Reservation for Three – part 7

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to missserenity. This is a continuation to Reservation for Three – Part 6.


A/N:Author’s note: Sa chapter na ito mangyayari ang lunch date and yes, this is the chapter where Maya will know why their table is reserved for three. Sorry the update took a while, busy lang sa real world. I will try my best to update this fanfic whenever I have free time. Thank you to all my readers, nagkocomment man or silent, for reading and supporting my first fanfic. If ever you have something in mind, wag mahiya magcomment, silent readers. Para naman maimprove ko ang next chapters and at the same time, ganahan din ako magsulat. =) My sincere thanks to EBU for allowing me to share my fanfic with you, adiks. More power, EBU! =)

 

Author: missserenity

 

~*~

 

One week na lang at anniversary na ni Maya at Sir Chief. As usual, sinundo ni Richard si Maya sa airport. Habang nasa kotse…

Maya: Sir Chief, pwede ko bang malaman yung plano mo para sa anniversary natin?

Richard: I told you, it would be a surprise. In a whisper: Even I, myself got surprised as well.

Maya: Ano yun, Sir Chief?

Richard: Ah, wala, Maya. May pupuntahan lang tayo.

Maya: Saan naman tayo pupunta?

Richard: Secret, walang clue.

Maya: Sir Chief naman e!

Richard: Maya, we’re here na. Good night! I love you!

Maya: Si Sir Chief iniba yung topic. Sige na nga. Good night! I love you too! (Kiniss si Richard sa cheeks)

Dumating na ang araw ng anniversary ni Ser Chief at Maya. Pagkagising ni Maya ay tiningnan niya ang phone niya.

 

3 messages from Ser Chief❤

Happy anniversary, my dear Maya. See you later. I love you very much!

Message received 11:59:00 pm

 

Maya: Ay, ang sweet na sana e! Kaso, napaaga ata ang pagkakasend.Hindi saktong twelve. Excited lang siguro yun, Maya.

 

I know you’ll be pointing out that I sent the message at 11:59 pm so here I am again, greeting you a happy anniversary my love! I can’t wait to see you later. I love you!

Message received 12:00:58 am

 

Maya: Ser Chief talaga! Kaya mahal na mahal kita e.

 

Good Morning! I’ll be taking you to lunch later. Wait for me in your condo. I’ll be there at 11:30 am. See you and I love you!

Message received 06:00:00 am

 

Maya: Aba, parang excited talaga itong si Ser Chief ha. Lunch lang naman pero ang aga magtext ha. Sandali nga lang, matawagan nga siya.

 

Tumunog ang phone ni Maya.

Ser Chief❤ calling…

Maya: Aba, naunahan ako ni Ser Chief ha!

Sinagot ni Maya ang tawag.

Maya: Happy anniversary Ser Chief ko! I love you! Ang sweet mo naman hinintay mo pa talaga ang 12 am para lang itext ako. Napaaga nga lang naexcite ka siguro. Haha. Tatawagan kita kaso naunahan mo ko.

Richard: Happy Anniversary, mahal na prinsesa ko! I love you more! Gusto kita tawagan kasi I wanna hear your voice.

Maya: Namiss mo ko ‘no? Masyado ka kasing masikreto diyan sa plano mo e. E kung sinabi mo na sa’kin e di sana hindi mo ko mamimiss nang ganyan.

Richard: Oo, namiss kita pero okay lang yun kasi alam na alam ko na matutuwa ka sa surprise ko.

Maya: Basta kasama kita Chief ko, kahit saan pa yan at kahit ano pa yang surprise mo siguradong matutuwa ako. Babye Ser Chief ko! See you later! I love you!

Richard: I love you too!

 

Sa mansyon ng mga Lim…

Nikki: Oh my gee, dad! Today’s the day!

Luke: Dad, behave ah! Enjoy kayo sa cruise!

Abby: Daddy, ingat po and take care of Ate Maya!

Nikki: Oh and dad! Pasalubongs, please!

Luke: Si Niks talaga, pasalubong pa ang inatupag!

Richard: I’ll remember yung mga bilin niyo guys, and don’t worry. I got this all planned out. Nandito na si Joma, bye guys! Magpakabait kayo ha. Luke, take care of your sisters.

Luke: Yes, dad.

Nikki and Abby: Bye, daddy!

 

(Author’s note: Hindi alam ng Lim kids na kasama sa surprise si Tatay Arturo. Hindi pinaalam ni Richard sa kanila. Kaya all along, alam nila na si Mang Lem ang maghahatid sa Daddy nila. So, it’s a surprise for everyone except for Richard and Liza.)

 

Nakaalis na ang mga bata. 11:00 am nang dumating ang limousine. Si Tatay Arturo ay nakasuot ng chauffeur’s outfit na may kasamang sombrero para pang disguise in case makita siya ni Maya.

 

Richard: Ready na po ba kayo, Tatay Arturo?

Tatay Arturo: Handa na ako, Richard. Kung hindi ngayon, kailan pa?

Richard: Tatay, basta stick to the plan lang tayo ha. Pag hindi po umayon sa plano, ako pong bahala sa inyo.

Tatay Arturo: Maraming salamat, Richard dahil ginawa mo ito para sa amin ni Maya.

Richard: Basta po para sa ikaliligaya ni Maya at ng pamilya niya, gagawin ko ang lahat.

 

Nakarating na sila sa condo ni Maya.

Richard: Tatay, dito lang po kayo, susunduin ko lang po si Maya sa itaas. Yung barrier po pakisara na lang po para hindi po kayo makita ni Maya.

Tatay Arturo: Sige, Richard. Hintayin ko na lang kayo dito.

 

Ring ring… It was the receptionist.

 

Receptionist: Mam Maya, nandito na po si Mr. Lim.

Maya: O sige, ate. Paakyatin niyo na po siya.

 

Nag doorbell si Richard at agad naming binuksan ni Maya ang pinto.

Richard: Happy anniversary, mahal kong prinsesa! (gives Maya a tender kiss sa lips) Lalo ka pang gumanda sa suot mo ngayon.

(Maya is wearing a cute knee length floral dress and solid color flats na may bow. She wore something casual kasi lunch lang naman.)

 

Maya: Ikaw ha, nambola ka pa! Ikaw rin ang gwapo gwapo mo! (Richard is wearing a red short sleeved polo (dahil mainit ang sikat ng araw noong tanghaling iyon hindi na siya nag long sleeves),gray slacks and black leather shoes.) Happy anniversary, mahal na hari ko! (Richard kisses Maya again pero medyo lumalim at mas matagal kaysa dun sa una niyang kiss) Ikaw ha! Akala ko ba maglulunch tayo? Bakit ako ata ang balak mong gawing lunch?

Richard: Bakit? Ayaw mo ba? (Richard na parang batang inagawan ng candy with matching pouty lips)

Maya: Sige na nga. Anniversary naman natin e. Halika nga rito. (Niyakap ng mahigpit si Richard at binigyan niya ito ng tender kiss sa lips) Ano? Okay na?

Richard: Isa pa, honey.

Maya: Aba, humahoney ka diyan ah. Tara na nga, chief ko!

Richard suddenly remembered his surprise. As much as he wants na ituloy pa ang kulitan nila ni Maya, nahiya naman siya dahil baka naiinip na si Tatay Arturo sa paghihintay kaya umagree na lang siya kay Maya.

Richard: Okay baba na tayo.

Maya: Salamat, Ser Chief! Halika na!

 

Bumaba na sila. Nagulat si Maya sa nakita.

 

Nakita ni Maya ang limousine na nakapark sa harap ng condo.

Maya: Se-Ser Chief? Eto ang sasakyan natin?

Richard: Yes, di ba sabi ko sa’yo I wanted this day to be special and perfect?

Maya: Pe-pero, binili mo ba ‘to? Sa’yo ‘to?

Richard: Maya, don’t worry. I just rented this.

Maya: Ahh. Akala ko naman e ano na. Tara na, Ser Chief.

 

Richard opens the back door of the limo.

Maya: Ser Chief, bakit dito ako sasakay? Dun na lang ako sa harap para katabi mo ko habang nagdadrive ka.

Richard: May driver tayo kaya pareho tayong mauupo dito sa likod. Syempre gusto ko lagi kitang kasama kahit sa biyahe kaya naghire ako ng driver. ‘Wag nang umangal, Attorney. Hindi ka mananalo sa’kin.

Maya: Halika na nga, Ser Chief. Tabi na nga tayo.

 

Mas nagustuhan ni Maya ang idea ni Richard na sa back seat sila pareho nakaupo. Akala niya ay makikita sila ng driver sa likod ngunit dahil nasa limousine sila, may barrier ang driver seat kaya hindi sila nakikita ng driver. Ganun din sila.Hindi nila nakikita ang driver. Mas enjoy ito kasi hindi na nakafocus sa biyahe si Richard at hindi na rin ito mapapagod sa pagdadrive o maiinis sa traffic. Pwede silang sumandal sa isa’t isa, magholding hands at ienjoy ang presensya ng isa’t isa.

 

Sa driver seat naman…

Tatay Arturo in his thoughts: Yun na pala si Maya. Napakaganda niya. Mukhang napalaki nga siyang maayos ni Teresita nang wala ako. Namimiss ko na talaga si Teresita. Kailan ko kaya siya makikita? Mangyayari rin yan, Arturo.Ang importante ay makita, makausap at makapagpaliwanag ka kay Maya mamaya. Salamat sa Diyos at nakilala ko si Lem at nakilala ko si Richard at nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang aking anak.

 

Nakarating na sila sa restaurant. Isa itong “family” restaurant pero sosyal pa rin ang dating.

Binuksan ni Richard ang pinto para kay Maya. Nauna siyang bumaba at inalalayan si Maya pababa.

Richard: Maya, sandali lang at bibigyan ko lang ng instructions at reminders yung driver.

Maya: Okay, magsiCR lang ako sandali sa loob. Mauna na ko, Ser Chief.

 

Nang makaalis na si Maya…

Richard: Tatay, pakipark na lang po ang sasakyan. Pagkatapos niyo po magpark dito po muna kayo sa labas. Itetext ko na lang po kung kailan kayo papasok, alam niyo naman na po kung saan yung table na pinareserve ko.

Tatay Arturo: Sige, Richard. Mauna ka na at baka hinihintay ka na ni Maya doon.

 

Sakto ang pagkabukas ni Richard sa front door. Nakalabas na rin ng CR si Maya.

Richard: Okay ka na, Maya? Tara na.

Waiter: Reservation for Mr. Richard Lim? Please follow me.

Napansin ni Maya na tatlo ang upuan na pinareserve ni Richard.

Maya: Excuse me pero bakit tatlo yung upuan sa table namin? May mali ata.

Waiter: No, Mam. Mr. Lim made a reservation for three people.

Maya: Ah, ganun ba? Okay.

Waiter: I’ll just get the menus so that you can already order. If you may please excuse me.

 

Pagkaalis ng waiter ay naupo na sila. Hindi pa rin nawala ang pagtataka ni Maya.

Maya: Ser Chief, bakit tatlo yung upuan? May darating pa ba? Sino yung isa pa nating kasama?

Richard: It’s a surprise. *in a whisper: Gusto kong magkita kayo para mas lalong hindi mo makalimutan ang araw na ‘to.

Maya: Eeee! Ser Chief naman e! Sabihin mo na! Sino nga?

Richard: Sandali lang, Maya ha. Itetext ko lang si Liza. May nakalimutan akong ibilin sa kanya e.

Maya: Ang galing mo talaga mag change topic Ser Chief ko!

 

Compose Message

To Tatay Arturo

Tatay, punta na po kayo rito.

 

Nabasa na ni Tatay Arturo ang text at papunta na siya sa loob.

 

Richard to Maya: Maya, basta. Sabihin na lang natin na siya ang dahilan kung bakit nasa family restaurant tayo ngayon. Papunta na rin yun any minute. Wag ka nang mainip, honey.

 

Bago pa makasagot si Maya, they were interrupted by the waiter.

Waiter: I’ll take your orders now, Sir, Mam.

 

Nakaorder na si Maya para sa kanya. Umorder na rin si Richard for himself at kay Tatay Arturo. Madali lang siyang nakaorder for Tatay Arturo dahil sa mahabang usapan nila, nabanggit ni Tatay Arturo ang mga paboritong pagkain niya na laging niluluto ni Nanay Teresita para sa kanya noon. Umalis na ang waiter at isusunod na lang ang order sa kanila.

 

Nakita na ni Richard si Tatay Arturo sa loob.

Richard to Maya: Andiyan na siya.

Lumingon si Maya sa may front door. Nakatakip ang mukha ni Tatay Arturo dahil sa sombrero at dagdag pa ay tinatakpan niya ang kanyang bibig. Hindi siya nakilala ni Maya.

Maya to Richard: Yung driver? Yung driver yung kasama natin kumain?

Natawa si Richard dahil gumana ang plano nila ni Tatay Arturo. Hindi siya nakilala ni Maya.

Richard in his thoughts: Kung alam mo lang, Maya.

Richard to Maya: Bakit? Mabait kasi ako. Tsaka okay naman siyang driver ah. He deserves this kind of reward.

Maya: Oo nga, kaya lang, anniversary natin Ser Chief. Sana sa ibang araw mo na lang siya itreat. (Maya starts to feel upset.)

Maya in her thoughts: Ewan ko ba dito sa boyfriend ko! Kung kailan naman anniversary saka pa trineat yung driver.

 

Nilapitan ni Richard ang driver. Pinakilala niya ito kay Maya.

Richard: I would like you to meet once again, (tinanggal ni Tatay Arturo ang sombrero at kamay sa bibig) Tatay Arturo.

 

Maya: Ta-tatay?!

Tatay Arturo: Oo, Maya, anak. Ako nga. Miss na miss na kita, anak.

Maya: Ako rin, ‘tay. Miss na miss na rin po namin kayo nila nanay at Kute. (umiiyak na si Maya)

Tatay Arturo: (pinunasan ang luha ni Maya) Mana ka talaga sa Nanay mo. Hindi ka ba galit sa akin, Maya, anak?

Maya: Bakit naman ako magagalit sa inyo, ‘tay?

Tatay Arturo: Kasi iniwan ko kayong mag-iina bigla tapos wala ako sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niyo. Napakarami kong pagkukulang sa inyo ng Ate mo, anak. (umiiyak na sabi ni Tatay Arturo)

Maya: ‘Tay, wala po akong galit sa inyo. Si Nanay at Kute, panigurado wala rin pong galit sa inyo yung mga yun. Kung ano pa man po ang rason kung bakit niyo kami iniwan, maiintindiha’t maiintindihan po namin yun kasi tatay ka namin e. At kahit wala po kayo, mahal na mahal pa rin po namin kayo kasi kahit po si Nanay, hinihintay ang pagbabalik ninyo. Sabi niya, balang araw, kapag bumalik po kayo, tatanggapin ka pa rin niya kasi mahal na mahal po kayo ni nanay. Ganun din po kami ni Kute. (umiiyak ding sabi ni Maya)

Tatay Arturo: Richard, maraming maraming salamat. Tama ka nga. Napalaki nga siya ng maayos ni Teresita nang wala ako. Ingatan mo lagi ang anak ko ha. Pinagkakatiwala ko ang anak ko sa’yo ng buong buo.

Richard: Wala pong anuman, ‘tay. Ako pong bahala sa anak ninyo. Kapag pwede na po tayong lahat, pupunta po tayo ng San Nicolas. Susurpesahin naman po natin si Nanay Teresita, Cristina Rose, Mamang at makikita niyo na po ang apo niyong si Cho.

Maya: Ser Chief? Ikaw ang may gawa nito? Bakit?Paano? Saan kayo nagkita ni Tatay?

Kwinento ni Richard ang lahat-lahat. Sumisingit din paminsan-minsan si Tatay Arturo para magdagdag ng detalye sa kwento ni Richard. Dumating ang pagkain, kwento pa rin ng kwento ang future magbiyenan habang si Maya nakikinig at natutuwa dahil sobrang nagkakasundo ang dalawa at silang dalawa pa talaga ang magkakontsaba para lang masurpresa siya ngayong araw na ‘to. Inabot sila ng hapon sa restaurant kakakwentuhan. Buti na lang at kakaunti lang ang kumakain sa restaurant na iyon kaya naman hindi naging problema ang pagtatagal nila roon. Napansin ni Richard ang oras.

Richard: Maya, Tay Arturo. 3 pm na pala.

Tatay Arturo: Oo nga, Richard. Tara na. Baka matraffic pa tayo at malate pa kayo.

Maya: Malate saan? Tay, Ser Chief? Ser Chief may pupuntahan pa tayo?

Richard: Maya, di ba nga sabi ko sa’yo…

Maya: Oo na. It’s a surprise. Di naman ako mananalo sa’yo, Ser Chief e.

Richard: Dapat pala ako ang naging lawyer sa ating dalawa e. Ako kasi laging nananalo sa mga kaso natin. Sige po, Tay. Tara na po. Ituloy na lang po natin ang kwentuhan bago tayo pumunta ng San Nicolas. Magpaplano pa po tayo.

Tatay Arturo: Maya, anak. Tara na sa sasakyan.

Maya: Naku! Nakakatuwa talaga kayo! Parang kayo pa ang mag-ama ha. Mahal na mahal ko kayo! Kayo lang ang dalawang lalaki sa buhay ko! Ay, pati pala si Cho.

They all laughed at nag group hug sila.

 

Author’s note: Hanggang dito na lang po ang fanfic na ito. Salamat sa mga nagbasa at sumuporta! Joke lang po! Haha.Di pa po tayo matatapos dito.😉 Abangan sa susunod na kabanata ang anniversary date sa cruise ship at ang kabanata pagkatapos niyan ay ang pagpaplano sa pagbabalik ni Tatay Arturo sa San Nicolas! I haven’t written the next chapters yet kasi may major exams ako this week and next week. Wish me luck, sana makapagupdate ako soon and till the next chapter!😉

 

5 thoughts on “Reservation for Three – part 7

  1. Pingback: Reservation for Three – Part 8 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s