Sir Chief Is The One

A/N: Good day, EB readers!  Here is SIR CHIEF IS THE ONE, the piece to match my previous work, WHY MAYA IS THE ONE.

Allow me also to refer to this piece as Letters (14): To Sir Chief, From Maya with Love.

To my wonderful classmates in BCWMH YT Scholars  Discussion Board, HAPPY 5th MONTH to all of us.  What an amazing journey we’ve all had so far!

Author: iamgarie

~*~

SIR CHIEF IS THE ONE
Letters (14): To Sir Chief, From Maya with Love

By iamgarie

PROLOGUE
*Quoted verbatim from past episodes of Be Careful with My Heart

Maya: Isang araw, darating yung binata na ginawa ni God specially for me.

Maya to Kute: Diba nga sabi nila pag nagsarado yung pinto, may bintana. Pag nagsarado yung bintana, may pintuan pa sa kusina, pag pati yun sarado, madali na lang butasin yung bintana. Baka swerte pa na naloko ako sa airport. Kumbaga na-short cut pa ang pagiging flight stewardess ko.

Maya: Bakit po ba hindi siya nakapagsasalita, Doktora?
Doc: Dahil may tako siya. Trauma… At that time, sobrang strong ang bond ni Abby at ni Alexandra. Biglang nawala ito. Na-trauma si Abby. Natakot siyang magsalita ulit kasi naaalala niya ang mommy niya tuwing naririnig niya ang boses niya. Usually, yung mga batang may ganitong kaso unti-unting nagsasalita pag nararamdaman na nila ang special bond nila dun sa taong nawala sa kanila. And, in Abby’s case, ikaw yun Maya…

Richard: I did! She said ‘Daddy’ twice! At tsaka, ‘Good night, Daddy.’

Maya: Ano po ba yung mga hinahanap niyo sa isang babae?
Richard: Just someone I can be with. Someone who will love me and my kids. Yung babaeng sobra din magmahal sa pamilya niya…

Maya: Sana po pag nagka-boyfriend ako katulad ni Sir Chief…
Manang Fe: Bakit hindi na lang siya?
Maya: Naku, hindi po. Si Sir Chief po, boss ko po yun…

Richard: You’re beautiful, Maya. Inside and out. You’re a rare find.

Richard to Maya: I’m sorry if it made you feel uncomfortable. But I’m not sorry I kissed you.

Richard: Let’s do this again.
Maya: Alin? Magpaiwan sa cruise ship, Sir Chief?
Richard: No! This, US together… I had a great time. The truth is, I always have a great time pag kasama ka.

Richard: Maya, about what you said last night — I know you’re worried sa magiging tingin ng mga bata. And I worry, too. But today, when Abby was making her speech, I couldn’t think of anything more right than US sharing this day together. Because all these, what we have as a family, is because of you. Manang Fe is right… I told her. And what she said was right. That it’s probably premature to worry about the kids now. Maybe we can think of ourselves muna. Yung tayong dalawa lang. At my age, I’ve been through a lot already. Love. Loss. Everything. I’ve loved my kids all my life. And whatever happens, I will love them always, forever. But whatI feel for you is something different. Kaya what you said na dapat lumayo tayo sa isa’t-isa, that’s simply unacceptable. Hindi mawawala yung mga bata sa equation. Pero diba dapat ayusin muna natin tayong dalawa bago natin isipin yung tayo kasama sila. Wala pang tayo Maya pero gusto kong makarating dun.

Richard: Well… I’m sorry, Maya… Ganito na lang tayo palagi… Ikaw, helping me with Abby, then Nikki, then Luke… Don’t you think it’s unfair? I mean, at this point in your life, you’re almost living your dream. Dapat masaya ka lang… I come with a lot of excess baggage. I’m a single father with three kids. I just don’t want to get in your way. That’s all.

Maya: Masaya naman ako, eh. Alam mo, nung lumuwas ako ng Maynila, wala naman akong ibang gusto kung di maayos ang pamilya ko, tsaka maging flight stewardess ako. Sabi ko, pagnagawa ko yun, talagang magiging sobrang masaya na ko. Pero alam mo, Sir Chief, meron akong hindi nakwenta. IKAW. Yung kung anong meron tayo. Iba pala yun, Sir Chief. Parang bonus.

Richard: I love you!
Maya: I love you, too!

Richard: (Holds Maya’s hand) Maya, about what we said last time sa phone–

Maya: (Removes her hand) Sir Chief, okay lang. Naiintindihan ko naman, eh. Siyempre nabigla lang tayo nun.

Richard: I don’t think so. Kasi ako, alam ko, I meant what I said. Yes, it came out casually, but I meant every word… You don’t have to look away, Maya. Kung nasabi mo lang yun dahil nabigla ka, it’s okay. It’s perfectly okay. Because I never expected you to say it at all… Look, I know we have a complicated situation– yung worries mo, yung kids, yung dreams mo. BUT WE CAN MANAGE. WE WILL. We can talk about your worries one by one, and deal with them. We’ll talk to the kids, and they’ll eventually understand. And we can prioritize para di ka mawalan ng oras sa work mo.

Maya: Sir Chief…

Richard: But only if you’re ready. Hindi kita mamadaliin, Maya. All I’m saying is, THERE ARE SOLUTIONS, but ONLY IF YOU’RE READY… I told you. NO PRESSURE, MAYA! I don’t expect anything from you. Now, let’s eat… Why do you look like you’re worried?

Maya: Di naman ako nag-aalala, Sir Chief.

Richard: And why are you looking at me like may problema ka pa?

Maya: Hindi, Sir Chief. Parang humahaba na yung listahan ng mga fairy tales na natutupad.

Richard: At least ikaw you know when your fairy tales become real. Ako, ang tagal.

Maya: Talaga?

Richard: Like with you. It took me a long time before I realized it. I was IN LOVE WITH YOU.


Richard: Until the moment I saw you sa prom, then I knew. You’re not like anybody else. What we have, IBA. Kasi mahal na pala kita.

Maya: Nung sinabi mo na mahal mo ko, gusto ko rin agad ibalik sa yo yun. Gusto ko ipagsigawan sa buong mundo na mahal din kita. Kaya lang, Sir Chief, hindi naman simple yung sitwasyon natin, eh.

Richard: Kaya nga kita binigyan ng time.

Maya: Hindi naman time yung kelangan ko, Sir Chief… IKAW! Kelangan ko na sabihin mo sa kin na everything will be okay. O di kaya, we’ll deal with it later. O yung kung ano yung sinasabi mo palagi pagninenerbyos ako.

Richard: Bakit ka ninenerbyos?

Maya: Ngayon lang ako nagmahal, eh…

Richard: Just say it, Maya!
Maya: Mahal kita.
Richard: I can’t hear you.
Maya: MAHAL KITA!
Richard: So, TAYO NA?
Maya: Eh di pa nga tayo tapos mag-usap, eh. Yayayain mo na ko umalis.
Richard: Maya, ibig kong sabihin. TAYO NA. TAYONG DALAWA. YOU AND ME. TAYO? TAYO NA, DIBA? TAYO NA, DIBA? Wala ng bawian yan.
Maya: Sige na nga. TAYO NA!

Maya: Pero sandali Sir Chief ha. Nung briefing namin wala naman sinabi na may VIP na sasakay. E diba VIP ka sa Time Airways?
Richard: I have my ways. Besides, Maya, I’m just a regular guy who wants to accompany his girlfriend on her first day. Ano pang use para magpa-VIP?

Abby: Ate Maya, yung isang magandang-magandang prinsesa na isa palang fairy lagi na siyang lumilipad kasi lagi na nyang suot ang wings nya. Tsaka kung kahit saan-saan siya pumupuntang garden lagi pa rin siyang dumadalaw dun sa garden ng mahal na hari.

Maya: Alam mo kung bakit? Para bisitahin yung mahal na prinsepe tsaka yung dalawang prinsesita.

Abby: Tsaka yung mahal na hari.

Maya: Tama, yung mahal na hari.

Richard: Physics makes our planes fly, but it is the people we love who makes our planes SOAR.

Richard: You were wonderful tonight… Everybody’s right. I’m so lucky to have you.

Maya: Hmm. Nambola ka pa. (Smiles)

Richard: Of course not. (Smiles…) Look at where you are now.

Maya: Hmm. Sa piling mo?

Richard: No, silly. You made your dreams come true. How many people could do what you’ve done?

Maya: Marami namang nagfa-flight attendant, Sir Chief, eh.

Richard: Yeah, but they had the money, the background for it, all the resources they needed. Unlike you. You had to work hard for it, every step.

Maya: Eh tinutulungan mo kasi ako, eh.

Richard: Because that’s what I admire in a person. That’s why I chose to help you.

Maya: Thank you.

Richard to Maya: Na-miss kita sa bahay. I can see you living there with us kasama yung mga bata.

THE LETTER

Dear Sir Chief,

Sir Chief… Sir Chiiiiiiiiiiiieeeeeeeef ko! Makatulog kaya ako ngayong gabi? May nalaman kasi akong hindi ko pa dapat malaman! Ang saya saya ko, Sir Chief! Para akong sasabog sa saya! Ganito pala yun? Halo-halo nararamdaman ko, Sir Chief! Saya. Kaba. Takot. Kilig. Sir Chief naman, eh! OA ka na talaga sa pagpapakilig!

Ano ba yan? Kani-kanila lang, inis na inis na inis ako sa yo. Sobra mo kong ginalit talaga! Akala ko may nililihim ka na sa kin at nakikipag date ka na sa iba! Nung dumaan kami sa inyo ni Eman kanina para dalhan ng fruits sina Tito and Tita, nagulat na lang ako ng tanungin ako nina Doris at Sabel kung san daw tayo nagpunta kagabi at bakit hatinggabi ka na nakauwi? Sir Chief!!! Yung totoo, sino kasama mo kagabi? Nagduda na nga ako na umalis ka kaagad kagabi kahit 9 PM pa lang, tapos eto malalaman ko? Akala ko ba pagod at antok ka na kaya gusto mo na agad umalis? So sino namang kasama mo kagabi? Babae ba?

Hay naku, Sir Chief! Sumosobra ka na ha! Ginagalit mo talaga ako! Nakita ka namin ni Eman kanina sa Moon’s Brews and Cafe na may kasamang magandang babae. Matangkad! Sexy! Sosyal! Nakakaselos ha! Pinainit mo ang ulo ko, Sir Chief! Sabi mo si Atty Ryan ang ka-meeting mo, diba? So sino naman yang babaeng yan? Nung nagpunta ka tuloy dito sa condo kanina, gustong-gusto na kitang komprontahin at awayin! Pinigilan lang ako nila Nanay! Kulang na lang ibuhos ko sa yo yung tinimpla kong kape sa galit ko sa yo! Nakakainis ka kasi, eh. Di ka pa rin umamin na hindi si Atty Ryan ang kasama mo! Tapos parang wala lang sa yo na may nagawa kang kasalanan? Puro ka pa pa-cute! Nakakainis yun ha! Tapos may pa-kiss kiss ka pang nalalaman. Muntik na ko tuloy agad bumigay. Ano ba naman kasi ako! Kinikilig pa rin ako kahit wagas na ang galit ko sa yo! Hay naku! Masisiraan yata ako ng bait dahil sa sobrang pagmamahal ko sa yo, Sir Chief, eh. Haha! Pero buti na lang pala di kita inaway dahil kung nagkataon, mas lalong hahaba na naman ang listahan ng most embarrassing moments ko pagdating sa yo! Haay, Sir Chief ko! Kaya erase, erase, erase na yung galit ko. Wala naman palang basis para magalit ako sa yo. Hehe!

Tapos eto naman ako ngayon. Tulala at di mabura ang ngiti ko. Hindi pa rin ako maka get over kasi sa nalaman ko! Sir Chief, alam ko na sikreto mo!!! Hindi ko malaman kung matutuwa ako o maiinis kay Eman dahil nalaman ko tuloy ng di oras. Pano na lang kung bigla mo kong tanungin bukas makalawa. Pano pa ko magmu-mukhang surprised niyan? Humahaba na listahan ng atraso ni Roomie sa atin ha! Hehe. Dalawang beses na siyang naging dahilan ng naudlot na kiss natin, tapos eto na naman siya! Mukha ngang nagalit sina Nanay at Mamang kay Eman dahil nasira niya ang sorpresa mo! Sir Chief, kung nakita mo lang ako kanina! Naku, baka kinabahan ka na! Natulala lang naman ako ng sobrang tagal! Halos hindi ako makagalaw. Natakot nga sina Nanay sa biglang ikinilos ko, eh. Para talaga akong hihimatayan kanina, Sir Chief ko! Naalala ko tuloy yung nasabi ko kay Rafi last year, na baka pagdumating ang araw na magpo-propose na sa akin ang taong mahal ko eh baka himatayin ako. Mangyari nga kaya yun, Sir Chief? Abangan. Kayang-kaya mo naman akong buhatin kung sakaling mangyari yun, diba? Nakapag-practice ka na dati. Haha!

Sir Chief ko, totoo ba? Magpo-propose ka na daw? Aaaay! Ayaw pa din mag sink in, eh. Kahit na nakailang kurot na ko sa pisngi ko, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang may panibagong fairy tale na naman ako na matutupad. Ang gulo-gulo ng isip ko. Eto na naman ako! Wagas na naman ang ngiti ko pero sobra din ang takot ko. Pero medyo malapit na kong maging okay kasi nagkausap na kami ni Nanay at medyo naging panatag na ko. Alam mo Sir Chief, tinanong ko nga si Nanay, eh. Natatakot kasi ako. Parang ang sarap pakinggan, pero handa na ba ako? Hindi pa nga ako nakakapag tour around the world, eh. Hehe. Sabi ko kay Nanay nung umalis ako sa amin nun, yun lang ang laman ng isipan ko. Sabi ko pag naging flight attendant na ko, babalik ako sa ‘min o di kaya kukunin ko na sila para magkasama-sama na kami. Tapos tutuparin ko lahat ng mga pangarap namin. Sabi ko nga kay Nanay, hindi ko naman inakala na makikilala kita, Sir Chief, eh! Siyempre masaya ako nang sobra na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko, pero alam mo yun? Halo-halo pumapasok sa isipan ko.

Tama si Nanay. May mga bagay-bagay sa buhay natin na hindi kasama sa original na plano natin. Katulad nating dalawa, Sir Chief. Nang bigla tayong pinagtagpo ng tadhana, wala naman ako sa plano mo, diba? At sa totoo lang, wala ka din sa plano ko. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, diba? Fate played a trick on us! Buti na lang beautiful, romantic trick siya ha! Talagang pilit tayong pinagtatagpo. Una sa San Nicolas. Tapos sa Jones Bridge. At finally, sa airport! Ayaw tayong tantanan ng tadhana kasi siguro nga talagang tayo ang kukumpleto sa isa’t-isa. Uy, aminin mo. Kinilig ka sa sinabi ko ‘no? Kinilig din kaya ako. Haha! Haay, ang sarap alalahanin tuloy ng nakaraan natin.

Parang maniniwala na ko sa sinabi mo sa slumbook. Talagang LOVE is like a rosary, full of mysteries. Akalain mo, Sir Chief, magiging tayong dalawa pala! Parang hindi kapani-paniwala, eh! Nang umpisa ang sungit-sungit mo! Matindi ang galit mo sa mundo. Pano nangyaring naging tayo, eh wagas ang pagkainit ng ulo mo at pagkairita mo sa kin dati diba? Bakit ka nga ba nanggigigil sa inis sa kin? Oo na. Alam ko na! Sabi mo nga sa slum book ni Abby eh kasi makulit ako, maingay, madaldal, sumasabat kahit na hindi kausap, mayabang, pakialamera, puro kalokohan ang nasa isip, masyadong bilib sa sarili, sinungaling, walang paninindigan, will do anything just to get her way kahit na manloko ng ibang tao! Haha! Grabe ka makahusga ha! Diba pinaimbestigahan mo pa nga ako dati at wala kang tigil na ipatawag ako sa principal’s office para pagsabihan? Sermon-holic ka kasi! Anong nangyari, Sir Chief? From being my very handsome(!), aloof boss, naging FB friends tayo, tapos na-in love, tapos ngayon may proposal pang darating? Papanong nangyari na nahulog ang loob mo sa kin? What a mystery! Totoo, Sir Chief ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na mahal mo ang isang tulad ko. Hehe.

Alam mo, Sir Chief, unang pagkikita pa lang natin sa San Nicolas sobrang kinilig na kaya ako sa yo! Hihi! Kasama mo pa nga si Stephanie nun eh. Di naman siya kagandahan, eh! Sexy lang. Haha! Nakakainis ka! Ang gwapo mo kasi, eh! Ayan tuloy, napansin kita agad. Tapos nung nagkita tayo sa Jones Bridge, pinangiti mo naman ako! Alam mo bang ang daming pangit na nangyari sa kin nung araw na yun, pero nung nakita kita, haay ayun, napangiti ako dahil sa kagwapuhan mo. Haha! Embarrassing moment #1: Nagpanggap akong pipi sa harap mo! Haay! Nakakahiya! (Pero eto seryosong tanong, di ka man lang ba nabighani sa kagandahan ko nung una mo kong nakita? Seriously, gusto ko sagutin mo ‘tong tanong ko! Tsaka wala ka man lang bang naramdaman na kilig nung una mo kong nakita? Hehe!) Tapos akalain mo, pati sa loob ng airport pinagtagpo ang landas natin? Pero grabe ka, Sir Chief ha. Muntik mo pa ko ipakulong! Mukha ba kong kidnapper? Ikaw talaga, o! Buti na lang hindi ako sensitive! Alam mo, unang pagkikita pa lang namin ni Abby ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya at siya rin sa akin. Yun pala si baby Abby ang magiging rason para magkaroon tayo ng deal at tuluyan na tayong magkakilala! Haay, Sir Chief! Siguro nga talagang meant to be tayong dalawa. Ayieee!

Our relationship started with a deal! Mas okay sana if it started with a kiss na lang, eh! Pero okay na din naman, eh. Kasi ngayon naman, tuwing bago tayo maghiwalay after every date, we end it with a kiss naman! Haha!

Alam mo, nung mga unang araw ko sa mansyon, una ko agad napansin yung katahimikan sa bahay ninyo. Tapos halos lahat sila takot sa yo. Ang daming bawal. Pati music bawal, Sir Chief? At pag kakain na, ano naman yun, nagbe-bell pa si Manang Fe para tawagin ang mga bata? Sa dining table sobrang tahimik din! Ang lungkot! Yung mga bata malayo ang loob sa yo. Ang lungkot-lungkot ng bahay mo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun kayo ng mga bata sa isa’t-isa. Akala ko talaga nun si Stephanie si Mrs. Lim. Embarrassing moment #2. Ay teka, diba napagkamalan ko si Luke na magnanakaw nung unang gabi ko sa mansyon? So yun ang embarrassing moment # 2. So #3 yung kay Stephanie? Tapos naalala mo yung nag-mermaid ako para kay Abby tapos nang nahulog ako sa pool akala ko malulunod ako? Nakakahiya yun ha. Pang-ilang TOINK moment na ba yun? Eh yun pang text ko kay Kute na na-wrong send ko sa yo? Embarrassing din yun ha! Kababago-bago ko pa lang pag-hug na sa yo ang iniisip ko! Pero siyempre yung MAJOR TOINK MOMENT ko pa rin eh yung pag-amin ko sa yo na CRUSH kita! Nakakahiya yun ha. Binuko ko ang sarili ko! Buti na lang, in love ka na pala sa kin nung mga panahon na yun!  Ang haba na pala talaga ng embarrassing moments ko pagdating sa yo! Hehehe!

Tapos nalaman ko na yung tungkol kay Alex. Na matagal na pala siyang wala. Na limang taon nang walang Mommy sina Luke. Na limang taon ng hindi nakakapagsalita si Abby. Na limang taon ka na ring nagluluksa sa paglisan niya. Kaya pala. Kaya pala galit ka sa mundo. Kaya pala ang sungit at ang suplado mo. Kaya pala ang initin ng ulo mo. Kaya pala halos wala ka ng oras sa mga anak mo. Kaya pala subsob ka sa trabaho. Nun pa lang, parang naramdaman ko na ang sakit ng pinagdadaanan mo. Nun pa lang naintindihan ko na ang mga saloobin mo. Napansin ko din na may angkin kang kabaitan. Ang sweet mo kaya kay Manang Fe! Pero ang lungkot-lungkot mo, Ser Chief! Ni hindi ka marunong ngumiti! Ibang-iba ka dun sa video ng kasal niyo ni Alex. (Sorry ha. Ikaw kasi! Lumabas ka ng principal’s office nun na di na-off yung DVD. Napanood ko tuloy!) Ibang-iba ang saya mo nung kasal mo! Yung mga mata mo nagingislap. Punong-puno ng pagmamahal para kay Alex! Kinilig nga ako para sa inyong dalawa nun, eh! Nun pa lang pinagdasal ko na sana balang araw maging masaya kang muli. Kasi ayaw kong makita kang forever na lang malungkot, eh. Nandiyan ang mga anak mo at kailangan ka nila. Kaya pakialamera na kung pakialamera, maingay na kung maingay, makulit na kung makulit, pero feeling ko dapat gawan ko ng paraan na magkaayos kayong mag-aama kahit na ma-principal’s office pa ako araw-araw! Salamat na lang at naging okay kayo! Naramdaman ko din ang saya mo nung naging okay na kayo ng mga bata.

Pero promise, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ako pala ang magbabalik ulit ng ngiti sa mga labi mo at saya sa puso mo, Sir Chief! Para kasi sa kin panaginip ka lang talaga, eh. At dahil crush na crush kita, masabihan mo lang ako ng good, very good, good morning, good night at padalhan ng smiley sa text eh sobrang saya ko na! Sobrang imposible na mapapansin mo ko at lalong imposible na mamahalin mo ko! Okay na ko na crush kita. Okay na kong panakaw na sinusulyapan ka o palihim kang inaamoy! (Hihi! Sobrang bango mo naman kasi, Sir Chief ko!). Okay na kong pinagtitimpla kita ng kape at ka-bonding ka over cups of coffee gabi-gabi. At okay na ko na nandiyan ka bilang kaibigan ko na handang makinig sa kin at tulungan ako anumang oras. Okay na okay na ko dun! Pero ikaw kasi, unti-unti mong dinagdagan yung mga kakakiligan ko, eh! Wala kang tigil sa pagdagdag sa fairy tale ko.

Una, yung mga bulaklak na para kay Rafi from Charlie. Diba binigay mo na lang siya sa kin nung pinatatapon ni Rafi? Alam mo ba, yun ang pinakaunang beses na nakatanggao ako ng bulaklak galing sa isang lalaki! (Another question Ser Chief, bakit sa kin mo binigay yung flowers, eh ang dami mo naman pwedeng bigyan like si Nikki o Abby o kahit sina Manang Fe. Bakit sa kin mo binigay yun, Sir Chief? I want an explanation! Hehe!) Tapos yung kape, Sir Chief! Alam mo bang sobrang kilig ko nung sinabi mong gusto mong ipagtimpla kita ng kape at wag kitang ipagtimpla sa coffemaker na dala ni Rafi! Feeling ko talaga nun, big winner ako! Hihi! Tapos nung sinabi mong mas lalo pang sumarap ang timpla ko, hay naku! Kilig na kilig na kilig kaya ako. Tapos sa Baguio! Ano na ngang sinabi mo dun sa babaeng nagpapa-cute sa yo na gusto kang imbitahin for dinner? “I’m sorry, I don’t want to be rude! But I’m with family!” Talaga Sir Chief, I’m family? Feeling ko talaga winner ako ng mga panahon na yun! Haay, Sir Chief, laking tuwa na ginawa mo yun, kasi medyo nainis talaga ko dun sa babaeng yun! Masyadong papansin! (Selosa pala ko! Hihi! Naalala mo pa nung na-group hug ka ni Doris at Sabel? Parang nagselos din ako nun, ah!) Tapos sinundan mo ko sa San Nicolas at kinantahan pa! Nakakakilig yun ha! Ang bait-bait mo pa talaga kasi dinala mo pa ko sa hangar para lang tulungan akong ma-familiarize sa airplane parts nung namo-mroblema ako kay Ms. Belmonte. Ang sweet din kaya nung moments natin sa eroplano, diba? (Question ulit, Sir Chief. Naisip ko lang yung hinawakan mo yung daliri ko nung nasa bench tayo nung December, tsaka yung paghawak mo sa kamay ko nung sinasara natin yung pintuan ng eroplano, aksidente lang bang paghawak yun o sinadya mo talaga?) Tapos yung naging mag-date tayo sa Valentine’s Day ng di oras? Haha! Kilig na kilig ako sa flowers at chocolates na binigay mo! Haha! Di ka pa man nanliligaw eh kilig na kilig na ko sa yo.

You are responsible for my many firsts, Sir Chief!  First to cast doubt on my integrity. First to have me investigated! First to accuse me of kidnapping and lying! Haha! First crush! First harana. First kilig hug. First kiss sa cheeks. First pepper spray. First ever flowers. First real romantic date. First ka-holding hands! First ‘I love you.’ First love. Only love! First boyfriend. First kiss sa lips. First sweet dance. First man I spent the night with. (O, wag mag-isip ng kung ano, Sir Chief ko. Ang tinutukoy ko diyan eh yung mga gabing nakatulog tayo ng magkasama sa kwarto ni baby Abby habang hinihintay natin na magsalita siya, okay? Yun lang yun! Conservative kaya ako. Haha!) At panigurado, madadagan pa yang firsts na yan, diba? Promise mo yan, ha?

Ang sarap balikan ng nakaraan. Mahigit isang taon pa lang tayong magkakilala pero posible pala yun? Pakiramdam ko ang tagal-tagal na nating magkakilala. Sa totoo lang, hindi ko na ma-imagine na wala ka at sina Luke, Nikki at Abby sa buhay ko. Mahal na mahal na mahal ko kayong lahat, Sir Chief! Ser Chief ko, hindi excess baggage ang tingin ko sa mga bata! Mahalaga sila sa kin. Kahit hindi pa tayo nun, sobrang importante na sila sa akin. Mahal na mahal ko sina Luke, Nikki at Abby. Totoo. Alam kong hindi ko mapapalitan si Alex sa buhay nila, pero yung binuksan nila ang puso nila para tanggapin ako bilang girlfriend mo, sobrang saya ko na. Totoo. Masaya ako dahil kahit pano, may konting puwang ako sa puso nila. Okay na okay na ko dun.

Ibang-iba ang mga plano ko dati. Lumuwas ako para magtrabaho sa Dubai para makatulong kina Nanay at para makaipon na rin para sa pagtupad ng mga pangarap ko. Di ko akalain na sariling kababayan ko pa ang illegal recruiter na manloloko sa kin! Buti na lang at malakas ang loob ko at hindi ako basta pinanghinaan, Sir Chief! Sa isip ko, kakayanin ko ang pagsubok na yun. Hindi lang yun ang magpapabagsak sa kin. Kaya tama ka din naman eh. Masyado akong bilib sa sarili ko. Hihi!

Minsan siguro talaga may mga masamang nangyayari sa ting buhay kasi may maganda namang kapalit. Yung di ko pagdu-Dubai, isang malaking blessing in disguise pala. Nakilala kita, ang mga bata at sina Manang Fe. Sobra-sobrang bonus kaya yun. At dahil sa yo, natupad ko pa rin lahat mga pangarap ko. Xièxiè, Sir Chief ko! The best ka talaga! Sobra-sobra ang naging suporta mo sa kin. Dahil sa yo, natulungan ko sina Nanay sa problema sa bahay, nakapag-aral ako, nakapag-OJT, nakapunta sa Baguio at sa marami pang magagandang lugar, nakapag-training sa Time Airways at naging full-fledged flight attendant! Dahil din sa yo nagkaroon ako ng kaibigan at karamay sa mga kung anu-anong iniisip ko at kung anu-anong pinoproblema ko!

Diba sabi mo, you realized you were in love with me nung sa camping pa lang and nung nag-light tayo ng lantern? Ako yata, Sir Chief, kelan? Pilit kong iniisip kasi kung kelan ako na-in love sa yo. Una nating pagkikita kinilig na ko sa yo, eh. Di ko man inamin sa sarili ko nun, siguro nagka-crush at first sight ako sa yo. Tapos di ko na lang namalayan hindi na lang pala basta crush kita, mahal na mahal na pala kita!

Ikaw naman kasi! Sobrang the best ka talaga, eh! Inamin ko lang sa sarili ko na crush na nga kita nung tumira tayo sa hotel after nung nakawan sa lumang mansyon. Kilig na kilig nga ako dun sa unan na pinahiram mo sa kin sa hotel, eh. Imagine mo, Sir Chief, nag-share tayo ng unan! Hihi! Muntik ko na ngang iuwi yung unan na yun, eh! Di mo ba napansin, kung anu-anong iwas ginawa ko sa yo nung nasa hotel tayo? Natatakot kasi ako na malaman mo na crush na kita at baka bigla mo kong paalisin ng bahay. Pero kahit anong iwas ko, bigla-bigla ka na lang susulpot. Hihi! Tapos ano ba naman yan, nakulong pa tayo sa elevator! Sobra kaya kabog ng dibdib ko nun! Narinig mo ba? Kaya lang kahit anong iwas ko, yun, nagkakabangga pa rin tayo! Destiny kasi! Hihi! Alam mo nung Summit, sobra-sobra mo kong nasaktan kasi siguro mahal na mahal na kita nung mga panahon na yun, eh. Di na siguro importante kung kelan talaga nahulog ang loob ko sa yo. Ang importante eh, eto na tayo ngayon. Sa hinaba-haba man ng prusisyon, eto na tayo, magpo-propose ka na! Hihi!

Ayan tuloy yung scrap book ko, dumadami na yung laman! Hihi! Sir Chief, pwede bang ilagay ko din sa scrap book yung kotse mo? Hihi! Ang dami na kaya na-witness ng kotse mo na mga exciting moments natin. Naalala mo pa nung una tayong magkasama sa kotse mo nung hinatid natin si Abby sa school? Asar na asar ka kaya sa kin nun kasi wala akong tigil sa kakadaldal at kakakanta. Haha! Sinong mag-aakala na magiging tayo, ano? Pati siguro yung kotse mo nagulat nung malaman niyang tayo na. Haha!

Tomorrow is another day. Tomorrow ka na ba magpo-propose, Sir Chief? Naguguluhan pa rin ako. Ano bang isasagot ko dapat sa yo? Bahala na nga si Batman! Haha! Basta alam ko, ang saya-saya ko!

*******

Ang ganda ng simula ng araw ko kanina, Sir Chief! Dahil yun sa yo! Hihi! Nung tumawag ka sa kin para mag-invite for dinner, sobra akong kinilig! Fine dining pa sabi mo, diba? Bigla tuloy akong kinabahan na today’s The Day! Tapos etong sina Roomie, lalo pang dinagdagan yung anticipation ko tuloy. Sabi ni Eman, baka ilagay mo sa food yung ring. Si Mamang naman tingnan ko daw yung baso kasi baka dun mo ilagay. Tapos pati si Nanay nakisali pa. Baka daw bigla na lang ako magulat at lumuhod ka sa harap ko. Sir Chief, kung alam mo lang buong flight ko kanina, di ka nawala sa isip ko. Kung anu-anong mga scenarios ang na-imagine ko kung pano ka magpo-propose. Haay, Sir Chief ko!

Alam mo, kanina sa airport, nung naglalakad ako papalapit sa yo, bigla na lang pumasok sa isip at puso ko na talagang mahal na mahal na mahal kita. Diba tinanong mo ko– What’s wrong? Are you crying? May problema ba? Nothing’s wrong, Sir Chief. Everything is right. Teary-eyed ako kasi sobrang perfect ng moment kasi. Para ngang bigla ko na imagine na nasa simbahan na tayo at naglalakad na ko papalapit sa yo sa altar. Haay! Ay, erase, erase muna yan. Di ka pa nga nagpo-propose, eh.

Sir Chief! Mukhang may mga nadagdag na naman sa listahan ng most embarrassing moments ko. Buti na lang tama si Rafi. Dense ka nga. Wala kang idea at all na na-embarrass ko na yung sarili ko nang paulit-ulit sa harap mo. Ilang beses nung dinner at pagkatapos dito sa may elevator sa condo. Haha!

Hay naku, Sir Chief! Nung nasa restaurant na tayo, bawat pagkain na sinerve ng waiter, pasimple kong sinisilip kung andun yung singsing. Kaya nga pati pag-nguya nung pagkain, dahan-dahan din ako. Nung dumating yung sake, diba nasamid ako? Ikaw kasi. Sabihin mo ba namang “Will you…” Akala ko tuloy, “Will you marry me” na yung itatanong mo! Yun pala, “Will you tell me about Mamang” lang. Tapos nung biglang tumawag si Liza, naku kung nakita mo lang ako, Sir Chief! Para akong mag-isang nag Easter Sunday egg hunt sa table natin sa kakahanap sa singsing. Haha! Tapos yung waiter nakadagdag pa sa kilig ko. Bigla ba naman nag-serve ng cake na may singsing sa ibabaw, Sir Chief! Akala ko talaga yun na yun! Tapos di pala para sa table natin yun. Haay! Nakakahiya, Sir Chief! Nung dumating naman yung cake para sa table natin, na-dissect ko ng di oras! Wala pa rin yung ring. Hihi!

Sir Chief, kelan mo ba talaga itatanong? Nakakapraning pala yung ganito. Tama si Nanay. Bigla na lang palang dumadating yung sagot. Alam mo, nung nakita kitang nakaluhod sa harap ko sa may elevator kanina, diba napasigaw ako ng YES. YES, SER CHIEF KO! YES! Yun na, Sir Chief! May sagot na ko. Ikaw na lang ang problema. Wala pa pala yung tanong! Hihi! Nagkatotoo tuloy yung paalala sa kin ni Kute kaninang umaga na baka sumagot agad ako kahit wala pang tanong! Nakakahiya, Sir Chief! Hihi. Buti na lang wala kang naisip na kung ano. Hihi!

Sir Chief ko, salamat ha kasi di mo basta sinukuan yung pagmamahal mo sa kin. Kahit ilang beses ako umiwas nung umpisa dahil naunahan ako ng takot at kaba, pinagtiyagaan mo pa rin ako! Mahal na mahal na mahal kita, Sir Chief ko! Dati nung nakita ko yung lubos na kasiyahan ni Rafi dahil kay Charlie, nasambit ko kay Doris na balang araw darating din ang The One for me. Di ko lang akalain na ikaw pala yun! Sir Chief ko, you’re the one for me! Hay, ang saya! Proud na proud akong sabihin na sa lahat na ikaw Sir Chief ang the one for me! Handa na kong maging Mrs. Maya Dela Rosa Lim, Mr. Lim ko!

Sir Chief, do you want to know why you are the one for me? Hihi! Truth is, hindi ko rin alam. What I know is I have so much love, faith, respect and admiration for you. Totoo! My heart is overflowing with love for you. Sobra! Ikaw si Superman para sa kin kasi the best ka talaga! Kahit gano ka ka-busy you always make time for me and for your kids, without neglecting your responsibilities at work. Ibang klase ka kasing magbigay ng importansya sa mga taong mahal mo. And thank you for inspiring me. Marami sigurong rason kung bakit ikaw ang The One for me pero ayoko nang isipin yun. Basta alam ko lang, mahal na mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko yung buong pagkatao mo, kasama na ang nakaraan mo, ang mga anak mo, mga pangarap at plano mo sa buhay, at lahat ng taong mahalaga sa yo. Buong-buo ang pagmamahal ko sa yo, Sir Chief! Ang saya ko kasi damang-dama ko rin kung gano mo ko kamahal! Thank you for coming into my life! Hindi ko na ma-imagine na wala ka sa buhay ko, Mr. Richard Lim!

Tama ka. I’m also glad we didn’t give up. Ngayon, kahit ano pang mangyari at kahit sino pang kumontra, promise ko, hinding-hindi na ko mawawala sa tabi mo! Sasamahan kitang ipaglaban ang relasyon natin! (Pero wala na naman sigurong kokontra pa, ano? Lalo na okay na tayo kay Nikki, kay Mama mo at kay Papa mo!) Handa na kong bumuo ng mga bagong pangarap kasama ka at ang mga bata! Handang-handa na kong harapin ang bukas na kasama ka.

Ibang klase ka naman talaga kasi! Ikaw ang the best talaga! Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buhay ko. I love you, Sir Chief ko! Sobrang excited na ko na makasama ka habang buhay, at maging isang pamilya tayo kasama nina Luke, Nikki, Abby at ang mga future babies natin! Ayie! Sino kayang magiging kamukha ng mga magiging babies natin? Sana kamukha mo sila lahat! I love you, Sir Chief! I look forward to spending the rest of my life with you!

Sir Chief, hindi ko alam kung kelan mo balak mag-propose, pero isa lang ang alam ko. Magtanong ka man sa kin bukas, next week, next month o next year, alam ko na yung isasagot ko. YES!!! I love you ng sobra sobra, Sir Chief ko! Ready na ko to spend my whole with you!

Eto na naman ako. Hindi na naman ako makalma. Mababaliw na yata ako. Di na naman ako makatulog, Ser Chief! Ikaw at ikaw lang an nasa isip ko ngayon. Naku, dapat tanungin mo na ko ha at kung hindi baka ganito na lang ako gabi-gabi.

Good night, Sir Chief ko! Dream of me, okay?

Love,
Maya❤

EPILOGUE

*Dialogues quoted verbatim from BCWMH episode dated September 3, 2013

Inside the CRUISE SHIP

Richard: Maya

Maya: Sir Chief, ang bongga naman ng dinner meeting na ‘to. Grabe sa effort ha? Asan ang iba?

Richard: There is no dinner meeting, Maya.

Maya: (Gives Richard a questioning look.)

Richard: Alam kong alam mo na. You just don’t know when… Well, tonight is the night.

Richard smiles at Maya and holds her gaze, as he gets down on one knee and opens the small box bearing her engagement ring.

Richard: Will you marry me?… Maya?… Maya?

Maya: YES!

Richard: Yes! Thank you. (Gets up…)

Maya: (giggles as she covers her mouth)

Richard: Ang tagal mo naman mag-isip.

Maya continues giggling.

Richard: It was worth the wait.

Richard puts on her ring, kisses her hand, and hugs her as they dance to the soft strains of The Way You Look Tonight.

Maya: Sir Chief, pa-picture tayo.

Richard: Sure… Waiter, pwede pakikuhanan kami ng fiancée ko.

Richard: You know, I’d never forgive myself kung makaalis na ‘tong barko at wala pa rin sa kin yung singsing.

Maya: Ba’t naman kasi sa lahat ng bagay na makakalimutan mo, yung singsing pa?

Richard: I don’t know. I thought it was in my pocket. Kaya lang sila Mama were fussing over my clothes bago ko umalis.

Maya: Sinisi mo pa Mama mo?

Richard: No, of course not. She saved the day. Anyway wag ka masyadong magpapabusog ha. May late dinner pa tayo sa bahay.

Maya: Hmm?

Richard: Naghanda si Mama to celebrate. Andun din si Nay Teresita tsaka si Mamang.

Maya: Talaga? Eh pano kung hindi pala ko umo-o. Anong ise-celebrate?

Richard: I knew you’d say yes.

Maya: (smiles) Nakakainis ka talaga. (Checks out her ring)

Richard: You like it?

Maya nods.

Richard: We were finalizing the design when you saw me with her sa coffee shop.

Maya looks down, smiling shyly.

Richard: What made you think I’d do that?

Maya: Ewan. Hindi ko alam kung ano iisipin, eh. Sorry.

Richard: It’s okay. Nagseselos ka. I like that.

Maya: Di na mauulit yun.

Richard: Hahahaha!

Maya: Sir Chief? (Cups Richard’s face). Totoo naman ‘to, diba? Pero bakit parang panaginip pa rin.

Richard: (Cups Maya’s face and kisses her forehead). Does that feel real enough for you?

Then hey hug.

Maya: Tay, ikakasal na po ako.

Nanay Teresita: Arturo, ikakasal na yung anak mo.

Richard: Nay

Nanay Teresita: Nak

Maya: Nay (hugs Nanay Teresita)

Richard gives Manang Fe a hug.

Donya Esmeralda: Napag-usapan na din namin yan ni Conchita. Mamamanhikan na tayo next weekend.

Richard: Aba, may date na kayo ha.

Don Roberto: Ricky, kung pababayaan mo ang mama mo, bukas na bukas kakasal ka na.

Abby: Ate Maya, my dream came true. Magiging mommy na kita!

Maya: (hugs Abby)

Nikki: Ate Maya, you don’t know how happy I am today.

Luke: Naku, Ate Maya. Kaninang umaga pa yan paggising niya excited na excited.

Maya: (hugs Nikki)

Luke: Ako Ate Maya, masayang-masaya ako dahil ikaw ang magiging asawa ni Dad.

Maya: (hugs Luke)

Donya Esmeralda: Call me Mama.

Don Roberto: Welcome to our family, Maya.

Richard: (rests his left hand on Maya’s left shoulder) Pa, she’s cried enough tears for one day.

Richard: Di ka pa ba inaantok?

Maya: (shakes her head)

Richard: You should get some rest. Maghahatid pa tayo bukas kay Nanay.

Maya: (smiles) Nanay?

Richard: You think she’ll mind if I call her that?

Maya: (shakes he head). Pwede bang dito muna ko?

Richard: I’d love that, pero baka hanapin ka na ni Mamang tsaka ni Nanay.

Maya: Alam mo, ang saya-saya ko ngayon. Hmm. Ikaw?

Richard: Of course. I can’t wait to spend my whole life with you.

Richard and Maya hug each other tight, then they kiss on the lips, and then hug each other some more.

Their journey to their happy ever after continues…

(Submitted: September 3, 2013)

*******

Allow me to give credit to BCWMH TV show’s brilliant writers as some lines and scenes from this letter were taken from the series.  Thank you.

8 thoughts on “Sir Chief Is The One

  1. Pingback: Wala nga bang ‘forever’? | Defying The Laws of Physics

  2. Pingback: Letters (15): From Papa with Love | Excess Baggage

  3. Pingback: Why Maya is the One – Part 2 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s