa nakita ko. Gusto ko sanang sumigaw ng ‘yuck!’ pero nanatili akong tahimik. Pumasok si poging singkit pero may nakapulupot sa kanyang babae. Halos mahigop na nila ang lungs ng isa’t-isa sa sobrang torrid ng paghahalikan nila. Nang ma-aware si poging singkit na may tao sa opisina n’ya ay bigla n’yang inalis sa pagkakapulupot sa kanya ang babae. Kung gaano kakalma ang hitsura ko, ganoon naman ka-aligaga si poging singkit.

 

“Ahmm… y-you’re very early, Ms. dela Rosa.” “Is there a problem with being early sir?” “H-ha? Ah, wala naman. It’s just that it was… I wasn’t expecting… ahmm…” Sa unang-unang pagkakataon ay may lalaking naging speechless sa harapan ko. At dahil siguro sa wala na s’yang maisip na paliwanag ay ibinaling niya ang kanyang atensyon sa babaeng kasama n’ya na wala sigurong pambili ng saplot sa katawan dahil kakapiraso lang ang damit n’ya. Siguro din ay hindi sa kanya ang damit n’ya dahil ubod ng sikip ito. “Ah, Stephanie… sige na. I have a lot of work to do pa. I’ll just call you later.” “Will you drop by sa condo tonight?” Nakangiting sabi ng babae. Sa puntong ito, nag-focus na lang ako sa ginagawa kong spreadsheet sa computer. “Maybe. I’m not sure.” Hmmm… mukhang palikero si poging singkit. Tama lang Maya na hindi mo s’ya maging crush. Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Nakatitig pa rin ako sa monitor ng computer at sa facial expression ko ay parang walang nangyari.

 

“Ah, Ms. dela Rosa… about what you saw…” Panimula ni poging singkit. Medyo nairita ako. Ayokong marinig ang paliwanang n’ya. Ayokong makinig sa mga lalaking ang tingin sa mga babae ay laruan. Tiningnan ko s’ya ng diretso at sinabing: “Mr. Lim, there is no need for an explanation whatsoever. Your personal life is none of my business.” Tumigil ako at nakita kong nagulat sa sagot ko si poging singkit. “By the way, good morning sir. Would you like some coffee? I’ll be dropping by sa pantry to get myself a glass of water.” Sa totoo lang, gusto kong umalis muna sa opisina n’ya para maka-recover sa nakita ko. “Ah, yes please. Thank you.” Sabi n’ya na parang takang-taka sa nangyari.

 

***

Nasa bar ulit sina Richard at Ryan.

 

“Brod, parang napapadalas yata ang pag-hang-out natin ngayon dito sa bar. May dinaramdam ka ba?” “It’s nothing… just the new accountant.” “Aba, napapadalas yata ang pagsagi sa isip mo ng accountant na ‘yan.” “Ryan, she saw me kanina while I was kissing Stephanie pretty badly.” “Hay naku, ‘nung isang araw si Monique ang ka-date mo. Ngayon naman may kahalikan kang Stephanie… at nagpahuli ka pa sa bago mong accountant! Eh, anong reaksyon n’ya? Pinagsabihan ka ng bastos? Nagwala ba?” “No. ‘Yun na nga, eh. She reacted as if nothing happened. Ang sabi pa n’ya my personal life is none of her business.”

 

“Oh eh ‘yun naman pala. Anong problema ‘dun?” “I don’t know. I mean, isn’t it weird that she didn’t even care?” Hindi maintindihan ni Ryan kung matatawa s’ya sa sinabi ni Richard. “Brod, why should she care? Kung tutuusin tama s’ya. Your personal life is none of her business… wait! I know why you’re bothered!” Tumingin si Richard sa kanyang kaibigan at akmang magpapaliwanag pero inunahan s’ya nitong magsalita. “Sanay ka kasing hinahabol ng babae. Lahat ng babaeng nakikilala mo nagkaka-gusto sa’yo. Kaya pakiramdam mo, your accountant is no exception.” “And your point is?” “Simple lang, Richard. Tingnan mo, the mere fact na hindi s’ya nag-react negatively sa nakita n’yang pakikipaghalikan mo sa ibang babae means that she’s not into you… Hallelujah! For the first time in history, may babaeng hindi nagkagusto sa’yo!”

 

Ibinuka ni Richard ang kanyang bibig para magpaliwanag. Pero napatigil s’ya. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang mga sinabi ni Ryan. Sa kauna-unahang pagkakataon, may isang babaeng hindi s’ya hinahabol. Sa totoo lang, may punto si Ryan. Nakakapanibago ito para kay Richard. Sanay s’yang nagkakandarapa ang mga babae sa kanya. Weird talaga si Maya dela Rosa… at muli, na-imagine nanaman n’ya ang hitsura ng kanyang accountant. Sumakit ang ulo n’ya.

 

“See? Wala kang masabi. Tama ako ‘di’ba?” “You’re wrong.” “Ha?” “Mali ka. I can assure you na may gusto sa akin kahit pa ang pangit na si Maya dela Rosa.” “Wow, brod! Hanga naman ako sa laki ng ego mo!” “No… you know, I think Maya’s using the indifferent façade to hide her feelings for me.” “Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo lang s’ya at wala s’ya talagang nararamdaman para sa’yo?” “Nope. I’m pretty sure she has even just a teensy-weensy crush on me.” “Hay naku. Sa tingin ko, wala s’yang gusto sa’yo. Ganito. Pustahan tayo. You have one week to prove to me that Maya does have a crush on you. Kapag hindi mo nagawa ‘yun, gagamitin ko ang BMW mo for a month.” “What?!? No!” “Kita mo na? Ayaw mo kasi hindi mo kayang patunayang may gusto sa’yo si Maya.” “Wait… call! I’ll prove to you in less than a week!”

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 6:

REACTION FORMATION

 

Isang linggo na akong nagtatrabaho ngayon sa Lim Aviation. Gaya ng ipinangako ko sa aking sarili, patuloy kong pinatutunayan ang aking efficiency. Ayokong matanggal sa trabaho ko ngayon. Una, napaka-ganda ng schedule at sweldo ko. Ikalawa, hindi ko alam pero… masaya ako kapag nakikita ko si poging singkit… hayyyy…. Sige na nga… aaminin ko na… crush ko nga si Richard Lim. Anong magagawa ko? Pangit man ako babae pa rin ako. Siguro automatic sa mga babae ang magkagusto sa kanya.

 

Pero hindi gaya ng ibang babae, hindi ko hahabulin si Richard Lim. Magaling yata ako sa reaction formation! Ayon sa psychology, ang reaction formation ay isang defense mechanism kung saan kabaliktaran ng nararamdaman natin ang ating ikinikilos. Hindi naman ito pagiging plastic. ‘Yun nga lang, hindi ko kasi gustong malaman ng kahit sino, lalong lalo na ni Sir Richard na may major, major crush ako sa kanya. Mahirap na… sa malamang pagtatawanan lang ako ‘nun. Tsaka bumenta na dati ang Beauty and the Beast… sabagay, ibang twist naman sa amin kasi s’ya ang beauty at ako ang beast…. Pero basta! Walang makakaalam kahit sino na crush ko si Sir Richard. Hay naku, Maya dela Rosa. Tapusin mo na lang ‘yang pagbabalanse mo imbes na isip ka ng isip ng tungkol sa boss mo…. Sa boss mong babaero… palikero… play boy! Pero in fairness ha, after ni Stephanie, hindi na naulit ang higupan ng lungs portion na halikan sa opisina… well, siguro sa condo ni Stephanie na nila ginagawa iyon… at hay naku, tama na sabi! Magbalanse na dali!

 

Habang abala ako sa pagta-trabaho, bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang kagwapuhan ni Sir Richard… waaaahhhh! Ang hirap mag-reaction formation kapag ganito kagwapo ang crush mo… pero kayang-kaya ko ito. Tumango lang ako sa kanya habang sinasabing “Good morning, sir.”Blangko ang expression  ko. Pero hala! Biglang ngumiti sa akin si poging singkit at na-realize kong may dimples s’ya! Nuknukan ng kagwapuhan talaga!!! At ang singkit n’yang mga mata ay parang nangungusap sa akin. Enebeyen! Kaya naman siguro maraming babae ang nahuhumaling sa taong ito. Pero nag-Mona Lisa smile lang ako sa kanya. Mahirap na, baka mahalata n’yang nagra-riot na ang puso ko.

 

“Good morning, Ms. dela Rosa.” Nakangiti pa rin s’ya… parang awa mo na, tama na ang pagngiti! Ang hirap nang huminga! Bigla n’yang inilapag sa table ko ang hawak n’yang long-stem rose na dahil sa kagwapuhan n’ya ay hindi ko napansing dala n’ya. Tiningnan ko s’ya na parang nagtatanong. Nagha-hallucinate ba ako???

 

“It’s your first week as my accountant, right?” Tumango lang ako. “So, you deserve a rose… and we better celebrate.” Sabi n’ya… totoo palang tumitigil ang takbo ng oras kapag kausap mo ang crush mo… at juskoporudy!!! Parang aatakihin ako sa puso. Shakz ang bango n’ya! Ang gwapppooooo!!! Pero siyempre, dahil nga ako ang master ng reaction formation, tumango lang ako at dumiretso sa pagbabalanse ng sheet. Hindi nagpatinag si poging singkit. Siguro may natira s’yang kung ano… o baka nalipasan ng gutom. “And since it’s your first week working at Lim Aviation, I’d like to invite you for dinner tonight… say, I’ll pick you up at around 7PM?” OK… weird na talaga ang mga nagaganap. Parang last week lang ayaw n’ya ako i-hire… at wala pang one week mula ‘nung pumasok s’ya dito sa opisinang kahalikan si Stephanie. Tapos ngayon may bulaklak at aayain akong mag-dinner??? Ah, alam ko na! Grabeng pagka-babaero nitong si poging singkit… pati pangit na gaya ko tinatalo. Nakakainis s’ya, ha? Gwapo ka pero nakakainis pa rin!

 

“First of all, thank you for the flower and the appreciation, Mr. Lim. But I’m afraid I have to decline your dinner invitation.” Sa expression ng poging singkit ay parang kakasampal ko lang sa kanya. Biglang napadbog s’ya sa table ko. Mukhang magta-tiger mode ata! Akala ko papagalitan na ako… huwag naman sana akong matanggal sa trabaho. Pero imbes na  na sumabog na parang bulkan ay nagbuntong-hininga lang s’ya. “I’m sorry… I was just hoping that you’d acquiesce to my invitation.” Mukha tuloy kawawa si poging singkit… kaya bigla ako napaimik: “I’m sorry sir. It’s just that I have something to do tonight. Maybe next time.” Sa sinabi ko’y napangiti muli si pogi. “I’d count on that, Maya… I’ll hold you to your word.” Matapos noon ay nagsimula na s’yang magtrabaho. Mga 10 seconds din akong natigilan. Tinawag n’ya akong Maya at hindi Ms. dela Rosa. Napatingin ako sa bulaklak. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko… ang hirap ng sitwasyon ko! Ang hirap mag-reaction formation!

12 thoughts on “YO SOY MAYA LA FEA – Parts 4-6

  1. Pingback: Yo Soy Maya La Fea – Parts 7 & 8 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s