Yo Soy Maya La Fea – Parts 7 & 8

Admin Note: *Contributed Story* Please give credit and thanks to CorUnum. This is a continuation to Yo Soy Maya La Fea – parts 4-6.


A/N: Dear EB readers… this is the latest in my new fanfic… Hope you enjoy. Pasensya na po kung natagalan. Na-hospitalize po kasi ang little sister ko at ako ang nagpaka-nurse sa kanya… Anyway, she got discharged kahapon kaya ngayon, eto na ang karugtong… hope you still enjoy this! Thanks… -CorUnum

 

Author: CorUnum

 

~*~

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 7:

NALILITO ANG PANGIT!

 

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Bentang-benta ang replay button sa utak ko — ang pagpasok ni Sir Richard sa opisina, ang pagngiti n’ya na lalo pang nagpagwapo sa kanya, ang pagbibigay n’ya sa’ken ng long-stem rose, ang pagyaya n’ya sa’ken na lumabas, ang pagtanggi ko at ang disappointment na nakita ko sa kanyang mga mata… at higit sa lahat, ang pagbabago ng facial expression n’ya… ang unti-unti… ang slow motion na pagngiti n’ya muli nang sabihin kong next time ay lalabas akong kasama s’ya. Sa huli n’yang sinabi, it seemed like umaasa talaga s’yang papayag akong lumabas na kasama n’ya… “I’d count on that, MAYA… I’ll hold you to your word…” MAYA… Tinawag n’ya akong Maya… parang nag-iba ang tunog ng pangalan ko nang sabihin n’ya…parang biglang naging special… Naku, Maya! Inlababo ka na yata sa boss mo!

 

Maaga pa rin naman akong nakapasok sa opisina… 7:30AM ako nag-time in… pero parang lutang ang pakiramdam ko… Ano ba yan, Maya?… ang unhealthy ng epekto sa’yo ni poging singkit! May kumatok sa pintuan. Tumayo ako at nang pagbuksan ko, isang lalaki ang napasigaw ng “Ay!” at napaurong pa nang makita ako. Asar lang… pero sa tinagal-tagal na ng panahon, nasanay na ako sa mga ganoong klase ng reaksyon. “Yes, what can I do for you sir?” “Ah… h-hi… I’m Ryan. Ah, Ryan Sandoval.” Sandaling napatitig si Mr. Sandoval sa akin. Parang biglang s’yang may na-realize at napa-ngiti s’ya ng kakaiba. “You must be Maya, the new accountant.” “Yes sir, I am. Is there anything you need? Kindly step inside the office.” “Oh, thank you.” Parang nakakalokong tumingin itong si Mr. Sandoval. “Ah, nandyan na ba si Richard?” “Wala pa po Sir. But if you’re willing to wait, he’d be here in about thirty minutes.” “Hindi na lang. May itatanong lang sana ako sa kanya.” Muli, ngumiti nanaman s’ya ng kakaiba.

 

“Would you like to leave a message?” “So, multi-tasking ka pala. I mean accountant-slash-secretary.” “I just make sure that I’m worth every dime I’m paid for sir. Ayokong malugi sa akin ang company na nag-hire sa akin.” “He’s actually right. You are efficient!” “What was that sir?” “Nothing. I err, I just remembered something. Sige Maya. Just tell Richard I dropped by.” “I will sir.” “You have no idea how happy I am to have met you.” Sabi n’ya habang ine-extend ang kanyang kamay for a handshake. Ang weird yata nitong si Mr. Sandoval… I took his hand… pero ‘di gaya ‘nung kinamayan ako ni poging singkit, walang kuryenteng dumaloy sa’ken. Ngumiti lang ako sa kanya. Paalis na si Mr. Sandoval nang makita n’ya ang long-stem rose na ginawa kong display sa table ko. Ito ang bulaklak na ibinigay sa akin ni poging singkit. Nabawasan na ito ng isang petal dahil pinitas ko kahapon para isipit sa diary ko. “That’s a nice accent to decorate with.” Siguro dahil na rin sa may koneksyon ang bulaklak kay pogi, nag-on nanaman ang reaction formation mode ko. Kaya ngumiti lang ako sabay sabing “Thank you.”

 

Sinundan ko ng tingin si Mr. Sandoval habang lumalakad s’ya paalis. Napabuntong-hininga ako. Natuon ulit ang pansin ko sa long-stem rose na bigay ni poging singkit. Tinapik-tapik ko ang pisngi ko. “Maya, awat na. Tama na ang kakaisip d’yan sa boss mo. Kumokota ka na sa pagka-aligaga! Wala lang naman ‘yung  pagbibigay n’ya sa’yo ng bulaklak at pag-aaya sa’yong lumabas… sabi nga n’ya dahil lang ‘yun sa first week mo dito sa opisina… ‘wag kang feeler Maya!” Naku ano ba ‘yan? Pati sarili ko kinakausap ko na rin! Ano ba naman! Nalilito ako! Ipinikit ko ang aking mga mata sa effort na burahin sa utak ko si Richard Lim. Nang biglang… “Maya!” “Ay kabayo!” Gulat na sabi ko… pero pagtingin ko, nahintakutan ako dahil si Sir Richard pala ang tumatawag sa akin. Napasimangot si Sir Richard pero in fairness, gwapo pa rin s’ya… “N-naku, Sir, I’m sorry… hindi po kayo kabayo!” Napa-iling na lang si pogi.

 

“I’m really sorry sir. I guess it’s just lack of sleep.” Sabi ko… habang sinasabi ko ito sa kanya ay nananalangin ako sa Diyos na hindi n’ya narinig ang mga pinagsasabi ko kanina… “Are you OK? Do you feel sick?” Sabi ni poging singkit habang akmang aalalayan ako… Eto nanaman… nag-ala-Volta nanaman ako… nakuryente nanaman ako sa hawak ni poging singkit! Kaya tinabig ko ang kamay n’ya. Mukha nanamang na-disappoint si pogi.

 

“Maya, are you mad at me?” “Po? Naku hindi po ako galit.” “The way you act towards me kasi… parang… parang ayaw mo sa’ken.” OK, so effective ang reaction formation ko… ipagpatuloy! “Naku, sir. Hindi naman po. Bakit ko naman po kayo iiwasan?” Dahil baka hikain ako kahit wala akong hika kapag tumititig ka sa’ken. Baka malaglag ang puso ko kapag ngumingiti ka… baka hindi ko mapigilan at yakapin kita! “I don’t know… kaya nga I am asking you if you’re angry with me.” “Hindi po talaga sir. Hindi po ako galit sa inyo.” “In fact, crush na crush ko nga kayo… litong-lito na nga ako… hindi na nga ako makatulog at natotorete na talaga ako! “Prove that to me. Go out with me, Maya.” OK, siguro naka-on ang seduction mode ni poging singkit… ang lagkit makatitig! Halos i-corner ako sa wall…. Lord, tulong! Nakakamatay ang kagwapuhan ng lalaking ito! Sobrang uncomfortable na ng feeling ko. Nanalangin ako uli at this time, ipinanalangin kong hindi n’ya mahalatang wala na ako sa katinuan… siguro nag-ba-blush na rin ako… sana hindi n’ya mahalata. At sana hindi n’ya marinig ang dagundong ng puso ko!

 

ANO ITO??? Nang nakasandal na ako sa wall, at trapped na ako dahil sa pagkaka-corner sa’ken ni pogi, inalis n’ya ang salamin ko at unti-unti n’yang inilalapit sa akin ang mukha n’ya… shet! Hahalikan n’ya ba ako???? Nagra-riot na ang utak ko. Gusto ko s’yang itulak pero parang hindi sumusunod ang katawan ko sa utak ko… Na-frozen yata ako. Diyos ko! Diyos ko! Hindi na po ako makahinga! Iligtas n’yo po ako sa ubod ng gwapo at bangong tukso! At nang malapit na ang mukha n’ya sa mukha ko to the extent na ramdam ko na ang hininga n’ya, biglang nag-ring ang phone ko! Salamat po Lord!!!! Saved by the phone!

 

Mukhang na-frustrate yata si poging singkit. Parang narinig ko pa ngang nagsabi s’ya ng “Damn it!” Mabilis kong sinagot ang cellphone ko. “Hello? Oh, Simon? Mamaya? Saan? Oo ba… pero magpapaalam muna ako kina Tatay. Talaga? Kailan mo ako ipinagpaalam?” Napangiti ako. Hindi ako nakatingin kay poging singkit pero ramdam kong nakatingin s’ya sa akin. Kasalukuyan kong kausap si Simon, ang kababata at best friend ko. Tumawag s’ya para ayain akong manood ng sine. Pareho naming paborito ang palabas. Nakakatuwa si Simon dahil kilalang-kilala n’ya ako. Alam n’yang hindi ako umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang ko, kaya naipagpalam na raw n’ya ako. “Sige Simon. Salamat! Kita na lang tayo mamaya.” Ibinaba ko na ang phone ko. Nakasimangot na sa akin si poging singkit. Parang lalong naningkit ang chinito n’yang mga mata sa pagkaka-simangot n’ya.

 

“Who was that?” Tanong n’ya na parang tanong boyfriend lang ang peg. Ano bang pakialam n’ya? Nakakainis na s’ya ha! Pati ako idadamay n’ya sa pagiging palikero n’ya… hmmm…. Tama! Para tigilan na n’ya ako, nagkaroon ako ng bright idea. “I’m sorry sir. But first, I’d like to ask for my glasses back.” Panimula ko habang kinukuha sa kanya ang salamin ko. “That was Simon. My… ah, suitor.” “I beg your pardon?!?!” “Suitor po. Manliligaw ko po sir.” “May manliligaw ka?!” “Sir, I may not have the looks but I do have the wits, which other men could find attractive. Now, if you’ll excuse me. I have work to do… By the way sir, about your invitation po to go out, sorry po pero manonood po kami ni Simon ng sine… Sige po sir, excuse lang po.” Hay salamat! Nakawala rin kay poging singkit! Akala ko mauutas na ako sa kilig deep inside! Naku, salamat best friend! Maiilibre kita ng pop corn!

 

           

 

YO SOY MAYA LA FEA Part 8:

NALILITO ANG SINGKIT!

 

‘Ni hindi man lang kumatok si Richard. Nagulat si Ryan sa biglang pagbukas ng pinto ng opisina n’ya. “Brod?” “She’s got a date!” Pagalit na sabi ni Richard. “Ha?” Nagtatakang tanong ni Ryan. “She’s got a freaking movie-date!” Naramdaman ni Ryan na ang pag-uusapan nila ay personal. Pinaalis n’ya muna ang sekretarya n’ya. “Umupo ka nga muna brod. Ano bang problema at umuusok ka yata sa galit? Sino bang may date?” “Si Maya! May date si Maya!”

 

“Ha? Sinong ka-date?” “Si Simon daw.” “Sino ‘yun?” “Some suitor.” Sa pagkakataong ito, natawa si Ryan. “Bakit ka tumatawa? Pissed off na nga ako, tinatawanan mo pa ako.” “Eh kasi naman. Nakakatawa ang reaction mo. Akala ko naman kung ano na. Pustahan lang naman ito ‘di’ba? Ganito na lang. Since talo ka at mukhang hindi mo ma-take ang katotohanang wala talagang gusto sa’yo ang accountant mo, ‘wag na lang nating ituloy ang consequence. I won’t drive your BMW. Oh, OK ka na?” “No! I’m not OK! This is not just about the bet! This is not even about the car! This is about…”

 

Napatigil si Richard.  Tungkol nga ba ito saan Richard? Ano bang ipinuputok ng tumbong mo? Ano naman ngayon sa’yo kung may ibang ka-date si Maya? Ano naman kung parang ‘ni ayaw n’yang hawakan mo s’ya? Eh ano naman ngayon kung hindi natuloy ang paghalik mo sa kanya kanina? Mabuti ngang hindi natuloy ang paghalik mo kasi baka magka-hemorrhagic fever ka kung natuloy ‘yun!  Magulo na ang utak ni Richard. Parang kahit anong pag-assure n’ya sa sarili n’yang OK lang ang lahat, sa loob-loob n’ya ay hindi OK…

 

At biglang na-imagine n’ya ang mga mata ni Maya nang alisan n’ya ito ng salamin. Tama ang hinala n’ya… napaka-ganda nga ng mga mata ni Maya… parang may magnet! Parang may… magic! Napailing si Richard. Na-bother s’ya sa naiisip n’ya… If this wasn’t just about the bet, then what is this about??? “Brod, may gusto ka bang pag-usapan nang seryoso?” Nag-aalalang tanong ni Ryan. Tumingin si Richard sa kanyang kaibigan. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Hindi n’ya alam kung ano ang kanyang nararamdaman.Dalawang bagay lang ang alam lang niya. Una, ngayon lang s’ya nakaramdam ng ganito. Pangalawa, hindi s’ya patatalo kay Simon. Itutuloy pa rin n’ya ang balak n’yang pag-porma kay Maya dahil….dahil sa pustahan! “Brod, hang on to the bet. Hindi pa naman tapos ang one week ko, ‘di’ba? I can assure you that before the week is over, Maya is head-over-heels in love with me.” Pagdedeklara ni Richard. Paglabas n’ya ng opisina ni Ryan, pakiramdam n’ya ay sobrang determinado n’ya — para s’yang isang sundalong nasa misyon. Nalilito pa rin s’ya kung bakit n’ya itutuloy pa ang pustahan. Sa totoo lang naman ay walang kaso sa kanya kung –drive ni Ryan ang BMW n’ya ng kahit ilang buwan. May Mercedes Benz at Audi pa s’ya.

 

“Humanda ka Maya. Ikaw pa lang ang tumanggi sa akin ng ganito. Makikita mo… mamahalin mo ako, Maya dela Rosa!” Nanggigigil na pagdedeklara ni Richard.

 

ITUTULOY…     

 

25 thoughts on “Yo Soy Maya La Fea – Parts 7 & 8

  1. i missed this story on its original posting, so i just completed my reading from the start… ang dami kong tawa, makaaliw…. i hope the next chapters will soon be released…. thanks girl…

  2. Pingback: Yo Soy Maya La Fea – Parts 9-11 | Excess Baggage

Whatcha think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s